lesson 5

5
ARALIN 5: Part I - BATAS NATURAL BATAS NATURAL Ang pangunahing moral na batas kung saan ang Diyos ay inilagay sa katauhan ng tao at kung saan naman ay matutuklasan natin sa pamamagitan ng dahilan; ito ay isinulat sa puso ng mga tao, at kanyang pinaka- pangunahing prinsipyo ay “gumawa ng mabuti at umiwas sa masama”; halimbawa – pagpatay, pagnanakaw, at pagsisinungaling ay mali. Ang matalino at walang katapusang nag-aayos ng control sa kalawakan na kung saan ay matahimik nitong pinanatili at ginagabayan ang ebolusyon ng lahat ng mga bagay-bagay. MGA SULIRANIN NA KAAKIBAT KAPAG NILABAG ANG BATAS NATURAL SA ATING LIPUNAN * pag-aalala (stress),kabiguan, pagkakasakit, krimen, pag-aaway, at lahat ng mga uri ng “negativity”na sumisira sa ating lipunan. NATURALISMO – Pagpapanatili ng likas na kabaitan at kabutihan ng isang indibidwal at pagbuo ng isang lipunan ayon sa pagkilala sa likas na karapatan ng mga tao. Mga halimbawa: Demokratiko at pandaigdigang edukasyon – karapatan ng mga kabataan na mabigyan ng libreng edukasyon mahirap man / mayaman. Moral na pag-uugali – Turuan ang kabataan tungkol sa moral na pag-uugali sa natural na pamamaraan. Kapag ang isang bata ay palaaway marami ang iiwas sa kanya kaya tuloy wala nang makikipaglaro sa kanya, ayaw niya itong mangyari kaya naman magbabago na siya ng ugali upang bumalik ang kanyang mga kaibigan. Katalinuhan – Dapat ang tao ay makuha niya ang kanyang kaalaman sa natural na pamamaraan katulad ng paggamit niya ng kanyang mga pandama. (observation, investigation, & experience >>> supposition, interpretation, & conclusions) Relihiyon – Dapat matutuhan ng tao ang tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng senyales mula sa kalikasan / natural na kagustuhan nito, malaya siyang makapagbigay ng sariling pananaw ukol dito. BATAS NATURAL NA MAY KINALAMAN SA PAGLAKI NG ISANG NILALANG 1.) Infancy (kamusmusan) - Ito ay edad mula pagkapanganak hanggang 5 taong gulang. Dapat sanayin ang bata sa pag-iwas sa mga bisyo at kanyang isipan laban naman sa mga pananakot. Wala pang kakayahan ang bata sa edad na ito na makapag-isip ng tama. 2.) Childhood (bagets) - Ito ay edad mula 5 taong gulang hanggang 12 taong gulang. Ito ang pinaka-kritikal na panahon sa buhay ng isang tao, ang bata ay katulad ng isang hayop kung ang pag-uusapan ay may kinalaman sa mga kadahilanan. Hindi nya pa matatalos ng ganap ang kaibahan ng moral sa imoral na pag-uugali. Kahit hindi mo turuan ang bata na magsulat / mag-basa dapat ay may matuto sya sa sarili nyang pagkukusa. 3.) Boyhood (pagbibinatilyo) - Ito ay edad mula 13 taong gulang hanggang 14 taong gulang. Tinatawag ang edad na ito na “Age of reason”, kung saan ay unti-unting na siyang namumulat sa mga kadahilanan ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid. Kung dati ay balewala sa kanya ang pag-aaral/ pagkatuto ay nagnanais na siya nito ngayon. Nagsisimula na ngayong makilala niya ang kapakinabangan ng kaalaman.

Upload: marmato

Post on 16-Sep-2015

13 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

esp

TRANSCRIPT

ARALIN 5: Part I - BATAS NATURAL

BATAS NATURAL Ang pangunahing moral na batas kung saan ang Diyos ay inilagay sa katauhan ng tao at kung saan naman ay matutuklasan natin sa pamamagitan ng dahilan; ito ay isinulat sa puso ng mga tao, at kanyang pinaka-pangunahing prinsipyo ay gumawa ng mabuti at umiwas sa masama; halimbawa pagpatay, pagnanakaw, at pagsisinungaling ay mali.

Ang matalino at walang katapusang nag-aayos ng control sa kalawakan na kung saan ay matahimik nitong pinanatili at ginagabayan ang ebolusyon ng lahat ng mga bagay-bagay.

MGA SULIRANIN NA KAAKIBAT KAPAG NILABAG ANG BATAS NATURAL SA ATING LIPUNAN

* pag-aalala (stress),kabiguan, pagkakasakit, krimen, pag-aaway, at lahat ng mga uri ng negativityna sumisira sa ating lipunan.

NATURALISMO Pagpapanatili ng likas na kabaitan at kabutihan ng isang indibidwal at pagbuo ng isang lipunan ayon sa pagkilala sa likas na karapatan ng mga tao.

Mga halimbawa: Demokratiko at pandaigdigang edukasyon karapatan ng mga kabataan na mabigyan ng libreng edukasyon mahirap man / mayaman.

Moral na pag-uugali Turuan ang kabataan tungkol sa moral na pag-uugali sa natural na pamamaraan. Kapag ang isang bata ay palaaway marami ang iiwas sa kanya kaya tuloy wala nang makikipaglaro sa kanya, ayaw niya itong mangyari kaya naman magbabago na siya ng ugali upang bumalik ang kanyang mga kaibigan.

Katalinuhan Dapat ang tao ay makuha niya ang kanyang kaalaman sa natural na pamamaraan katulad ng paggamit niya ng kanyang mga pandama. (observation, investigation, & experience >>> supposition, interpretation, & conclusions) Relihiyon Dapat matutuhan ng tao ang tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng senyales mula sa kalikasan / natural na kagustuhan nito, malaya siyang makapagbigay ng sariling pananaw ukol dito. BATAS NATURAL NA MAY KINALAMAN SA PAGLAKI NG ISANG NILALANG

1.) Infancy (kamusmusan)

- Ito ay edad mula pagkapanganak hanggang 5 taong gulang. Dapat sanayin ang bata sa pag-iwas sa mga bisyo at kanyang isipan laban naman sa mga pananakot. Wala pang kakayahan ang bata sa edad na ito na makapag-isip ng tama.

2.) Childhood (bagets)

- Ito ay edad mula 5 taong gulang hanggang 12 taong gulang. Ito ang pinaka-kritikal na panahon sa buhay ng isang tao, ang bata ay katulad ng isang hayop kung ang pag-uusapan ay may kinalaman sa mga kadahilanan. Hindi nya pa matatalos ng ganap ang kaibahan ng moral sa imoral na pag-uugali. Kahit hindi mo turuan ang bata na magsulat / mag-basa dapat ay may matuto sya sa sarili nyang pagkukusa.3.) Boyhood (pagbibinatilyo)

- Ito ay edad mula 13 taong gulang hanggang 14 taong gulang. Tinatawag ang edad na ito na Age of reason, kung saan ay unti-unting na siyang namumulat sa mga kadahilanan ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid. Kung dati ay balewala sa kanya ang pag-aaral/ pagkatuto ay nagnanais na siya nito ngayon. Nagsisimula na ngayong makilala niya ang kapakinabangan ng kaalaman.

4.) Adolescence (pagbibinata/pagdadalaga)

- Ito ay edad mula 15 taong gulang hanggang 20 taong gulang. Sa edad na ito ay napagtatanto ng tao na hindi siya puede mabuhay ng mag-isa, kailangan niyang makihalubilo sa iba. Ang kanyang sekswal na pagnanasa ay tumitindi. Ang kanyang kakayahan na mag-imagine, magbigay ng ideya, at magdahilan ay umuunlad ng mabilis.

MGA PANAHON NG PAGIGING BATA NI GINOONG JACK

Simula sa kamusmusan hanggang sa pagbibinata ni ginoong jack ay pinalaki siya ng kanyang inang si Inday sa pamamaraang natural kung saan ang bata ay binibigyan ng edukasyon/pagkatuto ayon sa batas natural na pag-unlad ng tao na malaya sa anumang mga artipisyal na pamamaraan.

Sa kabila ng kahirapan at kakapusan sa buhay noong pagiging bata ni ginoong jack ay nagawa niyang maging masayahin at napaka-aktibong bata na nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan sa kanilang lugar. Kadalasan ay nagtutungo siya sa malalayong lugar kasama ang mga kalaro na lingid na sa kaalaman ng kanyang ina.

Hindi nya pa natatalos ng ganap ang kaibahan ng moral sa imoral na pag-uugali kaya madalas noong panahon na ito ay puro imoral na pag-uugali ang kanyang ikinikilos. Kaya naman kaunting asar lang sa kanya ng mga kalaro madalas ay nakikipag-away na ito. Dahil dito madalas ay pinagkakaisahan siya ng kanyang mga kalaro upang pag-tripan. Ayaw niyang mangyari ito kaya naman ay magbabago na siya ng kanyang ugali upang bumalik ang kanyang mga kaibigan.

Kahit hindi siya masyadong tinuruan ng kanyang ina na magsulat / mag-basa ay natuto sya sa sarili nyang pagkukusa.Unti-unti ay namulat siya sa mga kadahilan ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid / realidad ng kahirapan sa buhay. Kung dati ay balewala sa kanya ang pag-aaral/ pagkatuto ay nagnanais na siya nito ngayon dahil sa unti-unting pagkamulat sa kahirapan ng kanilang buhay. Nagsisimula na ngayong makilala niya ang kapakinabangan ng kaalaman.

Dahil sa pagkamulat nito sa realidad kahirapan ng buhay ay nagsimula na siyang mag-aral ng husto hanggang sa matapos niya ang kanyang high school & college life na kung saan ang kanyang natural na kakayahan na magbigay ng ideya, mag-imagine, at magdahilan/mag-isip ay umunlad ng mabilis.

Mga katanungan:

1. Sa paanong pamamaraan pinalaki si jack ng kanyang ina?

2. Sa iyong palagay, ano kaya ang kaibahan ng batas natural sa artipisyal na batas?

3. Nararapat bang idiin/masisi si jack sa kanyang mga imoral na pag-uugali noong siya ay bata pa?

4. Bakit kung dati ay balewala sa kanya ang pag-aaral/pagkatuto ay nagnanais na siya nito ngayon?

5. Anu-ano ba ang kapakinabangan ng pagkakaroon ng kaalaman kung bakit nagporsige si jack na mag-aral ng husto?

ARALIN 5: Part II - BATAS NG LUMIKHABATAS NG LUMIKHA

Ang batas ng lumikha ay nagtuturo sa atin kung paano tayo mabuhay ng may tamang pakikipag-ugnayan sa Diyos kung paano mahalin ang Diyos at ang ating kapwa. Ang kaalaman sa batas ng lumikha ay magdadala sa atin sa malinis na budhi/konsensya. Ang moral na batas na nagmula sa kalayaang loob ng maykapal; kabilang sa batas ng lumikha ay ang batas natural at ang ipinahayag na batas (revealed law). IPINAHAYAG NA BATAS

Batas na ibinigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ni Moses sa lumang tipan, at si Hesus sa bagong tipan. Hal. 10 Utos ng Diyos, Ang diborsyong ipinagbabawal ni Hesus.KONSENSYA / BUDHI

Ang kakayahan ng tamang paghusga ng tama sa mali na ayon sa ating natutunan mula sa pananampalataya at kadahilanan.Ano ang tatlong uri ng batas ng Diyos?

1. Mahalin mo ang Diyos2. Mahalin mo ang iyong sarili3. Mahalin mo ang iyong kapwa na higit pa sa pagmamahal mo sa iyong sarili

Ang pagsuway sa mga batas ay ang lumalaking suliranin sa buong daigdig: sa silid-aralan, opisina, tahanan, at pagawaan ang malungkot pati sa mismong simbahan! Maraming mga Kristiyano ang sa tingin nila ay mali na ang itinuturo ng santo papa na ang batas ng lumikha ay luma na at ang 10 utos ay isang bagay lamang ng nakalipas. Ang napakalaking haka-haka na ito ay kasalukuyang nagdudulot sa hindi pagsunod sa mga batas sa ating lipunan. Mismong ang simbahan na kadalasan ang sumusuway sa mga batas at ang karahasan ay lumalawak sa lipunang ating ginagalawan.

Ang katotohanan: Ang batas ng lumikha ay kinakailangan. Tinutukoy nito ang mga kasalanan. Binabago nito ang kaluluwa. Ito ang nagdadala sa atin patungo kay Hesus. Kapag wala ang batas ng lumikha walang makakaalam kung ano ang tama at mali lalong lalo na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa sekswal na mga bagay-bagay. Lahat ng mga batas ng lumikha ay perpekto ang bawat isa.

Ang batas ng lumikha ay walang-hanggan. Ang mga totoong naniniwala lang ang tanging makaka-appreciate nito.

Kinakailangan pa ba ang moral na batas? Oo, kinakailangan ang moral na batas. Walang lipunan na makagagalaw ng maayos kapag walang batas at alituntunin na sinusunod. Kapag walang batas na sinusunod ay mistulang Law of the jungle ang lipunan natin. Kailangan ng lipunan natin ng mga batas at alituntunin. Kapag walang batas na sinusunod ay merong kaguluhan na nangyayari. Ang katotohanan na ito ay maaaring i-aplay sa mga kalsada, himpapawid, tahanan, silid-aralan, opisina, at pagawaan. Para maiwasan ang kaguluhan, ang batas at kautusan ay kinakailangan.

* Laganap ang takot at pangamba sa bawat sulok ng daigdig.Krimen,korapsyon, alitan, kawalang katarungan ng batas, mga kabataang lito at naliligawng landas. Lider na punung-punong pag-iimbot at mga pamilyang watak-watak. Damang-dama ang kawalan ng kasiyahan sabuhayng tao.

Nasaan ang kasagutan sa ganitong kabutihan?

Oo, maysolusyonang bawatproblema. Muli nating balikan, pahalagahan at sundin angtunayna batas. Ang batas ngnagbibigayng kapahingahan,direksyonat kaligayahan sa bawat puso ng tao ang batas ng Diyos.

Isapuso natin ang kanyang salita. Ang kapahayagan sinabi Niya sa aklat ni Juan 15:12 Ito ang Kanyang utos Mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig Ko sa inyo. Walang hihigit pa sa pag-ibig ng isang taongnag-aalaysa kanyangbuhaypara sa kanyang mga kaibigan. Kung susundin ng bawat isa ang kanyang itinakdang batas, maghahari ang pagbibigayan, pagkakaisa, pagkakaunawaan, pagtutulungan at katapatan ng bawat isa sa kanyang lipunang ginagalawan anuman ang kalagayan niya sabuhay, kabataan, magulang, guro, doktor,nars,prinsipal,akawntang, sundalo,dyanitor, senador, kongresmanat magingikawman ang preesidente ng bansa.

Panahon na upangpagnilay-nilayinat tuparin ang batas ng Diyos nang sa gayoy makamit natin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, dedikasyon at pagmamalasaki sa ating kapwa, pamilya, lipunan at sa ating inang-bayan.

Ang paghamon ay nasa inyong mgakamay.

Kung gusto mong mabuhay ng may tamang pakikipag-ugnayan sa Diyos, panatilihin mo lang ang mga kautusan. (Mateo 19:17)

ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

1. Ibigin mo ang Diyos ng lalo at higit sa lahat. (Love God above all else).

2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan. (Do not worship false gods).3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath. (Obseve the day of the Sabbath).4. Galangin mo ang iyong ama at ina. (Respect your father and your mothers).5. Huwag kang papatay. (Do not kill).6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. (Do not commit adultery).7. Huwag kang magnakaw. (Do not steal).8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling. (Do not make accusations and do not lie).9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari. (Do not covet what is not yours).10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa. (Do not covet your neighbor's spouse