lesson 4

4
Aralin 4 – Responsableng Paggamit ng Kalayaan Kalayaang loob – Ang kapangyarihan sa pagpili na tumutukoy sa pagnanais ng isang tao, at kilos na ginagawa base sa kagustuhan nito. Ang kalayaang loob ay napakahalaga dahil ang kalayaang loob ng tao ay isa sa pinakatanggap na aspeto / bahagi ng kahit anong isipan, kadahilan, at pagkaunawa ng nito. Isa ito sa mga bagay na nagpapakilala sa tao kung sino sila at napakahalaga nito lalo na sa “Ethics” dahil ito ang bahagi kung saan nagbibigay sa tao kung paano sila kumilos. Ang kilos na ginagawa ng tao ay maaaring boluntaryo at hindi. Paano mo ginagamit nang may pananagutan ang iyong kalayaan? MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN Ang tao ay kumikilos ng may kalayaan kung: 1. Naipakikita niya ang pagkakaiba ng tama sa mali batay sa prinsipyong etikal. 2. Sinusunod niya ang kalikasan ng taong piliin ang mabuti at umiwas sa masama. ANIM NA MGA URI NG KALAYAAN: 1.) Panloob na kalayaan (moral,amoral, & immoral) - Tumutukoy sa ating kalayaang loob na pumili ng ating ikikilos, pinaka personal na malapit, at sekreto ito dahil nakatago ito sa kaibuturan ng ating pagkatao na hindi puedeng malaman ng iba. 2.) Kalayaan sa sarili - Tumutukoy ito sa ating mga pagtitimpi, katamaran, kalungkutan, kasungitan, kamangmangan, at iba pang nararamdaman ng ating isipan tungkol sa ating sarili. - Ang layunin ng kalayaan na ito ay “hanapin ang tunay mong sarili.” 3.) Panlabas na kalayaan - Tumutukoy sa kalayaan na naimpluwensiyahan ng panlabas na salik katulad ng kalayaang pampulitikal, pangpropesyonal at iba pa. 4.) Kalayaang pampulitikal - Mga halimbawa nito ay karapatang makapagsalita ng malaya, makihalubilo sa mga taong nais, makapagmay-ari, makapagsamba, lumabas-masok sa isang bansa, maka-boto, atbp. 5.) Kolektibo / Mataas na kalayaan - kalayaan hango mula sa kagustuhan para sa kabutihan ng nakararami. 6.) Ispiritwal na kalayaan

Upload: marmato

Post on 07-Nov-2015

157 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

esp

TRANSCRIPT

Aralin 4 Responsableng Paggamit ng Kalayaan

Kalayaang loob Ang kapangyarihan sa pagpili na tumutukoy sa pagnanais ng isang tao, at kilos na ginagawa base sa kagustuhan nito.

Ang kalayaang loob ay napakahalaga dahil ang kalayaang loob ng tao ay isa sa pinakatanggap na aspeto / bahagi ng kahit anong isipan, kadahilan, at pagkaunawa ng nito.

Isa ito sa mga bagay na nagpapakilala sa tao kung sino sila at napakahalaga nito lalo na sa Ethics dahil ito ang bahagi kung saan nagbibigay sa tao kung paano sila kumilos.

Ang kilos na ginagawa ng tao ay maaaring boluntaryo at hindi.

Paano mo ginagamit nang may pananagutan ang iyong kalayaan?

MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN

Ang tao ay kumikilos ng may kalayaan kung:

1. Naipakikita niya ang pagkakaiba ng tama sa mali batay sa prinsipyong etikal.

2. Sinusunod niya ang kalikasan ng taong piliin ang mabuti at umiwas sa masama.

ANIM NA MGA URI NG KALAYAAN:

1.) Panloob na kalayaan (moral,amoral, & immoral)

Tumutukoy sa ating kalayaang loob na pumili ng ating ikikilos, pinaka personal na malapit, at sekreto ito dahil nakatago ito sa kaibuturan ng ating pagkatao na hindi puedeng malaman ng iba.

2.) Kalayaan sa sarili

Tumutukoy ito sa ating mga pagtitimpi, katamaran, kalungkutan, kasungitan, kamangmangan, at iba pang nararamdaman ng ating isipan tungkol sa ating sarili.

Ang layunin ng kalayaan na ito ay hanapin ang tunay mong sarili.

3.) Panlabas na kalayaan

Tumutukoy sa kalayaan na naimpluwensiyahan ng panlabas na salik katulad ng kalayaang pampulitikal, pangpropesyonal at iba pa.

4.) Kalayaang pampulitikal

Mga halimbawa nito ay karapatang makapagsalita ng malaya, makihalubilo sa mga taong nais, makapagmay-ari, makapagsamba, lumabas-masok sa isang bansa, maka-boto, atbp.

5.) Kolektibo / Mataas na kalayaan

kalayaan hango mula sa kagustuhan para sa kabutihan ng nakararami.

6.) Ispiritwal na kalayaan

tumutukoy sa bukal na kalooban na paghahanap sa tunay na Diyos / nais nitong salihan na relihiyon.

MGA PARAAN UPANG SANAYIN ANG ATING KALAYAANG LOOB

1. Alalahaning may Diyos na nagkaloob ng kalayaan Ibinigay ang kalayaan sa tao kaya hindi ito dapat abusuhin. Gamitin ito para sa ikabubuti ng sarili at kapwa.

2. Isipin ang kahalagahan ng pamilya at kapwa Nabubuhay ka kasama ang iyong pamilya at kapwa. Kung sa paggamit ng kalayaan marami ang masasaktan, mali ang paggamit nito.

3. Ibatay ang kalayaan sa pagpapasya sa mga pamantayang moral at kagandahang asal Ang mga ito ay ginawa upang maging gabay ng tao na maging mababa ang loob at mapabuti ang buhay.

4. Maging mapanagutan sa paggawa ng pasya Harapin ang kahihinatnan ng paggamit ng kalayaan sa pagpapasya.

5. Isabuhay ang pagtitimpi at disiplina sa sarili Kung mapipigil ang damdamin at emosyong gumawa ng marahas, ito ay paraan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan.

6. Kung nagkamali sa paggamit ng kalayaan, matutong magbago at isipin kung paano mapabubuti ang buhay.

7. Isipin ang paggawa ng kabutihan sa kapwa at hindi naghahangad ng anumang gantimpala.

8. Suriin muna ninyong mabuti bago magbigay ng desisyon para sa kabutihan ng nakararami.

9. Isaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng nakararami sa paggamit ng teknolohiya.

10. Alalahanin lagi ang panuntunang,Ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo ay huwag mong gawin sa iba.

Ang kalayaan ng ating kalooban (free will) ay bahagi na ng ating ispiritwal na kalikasan. Ito ay bigay ng Diyos sa atin upang malaya nating mahubog ang ating pagkatao. Tayo ay malayang maghanap ng kaalaman at magkaroon ng sariling pananaw, opinion o kaisipan. Malaya rin tayong magmahal, makipag-kaibigan, magalit, magsaya o mabagot. Malaya tayong kumilos, magsalita, gumawa o magmukmok. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan. Ang ibig ipahiwatig nito ay ang kalayaan ay hindi lubos. Ito ay may hangganan.

Gawain Blg. 1

Basahin mo ang bukas na liham na ito.

Batasan Hills, Quezon City

June 15, 2004

Mahal kong mga kaibigan at kamag-aral,

Kumusta sa inyong lahat! Isang maligayang pagbati sa inyong lahat.

Pasukan na naman kaya alam kong lahat kayo ay nasa paaralan.

Masuwerte kayo dahil maaari kayong magtapos ngayong taong ito.

Marahil si Melrose ang valedictorian at si Joyce Ann ang salutatorian.

Naku huwag na huwag ninyo kong kalimutang imbitahan sa graduation ninyo kundi

pupunta ko riyan at pagagalitan ko kayo. Makulit pa rin ba si Jayson? Siguro

lagi pa rin niyang tinutukso si Rodilyn. Ako naghihinala na kaya niya ginagawa

iyan ay dahil may lihim siyang pagtingin dito. Nagbibiro lang ako.

Talagang masuwerte kayo dahil pinili ninyong tapusin ang pag-aaral

kaysa sa akin. Natatandaan ko pa dalawang taon na ang nakaraan, nasa top

ten ako ng klase natin sa section 1. Masaya tayong lahat dahil ang laging

usapan, kung sino ang mapabilang sa top 10 ay magbibigay ng tsokolate sa

bawat isa kaya lagi kong iniipon ang baon ko kapag malapit nang matapos ang taon.

Subalit sa katigasan ng ulo ko, pinili ko ang sumama sa aking kasintahang

nasa ikaapat na taon. Matalino rin siya ngunit pareho kaming mapusok. Kahit

alam naming magagalit ang aming mga magulang, nagtanan kami at nagtungo

sa probinsya nina Jerry. Mahal na mahal ko siya. Subalit mas naging mahirap

para sa amin ang buhay ngayon. Pinipilit ni Jerry na buhayin kami ng aming

panganay na si Nancy. Cute siya at talagang napakalikot. Mana yata sa akin.

Sana huwag ninyong tularan ang aming ginawa.

Malaya nga naming naipahayag ang aming pagmamahalan subalit nalimutan

naming ang aming mga pananagutan sa aming mga magulang bilang mga anak. Mabait sina

Tatay at Nanay kaya masyado ko silang naabuso.

Naku! Naiiyak na naman ako. Sige, basta mag-aral kayong mabuti.

Pipilitin kong makapag-aral sa isang taon. Malaki na nun si Nancy at nangako

si Nanay na pag-aaralin niya kong muli. Ang bait talaga ni Nanay.

Nagmamahal,

Shahani

Sagutin Mo

1. Ano ang nangyari kay Shahani at sinabi niyang masuwerte ang kanyang mga kamag-aral na nasa paaralan?

2. Ano ang dahilan at sinabi niyang nagkamali sila ni Jerry sa pagpapasya?

3. Bakit sa maling paraan nila ginamit ang kanilang kalayaan?