lesson 19 ang pagharap sa hukom
TRANSCRIPT
Ang Pagharap sa
HUKOM
Lesson 19
1. Ibinigay ng anghel Gabriel kay Daniel ang hula ng
makalangit na paghukom para sa 1844. Ang unang
bahagi ng paghukom ay tinatawag na “pre-advent
judgement” sapagkat ito ay magaganap bago ang
pangalawang pagdating ni Jesus. Anong pangkat
ng mga tao ang makakabiling sa unang bahagi ng
paghuhukom? Kailan ito magwawakas?
• “Ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.”
1 Pedro 4:17
• “Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi ay magpakarumi pa: at ang matuwid ay magpakatuwid pa: at ang banal ay magpakabanal pa. Narito, ako’y madaling pumaparito; at kaniyang gawa.”
Apocalipsis 22:11,12
2. Sino ang namumuno sa paghuhukom? Sino
ang tagapagtanggol? Ang hukom? Ang
tagapaghabla? Sinu-sino ang mga saksi?
“Isa na matanda ay nakaupo sa mga araw ay nakaupo,…ang Kaniyang luklukan ay mga liab na apoy.” Ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.”
Daniel 7:9,10
3. Sino ang namumuno sa paghuhukom?
Sino ang tagapagtanggol? Ang hukom?
Ang tagapaghabla? Sinu-sino ang mga
saksi?
“May Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid.” 1 Juan 2:1
“Ang Ama’y…ipinagkaloob niya sa anak ang buon paghatol.” John 5:22
“Ang Diablo,…ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.”
Apocalipsis 12:9,10
“Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ang pasimula ng paglalang ng Dios.”
Apocalipsis 3:14
4. Anong pinanggalingan ng ebidensiya na
ginamit sa “pre-advent judgement”? Sa anong
batayan na ang lahat ay hahatulan? Sapagka’t
alam na ng Dios ang bawa’t bagay tungkol sa
bawa’t tao, bakit mayroon pa ring
paghuhukom?
“Ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay
nabuksan.”
Daniel 7:10
“Ang mga patay ay
hinatulan ayon sa mga
bagay na nasusulat sa
mga aklat, ayon sa
kanilang mga gawa.”
Apocalipsis 20:12
“Gayon huhukuman sa
pamamagitan ng
kautusan ng kalayaan.”
Santiago 2:12
5. Anong bahagi ng buhay ng isang tao ang
napapabilang sa “pre-advent judgment”?
Ano ang ihahayag? Paano pagpapasiyahan
ang kagantihan?
“Sapagka’t dadalhin ang bawa’t gawa sa kahatulan, pati ng bawa’t kubling bagay, maging ito’y mabuti o maging ito’y masama.”
Ecclesiastes 12:14
• “Papayagan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pag-aani.” Susugulin ng Anak ng Tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat na nangakapagpapatisod.”
Mateo 13:30,40
“Narito ako’y madaling pumaparito; at ang aking gantimpala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa.”
Apocalipsis 22:12
6. Anong pangkat ang kabilang sa makalangit na
paghuhukom sa panahon ng isanglibong mga taon sa
Apocalipsis 20? Ano ang layunin nitong pangalawang bahagi
ng paghuhukom?
“O, hindi ba ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisitahol sa sanglibutan?...Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel?” At nakakita ako ng mga lulukan, na may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol.”
Apocalipsis 20:4
7. Saan at kailang magaganap ang ikatlong
bahagi ng huling paghuhukom? Anong
bagong pangkat ang ihaharap sa bahaging
ito ng paghuhukom?
“Ang kaniyang mga paa at magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapt ng Jerusalem.” “At ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat ng banal ay kasama niya.” “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nanaog mula sa langit buhat sa Dios.”
Apocalipsis 21:2
“At kung maganap na
ang isang libong taon, si
Satanas ay…lalabas
upang dumaya sa mga
bansa…upang tipunin
sila sa pagbabaka.”
Apocalipsis 20:7,8
8. Anong susunod
na magaganap?
“At nangagsipanhik sila sa
kalaparan ng lupa, at kinubkob
ang kampamento ng mga banal
at ang bayang iniibig.”
Apocalipsis 22:9
9. Anong magpapatigil sa kanilang
hakbangin ng pabaka at anong mga
ibubunga?
“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangatayo s harapan ng luklukan at nangagbuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat ayon sa kanilang mga gawa.”
Apocalipsis 20:12
“Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangan sa harapan ng hukuman ni Cristo.”
2 Corinto 5:10
“Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa’t tuhod ay luluhod, at ang bawa’t dila ay magpapahayag sa Dios. Kaya nga ang bawa’t isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.”
Roma 14:11,12
10. Anong mga huling hakbangin ang lilipol
sa kasalanan mula sa kalawakan at
magbibigay ng ligtas na tahanan at
hinaharap para sa mga matutuwid?
“At kinubkob ang
kampamento ng
mga banal,…at
bumaba ang apoy
mula sa langit, at
sila’y nasupok. At
ang diablo na
dumaya sa kanila ay
ibinulid sa
dagatdagatang apoy
at asupre.”
Apocalipsis 20:9,10
“At inyong yayapakan ang masasama, sapagka’t sila’y magiging abo
sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa.”
Malakias 4:3
“Sapagka’t narito, ako’y lumilikha ng mga bagong langit at ng
bagong lupa.”
Isaias 65:17
“Naghihintay tayo ng bagong langit at bagong lupa,
na tinatahanan ng katuwiran.”
2 Pedro 3:13
“Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,…at sila’y magiging mga bayan niya at ang Dios din ay sasa kanila.”
Apocalipsis 21:3
11. Paano ang
serbisyo ng “araw ng
pagtubos” sa (Lumang
Tipan) makalupang
santuario ng Lumang
Tipan sumasagisag sa
paghuhukom at
panukala ng Dios na
pagpuksa sa
kasalanan mula sa
kalawakan at pagbalik
ang dalisay na
pagkakaisa?
12. Ano ang mga
mabubuting balita
tungkol sa
paghuhukom na
gaya ng nabunyag
sa Gabay sa Pag-
aaral na ito at
natatala sa ibaba?
Para sa karagdagang pag-aaral,
paglilinaw o mga katanungan,
Magpost lamang sa group
timeline at bibigyan po namin
kayo ng kasagutan.