leonardo da vinci
TRANSCRIPT
ISANG POLIMATA NOONG PANAHON NG RENASIMYENTO.
KILALA SA PAGIGING MAHUSAY NA PINTOR,ARKITEKTO,INHINYERO,ESKULTOR,ANATOMISTA,MUSIKERO,I
MBENTOR,AT HEOMETRO.
Leonardo Da Vinci
Katanyagan
Naging tanyag sa mga likahang sining niya tulad ng Mona Lisa, The Last Supper (Huling Hapunan) at mga ambag sa modernong teknolohiya tulad ng antisipasyon ng helicopter at iba pang mga ideya na nakita sa kanyang mga sulatin.
Mona Lisa
Larawan ni Lisa Gherardini, kabiyak ni Francesco del Giocondo. Si Francesco ang sinasabing nag komisyon ng likhang sining na ito. Ito ay ginawa ni Da Vinci noong 1503-1506. Kasalukuyang nakalagak ngayon sa Musee de Louvre sa Paris.
Huling Hapunan
Isang tanyag na paglalarawan ng huling hapunan ni Hesus bago siya ipagkanlulo ang naisagawa ni Da Vinci. Meron itong “one point perspective” na isang kilusan sa larangan ng sining na ang lahat ng direksiyon ay isang sentro lamang ang patutunguhan. Ito ay isinagawa ni Da Vinci noong 1495 at natapos noong 1498.
Vitruvian Man.
Isang ideya ng arkitektong Romano na si Marcus Vitruvius Pollio na kinalaunan ay ginamit ni Da Vinci. Ito ang ideyang tao ang pinaka mabisang panukat.
Mga Kuha mula sa kanyang mga sulatin.
Antisipasyon ng helicopter
Mga kuha mula sa kanyang sulatin.
Disenyo ng isang sasakyang panghimpapawid.
Mga kuha mula sa kanyang mga sulatin.
Pag aaral sa mga kalamnan at galaw ng kabayo.
Mga kuha mula sa kanyang mga sulatin.
Mapa ng lungsod ng Imola para kay Cesare Borgia.
Ang Anatomista
Kanyang ilustrasyon at pag aaral sa anatomiya ng tao.
Virgen delas Rocas
Pininta noong 1483-1486 ni Da Vinci. Ito ay pagsasalarawan ng Birheng Maria kasama ang batang si Hesus at batang Juan Bautista kasama ang isang anghel. Ito rin ay pagsasalarawan gn interes ni Da Vinci sa kalikasan.
Ang Imbentor
Isang kuha mula sa kanyang mga sulatin: Isang kagamitang pandigma bilang depensa sa mga pader ng siyudad.
Ang Imbentor
Kuha rin mula sa kanyang mga sulatin, isang modelo o ilustrasyon para sa ideya ng isang de-tiklop na bangka.
Ang Anatomista
Kuha rin mula sa kanyang mga sulatin, isang komprehensibong ilustrasyon ng kaloob looban ng bungo ng tao.
Ang AnatomistaIsang ilustrasyon ng bata na nasa sinapupunan ng kanyang ina.
Kanyang mga obserbasyon
Obserbasyon sa lungsod ng Tuscan. Kuha mula sa kanyang mga sulatin.
Panlipunang Obserbasyon
Isang guhit ng mga tao sa lipunan mula kay Da Vinci. Kuha mula sa kanyang mga sulatin noong 1490.
Relihiyosong mga Ideya
Kanyang ilustrasyon ni Hesus. Makikita rito ang matinding emosyon at pagpapakasakit. Kuha mula sa kanyang mga sulatin noong 1490.
Ideyang Panlipunan
Kanyang sariling ideya para sa monumento ng pamilya Sforza. Makikita rito ang malayang paggalaw at anggulo ng pagkilos.
Pagpupugay.
Tunay ngang napakalaki ng naiambag ni Da Vinci sa iba’t ibang mga larangan. Sa kanyang buong buhay na ginugol sa pag aaral, at pag ambag ng mga likhang sining. Malaking bagay ang pagsalba sa mga sulatin at likha ni Da Vinci dahil sa mga ito ay nagpapakita ng komprehensibo at tentatibong mga impormasyon na magagamit sa kasalukuyan.
Mga Pinagkunan.
Art Apprecitaion: Palatandaan sa Pag unawa ng Sining Edisyon 2011.
http://www.davincilife.com/
http://tl.wikipedia.org/wiki/Leonardo_da_Vinci
http://www.drawingsofleonardo.org/
Pagtatapos.
Maraming Salamat Po.