learning resource centerdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_music... · web...
TRANSCRIPT
Kagamitan ng Mag-aaral
TagalogUnit 3
Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas
Music, Art, Physical Education, and Health- Unang Baitang
1
1Music, Art, Physical
Education and Health
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ____________
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz
Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected]
2
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMUSICConsultant at Editor: Mauricia D. Borromeo Manunulat: Cielito Margo MirandillaART Consultant at Editor: Alice Pañares, MA Manunulat: Anna Victoria C. San DiegoMga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art)Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra,
Ma. Rita T. Belen, Grace U. SalvatusMga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art)Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. CastroPHYSICAL EDUCATION Consultant: Larry A. Gabao, PhD. Manunulat: Salve A. Favila, PhD.HEALTH Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD. Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento,
Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. CalloMga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. VicencioMga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. HinampasMga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra,
Ma. Rita T. Belen, Grace U. SalvatusMga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia,
Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health)Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE),
Ma. Theresa M. CastroEncoder: Earl John V. Lee
TALAAN NG MGA NILALAMANMUSIKA
YUNIT 3:Modyul 9: Ritmo
………………......................................... 51Gawain 1: Twinkle, Twinkle Little Star .
…………... 51Gawain 2: Gawin ang 4-time Meter
…………… 53Gawain 3: Halina’t Maglakbay sa 3-time
Meter at 4-time Meter …….………………… 53
Modyul 10: Anyo ………………….…………………....…. 56Gawain 1: Daloy ng Phrase .……………….…..
… 56Gawain 2: Magkatulad at Magkaiba …………. 57Gawain 3: Are You Sleeping
……………………… 58Gawain 4: Isang Hamon sa Kalesa ……..
……..... 59Modyul 11: Himig ………………..……………………..
….. 62Gawain 1: Ang Una Kong Komposisyon ...
……... 63Gawain 2: Talbog Pataas .……………..….
……… 64Gawain 3: Ang Paglalakbay sa Buwan ……….. 65Gawain 4: Pagguhit ng Mataas at Mababang
Tunog ………………………………………….. 68
Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong Kuwarter …….….…. 71Gawain 1 .…………..……………………..……....
… 73Gawain 2 ……………………………….…….... 74
3
Musika 1 - Modyul 9: Ritmo
….....Gawain 3 ………….
………………………………….. 75
YUNIT 3
I. Awit / Ritmo
a. “Twinkle, Twinkle Little Star”- Awiting Pambata
b. “Pan de Sal” (translation of “Hot Cross Buns”) ni D. De Vera)- Awiting Pambata
c. “Pong Pong Piyangaw”- Awiting Pambata ni Miriam Factora
II. Mga Gawain
Twinkle, Twinkle Little Star
4
Gawain 1
Panuto: Narito ang mga kumpas ng awiting “Twinkle, Twinkle Little Star”. Gumuhit ng sa ilalim ng MALAKAS na kumpas sa iyong sagutang papel. Tingnan ang halimbawa.
I I I I I I I II I I I I I I II I I I I I I II I I I I I I II I I I I I I II I I I I I I I
Pagkatapos mong lagyan ng bituin ang malakas na kumpas ng awit, gumuhit ng bar lines sa unahan ng bawat malakas na kumpas upang makagawa ng bars. Bilangin kung ilang kumpas ang nasa bawat bar. Isulat sa iyong papel ang sukat sa linya na nasa unahan ng awit.
Tandaan: 5
Sukat
Dalawang bar lines ang inilalagay sa katapusan ng awit. Ito ay tinatawag na Double Bar . Ipinakikita nito na tapos na ang awit.
Gumuhit ng double bar sa huling kumpas ng awit na “Twinkle, Twinkle Little Star.”
Ano ang meter ng awit?Ang awit ay nasa _________ time meter.
Gawin ang 4-time MeterPanuto: Pumili ng kilos na aangkop sa malakas na
kumpas at mahinang kumpas ng awiting “Twinkle, Twinkle Little Star”. Muling awitin ito habang ipinakikita ang kilos na napili mo para sa malakas at mahina na kumpas. Maaari mong gawing batayan ang iyong sagot sa Gawain 1.
Halina’t Maglakbay sa 3-Time Meter at4-Time Meter!
Panuto: Ito ay mga halimbawa ng bars na nasa 4-time meter at 3-time meter. Kung matatandaan sa nakaraang kuwarter, ang
6
Gawain 2
Gawain 3
4
malakas na kumpas ay ang laging unang kumpas sa bar. Lagyan nang tamang bilang ang bawat kumpas. Tingnan ang halimbawa.
I I I I I I I I
I I I I I I I I IPumili ng mga tunog gamit ang katawan o
pagkilos para sa malakas at mahinang kumpas. Ipakita ang pagkilos na naaayon sa 3-time meter at 4-time meter habang inaawit ang mga awiting natutuhan sa ikalawang kuwarter.III. Pagtatasa
Ipakita kung gaano mo natutuhan ang mga aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa iyong papel.
Kasanayan Kayang Gawin
Hindi pa
kaya
7
1 2 3 4
1 2 33
1. Nakaririnig at nakasusunod sa kumpas
2. Nakasusunod sa mga kumpas na malakas at mahina
3. Nakasusunod sa kumpas nang may pagkilos
4. Nakakikilala ng palakumpasan ng isang kilalang awit
5. Nakakikilos nang wasto ayon sa tiyempo sa mga awiting nasa 2 meter, 3 meter, at 4 meter time.
IV. Pagbubuo
Natutuhan natin sa modyul na ito na ang mga kumpas ay maaaring pangkatin ng apatan (4-time meter). Upang makilala ang kumpas ng isang
awit, kailangang bilangin ang _______ na matatagpuan sa bawat bar.
Magbigay ng isang halimbawa ng awiting pambata o kaya’y isang katutubong awit na nasa 4-time meter.
Pamagat:
8
Musika 1 - Modyul 10 : Anyo
I. Laro/ Mga Tugmaa. “Aso, aso” - Awiting Pambata ni K. Forrai b. “Pan de Sal” (salin ng “Hot Cross Buns” ni D.
De Vera)c. “Are You Sleeping” - Awiting
Pambatad. “Kalesa” - Awit ni E. Cuenco
I. Mga Gawain
Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na tinatawag na Phrases. Awitin ang mga Phrase ng isang awit upang malaman kung ang mga ito ay magkakatulad o magkakaiba.
9
Daloy ng Phrase
Panuto: Awitin ang “Aso, aso” at sundan ang kilos ng braso ng guro habang ipinakikita ang simula at katapusan ng isang phrase. Gumuhit ng linyang pahilis (/) sa dulo ng huling salita ng bawat phrase upang ipakita na tapos na ito. Tingnan ang halimbawa.Gawin sa hiwalay na papel.
10
Gawain 1
“Aso, Aso”(Doggie, Doggie)
(Awit na Pambata ni K. Forrai)
Aso, aso nasaan ang iyong buto? May kumuha nito.
Sino ang kumuha? Nasa akin ang buto.
Ilang phrase ang makikita sa awit?Ito ay may ________ na phrase.Muling kantahin ang awit habang iginagalaw
ang braso mula kaliwa pakanan tulad ng pagguhit ng bahaghari upang maipakita kung saan nagsisimula at nagtatapos ang iba’t ibang phrase.
Magkatulad at MagkaibaPanuto: Narito ang mga salita sa awiting “Pan de Sal”. Gamit ang iba’t ibang hugis sa ibaba, kilalanin ang mga phrase na may mga katulad at magkaibang tono. Iguhit sa ibabaw ng linya ang wastong hugis para rito. Maaaring gamitin ang at . Tingnan ang halimbawa at sagutan sa iyong papel.
11
Gawain 2
Pan de Sal
_________ Pan de Sal_________ ’Tig Singkwenta, tig mamiso
_________ Pan de SalMatapos iwasto ang gawain, pakinggang muli
ang awit ng guro. Pumalakpak kapag narinig ang bahaging may . Kung marinig naman ang bahaging may , tapikin ang inyong balikat.
Are You Sleeping?
Panuto: Narito ang awiting Are You Sleeping? Alamin kung aling phrase ang magkakatulad at magkakaiba. Markahan ng , , o kaya’y sa sagutang papel.
____ Are you sleeping,____ Are you sleeping?____ Brother John?____ Brother John?____ Morning bells are ringing,____ Morning bells are ringing,____ Ding ding dong,____ Ding ding dong
12
Gawain 3
Isang Hamon sa Kalesa
Panuto: Pakinggang mabuti ang awiting “Kalesa”. Magmartsa sa sariling lugar kasabay ng kumpas kapag sinimulan ang pag-awit. Sa tuwing magbabago ang bahagi ng awit, ibahin din ang pagkilos upang maipakita ang panibagong bahagi ng awit.
Ang mga bahagi ng awit ay maaaring ulitin. Dapat tandaan ang mga kilos na ginawa sa una at ikalawang bahagi. Kapag narinig na naulit ang isang bahagi, baguhin ang pagkilos ayon sa naunang ginawa.
Tandaan: Maging handa!
Pagtatasa
13
Gawain 4
Ipakita kung gaano mo natutuhan ang aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ()sa tamang kahon sa iyong papel.
Kasanayan Kayang Gawin
Hindi pa kaya
1. Nakaririnig at nakakikilala ng isang karaniwang tno.
2. Nakasusunod sa magkakatulad at magkakaibang hugis tulad ng tatsulok o bilog upang maipakita ang anyo o form ng isang awit.
3. Nakikilala kung kalian nababago ang tono ng awit
4. Nakasusunod sa phrase ng isang awit sa pamamagitan ng paggalaw ng braso.
III. Pagbubuo
Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na tinatawag na phrase. Ang mga phrase na ito ay maaaring magkakatulad o magkakaiba habang tumutugtog ang isang awitin.
Kapag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga phrase ay namarkahan na gamit ang iba’t ibang hugis, tinatawag ang mga itong form ng isang awit.
14
Musika 1 - Modyul 11: Himig
Ano ang form ng awiting “Pan de Sal”?
Ano ang form ng awiting, “Are You Sleeping”? Ano ang tawag sa maliliit na bahagi na
bumubuo sa isang awit? _________________ Buuin ang pangungusap: Upang makilala ang anyo o form ng isang
awit, kailangan itong pakinggang mabuti at lagyan ng tanda ang _______________ at _______________ ng phrase na matatagpuan sa awit.
I. Awit/ Tugma15
a. “Talbog Pataas” (Bounce High)- Awiting Pambata
b. “Duyan” (See Saw)- Awiting Pambatac. “Piko Piko Angking” - awit ni Miriam
Factorad. “Ang Paglalakbay sa Buwan” (The
Journey to the Moon)- kuwento ni C. Mirandilla
II. Mga Gawain
Gumagamit ang musika ng iba’t ibang kombinasyon ng mga tunog. Tingnan natin ang linya sa ibaba.
Pumili ng isang pantig at panimulang pitch na susundan ng iyong tinig. Sa simula, maaari mong gamitin ang ibinigay na pantig. Sundan ang mga linya habang itinuturo ito ng guro. Gumamit ng ibang pantig at sikaping may pagtaas at pagbaba ng linya na maririnig din sa iyong tinig.
16
Gawain 1
Aah
Ang Una Kong KomposisyonPanuto: Gumawa ng sariling linya ng komposisyon sa kuwaderno at pumili ng isang pantig na nais mong gamitin para rito.
___________ (pantig)
Subukan ang una mong komposisyon at pakinggan ang tunog nito. Pakinggan din ang komposisyon ng iyong kamag-aral at pagsamahin ninyo ang inyong ginawa.
Bilugan ang bahaging mataas at mababa sa iyong komposisyon. Sabihin kung ang bahagi ay mataas o mababa.
17
”Talbog Pataas”(Bounce High, Bounce Low)
Panuto:
1. Muling awitin ang “Talbog Pataas, Talbog Pababa” at magkunwaring nagpapatalbog ng bola pataas kapag ang awit ay may mataas na tunog at pababa naman kung ito ay may mababang tunog.
“Talbog Pataas, Talbog Pababa”(Bounce High)
Talbog pataas, talbog pababa(Bounce high, Bounce low)
Ipasa ang bola kay Rita!(Bounce the ball to Rita!)
2. Humarap sa kamag-aral at pumalakpak kapag narinig ang malakas na kumpas.
3. Kapag umawit ka ng may mataas na tunog, itaas ang iyong kamay at ipalakpak ito.
4. Kung mababa naman ang tunog, ilagay ang kamay sa tapat ng beywang at ipalakpak ito.
18
Gawain 2
Gawain 3
Ang Paglalakbay sa Buwan(The Journey to the Moon)
Panuto: Ito ay kuwento ng isang batang babaeng si Athena at ang kaniyang kapatid na lalaking si Arthur na naglakbay sa buwan upang humanap ng lunas sa sakit ng kanilang nanay. Ito ay isang natatanging kuwento sapagkat ang bawat tauhan at pangyayari ay may sariling tunog.
Subukin nating alamin ang tunog ng bawat tauhan at pangyayari sa kuwento.
Arthur Sa itaas ng mga puno/langit at bituin
Athena Sa ibaba ng mga bituin/langit at puno
19
NanaySa ibabaw ng bundok
ManggamotSa ibaba ng lambak
Si Bahin
Pakinggan natin ang kuwento. Tandaang dapat gawin ang mga tunog na nakalaan sa bawat tauhan at pangyayari sa kuwento. Hintayin ang hudyat ng guro bago magbigay ng angkop na tunog.
Ang Paglalakbay sa Buwan(The Journey To the Moon)
ni C. MirandillaNoong unang panahon, may isang mabait
na batang ang pangalan ay Issa. May kapatid siyang batang lalaki na Gabby ang pangalan. Nakatira sila sa isang kubo kasama ang kanilang tatay at nanay. Isang araw, nagkasakit ang kanilang nanay. Nagsimula ito sa pagbahin, at pagbahin, at pagbahin.
Dahil sa mahirap humanap ng gamot sa kanilang lugar, pinaalalahanan ng mga tao sina Issa at Gabby na humanap ng manggagamot na makapagpapagaling sa kanilang nanay. Subalit, ang manggagamot na ito ay sinasabing nakatira sa buwan.
20
Nang marinig ito nina Issa at Gabby na agad silang naglakbay papunta sa buwan. Umaasa sila na mabibigyan sila ng manggagamot ng lunas para sa kanilang nanay.
Umakyat sina Issa at Gabby sa itaas ng mga puno.
Umakyat din sila sa ibabaw ng mga bundok.Umakyat sila sa langit.Umakyat din sila sa mga bituin.
At sa wakas, narating din nila ang buwan kung saan nakatira ang manggagamot.
Sa una, ayaw ng manggagamot sa kaniyang mga panauhin ngunit nang maipaliwanag nina Issa at Gabby ang kanilang problema at ang layo ng kanilang nilakbay, unti-unti nang ngumiti ang manggagamot at naging mabait na sa kanila. Humanga kina Issa at Gabby ang manggagamot dahil sa kanilang pagmamahal sa kanilang nanay. Agad na ibinigay ng manggagamot ang kailangan nina Issa at Gabby.
Nang matanggap nila ang gamot ay dali-dali na silang nagpasalamat sa manggagamot at agad na umalis pabalik sa kanilang nanay. Patakbo silang bumaba sa mga bituin.
Patakbo rin silang bumaba sa langit.Patakbo silang bumaba sa mga bundok at
sa mga puno hanggang sa marating nila ang kanilang tahanan.
Pinainom kaagad nina Issa at Gabby ng gamot ang kanilang nanay. Nawalang bigla ang bahin ng kanilang nanay. Niyakap ng nanay sina
21
Issa at Gabby dahil sa napawi ng gamot ang kaniyang pagbahin, pagbahin at pagbahin.
Sa musika, gumagamit ang mga musikero ng simbolo na tinatawag nilang nota o NOTES upang maipakita ang mataas at mababang tunog. Ang mga notang ito ay nakalagay sa pangkat ng linya na tinatawag na STAFF upang maipakita kung ang nota ay mataas o mababa.
Bago mo iguhit ang mga nota ng awiting “Duyan” (See-Saw) sa STAFF, awitin muli natin at pakinggang mabuti ang tunog nito. Kung sa iyong palagay ay mataas ang tunog ng pag-awit, hawakan mo ng dalawang kamay ang iyong ulo. Kung mababa naman ang tunog ng iyong inaawit, hawakan mo ang iyong balikat.
Pagguhit ng Mataas at Mababang TunogPanuto: Ito ay mga halimbawa ng 2-line staff na
nagpapakita ng unang phrase ng awiting “See-Saw.” Buuin ang awit sa pamamagitan ng paglalagay ng nota sa2-line staff sa iyong papel . Tingnan ang halimbawa.
LINYA 1
LINYA 2
22
Gawain 4
See – saw up and down.LINYA 1
LINYA 2 In the sky and on the
ground.Ilang linyang mataas mayroon sa awiting See-Saw? __________Ilang mababang linya mayroon sa awiting See-Saw? __________
III. PagtatasaIpakita kung gaano ka kahusay sa mga gawain sa modyul na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa kahon.Gawin sa sagutang papel.
Kasanayan Kayang Gawin
Hindi pa
kaya1. Nakapagtutugma ng
tonong ibinigay ng guro. 2. Nakasusunod sa mataas at
mababang tunog gamit ang voice picture cards
3. Nakakikilala ng pagkakaiba ng mataas sa mababang tunog
4. Nakaaawit nang mataas at mababang tunog sa 2-line staff
23
5. Nakaaawit ng isang maganda at kawili-wiling tunog
IV. PagbubuoNatutuhan sa modyul na ito na ang musika ay binubuo ng mataas at mababang tunog. Ang mga tunog na ito ay kinakatawan ng mga simbolo na tinatawag na NOTES ng mga musikero. Isinusulat ng mga musikero ang NOTES sa pangkat ng linya na kung tawagin ay STAFF. Sa pamamagitan nito, naipakikita nila kung ang tunog na nais nilang iparinig ay malakas o mahinang tunog.
Gamit ang 2-line staff, sa aling linya mo iginuhit ang mataas na tono? ang mababang tono?
Nasiyahan ka ba sa mga gawain sa modyul na ito?
Kung papipiliin ka sa mga gawain, alin ang nais mong gawin at bakit?
24
Musika 1 - Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong Kuwarter
I. Awit/ Tugma
“Piko-Piko Angking”a. “Are You Sleeping?”
b. Pagtataya at Talaan ng Pagkatuto sa Musika
II. Mga Gawain
Alam mo ba ang larong “Sawsaw Suka?” Kumuha ng kapareha at laruin ito.
Ang susunod na awit ay isang maikling laro mula sa Maguindanao, isang lalawigan sa Mindanao. Ang katumbas nito ay ang ating “Sawsaw Suka. Pag-aralan natin at alamin ang anyo o form ng awit na ito.
Piko-Piko Angking Piko-piko angking.
Salageta angking.25
Di kalubayan na tapsing. Guiam - ban, bo-te-te!
Panuto: Ang maikli at mahabang mga linya sa ibaba ay kumakatawan sa maikli at mahabang tunog sa awit na “Piko-Piko Angking”. Pag-aralan ang mahaba at maikling tunog na matatagpuan sa bawat phrase ng awit na ito, gumuhit ng mga hugis sa patlang na nagpapakita ng mahaba at maiikling tunog sa papel. Makatatanggap ng gantimpala ang sinumang makapagbibigay ng anyo o form ng awit sa hulihan nito.
________ hugis
Pi - ko, pi - ko ang - king
_______ hugis Sa - la - ge - ta ang - king. _______ hugis Di ka - lu - ba - yan na tap –sing. ______ hugis Guiam - ban bo - te - te
26
GANTIMPALA: Ano ang anyo o form ng buong awit?
______ ______ ______ ______
Panuto: Ilagay ang nawawalang mataas at mababang tunog ng “Piko-Piko Angking” gamit ang mga hugis para sa mahaba at maikling tunog na ginawa sa unang gawain. Gawin sa inyong kuwaderno. Tingnan ang halimbawa.
Pi - ko, pi - ko ang - king ? ? Sa - la - ge - ta ang -
king.
? ? Di ka - lu - ba - yan na tap - sing.
? X X XGuiam - ban bo - te - te!
27
Gawain 1
Paalala: Ang huling 3 Xs ay nangangahulugan na ang mga tunog nito’y pabigkas at hindi paawit. Ibig sabihin, walang mataas at mababang tunog dito.
Panuto: Sundin ang mga panuto.
Bumuo ng pangkat na may 10 kasapi. Pumili ng isang awit mula sa listahan:
Are You Sleeping?Piko-Piko AngkingPan de SalTwinkle, Twinkle Little Star
Maghanda ng isang awitin na magpapakita ng lahat ng iyong natutuhan sa Pangatlong Kuwarter tulad ng:
Pagkilala at pagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng iba’t ibang bahagi ng isang awit sa pamamagitan ng kilos
Pag-awit ng pitch ng isang awit Pagkilala sa mataas at mababang
tunog Pagpapakita ng mataas at mababang
tunog sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan o galaw ng kamay
28
Gawain 2
Ito ay isang panapos na gawain para sa Ikatlong Kuwarter.
Pagtataya:
Lagyan ng tsek () ang angkop na nakitang kakayahan sa kuwaderno.
Pagtataya Nakita
May Ipinakitan
g Pag-unlad
1. Ang anyo o form ng isang awit ay wastong naipakita sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan.
2. Ang himig o melody ay malinaw at nasa tamang pitch sa simula hanggang sa katapusan ng awit.
29
Gawain 3
3. Ang galaw na ginawa ng pangkat ay malinaw na nakapagpakita ng bawat bahagi ng anyo o form, at ng bahaging mataas at mababang tunog ng napiling awit.
Pansariling Pagtataya sa Ikatlong KuwarterPanuto: Gumuhit ng upang ipakita kung gaano
mo natutuhan ang mga aralin sa kuwarter na ito. Gawin sa inyong kuwaderno.
Pansariling Pagtataya Kayang Gawin
Halos
Nagagaw
aMga kasanayang pangmusika:1. Nakakikilala ng magkatulad
at magkaibang himig o melody sa pamamagitan ng paggamit ng mga hugis.
2. Nakakikilala at nakapagpapakita ng pagtaas at pagbaba ng himig sa pamamagitan ng pagguhit ng melodic contours sa hangin.
30
3. Nakagagawa ng kilos na nagpapakita ng mga bahagi o phrase ng isang awit na napakinggan.
4. Nakagagamit ng boses o tinig upang maipakita ang iba’t ibang direksyon ng isang himig.
5. Nakapakikinig at nakasusunod sa mga panuto at tuntunin, wastong pagsisikap, pakikiisa, paggalang, at pagkamamamayan.
31