lalaking uliran

37
Lalaking Uliran o Tulisan Juan Lauro Arsciwals Cindy Villavicencio

Upload: panpil-twelve

Post on 28-Mar-2016

507 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

Juan Lauro Arsciwals Cindy Villavicencio  Halimbawa  Mwestra  Dapat halintularan  parisan “Samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa sa Pilipinas ay hindi isinasailalim ng kapakanan at kagalingan ng marami, ang kabusbusan ay di mawawala at ang Liwayway ng Katubusan ay di mamamanaag.” -Juan Arsciwals

TRANSCRIPT

Lalaking Uliran o TulisanJuan Lauro Arsciwals

Cindy Villavicencio

Halimbawa Mwestra Dapat halintularan parisan

“Samantalang ang pagmamahal sa

sariling kapakanan at

kagalingan ng mga

manggagawa sa Pilipinas ay

hindi isinasailalim ng

kapakanan at kagalingan ng

marami, ang kabusbusan ay di

mawawala at ang Liwayway

ng Katubusan ay di

mamamanaag.”

-Juan Arsciwals

Ipinanganak sa Cebu ng taong 1889 at namatay sa taong 1934

Maagang nawalan ng magulang Naging “street vendor” noong 14 na taong

gulang at manggagawa sa Compañia Tabacalera noong 17 taong gulang siya

Isa sa mga pasimuno ng pagporma ng union sa Tondo;ang Legionarios del Trabajo, kasama ni Isabelo delos Reyes

Naging manunulat sa “La Vanguardia” at “Taliba”

Pumasok sa pulitika bilang isang miyembro ng Lapian Nacionalista

Napangasawa si Felicidad Ignacio Arsciwals

Namatay bago pa makakuha ng posisyon sa Municipal ng Maynila

Isa sa mga gumamit ng temang “Psychological Realism”

May galit sa Amerikano Ang mga nobela niya ay maikli Nais niyang mabuhay ang pagka

makabayan at makatayo sa sariling paa sa larangan ng industriya

Ang mga akda ay may ipinahihiwatig na pulitikal o moral na mensahe ukol sa pangyayari sa lipunan

1. Luha ng Makasalanan (1909)2. Sakim na Magulang (1912)3. Bagong Magdalena (1913)4. Lalaking Uliran o Tulisan

(1914)5. Isa pang Bayani (1915)

6. Ely (1917)7. Babaing Martir (1918)8. Dakilang Pag-ibig (1921)9. Sa Himig ng Balse (1924)10. Velia , ang Artista (hindi nilimbag)

“Katalik-laan” ni Santiago Flores (1914)“Ipaghiganti mo ako” ni Precioso Palma (1914)

Sa panahong ito ay dominante ang paglakas ng nasyonalismo sa bansaNauso ang pagsasama ng temang Romantisismo, Nasyonalismo at Sosyalismo

TondoSta.MesaNueva Ecija

Ang nobela ay nagsimula noong Nobyembre ng taong 1880’s, panahon ng pananakop ng mga Espanyol

Da. Fernando Da. AnaComandanto

Arturo Albertini

G. Leodegario

Ligaya

Margarita Ligaya

ni Makaraig

Menandro

AlbertiniRosauro Makaraig

Lety

Jose Palmera o PepeInes- alilaDr.Rafael

Tahimik at masayang namumuhay ang mag-anak ni Rosauro sa Tondo sa kabila ng kasagsagan ng himagsikan sa Maynila.Ulilang pareho ang mag-asawang Rosauro at Margarita. Mayroon silang isang tatlong taong gulang anak na babae, si Lety. Pangarap nilang ipasok si Lety sa isang “Colegio” pagsapit ni Lety ng ika-5 taong gulang nito. At dahil dito, ninais ni Rosauro na magtrabaho sa gabi upang makadagdag ang labing limang piso na kikitain niya sa gabi.

Sa pagtatapos ng pag-uusap nila Rosauro at Margarita ay dumating si Menandro Albertini. Siya ay ang kaibigang matalik at kamag-aral ni Rosauro sa paaralang San Juan de Letran. Anak ng isang matapang na militar na nakadestino sa Jolo. Kilala si Menandro sa kanilang paaralan bilang isang basagulero at pagiging matalino.Pagkalipas ang isang taon sa “Colegio” ay pinapunta siya ng kanyang ama sa Mindanaw upang siya ay sanayin upang maging kawal ng pamahalaan.Namatay sa pakikidigma ang kanyang ama at siya ang pumalit bilang Capitan ng batalion. Nang madestino sa Maynila, pinaunlakan niya ang anyaya ni Rosauro na duon sa tirahan nila manirahan.

Sa paglipas ng panahon nahulog ang loob ni Menandro kay Margarita. Pinilit niyang paglabanan ang damdaming nararamdaman para sa asawa ng kaibigan. Subalit, hindi niya ito napigilan. Gumawa siya ng liham at ito ay ibinigay kay Margarita

Laman nito ang hirap na tinitiis niya sa pagsupil sa damdamin para sa babai. Hindi nabigo si Menandro sapagkat ang matamis na pagtugon ni Margarita sa kanyang pagmamahal ay gaya din ng nararamdaman niya para dito. Nagtaksil ang dalawa sa walang kamalay malay na si Rosauro. Nais na ni Menandro na itanan ang babai at isama ito sa Nueva Ecija.

Sa araw ng kanilang pag-alis ay nagpaalam na si Menandro kay Rosauro. Hihintayin na lamang niya ang babai sa himpilan ng tren sa Tutuban. Mabigat ang loob ni Maragarita na iwan ang anak, ngunit ang puso niya ay pinatitigas ng pagmamahal para sa lalaki. Habang nasa himpilan ng tren, sila ay nakita ng bayaw niya na si Pepe.

Si Jose Palmera o Pepe ay pinsang buo ni Rosauro.Siya ang nakakita ng pagtatanan ni Margarita sa himpilan ng tren.Isa siyang mangangalakal kung kaya madalas siyang nasa himpilan ng bapor o tren. May asawa, pero walang anak at nakatira sa Sta. Mesa.Pinuntahan niya si Rosauro at inihatid ang balita. Ngunit hindi naniwala ang kawawang lalaki hanggang siya mismo ang makabasa ng sulat na iniwan ni Margarita para sa kanya. Nalaman niyang si Menandro ang nagtanan kay Margarita base narin sa pagkakalarawan ni Pepe. Ipinagpasa- Dios na lamang niya ang nangyari at habag na habag siya sa anak. Tumigil siya sa pagtratrabaho sa gabi para sa anak.

Makalipas ang isang bwan, ay hindi na hinahanap ni Lety ang ina. Sa lahat ng magtatanong ay sinasagot ni Rosauro ng buong katapatan. Ayaw na ipasok ni Rosauro ang anak sa isang “Colegio.” Ayaw niyang mamulat ang mata ni Lety sa mga taong kaaway sa kalayaan ng bayan. Napagdesisyunan ni Rosauro na maging “Filibustero” o rebelde.

Ibinilin ni Rosauro ang anak kay Pepe at sa asawa nito. Ibinilin din niya na ituring si Lety na tunay na nilang anak at kapag narating na ni Lety ang wastong edad ay iparating dito ang buong katotohanan ng sa ganoon, siya ay mapatawad ni Lety.

URI:mayaman laban sa mahirapmga militar laban sa ordinaryong taomga may kapangyarihan laban sa mga walangkapangyarihan

LAHI:Pilipino laban sa mga AmerikanoPilipino laban sa mga Espanyol

ARI:Lalaki laban sa babai

1. Saang pook matatagpuan ang tahanan nila Rosauro? SAGOT : Tondo, Maynila

2. Sa kaninong pangangalaga naiwan si Lety mataposmagdesisyon ni Rosauro na sumapi sa Anak ng Bayan? SAGOT : Jose Palmera o Pepe

3. Anung taon nailimbag ang nobelang “Ang Lalaking Uliran o Tulisan ?” SAGOT : 1914

4. Sino ang isa sa nakasama ni Juan Arsiwals sa Legionarios del TrabajoSAGOT : Isabelo delos Reyes

5. Magbigay ng isa sa iba pang nobelang nagawa ni Juan Arsiwals.