kuya luiz

4
MGA KLASIPIKASYON NG BUWIS May anim na uri ng buwis ayon sa iba’t ibang batayan. 1. Ayon sa bagay na binubuwisan a.Personal b.Ari-Arian 2. Ayon sa layunin a.Pangkalahatan b.espesyal 3. Ayon sa antas ng pamahalaan a.Pambansa b.Lokal 4. Ayon sa pagtatakda ng halaga a.Tiyak (ayon sa bigat,bilang at iba pa) b. Ad Valorem (ayon sa halaga) 5. Ayon sa kung sino ang papasan ng bigat a.Tuwiran b.Di-tuwiran

Upload: ann-lee

Post on 28-Apr-2015

53 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: kuya luiz

MGA KLASIPIKASYON NG BUWIS

May anim na uri ng buwis ayon sa iba’t ibang batayan.

1. Ayon sa bagay na binubuwisana.Personalb.Ari-Arian

2. Ayon sa layunina.Pangkalahatanb.espesyal

3. Ayon sa antas ng pamahalaana.Pambansab.Lokal

4. Ayon sa pagtatakda ng halagaa.Tiyak (ayon sa bigat,bilang at iba pa)b. Ad Valorem (ayon sa halaga)

5. Ayon sa kung sino ang papasan ng bigata.Tuwiranb.Di-tuwiran

6. Ayon sa pagtaas ng antasa.Proporsyonalb.Progresiboc.Regresibo

Page 2: kuya luiz

Kasaysayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Noong 1900, ipinasa ng Unang Komisyon ng Pilipinas an Batas Blg. 52, kung saan isinaayos ang lahat ng mga bangko sa ilalim ng Kawanihan ng Ingatang-yaman at pinapahintulutan ang Pampulong Ingat-yamang na mamahala at suriin ang mga bangko at lahat ng gawaing pagbabangko. Noong 1929, nahalili ng Kagawaran ng Pananalapi, sa pamamagitan ng Kawanihan ng Pagbabangko, ang pamamahala sa bangko. Noong 1933, isang pangkat ng mga Pilipino ay nakapaglikha ng isang bangko sentral para sa Pilipinas.

Ito'y umangat na may mga rudimento ng panukalang batas ukol sa pagtatatag ng isang bangko sentral pagkatapos ng masusing pag-aaral ng mga pang-ekonomiyang panustos ng Batas Hare-Hawes-Cutting, na makakamit ang kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 12 taon, nguni't mananatili pa rin ang base militar at pandagat para sa mga Mga Nagkakaisang Estado at ang pagpatong ng mga taripa at kota sa mga luwas ng Pilipinas. Gayumpaman, ibinasura ng Senado ng Pilipinas nang dahil sa pang-uudyok ni Manuel L. Quezon ang Batas Hare-Hawes-Cutting. Naglunsad ang Senado ng bagong panukalang batas na nagpanalo ng suporta ni Pangulong Franklin D. Roosevelt, na kung tawagin ay Batas Tydings-McDuffie, na makakamit ang Pilipinas sa araw ng Hulyo 4, 1946.

Noong panahon ng Komonwelt, tuluy-tuloy ang talakayan tungkol sa bangko sentral ng Pilipinas na magpapaangat sa katatagan ng presyo at paglago ng ekonomiya. Noon, ang sistema ng pananalapi ng bansa napangasiwa ng Kagawaran ng Pananalapi at ng Pambansang Ingatang-yaman. Ang Pilipinas ay nasa pamantayan ng palitan na gumagamit ng dolyar, na nasa likod na 100 bahagdan ng reserba ng ginto, bilang pamantayang pananalapi.

Noong 1939, na hiningi ng Batas Tydings-McDuffie, ipinasa ng tagapagbatas ng Pilipinas ang isang batas na magtatag ng bangko sentral. Bilang batas pananalapi, kinakailangan ang pagpapatibay ng pangulo ng Mga Nagkakaisang Estado; hindi binigyan ni Roosevelt. Noong 1944, panahon ng pananakop ng mga Hapones, ipinasa ang ikalawang batas, nguni't nang dumating ang mga hukbong Amerikano sa pagpapalaya, ipinatigil sa pagpapatupad nito.

Nang umupo si Manuel Roxas noong 1946, inutusan niya si Miguel Cuaderno, Sr. na magbuo ng isang karta ukol sa bangko sentral. Ang pagkatatag ng pangasiwaang pampananalapi ay naging pautos pagkatapos ng isang taon bilang bunga ng kapasyahan ng Komisyon ng Pinagsanib na Pilipino-Amerikanong Pananalapi na pinumunuan ni Cuaderno. Ang Komisyon, kung saan pinag-aralan ang mga pananalapi ng Pilipinas, at mga suliraning hinggil sa pananalapi noong 1947, ay nagmungkahi ng paglipat mula sa pamantayang palitan ng dolyar sa isang napamahalang sistema ng pananalapi. Kailangan ang bangko sentral na isakatuparan ang panukalang paglipat sa bagong sistema. Kinabukasan, nilikha ni Roxas ang Sangguniang Bangko Sentral upang ihanda ang karta ng panukalang pangasiwaan ng pananalapi. Ipinasa ito sa Kongreso noong Pebrero 1948. Pagdating sa Hunyo ng taong din iyun, nilagdaan ng bagong pagkaluklok naPangulong Elpidio Quirino, na sumunod kay Pangulong Roxas, ang Batas Republika Blg. 265, ang Batas ng Bangko Sentral ng 1948. Noong Enero 3, 1949, napasinaya nang pormal ang Bangko Sentral ng Pilipinas at si Miguel Cuaderno, Sr. ay naging unang tagapangasiwa. Ang mga pangunahing gawain at tungkulin ng Bangko Sentral ay itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at mapanatili ang panloob at panlabas na katatagan ng pananalapi.

Pangkalipas ng maraming taon, ang mga pagbabago ay nakilala upang ang kartang ito ay maging higit na palatugon sa mga pangangailangan ng ekonomiya. Noong Nobyembre 29, 1972, sinusog ng Batas Pampanguluhan Blg. 72 ang Batas Republika Blg. 265, na binibigyang-diin ang pagpapanatili ng pantahanan at sabansaang katatagan ng pananalapi bilang pangunahing layunin ng Bangko Sentral. Lumawak din ang pangangasiwa ng Bangko na ibinilang ang alintuntunin ng kabuuang sistema ng pananalapi ng Pilipinas at hindi lamang bilang tagapamahala ng sistema sa pagbabangko. Noong 1981, ang nasusog na Batas Republika Blg. 265 ay lubos na pinaunlaran sa pagpapalakas ng sistemang pampananalapi, kabilang sa mga pagbabago ay ang pagtaas ng halaga ng puhunan mula P10 angaw sa P10 daplot.

Page 3: kuya luiz

Sa ilalim ng 1973 Saligang-batas, inatasan ang Pansamantalang Batasang Pambansa na magtatag ng isang malayang pangasiwaang sentral ng pananalapi. Pagkatapos, hinirang ng Batas Pampanguluhan Blg. 1801 ang Bangko Sentral ng Pilipinas bilang pangasiwaang sentral ng pananalapi (CMA). Pagkatapos ng ilang taon, kinandili ng 1987 Saligang-batas ang mga panustos ng CMA mula sa 1973 Saligang-batas na talaga lamang nakatutok sa pagkatatag ng malayang pangasiwaan ng pananalapi sa pamamagitan ng pagtaas ng halaga ng puhunan at higi na malaking representasyon ng sektor na pansarili sa Lupon ng Pananalapi.

Alinsunod sa panustos ng 1987 Saligang-batas, nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 7653, kinikilala bilang Bagong Batas ng Bangko Sentral, bilang batas noong Hunyo 14, 1993. Ang batas na ito ay nagbibigay ukol sa pagkatatag ng isang malayang pangasiwaan na pananalapi na kinikilala bilang Bangko Sentral ng Pilipinas, na ang kanyang pangunahing layunin ay panatilihin ang katatagan ng mga presyo. Ang layuning ito ay napahiwatig lamang sa lumang karta ng Bangko Sentral. Nagbibigay rin ng batas sa Bangko Sentral ang kalayaang hinggil sa pananalapi at mamahala na wala ito sa lumang Bangko Sentral. Noong Hulyo 3,1993, nagkaroon ng bisa ang Bagong Batas ng Bangko Sentral.