kontra-salaysay

3
Republika ng Pilipinas ) __________________S.S SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY Kami, sina Alonzo Nuada Nicholas, 36 taong gulang, Marivic B. Flores, 31 taong gulang, kasalukuyang naninirahan sa Block 2, Kaingin 1, Pansol, Balara, Quezon City , ay malayang nagsasalaysay ng naaayon sa batas na; 1. Ako ay nirereklamo ng mag-asawang Eva at Arnel Jabian na taga Block 2, Kaingin 1, Pansol, Balara, Quezon City sa kasong ESTAFA; 2. Sa kadahilanang hindi ko pagtupad sa usapan ng pagbabayad ng utang na ang ginawang kasiguruhan ay ang aming bahay; 3. Na noong Mayo 8, 2011 ay nakaroon kami ng transaksyon na kami ay umutang sa mag-asawang Eva at Arnel Jabian ng halagang labinglimang libong piso (P15,000), at ang sangla sa nasabing pagkakautang ay an aming tinitirahan; 4. Bilang interes sa nasabing pagkakautang ay pumayag kami na magbayad ng dalawang libo buwan buwan bilang interes sa pagkakasanla ng bahay na aming tinitirahan sa mag-asawang Eva at Arnel Jabian; 5. Nooong mga unang buwan pagkatapos ng usapan, kami po ay nagbibigay kay Eva Javian ng limangdaan piso (P

Upload: jonbelza

Post on 08-Nov-2014

860 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Dont exhaust your defense in counter-affidavit. Mauubusan ka ng bala sa trial.

TRANSCRIPT

Page 1: Kontra-Salaysay

Republika ng Pilipinas )__________________S.S

SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY

Kami, sina Alonzo Nuada Nicholas, 36 taong gulang, Marivic B. Flores, 31 taong gulang, kasalukuyang naninirahan sa Block 2, Kaingin 1, Pansol, Balara, Quezon City, ay malayang nagsasalaysay ng naaayon sa batas na;

1. Ako ay nirereklamo ng mag-asawang Eva at Arnel Jabian na taga Block 2, Kaingin 1, Pansol, Balara, Quezon City sa kasong ESTAFA;

2. Sa kadahilanang hindi ko pagtupad sa usapan ng pagbabayad ng utang na ang ginawang kasiguruhan ay ang aming bahay;

3. Na noong Mayo 8, 2011 ay nakaroon kami ng transaksyon na kami ay umutang sa mag-asawang Eva at Arnel Jabian ng halagang labinglimang libong piso (P15,000), at ang sangla sa nasabing pagkakautang ay an aming tinitirahan;

4. Bilang interes sa nasabing pagkakautang ay pumayag kami na magbayad ng dalawang libo buwan buwan bilang interes sa pagkakasanla ng bahay na aming tinitirahan sa mag-asawang Eva at Arnel Jabian;

5. Nooong mga unang buwan pagkatapos ng usapan, kami po ay nagbibigay kay Eva Javian ng limangdaan piso (P 500.00) lingo lingo bilang pambayad sa interes sa utang;

6. Dahil sa kahirapan, dumating ang panahon na hindi kami makapagbigay ng bayad sa interes;

7. Dahil doon, kami po ay inihabla ng mag-asawang Eva at Arnel Jabian sa opisyal ng Barangay ng Pansol, Quezon City;

8. Doon po inobliga kami ni Arnel Jabian na bayaran na lamang prinsipal naming pagkakautang;

9. Dahil hindi namin kayang bayaran ng buo and aming pagkakautang sa mag-asawang Eva at Arnel Jabian, ang naibigay lang po naming ay kalahati ng

Page 2: Kontra-Salaysay

halaga ng principal na pagkakautang o pitong libo at limang daang piso (P7, 500.00);

10. Dahil po sa hirap kaming makapagbayad ng natitirang kalahati ng principal na pagkakautang, hindi po naming natupad ang napagkasunduang araw o petsa ng natitirang pagkakautanng na idinulog ng mag-asawa at napagkasunduan sa Opisyal ng Baranggay;

11. Dahil po dito kaya nila kami sinampahang ng reklamong ESTAFA na amin ngayon hinaharap;

12. Hindi po naming itinatanggi na kami ay mayroong pananagutan sa mag-asawang Eva at Arnel Jabian na pagkakautang;

13. Wala po kaming intension na ito ay pabulaan at takbuhan;

14. Kami po ay nakikipag usap sa kanila na bigyan kami ng sapat na panahon para makapagbayad ng pagkakautang sa kanila.

Hinihiling po namin sa kinauukulan na kami ay maunawaan, at hinihiling po naming na may lubos na paggalang na ang reklamong isinampa sa amin ay mabalewala dahil walang basehan.

Dahil po dito, hinihiling din po namin na maayos na lamang ng magkabilang partido ang usaping ito.

BILANG KATUNAYAN NG LAHAT, kami ay lumalagda ngayong ika tatlo (3) ng Abril, 2013 sa Siyudad ng Quezon Pilipinas.

_____________________________ _____________________________Alonzo N. Nicholas-Nagsasalaysay Marivic Flores-Nagsasalysay