kaugnayan ng study habits ng mga ma
DESCRIPTION
KAUGNAYAN NG STUDY HABITS NG MGA MAG- AARAL SA IKALAWANG TAON NG EDUKASYON TUNGO SA AKADEMIKONG PERPORMANS. Hope this will help.TRANSCRIPT
KAUGNAYAN NG STUDY HABITS NG MGA MAG- AARAL SA IKALAWANG TAON NG EDUKASYON TUNGO SA AKADEMIKONG PERPORMANS SA
PAMANTASAN NG XAVIER, TAON 2010- 2011
Isang Pamanahong- Papel na iniharap sa Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino,Kolehiyo ng mga sining at Agham, Pamantassan ng Xavier
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 33, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
NgFilipino 33- EDA
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong- papel na ito na pinamagatang Kaugnayan ng Study
habits ng mga Mag- aaral sa Ikalawang Taon ng Edukasyon tungo sa Akademikong Perpormans
sa Pamantasan ng Xavier ay iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Filipino 33- EDA
na binubuo nina:
Connie Ryan V. Edpalina Via Rose Simonette P. Garces
Janille Mariz A. Garduque Nicole Barbra S. Seno
Ruth D. Aguirrre
Tinanggap sa Pangalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham,
Pamantasan ng Xavier, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 33, Pagbasa
at pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Gng. Dulce Acaylar
Propesor
PASASALAMAT
Taus pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal at
tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta tungo sa matagumpay na
reyalisasyon ng pamanahong papel na ito:
Kay Gng. Dulce Acaylar, ang aming mabait at masipag na guro sa Filipino 33 sa
pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong papel sa pamamagitan
ng pagturo ng tamang paggawa, mga tamang hakbangin sa pagsulat ng isang
pamanahong papel at pagpayag sa amin na makapamahagi ng sarbey kwestyoner sa mga
kapwa naming mag-aaral ng kursong edukasyon. At sa kaniya ring pagpayag sa pagbigay
sa amin ng sapat na panahon para makapangalap ng mga datos at impormasyon para sa
aming pamanahong papel.
Sa mga awtor at mga mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan naming ng mga
mahahalagang impormasyon gaming ginagamit sa pagsulat ng una at ikalawang
kabanata ng pamanahong papel.
Sa aming mga respondente, sa paglalaan ng kanilang panahon at sa matapat na pagsagot
sa aming inihandang kwestyoner.
Sa aming kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at paghintulot sa amin na umuwi na hindi
kinagawian matapos lamang ang pamanahong papel, at higit sa lahat,
Sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin lalong lalo sa patuloy na
pagmamahal at pagpapalakas ng aming loob sa bawat hamon ng buhay.
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito
1. Introduksyon
2. Layunin ng Pag- aaral
3. Kahalagahan ng Pag- aaral
4. Saklaw at Limitasyon
5. Depinisyon ng Terminolohiya
Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag- aarl at Literatura
Kabanata III, disenyo at Paraan ng Pananaliksik
1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Mga respondent
3. Instrumentong Pampananaliksik
4. tritment ng mga Datos
Kabanata IV, Presentaston at Interpretasyon ng mga Datos
Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
1. Lagom
2. Kongklusyon
3. Rekomendasyon
Listahan ng mga Sanggunian
LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP
A. Talahanayan 1. Tugon ng mga Respondente sa Time Management
B. Talahanayan 2 Tugon ng mga Repondente sa Learning Skills
C. Talahanayan 3 Tugon ng mga Respondent sa Study Environment
D. Talahanayan 4 Marka ng mga Respondente sa Una at Ikalawang Semestre
E. Grap 1 Scatter Plot ng iskor sa Time Management at QPI
F. Grap 2 Scatter Plot ng iskor sa Learning Skills at QPI
G. Grap 3 Scatter Plot ng iskor sa Study Environment at QPI
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Introduksyon
Maraming mga estudyante ang kadalasang nahihirapan sa pagkuha ng mataas na marka,
sa mga kadahilanang sila ay maaaring kabilang sa mga tinatawag nating slow learner, walang
interes sa pag-aaral at walang study habits. Isa sa mga nabanggit ay ang dahilang walang study
habits, sa opinion ng ilan halos lahat ng mga estudyante ngayon ay walang tamang study habits.
Dahil dito, marami ang nalalagpak o di kaya naman ay nakakakuha ng maliliit na marka.
Nakakaalarma ang mga ganitong pangyayari sapagkat nagdudulot ito sa pagbagsak ng
kalidad ng edukasyon. Kapag hindi ito naagapan ay maaaring masira ang imahe at reputasyon ng
sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Ang study habits ay malaking paktor sa akademikong tagumpay ng mga estudyante
maliban sa dunong at innate na kakayahan sa akemedikong perpormans nila. Ito ang
siyang nagpapatibay at nagdidisplina sa buhay eskwela ng isang estudyante. Kung gayon, pag
wala nito ang mga mag-aaral, gaano man sila katalino, hindi nila makakayanan ang bigat ng
tungkulin ng isang estudyante, na kinakailangan para matamo ang pinakamagandang
akedemikong perpormans.
Ang hindi paglinang ng study habits sa mga mag-aaral ay lubhang nakakabahala sa
pagtamo nila ng tamang edukasyon.. Gaano man kahusay magturo ang mga guro, gaano man
kagusto ng mga magulang ng matuto ng maayos ang kanilang mga anak, at gaano man kaganda
ang luyunin at mithiin ng mga paaralan at ng gobyerno para sa mga mag-aaral, kapag hindi
nadebelop sa kanila ang tamang study habits, malaki ang tsansang hindi sila magiging
matagumpay sa pag-aaral. Nangagahulugan ring hindi magiging matagumpay ang mga guro,
magulang, gobyerno at paaralan, sapagkat nakasalalay lahat sa mga estudyante ang kanilang
katagumpayan.
2. Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa kaugnayan ng
study habits ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon, tungo sa kanilang akademikong
perpormans at naglalayang matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
a. Ano ang propayl ng mga respondent ayon sa;
a.1 Time Management
a.2 Learning Skills
a.3 Study Environment
a.4 QPI
b. Mayroon bang direktang kaugnayan ang study habits sa akademikong perpormans ng mga
mag-aaral sa ikalawang taon?
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay napakahalaga hindi
lamang sa mga mag-aaral kung hindi pati na rin sa mga guro at sa mga namamahala ng
institusyung ito. Ito ay magsisilbing payak na kaalaman na maaring magamit ng mga mag-aaral
ng kursong edukasyon upang lalo pang mapaunlad at madebelop ang kanilang pamamaraan sa
pag-aaral. Gayundin sa mga guro at sa namamahala na mas lalo pang mapaunlad at mapagtibay
ang pagtuturo at pagbibigay ng mataas na uri ng edukasyon sa pamantasang ito.
Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito dahil napakalaki ng
maiaambag nito hindi lamang sa mga estudyante ng kursong edukasyon kundi pati na rin sa
ibang estudyante at sa mananaliksik na nais magkaroon ng mahahalagang impormasyon ukol sa
nasabing pag-aaral.
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri sa kaugnayan ng study habits ng mga
mag-aaral sa ikalawang taon ng edukasyon tungo sa Akademikong Perpormans. Saklaw nito ang
mga estudyante sa ikalawang taon ng kasalukuyang semester sa kursong edukasyon.
Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyanteng nasa ikalawang taon na
kasalukuyang naka-enrol dito sa Pamantasan ng Xavier at mayroong prescribe study load para sa
semester na ito.
Ang pananaliksik na ito ay para lamang sa loob ng Pamantasan ng Xavier at sa mag-aaral
na kinabibilangan nito. Ito ay maaaring may maging epekto sa pangkalahatang pag-aaral at sa
mga resulta nito. Datapwat, ang magiging resulta nito ay maaaring maging makatotohanan din sa
iba pang pamantasan na mayroong kaparehas na pananaw, misyun, layunin at kurikula sa pag-
aaral dito sa Pamantasan ng Xavier.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
1. Study Habits- salitang tumutukoy sa nakasanayang pamamaraan ng pag-aaral ng mga
alituntunin sa paaralan.
2. Time Management- tumutukoy sa abilidad ng pag-aaral na kung saan nagagamit ng wasto ang
oras para lalong maging produktibo ang estudyante.
3. Study Skills- tumutukoy sa iba’t ibang abilidad para lalong mabasa ang kapasidad sa pag-aaral
ng mga alituntunin sa paaralan.
4. Study Environment- tumutukoy sa lugar na kung saan komportable sa pag-aaral at
magkakaroon ng kaugnayan sa istilo sa pag-aaral.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
TIME MANAGEMENT
Ayon kay Mark Gilly (2000), ang mga matagumpay na estudyante ay nababalanse ang
sosyal na aktibidad sa mabuting study habits. Ang pagdadaybert mula sa pag-aaral ay
nakakabawas ng istres at nakakaiwas sa pagkakapagod. Sabi niya, dapat sa isang estudyante na
magkaroon ng break time ng isang oras pagkatapos ng pag-aaral para makisalamuha sa mga
kaibigan: maglaro ng baraha, magwork-out sa gym o makipagkilala sa ibang tao. Sa ganitong
paraan, ang estudyante ay nagkakaroon ng kosentrasyon sa pag-aaral pag may plano siyang
sosyal na aktibidad pagkatapos. Dagdag ni Gilly ,“ Para madebelop ang isang magandang
sosyal na pamumuhay, dapat madebelop ang isang magandang malagiang study habits.
Pagkatapos ng hapunan, dalhin ninyo ang inyong aklat sa silid aralan, humanap ng
komportable at payapang lugar at mag-aral ng dalawa hanggang tatlong oras na may break na
sampung minuto kada apat naput limang minuto”. Ang pakikipagkaibigan sa mga taong may
similar na study habits at pagsabay sa kanila sa silid aralan ay isa sa pinakamabuting paraan ng
pagdebelop ng study habits, sabi ni Mark.
Ayon kay Jesslyn Reinecke (2007), ang kasanayan sa Time Management ay isang
magandang predictor ng mabuting akademikong perpormans, at ito ay sinusuportahan ng mga
pag-aaral. Nagpapakita sa isang pananaliksik na ang epektibong estratehiya sa time management
ay nagpapataas ng akademikong perpormans at achievement lalo na sa mga mag-aaral ng
kolehiyo. Dagdag pa rito, ayon sa isang pag-aaral na ginawa para malaman kung saan sa dalawa-
time management o paglilibang ang epektibo sa pagpapababa ng stress sa pag-aaral, ang time
management ay mas mabisa sa pagpapababa ng stress kumpara sa paglilibang. Dahil dito, ang
mga estudyante ay hinhikayat na dumalo sa mga seminar tungkol sa time management. Ang
maayos na paggamit nito ay nakakatulong sa ibang aspeto ng akademikong pag-aaral: sa
pagpaplano, sa paggawa ng mga requirements at sa araw-araw buhay estudyante.
Ayon sa Law of Proximity ng Gestalt psychology, ang mga porma ay nagugrupo ayon sa
paraan ng kanilang pakakaespasyo, kung saan ang naglalapit na bagay ay mas madaling
naigugrupo kaysa sa nalalayo (Tria, et. Al., 1998) Sa pagkatuto, ito ay sumasaklaw sa
pagkakalapit ng mga bagay ayon sa espasyo o oras. Ito rin ay nagpapaliwanag kung bakit mas
madaling natatandaan ang mga sariwang kaganapan at mas madaling sumali sa interes ng
kasalukuyan. Sa aplikasyon ng proseso ng pagkatuto, ang kagyat at regular na study periods at
paggawa ng mga requirements ay madalas na magresulta sa mas mahusay na pagganap kaysa sa
naantala at mali-maling study periods. Ang Law of Exercise ni Thorndike ay sumusuporta sa
prinsipyong ito. Ang mas madalas na paggamit ng isang modipikadong koneksyon sa pagitan ng
isang sitwasyon at tugon ay nakakalakas ng koneksyon. Ngunit pag ang modipikadong
koneksyon ay hindi gaanong ginagamit sa loob ng mahabang panahon, ang lakas ng koneksyon
ay humihina. Kung kayat, ang regular na pagsanay at pag-ulit ng isang kaugalian ay
humahantong sa habit formation.
LEARNING SKILLS
Ayon kay Darmayanti (1994), ang learning skills ay karaniwang ginagamit kaugnay sa
akademik perpormans ng mga estudyante at isa rin ito sa mga itinuturing na perpektong
indikaytor sa pagpredik ng tagumpay sa akademik sa tradisyunal na pamamaraan. Sa kasong ito
siya ay nakakita ng positibong relasyon sa dalawang baryabol: learning skills at akademik
perpormans. Ayon sa mga kasalukuyan pag-aaral, dahil sa learning skills ang mga estudyante ay
nakakuha ng mabuting resulta sa kanilang pangakademikong perpormans, pati narin sa kanilang
tatahaking propesyon sa hinaharap (Hollenbeck, 1996; Stasz and Brewer, 1998; Hershey et.al.,
1999)
Ayon sa pananaliksik ni Johnson (1998), ang learning skills ay tumutulong sa pagdebelop
ng retensyon sa kanilang mga natutunan at sa akademikong perpormans. Isinuri niya ang
epektibiti sa tinatawag na Five College Level Learning Skills na nakasentro sa pagpapabuti ng
grado at retensyon. Ito ay nagpapakita ng kaugnayan ng learning skills sa akademikong
perpormans.
STUDY HABITS AND SKILLS
Sina H. Hansen, Ph.D at Katharine Hansen, Ph.D. ay sumusuporta din sa positibong
relasyon ng study skills at akademik perpormans sa kanilang pagsasamang gawa ng librong
pinamagatang, The Complete Idiot’s Guide to Study Skills. Nasabi nila sa kanilang libro na ang
study skills ay napakahalaga upang makamtan ang akemikong tagumpay para sa sinumang mag-
aaral. Sinabi din nila ang ang study skills ay makakatulong sa mag-aaral na magtagumpay sa
pag-aaral.
Sa pag-aaral nina Marcus Crede at Nathan R. Kuncel napag-alaman nila na mayroong
kaugnayan ang akademik perpormans sa study skills. Sa panananaliksik nila sa Unibersidad ny
Albanya nasabi nila ang study skills ay nagpapakita ng malakas na relasyon sa grade point
average at bawat grado ng indibidwal. Sila rin ang nagsabi na ang academic specific anxiety ay
importanteng negatibong prediktor ng perpormans. Dagdag rito, ipinakita nila ang signipikant na
baryasyon sa baliditi ng ispesipikong imbentaryo. Ang iskor ng tradisyunal na study habits at
attitude inventories ay ang pinakaprediktib sa lahat ng perpormans. Habang ang iskor sa mga
imbentaryo batay sa popular na depth of processing perspective ang pinakamahinang prediktor
ng perpormans. Sa kabuuan, ang study habits and skill measures ay nagpapabuti ng prediksyon
ng akademik perpormans kaysa sa ibang noncognitive individual difference variable na napag-
aralan sa kasalukuyan, at dapat itong tanggapin bilang ikatlong haligi sa akademikong tagumpay.
Ayon sa Champion Study Skill Torturing, isang learning enhancement center sa Amerika,
ang pag-aaral ay nakakaapekto ng akademik perpormans. Kahit na ang pinakamatalinong
istudyante ay humihina sa akademiks kapag hindi maayos sa study habits. Ang center na ito ay
nagdedebelop ng isang personalisadong programa sa study skills na tumutugon sa
pangangailangan ng bawat mag-aaral. Ang Programang ito ay base sa puspusang ebalwasyon na
isinagawa upang malamang ang learning preference at abilities ng estudyante. Ito rin ay
dinisenyo para matulungan ang mga istudyante na madebelop ang personal study habits. Ito ay
sumusuporta na may positibong relasyon sa pagitan ng study skills at academic perpormans.
Sinabi ni M. Schwartz (1973), para makakuha ng magandang marka ang isang estudyante
kailangang idebelop niya ang magandang study skills na sinusunod ang outline ng mga
estratehiyang sa kaniyang ginwang libro. Iminungkahi ng kanyang libro na ang paggamit ng
kanyang estratehiya ay nagpapabuti ng akemikong perpormans. Ayon sa awtor, ang tagumpay sa
paaralan ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng mataas na IQ, ngunit kailangan lang ang
apat na elementong ito: teknik, direksyon, gabay at study skills. Itinangi niya ang pag-aaral ay
isang kasanayan kung kayat ang study skills ay dapat maidebelop ang pinakamataas na resulta sa
akemik perpormans ng mga estudyante.
Sa libro ni Steve Piscitelli, Study Skills Do I Really Need This Stuff?, sinabi niya na ang
epektibong study skills ang nagbibigay lakas sa estudyante na gawin ang kinakailangan upang
maging mahusay sa pagganap ng kanilang course requirements. Sabi rin niya na ang study skills
ay pinagbubuti ang akademik perpormans ng mga mag-aaral. Ito ay consistent sa napag-alaman
ng pag-aaral na may positibong korelasyon sa pagitan ng study skills at akemik perpormans.
Ang mga propesong sa mga maaangat na bansa ay nagsasabi na ang mga undergraduate
na mag-aaral ay kailangang magkaroon ng mataas na lebel ng analytical skills, critical skills,
self-reflection at conceptual grasp.Kailangan rin ang abilidad na matuto ng mag-isa at makapag-
ehersiyo ng mahubuging kaisipan (Simmons, 2003). Ang study habits ay sinasabing bumubuti
dahil sa pagsibol ng mga internet, hypertext at multimedia resources na lubhang nakakaapekto sa
study habits (Liu, 2005). Ayon kay Karim at Hassan (2006), napagbubuti ng digital information
ang persepsyon ng mga estudyante sa pag-aaral. Dagdag ni Liu (2005) at Ramirez (2003), na
ang mga estudyante ay gumagamit ng printed materials mula sa Internet para makapag-aral.
MGA KADAHILANAN NA MAKAKAAPEKTO SA AKADEMIKONG PERPORMANS
Lahat ng mga nirerebyung pananaliksik ay sinuportahan ng teorya na ang perpormans ng
mga mag-aaral ay nakadepende sa iba’t ibang sosyo-ekonomiko, pangkaisipan/sikolohikal, at
pangkapaligirang kadahilanan. Mga natuklasan batay sa pag-aaral ng mga mananaliksik ay
nakapukos sa perpormans ng mga mag-aaral na naapektuhan sa pamamagitan ng iba’t ibang
kadahilanan gaya ng kakayahan sa pag-aaral(learning abilities) dahil sa bagong paradaym
tungkol sa ipinapalagay na pag-aaral na lahat ng mga mag-aaral ay maaring at dapat may
malaman sa mas mataas na antas pero dapat hindi itinuturing na limitasyon dahil may ibang
kadahilanang tulad ng lahi, kasarian na maaaring makaapekto sa perpormans ng mga mag-aaral.
Ilan sa mga mananaliksik ay sinubukang ipaliwanag ang link sa pamamagitan ng mga nakamit
ng mga mag-aaral, ekonomikong kalagayan, at mga panganib na maaaring mapag-iwanan na
may positibong katibayan (Goldman, N., Haney W., and Kofflers, S.1988, Pallas, A., Natrielle,
G., McDill E., Levin, H., 1986)
BA Chansarkar and A. N Mishaeloudis (2001), ipinaliwanag ang epekto ng edad ,
pagkamarapat na distansya ,mula sa lugar na pag-aaralan at iba pang sa pagganap ng mga mag-
aaral. Ang perpormans ng mga mag-aaral ayon sa module ay hindi apektado sa pamamagitan ng
mga kadahilananng gaya ng edad, kasarian, lugar ng paninirahan ngunit may kaugnayan sa
pagkamarapat ng dami ng asignatura. At iba pang natuklasan ay yong nakatira malapit sa
paaralan o unibersidad.
Study Environment
Ang isang maayos na pasilidad ay sumusuporta at lubos na nakakatulong sa edukasyon.
Inilalahad sa isang pananaliksik na ang malinis na hangin, maayos na pag-iilaw at isang tahimik
at komportableng lugar ay importante para sa ikauunlad ng akademikong pg-aaral (Cash 1993,
Earthman and Lemasters 1996, Lemasters 1997, Lackney 1999, Cotton 2001, Schneider 2002).
Habang ang sosyo-ekonomik status ng mag-aaral at pakikilahok ng magulang ay ilan rin sa mga
importanteng predictors ng akademik perpormans ng isang mag-aaral, ang kondisyon, adequacy
at management ng school building ay kontrolado ng distrito ng paaralan – kung kaya’t ang
pagsasaayos sa mga pasilidad ay nagbibigay ng oportunidad upang mapaghusayan ang akademik
perpormans.
Sa mga akda ni Frank Pogue (2000), sinabi niya na ang study environment ay may
positibong ugnayan sa akademik perpormans. Nakapagsagawa siya ng pananaliksik upang
malaman kung bakit lumalagpak sa klase ang mga estudyante. Nalaman niya hingil sa sarbey
tungkol sa study habits, tatlumpung taon ng nakalipas, na lumalagpak ang mga mag-aaral dahil
hindi sila marunong kung papaano ang wastong pag-aral. Inilalahad rin niya ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng maayos na mesa’t upuan, pag-iilaw, temperature, bentilasyon at tahimik na
kapaligiran. Kung sa gayon, dapat maialis ang internat at external na mga distraksyon.
Pangalawa’y dapat ring makakuha ng komprehensibong oberbyu sa asaynment na pag-aaralan.
Alamin ang mga skills, facts at ideas na inaasahang ma-master. Unahin ang pinakamahirap na
subject kung saan ang pag-iisip ay fresh at receptive.
Ayon sa BUGS (Bringing Up Girls in Science), isang programa para sa mga batang
kababaihan at ng kanilang mga magulang sa Unibersidad ng North Texas, “ang home
environment ay isa sa maraming maimpluwensiyang factors sa akademik perpormans. Isa sa mga
kontrobersiyal na isyu ay ang epekto ng panonood ng telebisyon. “Ang ugnayan ng kognitib
debelopment at panonood ng telebisyon ay isa sa mga lubos na napag-aralan. Hindi sumasang-
ayon ang mga imbestigador dito” (Shin, 2004, para. 2). Hindi lamang ang amount at quality ng
panonood ng telebisyon at family involvement ang nakakapag impluwensya sa akademik
perpormans ng isang mag-aaral.
Ang epekto ng musika at isports ay isa ring napakahalagang isyu. Ang mga punong-guro
ay interesado sa “ugnayan ng akademik perpormans at pakikilahok sa interscholastic sports sa
paaralang elementarya,” kung saan isinasaad na ang isports ay nakakapekto talaga sa pag-aaral
(Stephen & Schaben, 2002, para. 2). Lahat ng activities na ito’y nagpapahiwatig at nagpapakita
ng kontng impluwensiya sa akdemik perpormans ngunit hindi matiyak o maitukoy ang isyu kung
kapakipakinabang ba ito o hindi.
Ang pananaliksik na nailarawan ay isang deskriptib na pag-aaral dahil inoobserbahan nito
ang kilos at galaw “kung saan ito ay naisasagawa ng natural, nakakapagsiyasat ng penomena at
nakakapag-test ng hypotheses ukol sa behavior ng tao” (Brown, Cozby, Kee & Worden, 1999, p.
75).
KABANATA III
DISENSYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib analitik
na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang
kaugnayan ng study habits ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng Edukasyon tungo sa
akademikong perpormans sa Pamantasan ng Xavier.
2. Mga Respondente
Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa kursong edukasyon
sa ikalawang taon sa kasalukuyang semester ng Pamantasan ng Xavier.
3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-sarbey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang kaugnayan ng study habits
sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa ikalawang taon.
4. Tritment ng mga Datos
Sa bawat baryabol sa ilalim ng study habits: time management, learning skills at study
environment ay mayroong tig-lilimang aytem.Limang aytem para sa time management, limang
aytem para sa learning skills at limang aytem para sa study environment, sa kabuuan mayroong
labinlimang bilang. Ang paraan ng pagpuntos ay mula sa isa hanggang apat; apat ang
pinakamataas at ang isa bilang pinaka mababa na tugon.
Ang iskala ng mga sagot ayon sa baryabol ay:
1. Time management
Tugon Puntos Deskripsyon
Palagi 4 Mahusay
Minsan 3 Kasiya- siya
Bihira 2 Mabuti
Hindi 1 Di- kanais nais
2. Learning Skills
Tugon Puntos Deskripsyon
Palagi 4 Mahusay
Minsan 3 Kasiya- siya
Bihira 2 Mabuti
Hindi 1 Di- kanais nais
3. Study Environment
Tugon Puntos Deskripsyon
Palagi 4 Mahusay
Minsan 3 Kasiya- siya
Bihira 2 Mabuti
Hindi 1 Di- kanais nais
4. Ang kabuuang tugon mula sa time management hanggang study environment ay kinuha mula
sa paggamit ng pormulang ito:
SH= Average TM + Average LS+ Average SE
3
5. Ang kabuuang iskala ng interpretasyon sa karaniwang tugon
Average Interpretasyon
3.25 – 4 Mahusay
2.50 – 3.24 Kasiya- siya
1.75 – 2.49 Mabuti
1.0 – 1.74 di kanais- nais
6. Akademikong Perpormans
QPI Letter Grade Description
4 A Pinaka-magaling
3.5 A- Magaling
3 B Mahusay
2.5 B- Mabuti
2 C Katamtaman
1 D Pumasa
0 F Bagsak
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito ipinapakita ang mga resulta sa una at ikalawang katanungan mula sa layunin ng pag-aaral sa pamanahong papel na ito.
Unang katanungan: Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:
a. Time Management
b. Learning Skills
c. Study Environment
d. QPI
Time Management
Halos lahat ng mga mag-aaral ay gumagawa ako ng “to do” list sa pag-oorganisa
ng gawain, nirerebyu ang mga tuntunin bago/pagkatapos ng klase, ginugugol ang bakanteng
oras sa pag-aaral, natututo ng mabilis pag may iniobserbahan, pinapanood o tinitignan,
gumagawa ng outline para mas maiintindihan ang pinag-aaralan at mas madaling maintindihan
at mamemorya ang leksyon pag naririnig ito.
Kategorya Prikwensiya Porsiyento
Mahusay 5 12.5
Kasiya-siya 23 57.5
Mabuti 12 30
Di kanais- nais 0 0
TOTAL 40 100
Talahanayan 1 Tugon ng mga Respondente sa Time management
Learning Skills
Ang mga mag-aaral ay may kamalayan sa kanilang learning skills. Upang mas lalo nilang
maintindihan ang isang bagay leksyon ay gumagawa sila ng outline, mas mabilis nilang
nakukuha ang kahulugan ng isang bagay kapag ito ay kanilang nakikita at naririnig. Alam nila
kung saan sila mahina at malakas
Kategorya Prikwensiya Porsiyento
Mahusay 9 22.5
Kasiya-siya 28 70
Mabuti 3 7.5
Di kanis- nais 0 0
TOTAL 40 100
Talahanayan 2 Tugon ng mga Resondente sa Learning Skills
Study Environment
Ang mga mag-aaral ay kadalasang nag-aaral kung saan malinis at organisado ang lugar,
nag-aaral sa sariling lugar kung saan ako komportable (sala, kwarto), nag-aaral kung saan
tahimik, at nag-aaral ako malayo sa mga distraksyon. Karaniwan sa mga mag-aaral ay nag-aaral
sa isang lugar na may sapat at maayos na bentilasyon, Nakakatulong sa pag-aaral ang mga
graphic organizers (concept map, venn diagram), nag-aaral ng adbans, ginugugol sa aking
bakanteng oras ang pag-aaral.
Kategorya Prikwensiya Porsiyento
Mahusay 33 82.5
Kasiya-siya 6 15
Mabuti 1 2.5
Di kanis- nais 0 0
TOTAL 40 100
Talahanayan 3 Tugon ng mga Respondente sa Study environment
QPI
Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng karamihan sa QPI ng mga estudyante ay 2.72 at 2.68. Ito ay
nagpapahayag na ang mga estudyante ay nakakuha ng mga markang kabilang sa kategoryang B-
hanggang B. Sa kursong edukasyon, ang markang ito ay pasado dahil ang kinakailangang QPI sa kursong
ito ay B- lamang upang pumasa. Ito din ay nagsasaad na ang majority sa mga respondente ay may
pamantayan na QPI sa parehang semester.
QPI 1st
semestreQPI 2nd
semestre
Mean 2.72 2.68
Median 2.75 2.7
Standard Deviation
0.52 0.4
Talahanayan 4: Marka ng mga respondente sa una at ikalawang semestre
Ikalawang Katanungan:
Ang seksyon na ito ay nagpapakita ng komputasyon at analohiya kung mayroon bang direktang
kaugnayan ang study habits(time management, learning skills, study environment) ng mga mag-aaral ng
ikalawang taon sa kursong edukasyon.
Mayroon bang kaugnayan sa pagitan ng;
a. Time management
b. Learning Skills
c. Study Environment
Mayroon bang direktang kaugnayan ang study habits sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa
ikalawang taon?
Time Management
Makikita sa grap 1 na ang tugon ng mga respondente ay umaayon mula sa pagitan ng 2-
3.5 at ang kanilang QPi ay mula sa 2- 4. Dito, maaari nating magawan ng konklusyon na ang dalawang
baryabol ay may bahagyang positibong kaugnayan sa isa’y isa. Ibig sabihin ay kung ang isang mag-aaral
ay may mabuti, kasiya- siya at mahusay na time management ay masasabi din nating ang kanyang
akademikong perpormans ay maaaring nabibilang mula katamtaman hanggang pinakamagaling pagdating
sa kanilang akademikong perpormans.
Ganito din ang naging resulta sa ginawang pag-aaral ni Jesslyn Reinecke (2007), ang kasanayan
sa Time Management ay isang magandang predictor ng mabuting akademikong perpormans. Nagpapakita
sa isang pananaliksik na ang epektibong estratehiya sa time management ay nagpapataas ng akademikong
perpormans at achievement lalo na sa mga mag-aaral ng kolehiyo.
1.5 2 2.5 3 3.5 40
0.5
1
1.5
2
2.5
3
3.5
4
QPI
TI
ME
MANAGEMENT
Grap 1 Scatter Plot ng iskor sa Time management at QPI
Learning Skills
Ipinapakita sa grap 2 na ang distribusyon ng learning skills ng mga respondent at ang kanilang
QPI. Ayon dito, mas marami ang may kasiya-siya hanggang mahusay (2.5- 3.5) na tugon sa kanilang
learning skills na nagpapakita naman ng pagkakaroon nila ng mabuti hanggang pinakamagaling (2.5- 4)
na QPI. Masasabi nating may bahagyang positibong kaugnayan ang learning skills at QPI ng mga
respondente. Sa madaling salita, kung ang isang mag-aaral ay may kasiya-siya at mahusay na learning
skills ay may maganda ring epekto kanyang pang-akademikong perpormans.
Ang resultang ito ay pinagpapatibay ng pag-aaral hi Darmayanti (1994), ayon sa kanya ang
learning skills ay karaniwang ginagamit kaugnay sa akademik perpormans ng mga estudyante at isa rin
ito sa mga itinuturing na perpektong indikaytor sa pagpredik ng tagumpay sa akademik sa tradisyunal na
pamamaraan. Sa kasong ito siya ay nakakita ng positibong relasyon sa dalawang baryabol: learning skills
at akademik perpormans. Ayon din sa ibang pag-aaral na ginawa ng ibang mananaliksik, dahil sa learning
skills ang mga estudyante ay nakakuha ng mabuting resulta sa kanilang pangakademikong perpormans,
pati narin sa kanilang tatahaking propesyon sa hinaharap (Hollenbeck, 1996; Stasz and Brewer, 1998;
Hershey et.al., 1999)
1.5 2 2.5 3 3.5 40
0.5
1
1.5
2
2.5
3
3.5
4
QPI
LEARNING SKILLS
Grap 2 Scatter Plot ng iskor sa Learning Skills at QPI
Study Environment
Makikita sa grap 3 ang distribusyon ng dalawang baryabol. Ang mas pinakamaraming sagot ay sa
pagitan ng 3.5- 4 na parehong nabibilang sa mahusay na kategorya. Habang ang sa QPI naman ay sa
pagitan ng 2- 3.5 ,katamtaman hanggang magaling na kategorya. Sa pagitan ng dalawang baryabol ay
masasabi nating bahagyang may positibong kaugnayan ang dalawang. Kung may mahusay na study
environment ay mayroon ding magandang perpormans sa akademiko.
1.5 2 2.5 3 3.5 40
0.5
1
1.5
2
2.5
3
3.5
4
4.5
QPI
ENVIRONMENT
Grap 3 Scatter Plot ng iskor sa Study Environment at QPI
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay ginawa para maipakita na mayroong relasyon ang study sa akademikong
perpormans ng mga estudyante sa Ikalawang taon ng kursong Edukasyon ng Pamantasan ng Xavier para
sa taong 2009- 2010.
Nais masagot ng mga mananaliksik ang naturang mga katanungan:
Unang Tanong; Ano ang mga profile ng mga estudyante sa Ikalawang taon ng kursong Edukasyon ng
Pamantasan ng Xavier para sa taong 2009- 2010 batay sa Time Management, Learning Skills, Study
Environment at QPI.
Pangalawang Tanong; Mayroon bang relasyon ang study habits (Time Management, Learning Skills,
Study Environment) at akademikong perpormans batay sa QPI noong unang semester hanggang
ikalawang semester.
Resulta
Ang datos o impormasyon ay klinasipika sa iba’t ibang talahanayan at ginrupo sa
kaugnayan nila sa dalawang problema sa particular na pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik
ay nakakuha ng mga sumusunod na resulta:
1. Ang mga respondente ay mga mag-aaaral sa ikalawang lebel ng kursong Edukasyon ng
pamantasan ng Xavier. Ang apat-napu’t respondente ay pinili nonrandomly.
2. Mahigit sa kalahati ng mga mag-aaral ay ini-rate ang kanilang time management mula
mahusay hanggang kasiya-kasiya.
3. Sa learning skills, lahat ng mga respondente ay may sagot sa pagitan ng mabuti at mahusay.
Wala sa kanila ang umangkin na mayroong di kanais nais learning skills.
4. Karamihan sa kanila ay may mahusay na study environment. Wala sa kanila ang umangkin na
may di kanais nais na study environment.
5. Sa akademik perpormans, lahat ng mga respondente ay may mabuting perpormans sa SY
2009-2010.
6. May direktang relasyon sa pagitan ng time management skills at sa akademik perpormans o
QPI.
7. Ang pagkakaroon ng magandang learning skills ang nagpapataas ng QPI ng mga estudyante.
8.. Ang study environment ay nagko-kontribyut sa akademik perpormans nga mga 2nd year na
mag-aaral. Ang pagkakaroon ng magndang kapaligiran ay nagpapabuti ng pag-aaral at ito’y
nagfdudulot ng maganda sa achievements ng mga estudyante. Kapag mas maganda ang
kondisyon ng kapaligiran, mas malaki ang tsansa na tumaas ang QPi ng mga mag-aaral.
9. Base sa mga resulta at ng kanilang profile pangunahing suliranin, ang mga respondente, batay
sa QPi, ay may mahusay na perpormans para sa SY 2009-2010. Inilalahad nito na may mga
factors na nakakaimpluwensiya sa perpormans sa dalawang magkasunod na semestre. Batay sa
resulta ng pananaliksik, ang time management, learning skills at study environment ay may
bahagyang positibong ugnayan sa akademik perpormans kung saan nailalagom ng lahat ng
baryabol hingil sa study habits ay nakakaapekto sa pangkalahatang perpormans ng mga mag-
aaral sa 2nd year.
2. Kongklusyon
Base sa mga result na nakalap, ang mga kongklusyong ito ay naipormula:
1. Ang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang mga respondente ay nag-iiba sa kanilang mga study habits,
sa termino ng time management, learning skills at study environment , pati na rin ang akademik
perpormans. Dagdag rito, Ang mga estudyante ay hindi magkakatulad sa lebel o degree ng time
management, learning skills, study environment at akademik perpormans.
2. Sa palagay ng mga mananaliksik na ang study habits ay mayroong direktang impluwensya a
akademik perpormans.
3. Ang pagkakaroon ng time management, learning skills at study environment ng direktang
relasyon sa akademik perpormans ay nagpapahiwatig na kapag ang estudyante ay pinagbutihan
pa ang apat na kategorya sa study habits siya ay maaaring bumuti sa kanyang akademik
perpormans base sa kanyang nakuhang QPI sa binigay na panahon ng pag-aaral.
3. Rekomendasyon
Base sa mga resulta ng pananaliksik, ang mga sumsunod ay inirerekomenda:
1. Na ang adminstrasyon, lalo na ang mga subject area coordinators, ay
magpormula ng ilang modipikasyon sa mga polisiya sa edukasyon, sa kurikulum at
mga estratehiya para mapalakas ang study habits ng mga estudyante upang
makayanan nila ang mga responsibilidad ng buhay kolehiyano.
2. Na maidebelop ang epektibong montoring system kung saan ang akademik
perpormans ng mga second year ay nasusubaybayan at naiibalweyt ng mabuti kada
semester upang malaman ang mga paktor na nagdudulot ng mababa o magandang
perpormans ng mga estudyante.
3. Na gumawa ng remedial programs at self-awareness seminars/ workshops para
sa mga second year na mga estudyante upang mapahalagahan nila ang mabuting
study habits: time management, learning skills at study environment para
mapabuti ang kanilang akademik perpormans.
4. Na ang mga guro ay magpatuloy na manghikayat sa mga estudyante sa kanilang
pag-aaral at sila ay makapagdebelop ng epektibong metodolohiya sa pagpapahusay
ng akademikong perpormans.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Batayang Internet
“The Prediction of Academic Achievement by The British Study Habits Iinventory”, Mark E.
Thompson,2005: February 16, 2009 (http://www.springerlink.com/content/w3715h5884172656/)
Coman, Marcia S. How to Improve Your Study Skills, Illinois, USA: VGM Career Horizons, 1990
Morgan, Clifford T. and James Deese, How to Study, 2nd Ed., New York: McGraw Hill, 1973
Mirasol, G.C., Extent of Influence of Study Habits, Attitude and Peer Relationship on Students’ Academic Performance: St. Michael’s College, Secondary Level, Philippines: 2002
Reference Work
Educational Psychology 91/92 Annual Editions. 6th ed. Ed. Kathleen M. Cauley, et.al., Connecticut: The Dushkin Publishing Group, Inc., 1991
Hindi Nailathalang Batayan
Eun Chui Seo, “The Effect of Study Habits on the Academic Performance of the High School Students of Immanuel Mission School, Cagayan de Oro City, School Year 1198- 1999,” MA Thesis; Xavier University, Cagayan de Oro City, 1999
Guia Cerico Mirasol, “Extent of Influence of Study habits, Attitude and Peer Relationship on Students’ Academic Performance: St. Michael’s College, Secondary level,” MA Thesis, Xavier University, Cagayan de Oro City, 2002
Panal, Lucita P. “Correlates of Academic Performance of Secondary Freshmen Students of Xavier University, Cagayan de Oro City, 1991
Dela PeÑ a, Salvador C. III, “Factors Associated with Academic Performance of AB English Freshmen of MSU- IIT: Proposal Language Instructional Program,” MA Thesis, Xavier University, Cagayan de Oro City, 1995
APENDIKS A
Sarbey- kwestyoner sa
Sarbey hingil sa STUDY HABITS ng mga Mag-aaral
Pangalan (opsyonal): __________________ QPI (last year) 1st sem: __________
QPI 2nd sem____________
A. Time Management Palagi
Minsan
Bihira Hindi
3-5 oras ang binibigay kong alokasyon para sa pag-aaral
Nag-aaral ako ng adbans
Nirerebyu ko ang aking mga tuntunin bago/pagkatapos ng klase
Gumagawa ako ng “to do” list sa pag=oorganisa ng gawain
Ginugugol ko sa aking bakanteng oras ang pag-aaralB. Learning Skills
Nakakapag-aral ako kahit may ibang ginagawa (laro, kain, atbp.)
Gumagawa ako ng outline para mas maiintindihan ang pinag-aaralan
Nakakatulong sa pag-aaral ang mga graphic organizers (concept map, venn diagram)
Mas madaling maintindihan at mamemorya ang leksyon pag naririnig ko ito
Natututo ako ng mabilis pag may iniobserbahan, pinapanood o tinitignan
C. Study Environment
Nag-aaral ako kung saan tahimik
Nag-aaral ako sa isang lugar na may sapat at maayos na bentilasyon
Nag-aaral ako kung saan malinis at organisado ang lugar
Nag-aaral ako sa sariling lugar kung saan ako komportable (sala, kwarto)
Nag-aaral ako malayo sa mga distraksyon
Direksyon: Lagyan ng tsek ang napiling sagot sa kung ano ang karaniwan mong ginagawa, naiisip at nararamdaman sa mga nabasang pahayag. Walang tama at maling sagot. Nakakasiguro po kayong inyong mga sagot ay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito.