katangian ng biomass-fed flatbed dryer · mga alituntunin sa tamang paggamit ng biomass-fed flatbed...

2
Biomass-fed Flatbed Dryer Ang biomass-fed flatbed dryer ay mekanikal na patuyuan ng mga butil gaya ng palay at mais. Ito ay may pugon na maaaring gatungan ng ipa, busal ng mais at wood chips o kusot. Dahil dito, mas makatitipid at makapagpapatuyo na ang mga magsasaka anumang oras o panahon. Katangian ng Biomass-fed Flatbed Dryer Madaling itayo, gamitin at panatilihin - Yari sa sinimentong mga dingding o panel - May shed o kubol Mababang halaga ng pagpapatuyo kumpara sa mga ginagamitan ng gaas na mga mekanikal na patuyuan - Ginagamitan ng biomass furnace (direktang inaapuyang panggatong tulad ng ipa) Mahusay na pantuyo - May kakayahang magtuyo ng anim na toneladang butil sa loob ng 10 hanggang 12 oras (24 hanggang 14 porsiyento ng moisture content o lulang tubig gamit ang 43ºC hanggang 50ºC na temperatura) Hopper Feeder controller Step grate Furnace Shed Blower Ash cover Clean out port Diesel engine Air duct (canvass) Flooring Drying bin Discharge or unloading ports Perforated floor Ducng assembly Bahagi ng Biomass-fed Flatbed Dryer

Upload: dangtuyen

Post on 06-Jun-2019

241 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Biomass-fed Flatbed DryerAng biomass-fed flatbed dryer ay mekanikal na patuyuan ng mga butil gaya ng palay at mais. Ito ay may pugon na maaaring gatungan ng ipa, busal ng mais at wood chips o kusot. Dahil dito, mas makatitipid at makapagpapatuyo na ang mga magsasaka anumang oras o panahon.

Katangian ng Biomass-fed Flatbed Dryer

• Madaling itayo, gamitin at panatilihin - Yari sa sinimentong mga dingding o panel - May shed o kubol

• Mababang halaga ng pagpapatuyo kumpara sa mga ginagamitan ng gaas na mga mekanikal na patuyuan - Ginagamitan ng biomass furnace (direktang inaapuyang panggatong tulad ng ipa)

• Mahusay na pantuyo - May kakayahang magtuyo ng anim na toneladang butil sa loob ng 10 hanggang 12 oras (24 hanggang 14 porsiyento ng moisture content o lulang tubig gamit ang 43ºC hanggang 50ºC na temperatura)

Hopper

Feeder controller

Step grate

Furnace

Shed

Blower

Ash cover

Clean out port

Diesel engine Air duct

(canvass)

Flooring

Drying bin

Discharge or unloading ports

Perforated floor

Ducting assembly

Bahagi ng Biomass-fed Flatbed Dryer

Mga alituntunin sa tamang paggamit ng Biomass-fed Flatbed Dryer

• Kung ang butil na patutuyuin ay may initial moisture content na 26 porsiyento pataas, pahanginan muna ito sa pamamagitan ng pagpapaandar ng blower sa loob ng isang oras o higit pa.

• Sa pagpapaningas ng panggatong, maghanda ng kalahating sako ng ipa at ilagay sa hopper. Pababain unti-unti sa grate ang ipa. Ang dami nito ay dapat aabot sa kalahati hanggang ¾ ng grate.

• Sindihan at pagningasin ang ipa na nasa grate. Huwag direktang sisindihan ang panggatong, gumamit ng patpat na may mitsa o pabilo sa dulo.

• Kapag nagningas na ang ipa, paandarin ang makina sa mababang RPM (mahinang antas).

• Alisin agad ang naiipong carbonized ricehull (CRH) sa loob at sa ibaba ng pugon. Dahan-dahang alisin ang mga ito sa grate.

• Haluin ang butil sa drying bin tuwing ika-tatlo hanggang ika-apat na oras. Sa paghahalo ng butil, dapat ang butil na nasa bahaging ilalim ng drying bin ang mapupunta sa ibabaw at ang bahaging nasa ibabaw naman ang siyang mapupunta sa ilalim. Tiyakin na nakahinto ang makina kung manu-manong hahaluin ang mga butil.

• Sa pagtatakda ng temperatura, sundin ang init na hindi lalagpas sa 43ºC kung magpapatuyo ng palay at 43ºC hanggang 60ºC naman para sa mais.

• Kapag naabot na ang 14 porsiyentong moisture content ng mga pinatutuyong butil, itigil na ang paglalagay ng ipa sa pugon ngunit hayaang umaandar ang blower.

• Linisin ang pugon kung tapos na ang pagpapatuyo. Agad tanggalin ang CRH o abo ng ipa sa pugon. Huwag kalimutang walisan at linisan ang patuyuan at ang paligid nito.

• Pagkatapos ng panahon ng pagpapatuyo, pahiran ng hindi nakalalasong langis tulad ng mantika at langis ng niyog ang perforated screen na sahig flatbed dryer.