kasaysayan ng taiwan.docx

Upload: angelica-d-garcia

Post on 03-Apr-2018

246 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/28/2019 Kasaysayan ng Taiwan.docx

    1/1

    Kasaysayan ng Paggalugad ng Pulong Taiwan

    Sa heolohiya, dating magkahugpong ang Pulong Taiwan at ang Chinese Mainland. Dahil sa paggalaw ng kontinente, lumubog ang lupain

    sa pagitan ng Pulong Taiwan at Chinese Mainland at sa bandang huli'y natakpan ng pagtaas ng dagat. Ang maraming relikyang

    natagpuan sa Taiwan na gaya ng mga stoneware at mga itim at may kulay na pottery, ay nagpapakitang mahigpit ang koleksiyon ng pre

    historical culture ng Taiwan at ng kultura ng Chinese Mainland. Ayon sa ilang pinakamaagang nakatalang ulat, isang espedition team n

    mahigit sampung libong sundalong pandagat at pinamumunuan nina Heneral ei Wen at Zhuge Zhi, ang ipinadala sa Taiwan noong 230A.D. ni Emperador Sun Quan ng Estado ng Wu. Noong 1335, sa ilalim ng Dinastiyang Yuan, isang ahensiyang pamatrolya at pang-

    inspeksiyon ang itinatag sa Penghu upang mamahala sa teritoryo. Ito ang nagpasimula ng pagtatayo ng mga sumunod na pamahalaang

    Tsino ng mga organong administratibo upang mamahala sa Taiwan. Sapul noong Dinastiyang Ming, lalong dumalas ang pagpapalitan n

    Chinese Mainland at ng lalawigang Taiwan. Nag-stop-over sa Taiwan si Zheng He nang pamunuan niya ang kanyang malaking plata sa

    kanilang epikong voyage of discovery noong ika-15 siglo. Noong 1628, nang magdanas ng malubhang tagtuyot ang Lalawigang Fujian,

    isang magiting na taong si Zheng Zhilong ang nag-organisa ng libu-libong tao upang lumikas sa Taiwan. Sapul noon nagsimulang

    umunlad nang mabilis ang Taiwan.

    Tinapos ni Zheng Chenggong ang Kolonyalisasyon sa Taiwan

    Sapul noong ika-16 na siglo, ang Taiwan ay sinasalakay ng mga bansang kanluran na kinabibilangan ng mga Dutch at Espanyol. Noong

    1642, pinilit ng mga Dutch ang mga Espanyol na lisanin ang mga puwerto nila sa hilaga at kinontrol ang pulo. Puspusang nakibaka ang

    mga mamamayan ng Taiwan sa kolonyal na paghahari. Noong 1662, ginapi ng pambansang bayaning si Zheng Chenggong ang mga

    Dutch at tinapos ang matagal na kolonyalisasyon sa Taiwan. Isinima sa mapa ng Tsina sa unang dako ng Dinastiyang Qing. Ang

    Lalawigang Taiwan ay isinama sa mapa ng Tsina noong unang dako ng Dinastiyang Qing. Noong 1683, sinalakay ng pamahalaan ng

    Dinastiyang Qing ang Taiwan at sumuko si Zheng Keshuang sa pamahalaang Qing. Ang Taiwan ay naging isang prepektura ng lalawigang

    Fujian, na may isang kapitolyo at tatlong country. Pagkaraang bumalik ang Taiwan sa ilalim ng paghahari ng pamahalaang sentral,

    pinahigpit nito ang pakikipag-ugnayan sa Chinese Mainland sa pulitika, ekonomiya at kultura. Noong 1885, pormal na ginawa ng

    pamahalaan ang Taiwan bilang isang lalawigan. Si Liu Minghuan ay nahirang na kauna-unahang gobernador ng Taiwan. Nanawagan siya

    sa mga mamamayan ng mga lalawigan ng Fujian at Guangdong na lumahok sa kampanya ng pagpapasulong na panlipunan, pang-

    ekonomiya at pangkultura ng Tsina.

    Panahon ng Kolonyal na Paghahari ng Hapon

    Naglunsod ang Hapon ng digmaan laban sa Tsina noong 1894. Sa sumunod na taon, dahil sa pagkagapi, napilitan ang pamahalaang Qin

    na lumagda sa Treaty of Shimanoseki, na inililipat ang Taiwan at Penghu Island sa Hapon. Ang Taiwan ay nanatiling nasa ilali, ng kolony

    na paghahari ng Hapon sa loob ng mahigit kalahating siglo. Sa panahon ng pananakop ng Hapon, isang tanggapan ng gobernador ang

    binuksan sa Taipei upang siyang mamahala sa lalawigan. Itinayo sa lahat ng dako ng lalawigan ang mga town office. Nagsagwa ang

    Hapon ng sistema ng pagpapatala ng bawa pamilya upang mapahigpit ang kontrol.

    Pagbawi at paghihiwalay

    Ipinatalastas ng Hapon ang pagtanggap sa Potsdam Proclamation noong ika-15 ng Agosto, 1945 at sumuko nang walang kondisyon.

    Noong ika-15 ng Oktubre, tinanggap ng pamahalaang Tsino ang pagsuko ng Hapon sa isang seremonya sa Taipei bilang tanda ng

    pagwawakas ng kolonyal na paghahari ng Hapon. Gayunman, nang mapasailalim ang Taiwan sa pamumuno ng pamahalaan ng

    Kuomintang ng Tsina, muling naghirap ang mga mamamayan ng Taiwan dahil sa korap at mapanupil na paghahari. Noong ika-28 ng

    Pebrero, 1947, nag-organisa ang mga mamamayan ng Taiwan sa paglaban sa korap na burokrasiya. Gumanti ang pamahalaang

    Kuomintang sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga sundalo sa pagmamasinggan sa mga tao na pumatay at sumugat ng mahigit sa 30

    demonstrador. Ang naturang insidente ay tinawag na 228 Event. Noong unang araw ng Oktubre,1949, sa ilalim ng direksiyon ng Partido

    Komunista ng Tsina, ibinagsak ng sambayanang Tsino ang pamahalaang Kuomintang at itinatag ang Republikang Bayan ng Tsina. Natalo

    sa digmaan si Chiang Kai-shek at tumakas sa Taiwan kasama ang kanyang mga tagasunod. Sa tulong ng E.U., tinangka ng pamahalaang

    Kuomintang na panatilihin ang paghahari sa lalawigan, kaya hiwalay pa rin ang Taiwan sa Chinese Mainland.