kakipilan o kaugnayan (filmap)

11
KAKIPILAN O KAUGNAYAN

Upload: kevin-ciano

Post on 15-Aug-2015

204 views

Category:

Education


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

KAKIPILAN O KAUGNAYAN

Page 2: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

KAKIPILAN O KAUGNAYAN

Ang pangungusap o talata ay may kakipilan kung ang pagkasunod-sunod ng mga bahagi ng pagpapahayag ay nagpapalinaw sa kani-kanilang pagkakaugnay.

Page 3: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

Ilang bahagi na dapat tandaan upang ang pangungusap o talata ay magkakaroon ng kakipilan:

Page 4: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

1. Ang panuring ay dapat na laging malapit sa mga salitang binibigyang turing.

Mali: Nawawala ang aklat kong nasa mesa na bago.

Tama: Nawawala ang bago kong aklat na nasa mesa.

Mali: Ginamit ni Mark ang makinilyang nasa mesa na binili ng kanyang ama.

Tama: Ang makinilyang ginamit ni Mark at binili ng kanyang ama ay nasa mesa.

Page 5: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

2. Pagsama-samahin ang mga salitang may malapit na pagkakaugnay sa isa’t isa.

Mali: Maingat si Jose sa pagsagot sa mga tanong ng kanyang mga guro, gumagamit ng mga pananalita.

Tama: Maingat na gumagamit ng mga pananalita sa Jose sa pagsagot sa mga tanong ng kanyang guro.

Page 6: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

2. Pagsama-samahin ang mga salitang may malapit na pagkakaugnay sa isa’t isa.

Mali: Mahusay sa harap ng kanyang mga kamag-aral bumigkas si Maria ng talumpati.

Tama: Si Maria ay mahusay bumigkas ng talumpati sa harap ng kanyang kamag-aral.

Page 7: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

3. Gamitin ang tinig balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang gumaganap na kilos.

Mali: Ang mga bantay ay hinuli ang mga batang di sumusunod sa kautusan ng paaralan.

Tama: Hinuli ng mga bantay ang mga batang di sumusunod sa kautusan ng paaralan.

Mali: Ang kanilang guro ay talagang pinag-aaral ang mga kabataan ngayon.

Tama: Talagang pinag-aaral ng mga guro ang mga kabataan ngayon.

Page 8: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

4. Ang mga magkakasunod na mga kipil ng diwa sa pangungusap ay dapat ipahayag buhat sa pinakamababang antas ng kahalagahan.

Mali: Si Benigno Aquino Sr. ay dakila sa mata ng tao, matapang at matulungin.

Tama: Si Benigno Aquino Sr. ay matapang, matulungin at dakila sa mata ng tao.

Page 9: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

4. Ang mga magkakasunod na mga kipil ng diwa sa pangungusap ay dapat ipahayag buhat sa pinakamababang antas ng kahalagahan.

Mali: Ang tunay na makabayan ay handang mamatay, magpakasakit at maglingkod alang-alang sa bayan.

Tama: Ang tunay na makabayan ay handang maglingkod, magpakasakit at mamatay alang-alang sa bayan.

Page 10: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

5. Iwasan ang pag-gamit ng mga salitang di-lubhang kailangan sa loob ng pangungusap.

Mali: Ang dalawang magkaibigan ay tapat sa isa’t isa.

Tama: Ang magkaibigan ay tapat sa isa’t isa.

Mali: Narinig ng aking mga tainga ang kanilang usapan.

Tama: Narinig ko ang kanilang mga usapan.

Page 11: Kakipilan o Kaugnayan (FILMAP)

6. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa pangngalang kinakatawan nito.

Mali: Ipinanhik ni Nardo ang telebisyon sa bahay na binili ng tatay niya.

Tama: Ipinanhik ni Nardo sa bahay ang telebisyon na binili ng tatay niya.

Mali: Ang relo ni Edel sa mesa na binili pa sa Hongkong ay nawala.

Tama: Ang relong binili ni Edel sa Hongkong ay nawala sa mesa.