kagawaran ng edukasyon araling panlipunan...

12
Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3 Ang mga Kuwento ng Kasaysayan at mga Makasaysayang Pook sa aking Lungsod o Bayan sa Kinabibilangang Rehiyon Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo Rea D. Estiller Manunul at Edsel B. Basilla Tagasuri Dr. Aurora S. Bartolaba Edizer C. Laqueo Mariel Eugene L. Luna Katibayan ng Kalidad Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Upload: others

Post on 09-May-2021

59 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

Kagawaran ng Edukasyon

Araling

Panlipunan 3 Ang mga Kuwento ng Kasaysayan at mga Makasaysayang Pook sa aking Lungsod o

Bayan sa Kinabibilangang Rehiyon Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo

Rea D. Estiller

Manunulat

Edsel B. Basilla

Tagasuri

Dr. Aurora S. Bartolaba

Edizer C. Laqueo

Mariel Eugene L. Luna

Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

2

Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o

bayan mula sa iyong kinabibilangang rehiyon. Nalaman mo din ang mga

pagbabago sa iyong lungsod. Ang kasaysayan ay bahagi ng pinagmulan ng

iyong lungsod at ang mga mahahalagang pangyayari at pook sa iyong

kinabibilangang rehiyon ay patuloy na humuhubog at bumubuo sa kultura at

kasaysayan ng iyong lugar. I lan sa mga pangyayaring ito ay makikita natin sa

makasaysayang lugar o bagay sa iyong lungsod o bayan.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang-

1. Naisasalaysay ang kwento ng mga makasaysayang pook o

pangyayaring nagpapakilala sa sariling lalawigan at mga karat ig

nito sa rehiyon.

Subukan mong sagutin ang mga katanungang may kaugnayan sa

aralin ngayon. Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Bagumbayan ang dating pangalan nito. A. Balintawak, Caloocan

2. Pinakamatandang simbahan sa Mandaluyong

B. Dambanang Aguinaldo

3. Dito naganap ang sabay-sabay na pagpunit

ng sedula ng mga kat ipunero

C. Liwasang Rizal

4. Dito ideneklara ang Kalayaan ng Pilipinas

D. San Felipe Neri

Church

5. Naging kulungan ni Jose Rizal E. Barasoain Church

F. Fort Santiago

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

3

Basahin ang pangungusap. Lagyan ng kung ang pangungusap

ay nagpapakita ng pagbabago sa lungsod o bayan at lagyan ng kung hindi.

1. Dumarami ang mga naninirahan sa aming lungsod. 2. Pinalitan ang pangalan ng lungsod na aking kinabibilangan.

3. Nananatili sa dating kalagayan ang lungsod o bayan na aking

kinabibilangan. 4. Nagpatayo ng mga gusali at inayos ang mga lumang kalsada at tulay sa

aming lungsod. 5. Nagkaroon ng pag-unlad sa kabuhayan sa aming lungsod.

Mga Kuwento ng Makasaysayang Pook o Pangyayari sa ilang mga Lugar sa Kalakhang Maynila

Subukin nating alamin ang ilan sa mga makasaysayang pook o lugar sa iba’t

ibang lungsod at bayan ng NCR at sa iba pang karat ig lalawigan.

Sino ang nakikita mo sa bantayog na nasa larawan? Saang

lalawigan o lungsod makikita ang bantayog na ito? Ano ang naging

kontribusyon niya sa kasaysayan

ng lalawigan na ito? Alam mo ba ang Bantayog ni

Andres Bonifacio at ng Katipunan ay ipinatayo upang gunitain ang

kabayanihan ng isang magit ing

Pinagkunan:ht t ps ://images.app.goo.gl/YPqpCt Ns1Zr3rCDr9 na anak ng Tondo. Hindi lamang siya naging ama ng rebolusyon sa mga Espanyol, siya ay t inuturing din na

bayani ng mga Tagalog noong panahon ng mga Espanyol. At dahil na rin sa

naumpisahan niyang rebolusyon, nag-alsa na rin ang iba’t - ibang lalawigan ng buong bansa. Kung kaya’t siya ay t inuring na rin na isang bayani ng buong

bansa.

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

4

Ang Liwasang Rizal o Rizal Park ay nasa

puso ng Lungsod ng Maynila. Dating t inatawag na Bagumbayan (mula sa

“bagong bayan”) noong panahon ng mga Espanyol.Tanyag din ito sa tawag

na Luneta ngayon. Naging

makasaysayan ito dahil sa mga pangyayaring naganap sa pook na ito.

Dito binaril si Dr. Jose Rizal noong

Disyembre 30, 1896. Ipinangalan sa kaniya ang liwasan bilang parangalan sa

kaniyang nagawang kabayanihan para sa bansang Pilipinas. Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/TVk5am6Wcz9vf1ym9

I to ay 200 daang taong bahay ni Don

Laureano Gueavara. Kilala ito sa tawag na

“Kap. Moy.” Sa bahay na ito nagsimula ang

unang industriya ng sapatos sa Marikina.

Kalaunan, ito ay naging pampublikong

paaraaln at sa kasalukuyan naman ay

tinanghal na City’s Cultural Center o Sentrong

Pangkultura ng Marikina

Asilo de Huerfanos sa Malabon. Naging silungan at nagsilbing tahanan ng

mga batang ulila

noong panahon ng epidemya ng

kolera at beri beri noong 1882. Dito

rin nalimbag ang pahayagang

“La Independencia” o La Libertad,” ang

diyaryo ng rebolusyon o pag-aalsa.

Pinagkunan:ht t ps://images.app.goo.gl/hxsPh5ea6ebQk2zu7

San Felipe Neri Church sa Lungsod ng

Mandaluyong. I to ang pinakamatandang

simbahan sa lungsod ng Mandaluyong. Dito

naganap ang sagupaan ng mga

rebolusyonaryong Pilipino at Kastila

Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/uAPTDA6kcbeLdwDf6

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/2b5wKL4uU6uMAJiZ8

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

5

Sigaw sa Pugad Lawin sa Balintawak. Dito

naganap ang sabay- sabay na pagpunit ng

sedula ng mga katipunero at pagsigaw ng

“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang

Katipunan!” noong 1896. I to ang hudyat o

simula ng himagsikan laban sa mga

mananakop na Espanyol.

Ang Dambanang Aguinaldo ay isang

makasaysayan lugar hindi lamang para sa

mga taga-Cavite ngunit para sa buong

bansa, Dito sa balkonahe ng sariling bahay sa Kawit, Cavite idineklara ni Heneral

Aguinaldo ang Kalayaan. ng Pilipinas

noong 12 Hunyo 1898. Kasabay din nito ang

unang pagwagayway ng watawat ng

Pilipinas at ang pagtugtog ng Lupang

Hinirang.

Alam mo ba ang kuwento ng

malaking simbahan na nasa

larawan? Tama ang hula ninyo na

ito ay Simbahan ng Barasoain sa

Bulacan. Bukod pa sa dinarayo ito

dahil sa antigo ang simbahan, dito

rin unang pinagtibay ang kauna-

unahang Saligang Batas ng ating

bansa. Ang saligang batas na isa

sa pinakauna sa buong Asya.

Marami pang makasysayang pook sa inyong lalawigan at rehiyon. Nakita

niyo na ba o napasyalan na ang mga ito?

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/2XyMD9xX2doEd3rz6

Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/ZMCC8smxg2kewiqy8

Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/gi2Yjq2FfXfUfArT9

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

6

*Fort Santiago *People Power Monument

*Bamboo Organ sa Las Piñas *Ang Tulay ng Zapote

Sagutan ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano- anong lugar o pook sa iyong lungsod ang may naganap na

makasaysayang pangyayari?

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/Fgp7YWJtqMxr1Bew8

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/sxdBCWs3x6mHByAw9

Ang dating kampo militar ng

pamahalaan ng mga Espanyol

at naging kulungan ni Jose

Rizal.

Ipinatayo bilang alaala sa

mapayapang rebolusyon noon

1986.

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/WjmRpH85oYbZ8nnLA

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/ESxKea8THRnLLQV17

Tinaguriang NATIONAL TREASURE.

Nilikha noong taong 1816 at 1824

para sa Parish Church ng Las Piñas.

Sa panahon ng rebolusyon laban

sa Kastila at Amerikano, nagkaroon

ng paglalaban dito. I to rin ang

nagdurugtong sa Las Piñas at

Bacoor.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

7

2. Magbigay ng isang makasaysayang pook sa inyong lugar at ibigay ang

kahalagahan nito sa kasaysayan ng iyong lungsod.

2. Bakit mahalagang magkaroon ng mga bantayog o palatandaan ang mga makasaysayang pook sa iyong lugar?

Gawain A

Kilalanin at isulat ang pangalan ng mga makasaysayang pook na nasa

larawan.

1. ________________________ 2. _______________________

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

8

3.___________________

4. ____________________

5. __________________

Gawain B

Pumili ng tat long makasaysayang lugar sa iyong lungsod na

kinabibilangan at punan ang talahanayan. Maaari ring maglagay ng

larawan nito.

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

9

Gawain C

Magsaliksik ng isang makasaysayang pangyayaring naganap sa iyong

lungsod o komunidad. Ipakita ito sa pamamagitan ng poster o iba pang

malikhaing paraan.

Makasaysayang Pook/Lugar sa

Lungsod o Bayan na aking Kinabibilangan

Ano ang makasaysayang pangyayari na naganap dito?

Halimbawa: Memorial Hill

Isa itong maliit na burol sa loob ng reserbasyong Bilibid kung saan

matatagpuan ang isang lumang kanyon ng Pangalawang Digmaang

Pandaigdig. Nakalibing din dito ang

tanyag na tagapangasiwa ng Bilangguan na si Eriberto Misa.

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

10

Punan ang maikling talata.

Ang makasaysayang pangyayari na naganap sa aming lungsod o

bayan ay ukol sa _______________________.

Akin itong ipinagmamalaki dahit ito’y makakatulong

upang___________________________.

Mag-isip ng isang makasaysayang pangyayari sa iyong lungsod o

bayan. Paano maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga

pangyayaring ito? Gumawa ng isang mungkahi upang maisulong ang

paggunita sa mahalagang pangyayaring ito. Isulat ang iyong mungkahi sa

iyong sagutang papel.

Tukuyin ang makasaysayang lugar na inilalarawan sa bawat bilang.

Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

1. Sa Panahon ng rebolusyon laban sa Kast ila at Amerikano, nagkaroon

ng paglalaban dito. Ito rin ang nagdurugtong sa Las Piñas at Bacoor.

2. Ito ang dating kampo military ng pamahalaan ng mga Espanyol at

naging kulungan ni Rizal.

3. Dito idineklara ni Heneral Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898.

People Power Monument Balintawak, Caloocan

Dambanang Aguinaldo Fort Santiago Ang Tulay ng Zapote Memorial Hill

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

11

4. Ito ay ipinatayo bilang alaala sa mapayapang rebolusyon noong 1986.

5. Dito naganap ang sabay- sabay na pagpunit ng sedula ng mga

kat ipunero.

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 3depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V...2 Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang pinagmulan ng iyong lungsod o bayan mula

12

Sanggunian: Mary Ann DG. Goyal, Emilyn F. Gerilla, Critina DC. Cruz, Paul Nylden A. Carable, Eric John D.

Lao, Janice N. Gagante, Lenie A. Tiamzon, Annie D. Pesito, Clarissa DC. Catabay, Alona B.

Miano, Daisy M. Gonatise, Rosemarie S. Sto Domingo, Jenalyn I. Datuin, Analine R. De Guzman,

Margie P. Cas Ever Bryan A. De Asis; Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral National

Capital Region Unang Edisyon, 2019

Araling Panlipunan 3 Unit 2 Learners Manual pp. 49-53

Grade 3 TG Araling Panlipunan Q2-3

Grade 3 TG Araling Panlipunan Quarter 3 pp 1-5

Ayungao, Bernadette (2015, Sep 19) Mga Pagbabago sa Aking Lungsod o Bayan at mga

karatig na Lungsod at Bayan sa Rehiyon Retrieved from

http://www.authorstream.com/Presentation/ayungao-2596804-apq2-aralin-pagbabago-sa-

maynila/

Sy, Mark Anthony (2017, Sep 5,) Ang Mga Makasaysayang Pook at Pangyayari sa NCR-Quiz

Retrived from https://www.goconqr.com/en/quiz/10184967/ang-mga-makasaysayang-

pook-at-pangyayari-sa-ncr

Susi sa Pagwasto:

Subukin: 1. C 2. 3. A 4. B 5. F Balikan: 1. 2. 3. 4. 5.

Gawain A: 1. Sigaw sa Pugad Lawin 2. Liwasang Rizal 3. Bantayog ni Bonifacio 4. Fort Santiago

5. Kapitan Moy

Tayahin: 1. Ang Tulay ng Zapote 2. Fort Santiago 3. Dambana ni Aguinaldo 4. People Power Monument

5. Balintawak, Caloocan