kabihasnan sa mesoamerica

5
Kabihasnan sa Mesoamerica Christine Joy Peradilla

Upload: christine-joy-peradilla

Post on 07-Apr-2015

26.094 views

Category:

Documents


13 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kabihasnan sa Mesoamerica

Kabihasnan sa Mesoamerica

Christine Joy Peradilla

Page 2: Kabihasnan sa Mesoamerica

May ilang kabihasnang umusbong sa Mesoamerica. Isa na dito ang Maya. Nagpakitang gilas sila sa arkitektura at patunay na rito ay ang mga gusali at istrukturang itinayo nila. Naipamana rin nila ang mga liwasan, piramide at templo sa mga pangkat ng taong sumunod sa kanila sa Mesoamerica. Nakalikha ang kaparian nila ng sistema ng pagsulat gaya ng hieroglyphics. Ginamit nila ito sa pagtatala ng angkan o genealogy at sa pagtataya ng kalendaryo na may 365 na araw.

Ang Mayan Calendar

Page 3: Kabihasnan sa Mesoamerica

Isa rin a ng Aztec sa mga umusbong sa Mesoamerica. Mataas ang kaalaman nila hinggil sa inhinyeriya, arkitektura, sining, matematika at astronomiya. Isa sila sa mga kauna-unahang taong nagpahalaga sa edukasyon. Ang mga kabataan ay nag-aaral ng karunungang sibika, kasaysayan at relihiyon. Ang kanilang lungsod na Tenochtitlan ay sinasabing ang pinakamalaking lungsod noong ika-16 na siglo.

Ang pamayanang Aztec

Page 4: Kabihasnan sa Mesoamerica

Aztec temple na hugis piramide

Malaking bagay ang pag-usbong ng mga kabihasnan sa Mesoamerica. Marami silang naging kontribusyon na tumulong din sa kasalukuyang panahon gaya nga ng mga kalendaryo, piramide, suspension bridge, at pati na ang konsepto ng zero. Maraming inobasyon at kaalaman na nagmula sa kanila. Sa aking palagay ay dapat pa nating isulong ang pag-aaral sa mga bagay gaya nito dahil dito natin matutuklasan kung saan marahil nagmula ang ating mga kasalukuyang mga kaalaman.