kabanata i
DESCRIPTION
sana makatulong to sa inyo.TRANSCRIPT
1.
KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Introduksyon
Nagsimula ang sakit na HIV/AIDS sa Pilipinas noong 1984.
Kinatakutan at pinandirihan ang sakit na ito noong una itong nadiskubre. Dahil sa
mga maling paniniwala na nakukuha ito sa mga paghawak sa kagamitan sa
banyo, sa pagdikit sa taong mayroon nito o kaya naman ay sa paggamit ng
kutasara at tinidor sa restaurant. Dahil sa kaunti pa lamang ang kaalaman
tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Ang pagtatalik ng hindi protektado o “unprotected
sex ay siyang unang dahilan kung bakit mabilis ang paglaganap ng sakit na ito.
Ang HIV/AIDS ay walang sintomas o indikasyon. Hindi rin agad ito makikita sa
taong mayroong HIV/AIDS o kung sino pa ang wala nito . kaya kailangan ng
sapat na kaalaman upang makaiwas at maprotektahan ang iyong sarili.
Kapag nakuha ang Human Immuno Deficiency Virus o HIV ay
magbabago ang kaniyang buhay. Ang HIV ay nagpapahina ng Immune System o
resistensya ng tao. Kapag ang HIV ay humalo sa dugo ng tao pinapatay nito ang
CD4 + TCELL na lalong nagpapahina sa resistensya ng tao. Sa paghina ng
Immune System ng tao. Malike ang possible na magkaroon siya ng tinatawag na
AIDS. Ang AIDS o Aquired Immuno Deficiency Syndrome ay malubhang
indikasyon dala ng paghina ng Natural Defense ng tao. Wlang kalaban-laban ang
kaniyang resistensya sa pag-atake ng tinatawag na Oppotunistic Infections.
Katulad ito ng mga Tuberkolosis, Meningitis, Pnuemonia, Hepatities at I ba pang
uri nito katulad ng Kanser. Kapag dumapo na ang mga ito sa taong may AIDS.
Maaari niya itong ikamatay dahil sa pagbabago-bago ng panahon o temperature
katulad ditto sa aing bansa ay mabilis na makakapitan ng iba’t ibang sakit ang
taong may HIV/AIDS.
2.
Ayon sa Department of Health o DOH. Isa ang pilipinas sa pitong
mga bansa ang may pinakamabilis na pagtaas ng HIV/AIDS. Sinasabi nila na
ang kakulangan ng kaalaman ng mga Pilipino ang isang sanhi kung bakit
tumataas ang paglaganap ng sakit na HIV/AIDS. mula noong 1984 hanggang
2008. Umabot na sa 3,500 ang naitala na positibo sa sakit na HIV/AIDS. ditto sa
pilipinas ay pinangangambahan nab aka dumoble pa ito sa mga susunod na
taon.
Halos gayundin ang binanggit ni Gng. Teresita Bagasao na isang
Country Coodinator ng UNAIDS. Sinabi niya na dapata alamin o malaman ng
mga Pilipino ang tungkoil sa HIV/AIDS upang maiwasan ang pagdami o pagtaas
ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS.
Ayon naman sa datos ng United Nation halos 33 Milyon ng tao sa
buong mundo ang may sakit na HIV/AIDS. Simula noong 2001 hanggang 2009
halos tumaas ng dalawamput limang porsyento (25%) ang naitala sa pitong
bansa gaya ng mga sumusunod; Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan,
Kyrgyzstan, Philippines at Tajikstan. Ang pilipinas ay kasama sa mga pitong
bansa na may malaking pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS. Sinasabi nila na ang
pangunahing dahilan ng pagtaas ng HIV/AIDS ay ang pagtatalik ng walang
proteksyon o “ Unprotected Sex ”. Kaya kailangan na alam natin ang bagay na
ito upang tayo ay makapag-ingat.
3.
2. Layunin ng Pag aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa
sakit na HIV/AIDS. ito ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod na tanong;
1.Bakit ba dapat malaman at maunawaan ang sakit na HIV/AIDS?
2. Anu-ano ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa ating bansa?
3. Sapat ba ang kaalaman ng mga tao upang maiwasan at maprotektahan ang
kanyang sarili?
4. Anu-ano ang kanilang mga damdamin, pananaw, at saloobin tungkol sa sakit
na HIV/AIDS ?
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga na malaman at maunawaan an tungkol sa HIV/AIDS
sapagkat nakakabahala ang pagtaas ng porsyento ng mga nagiging positibo sa
HIV/AIDS. sa pananaliksik na ito malalaman at mauunawaan ng mga
mambabasa at mga estudyante ang tungkol sa HIV/AIDS. Makadaradag ito sa
mga estudyante na naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa sakit
na HIV/AIDS.
Malaki ang maitutulong nito upang mapababa ang porsyento ng saakit
na HIV/AIDS. Magiging babala rin ito sa mga tao na ginagawa ang tinatawag na
Pre-Marital Sex at Extra Marital Sex. Maiiwasan ang pinangangambahang
HIV/AIDS. Hindi sila magiging mangmang ukol sa sakit na ito. Sapagkat sa
pananaliksik na ito ay makakatulong ng malaki upang maiwasan at
maprotektahan ang inyong kalusugan.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito. Maaaring matugunan ang
kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Malalaman
ng mga kabataan kung ano ang magiging epekto ng maagang pakikipagtalik.
4.
Lalo na sa murang edad ay kaunti pa lamang ang kanilang nalaman at
nahuhulog sila sa maagang pakikipagtalik at pag-aasawa. Magiging batayan ito
sa mga kabatan o mambabasa na makaiwas at mapangalagaan ang kanilang
sarili.
Sa pananaliksik na ito malilinang at mahuhubog ang kaalaman ng mga
mambabasa. Lalo na ang mga estudyante at mga kabataan. Makakatulong din
tio sa mga may sakit na HIV/AIDS at sa wala pang sakit na ito. Inaasahan na ang
pananaliksik na ito ay magiging pundasyon at magiging mabisa upang makapag
– ingat ang mga tao. Ang pananaliksik na ito ay batay sa datos na aming nakalap
at nakolekta na pinagsama-sama upang makabuo ng ganitong pananaliksik.
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng damdamin,
pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Saklaw
nito ang Pre-Marital Sex at Extra Marital Sex. Sapagkat sila ang pangunahing
dahilan kung bakit mabilis na lumalaganap ang sakit na HIV/AIDS.
Nalilimitahan ang pag-aaral na ito dahil sa mga bagong datos at mga
bagong pag-aaral tungkol sa sakit na HIV/AIDS. Sa taun-taon na lumalaganap ito
at napagtutuunan ng higit na pansin ang epidemyang ito. Naniniwala ang mga
mananaliksik sa kasulukuyang panahon ang pinakamainam ,agkaroon ng
ganitong pag-aaral upang matugunan ang lumalawak na kakulangan ng
impormasyon tungkol sa sakit na HIV/AIDS hindi lamang sa mga mambabasa,
kundi maging sa publiko sa kabuuan.
5.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Upang maging mas madali at ganap na maunawaaan ng mga
mambabasa ay mga salita na di maunawaan o may malalim na kahulugan.
Binigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung
paano ito ginamit sa pananaliksik na ito.
Ang AIDS o Acquired Immuno Deficiency Syndrome ay isang bayrus
na nakukuha sa kadahilan na mababa na ang kanyang resistensya dulot ng HIV.
Ang CD4 + TCELL o Lympocytes ay isang uri ng White Blood Cell
(Luekocytes) na siyang sumisira o lumaban sa mga baktirya at bayrus na
pumapasok sa ating katawan. Upang mkaiwas sa sakit.
Ang Extra Marital Sex ay tumutukoy sa isang tao na may asawa o kasal
na nakikipagtalik o nakikipagtagpo sa ibang tao.
Ang HIV o Human Immuno Deficiency Virus ay isang bayrus na
nakukuha sa pakikipagtalik at naipapasa din sa mga anak sa pamamagitan ng
dugo. Pinapahina nito ang resistensya ng tao upang makapasok ang mga
Opportunistic Infections.
Ang Kondom ay isang bagay na ginagamit ng lalake at babae sa kanilang
pagtatalik upang maiwasan ang pakabuntis ng isang babae
Ang Pre-Marital Sex o maagang pakikipagtalik ng mga kabataan na wala
pa sa tamang gulang o edad.
Ang White Blood Cell o Leukocutes ito ang pangunahing lumalaban sa
mga baktirya, bayrus at iba pang Micro organisms. Ito din ay sumisira sa mga
porma ng mga bayrus at baktirya sa pamamagitan ng paglabas ng Enzyme o di
kaya naman ay kinakain nila ito.
Ang syndrome ay isang set ng mga sintomas na maaring mamanifest ng
isang may sakit.
6.
KABANATA II
MGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Sa Pilipinas, ang kalusugan ay tinuturing na kayaman hindi lang ng
isang Pilipino kundi ng buong lipuna. Sa personal na lebel, ang pagiging malusog
ay isang rekwisito para sa isang masayang buhay. Kung ang isang taong
nakapaligid at may malapit na kaugnayan sa kanya ay magkakaroon siya ng
kompyansa na makipag – usap, makipag-ugnayan at magkaroon ng personal na
relasyon sa kanya. Gayundin nman ang isang taong malusog ay may sapat na
kompyansa para mabuhay ng masya. Ng may dignidad atr may pagtanggap sa
lipunang kaniyang ginagalawan. Kadalasan ang ganitong senaryo ay hindi
tinatamasa ng isang tao may malalang sakit. Lalong lalo na ang mga biktima na
AIDS. karamihan kasi ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS ay nakakaranas ng
pagtangi sa kanilang totoong kalagayan. Pagkagalit sa sarili at sa mundo, at
depresyon. Ito ay dahilan sa sakit na HIV/AIDS na hindi na nagagamot at
karamihan sa mga taong nagtatalay nito ay nakakaranas ng pagtangi at pag-
iwas ng mga dating kaibigan at ng ibang mga tao, problema sa paaralan at
trabaho.
Ang HIV ay ang baktiryang pinangmumulan ng AIDS. mayroong mahigit
na 33 milyong katao sa buong mundo ang nabubuhay sa sakit na HIV/AIDS.
mahigit sa kalahati ng mga tao ay mga kababaihan at mga kabataan. Ang
HIV/AIDS ay nakakaapekto sa lahat at walang itinatangi maging edad. Kulay ng
balat, kulturang kinagisnan o relihiyon. Walang gamot sa sakit na AIDS. Ang
paggamit ng mga kondom habang nagtatalik ay isang mabisang pangprotekta
upang makaiwas sa sakit na HIV.
Ang HIV ay isang bayrus na nakukuha sa pagtatalik ng lalake at babae
o di kaya nman ay sa pagtatalik ng parehas ang kasarian. Naisasalin din ito ng
isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan ng
pagdadalantao, panganganak, at pagpapasuso. Ito rin ay nakukuha sa mga
karayom o matalim na bagay na ginamit ng may HIV at muling itutusok sa kaniya
7.
katulad ng pagpapatato at pagbubuntas o paglalagay ng hikaw sa tenga.
Gayundin sa pagsasalin ng dugo o ung mga nagdadayalisis. Kapag sila ay
nasalinan ng dugo na may HIV. Hahalo agad ito sa kanilang dugo. Higit din na
nakakabahala ang mga kabataan na maagang nakikipagtalik ng wala pa sa
tamang edad. Malaki ang tiyansa na mahawaan sila ng pinangangambahang
sakit. Hindi nakukuha ang HIV mula sa paghahalikan, pagbebeso-beso, laway,
yakapan, pag-ubo, pawis, luha, hatsing o pagbahing, pakikipagkamayan,
paghihiraman ng mga damit, pakikisalo sa pagkain, paghiram ng mga kubyertos,
kagat ng lamok, pagtabi sa pagtulog, at paggamit ng kubeta.
Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV/AIDS ay ang sumusunod;
pamamaga ng mga kulani na tumatagal ng may mga tatlong buwan, pag-ubo at
pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng may higit sa isang buwan, pagiging
madaling mapagod kahit wala namang ginagawa, ang pagbaba ng timbang,
pangangayayat, mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling, at ang
pagtatae. Maaaring tumagal ang impeksyon simula lima magpahanggang
sampung mga taon bago maging ganap na AIDS ang sakit. Sa kadalasan,
walang mapagmamasdan o lumilitaw na mga palatandaan ang isang taong
impeksiyong HIV.
Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang gamot na panlunas laban sa
HIV. Tanging sa pagsusuri ng dugo lamang nalalaman kung may sakit na HIV
ang isang tao. Tinitingnan sa pagsusuring ito ang pagkakaroon ng “laban sa
katawang HIV” (o HIV antibody sa Ingles). Hindi nakikita sa pagtanaw lamang ng
mga mata ang pagkakaroon ng HIV. Lihim o kumpedensyal ang pagpapasuri ng
dugo. Hindi nakatutulong sa paghadlang sa pagkakaroon ng sakit na ito ang pag-
inom ng mga antibiyotik o mga bitamina bago makipagtalik. Hindi rin
nakahahadlang ang paglalabas ng ari bago dumating sukdulan ng pagtatalik
(Ingles: withdrawal), pagdudutsa (Ingles: douching, o paggamit ng douche,
paglalagay ng gamot sa paraang papuslit sa loob ng ari), at paggamit ng mga
kemikal sa paglinis ng ari.
8.
Maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV at AIDS sa pamamagitan ng mga
sumusunod na gabay na titik pang-abakada
A – para sa Abstinensiya (pagpipigil at pagtanggi, pagsasabi
ng Ayoko muna! sa katalik kung ibig nitong makipagtalik na).
B – para sa Basta, ikaw lang! ang katalik o pag-ibig ng iyong asawa o
kasintahan (katumbas ng "Be faithful!" sa Ingles).
C – para sa Condom ay gamitin o "Correct condom use", paggamit at
tamang paggamit ng kondom).
D – para sa Droga ay iwasan o "Don’t take drugs" sa Ingles.
E – para sa Ingles na "Early diagnosis and treatment", o maagang
pagpapatingin at pagpapagamot sa mga manggagamot at
paggamutan.
9.
KABANATA III
DESENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Desenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang
deskriptib-analitik na pag-aaral. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag aaral na ito
ang damdamin, pananaw at kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS ng mga
respondente.
2. Mga Respondente
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa una
at ikalawang taon ng Kolehiyo ng Kriminolohiya ng Unibersidad ng Taguig Sa
una at ikalawang semester ng taong 2011-2012.
Sa kasalukuyan, may dalawang pangkat ng mga estudyante sa nasabing
kolehiyo: limang grupo ang nasa unang pangkat at dalawang grupo sa ikalawang
pangkat. Dahil sa di kalakihang bilang ng mga estudyante ay ginamit na ang
kabuuang bilang ng mga estudyante sa ikalawang taon, samakatuwid, sa unang
taon ay kumuha ng tiglilimang respontende bawat pangkat sa pagitan ng
ramdom sampling upang magkaroon ng pantay ng representasyon ang bawat
pangkat. Sa kabuuan, may tiglilimang respondent ang una at ikalawang taon,
pansinin ang kasunod na talahanayan;
10.
Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente sa Una at Ikalawang Taon sa TCU
Seksyon Unang Taon Ikalawang Taon Kabuuang DamiA 5 25 30B 5 25 30C 5 - 5D 5 - 5E 5 - 5F 5 - 5G 5 - 5H 5 - 5I 5 - 5J 5 - 5
Kabuuang Dami 50 50 100
Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondent sa una at ikalawang
semester sapagkat sila ang pinakamadaling makatugon sa mga
panagangailangan sa pamanahong-papel na ito at upang magkaroon ng pantay
na representason ang bawat taon.
3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.
Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na
naglalayong mangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin, pananaw at
kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS ng mga respondent.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga
mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, tesis,
proposal, disertasyon, pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng
ilang impormasyon sa internet.
11.
Bukod sa mga nabanggit na. interbyu ang mga mananaliksik ng isang
dalubhasa sa mga nakahahawang sakit mula sa DOH upang makakuha ng
mahalagang impormasyon at makatotohanang datos sa sakit na HIV/AIDS.
4. Tritment ng mga Datos
Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang
at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri at
disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa
pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na
pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng
bawat aytem sa kwestyuner ang inalam nng mga mananaliksik. Samakatuwid,
ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga
mananaliksik. Dahil sa isandaan ang mga repondente, nagging madali para sa
mga mananaliksik ang pagkuha ng poryento dahil sa bawat dami ng bilang ay
awtomatikong katumbas sa porsyento niyon.
12.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at
impormasyon:
Inalam ang distribuyon ng mga respondente ayon sa kanilng kasarian;
Pitongpum porsyento (70%) sa kanila ay mga lalake , samantalang tatlongpum
porsyento (30%) ay mga lalake
Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
B.30%A.
70%
A. Respondenteng LalakeB. Respondenteng Babae
13.
Grap 2Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad
14-15 16-17 18-19 20-Pataas0.0%
20.0%
40.0%
60.0%
80.0%
100.0%
120.0%
5%
40% 35%20%
Apatnapung porsyento (40%) sa mga respondent ay nasa edad
16-!7. ang tatlumpu’t limang porsyento (35%) sa mga respondent at may
edad na 18-19. Ang dalawampung porsyento (20%) naman ay sa edad
na 20 pataas. Ang natitirang limang porsyento ay sa edad na 14-15.
14.
Grap 3Pansariling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang Kaalaman
Tungkol sa sakit na HIV/AIDS
C.10%
D.30%
E.5%
A.45%
B.10%
A. Wala silang Kaalaman B. Katamtamang Kaalaman C. Walang PakialamD. Kaunting KaalamanE. Alam na Alam
Sa isandaang (100) repondente, apatnapu’t limang porsyento (45%) ang
nagsasabing wala silang kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS batay na rin sa
kanilang pansariling assessment. Sampung porsyento (10%) naman sa kanila
ang ngsasabing sila ay may katamtamang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS.
Sampung porsyento (10%) din ang nagsabi na alam na alam nila ang tungkol sa
sakit na HIV/AIDS. Tatlongpum porsyento (30%) naman ang nagsabi na kaunti
pa lamang ang kaalaman nila at ang natitirang limang porsyento (5%) ang nagsbi
na alam na alam nila ang tungkol sa HIV/AIDS.
15.
Grap 4
PInagmulan ng Kaalaman ng mga Respondente Tungkol sa sakit na HIV/AIDS
Radyo
T.V
Libro
Dyaryo
Internet
Usap-Usapan
Health Center
Paaralan
Flyers/Leaflets
0 5 10 15 20 25 30 35
5%
30%
10%
15%
20%
2%
10%
3%
5%
Hinggil naman kung saan nila narinig o natutunan ang kaalaman
tungkol sa sakit na HIV/AIDS, tatlumpu porsyento (30%) ang nagsabing nagmula
sa telebisyon, dalawampu’t limang porsyento ang nagsabing nagmula sa
internet, labing limang porsyento (15%) ang nagsabing sa dyaryo nila nabasa,
sampung porsyento (10%) naman ang mga nagsabing sa Dyaryo at Libro nila
nabasa ang ukol sa sakit na HIV/AIDS. Limang porsyento (15%) nman ang
nagsabi na nabasa nila at narinig sa flyers/leaflets at radio. Tatlong porsyento
(3%) naman ang naman ang nagsabi na sa paaralan nila natutunan ang ukol rito
at dalawang porsyento (2%) naman ang nalaman nila sa usap-usapan.
16.
Grap 5
Damdamin ng mga Respondente sa Pagkalat ng Sakit na HIV/AIDS sa Bansa
25%
35%
20%
15%
5%
Inalam din sa pananaliksik na ito ang damdamin ng mga respondent ukol sa pagkalat ng HIV/Aids sa bansa.
Mapapansin sa kasunod na grap na tatlumpu’t limang porsyento (35%)
sa kanila ay nababahala. Dalampu’t limang porsyento (25%) sa kanila ay
nakararamdam ng takot. Dalawampung porsyento (20%) sa kanila ay
nadidismaya, labing limang porsyento (15%) naman sa kanila ay hindi
nangangamba at ang natitira naman na limang porsyento (5%) ay walang
pakialam tungkol sa sakit na HIV/AIDS
17.
Grap 6
Pananaw ng mga Respondente Hinggil sa Kasapatan ng Ginagawa ng Pamahalaan Upang Malabanan ang Sakit na HIV/AIDS
Sapat na Sapat Kakaunti Sapat Lang Walang Ginagawa0
10
20
30
40
50
60
5%
25%
60%
10%
Sa palagay na Animnapum porsyento ang sapat lang o katamtaman ang
ginagawa n gating pmahalaan upang maiwasan ang sakit na HIV/AIDS.
Dalampu’t limang porsyento naman ang nagsabi ng kakaunti lamang ang
ginagawa ng pamahalaan. Labing limang porsyento sa kanila ang nagsabing
walang ginagawa ang pamahalaan at limang porsyento naman ang nagsabing
sapat na sapat ang gginagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang sakit na
HIV/AIDS.
18.
Grap 7
Epektong Pandamdamin ng Kumakalat na Epidemya
apek
tadu
ng-a
pekta
do
apek
tado
hind
i gaa
no
hind
i ape
ktado
walan
g pa
kiaal
am
05
101520253035404550
10%
30%
50%
5% 5%
Limangpung porsyento (50%) ang sa mga respondent ang nagsabing
hindi sila gaanong apektado ng kumakalat na epidemya. Ayon naman sa
talongpum porsyento (30%) na respondent, apektado sila sa kumakalat a sakit.
Sampung porsyento (10%) sa kanila ang nagsabing apektadung-apektadong sila
ng kumakalat na epidemya. Tiglimang porsyento naman na mga respondent
anga nagsabi na walang pakialam at hindi sila apektado sa palaganap ng sakit
na HIV/AIDS.
19.
Grap 8
Pananaw ng mga Respondente sa Kasapatan ng Kaalamang Itinuturo sa Taguig City University Tungkol sa Sakit na HIV/AIDS
Sapat
lang
Kaunti an
g kaa
laman
Wala
ng ibinab
ahag
i
Wala
ng Esp
esalisa
syon
Wala
ng pak
ialam
0
5
10
15
20
25
30
35
40
45
15%
30%
40%
10%5%
Tungkol sa palagay ng mga respondent ukolsa tanong na sapat nab a ang kaalamang ibinabahagi o itinuturo sa Taguig City University hinggil sa sakit na HIV/AIDS, apatnapum porsyento (40%) ang nagsabing walang ibinabahagi sa kanila , tatlongpum porsyento (30%) naman ang nagsabing kaunti lamang ang kaalaman ukol sa sakit na HIV/AIDS, labinglimang porsyento (15%) ang nagsabing sapat ang kaalaman ibinabagi, sampung porsyento (10%) ang nagsabing walang espesyalisasyon at ang limang porsyento (5%) naman ay ang mga nagsabing walang pakiaalam ukol sa sakit na HIV/AIDS.
20.
Grap 9
Pananaw ng mga Respondent sa Ginagawa ng Pamahalaan Upang Maipaalam sa mga Mamamayan ang Tungkol sa Sakit na HIV/AIDS
10%
40%
50%
Tungkol sa kanilang palagay kung sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamaya ang tungkol sa kumakalat na epidemya, limampung porsyento (50%) ang nagsasabing na sapat ito para malaman ng lahat ang tungkol sa sakit HIV/AIDS. Apatnapum porsyento (40%) naman ang nagsabing sapat lamang ito sa piling mamamayan. Ang natitirang sampung porsyento (10%) ang nagsabing walang nakaaalam tungkol sa sakit na HIV/AIDS.
21.
Grap 10
Pananaw ng mga Respondente sa Kakayahan ng Ospital Upang Maiwasan ang Paglaganap ng Sakit na HIV/AIDS
Sapat
na sap
atSa
pat
Kakau
nti
Wala
ng esp
esyali
sasyo
n
Wala
ng kak
ayah
an0%
5%
10%
15%
20%
25%
30%
35%
5%
20%
35%
5%
25%
Tungkol naman sa pananaw ng mga respondent, tatlumpu’t limang poryento (35%) ang nagsabing kakaunti ang kakayahan ng ospital sa knilang lugar upang makaiwas sa sakit na HIV/AIDS. Dalawpu’t limang porsyento (25%) sa kanila ang nagsabing walang kakayahan, dalawampung porsyento (20%) ang nagsabing sapat lang ang kakayahan ng ospital. Limang porsyento (5%) naman ang nagsabing sapat na sapat ang kakayahan upang maiwasan ang sakit na HIV/AIDS, gayundin ang nagsabing walang espesyalisasyon ang ospital na may porsyento limang porsyento (5%) lamang.
22.
Grap 11
Mga Naitala Lamang sa Bansa sa Nagdaang Panahon Tungkol sa HIV/AIDS
1984-2006 2007 2008 2009 2010 2011-20120
2,000
4,000
6,000
8,000
10,000
12,000
14,000
16,000
1884
342 528 8351591
14000
Nakakabahala na ang mabilis na pagtaaas ng mga naitala sa bansa
tungkol sa HIV/AIDS. Noong 1984 hanggang 2006 ang naitalang may HIV sa
bansa. Noong 2007, 342 ang naitala sa buong taon gayun din ang taong 2008 ay
nagtala ng 528 at patuloy itong tumataas noong 2009 ay 835 ang naitala at
umakyat na ito sa libo. Noong 2010 ang naitalang kaso ng HIV ay 1,591. At sa
loon ng dalawang taon ay mas higit na duma ang nagkaroon ng HIV/AIDS. Sa
bagong tala mula noong 2011 hanggang 2012 ay umabot na sa 14,000 na ang
positibo sa HIV/AIDS. Dahil sa kakulangan ng kaalaman at sa pakikipagtalik ng
walang proteksyon. Naipapasa din ito sa mga bata mula sa ina hanggang a
sanggol pa lamang ito. Sa ganitong pananaliksik ay dapat bigyan ng pansin ang
tungkol sa sakit na HIV/AIDS.
KABANATA V
23.
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDYASYON
1.Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatakangmalaman ang damdamin,
pananaw at kaalaman ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong
Kriminolohiya sa Unibersidad ng Taguig tungkol sa sakit na HIV/AIDS.
Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananliksik ay
nadisenyo ng sarbey-kwestyuner na pinasagutan sa isangdaang (100)
respondent, Limapung (50) responte sa unang taon at gayundin sa ikalawang
taon na kumukuha ng kursong Kriminolohiya sa Taguig City University.
2.Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananliksik ay humantong sa
mga sumusunod na kongklusyon;
Ang kaalaman ng mga estudyante ng Kolehiyo ng Kriminolohiya sa
Unibersidad ng Taguig tungkol sa sakit na HIV/AIDS
Nababahala naman ang karamahihan sa mga respondent hinggil sa
pagkalat ng HIV/AIDS sa bansa.
Telebisyon ang pinakakaraniwang hanguan ng impormasyon tungkol sa
sakit na HIV/AIDS
Walang itinuturo hinggil sa sakit na HIV/AIDS sa Kolehiyo ng Narsing sa
TCU.
Sapat lamang ang ginagawa ng pamahalaan upang malabanan at
maipaalam sa mga mamamayan ang sakit na HIV/AIDS.
3. Rekomendasyon
24.
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, ang buong
pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod;
Para sa pamahalaan, magbigay ng mga babala uko sa sakit ng
HIV/AIDS. Upang maiwasan ang pagtaas ng porsyento ng mga
nakakaroon ng HIV/AIDS sa bansa.
Para sa maga administrador ng mga ospital. Magsagawa ng mga
seminar na dadaluhan ng kanilang mga empleyado at higit na
bigyan pansin ang kanilang kasanayan at kaalaman tungkol sa
sakit na HIV/AIDS
Para sa mga propesor sa bawat kolehiyo, lalo na sa mga nagtuturo
ng asignaturang may kinalaman sa kalusugan, nawa’y maging
instrument sila sa pagpapalaganap ng mga impormasyon kaugnay
ng sakit na HIV/AIDS
Para sa mag-aaral, mas palawakin pa ang inyong mga kaalaman
sa sakit na HIV/AIDS upang maging mas epektibo at maging
batayan ito upang maiwasan ang ganitong sakit.
Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang
pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higgit pang
revelant na mga datos o impormasyong maaaring makatulong sa
pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa sakit na HIV/AIDS at iba
pang sakit.
LISTAHAN NG SANGGUNIAN
25.
Kapuso mo, Jessica Soho. HIV Update in the Philippines,
http://www.youtube.com/watch?v=WEu1PzTH0DU
GMA Documentaries “Think Positive” http://www.youtube.com/watch?
v=I4twtyTxtrw&feature=related
Ibid. GMA News Investigative looks at rising cases of HIV in PHiL http://www.youtube.com/watch?v=bOxsG8xS4b4
Dr. Erick Tayag, Director IV National Epidemiology Center, Department odf
health http://www.doh.gov.ph/search/apachesolr_search/hiv
UNAIDS Organization, http://www.unaids.org/globalreport/Global_report.htm
Ibid. UNAIDS Philippines, http://www.unaids.org.ph/index.php
Wikipedia Online Dictionary http://tl.wikipedia.org/wiki/AIDS
The Oxford Advance Learner’s Dictionary of Current English. 1963 edition.UAE.
Webster universal dictionary and thesaurus, 1993. USA; torment publication Inc.
APENDIKS
26.
Direksyon; punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na
patlang. Kung may pagpipilian, lagyan na lamang ng tsek ang patlang na
tumutugma sa iyong sagot.
1. Pangalan (Opsyunal) _______________________________
2. Kasarian; lalaki babae
Edad; 14-15 18-19
16-17 20-pataas
3. Sa iyong pansariling asesment, ano ang antas na iyong kaalaman tungkol
sa sakit na HIV/AIDS?
Alam na alam katamtamang kaaaman
Kaunting kaalaman walang kaalaman
Walang pakialam
4. Saan mo narinig o natutunan ang kaalaman mo tungkol sa sakit na
HIV/AIDS?
Radyo Dyaryo Health Center
Telebisyon Internet Libro
Usap-usapan Flyers/Leaflets Paaralan
5. Ano ang damdamin mo tungkol msa pagkalat ng sakit na HIV/AIDS sa
bansa?
Takot Nababahala Nadidismaya
Hindi nangangamba Walang pakialam
6. Sa iyong palagay, sapat na ba ang ginagawa n gating pamahalaan upang
malabanan ang sakit na HIV/AIDS?
Sapat na sapat Sapat lang o Katamtaman
Kakaunti Walang ginagawa
7. Bilang isang estudyante, apektado ka bas a kumakalat na epidemya?
Apektadung-apektado Hindi apektado
Apektado Walang pakialam
Hindi gaano
8. Sa iyong palagay, sapat na ba ang kaalamang binabahagi o itinuturo sa
Unibersidad ng Taguig tungkol sa HIV/AIDS?
27.
Sapat na sapat Walang iinabahagi
Sapat Walang espesalisasyon
Kakaunti
9. sa iyong palagay, sapat nab a ang ginagawa ng pamahalaan upang
maipaalam sa mga mamamayan ang tungkol sa sakit na HIV/AIDS?
Sapat para malaman ng lahat
Sapat para malaman ng piling mamamayan
Walang makakaalam
10.batay sa iyong pananaw at karanasan, sapat ba ang kakayahan ng mga
ospital sa ganitong sakit na HIV/AIDS?
Sapat na sapat Walang iinabahagi
Sapat Walang espesalisasyon
Kakaunti ,
Maraming salamat po sa paglalaan mo ng iyong panahon sa kwestyoner na ito!