k to 12 grade 3 learner’s material in mother tongue based (mtb – quarter 3) tagalog version

40
Quarter 3: Going Beyond My Community Lesson 19: Our Cultural Music …………………………………………….. Lesson 20: Our Cultural Dances ………………………………………….. Lesson 21: Our Local Arts and Craft ……………………………………... Lesson 22: Our Favorite Foods – Local Cuisine ………………………… Lesson 23: Our Community Celebrations (Fiesta) ……………………... Lesson 24: Other Community Celebrations …………………………….. Lesson 25: Our Transportations ……………………………………………. Lesson 26: Our Communications …………………………………………. Lesson 27: Our Communications …………………………………………. Lesson 28: Our Communications …………………………………………. Lesson 29: Our Communications …………………………………………. Summative Test …………………………………………………

Upload: lhora-light

Post on 01-Jul-2015

2.449 views

Category:

Education


73 download

DESCRIPTION

K to 12 Learning Module/Material in Mother Tongue Based (MTB) for Grade 3. This is Quarter 3 tagalog Version

TRANSCRIPT

Page 1: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Quarter 3: Going Beyond My Community

Lesson 19: Our Cultural Music ……………………………………………..

Lesson 20: Our Cultural Dances …………………………………………..

Lesson 21: Our Local Arts and Craft ……………………………………...

Lesson 22: Our Favorite Foods – Local Cuisine …………………………

Lesson 23:

Our Community Celebrations (Fiesta) ……………………...

Lesson 24: Other Community Celebrations ……………………………..

Lesson 25: Our Transportations …………………………………………….

Lesson 26: Our Communications ………………………………………….

Lesson 27: Our Communications ………………………………………….

Lesson 28: Our Communications ………………………………………….

Lesson 29: Our Communications ………………………………………….

Summative Test …………………………………………………

Page 2: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Ikatlong Kuwarter

Ika-21 Linggo

Ano ang uri ng msika ang nais mong pakinggan?

Basahin at isakilos an gang dayalogo.

Ina: Kumusta Andrei!

Andrei: ( Hindi siya narinig ni Andrei dahil sa earphones sa

kanyang tainga)

Ina: Andrei, ano? Nakikinig ka naman ng musika.

Andrei: ( Nagulat) Sorry, Ina. Hindi kita narinig.

Ina: Mukhang naaaliw ka sa pakikinig. Maaari din ba akong

makinig?

Andrei: Aba, siyempre! Heto ang earphones, makinig ka.

Ina: Wow! Nakikinig ka pala ng musika ni Mozart.

Gusto mo pala ng musikang klasikal.

Andrei: Oo naman! Nakakapagod na ang mga musikang

sobrang maingay at mabilils. Kaya naisip ko na makinig

naman ng ibang klaseng musika.

Ina: Magaling! Sa susunod subukan mo naman ang

katutubong awitin, para mapahalagahan mo ang sariling

atin.

Andrei: Oo, iyan ang binabalak ko.

Sabihin at Alamin

Page 3: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng

kilos o galaw.

Isa sa pinakamahalagang bagay ukol dito ay ang

kaugnayan sa oras o panahon.

Ang pandiwa ay nasa aspektong pang nagdaan kung ang

kilos ay natapos o naganap na.

Halimbawa: nag-aral, naglaro, umuwi

Basahin at Gawin

Basahin ang pangungusap. Piliin at tandaan ang salitang may

salungguhit.

1. Naglunsad ang Supreme Pupil Government(SPG) ng Paaralang

Gomez ng programang”Kultura Mo Ipagmalaki Mo”.

2. Ang mga kabataan at mamamayan ay dumalo sa programa.

3. Ang mga kalahok ay naglaban sa larangan ng awit, sayaw at

paggamit ng istrumento.

Ano ang tawag sa salitang may salungguhit?

Ano ang tawag sa pandiwa na naganap sa nakaraan?

Tandaan

Page 4: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 1

Lagyan ng salungguhit ang pandiwa sa bawat pangungusap.

Ilagay ang P- kung natapos o naganap na ang kilos at DP-

kung ang kilos ay kasalukuyan pa na nagaganap.

1. Kahapon, nagtaas ng kamay ang aking kapatid na si

Lester. ___________

2. Pumalakpak ang mga guro at mag-aaral pagkatapo ng

palabas. _________

3. Nagtatakip ng tainga si Tina dahil sa malakas na

tunog.________

4. Noong isang linggo naglakbay ang aming koro._________

5. Nagluto kami n gamin pagkain ngayong umaga.________

Gawain 2

Bilugan ang pandiwa.

1. Si Mario at kaniyang mga kaibigan ay naglaro ng

basketball.

2. Buon maghapon na tumigil sa loob ng silid-aralan ang

mga bata.

3. Hinakot ng mga guro ang kanilang gamit mula sa opisina.

4. Nagmasid ang punong guro ng mga bagong computer

sa silid ng ICT.

5. Bumati si Tina ng “Maligayang Kaarawan” sa kanyang

kaibigan.

Page 5: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Basahin nang malakas ang balita.

Ano ano ang sinasagot natin kapag kumukuha tayo ng

mahahalagang detalye ng tula, kuwento, awit o iba pang teksto?

Ginagamit natin ang sino, ano, kailan, paano at bakit kung

kumukuha tayo ng mahahalgang detalye mula sa tula, kuwento,

awit o iba pang teksto.

Gawain 3

Pagdiriwang ng mga awitin ng rehiyon, idinaos

Idinaos ang pangrehiyong pagdiriwang ng mga awiting sariling atin

noong ika - 28 ng Setyembre handog ng Culural Center of the

Philippines.

Ang naturang gawain ay naglalayon upang palakasin,

maunawaan at mapahalagahan ang katutubong awitin natin sa

buong rehiyon. Ninanais din nito na matutuhan ng mga mag-aaral

ang yaman at natatanging ganda ng sining at mayamang kultura.

Labinlimang koro mula sa ibat’-ibang bahagi ng bansa ang

lumahok sa paligsahan. Binubuo ang koro ng dalawampung kasapi

at dalawang piyesa ng pangrehiyong awitin ang kanilang

kailangang awitin. Lalong naging makulay ang gabi ng

pagdiriwang dahil sa pagpapaunlak ni Ogie Alcasid na siyang nag

abot ng mga piling karangalan sa paligsahan.

Tandaan

Page 6: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Sagutan ang mga tanong at ilagay ang angkop na detalye sa loob

ng bituin.

a. Ano ano ang mga itinanghal sa pagdiriwang ng mga awit

pangrehiyon?

b. Kailan ginanap ang pagdiriwang?

c. Saan ito ginanap?

d. Sino sino ang umawit sa paligsahan?

e. Ilan ang bumubuo ng isang koro?

h. Sino ang nagpasinaya sa okasyon?

i. Saan naggaling ang mga kalahok sa paligsahan?

j. Bakit ang Cultural center of the Philippines ang naghandg ng

pagdiriwang?

Pamagat ng

Balita

Ano

Sino Saan

Bakit

Kailan

Page 7: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 4

Pag-aralan ang mga salita.

kabataan batang umaawit inilunsad

ipinakita daan nagpasinaya

Sagutan ang puzzle sa pamamagitan ng mga salitang

pananda sa itaas.

Across: Down:

1 – mag-aaral- bata 1 – sumali-lumahok

2 – patimpalak-paligsahan 2 – rehiyon- lugar

3 – grupo ng mga batang 3 – pagdiriwang-okasyon

umaawit- koro

1

1

2

3

3

D

2

Page 8: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Basahin at Gawin:

Ano ang paborito mong awitin? Alam mo ba kung sino sumulat

nito.

Basahin:

Ibigay ang mahahalagang detalye sa binasang kuwento sa

pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang nakatanggap ng parangal bilang pinakamagaling sa

paggawa ng musika sa pamamagitan ng dahon?

Si Levi Celerio isang Filipinong tanyag sa larangan ng musika.

Nakasulat siya ng may apat na libo na awit na nagbibigay buhay

sa tahanan, paaralan, sine at sa buong bansa. Isa siyang

simpleng tao na mayaman ang puso at isipan kaya nakalilikha

siya ng musika kahit sa pamamagitan lamang ng dahon, na

nakapgtala sa kanya sa Guinness Book of World Record bilang

pinaka henyo sa paglikha ng musika.

Ilan sa kanyang sikat na awitin ay: Ang Pasko ay Sumapit, Pasko

Na Naman, Ang Pipit, Itik-Itik, Basta’t Mahal Kita, Kahit Konting

Pagtingin, O Maliwanag na Buwan at Bagong Lipunan at marami

pang iba. Ang kanyang mga awitin ay karaniwang inaawit at

nappakinggan sa mga batang nagka-carolling kung panahon ng

kapaskuhan. Halos lahat ng kaniyang mga awit ay naging titulo

ng mga pelikula. Tunay na henyo siya sa larangan ng musika.

Kaya nga, kahit namatay na siya noong 2002, ang kanyang mga

awitin ay tinaguriang walang kamatayn at patuloy na magiging

bahagi ng kulturang Filipino.

(Adapted: http://www.filipino-heritage.com/filipino-musicians.html )

Page 9: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

a. Kailan siya namatay?

__________________________________________

b. Ilang awitin ang kanyang nasulat?

_________________________________________

c. Ano ano ang ilan sa mga naisulat niyang awitin?

___________________________________________

d. Bakit sinasabing walang kamatyan ang kanyang mga awitin?

_____________________________________________

Gawain 5

Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.

Sumali sa paligsahan sa pag awit si Rona sa pagdiriwang ng

Linggo ng Wika noong Agosto.Rona Nais niyang ipakita sa kanyang

mga kamag-aral na magling siyang umawit. Lahat nang lumahok

ay nakasuot ng makabansang kasuotan at lokal na awitin ang

inawit. Nanalo ang piyesang “Ang Pipit” na inawit ni Rona.

1. Sino ang nanalo sa paligsahan? ____________________________

2. Saan ginanap ang paligsahan? ____________________________

3. Kailan ito idinaos? ___________________________

4. Bakit niya gusting sumali sa paligsahan?___________________

5. Ano ang piyesa na inawit ni Rona?__________________________

Page 10: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Tell and Learn

Pag-aralan ang balangkas sa ibaba. Ano ang sinasabi nito?

a. Ano ang awit na piakagusto ng mga mag-aaral?

b. Ano ang awit na hindi gaanong gusto ng mag-aaral?

c. Ano ang awit na may magkaparehong tala nang mag-aaral

na may gusto ng awitin?

d. Ano ang tawag mo sa anyong ito ng balangkas?

e. Ano ang tawag mo sa anyong ito ng balangkas?

f. Paano ipinakikita an gang balangkas ng isang

pictograph?

g. Bakit ito tinawag na pictograph?

Pamagat ng Awit Mag-aaral na gusto ang awit

Bahay Kubo

Leron-LeronSinta

ParuparongBukid

Itik-Itik

Simbola = 5 mag-aaral

Ang pictograph ay isang uri ng grap na

gumagamit ng larawan o simbolo upang ipakita

ang impormasyon o datos.

Tandaan

Page 11: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 6

Binabalak ni Gng. Cruz na magkaroon ng isang pagtatanghal

ang kanyang mag-aaral sa darating ng Pamaskong palutuntunan.

Tinanong niya ang mga mag-aaral kung an ang nais nilang awitin sa

palatutunan.

Pag-aralan ang pictograpg at sagutin ang mga tanong:

Pamagat ng Awit Bilang ng mga bata na nais ang

awit

AngPasko ay Sumapit

Jingle Bells

Silent Night

Christmas Alphabet

Joy to the World

= 2 mag-aaral

Sagutin ang tanong:

1. Ano ang awit na may pinaka kaunti ang pumili?

_____________________________________________

2. Alin ang awit na may parehong datos o nakuha?

_____________________________________________

3. Ilang ang labis na boto ng Christmas Alphabet kaysa Pasko

ay Sumapit?

_____________________________________________

4. Ano ang awit na nagwagi upang awitin sa Pamaskong

palatuntunan? Bakit?

_______________________________________________

5. Bakit kay mas maraming pumili sa awit na Christmas

Alphabet?

_______________________________________________

Page 12: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 7

Pag-aralan ang pictograph. Sagutin ang mga tanong at isulat

sa sagutang papel.

Pamagat ng Awit Bilang ng mga batang may

alam nn Awit

Anak

Pangako

Pananagutan

May Bukas Pa

BatosaBuhangin

simbolo = 2 mag-aral

1. Ano ang awit na madalas awitin ng mga bata?

_______________________________________________

2. Ano ang awit na hindi gaanong alam ng mga bata?

_______________________________________________

3. Ilan ang higit na pumili sa awiting Pananagutan kaysa Anak?

_______________________________________________

4. Ilan ang mga bata na may alam ng awit na May Bukas Pa?

_______________________________________________

Page 13: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

5. Bakit kaya May Bukas Pa ang pinaka popular o sikat na awitin

sa mga bata?

Basahin at isakilos ang dayalogo:

Nina: Nanay maaari po ba na magpatulong ako sa

paggawa ng aking gawaing bahay?

Nanay: Oo naman. Maari ko pang malaman kuna ano

ang dapat gawin?

Nina: Nais ng aking guro na magtanong kami tungkol sa

mga katutubong sayaw na ating bansa.

Nanay: Napakadali naman pala. Mayroon tayong

Tinikling, Kuratsa and Carinosa mula sa Visayas.

Singkil at Asik naman mula Mindanao. At dito sa

atin sa Luzon, Banga and La Jota.

Nina: That’s great. Thank you, Mother. I have

something to share tomorrow. Thank you very

much.

Sabihin at Alamin

Page 14: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

1. Ano ang gawaing-bahay ni Nina?

2. Sino ang tumulong sa kanya sa paggawa ng gawaing bahay?

3. Sino ang nagpaga?wa ng gawaing bahay kay Nina?

4. Kailn niya ito ipapasa?

5. Sa inyong palagay bakit kaya ibinigay ng guro kay Nina ang

ganitong gawaing bahay?

Basahin ang dayalogo at sagutin ang tanong:

Ikaw, ano ang

kaisipang nabuo

mo tungkol dito?

Ano ang iyong

damdamin tungkol

sa usaping ito

Ang Pantomina ang dapat na

Pambansang sayaw.

Isipin

Sabihin at Alamin

Page 15: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Ang pagbibigay g reaksiyon ay isang madamdamin at

pankaisipang pagpapahayag ayon sa isang isyu o usapin.Ito

ay naaayon sa iyong personal na damdamin, karanasan at

isipan.

Tandaan

Page 16: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

LM Q3 Week 24

Basahin at Alamin

Mayroon ba kayong paboritong pagkain na iniluluto sa bahay tuwing may

espesyal na okasyon?

Ano-ano ito?

Basahin ang sumusunod na kuwento.

Ang Kaarawan ni Nanay Lily

Ni Franlie O. Ramos – Corporal

Maraming tao sa aming bayan ang sabik sa kaarawan ni Nanay Lily. Si

Nanay Lily ang pinakamahusay na kusinera sa aming lugar. Lagi siyang

naghahanda ng kakaiba at katakam–takam na pagkain. Ang isang tikim nito ay

susundan pa nang marami pang iba. Taon-taon ay nag-aanyaya siya ng kanyang

mga kaibigan sa kanyang bahay upang makipagsaya sa kaniya.

Sa kanyang ika-55 kaarawan, naghanda siya ng mga pagkaing may siling

labuyo at gata ng niyog tulad ng laing, Bicol Express, pinangat at kinunot. Nagluto

rin siya ng sinarapan sa tanglad at nilutong balaw.

Naghanda siya ng ispesyal na pagkain para sa mga bata tulad ng piniritong

tilapia, pansit bato, dinuguan at puto makapuno.

May mazapan de pili, matamis na mani at yema bilang panghimagas.

Lahat ay nasiyahan sa pagdiriwang ng kaarawan ni NanayLily.

Page 17: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Isipin

a. Ano–anong espesyal na pagkain ang inihanda ni Nanay Lily sa

kanyang ika-55 kaarawan?

b. Bakit kinasasabikan ng mga tao ang kaarawan ni Nanay Lily?

Sabihin at Alamin

Basahin ang sumusunod na pangungusap:

a. Lagi siyang naghahanda ng kakaiba at kataka-takam na

pagkain.

b. Taon–taon ay inaanyayahan niya ang marami sa kaniyang

mga kaibigan sa kaniyang bahay upang makisaya sa

kaniyang kaarawan.

c. Sa kaniyang ika-55, naghanda siya ng mga pagkaing may

siling labuyo at gata ng niyog.

d. Bawat isa ay nasiyahan sa kaarawan ni Nanay Lily.

Ano-ano ang mga pandiwa sa pangungusap?

Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?

Anong pananda ang ginamit upang makilala ang

pangnagdaan at pangkasalukuyang aspekto ng pandiwa?

Gawain 1

Salungguhitan ang angkop na aspekto ng pandiwa upang

mabuo ang pangungusap.

1. Ang kababaihan ay ( nagluto, nagluluto, magluluto) ng

kanilang agahan tuwing umaga.

Page 18: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

2. (Nagdiwang, Nagdiriwang, Magdiriwang) ng kaniyang

kaarawan si Sherlyn noong Disyembre.

3. Si Angelo ay ( nagpaliwanag, nagpapaliwanag,

magpapaliwanag) ng kaniyang proyekto kay Gng. Ramos

ngayon.

4. Tayo ay ( nagdasal, nagdarasal, magdarasal) araw-araw.

5. Si Berny ay palaging ( naghugas, naghuhugas,

maghuhugas) ng kaniyang kamay.

Gawain 2

Sumulat ng pangungusap sa bawat simuno, pang-abay na

pamanahon at pandiwa. Isulat ang iyong sagot sa papel.

Simuno Pang-abay na Pamanahon

Pandiwa

6.Ang mga kalalakihan lagi maglaro

7. Ang mag-anak tuwing Linggo magpunta

8. Ang mga babae nakaraang dalawang araw

magsayaw

9. Kami tuwing gabi manood

10. Siya sa araw na ito patnubay

Gawin at Alamin

Isulat ang mga katangian ni Nanay Lily sa bawat bilog sa web.

Page 19: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Ano ang nakatulong sa iyo upang mahulaan ang mga katangian ni

Nanay Lily?

Saan mo ibinatay ang iyong hula?

Anong impormasyon sa kuwento ang nagbigay sa iyo ng

palatandaan?

Ang isang kuwento ay hindi palaging tuwirang naglalarawan sa

kantangian ng tauhan. Maaari natin itong hulaan batay sa mga

palatandaan o sitwasyon sa kuwento.

Maaari tayong magbigay ng hinuha ng katangian ng tauhan.

Ang hinuha ay isang matalinong hula batay sa impormasyong

ibinigay at kung minsan ay batay sa ating sariling karanasan.

Tandaan:

Ang paggawa ng hinuha ay pagbibigay ng matalinong hula

batay sa mga ebidensiya sa teksto. Maaaring ito ay batay sa ating

mga karanasan.

Page 20: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 3

Basahin ang sumusunod na talata. Sa ilustrasyon sa ibaba, isulat

ang iyong hinuha at ang ebidensiya na nakatulong sa iyo.

Inihagis ni Tina ang kaniyang bag sa silya, nilampasan ang

kaniyang mga magulang, isinara nang malakas ang pinto at ibinagsak

ang sarili sa kama.

1. Ano ang nararandaman ni Tina?

2. Ano-anong ebidensiya sa teksto ang magpapatunay sa iyong

sagot?

Hinuha

________________

clue 4

______________

clue 3

____________________

clue 2

_____________________

clue 1

__________________________

Page 21: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 4

Basahin ang teksto. Sagutan ang tsart sa ibaba.

Sina Jacob at Trista ay kasama ng kanilang nanay tuwing Sabado

sa grocery. Gustong–gusto nila ang amoy ng masasarap na pagkain.

Maraming iba’t ibang bagay na mabibili rito. Malaki ito at malamig sa

loob. Maraming tao ang may dalang basket at shopping carts para sa

mga bagay na kanilang pinamili. Pagkatapos makuha ni Nanay ang lahat

na kailangan niya sa bahay, pumila na siya at nagbayad sa kahera.

Saan pumupunta sina Jacob, Tristan at kanilang nanay tuwing

Sabado?

Sagutan ang tsart.

Ano ang iyong hinuha? Anong ebidensiya sa teksto ang magpapatunay sa iyong sagot?

Page 22: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 5

Basahin ang teksto. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

Ibinabagsak ni Ramon ang kaniyang bisikleta saan man siya

tumigil. Malimit niyang naiiwan ang kaniyang bisikleta sa daan papunta

sa garahe. Pauli-ulit na sinasabi ng kaniyang ama ang maaaring

mangyari sa kaniyang ginagawa. Isang umaga, paalis ang kanyang ama

papunta sa trabaho, nakarinig si Ramon ng malakas na tunog sa labas

ng bahay.

Batay sa teksto, ano ang iyong hinuha na nangyari:

a. Sinakyan ng kaniyang kapatid na babae ang bisikleta.

b. Nasagasaan ng kaniyang ama ang bisikleta.

c. Ninakaw ang kaniyang bisikleta sa garahe.

Ano-ano ang ebidensya na magpapatunay sa iyong sagot. Isulat ang

iyong sagot sa organizer.

Hinuha

Ebidensiya 1

Ebidensiya 2

Ebidensiya 3

Page 23: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 6

Piliin ang salitang-ugat ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Si Mang Tasyo ay tahimik na nakatingin sa ginagawa ng anak.

a. awa c. gina

b. gawa d. ginaga

2. Nang mapansin ito ni Patrick, itinigil niya ang pagsusulat.

a. sulat c. pagsulat

b. ulat d. pag

3. Naiwan niya ang kaniyang aklat sa silid-aralan.

a. naiwan c. iwan

b. anan d. iwanan

4. Naamoy ni Patrick ang masarap na ulan na luto ng kaniyang

ina.

a. amoy c. aamoy

b. naamoy d. naaamoy

5. Lumabas siya sa kusina at naglambing sa kaniyang ina na bigyan

siya.

a. naglambing c. naglabing

b. naglam d. lambing

Page 24: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Sabihin at Alamin

Tingnan ang larawang guhit.

6. Ano ang nasa larawang guhit?

7. Ano ang sinasabi ng pamagat?

8. Ano ang kahulugan ng larawang guhit?

9. Sa iyong palagay, bakit ito nagbibigay ng kaisipang nasa

lugar ng kainan?

Tandaan:

Ang Tatak o Marka ay nagbibigay ng mahalagang

impormasyon kaya kailangang tingnan o basahing mabuti ang

mga detalye upang makakuha ng tamang impormasyon.

Page 25: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 7

Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na

tanong.

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?

2. Ano-anong tatak o marka ang nasa larawan?

3. Ano ang kahulugan ng larawan?

4. Ano-ano ang iyong batayan sa pagbibigay ng kahulugan dito?

Page 26: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Panghuling Pagtataya

A. Basahin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Si Jazzle ay mas mahusay na manlalaro ng tennis kaysa sa

kaniyang kapatid na si Joeshua. Maaari nating sabihin

na____________________.

a. Ayaw ni Jassel na maglaro ng tennis.

b. Mas mataas ang iskor ni Joeshua.

c. Higit na mataas ang iskor ni Jazzel.

d. Ayaw ni Joeshua na maglaro ng tennis.

2. Si Jo-Francis ay mas mahusay na mag-aaral kaysa sa kaniyang

kapatid na si Jazzel. Maaari nating sabihin

na___________________.

a. Hindi nag-aaral si Jo-Francis.

b. Mas mataas ang marka ni Jazzel.

c. Higit na mataas ang marka ni Jo-Francis.

d. Gustong-gusto ni Jazzel na mag-aral.

3. Ang bagong mag-aaral na babae sa paaralan ay hindi

nakikipag-usap kanino man sa buong maghapon. Nang tinawag

siya ng kaniyang guro, yumuko lamang siya at tumingin sa

upuan.

Ang bagong mag-aaral ay maaring _________________.

a. mahiyain c. masungit

b. mabait d. masayahin

Page 27: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

4. Sinabihan si Jake ng kaniyang ina na magdala ng payong

papasok sa paaralan. Gayun pa man , inisip ni Jake na hindi ito

kailangan. Ano sa palagay mo ang lagay ng panahon?

a. umuulan c. nagyeyelo

b. maaaring umulan d. mainit ang sikat ng araw.

B. Isulat ang angkop na aspekto ng pandiwa o tanda upang mabuo

ang pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa kahon.

5. ___________________, ______________ang aking mga

magulang sa aming kusina.

6. ______________nang ang kumot ng aking Lola

ay____________.

7. ______________siya _________sa entablado.

C. Kumpletuhin ang puzzle gamit ang mga clue sa ibaba.

Pababa: Pahalang:

1. di mabuting gawa 1. gamit ng kamay

2. lugar na nais marating ng lahat 2.atleta

3. sobrang-sobra 3. nawala

ngayon nilabhan tuwing Biyernes

tatlong taon na ang nakararaan naglilinis

sumasayaw

Page 28: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION
Page 29: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

LM Q3 Week 25

Paano nagiging bayani?

Basahin ang Kuwento sa ibaba.

Ang Bayani

Ni Claire B. Barcelona

“ Iniligtas niya ang iba ngunit hindi niya nailigtas ang sarili”,

usapan ng mga tao sa kaniyang burol. Hindi naman nagtaka ang

kaniyang mga kaibigan sa nangyari sa kanya.

Nagtali siya ng lubid sa kaniyang baywang at isa-isang dinala

ang kaniyang mga kapatid at magulang sa ligtas na lugar. Maging

ang kaniyang mga kapitbahay na lumikas sa bubong ng kanilang

mga bahay ay kaniya ring nailigtas. Nang makita niya ang isang

babae at ang sanggol nito na nakasakay sa isang styrofoam na

dinadala ng malakas na agos ng tubid, buong tapang siyang

lumangoy patungo sa mga ito at dinala sa ligtas na lugar. Ngunit

sa kasamaang palad, siya tinangay ng agos. Isang araw matapos

ang mapinsalang bagyong si Ondoy na nagdulot ng pagbaha sa

Metro Manila, natagpuan ang walang buhay niyang katawan.

“ Siya ay tunay na matapang at may mabuting kalooban,”

pampalubag –loob na wika ng kanyang mga magulang.

Page 30: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Ang kahindi-hindik na pangyayaring tulad nito ang sukatan

ng pakikibaka sa buhay. Sino ang mamamayani? Ang mga tunay

na matatapang lamang ……tulad ni Muelmar Magallanes, anak

nina Samuel at Maria – ang tunay na matapang at isang bayani.

Isipin

1. Ano ang nangyari?

2. Ano ang maaaring naging dahilan ng pagbaha?

3. Sino-sino ang nailigtas ni Muelmar Magallanes?

4. Bakit siya itinuring na isang bayani?

Sabihin at Alamin

Pag-aralan ang larawang guhit.

a. Ano ang inilalarawan nito?

b. Saan mo ito karaniwang nakikita?

c. Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mo ang larawang ito?

d. Ito ba ay isang paraan ng pagliligtas sa ating kapaligiran?

Page 31: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 1

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod:

illus for DANGER

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Pansinin kung paano ginamit

ang pandiwa.

a. Sasama kami sa kampanya sa paglilinis sa aming baranggay sa

Sabado.

b. Bibili kami ng mga walis at pandakot bukas.

c. Sa isang linggo, magkakaroon na tayo ng malinis na baranggay.

Tandaan

Ang pandiwa ay maaaring magpahayag ng panghinaharap o

hindi pa nagaganap na pangyayari.

Ang mga salitang sa susunod na araw/taon/buwan, bukas ay

mga pang-abay na panahon na nagsasabi ng panghinaharap na

aspekto ng pandiwa.

illus for ENTRANCE illus for signage to line

up

illus for EXIT

Page 32: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 2

Gamitin ang angkop na aspekto ng pandiwa na nasa loob ng panaklong.

Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ako ay __________(tulog) nang maaga ngayong gabi.

2. ___________(gawa) muna ni Maria ang kanyang takdang aralin

bago matulog.

3. Sa ika-5 ng umaga bukas ___________(gising) si Greg.

4. Si Rina ay ___________(punta) sa Maynila sa isang linggo.

5. __________(laba) si Yasmin ng mga damit sa Sabado.

Basahin ang sumusunod na talata. Bigyan ng pansin ang mga may

salungguhit na salita.

Pag-aralan ang mga may salungguhit na salita sa tulong ng tsart.

Salitang -ugat Panlapi Bagong Salita Kahulugan ng Salita

wala na, an nawalan hindi nagkaroon

tulong ma, in matulungin nagbibigay ng tulong

Ang pamilya ni Mang Lando ay nawalan ng tahanan

matapos sirain ito ng malakas na bagyo. Ngunit hindi siya

nawalan ng pag-asa. Alam niyang may mga matulunging

tao na tutulong sa kaniya upang muling itayo ang

kanyang bahay. Nagpasalamat siya na ang kanyang

pamilya ay nailigtas sa malakas na bagyo.

Page 33: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Tandaan

Ang panlapi ay mga kataga na ikinakabit sa

salitang-ugat.

Ito ay maaaring magbigay ng ibang

kahulugan sa salitang-ugat.

salamat nagpa nagpasalamat pagkilala ng utang na loob

ligtas nai nailigtas nailayo sa kapahamakan

Gawain 3

Salungguhitan ang angkop na salitang bubuo sa pangungusap.

1. Ang mga bituin sa gabi ay maliwanag dahil sa

(kawalan,nawalan)ng ulap.

2. Malimit makasira ng gamit si Tom dahil siya ay (walang

maingat, walang ingat) sa mga ito.

3. Ang ahas ay ( makamandag, kamandag ) dahil sa lason nito.

4. SI Issa ay isang batang (maalalahanin, alalahanin).Hindi niya

nalilimutang magbigay ng alaala sa kaarawan ng miyembro ng

kaniyang pamilya.

5. Naiinip na ang batang lalaki kaya siya ay (di mapakali, di makali)

Page 34: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 4

Salungguhitan ang angkop na aspekto ng pandiwa upang mabuo

ang pangungusap.

1. Ang mga batang babae ay (pumunta, pumupunta, pupunta) sa

palaruan bukas.

2. ( Ipagdiriwang, Ipinagdiwang, Ipinagdiriwang) ni Mutya ang

kaniyang kaarawan sa isang taon.

3. Si Freddie Aguilar ay ( magpapaliwanag, nagpaliwanag,

nagpapaliwanag) ng kaniyang panig sa Linggo.

4. (Bumili, Bibili, Bumibili) si Nanay ng bagong kotse sa isang

buwan.

5. Si Berny ay (sumayaw, sasayaw, sumasayaw) sa Disyembre sa

Jesse M. Robredo Coliseum.

Gawain 5

Pumili ng tatlong salita sa talaan sa ibaba.

Sumulat ng pangungusap gamit ang salita at basahin sa klase.

masayahin umaasa bulagsak maganda

makulay magpasalamat mayumi mapanganib

di makali kahanga-hanga humihingal maalalahanin

Gawain 6

Piliin ang kasingkahulugan ng salita sa ibaba sa loob ng kahon.

Gamitin ito sa pangungusap.

Kaakit-akit matulungin makulay

Mapaminsala Maimpluwensya mayabong

Page 35: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

a. Iba pang salita sa maganda -_____________

Pangngusap________________________________________.

b. malasakit_-______________

Pangungusap_______________________________________.

c. Puno ng kulay

Pangungusap_______________________________________.

d. Mapanganib -_______________________

Pangungusap_______________________________________.

e. Makapangyarihan - _________________

Pangungusap_______________________________________.

Page 36: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

LM Q 3 Week 26

Sabihin at Alamin

Anong pagdiriwang o kapistahan ang ipinagdiriwang sa inyong

pamayanan?

Basahin at isakilos ang diyalogo.

Susan: Alam mo ba na ang Pilipinas ay mayaman sa mga

pagdiriwang at kapistahan?

Rene: Gusto kong makita at mapuntahan ang mga

pagdiriwang at kapistahang ito. Maaari mo bang

sabihin sa akin ang ilan sa mga ito?

Susan: Ang Ati-atihan sa Aklan, Sinulog at Pintados ay

pagdiriwang sa mga rehiyon sa Visaya. Ang mga ito ay

pagpupugay kay Sto. Niño na pinipintahan nila o

nilalagyan ng tattoo ang kanilang katawan at masiglang

nagsasayawan sa kalsada.

Rene: O, Masaya iyon! Sa Mindoro, may makukulay rin

ba silang pagdiriwang?

Susan: Oo naman! Ang Lamilamihan Festival sa Basilan,

Kadayawan Festival sa Davao at Lemlunay o ang T’boli

Tribal Festival na punong-puno ng musika at sayawan

ng mga tribo.

Rene: Sigurado talagang makulay at Masaya ang mga

ito. Narinig ko na marami ring kapistahan sa Luzon.

Page 37: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Susan: Tama ka riyan! Sa lahat, ang Luzon ang may

pinakamaraming kapistahan. Ilan sa mga ito ay ang

Panagbёnga , Pahiyas, Moriones at Turumba.

Rene: Bakit tayong mga Pilipino ay maraming

kapistahan?

Susan: Kasi, ang lahat ng mga kapistahang ito ang

nagpapakita ng ating kultura at mga kaugalian na

makulay at masayang ipinagdiriwang.

Basahin at Alamin

Kung ikaw ay susulat sa isang kaibigan, tungkol saan kaya ito?

Basahin ang liham na nasa ibaba.

Block 11, Lot 22 Phase 3

Area 7, Sampaguita Subdivision

Lungsod ng San Jose

Disyembre 14,2013

Mahal kong Elna,

Kamusta ka na? Nagustuhan mo ba ang larawang ipinadala

ko sa iyo? Isa lamang iyon sa magagandang bagay na nakita ko sa

Pintados Festival.

Ang Pintados Festival ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo. Ang

salitang “pintados” ay galing sa mga katutubong mandirigma na

Page 38: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

ang mga katawan ay puno ng tattoo na ipinipinta sa kanila bilang

pagkilala sa kanilang matapang na pakikidigma. Ang Festival ang

nagpapakita ng mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan.

Nagsisimula ang festival sa isang parada sa katubigan. Ito ay

sinusundan ng isang banal na misa. Kasunod nito ay ang makulay

na parada ng mga mananayaw na ang kanilang katawan ay may

pintang iba’t ibang disenyo. Pagkatapos ng festival ang mga

presentasyon na nagpapakita ng kultura ng lalawigan. At sa

pagtatapos, sama-samang pinagsasaluhan ang masasarap na

pagkaing inihanda.

Sana, makadalo ka sa susunod na pagdiriwang ng festival.

Balitaan mo naman ako tungkol sa mga festival sa inyong

lugar.

Ang iyong kaibigan,

Rosa

Isipin

1. Sino ang sumulat ng liham?

2. Tungkol saan ang kaniyang liham kay Elna?

3. Paano nagsimula ang festival?

4. Bakit ipinagdiriwang ang Pintados Festival?

Page 39: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 1

Basahin ang sumusunod na pangyayari. Lagyan ng bilang ayon sa

pagkakasunod-sunod.

1. Si Frances ay nakakita ng magandang blusa na nakadispley sa

isang tindahan.

2. Umuwi siya sa bahay at binilang ang kaniyang naipong pera.

3. Nang sumunod na linggo, isinuot niya ang bagong blusa sa

sayawan sa paaralan.

4. Natuklasan niya na mayroon siyang sapat na pera upang mabili

ang blusa.

Gawain 2

Piliin ang angkop na anyo ng pandiwa sa pangungusap.

1. Ang mga tao ay ( sabik, nasasabik) na makita ang pagdiriwang

ng Panagbёnga Festival sa Baguio.

2. Laging (dumadalo, dumalo) ang aking kapatid sa Pahiyas

Festival.

3. Taon-taon ay (inaanyayahan, anyaya) ako ni Anya na dumalo

sa Sinulog Festival sa Cebu.

4. Ang ilang artista ay (nagdaos, nagdaraos) ng konsiyerto sa

araw ng kapistahan.

5. Lubos kaming (nasisiyahan, masiyahan) sa panonood ng parada

ng mga mananayaw.

Page 40: K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) TAGALOG VERSION

Gawain 3

Piliin ang angkop na pandiwa sa talata. Isulat ang tamang anyo ng

pandiwa.

Punta panood tingin palamuti

sabik kita

Taon-taon, ang aming pamilya ay ________________ sa Lungsod

ng Baguio. Lagi naming _________________ ang Panagbёnga Festival.

________________din namin ang mga magagandang karosa. Bawat

karosa ay ___________ ng makukulay at sariwang bulaklak.

Ang mga tao ay ____________ sa parada ng mga bulaklak. Ang

Panagbёnga Festival ang _______________ ng kagandahan at kaibahan

ng Lungsod ng Baguio.