john locke
TRANSCRIPT
JOHN LOCKE
World History andCivilization II
Si John Locke ay kilala bilang Ama ng Liberalismo. Isa
siyang Ingles na pilosopo at doktor ng medisina.
Si John Locke ay ipinanganak noong ika-29 ng Agosto, 1632. Siya ay mula sa
Warington, isang bayan sa Somerset, England.
Ang kaniyang ama na tinatawag din sa pangalang John ay isang country lawyer, at nagsilbing
kapitan ng mga kabalyero noong English Civil War. Ang kaniyang ina naman ay si Agnes Kenee.
Noong 1646 nag-aral siya sa Westminister School at noong
1659 ay sa Christ Church Oxford. Naging guro ni John
Locke si Robert Boyle, pinuno ng Oxford scientific group.
Ayaw niya sa undergraduate curriculum noong panahong
iyon. Mas napukaw ang kaniyang atensyon ng mga gawa ni Descartes kaysa sa
mga tinuturo sa mga unibersidad.
Nakuha niya ang kaniyang bachelor’s degree noong
1656, master’s degree noong 1658, at bachelor of medicine
noong 1674.
Ang mga ideya ni Locke tungkol sa kalayaaan sa relihiyon at
karapatan ng mga mamamayan ay itinuring na paglaban sa
otoridad ng hari. Kaya noong 1682 si Locke ay ipinatapon sa
Holland.
Sa kaniyang pananatili sa Holland ay natapos niya ang An Essay
Concerning Human Understanding, ngunit ito ay nailathala lamang
noong 1690. Sa librong ito ay itinatag ni Locke ang prinsipyo ng modernong
Empiricism, at tinuligsa ang rasyonalistang konsepto ng
katutubong ideya.
Sinulat din niya ang Two Treatises of Civil Government. Nilalaman nito ang kaniyang teorya sa natural na batas at
karapatan ng mga tao.
Mga Pangunahing Gawa ni Locke
• A Letter Concerning Toleration (1689)• Two Treaties of Government (1689)• An Essay Concerning Human
Understandings (1690)• Thoughts Concerning Education
(1693)• The Reasonableness of Christianity
(1695)
Pumanaw si Locke noong ika-28 ng Oktubre,1704 at inilibing sa
bakuran ng simbahan sa bayan ng High Laver. Si John Locke ay hindi nagkaroon ng asawa at
anak.
Naging malaki ang impluwensya ni Locke sa
larangan ng politika partikular na sa modernong liberalismo.
Si John Locke ay isang matinding impluwensya kay
Voltaire, na isa ring enlightenment thinker, at tinawag pa siya nitong “le
sage Locke”
Ang kanyang mga argumento patungkol sa kalayaan at ang
tinawag niya na sosyal contract ay nakaimpluwensya sa mga
Founding Fathers of the United States at ginamit pa ito sa
Declaration of Independence.
Theories of Religious Tolerance
Tatlong Argumento:1. Makamundong hukom, estado sa partikular, at mga tao sa pangkalahatan, ay hindi maaring dumepende sa mga katotohanang sinasabi ng mga magkakalabang relihiyon.
2. Ang pagpapatupad ng isang relihiyon lamang ay hindi isang solusyon, dahil ang paniniwala ay hindi napipilit palitan gamit ang karahasan.3. Ang pagkakapareho ng relihiyon ay hahantong lamang sa mas malalang kaguluhan, kaysa sa pagpapahintulot sa pagkakaiba-iba.
Teorya ng Halaga at Ari-arian
Ginamit ni Locke ang salitang ari-arian sa malawak at makitid na pagtingin. Sa
malawak na pagtingin ito ay interes ng mga tao, sa makitid naman ito ay mga bagay na materyal. Sinabi niya na ang
pagkakaroon ng ari-arian ay isang karapatan at nakukuha sa pamamagitan
ng paggawa
Teoryang Politikal
Naniniwala si Locke na ang katauhan ay binubuo ng rason at
pagpapaubaya. Gaya ni Hobbes naniniwala si Locke na ang tao ay
sadyang makasarili. Ayon din sakanya ang rebolusyon ay hindi lamang isang karapatan kundi isa
ding obligasyon.
On Price Theory
Ang teorya ni Locke sa halaga at presyo ay isang teorya sa suplay at demand. Ayon sakanya ang suplay ay ang dami at ang demand ay ang upa. Sinabi din niya na
kung pera ang pinag-uusapan ang pangangailangan nito ay kinokontrol ng
dami nito.
PAGTATAPOSng
Presentasyon
References
• Internet– Egs.edu/library/john-locke/biography
• Book– Perry, A History of the World: Revised
Edition
Aeron A. DionisioBSED 2-F