jm datuin, jp bueno, cb pastor, fa adame, lm abrenica and wa
TRANSCRIPT
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay: DIR. RENATO A. MAGUIGAD Regional Executive Director
Department of Agriculture RFU 1 Aguila Rd. Sevilla, City of San Fernando, La Union
Tel. Nos: (072) 888-0341
Fax No: (072) 888-2045
SOSYAL Ang bilang ng magsasakang nakilahok sa pro-yektong
UPRED mula sa 152 farmer-partners ay dumami ng 148.685 na ngayo’y 226 na sa loob lamang ng 2 taon
Nasiyahan ang mga mag-aalaga ng kambing sa makabagong teknolohiya at tumaas ang kita nila sa pag –aalaga ng pangkatay at pang breeder na kambing.
Nadagdagan ang kanilang karunungan at kakaya-han sa pag-aalaga ng kambing na naging gabay sa maunlad na negosyo
TEKNIKAL Tumaas ang bilang ng mga inaalagaang kambing ng
82.46% sa bilang na 1,203 hds at ngayon ay 2,195 hds.
Bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit at namamatay mula 25% sa 8.75%
Napaikli ang paghihintay ng mga pangkatay na kambing mula isang taon sa anim na buwan na lamang
Pangunahing teknolohiya na 100% na ginamit ay ang pabahay, pagpapaganda ng lahi at pagbibigay ng suplementong pagkain at regular na pagpupurga ng mga alagang kambing
EKONOMIKAL Ang benta ng pangkatay ay umabot ng P120-150
bawat kilo at ang upgrades ay P200-250 bawat kilo mula sa dating presyong bultuhan na P1000-1500.
Ang pag-aalaga ng 10 doe-level inahin na inahin gamit ang teknolohiya ng pabahay, paggamit ng barakong may magandang lahi, at pagbibigay ng suplementong pakain ay nakapagbibigay ng karagdagang kita na umaabot ng Php 1,836.00 at ROI na 61.59% para sa mga anak nang kambing na gagawin “slaughter goats.”
EKOLOHIKAL Ang paggamit ng naprosesong dumi ng kambing ay
malaking tulong sa mga farmer-partners upang mabawasan ang kanilang gastos sa pagbili ng kemikal na pataba
Nakakatipid ang bawat farmer-partner ng halagang P21,500 bawat taon sa paggamit ng organikong pataba mula sa dumi ng kambing.
POLITIKAL Sumuporta ang PLGU, MLGU, BLGU at mga farmer-
partners na nakibahagi sa proyektong ito sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa pagsasagawa ng mga pagsasanay, lakbay-aral, pagbili ng mga barako at ng mga gamot para sa mga kambing, at pagtatalaga ng mga kawani ng DA-LGU upang maging kaagapay sa pagsasakatuparan ng mga gawain na umabot ng 2.5 milyong piso.
JM Datuin, JP Bueno, CB Pastor, FA Adame,
LM Abrenica and WA Cerbito
PANIMULA
Ang pagkakambingan ay isang potensiyal na pagkakakitaan ng mga magsasaka sa kanayunan. Ito ay nangangailangan ng maliit na kapital at ang mga kambing ay nabubuhay sa libreng damo, legumbre at iba pang mga halaman sa kapaligiran. Ito ay nagbibigay ng seguridad pang-pinansiyal lalo na sa buwan ng taghirap. Ang kambing ay ginagamit bilang panustos sa mga biglaang gastos katulad ng pambili ng mga gamit sa pagsasaka, pag-aaral at gamit ng mga anak, pambili ng gamot o pambayad sa hospital. Ito rin ang pinagkukunan ng mga magsasaka ng pambili ng makakain kapag wala o mababa ang kanilang ani dahil sa mga kalamidad na dulot ng pabago-bagong panahon.
Sa tulong ng proyektong Upscaling Rural Enterprise Development through Innovative Goat Production Systems in Region 1, ang mga makabagong pamamaraan sa pagkakambingan gamit ang mga teknolohiya sa pagpapaganda ng lahi, mga pakain at pangkalusugan, ay naipabatid a t napatunayang ang pag-aalaga ng kambing kaakibat ng sipag at tiyaga ay maaring m a g i n g i s a n g m a t a g u m p a y a t p a n g m a t a g a l a n g n e g o s y o n a makapagbibigay ng malaking kita sa mga magsasaka at sa komunidad.
SISTEMA NG PAGPAPALAHI Paggamit ng barakong may
mataas na lahi Ang mga anak ay nagiging mas
malalaki at mabibigat mula pagkapanganak, pagwawalay hanggang sa ang mga ito ay maaari nang ibenta o katayin
SISTEMANG PANGKALUSUGAN Pagbibigay ng angkop na pabahay
Palipat-lipat na pagsusuga kada tatlong araw
Regular na pagpupurga
Paggamit ng epektibong pamurga
SISTEMA NG PAGPAPAKAIN Pagpapakain nang nakakulong
(stall feeding) Pagbibigay ng mga suplemen-
tong pakain katulad ng darak, UMMB, dayami, copra meal, ng mga legumbre at ng mga damong may mataas na kalidad.