jesus christ, his person & mission
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
Welcome!Doctrine ClassSession No, 7
Mateo 16:13-17
“Kayo naman, ano ang sabi ninyo?
Sino ako?”
Jesu-Kristo: Misyon at Persona
Ika-Pitong Paksa
Sino si Jesus para sa inyo?
Ano ang larawan ni Jesus para sa iyo?
Ang iyong personal na pagkakilala kay Jesus ay malaking kinalaman
sa magiging uri ng pagtungon mo sa kanya.
Para sa akin…
•Si Jesus ang Mabuting Pastol
I. Paano natin dapat kilalanin si Jesus?
Sapat na ba ang mga imahen at larawan upang makilala ang
tunay na Jesus?
Sapat na ba ang magbasa ng pasyon at manood ng senakulo
upang makilala si Jesus?
Una:
• Isang panghabang-buhay na gawain ang kilalanin nang tunay si Jesukristo.
Ikalawa
•Ang pagkilala kay Jesus ay nangangahulugan ng pagpasok sa isang personal na relasyon sa kanya.
Ang nananampalataya ay nabubuhay kay Jesus at si Jesus ay nabubuhay
sa kanya.
Ayon kay San Pablo “Namatay na akong kasama ni
Kristo sa krus, At kung ako man ay buhay, hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin” (Galacia 2:19-20).
Ikatlo:
• Iisang Persona ang Makasaysayang Jesus at si Kristong Muling Nabuhay.
Ikapat:
• Ang pagkilala kay Jesus ay nangangahulugan ng pangakong sumunod sa Kanya bilang Kanyang alagad.
Walang katotohanang pagkilala kay Jesu-Kristo
kung hiwalay sa pagtatalaga ng sarili sa Kanyang mga turo
at pamamaraan ng buhay.
Ika-lima
•Kilalanin natin si Jesus mula sa Kanyang ginawa, ang kanyang mapagpalayang misyon.
II. Ang Paglilingkod ni
Jesus ng Kasaysayan.Bakit
“Jesus ng Kasaysayan?”
Una
• Isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak upang magbayad-puri sa ating mga kasalanan (1 Juan 4:10).
Ikalawa• Dumating si Jesus upang
ipahayag sa atin ang pagmamahal ng Diyos upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan Niya (Juan 3:16).
Ikatlo• Dumating si Jesus upang
maging halimbawa natin sa kabanalan.
Ika-apat• Dumating si Jesus upang
makibahagi tayo sa Kanyang pagiging Banal na Anak (2 Pedro 1:4).
A. Si Jesus
Bilang Propeta
Bokasyon ng Propeta
1. Ipahayag ang Salita ng Diyos nang may kapangyarihan
2. Gumawa ng kababalaghan na magiging palatandaan
3. Tanggapin ang anumang kahihinatnan, maging ito man ay kamatayan.
Ipahayag ang Salita• Nakatuon ang turo at pangaral ni
Jesus sa “Kaharian ng Diyos.” Ito ay isang buhay na simbolo ng aktibong pag-iral ng Diyos sa Kanyang bayan.• “Kaharian ng Diyos” –
“Eskatolohikal” = Narito na subalit hindi pa lubos.
Gumawa ng Kababalaghan
• Gumaganap si Jesus ng isang misterio ng pagpapagaling na siyang patuloy na tumatawag tungo sa personal na pananampalataya at pagiging alagad.
Sa lahat ng pagpapagaling na ginawa ni Jesus,
iisang ang kanyang mensahe: “Iniligtas ka ng iyong
pananalig, yumaon ka na at ipanatag ang iyong kalooban.”
B.Si Jesus Bilang Tagapagligtas o Manunubos
Mateo 1:21
• “Ang sanggol na ito ay pangalanan mong ‘Jesus,’ sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
“Jesus” ang kahulugan ay…
“Ang Diyos ay kaligtasan.”
(1) Pagliligtas Mula sa Malawakang Kasamaan
• “Ang sinumang nakipagkaisa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang” (2 Cor 5:17).
Subalit ang paglaban sa kasamaan
ay nagpapatuloy.
Ayon kay San Pedro
“Humanda kayo at magbantay. Ang diyablo ay parang leon na umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila. Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananalig sa Diyos” (1 Pedro 5:8-9).
(2) Pagliligtas Mula sa Pang-aaping
Socio-Political
Paano ba nagpapalaya si Jesus?
Una• Inilantad ni Jesus ang mapang-alipin,
nakapagpapasamang kapangyarihan ng kayamanan.• Ipinakita ni Jesus ang higit na mabuti
ang magbigay kaysa kumuha. • Ang pagbabahagi ay mas
nakapagpapalaya kaysa pagdaramot.
Ikalawa• Itinuro ni Jesus na anumang
kapangyarihan na hindi nakaugat sa pakikiramay ay mapang-alipin at mapaniil.
• “Sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat” (Mar 10:42-45).
• Pagmamahal lamang ang kapangyarihang magpapalaya.
Ikatlo• Pinalaya ni Jesus ang kanyang mga
alagad sa maling ugaling-panlipunan na pinararangalan ang mga pantas at mayaman subalit hinahamak naman ang mga banyaga, kababaihan at mga itinuturing na latak ng lipunan.
• Itinuro ni Jesus ang pagmamahal sa “mga maliliit” sa Kaharian (Mateo 18:10).
Ika-apat• Pinalaya ni Jesus ang mga Hudyo
mula sa kanilang panlabas na pagsunod sa relihiyon, na ayon lamang sa letra ng batas, at tinuruan sila na isaloob at isabuhay ang diwa ng batas.
(3) Pagliligtas Mula sa Kawalang-Kabuluhan ng Buhay
“Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman” (Juan 8:12).
Ang aral ni Jesus ay nagbibigay kahulugan
at layunin sa buhay, at pinapawi nito
ang kamangmangan at kawalang pag-asa.
III.Ang Persona
ni Jesus
Pinagtibay ng Banal na Kasulatan
ang tatlong katotohanan ni Jesus: bilang
totoong tao, totoong Diyos, at
iisang persona.
A.Si Jesus na
Ating Kapatid: Totoong Tao
Upang maging Tagapagligtas,
si Jesus ay naging isang ganap na tao,
maliban sa kasalanan.
Mula sa ating Kredo
•“Pinaglihi siya sa bisa ng Espiritu Santo at ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.”
“Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan”
(Gawa 4:4).
“Si Jesus ay umunlad sa karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao”
(Lukas 2:52).
Naranasan ni Jesus ang magutom, mauhaw, at tuksuhin ng diyablo, subalit hindi nagkasala.
Naranasan ni Jesus ang maghirap at mamatay sa krus.
B.Si Jesus,
Ating Panginoon, Bugtong na
Anak ng Diyos.
Si Jesus ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao.
Isinalang ni Santa Maria sa kapangyarihan ng
Espiritu Santo.
Saksi ang mga alagad na si Jesus ay
namatay sa krus,muling nabuhay at umakyat sa langit.
K.Si Jesus ay
Iisang Persona
Si Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao:
Diyos na totoo at Taong totoo.
Dalawang kalikasang hindi mapaghihiwalay sa iisang
persona ni Kristo.
IV.Maria, Ina ng Anak ng Diyos
A.Si Maria sa
Banal na Kasulatan
Sa Banal na Kasulatan, si Maria ay inihahambing
sa mga dakilang tao sa Matandang Tipan.
Si Maria ang Bagong Eba
Ang pagsuway ni Eba sa kalooban ng Diyos ay
nagbunga ng kamatayan, ang pagsunod ni Maria sa
kalooban ng Diyos ay nagbunga ng kaligtasan.
Ayon kay San Mateo, ang paglilihi ni
Birheng Maria kay Jesus (Mateo 1:23) ay katuparan
sa hula ni Propeta Isaias (Isaias 7:14).
Ayon kay Propeta Isaias• “Maglilihi ang isang
dalaga at manganganak ng isang lalaki at tatawagin itong ‘Emmanuel,’ ang kahulugan ay ‘Kasama natin ang Diyos’ (Isa 7:14).
May dalawang okasyon sa Banal na Kasulatan
na tinawag ni Jesus ang kanyang ina, si Maria,
bilang “Babae.”
Juan 2:4, “Babae, huwag mo akong pangunahan.”
Sa Paanan ng Krus ni Kristo
“Babae, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” (Juan 26-27).
Ito ay upang iugnay si Maria sa “Babae” na tinutukoy sa Genesis 3:15 na magsisilang
ng Tagapagligtas at magiging Tagapamagitan kaisa ng kanyang anak.
Si Maria ang Babae sa Genesis 3:15
“Ikaw at ang babae ay laging mag-aaway. Binhi mo at binhi niya ay laging maglalaban.”
Maria, Ina ng Iglesya
•Mula sa krus, inihabilin ni Jesus kay Maria ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Mula noon, si Maria ay itinuring na “Ina ng Iglesya.”
Maria, Ina ng Iglesia “Lagi silang
nagsasama-sama sa pananalangin, kasama ang mga babae at si Mariang ina ni Jesus” (Gawa 1:14).
(B)Si Maria sa
Doktrina-Katolika
Mga Dogma ng Simbahan
Maria, Ina ng Diyos
1. Maria, Ina ng Diyos
• Dahil sa dalawang kalikasan ni Kristo (Diyos at Tao) na hindi mapaghihiwalay, si Maria ay naging ina ni Jesus: tunay na Diyos at tunay na tao. Kaya si Maria ay naging “Ina ng Diyos” dahil kay Jesus. Subalit si Maria ay nanatili pa ring tao.
Ang Birheng Maria
2. Maria, Mahal na Birhen
• Ang “perpetual virginity” ni Maria ay hindi lamang kawalan ng sekswal na pakikipagtalik, kundi isang positibong pagpapahalaga ng ganap at personal niyang dangal sa paghahandog niya ng buong sarili sa Diyos.
Maria, Pinaglihing Walang Sala
3. Immaculada Concepcion• Sa Genesis 3:15, sinabi ng Diyos sa
diyablo: “Ikaw at ang babae ay laging mag-aaway, binhi mo at binhi niya ay laging maglalaban.” • Si Maria ang babaeng pinili na sa
simula pa ng panahon.
Ang babaeng tinutukoy ay hindi pwedeng maging si Eba,
sapagkat siya ay nahulog sa kapangyarihan ng diyablo.
Ang tinutukoy ay isang babaeng hindi magkakasala,
sapagkat iingatan siya ng Diyos na hindi mabahiran ng kasalanan
dahil siya ang magsisilang saAnak ng Diyos.
Maria, Iniakyat sa Langit, Katawan at Kaluluwa
4. Maluwalhating Pag-akyat sa Langit
• Dahil si Maria ay ipinaglihi at nabuhay na walang kasalanan hanggang kamatayan, siya na nabuhay sa pananampalataya, siya na unang tumanggap sa Tagapagligtas sa kanyang buhay, ay ginantimpalaan ng Diyos na hindi makaranas ng kamatayan at pagkabulok.
Maria, Tagapamagitan
… To Jesus, through Mary.
5. Tagapamagitan• Ang pamamagitan ni Maria
ay hindi nakababawas o nakadaragdag, sa anumang paraan, sa bukod tanging pamamagitan ni Kristo (1 Tim 2:5-6).
Si Maria, bilang tagapamagitan,
ay bilang pakikiisa lamang sa kanyang Anak
na si Jesus.
SEE YOU NEXT MONTH!