istilo sa pagkakasulat ng florante at laura

8
Istilong ginamit sa FLORANTE AT LAURA

Upload: denise-adrienne-espiritu

Post on 15-Jun-2015

3.084 views

Category:

Education


26 download

TRANSCRIPT

Page 1: Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

Istilong ginamit sa

FLORANTE AT LAURA

Page 2: Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay : 1. Maysukat-maytugmang taludturan (meter-rhyme verse), mapanuto (didactic),makatotohanan, masagisag, matalinghaga, madamdamin at lipos sa tayutay o anyong wika.

2. Isang awit, hindi kurido. Ang salaysayin noon sa Kurido ay batay sa mga pangyayari sa Pransya, Gresya, Italya, Espanya at iba pang bansa sa Europa. Samantalang ang kasaysayang binuhay sa Florante at Laura ay kathang isip lamang ni Balagtas bagaman ang tauhan at lunan ay paminsang inilalagay din sa ibang lupain ng Europa gaya ng Kahariang Albanya

3. Isang tulang klasiko ang Florante. Ang salitang klasiko ay katawagang unang Iginawad ni Aulus Gelilus noong ika-2 dantaon, P.K.

4. Ang Florante at Laura ay tulang salaysay na uring tula-sinta (metrical romance)Ang romansang metrikal ay may apat na salik/elemento:

Page 3: Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

A.Mga kabanatang tumutukoy sa mga pakikipagsapalaran na kadalasa’y bunsod ng pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan.

B. Ang mga pangunahing tauhan na karaniwa’y mga nabibilang sa angkan ng mga maharlika

C. Pagkakasalaysay na walang gaanong banghay

D. Mga pakikipagsapalaran na puspos ng mga hiwaga at kababalaghan

Page 4: Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

Mga Salik Kung Bakit Tinawag na Isa sa mga Obra Maestra ang Florante at Laura

1. Sagana sa tayutay o anyong wika ang akdang ito. Sa 399 na mga saknong nito, 372 ang may mga tayutay. May kabuuang 28 uri ng tayutay ang ginamit ni Balagtas sa tulang pasalaysay na ito.

2. Ito ang natatanging tula na naisulat sa Tagalog na naisalin sa iba’t ibang wika sa daigdig gaya ng Aleman, Pranses, Ingles at Kastila. May salin din nito sa dayalekto sa Pilipinas gaya ng Ilocano, Ibanag, Pangasinense, Kapampangan, at Sugbuanon

3. Ito ay pinuri ng iba’t ibang tanyag at magagaling na personalidad sa larangan ng literatura lengwahe

Page 5: Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

•Ayon kay Fray Toribio Minguella, isang dalubwika, ang Florante at Laura ang pinakamahusay na awit noong mga panahon nito.

•Ayon naman kay Mcyear na isang manunulat sa Ingles, lubhang nakatawag pansin sakanya ang matindi at maselang pamamanglaw ng mga kayumanggi na kanyang nadama sa tula.

•Sang ayon naman si George St. Clair na si Balagtas ay maihahanay sa mga dakilang makata tulad nila William Norris at Henry Wadsworth Longfellow.

Page 6: Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

Ayon kay Arturo Sebastian Cabuhat, Ed. D, ang Florante at Laura bilang awit ay sumusunod sa tatlong monomito ng banghay:

1. Ang unang bahagi ng awit ay tumatalakay sa kabataan ni Florante sa piling ng kanyang mga mapag-arugang magulang .

2. Nasa bahagi ng pakikipagsapalaran ang pag-aaral ni Florante sa Atenas kung saan Nakaranas sya ng iba’t ibang pagsubok at pakikipagtunggali sa kababayang si Adolfo.

3. Naging kasukdulan ang mga bahagi ng kasamaan ni Adolfo na nagsadlak kay Florante sa isang walang buhay na gubat..

Page 7: Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

Kung mapapansin, maraming salita sa akdang Florante at Laura ang hiniram sa mitolohiya ng mga Griyego at Romano. Narito ang ilan:

Aberno- Impiyerno para sa mga makata

Adarga- panangga

Apolo: Diyos ng araw

Atenas- (Athens)ang siyudad sa Gresya na sentro ng katapangan at karunungan

Aurora- Diyosa ng bukang-liwayway

Kupido- Diyos ng pag-ibig

Lira- Instrumento pangmusika

Nayadas- mga diyosa sa batis at ilog

Nimfas- mga diyosa ng kalikasan

Venus- diyosa ng pag-ibig at kagandahan

Page 8: Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

“Ang Florante at Laura ay isang likhang sining sa Wikang Tagalog na nakasapit sa taluktok Ng kabantugan at kadakilaan.”

- Dr. Jose Rizal

Maraming Salamat sa Pakikinig

Denise Adrienne C. EspirituIII-14 BSE Filipino