irf paptx4 u1l1

33
14 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito 1. Bakit itinuturing na isang agham ang ekonomiks? 2. Anu-ano ang mga pamamaraang siyentipiko na ginagamit sa pag-aaral ng agham-panlipunan? 3. Paano nauugnay ang ekonomiks sa ibang agham-panlipunan? Ang Ekonomiks at Iba pang Agham-panlipunan Aralin 1 1. agham isang pag-aaral gamit ang pamamaraang sistematiko upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka o katanungang kinakailangang tugunan 2. causation – isang pangyayari na siyang sanhi o dahilan ng isa pang pangyayari 3. controlled variable – alinmang tukoy na bagay na may iba’t ibang tiyak na halaga at nakokontrol; umaasa ito sa independent variable 4. correlation – pagkakaugnay ng mga pangyayaring hindi magkatulad 5. independent variable – alinmang tukoy na bagay na may halaga at malayang kumikilos 6. normatibong ekonomiks – pananaw na tumutugon sa tanong na “Ano ang dapat mangyari?” 7. pamamaraang siyentipiko – organisadong hakbang sa paglutas ng suliranin o pagtukoy sa katotohanan ng isang bagay, pangyayari, o penomena 8. positibong ekonomiks pananaw na tumutugon sa tanong na “Ano ang nangyayari?” 9. teorya – isang palagay o sistema ng mga ideyang nagpapaliwanag sa ilang bagay, lalo na at nakabatay ito sa pangkalahatang prinsipyo at hindi nakasalig sa mga partikular na bagay Kapag naririnig mo ang salitang “agham o siyensya,” ano kaagad ang pumapasok sa iyong isipan? Ang agham o siyensya ay isang pag-aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka (hypothesis) o katanungang kinakailangang matugunan. May iba’t ibang uri ng agham na pinag-aaralan ang tao. KABANATA 1 Mga Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

Upload: krissykist

Post on 29-Nov-2014

8.652 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

jhgvgyf

TRANSCRIPT

14 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

1. Bakit itinuturing na isang agham ang ekonomiks?

2. Anu-ano ang mga pamamaraang siyentipiko na ginagamit sa pag-aaral ng agham-panlipunan?

3. Paano nauugnay ang ekonomiks sa ibang agham-panlipunan?

Ang Ekonomiks at Iba pang Agham-panlipunanAralin 1

1. agham – isang pag-aaral gamit ang

pamamaraang sistematiko upang subukin

ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka o

katanungang kinakailangang tugunan

2. causation – isang pangyayari na siyang sanhi o

dahilan ng isa pang pangyayari

3. controlled variable – alinmang tukoy na bagay na

may iba’t ibang tiyak na halaga at nakokontrol;

umaasa ito sa independent variable

4. correlation – pagkakaugnay ng mga pangyayaring

hindi magkatulad

5. independent variable – alinmang tukoy na bagay

na may halaga at malayang kumikilos

6. normatibong ekonomiks – pananaw na

tumutugon sa tanong na “Ano ang dapat

mangyari?”

7. pamamaraang siyentipiko – organisadong

hakbang sa paglutas ng suliranin o pagtukoy

sa katotohanan ng isang bagay, pangyayari, o

penomena

8. positibong ekonomiks – pananaw na

tumutugon sa tanong na “Ano ang

nangyayari?”

9. teorya – isang palagay o sistema ng mga

ideyang nagpapaliwanag sa ilang bagay, lalo na

at nakabatay ito sa pangkalahatang prinsipyo

at hindi nakasalig sa mga partikular na bagay

Kapag naririnig mo ang salitang “agham o

siyensya,” ano kaagad ang pumapasok sa iyong

isipan?

Ang agham o siyensya ay isang pag-aaral gamit

ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang

katotohanan sa likod ng mga haka-haka (hypothesis)

o katanungang kinakailangang matugunan. May

iba’t ibang uri ng agham na pinag-aaralan ang tao.

KABANATA 1 Mga Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 15

Kabilang na rito ang natural sciences na tumutukoy

sa sistematikong paraan ng pag-aaral sa kalikasan

tulad ng biology, chemistry, at physics. Mayroon ding

tinatawag na exact science na tumutukoy naman sa

tugma at eksaktong pagtugon sa mga abstraktong

tanong, lalo na kung ang katanungan ay may

kinalaman sa pagbilang at pagtutuos.

Ang agham na nauukol sa pag-aaral ng tao

at lipunan ay tinatawag na agham-panlipunan.

Sa naunang dalawang uri ng agham (natural at

exact sciences), ang mga pagsubok ay ginagamitan

ng controlled at independent variables sa pag-e-

eksperimento upang makabuo ng mga batayang

kaisipan at makamit ang katotohanan. Sa agham-

panlipunan, hindi kailangan ng laboratoryo o

eksperimento upang makuha ang sagot sa bawat

tanong tungkol sa tao at lipunan. Sa halip,

nangangailangan ito ng siyentipikong pamamaraan

upang masusing masiyasat at masuri ang isang

teorya bago makabuo ng mahusay na paliwanag sa

mga pangyayari.

Ang Ekonomiks bilang Isang Agham

Kailangan ang pamamaraang siyentipiko

upang maunawaan ang pag-aaral ng ekonomiks.

Una, inaalam muna kung ano ang suliranin.

Pangalawa, isasagawa ang pagmamasid at

pananaliksik tungkol sa suliranin. Pangatlo, bubuo

ng mga pansamantalang haka-haka o hypothesis.

Pang-apat, magkakaroon ng mga masusing

pananaliksik, pagsisiyasat, pakikipanayam sa mga

eksperto, at iba pang katulad na gawain upang

makapangalap ng mga impormasyon na susubok

sa katotohanan ng binuong mga haka-haka.

Panlima, kapag nailahad na ang mga nakalap

na impormasyon, masusi itong pag-aaralan

upang makabuo naman ng mga kongklusyon at

pansamantalang kaisipan, konsepto, o teorya. Ang

mga teoryang pang-ekonomiko, na kaugnay sa mga

batas, prinsipyo, at modelo, ay isang paglalahat na

batayan para sa mga pag-uugaling pangkabuhayan

ng indibidwal o ng institusyon.

Kawawa naman yung mga bata. Bakit sila hinahayaan ng kanilang mga magulang na mamalimos? Halos lahat ng nakikita ko sa mga lansangan ay mga batang nagpapalimos. Talaga bang naghihirap na ang nakararaming Pilipino?

Sa tingin ko, ilan lamang silang mahihirap sa ating bansa. Upang malaman ang tinatayang dami ng mahihirap sa bansa, kailangan ang masusing pag-aaral, pananaliksik, at paggawa ng estadistika.

KABANATA 1 Mga Batayan ng Pag-aaral ng Ekonomiks

16 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Sa pag-aaral ng ekonomiks, hindi tinatanggap

ang mga sagot na walang matibay na batayan at

estadistika. Kailangang malinaw ring nailalahad

ang pagbubuo ng mga patakarang pangkabuhayan

para sa bansa. Kaugnay nito, may dalawang uri

ng pagtingin sa mga pangyayari sa ekonomiks na

isinasaalang-alang—ang positibong ekonomiks

at normatibong ekonomiks. May obhetibong

pananaw ang positibong ekonomiks samantalang

subhetibo naman ang normatibong ekonomiks.

Balikan ang usapan nina Kassy at Eko. Batay

sa mga nabanggit, mas siyentipiko ang pananaw

ni Eko dahil hindi niya nilalahat ang katayuan

ng bansa sa kung ano lamang ang nasaksihan o

namasid sa paligid niya. Bagkus ay naghahanap

pa siya ng sapat na katibayan at batayan upang

masabing nasa lugmok ng kahirapan ang bansa.

Ang mga sinambit ni Kassy ay mga halimbawa

naman ng pansariling opinyon o pananaw.

Sa isang banda, may mga hindi inaasahang

pasubali (pitfalls) sa kung paano tinitingnan ng

isang ekonomista o estudyante ng ekonomiks ang

mga pangyayaring pangkabuhayan upang maging

obhetibo ang kanilang kaisipan sa pagtugon sa mga

suliraning pang-ekonomiko. Isa sa mga pasubaling

ito ay maaaring nagmumula sa impormasyong

nabasa sa mga pahayagan o napakinggan sa ilang

personalidad. Maaaring ang kanilang sinabi

ay “ang pagpapataw ng dagdag na buwis ng

pamahalaan sa kita ng mga mamamayan ay pabigat

sa kabuhayan.” Dahil sa impormasyong nalaman

tungkol sa pangyayari, hindi nauunawaan ng mga

mamamayan na ang dagdag na buwis ay gagamitin

ng pamahalaan sa paglalaan ng pambansang

badyet para sa mga pangunahing programang

pangkabuhayan sa bansa.

Isa pa rin sa mga pasubali na nakaaapekto

sa pagtingin ng mga tao sa ekonomiks ay ang

pag-iisip na ang katotohanan tungkol sa isang

partikular na pangyayari lamang ay itinuturing

bilang pangkalahatang katotohanan o sa madaling

sabi, “Kung ano ang naranasan ng isang tao na

pinaniwalaan niyang totoo ay itinuturing agad

bilang katotohanang nararanasan na rin ng lahat.”

Hindi wasto ang kaisipang ito dahil hindi naman

ganap na nangyayari sa isang tao ang nangyayari sa

iba o sa isang pangkat sa kabuuan. Halimbawa, si

Juan ay nagtitinda ng fishball sa kanilang pamayanan

at malakas ang kanyang kita mula rito. Dahil dito,

nagtinda rin ang kanyang kapitbahay ng fishball sa

parehong lugar. Mula sa ibinigay na halimbawa,

masasabing inisip ng kapitbahay ni Juan na siya

ay kikita rin nang malaki mula sa pagtitinda ng

fishball dahil sa nakikita niyang nangyayari sa

pagtitinda ni Juan. Ngunit sa katotohanan, may

kompetisyon nang namamagitan sa dalawang

tindero ng fishball na nakaapekto sa kita nilang

dalawa. Ibig sabihin, maaaring hindi kumita nang

malaki ang kapitbahay ni Juan o maging si Juan ay

nabawasan na rin ng kita dahil dalawa silang nag-

aagawan ng mga mamimili.

Mayroon ding tinatawag na correlation at

causation na pananaw pang-ekonomiko. Ang

correlation ay ang pagkakaugnay ng mga pangyayari

na hindi magkakatulad, samantalang ang causation

ay ang pagpapakita ng dahilan o pinagmulan ng

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 17

isang pangyayari. Ang halimbawa ng correlation ay

kung umangat sa pamumuhay si Manggagawa A,

hindi nangangahulugang aangat din ang buhay

ni Manggagawa B. Hindi rin maaaring sabihin

na kaya umangat si Manggagawa B ay dahil

kay Manggagawa A. Ang halimbawa naman ng

causation ay kapag tumaas ang presyo ng langis sa

pandaigdigang merkado, ang mga produkto nito

tulad ng liquefied petroleum gas (LPG) at gasolina ay

magkakaroon din ng tiyak na pagtaas. Sa puntong

ito, mahalagang mapag-aralan ang ekonomiks

bilang isang agham upang maunawaan at malaman

ang correlation o causation ng mga pangyayari bago

bumuo ng isang matibay na batayang kaisipan.

Ang Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba pang Agham-Panlipunan

Ang ekonomiks ay nauugnay sa iba pang agham-

panlipunan. Ilan sa mga ito ay ang kasaysayan,

heograpiya, agham-pampulitika, sosyolohiya, at

etika at pilosopiya.

Bilang isang agham ng pag-aaral tungkol sa mga

pangyayari sa nakalipas, nauugnay ang ekonomiks

sa kasaysayan dahil pinag-aaralan din dito ang mga

gawaing pangkabuhayan ng tao simula pa noong

sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Sa heograpiya, pinag-aaralan ang kalagayan at

estruktura ng ibabaw ng daigdig at ang epekto nito

sa tao at kapaligiran. Sa ekonomiks, natatalakay

ang ilang batayang konsepto ng heograpiya dahil

binibigyang-pansin dito ang pinagmumulan ng

mga likas na yaman.

Sa pag-aaral ng ekonomiya at heograpiya, pinahahalagahan ang pinagmumulan ng mga produkto o likas na yaman. Tulad ng mga magsasaka sa larawan na buhat ang mga ikakalakal na produkto.

Samantala, mahalaga naman ang kaalaman

sa agham-pampulitika upang malaman kung

paano pinangangasiwaan ng pamahalaan ang

mga pinagkukunang-yaman nang sa gayon ay

matugunan nang maayos ang mga pangangailangan

ng mga mamamayan. Maaaring sa pag-aaral ng

agham-pampulitika, papasok ang mga batayang

kaisipang pang-ekonomiko tulad ng kakapusan at

populasyon.

Kaugnay rin ng ekonomiks ang sosyolohiya

na tungkol sa pag-aaral kung paano kumikilos

ang mga tao sa kanilang lipunan kaugnay ng

kanilang kinagisnang kultura. Pinag-aaralan din

dito ang ugnayan ng tao, institusyon, at estruktura

ng lipunang ginagalawan. Nakapaloob din dito

ang pag-aaral sa pag-uugali ng mga mamimili at

negosyante kung kaya ang agham ng sikolohiya ay

natatalakay rin sa pag-aaral ng ekonomiks.

18 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

May mga usaping pang-etika

at pampilosopiya rin na lumilitaw

sa pag-aaral ng ekonomiks kaugnay

sa nararapat na kalutasan sa mga

suliraning pangkabuhayan. Sa

bahaging ito ay nagiging mahalaga

ang mga kaisipan at paninindigang

pang-etika at pampilosopiya sa mga

isyung nakaaapekto sa kabuhayan.

Halimbawa ay ang isyu ng paglaki

ng populasyon na sinasabing may

malaking epekto sa kakulangan

ng pinagkukunang-yaman upang

matugunan ang mga pangangailangan

ng mga tao. Sa isyung ito,

pinagtatalunan sa paggamit ng mga

kontraseptibo laban sa isinusulong

na natural method ng Simbahan upang mapigilan

ang lumalaking bilang ng populasyon. Isa pa ring

solusyon upang matugunan ang pangangailangan

sa pagpapalaki ng produksyon sa pagkain ay

ang cloning kung saan maaaring magamit ang

teknolohiyang ito upang maparami ang mga

hayop at mapabuti ang mga binhi ng halaman.

Gayunman, ang cloning ay mahigpit na tinututulan

ng simbahan dahil ito ay pagtutulad na ng tao

sa kakayahan ng Poong Maylikha. Sa mga isyung

tulad ng kontraseptibo at cloning ay pumapasok

ang mga kaisipang pang-etika.

Bukod sa mga nauugnay sa agham-

panlipunan na nabanggit, maaari ring isama sa

pag-aaral ng ekonomiks ang natural sciences at

exact sciences tulad ng matematika at estadistika.

Ito ay dahil sa kailangan ng isang nag-aaral ng

ekonomiks ang kaalaman ukol sa pananaliksik,

pamamaraang siyentipiko, at maging sa pagtutuos

o aritmetika upang madali niyang maunawaan ang

pagkuha ng correlation ng mahahalagang datos o

impormasyon.

1. Bakit itinuturing na isang agham ang

ekonomiks?

2. Ipaliwanag ang ekonomiks bilang isang agham-

panlipunan.

3. Ano ang kaugnayan ng ekonomiks sa iba pang

agham?

4. Ilahad ang mga usaping pang-etika at

pampilosopiya na binanggit sa aralin.

Si Dolly ang unang hayop na nilikha sa tulong ng cloning, kasama ang maliit nitong tupa na si Bonnie.

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 19

1. Magpangkat-pangkat. Pumili ng isa sa dalawang

paksa sa ibaba. Magsaliksik ang bawat pangkat

tungkol sa napiling paksa. Gamiting gabay ang

mga natutuhang pamamaraang siyentipiko.

Pagkatapos, iulat ang ginawang pananaliksik

sa klase.

a. Lumalaking bilang ng Populasyon:

Implikasyon sa Pag-unlad ng Bansa

b. Mabuti at Di-mabuting Dulot sa Tao

ng mga Pagkaing may GMO (genetically

modified organism)

2. Magsagawa ng isang paglalarawan sa pag-

aaral ng ekonomiks kaugnay sa iba pang

agham-panlipunan sa pamamagitan ng concept

mapping. Gawin ito sa malinis na papel at

lagyan ng paliwanag. Pagkatapos, ibahagi sa

klase ang ginawang concept map.

3. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa paggamit

ng kontraseptibo ng mga tao. Sa iyong palagay,

dapat na bang hayaan ang mga tao, lalo na

ang kababaihan, na gumamit ng iba’t ibang

kontraseptibo? Pangatwiranan ang sagot sa

gagawing sanaysay. Gawin ito sa malinis na

papel at ibahagi sa klase pagkatapos.

Ang Ekonomiyang Pampulitika

Alam mo bang ang unang pag-aaral ng ekonomiks ay tinawag na ekonomiyang

pampulitika? Noong 1615 sa France, unang ginamit ang terminolohiyang ekonomiyang

pampulitika bilang isang pag-aaral ng ekonomiks sa aklat ni Antoine de Montchrétien na

Traité de l’economie politique. Pormal naman na pinasimulan ang pag-aaral ng ekonomiyang

pampulitika noong ika-18 siglo bilang isang pilosopiyang moral tungkol sa ekonomiya ng

mga estadong bansa. Sa panahong iyon, nagpahayag ng mga kaisipang pangkabuhayan

ang mga ekonomistang sina Francois Quesnay, Adam Smith, David Ricardo, at Karl Marx

upang bigyang-linaw at ipaliwanag ang kalagayang pangkabuhayan ng mga estadong

bansa.

20 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Samantala, nang maitatag ang University

of Vienna sa Austria noong 1763, dito unang

itinuro ang pag-aaral ng ekonomiyang

pampulitika. Si Joseph von Sonnenfels

ang itinuring naman na unang propesor ng

disiplinang ito.

Noong 1784, ginawang batayang aklat

ang akda ni Adam Smith na Wealth of Nations

na tumalakay sa ekonomiyang pampulitika

at ito ay ginamit sa College of William and

Mary sa America. Itinuro rin ang pag-aaral

ng ekonomiyang pampulitika sa Glasgow

University kung saan nagtuturo si Smith. Ang

kanilang departamento ng Logic and Moral

Philosophy ay napalitan ng Department of

Political Economy hanggang sa ito ay naging

Department of Economics.

Taong 1805 naman nang unang ituro ni Thomas Malthus ang pag-aaral ng ekonomiyang

pampulitika sa England.

Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, ang ekonomiyang pampulitika ay naging Ekonomiks

(Economics) na may kinalaman sa pag-aaral ng mga estruktura ng bansa, produksyon,

pagkonsumo ng mga tao, at mga batayang kaisipan na may kaugnayan sa agham at

matematika.

Joseph von Sonnenfels

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 21

Mahalagang Konsepto sa EkonomiksAralin 2

1. alokasyon – ang paraan ng pangangasiwa at

pamamahagi ng mga produkto at serbisyo

upang makamit ang kasiyahan sa limitadong

pinagkukunang-yaman

2. kagustuhan – ang kailangan ng tao na

maituturing na luho at maaaring ipagpaliban

3. konsyumer – mamimili o kumukonsumo ng

mga produkto at serbisyo

4. makroekonomiks – isang sangay ng ekonomiks

na tumutukoy sa galaw ng kabuuang

ekonomiya at mga kaugnay na pangkalahatang

gawain, pag-uugaling pang-ekonomiko ng

sambahayan, at pag-aaral ng panlipunang

pagpapasya

5. maykroekonomiks – isang sangay ng

ekonomiks na tumutukoy sa galaw ng maliliit

na bahagi o yunit ng kabuhayan at may

kaugnayan sa pag-aaral ng indibidwal na

pagpili

1. Anu-ano ang mahahalagang konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks?

2. Bakit kailangang maunawaan ang mahahalagang konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks?

3. Paano nailalapat ang mahahalagang konsepto ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng

mga tao?

6. pangangailangan – mga bagay o serbisyo na

kailangan ng tao upang mabuhay

7. sistemang pangkabuhayan – pamamaraan ng

pagtugon ng pamahalaan sa tatlong batayang

katanungan: (1) Ano ang gagawin? (2) Paano

isasagawa? at (3) Para kanino ang gagawing

produkto at serbisyo?

Bawat tao ay nahaharap sa mga suliraning

pang-ekonomiko na nangangailangan ng

matalinong pagpapasya. Isang suliranin ng

pangunahing batayan nang walang hanggang

pangangailangan ng tao ay ang kakapusan nito

sa mga limitadong pinagkukunang-yaman. Hindi

lamang salapi at mga materyal na pangangailangan

ang naglilimita sa tao upang matugunan ang

kanyang pangangailangan, kundi kasama na ang

panahon. Halimbawa, sa mga paghahanda sa isang

mahabang pagsusulit ay hindi maaaring pagsabayin

ang matematika at physics sa isang pag-aaral lamang.

Isabay rin dito ang pagsusumite ng mga proyektong

itinakda sa isang araw. Ang mga gawaing nabanggit

ay maaaring magdulot ng kakapusan sa panahon.

Kung kaya nararapat na magkaroon ng masusing

pagtitimbang ng mga gawain o bagay ayon sa

halaga ng pag-aaral.

22 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Upang makamit nang maayos ang isang

bagay na hinahangad, kailangang marunong ang

tao ng wastong pagbabadyet ng kanyang salapi at

panahon. Dapat na naisasaalang-alang nang mabuti

kung alin ang prayoridad o uunahing gawain.

May ilang bagay rin na dapat ipinagpapaliban o

isinasakripisyo upang mapunuan ang kagustuhan.

May dalawang mahalagang konsepto sa

pag-aaral ng ekonomiks. Ang mga ito ay (1) ang

walang hanggang pangangailangang materyal ng

tao, lipunan, at institusyon at (2) limitado o may

hangganan ang pinagkukunang-yaman. Kailangang

maunawaan nang mabuti ang dalawang konseptong

ito, tuwiran man o hindi, dahil nakasalalay sa mga

ito ang pag-unawa sa mga susunod na pag-aaral ng

ekonomiks.

Walang Hanggang Pangangailangang Materyal ng Tao at Lipunan

Hindi tumitigil sa pagkakamit ng

pangangailangang materyal ang tao sapagkat

patuloy siyang nabubuhay sa mundo. Mula

pa noong unang panahong natuto ang tao na

maglakad, wala na siyang ibang hinangad kundi

ang matugunan ang kanyang mga pangangailangan

para mabuhay. Sa paglipas ng panahon, ang bawat

pagtugon sa mga pangangailangan ay naging

masalimuot dahil lumilikha muli ang tao ng

panibagong pangangailangan.

May dalawang uri ng pangangailangan

ang tao upang mabuhay—ang pangunahin at

sekundaryang pangangailangan. Kabilang sa mga

Eko, mayroon kaming panonooring concert sa Huwebes ng gabi. Ang tiket sa concert ay nagkakahalaga ng P50. Mayroon lamang akong natitirang P60 sa aking allowance para sa pagpasok ko sa Biyernes. Ano ang dapat kong gawin?

Alin ba ang higit na mahalaga para sa iyo, ang manood ng concert o ang pagpasok sa paaralan?

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 23

pangunahing pangangailangan ng tao ay ang

pagkain, tirahan, at damit. Kabilang naman sa

mga sekundaryang pangangailangan ng tao ay ang

mga lumitaw na kaugnay ng mga pangunahing

pangangailangan tulad ng mabuting kalusugan,

edukasyon, at seguridad sa pamumuhay.

Samantala, may mga kailangan naman ang

tao na maituturing na kagustuhan tulad ng mga

alahas o palamuti sa katawan, computer, at compact

disc player. Subalit, maaari ring sabihin na ang mga

kagustuhan ng tao ay maituturing naman ng iba na

pangangailangan. Maaari ring ang mga kagustuhan

noon ay mga pangangailangan na ngayon.

Halimbawa, ang paggamit ng cellphone at Internet

ay mga kagustuhan lamang ng tao sa simula nang

mauso ang mga ito subalit ang mga ito ngayon ay

itinuturing na ring mga pangangailangan.

May mga paglilingkod din na tumutugon

sa tuwirang pangangailangan ng tao tulad ng

pagpapagupit ng buhok, paglilinis ng mga kuko,

pagkonsulta sa doktor, paghingi ng legal na payo sa

abogado, pagsakay sa mga pampublikong sasakyan,

at panonood ng mga concert at pelikula. Samantala,

ang ibang paglilingkod naman ay maituturing

na luho tulad ng pagpunta sa mga spa, pagpapa-

cosmetic surgery, at pagkuha ng personal trainor sa

pag-eehersisyo.

May mga pangangailangang materyal din ang

mga institusyong panlipunan tulad ng pamahalaan,

paaralan, at simbahan. Ang paglilinang ng mga

pasilidad at mga programang pang-akademiko

sa mga paaralan, tulad ng mga audio-visual room,

laboratoryo, silid-aklatan, at e-learning facilities,

at maging ang faculty development program para sa

mga guro ay sumasalamin sa mga pangangailangan

ng mga estudyante. Samantala, ang pagpapatayo

at pagmimintina ng mga estruktura sa lipunan

ay nangangailangan ng maayos na pagtugon sa

paglilingkod.

Samantala, maaaring ang walang hanggang

pangangailangan ng tao at lipunan, sa maikling

panahon, ay nagkakaiba dahil nga sa patuloy ang tao

sa paghahangad ng mga dagdag na pangangailangan.

Ang halimbawa nito ay ang paghahangad ng tao

ng mga makabagong teknolohiya dulot ng mga

mapang-akit na promosyon at patalastas ng mga

prodyuser. Kabilang dito ang mga bagay na MP3

o MP4 player, cellphone, e-pad o e-notebook, at mga

makabagong paraan ng panggagamot tulad ng

interactive image-guided surgeries kung saan kita ng

mga siruhano ang malinaw na 3D image ng iba’t

ibang bahagi ng katawan ng pasyente.

Kung mapapansin, tila walang katapusan

ang paglitaw at pagdami ng mga kagustuhan ng

tao na maaaring maging pangangailangan na sa

hinaharap. Kaya naman ang lahat ng gawaing

pang-ekonomiko ay umiikot sa pagtugon sa mga

walang hanggang pangangailangang materyal ng

tao at lipunan.

Ang Kakapusan at ang KakulanganNang dahil sa lumalaking bilang ng

populasyon at tumataas na bilang ng demand

sa mga pinagkukunang-yaman, nagkakaroon ng

kakapusan sa mga yaman. Ang kakapusan ay

24 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

isang kalagayan at suliraning

dulot ng walang hanggang

pangangailangan at kagustuhan

ng tao sa kabila ng limitadong

p i n a g k u k u n a n g - y a m a n .

Nagdudulot ang kakapusan ng

kahirapan, lalo na ng kagutuman

kung hindi matugunan.

Mahalaga ang wastong

pangangasiwa sa mga

pinagkukunang-yaman sa bansa

upang matugunan ang mga

pangangailangan ng mga tao.

Subalit maaaring magkaroon

ng kakapusan sa yaman dahil

sa laki at dami ng demand

ng mga tao sa kanilang mga

pangangailangan. Maaaring ituring na bahagi

ng kakulangan ang kakapusan sapagkat ang

huli’y nauuwi sa pagkaubos. Samantala, ang

kakulangan ay isang kalagayan naman na maaari

pang mapunan. Halimbawa, sa mga lupaing may

kakulangan sa mga pinagkukunang-yaman tulad

ng Japan at Saudi Arabia, ang mga pamahalaan

nila ay gumagawa ng mga paraan upang

matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang

bansa. Isinasagawa nila ito sa pamamagitan

ng pakikipagkalakalan o sa paglikha ng mga

teknolohiya na makatutulong sa paglinang ng

mga kinakailangang produkto o serbisyo. Ang

kakulangan naman sa suplay ng bigas dulot ng

kalamidad, halimbawa, ay maaaring solosyunan

sa pamamagitan ng pag-aangkat mula sa ibang

lupain o bansa.

Dahil limitado lamang ang mga

pinagkukunang-yaman, kinakailangan ng

isang bansa na gumawa ng mga pagpapasya na

makatutugon sa dumaraming pangangailangan

ng mga mamamayan nito. Ang natutuhang

mahahalagang konsepto o kaisipan sa ekonomikong

pagpili at halaga kapalit ng ginawang pagpili ay

tumutukoy rin sa ekonomikong pagpapasya ng

isang pamahalaan. Kaya kailangan ng pamahalaan

ng pagpaprayoridad at pagsasakripisyo upang

matugunan ang pangangailangan ng nakararami

sa lipunan.

Alokasyon ng mga Pinagkukunang-yaman

Tinatawag na alokasyon ang wastong

pangangasiwa at pamamahagi ng mga

pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga

Sa Jubail Desalination Plant ng Saudi Arabia, ang tubig-dagat ay idinadaan sa prosesong desalinasyon o pagtanggal ng alat. Kasabay ng desalinasyon ang paglikha ng enerhiyang pang-elektrisidad para sa malalapit na pamayanan.

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 25

pangangailangan ng tao at lipunan. Dahil limitado

lamang ang pinagkukunang-yaman, mahalagang

malinang nang husto ang anumang limitadong

mapagkukunan nito nang sa gayon ay makamit

ang lubos na kasiyahan o utilidad mula rito.

May dalawang uri ng pagpili sa lipunan upang

higit na maunawaan ang konsepto ng alokasyon.

Ito ay ang indibidwal na pagpili at ang panlipunang

pagpili.

Sa indibidwal na pagpili, nakatutulong

ang kaalaman sa maykroekonomiks upang

makapaglapat ng wastong alokasyon ang tao sa

panahon at pananalapi sa pang-araw-araw na

pamumuhay. Ibig sabihin, ang indibidwal na

pagpili sa maykroekonomiks ay tumutukoy sa

pagsusuri ng ginagawang pagpapasya ng indibidwal

o isang tao at kumpanya o industriya. Kung mataas

ang halaga ng mga produkto, kailangang magpasya

ang tao ng kanyang bibilhin. Ikokonsidera niya

kung ito’y pangangailangan o kagustuhan lamang.

Kung limitado naman ang kanyang salapi,

kailangan niyang magbadyet upang maiwasan

ang kakapusan. At kung mataas naman ang halaga

ng produksyon, ang isang industriya o kumpanya

ay kailangang magpasya sa kung ano ang

kailangan at hindi kailangan upang makatugon sa

pangangailangan ng panahon.

Samantala, ang panlipunang pagpili naman ay

ang pagpapasyang tumutugon sa pangangailangan

ng lipunan. Sa bahaging ito, nakatutulong ang

pag-aaral ng makroekonomiks. Ang halimbawa

nito ay kung paano tutugunan ng pamahalaan

ang mga suliranin ng bansa tulad ng implasyon,

kawalan ng trabaho, at pagkukunan ng pondo.

Samakatuwid, kailangang suriin at pag-aralan

nang mabuti ng pamahalaan ang gagawing pagpili

batay sa alokasyon sa pinagkukunang-yaman bago

magsagawa ng isang pasya.

Upang maging episyente at epektibo sa

pangangasiwa ng alokasyon sa pinagkukunang-

yaman, narito ang mga sumusunod na gabay na

tanong:

1. Ano ang gagawin o lilikhaing produkto at

serbisyo?

2. Paano isasagawa ang produkto at serbisyo?

3. Para kanino ang gagawing produkto at

serbisyo?

Upang matugunan ang tatlong nabanggit

na katanungan, kailangan ang pagpapasyang

nagmumula sa indibidwal at panlipunang pagpili.

Dapat na tumugon dito ang mga salik ng sistemang

pangkabuhayan: tradisyunal na ekonomiya,

ekonomiyang pampamilihan, pinag-uutos na

ekonomiya, at pinaghalong ekonomiya.

Ang katugunan sa tatlong katanungan sa

isang tradisyunal na ekonomiya ay nakasalalay

sa kaugalian ng mamamayan at pamahalaan. Sa

ekonomiyang pampamilihan, ang pagtugon sa

tatlong katanungan ay kalimitang nakabatay sa

pagpapasyang indibidwal. Samantala, sa pinag-

uutos na ekonomiya, ang pagpapasya ay nakasalalay

lamang sa pamahalaan. Ang pinaghalong

ekonomiya ay kombinasyon ng ekonomiyang

pampamilihan na may pagpapasyang nagmumula

sa pamahalaan. (Tingnan ang talahanayan sa

susunod na pahina.)

26 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Sa unang tanong, kailangan ng pamahalaan

na magpasya kung alin ang higit na bibigyang-

pansin o prayoridad sa mga pangangailangan ng

mga tao at lipunan. Kung limitado naman ang

pinansyal na pinagkukunang-yaman, dapat na

may isakripisyong pangangailangan ng mga tao

at lipunan. Upang matustusan ng pamahalaan

ang kabuuang kailangan ng tao at lipunan,

dapat na maingat na paghandaan ang ilalabas na

pambansang badyet.

Sa ikalawang tanong, makatutulong ang

lakas paggawa dahil sila ang lumilinang ng mga

pinagkukunang-yaman ng bansa. Makatutulong

din ang paggamit ng teknolohiya sa paglinang at

pagpaparami ng produksyon.

Sa ikatlong tanong, ang paglikha ng mga

produkto at kailangang serbisyo ay ilalaan para sa

pag-angat ng kabuhayan ng mga mamamayan at

lipunan. Kung kaya mahalaga ang pagtutulungan

ng pamahalaan at mamamayan upang magkaroon

ng katuparan ang mabuting pagpili sa kalagayang

pang-ekonomiko ng bansa. Sa bawat pagpili,

kailangang suriin ng pamahalaan ang opportunity

cost at opportunity benefit sa gagawing pagpili.

1. Bakit walang hanggan ang pangangailangang

materyal ng tao at lipunan?

2. Bakit nagkakaroon ng kakapusan o limitasyon

sa mga pinagkukunang-yaman ang tao at

lipunan?

Talahanayan 1 Mga Batayang Katanungan at Sistemang Pangkabuhayan

Mga TanongTradisyunal

na Ekonomiya

Ekonomiyang Pampamilihan

Pinag-uutos na

Ekonomiya

Pinaghalong Ekonomiya

1. Ano ang gagawin o lilikhaing produkto at serbisyo?

2. Paano isasagawa ang produkto at serbisyo?

3. Para kanino ang gagawing produkto at serbisyo?

kaugalian pagpapasyang indibidwal

pamahalaan ang nagpapasya

kombinasyon ng ekonomiyang pampamilihan na may pagpapasyang nagmumula sa pamahalaan

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 27

Bala o Buhay

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang

Pandaigdig, nagkaroon ng Cold War sa pagitan

ng America at Soviet Union dulot ng magkaibang

ideolohiyang ipinaglalaban. Ang America ay

kumakatawan at namumuno sa mga bansang

demokratiko, samantalang ang Soviet Union

naman ay sa mga bansang komunista.

Sinikap na pag-ibayuhin ng America ang

paggawa ng mga makabagong armas. Tinapatan

naman ito ng Soviet Union sa pamamagitan ng

3. Paano natutugunan ng tao ang kanyang mga

pangangailangan kung may kakapusan o

limitasyon sa pagkukunang-yaman nito?

4. Paano natutugunan ng pamahalaan ang

pangangailangan ng lipunan kung may

kakapusan o limitasyon sa pinagkukunang-

yaman ng bansa?

1. Bumuo ng tatlong pangkat. Sasagutin ng

bawat pangkat ang nakaatas na tanong sa

ibaba. Magbibigay ang bawat pangkat ng mga

halimbawa at maaaring lagyan ng nararapat

na larawan o representasyon. Pagkatapos,

maghanda ng pag-uulat sa klase.

Pangkat 1 — Ano ang gagawing produkto at

serbisyo?

Pangkat 2 — Paano gagawin ang produkto at

serbisyo?

Pangkat 3 — Para kanino ang gagawing

produkto at serbisyo?

2. Humanap ng kapareha. Magtulungan sa

paghahanap ng limang mahalagang kaisipan

o konsepto mula sa tinalakay na aralin. Isulat

ang mga nahanap na kaisipan sa cartolina na

may pagpapakahulugan. Pagkatapos, ipaskil sa

harap ng klase at talakayin.

3. Gumawa ng sariling konsepto ng tungkol sa

walang hanggang pangangailangang materyal

ng tao at lipunan sa pamamagitan ng poster.

Gawin ang poster sa Oslo paper. Pagkatapos,

ipakita ito sa klase sa isang mini eksibit.

Ang mga makabagong armas ang naging pangunahing bentahe sa Cold War.

28 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

pananaliksik at pagsasagawa

ng mga makabagong armas.

Bunsod nito, nagkaroon ng

paligsahan ukol sa pagpaparami

at pagpapalakas ng kanilang mga

armas. Ang naging kapalit nito ay

ang kalagayang pangkabuhayan

ng bawat bansa.

Nang ianunsyo ng

pangasiwaan ni Ronald Reagan

ng America noong 1980 ang

paglikha nila ng Star Wars,

isang programang progresibo

at masalimuot na sistemang

pandepensa, pinag-ibayo naman

ng Soviet Union ang pagsasagawa

ng mga kagamitang militar sa halip na paglikha ng mga kalakal na kailangan ng mga tao sa

pang-araw-araw na pamumuhay. Dahil dito, unti-unting bumaba ang bilang ng mga kalakal

at serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng mga Sobyet. Dahil sa pagbaba ng antas ng

pamumuhay sa Soviet Union, nagsagawa ng mga protesta ang mga mamamayan nito upang

alisin at baguhin ang kanilang pamahalaang komunista at ang sistemang pang-ekonomiya

ng kanilang bansa.

Pinalakas ng America ang paggawa ng mga makabagongarmas nito.

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 29

1. basalyo – isang taong naninilbihan sa

panginoong maylupa

2. datu – pinuno ng isang tribu o barangay

3. sistemang encomienda – pinangangasiwaan

ng mga encomendero ang mga lupain;

nangongolekta ng buwis sa pamamagitan ng

tributo mula sa mga sakop; ipinatutupad ang

mga patakarang nagmumula sa hari ng Spain

4. sistemang hacienda – pangangasiwa sa mga

lupain na ang layunin ay ang pagtatanim ng

mga produktong panluwas lamang

5. maharlika – nabibilang sa mataas na angkan

6. pyudalismo – sistemang nakabatay sa ugnayan

ng panginoong maylupa at kasama

7. reduccion – pinag-iisa ang magkakahiwalay

at magkakalayong pamayanan upang

makapagtatag ng isang bayan (pueblo) at

pamamahalaan ng mga Espanyol, samantalang

pinaghihiwalay naman ang mga magkakamag-

anak sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga

ito sa ibang lupain

8. timawa – pangkaraniwang mamamayan na

malaya at maaaring magmay-ari ng lupa

9. Torrens Title – isang sistema ng pagtititulo

ng lupa na naggagarantiya ng pagmamay-

ari nito; unang lumitaw ang sistemang ito

sa Timog Australia noong 1858 at isinagawa

ni Sir Robert Torrens na nang lumaon ay

lumaganap sa buong mundo

Tulad ng ibang kasaysayan, dumanas ang

Pilipinas ng maraming pagsubok ngunit makulay

na kalagayang pangkabuhayan sa iba’t ibang

panahon. Tunghayan ang mga pagbabagong

naganap sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa

mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Sinaunang LipunanAng ating mga ninuno ay nabubuhay noon

sa pamamagitan ng pangangalap ng mga butil

at bungangkahoy sa gubat. Kalaunan, natuto

ang ating mga ninuno na mangaso at mangisda.

Natutuhan din nilang magtanim ng mga halamang

namumunga at mag-alaga ng mga hayop sa kanilang

kapaligiran. Sa mga bagay na ito nila kinukuha

ang kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-

araw na pamumuhay. Dito sinimulan ng ating

1. Ano ang kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa iba’t ibang panahon?

2. Paano nakaaapekto ang kalagayang pisikal ng bansa sa kalagayang pang-ekonomiya nito?

3. Bakit nananatiling agrikultural ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa?

Kalagayang Pang-ekonomiya ng Pilipinas sa Iba’t Ibang PanahonAralin 3

30 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Alam mo ba, Eko, na dumaan sa iba’t ibang panahon ang ating ekonomiya?

mga ninuno ang pagbuo ng mga pamayanan sa

kapuluan.

Lipunang BarangayAng pamayanang binuo ng ating mga ninuno

na dumating sa kapuluan lulan ng balangay ay

tinatawag na lipunang barangay. Binubuo ito ng

30 hanggang 100 katao at pinamumunuan ng

isang datu. Nagtayo rin sila ng mga pamayanan sa

tabi ng mga ilog o dagat.

Noong ika-15 siglo, dumating sa kapuluan

ang mga Kanluranin at namasid ng mga ito

ang lipunang barangay. Inihalintulad ng mga

Kanluranin ang lipunang barangay sa sistemang

pyudal na kanilang naranasan sa Europe. Sa

sistemang pyudal, nakabatay ang estruktura ng

lipunan sa ugnayan ng panginoong maylupa at ng

kanyang basalyo.

Sa paglalarawan ng mga Kanluranin sa

lipunang barangay, ang datu ang may hawak ng

pinakamataas na kapangyarihan, sinusundan

ito ng maharlika, at timawa. Ang datu ay hindi

lamang pinaniniwalaang nagmamay-ari ng

kanilang sakop na lupain, kundi isang pinunong

pinagkakatiwalaan ng barangay. Ang datu rin ang

nangangasiwa sa kanilang kabuhayan.

Ang pinakamababang antas naman sa

lipunang barangay noon ay ang mga alipin. Ang

mga alipin ay mauuri sa dalawa—ang aliping

namamahay at aliping saguiguilid. Naglilingkod

ang mga aliping namamahay sa nakatataas sa

lipunan ngunit maaari silang magkaroon ng sariling

tirahan. Samantala, ang mga aliping saguiguilid

naman ay naglilingkod sa kanilang panginoong

maylupa ngunit wala silang karapatang magkaroon

ng sariling tirahan. Ang pagbibigay ng kalayaan sa

kanila ay nakabatay sa kagustuhan ng kanilang

panginoong maylupa. Ang mga nagiging alipin ay

yaong mga taong natalo o nabihag sa digmaan ng

mga tribu. Maaari ring ipinanganak na silang alipin

dahil sa pagiging alipin ng kanilang magulang.

Maaari ring maging alipin ang isang tao kung siya

ay naparusahan dahil sa nagawang krimen o hindi

pagbayad ng utang.

Sa paglipas ng panahon, lumawak ang mga

pamayanan dahil sa paglaki ng populasyon kaya

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 31

kinailangang kumilala ng makapangyarihang

pinuno na gagabay sa bawat barangay. Magkakalayo

ang mga barangay noon dulot ng kalagayang

pisikal ng kapaligiran subalit nakapag-uugnayan

pa rin ang mga katutubo. May iba’t ibang tawag

sa mga barangay noon tulad ng Sa-Ilud (malapit

sa bukana ng mga ilog) at Sa-raya o Ilaya (nasa

gawing itaas ng bundok at looban ng ilog o look).

Samantala, barter naman ang sistema o paraan ng

pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno sa bawat

barangay.

Nakipagkalakalan din ang ating mga ninuno

sa mga dayuhang Asyano na dumating sa kapuluan

tulad ng mga Arabe, Tsino, at Hapones. Ang

pakikipagkalakalan ay kadalasang nangyayari sa

mga pamayanang malapit sa bukana ng ilog o

look.

Panahon ng mga PananakopPanahon ng mga Espanyol (1570–1898)

Nang dumating ang mga mananakop na

Espanyol sa Pilipinas, sinikap nilang alisin ang

katapatan ng ating mga ninuno sa kanilang pinuno

sa pamamagitan ng patakarang divide and conquer.

Umiral sa panahong ito ang sistemang reduccion

kung saan pinaghihiwalay ng mga Espanyol ang

magkakamag-anak sa pamamagitan ng pagpapadala

sa mga ito sa ibang lupain. Lumaganap din sa

panahong ito ang taggutom at pangangamkam ng

mga Espanyol sa lupain ng mga katutubo.

Isinailalim ng pamahalaan ng Spain sa

sistemang encomienda ang mga nasakop na lupain

ng ating mga ninuno. Ang mga lupaing ito ay

pinangasiwaan ng mga encomendero. Sa panahong

ito, sapilitang pinagtrabaho ang mga ninuno. Ang

mga nakukuhang produkto o kalakal ay dinadala

sa Spain. Sapilitan ding pinagbabayad ang ating

mga ninuno ng buwis o tributo.

Napalitan ang encomienda ng sistemang

hacienda dahil sa mga pang-aabusong ginawa ng

mga encomendero sa mga katutubo. Nalipat sa

mga lalawigan ang pangangasiwa ng mga lupaing

agrikultural kung saan ipinatupad ang sistemang

ito. Layon dito ng Spain na makabawi sa paghina

ng kanilang kabuhayan.

Sa sistemang hacienda, naabuso rin ang

kalagayan ng ating mga ninuno. Hindi sila

nakakain nang maayos at kalupitan din lamang

ang kanilang naranasan sa mga Espanyol. Sa

halip na palay ang itinatanim sa mga lupaing

agrikultural ng mga katutubo, mga produktong

tulad ng tabako, niyog, at tubo ang ipinalit ng mga

Espanyol. Ang mga produktong ito ay gagamitin

ng mga Espanyol para sa pandaigdigang kalakalan

upang sila ay kumita. Bawat sakop na lalawigan

ay tinakdaan sa kung anong uri ng produktong

panluwas ang kailangang itanim.

Samantala, nagkaroon ng Kalakalang Galyon

sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa Mexico. Ang

kalakalang ito ay monopolyo ng mga Espanyol

na naging daan upang magkaroon ang kanilang

bansa ng dagdag na yaman. Subalit, nalugi ang

kalakalang ito dulot ng mga digmaang nilahukan

ng mga Espanyol na naging sanhi rin ng paghina

ng kanilang bansa.

32 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Panahon ng mga Amerikano (1898–1946)

Bago pa man sakupin ng mga Amerikano ang

Pilipinas, may mga kumpanya na silang naitatag sa

bansa. Ito ay upang pangasiwaan ng mga Amerikano

ang iba’t ibang kabuhayan ng mga katutubong

Pilipino. Sa pamamagitan ng Homestead Act ng

1924, naging lehitimo ang pagkamkam ng mga

Amerikano sa mga lupain ng mga katutubong

Pilipino. Ang batas ding ito ang nagbigay-daan

upang mapadali ang transaksyon ng paglilipat ng

pangalan ng mga Espanyol sa mga titulo ng lupa

na pag-aari ng mga katutubo. Tinawag ang paraang

ito na Torrens Title. Dahil dito, hindi naibalik sa

mga katutubo ang mga nakamkam na lupain sa

kanila.

Isang halimbawa ng Torrens Title

Naging malaya rin ang mga Amerikano sa

pagpapasok ng kanilang mga kalakal o produkto

sa bansa. Dahil dito, tumindi ang pagkiling

ng mga Pilipino sa mga produktong imported

kaya hindi nila napaunlad ang mga lokal na

produkto. Lumawig pa ang ganitong pangyayari

nang maisabatas ang Payne-Aldrich Act ng 1909.

Dahil nais ng mga Amerikano na pangasiwaan

ang mga pinagkukunang-yaman ng mga Pilipino,

ipinagtibay ang parity rights. Sa pamamagitan nito,

nagkaroon noon ng pantay na karapatan ang mga

Pilipino at Amerikano sa paglinang at pagmamay-

ari ng mga likas na yaman ng bansa.

Bagama’t sa panahong ito ay nalinang

ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa at

nagkaroon ng mga pagbabagong pangkabuhayan

na mababakas sa mga naipatayong imprastruktura,

telekomunikasyon, at transportasyon, ang lahat ng

Isang galyon na ginamit ng mga Espanyol sa kalakalan

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 33

ito ay naisakatuparan hindi para sa kapakanan ng

mga Pilipino, kundi sa kapakinabangan lamang ng

mga Amerikano.

Panahon ng mga Hapones (1941–1945)

Sa maikling panahon ng pananakop ng

mga Hapones sa Pilipinas, dulot ng naganap na

Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may dalawang

magkatunggaling pananaw ang lumitaw kaugnay

sa pangangasiwa ng kabuhayan sa bansa. Una,

pinaigting ng mga Hapones ang pagiging

makabayan ng mga Pilipino. Ang lahat ng may

kinalaman sa Amerikano ay inalis at pinatindi

ang pagtangkilik sa mga produktong lokal ng

mga Pilipino. Pangalawa, higit na pinagtuunan ng

panahon ng mga Hapones ang paggawa ng mga

armas para sa kanilang pakikidigma, sa halip na

isipin ang pagpapalaki ng produksyon ng pagkain.

Panahon ng Paglaya (1946–kasalukuyan)

Nang matapos ang Ikalawang Digmaang

Pandaigdig, tuluyang nahumaling ang mga Pilipino

sa mga produktong gawa sa America. Higit na

tinangkilik ang mga produktong stateside kaysa sa

mga lokal na produkto. Noong 1953, dumanas ang

Pilipinas ng malaking kakulangan sa balanse ng

mga bayarin. Ang kakulangang ito ay kailangang

mapunan upang makabawi sa kalagayang

pangkabuhayan ng bansa. Kaya ang pamahalaan ay

nanghiram ng salapi sa pandaigdigang institusyong

pinansyal tulad ng International Monetary Fund

(IMF) ng halagang $10 milyon. Ang pagkakautang

na ito ay isinailalim sa programang Structural

Adjustment Program (SAP). Sa pamamagitan ng SAP,

may mga kondisyon ang IMF na dapat sundin ng

pamahalaang Pilipinas upang maipagpatuloy ang

pangungutang nito.

Mula sa pangasiwaan ni

Manuel Roxas hanggang sa

kasalukuyang pamahalaan, sinisikap

nilang maiangat ang kalagayang

pangkabuhayan ng bansa sa

pamamagitan ng mga programang

pangkabuhayan lalo na sa larangan

ng repormang agraryo. Ninais din

ng ilang nagdaang pamahalaan ng

Pilipinas na gawing industriyalisado

ang bansa, subalit may kakapusan at

kakulangan sa mga kinakailangang

teknolohiya at pondong gugugulin

para maisakatuparan ito. Nakikinig ang mga mamamayan habang nagtatalumpati si Jose Laurel sa isang pagtitipon noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.

34 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

1. Ilarawan ang kalagayang pang-ekonomiya o pangkabuhayan ng mga Pilipino batay sa mga sumusunod

na panahon:

a. Sinaunang Lipunan

b. Panahon ng Pananakop

c. Panahon ng Paglaya

2. Paano naaapektuhan ang kalagayang pisikal ng bansa sa uri ng kabuhayang lumitaw sa bawat

panahon?

3. Anong programang pangkabuhayan ang isinusulong ng lahat ng naging pangulo ng Pilipinas? Bakit

hindi ito ganap na maisakatuparan?

1. Gumawa ng matrix tulad ng sa ibaba na naglalaman ng mga sumusunod na batayan:

BatayanSinaunang Lipunan

Panahon ng mga

Espanyol

Panahon ng mga

Amerikano

Panahon ng mga

Hapones

Panahon ng Paglaya

a. Kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa paglipas ng panahon

b. Mga positibo o mahalagang ambag sa ekonomiya

c. Mga negatibong patakarang nagpabagal sa ekonomiya ng bansa

d. Prediksyon sa hinaharap

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 35

Amerikanisasyon at Haponisasyon sa Pilipinas: Reloaded

Marahil batid mo na ang karamihan sa mga restawran at iba pang tindahan sa mga mall

o iba pang establisyimento sa ating bansa ay mga pag-aari ng mga dayuhang kumpanya na

nakabase sa mga bansang tulad ng America at Japan. Kabilang dito ang McDonalds, Coca-

Cola, Kentucky Fried Chicken, Toyota, Mitsubishi, Toshiba, Levi’s, Shakey’s, Sony, at Nike.

Alin kaya sa mga kumpanyang ito ang nakabase sa America? sa Japan?

Ang America at Japan ay mga bansang

maituturing na may malalaking ekonomiya

sa daigdig. Ang mga bansang ito ay may

panibagong pananakop, hindi man tuwiran,

sa mga bansa sa daigdig na tumatangkilik

ng kanilang mga produkto o kalakal at

serbisyo. Ang makabagong kaisipang

kolonyal na pumapasok dito ay tinatawag na

neokolonyalismo o ang impluwensya sa kultura

at kabuhayan ng mga Pilipino.

Sa loob halos ng limang dekada, mabilis

na nakuha ng mga Pilipino ang kulturang

Amerikano mula sa pagkain, pananamit, wika,

at musika. Natanim sa isipan ng maraming

Pilipino ang kagandahan at kahusayan ng mga

produktong Amerikano, at ang pangarap nilang

marating ang America. Dahil dito, masasabing

2. Sumulat ng reaksyon tungkol sa tanong na: “Sumasang-ayon ka ba na gawing industriyalisado ang

Pilipinas kahit na ito ay isang agrikultural na bansa?” Pangatwiranan ang sagot at magbigay ng mga

halimbawang sitwasyon. Gawin ito sa malinis na papel at ibahagi sa klase pagkatapos.

Ang ham sandwich at fries ay mga pagkaing Amerikano na katanggap-tanggap na rin sa kasalukuyan sa panlasang Pilipino.

36 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

ang konseptong materyalismo mula sa mga Amerikano ay bumalot na sa kaisipan ng mga

Pilipino.

Samantala, may mga impluwensyang Hapones sa Pilipinas bago pa man nila sinakop ang

ating bansa. Natutuhan ng mga Pilipino sa mga Hapones ang ilang gawaing pangkabuhayan

tulad ng pagpaparami ng isda. Sa kasalukuyan naman, kinagigiliwang panoorin ng mga

Pilipino ang mga animé at telenobelang Hapones. Marami ring Pilipino ang nagnanais

makarating ng Japan upang mamasyal, maghanapbuhay, at manirahan doon.

Bukod sa America at Japan, may iba pang bansa sa kasalukuyan na nakaiimpluwensya

sa pangkabuhayan o pang-ekonomiyang kalagayan ng Pilipinas bunsod na rin ng tinatawag

na globalisasyon. Sa pamamagitan nito, patuloy ang pamahalaan sa paglahok sa mga

pandaigdigang kumperensya na may kinalaman sa usaping global.

Kailangan ba talaga ang globalisasyon? Maaari ba natin itong iwasan? Paano naman

ang kulturang Pilipino na kailangan nating pangalagaan at pahalagahan? Malaking hamon

ito sa ating bansa. Kailangan natin ang malalim na pag-iisip at maayos na pagpaplano para

makamit ang pambansang kaunlaran.

Isa ang pagpaparami ng isda (fish culture) sa mga gawaing pangkabuhayan na natutuhan ng mga Pilipino sa mga Hapones.

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 37

1. ceiling price – pinakamataas na presyo sa

pamilihan na itinakda ng pamahalaan

2. dependent variable – ang variable na umaasa o

epekto ng independent variable

3. floor price – pinakamababang presyo sa

pamilihan na itinakda ng pamahalaan at

pabor sa mga prodyuser

4. independent variable – ang variable na sanhi o

dahilan ng dependent variable

5. kakulangan – bunga ng higit na maraming

demand sa produkto o serbisyo kaysa suplay

ng mga ito dahil ang presyo ay mababa sa

ekilibriyong presyo

6. kalabisan – bunga ng higit na maraming

suplay ng produkto at serbisyo kaysa sa

demand ng mga ito dahil ang presyo ay mataas

sa ekilibriyong presyo

Mga Kagamitan sa Pag-aaral ng EkonomiksAralin 4

1. Anu-ano ang mga kagamitan sa pag-aaral ng ekonomiks?

2. Bakit kailangang gamitan ng mga grapikong representasyon ang pag-aaral ng ekonomiks?

3. Paano nakatutulong sa pag-unawa ng ekonomiks ang mga kagamitan sa pag-aaral nito?

Isa sa malalaking ipinagkaiba ng tao sa hayop

ay ang kakayahan ng tao na lumikha ng kagamitan.

Ang mga kagamitan o kasangkapan ay patunay

lamang ng lawak ng kaisipan ng tao. Ang simpleng

gamit ay nalilinang sa mas kapaki-pakinabang na

kagamitan. Maging ang mga paraan ng paglutas

ng isang suliranin tulad halimbawa ng pagtutuos

sa Matematika ay nalilinang mula sa manwal na

paraan hanggang sa paggamit ng mga calculator at

mini-computer.

May mga kagamitang kinakailangan sa

pag-aaral ng ekonomiks upang higit itong

maunawaan. Kabilang dito ang paggamit ng

mga grap, talahanayan o tsart, at dayagram. May

mga talahanayan namang naglalaman ng mga

kinakailangang kaalaman tungkol sa pag-aaral

ng ekonomiks at iba pang kaugnay rito. Hindi

sapat ang mga pagpapaliwanag sa ugnayan ng

mga konsepto sa pamamagitan lamang ng mga

tsart o talahanayan. Wala ring katapusan ang

pag-uusap sa isang usapin kung hindi lalakipan

ng mga ugnayang makikita sa isang grapikong

representasyon at matematika.

38 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Ang GrapAng grap ay isang biswal na representasyong

nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variables—

ang dependent variable at independent variable.

Ang dependent variable ay umaasa sa anumang

pagbabago o epekto ng paggalaw ng independent

variable. Ang independent variable naman ay

malayang nakagagalaw sa linya nito. Tumutukoy

ito sa dahilan o sanhi ng pinag-aaralang kaso.

Ibig sabihin, ang galaw ng presyo sa pamilihan

(independent variable) ay nakaaapekto sa dami ng

demand o suplay (dependent variable).

Sa matematika, ang linyang patayo (vertical

line) o ang y-axis ang ginagamit na koordineyt ng

dependent variable. Ang linyang pahalang (horizontal

line) o x-axis naman ang ginagamit na koordineyt

ng independent variable. Ngunit kabaligtaran naman

ito sa pag-aaral ng ekonomiks lalo na kung ang

pinag-uusapan ay tungkol sa presyo, kita, o gastos.

Sa ekonomiks, ginagamit ang linyang patayo bilang

koordineyt ng independent variable (presyo, kita,

gastos), samantalang ang linyang pahalang naman

ay koordineyt ng dependent variable (bilang o dami).

Hindi maaaring umasa ang presyo o kita sa bilang

o dami ng pagkonsumo ng tao. Ito ay dahil sa

nakabatay sa presyo ng kalakal o kita ng tao ang

bilang o dami ng bibilhing kalakal o serbisyo.

Iba’t iba ang uri ng grap na maaaring gamitin

sa paglalarawan ng ugnayan ng dalawang pang-

ekonomikong variables. Ang mga ito ay ang bar graph,

pie graph, at line graph. Nagpakikita o naglalarawan

ang mga ito ng ugnayan ng mga variable. Sa mga

grap na ito, ang line graph ang madalas na ginagamit

at nakabatay sa sistemang Cartesian. Ipinakikita sa

sistemang Cartesian ang ugnayan ng mga galaw ng

dependent at independent variables sa pamamagitan

ng una at positibong quadrant sa x at y axis.

Paggamit ng Iskedyul at Kurba Bago maipakita sa grap ang ugnayan ng

dalawang variables, kailangang maisaayos ang mga

bagay na pag-uugnayin o iskedyul ng nais ilarawan

sa talahanayan o tsart. Tunghayan at suriin ang

mga sumusunod na Talahanayan 2 at Grap 1

tungkol sa kaugnayan ng presyo ng pandesal sa

Alam mo, Eko, nakalilito talagang pag-aralan ang ekonomiks batay rito sa binabasa kong aklat.

Hindi naman, Kassy. Mas nakatutulong nga ang mga grap, talahayanan, at ekwasyon sa pag-unawa ng mga aralin sa ekonomiks.

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 39

pagkonsumo ng isang pamilya na may limang

kasapi.

ang dami (Q) ng pagkonsumo ng isang pamilya.

Ito ang tinatawag na kurba ng demand (D) o

ang pababang kurba ng linya na nagpapakita ng

di-tuwiran o negatibong ugnayan sa presyo ng

pandesal at dami ng pagkonsumo.

Sa isang banda, iba naman ang kurba ng

suplay (S) sa kurba ng demand. Pansinin ang

sumusunod na iskedyul ng suplay ng harina at ang

malilikhang kurba ng suplay nito.

Talahanayan 2 Iskedyul ng Demand sa Pandesal

PuntoPresyo (bawat piraso)

Pagkonsumo (isang pamilya na

may limang kasapi)

A 50¢ 35

B P1.00 30

C P1.50 25

D P2.00 20

E P2.50 15

F P3.00 10

Grap 1 Kurba ng Demand

P

Q

3.00

2.50

2.00

1.50

1.00

0.50

0 5 10 15 20 25 30 35

F

E

D

C

B

A

Batay sa Talahanayan 2 at sa Grap 1,

mapupuna sa punto A na mas maraming

mabibiling pandesal ang isang pamilya kung

ang halaga nito ay 50¢ bawat piraso. Samantala,

kapansin-pansin naman na habang tumataas ang

presyo (P) ng pandesal kada piraso ay nababawasan

Q

P

S

100 200 300 400 500 6000

30

60

80

70

50

40

20

10

F

E

D

C

B

A

Talahanayan 3 Iskedyul ng Suplay ng Harina

PuntoPresyo ng

Harina (kada kilo)

Dami ng Harina

A P80 600 kilo

B P70 500 kilo

C P60 400 kilo

D P50 300 kilo

E P40 200 kilo

F P30 100 kilo

Grap 2 Kurba ng Suplay

40 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Mapupuna sa Talahanayan 3 at Grap 2 ang

ugnayan ng presyo ng harina (kada kilo) at ang

dami ng harina na lilikhain. Tuwiran o positibo

ang relasyon ng mga ito dahil habang bumababa

ang halaga ng harina (sa pamilihan) ay bumababa

rin ang bilang o dami na handang itustos dito (ng

prodyuser). Maaari ring sabihin na kapag mataas

ang presyo ng harina ay malaki rin ang dami nito.

Ito ang tinatawag na kurba ng suplay.

Ang paggamit ng mga iskedyul at kurba ng

demand ay mahalaga rin sa pagpapakita ng ugnayan

ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo. Pag-aralan

ang mga sumusunod na halimbawa tungkol dito.

Narito naman ang ekilibriyo (E) na kung

saan makikita ang epekto nang pagsamahin ang

dalawang kurba (demand at suplay).

Talahanayan 4 Kaugnayan ng Kita ng Tao sa Kanyang Pagkonsumo

PuntoKita

(neto kada buwan)

Pagkonsumo ng tao (sa loob ng isang

buwan)

A 5 000 5 000

B 7 000 6 000

C 10 000 8 000

D 15 000 12 000

E 20 000 17 000

Sa Talahanayan 4, makikita ang iskedyul ng

suplay batay sa tuwirang relasyon ng kita ng tao sa

pagkonsumo nito. Habang tumataas ang kita ng

tao, tumataas din ang pagkonsumo nito. Anu-ano

pa ang mapapansin sa talahanayan at grap?

Grap 4 Ekilibriyo ng Demand at Suplay

PH

Pe

Qe

Q

D

E

Grap 3 Kaugnayan ng Kita ng Tao sa Kanyang Pagkonsumo

Pagkonsumo ng Tao

P

Q

A

B

C

D

E

5 000

7 000

10 000

15 000

20 000

5 00

0

10 0

00

15 0

00

20 0

00

Kita

ng

Tao

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 41

Batay sa Grap 4, makikita ang pagsasama ng

kurba ng demand at kurba ng suplay. Kung saan

nagtagpo ang dalawang linya, iyon ang punto

ng ekilibriyo. Ang halimbawa nito ay kapag

nagkasundo ang mamimili at nagtitinda sa presyo

(ekilibriyong presyo–Pe) at dami (ekilibriyong

dami–Qe) ng produkto o serbisyo. Ibig sabihin,

walang paggalaw o pagkilos na nagaganap sa presyo

at dami ng kalakal o serbisyo.

Samantala, kung ang presyo sa pamilihan

naman ay mababa sa ekilibriyong presyo,

nagkakaroon ng “kakulangan” na kung saan mas

marami ang demand sa produkto o serbisyo kaysa

suplay. Tingnan ito sa Grap 5.

Grap 5 Ang Kakulangan

Sanggunian:P1 – presyong mababa sa ekilibriyo QD1 – unang damiQD2 – ekilibriyong dami o ikalawang damiQD3 – ikatlong dami

Batay sa Grap 5, sa P1 ng kurba ng demand,

may mabibiling produkto o dami ng produkto

na makikita sa Q3, ngunit ang kayang isuplay ng

prodyuser sa halagang P1 ay may dami lamang na

Q1, kaya ang magiging bunga nito ay kakulangan

mula sa Q1 hanggang Q

3. Sa madaling salita,

sa mababang presyo ng produkto o serbisyo,

maraming bibili nito, ngunit dahil mababa ang

presyo ay mababa rin ang handang ipagbili ng

prodyuser.

Magkakaroon lamang ng pagkakasundo ang

mamimili at prodyuser sa halagang Pe at sa daming

Q2. At ito ang tinatawag nating ekilibriyo.

Nagkakaroon naman ng “kalabisan” kapag

ang presyo ay higit na mataas kaysa sa ekilibriyong

presyo. Sa presyong P1, handang mag-suplay ang

prodyuser ng kalakal sa daming Q3 ngunit dahil

sa mataas na presyo mula Pe, ang kayang bilhin

lamang ng mamimili ay nasa daming Q1 kaya

ito ay magbubunga ng kalabisan. Ibig sabihin,

nagkakaroon ng tunggalian ang mga mamimili at

mga prodyuser sa presyo hanggang marating ang

ekilibriyong presyo. Tingnan ang Grap 6.

P S

D

Q

EPe

P1

QD1 QD2 QD3

kakulangan

P S

P1

Pe

D

QQ1 Q2 Q3

kalabisan

Grap 6 Ang Kalabisan

Grap 5 Ang Kakulangan

42 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng

kalabisan o kakulangan sa produkto o

serbisyo, kailangang magkaroon ng ekilibriyo

o pagkakasundo ang mamimili at nagtitinda o

prodyuser. Kapag ginamit naman ang ekilibriyong

presyo bilang ceiling price, hindi na maaaring

magtaas pa ng presyo ng kalakal o serbisyo ang

mga nagtitinda o prodyuser. Gayunman, ang

anumang pagbaba sa presyo mula sa itinakdang

ceiling price ay maaaring magbunga ng kakulangan

sa produkto o serbisyo.

Samantala, kapag ginawa namang floor price

ang ekilibriyong presyo o presyong pinakamababa

na itinakda ng pamahalaan, walang ibang

patutunguhan ang presyo kundi ang pagtaas

nito. Hindi na maaaring magbaba pa ng presyo

sa itinakdang floor price ang mga nagtitinda o

prodyuser. Dahil dito, mahihikayat ang mga

prodyuser na magsuplay ng mga produkto o

magbigay ng kaukulang serbisyo dahil maaaring

itaas pa ang presyo mula sa floor price. Ngunit ang

ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng kalabisan

sa pamilihan dahil mababa ang demand sa mga

produkto at mataas naman ang presyo.

Ang Kaugnayan ng Grap at Matematika

Bahagi ng kagamitang kailangan sa pag-aaral

ng ekonomiks ay ang matematika tulad ng geometry

at estadistika (statistics). Kaugnay ng grap na pinag-

aaralan ay ang pagtutuos ng mga ugnayan ng mga

variable sa pamamagitan ng equations. Ang equations

ay nakatutulong upang madaling maipahayag ang

ugnayan ng mga variable kaysa ipaliwanag ito nang

pasalita lamang. Pakatandaan na ang pag-uugnay

na ginawa sa mga variable sa grap ay pandalawahan

(two-dimensional) lamang. Kapag nadaragdagan na

ang mga salik o kasong pang-ekonomiko na pag-

uugnayin at pag-aaralan, hindi na sapat gamitin

ang two-dimensional na grap dahil magdudulot na

ito ng kalituhan. Sa puntong ito, masasabing mas

mabisang gamitin ang equations at mga simbolo

upang makita nang malinaw ang ugnayan ng lahat

ng variable.

Pag-aralan ang sumusunod na halimbawa.

Ang pagtungo ng mga nars palabas ng ating

bansa ay dulot ng sahod na tatanggapin nila sa

ibang bansa. Maaari nating isulat ang equation sa

pamamagitan ng:

X = f (Y)

kung saan ang:

X - bilang ng mga nars na nagtatrabaho sa ibang

bansa

f - ugnayan ng bilang ng nars na nagtatrabaho

sa ibang bansa sa mga salik na

nakaiimpluwensya sa kanila

Y - sahod na ipinagkakaloob ng mga bansang

tumatanggap ng mga nars

Dahil naaapektuhan ang bilang o dami ng

mga nars na naghahangad na makapagtrabaho sa

ibang bansa, ang dependent variable dito ay ang X,

samantalang ang Y o sahod na ipinagkakaloob ng

mga bansang tumatanggap ng mga nars ang siyang

independent variable. Subalit, ang X ay naaapektuhan

ng iba pang variable na V, P, at D. Kaya, maaaring

isulat ang equation na ganito:

X = f (V, P, Y, D)

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 43

kung saan ang:

V – kabuuang dami ng mga nars sa bansa

P – pamantayang sahod ng mga Pilipinong nars sa

ibang bansa

D – sahod na tinatanggap ng mga nars sa bansa

Ipinakikita lamang ng equation ang ugnayan

( f ) ng bilang ng mga nars na nagtatrabaho sa

ibang bansa sa mga salik na nakaiimpluwensya

sa kanila upang mamasukan sa ibayong dagat

tulad ng kabuuang dami nilang nars sa bansa; sa

pamantayang sahod ng mga Pilipinong nars sa

ibang bansa; at ng sahod panlokal. Sa paggamit

ng equation o simbolo, madaling mapagsabay ang

pagkuha ng sagot sa kabila ng maraming variable

na pag-uugnayin.

Samantala, nagagamit naman ang estadistika

sa ekonomiks sa pagsusuri ng bilang ng populasyon;

sa pagtutuos ng implasyon; o sa pagtutuos halaga

ng bilihin sa iba’t ibang panahon. Ang kakayahang

nakukuha sa paggamit ng matematika ay ang

pagtukoy sa wasto o katotohanan sa likod ng mga

kaganapan. Hindi sapat, halimbawa, na sabihing

tumaas ang bilang ng ating Gross National Product

(GNP) sa kasalukuyan. Kailangang makita at

mapaghambing natin ang ating GNP mula sa

nakalipas na sampung taon o higit pa. Dito papasok

ang pangangailangan natin ng estadistika.

1. Anu-anong mga kagamitan ang nakatutulong

sa pag-aaral ng ekonomiks?

2. Bakit kailangang gumamit ng mga grapikong

representasyon at matematika sa pag-aaral ng

ekonomiks?

3. Paano nakatutulong sa pag-unawa ng

ekonomiks ang grap at matematika? Magbigay

ng mga halimbawa.

1. Magpangkat-pangkat. Pag-usapan kung ilang

bilang o dami ng banana cue ang mabibili sa

halagang badyet na P200. Gamiting gabay

ang nakalaang presyo ng babana cue sa ibaba.

Matapos nito ay punan ng iskedyul ang

talahanayan at gumawa ng grap nito. Iulat sa

klase ang inyong ginawa.

PuntoPresyo ng

Banana Cue (kada piraso)

Bilang o Dami Nito

A P2

B P2.50

C P3

D P4

E P5

F P6

G P7

H P8

I P9

J P10

44 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

2. Magpangkat-pangkat. Halimbawang nais ninyong magtinda ng sago’t gulaman sa darating na

intramurals sa inyong paaralan. Ilan ang handa ninyong ipagbili kung ang pagbabatayan ay ang mga

presyo sa kasunod na talahanayan? Gumawa rin ng grap nito. Pagkatapos, iulat sa klase ang inyong

ginawa.

PuntoPresyo ng Sago’t Gulaman

(kada baso)Dami ng Handang

Ipagbili

A 50¢

B P1

C P2

D P3

E P5

F P6

G P7

H P8

I P10

J P12

Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks 45

Paglutas ng mga suliranin sa pamamagitan ng pagsusuring lohikal

3. Punan ang huling hanay ng magiging kakulangan (–) o kalabisan (+) sa sumusunod na iskedyul.

Matapos nito ay ilapat sa grap ang mga datos. Gawin ang grap sa isang graphing paper. Lagyan ito ng

wastong leybel at ipakita sa klase.

Punto PresyoDemand sa

Lapis (Bawat Piraso)

Suplay ng Lapis

Bunga ( – ) o ( + )

A P2 100 5

B P5 40 20

C P8 20 50

D P10 10 100

E P15 6 200

Mga Kasanayan sa Ekonomiks

May tatlong kasanayan na nalilinang kapag pinag-aaralan ang ekonomiks. Una, ang

kasanayan sa paglutas ng mga suliranin sa pamamagitan ng pagsusuring lohikal. Pangalawa,

ang kasanayan sa pagbibigay-interpretasyon sa mga datos. Pangatlo, ang kasanayan

sa pagpapahayag ng sariling kaisipan. Nakatutulong ang mga ito sa pag-aaral ng ibang

asignatura at gayundin ay maaaring gamitin ang mga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay

ng tao.

46 Ang Ekonomiks at ang Pamamaraan Nito

Paglutas ng mga suliranin sa pamamagitan ng pagsusuring lohikalSa pamamagitan ng lohikal na pagsusuri sa pag-aaral ng ekonomiks, mauunawaan ng

isang estudyante ang kalagayan ng kanyang paligid, lalo na at ito ay may kinalaman din sa

kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Iniuugnay ang pagsusuring lohikal sa kaalamang

pang-matematika na kung saan magkakaroon ng wastong pagtutuos ang tao sa paglutas ng

mga suliranin sa buhay. Higit sa lahat, sa tulong ng pagsusuring lohikal, matatamo ng isang

estudyante ang kritikal na pag-iisip upang maisulong ang kanyang pag-aaral nang mabuti.

Pagbibigay-interpretasyon sa mga datosUpang maunawaan ang pag-aaral ng ekonomiks, mahalagang marunong ang isang

estudyante sa pagbibigay-interpretasyon sa mga datos na tulad sa mga nakalapat sa

talahanayan at sa grap. Sa pamamagitan ng mga ito, maiiwasan ang pagbibigay ng mga

interpretasyon o palagay na walang batayan. Gayundin, matututo ang isang estudyante na

magpaliwanag sa pamamaraang siyentipiko.

Pagpapahayag ng sariling kaisipanMahalaga na marunong ang isang estudyante na magpahayag ng kanyang sariling

kaisipan. Sa pag-aaral ng ekonomiks, ang pagpapahayag ng sariling kaisipan ay mahalaga

upang masuri ang anumang suliranin at makapagbigay ng mabuting interpretasyon sa mga

datos. Gayundin, magkakaroon ng ganap na kaisipang pang-ekonomiko at organisadong

paraan ng pagsusulong ng pamumuhay ang tao.