intelektwalisasyon ng wikang filipino

4
Adriel Joshua O. Ong Enero 22, 2013 11229799 FILDLAR-ED Ang pagkaunawa ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika ay hindi ito para sa mga intelektwal na tao, kung hindi para sa mga hindi edukado. Pero bakit naman ginagamit ang kaalaman sa wikang Ingles o Filipino para sukatin kung gaanong kaintelektwal ang isang mamamayan? Ang wika ay isang mahalagang instrumento na ginagamit natin para sa komunikasyon. Ito ay walang katulad sa mga ibang bansa at ito ay bahagi sa kultura ng ating bansa—kaya kailangan nating ipagmalaki ito. Ang pagkaunawa ng mga Pilipino ay kapag ang isang mamamayan ay edukado kapag siya ay magaling sa Ingles o sa mga iba’t ibang lengguwahe. Hindi naman batay sa kaalaman ng isang wika ang panunukat kung gaanong kaintelektwalado ang isang tao. Malalaman ito sa paraan kung gaanong kataas ang IQ natin, o kung anong natutunan natin sa paaralan sa paraan ng kahit anong lenggwahe ito. Ang intelektwalisasyon ng wika ay kung paano makakamit ng isang lengguwahe na maituturo ang lahat ng iba’t ibang larangan ng edukasyon. Sa palagay ko, kaya ng wikang Filipino na matruan tayo sa kahit anong larangan ng edukasyon—galing sa pinakaunang araw natin sa eskwelahan hanganng na nasa kolehiyo na tayo. Kahit na maraming mga termino na wikang Ingles na makasalubong natin sa Agham at Teknolohiya at tsaka sa Matematiko, hindi ibig sabihin

Upload: joshua-ong

Post on 16-Apr-2015

1.560 views

Category:

Documents


33 download

DESCRIPTION

Opinyon ko tungkol sa wika natin at ang pananaw natin tungkol sa pagkakaintelektwal nito.

TRANSCRIPT

Page 1: Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

Adriel Joshua O. Ong Enero 22, 2013

11229799 FILDLAR-ED

Ang pagkaunawa ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika ay hindi ito para sa mga

intelektwal na tao, kung hindi para sa mga hindi edukado. Pero bakit naman ginagamit ang

kaalaman sa wikang Ingles o Filipino para sukatin kung gaanong kaintelektwal ang isang

mamamayan? Ang wika ay isang mahalagang instrumento na ginagamit natin para sa

komunikasyon. Ito ay walang katulad sa mga ibang bansa at ito ay bahagi sa kultura ng ating

bansa—kaya kailangan nating ipagmalaki ito.

Ang pagkaunawa ng mga Pilipino ay kapag ang isang mamamayan ay edukado kapag

siya ay magaling sa Ingles o sa mga iba’t ibang lengguwahe. Hindi naman batay sa kaalaman ng

isang wika ang panunukat kung gaanong kaintelektwalado ang isang tao. Malalaman ito sa

paraan kung gaanong kataas ang IQ natin, o kung anong natutunan natin sa paaralan sa paraan ng

kahit anong lenggwahe ito. Ang intelektwalisasyon ng wika ay kung paano makakamit ng isang

lengguwahe na maituturo ang lahat ng iba’t ibang larangan ng edukasyon. Sa palagay ko, kaya

ng wikang Filipino na matruan tayo sa kahit anong larangan ng edukasyon—galing sa

pinakaunang araw natin sa eskwelahan hanganng na nasa kolehiyo na tayo. Kahit na maraming

mga termino na wikang Ingles na makasalubong natin sa Agham at Teknolohiya at tsaka sa

Matematiko, hindi ibig sabihin na hindi pwede itong maipaliwanag sa wikang Filipino. Ang

problema lamang dito ay ang katunayan na higit lamang ang mga teksto na nasa wikang Filipino

na mahusay sa pagturo sa mga iba’t ibang paksa na kailangang natin para magiging edukado. Ito

ay dahil sa pagangkop natin sa sistema ng edukasyon na katulad sa mga Amerikano.

Sa katotohanan, ang pagkaunawa natin sa wikang Filipino ay mababa ito. Bakit naman

hindi natin ipagmamalaki ang ating sariling wika at sa halip ay ipagmamalaki naman natin ang

ating kaalaman sa ibang mga wika? Wala ba tayong kapurihan sa ating bansang Pilipinas? Bakit

naman natin gustong mag-Ingles kaysa gamitin natin ang ating sariling wika? At kapag ang sagot

nito ay para mas madali maghanapbuhay, makipag-usap, o makakuha ng trabaho sa Pilipinas o sa

iba’t ibang mga bansa kapag matuto tayo ng Ingles, hindi naman ito ang wastong pananaw.

Kapag interesado at magaling tayong mga Pilipino, ang ibang tao naman sa iba’t ibang bansa ay

Page 2: Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

ang gustong maintindihan at matuto sa ating lengguwahe kaysa sa tayo ang matuto sa kanila. Ito

ay makikita natin sa mga Tsino na magaling sa larangan ng negosyo. Dahil sa kanilang

ekonomiya, ang mga tao naman sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagiging interasado sa

kanilang wika upang makikipagnegosyo sa kanila. Kapag yung mga natutunan natin sa ating mga

propesyon ay gagamitin natin dito sa ating bansa kaysa sa pagpapaunlad ng ibang bansa sa talino

at tiyaga natin, at kapag mabibigyan tayo ng wastong sweldo sa gobyerno para sa pagpapaunlad

ng ating bansa, pwede nating mas mabigyan ng dahilan kung bakit dapat ipagmamalaki natin ang

sariling wika at yung pananaw na ang wikang Filipino ay hindi para sa edukado ay mapuksa.

Ang isang dahilan na bakit ipinagmamalaki natin ang kaalaman natin sa ibat ibang wika ay para

maipadama natin na mas edukado tayo kapag marunong tayong mag-Ingles. Isa lamang ang

dahilan kung bakit dapat natin matutunan ang wikang Ingles—para sa komunikasyon—sa ibang

bansa at hindi para maging mas edukado sa iba.

Sa katotohanan, ang wikang Filipino ay ang pangatlong wika ko lamang. Ang unang

wika ko ay ang Ingles na natuto ko sa paaralan at yung ikalawa ay ang Bisaya, dahil isinilang at

galing ako sa lungsod ng Cebu. Aaminin ko na mahirap para sa akin ang tagalog at para isulat

ang papel na ito, humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Pero hindi ibig sabihin na wala

akong pagnanais o gusto na matutunan ang Filipino o magsalita ng wikang Filipino. Sa totoo

lang, ginagawa ko ang aking makakaya para matutong mag-Filipino at sa tingin ko naman ay

mas napabuti ko ang kaalaman ko sa wikang ito noong unang dumating ako sa Manila at sa La

Salle. Pero malungkot man sabihin at aminin, na ipinagmamalaki ko ang wikang Ingles, hindi

naman dahil sa persepsyon na ito ay para sa edukado kung hindi dahil na halos ito ang sistema ng

edukasyon sa karamihan ng mga pribadong paaralan sa Pilipinas.

Sa kurso kong inhenyero naman, importante ang wikang Filipino dahil sa komunikasyon.

Kung wala tayong komunikasyon sa larangan ng pag-iinhenyero, hindi natin makakamit ang

kailangan makamit sa trabaho. Importante sa inhenyero ang pagkaunawa, para gumawa sa ano

mang kailangan para sa larangang ito, kailangan natin ang wastong pagkakaunawaan para ito ay

magawa ng tama at maayos. Tayo ay humaharap sa mas mabibigat at malalaking responsibiidad

at trabaho at madami ang naka taya rito na kapag hindi maayos ang ginagawa namin dahil sa

walang ayos na pagkaintindi at sa hindi maayos na komunikasyon.

Page 3: Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

Tayo, bilang mga kabataan ay pwede pang hubugin at baguhin ang ating pagdama at pag-

unawa sa ating sariling wika. Kailiangan natin ipagmalaki ang ating wika kasi ito ang ating

kultura at ang kultura natin ay ang nagibibigay ng pagkakakilanlan sa ating bansang Pilipinas.

Walang kakaiba sa Ingles, Español, Filipino, o ano pang wika kundi ito lang ay isang paraan ng

komunikasyon na kakaiba sa bawat bansa, at dapat nating ipagmamalaki ang ating bansa na

yaman sa wika, kultura, agrikultura, talino, at ablidad. Tayo ay mamayan sa Pilipinas at dapat

natin ipagunlad ang ating bayan gamit ang ating sariling wika. At dahil tayo ay bata pa, hindi

natin masasabi na huli na tayo para sa bagong Pilipino.