impormasyon tungkol sa pamumuhay sa iba't-ibang wika · 2 pagkatanggal sa trabaho sa loob ng...
TRANSCRIPT
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training
E Trabaho at Training
5 Pagkatanggal (kaiko) at pagbibitiw sa trabaho (taishoku)
Parehong pag-alis sa kompanya ang kaiko at taishoku subalit malaki ang pagkakaiba ng nilalaman ng mga ito.
5-1 Pagkatanggal sa trabaho (kaiko)
(1) Ano ang tinatawag na kaiko?
Ang kaiko o pagkatanngal sa trabaho ay tumutukoy sa pagputol ng kontrata sa trabaho (kaiko = pagpapatigil sa
pagtatrabaho) ayon sa pasiya ng employer ng kompanyang inyong pinapasukan. Kailangang magbigay ng sapat
na dahilan ang kompanya upang tanggalin sa trabaho ang isang manggagawa.
Ipinagbabawal ang mga sumusunod na dahilan upang matanggal sa trabaho ang isang manggagawa.
1 Pagkatanggal sa trabaho sa loob ng 30 araw pagkatapos ng hindi pagpasok ng manggagawa o habang nakaliban ito dahil sa aksidente o sakit habang nasa trabaho.
2 Pagkatanggal sa trabaho sa loob ng 30 araw pagkatapos manganak o habang nakaliban dahil sa panganganak. 3 Pagkatanggal sa trabaho dahil sa nasyonalidad, relihiyon o paniniwala, o katayuan sa lipunan ng manggagawa. 4 Pagkatanggal sa trabaho dahil ipinagbigay-alam ng manggagawa sa Labor Standard Supervision Office ang paglabag ng employer sa mga
pamantayang batas sa paggawa. 5 Pagkatanggal sa trabaho dahil ang manggagawa ay kasapi sa unyon at pagsali nito sa mga gawain ng unyon. 6 Pagkatanggal sa trabaho dahil babae ang manggagawa, o dahil nagbakasyon sa dahilang ikinasal, nabuntis, o nanganak ang babaeng
manggagawa. 7 Pagkatanggal sa trabaho dahil humiling na magpahinga mula sa trabaho para alagaan ang anak, o dahil nagpahinga sa trabaho para alagaan
ang anak.
Dagdag dito, maaaring iba ang mga kondisyon ng pagkakatanggal sa nakasaad na panahon ng pagtatrabaho sa
inyong kontrata.
Hindi maaaring tanggalin sa trabaho ng employer ang manggagawa sa panahon ng pagtatrabaho nito.
Kung walang napagkasunduang panahon ng trabaho sa inyong kontrata.
Kailangang ipagbigay-alam ng employer sa manggagawa nang 30 araw o higit pa bago ito matanggal sa trabaho.
Kung hindi nagbigay ng abiso (ipagbigay-alam) sa manggagawa at bigla siyang natanggal sa trabaho.
Kailangan bayaran ng employer and mahigit sa 30 araw na karaniwang sahod ng manggagawa.
Kung may napagkasunduang panahon ng pagtatrabaho sa inyong kontrata
Kahit sa ganitong situwasyon
Kailangang magbigay ng abiso ang employer sa manggagawa ng 30 araw o higit pa bago ito matanggal sa trabaho, o bayaran ang sahod ng manggagawa.
Maliban sa situwasyong walang magagawa ang
employer
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training
E Trabaho at Training
(2) Kapag hindi sang-ayon sa pagkakatanggal sa trabaho
Kung hindi sang-ayon sa pagkakatanggal ninyo sa trabaho, ipaalam ito sa inyong employer. Mahalagang alamin
ang dahilan ng pagkakatanggal sa trabaho. Humingi ng kasulatan na patunay sa pagtigil sa trabaho ---
pagkakatanggal ba sa trabaho (kung oo, linawin ang dahilan nito), o pagbibitiw ba sa trabaho. Kung hindi
nasiyahan sa dahilan ng pagkakatanggal sa trabaho, sumangguni sa pinakamalapit na tanggapan ng Labor
Standard Supervision Office, Labor Center, Labor Section ng pinakamalapit na munisipyo, o abogado.
Kung natanggal sa trabaho nang walang sapat na dahilan, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng
Labor Standard Supervision Office o sa opisinang may kinalaman sa paggawa.