imahismo

11
IMAHISMO Reporter: Via Abayon

Upload: via-abayon

Post on 22-Mar-2017

137 views

Category:

Education


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Imahismo

IMAHISMO Reporter: Via Abayon

Page 2: Imahismo

Ito ang dulog na lumaganap sa

mga panulaan sa Great Britain at

North America sa pagitan ng

mga taong 1909 at 1918.

Ayun kay T.E Hulme, ang tula ay

kailangang magbawas ng mga di

kailangang mga salita at sa halip

ay ilarawan ang paksa o diwa ng

tula sa pamamagitan ng imahen.

Page 3: Imahismo

LAYUNIN NG DULOG IMAHISMO

Mailarawan ng ganap ang isang paksa

, mailahad ng walang pagkiling at

malayang makapamili ng mga

larawang maikikintal sa isip ng

nagbabasa. Ang mga natural na bagay sa paligid

ay siyang pinakamabisang gamiting

simbolo para sa dulog na ito.

Page 4: Imahismo

ANG PUNONGKAHOYNI JOSE CORAZON DE JESUS

Page 5: Imahismo

Tinagurian si Jose Corazon bilang “Makata ng Pag-ibig” sa halalan ng mga mambabasa ng pahayagang Mithi noong 1916. Bukod sa pagiging makata, siya rin ay lumabas sa pelikulang Oriental Blood at sa mga dulang Alamat ng Nayon at Maria Luisa. Kilala rin siya sa Alyas na Huseng Batute.

Page 6: Imahismo

ANG PUNONGKAHOYNI JOSE CORAZON DE JESUS

Page 7: Imahismo

Kung tatanawin sa malayong pook,

Ako’y tila isang nakadipang kurus;

Sa napakatagal na pagkakaluhod,

Parang hinahagkan ang paa ng Diyos

Organong sa loob ng isang simbahan

Ay nananalangin sa kapighatian,

Habang ang kandila ng sariling buhay,

Magdamag na tanod sa aking libingan…

Page 8: Imahismo

Sa aking paananan ay may isang batis,

Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;

Sa mga sanga ko ay nakangasabit

Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,

Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal

At saka ang buwang tila nagdarasal,

Ako’y binabati ng ngiting malamlam !

Page 9: Imahismo

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,

Nagpapahiwatig sakin ng taghoy;

Ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,

Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tignan ninyo ang aking narating.

Natuyo,namatay sa sariling aliw.

Naging kurus ako ng pagsuyong laing.

At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Page 10: Imahismo

Wala na,ang gabi ay lambong na luksa,

Panakip sa aking namumutlang mukha !

Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,

Ni ibon, ni tao’y di matuwa !

At iyong isipin nang nagdaang araw,

Isang kahoy akong malago’t malabay,

Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan

Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.

Page 11: Imahismo

prepared by: Via Abayon