hks lesson plan for grade iiyes e2 n 2

Upload: ronel-sayaboc-asuncion

Post on 30-Oct-2015

148 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

ghdhghdhhdh

TRANSCRIPT

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA SIBIKA AT KULTURA II

I. Layunin1. Matutukoy ang mga yamang taong kabilang sa populasyong nagbibigay produkto.

II. Paksang AralinPaksa: Pagtalakay sa mga yamang taong nagbiigay n produkto.Yunit: Pambansang PagkakakilanlanSanggunian: E. Coronado, P. (2003) Pagsibol ng Lahing Pilipino Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika para sa Ikalawang BaitangBEC. PELC:5.2.4Kagamitan: Larawan, envelopes, kahon, tsart, puzzle, at graphic organizer

Mabuting Asal: Pagkakaisa, pagtanggap sa pagkatalo o SPORTSMANSHIP

III. PamamaraanGawain ng GuroGawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain 1. Pangaraw-araw na Gawain 1.1 Pagdarasal 1.2 Pagbati sa klase 1.3 Pagtsesek ng lumiban sa klase 2. Paghahandang Gawain 2.1 Pagtsetsek ng takdang- aralin 2.2 Balitaan 2.3 PagsasanayPanuto: Ihanay sa Hanay Umaasa kung ang pangkat ng taong tinutukoy ay kabilang sa Populasyong Umaasa at ilagay naman sa Hanay Inaasahan kung ang pangkat ng taong tinutukoy ay kabilang sa Populasyong Inaasahan.

1. Mga matatandang umaasa sa tulong ng kamag-anak.2. Mga batang may edad na 14 taong gulang pababa.3. Binubuo ng mga taong may gulang na 15 hanggang 64 taong gulang ang edad.4. Ang mga batang nag-aaral sa paaralan.5. Ang mga manggagawa na tumutulong sa pag-unlad ng bansa.

Magaling! Natutunan niyo talaga ang ating mga nakaraang leksyon. Balik aralan naman natin ang tinalakay natin kahapon.

2.4 Balik-aralKahapon ating pinagaralan ang mga pangkat ng taong kabilang sa Populasyong Nagbibigay Paglilingkod. Tama ba?

May inihanda akong isang maikling gawain. Upang aking malaman kung naintindihan niyo nga ang ating nakaraang leksyon.Handa na ba kayo?

Panuto: Tukuyin kung sino ang pangkat ng taong kabilang sa Populasyong Nagbibigay ng Paglilingkod ang tinutukoy sa mga larawan.

1.

2.

3.

4.

5.

Magaling mga bata! Handa na kayo para sa susunod nating aralin.B. Panlinang na Gawain 1. PangganyakPagbuo ng PuzzleKayo ay hahatiin ko sa apat na pangkat. Maliwanag ba?

Ang mga pangkat ay may kanya-kanyang puzzle na nasa loob ng sobre. Kailangan niyong magtulong-tulong upang buuin ang puzzle na nasa loob ng sobreng ito. Ang unang pangkat na makakabuo at makakapagsabi ng nabuong larawan sa pisara ang siyang mananalo sa ating laro. At ang mananalong pangkat ay may matatanggap na premyo.Handa na ba kayo?

Tingnan ang inyong mga nabuong larawan.Ano ba ang mga ito?

Tama, ito ay ang mga produkto.Sino ba ang mga gumagawa nito?

Tama, ang gumagawa niyan ay ang mga tao. Gusto niyo bang malaman kung sinu-sino ang mga yamang taong nagbibigay ng produkto?

3. Pangkatang GawainNgayon, dahil gusto niyong malaman kung sinu-sino ang mga yamang taong nagbibigay ng produkto ay hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay may kanya-kanyang mga gawain.Maliwanag ba?

Ang unang pangkat ay gagamit ng apple map at picture puzzle para sa pananaliksik. At ang Ikalawang pangkat ay gagamit ng mango map at crossword puzzle para sa pananalksik. Ang makukuhang sagot ay isusulat niyo sa inyong mga map.Handa na ba?

Simulan na ang pangkatang gawain.

4. PagtatalakayanPagkatapos niyong sagutin ang mga naiatang sa inyong mga gawain. Tingnan natin kung ano ang mga nahanap niyong sagot.

Pakinggan natin ang unang pangkat sa kanilang pag-uulat ng sagot.

Magaling! Bigyan natin sila ng tatlong palakpak. Ngayon pakinggan naman natin ang ikalawang pangkat sa kanilang pag-uulat ng sagot.

Bigyan din natin sila ng tatlong palakpak. Magaling mga bata. Nakapanaliksik kayo ng mga sagot sa ating tanong.

Ngayon tingnan natin ang nakuhang sagot ng bawat pangkat. Napakahusay mga bata dahil natukoy niyo kung sinu-sino ang mga yamang taong kabilang sa populasyong nagbibigay ng produkto sa pamamagitan ng isang pananaliksik.

Palakpkan natin ang ating mga sarili!

Ngayon naman almin naman natin kun anu- ano ang mga ibinibigay at ginagawa ng mga ito.

Ano ang binibigay na produkto ng mga mangingisda?

Ano naman ang ginagawang produkto ng mga panadero?

Ano naman ang nakukuha nating bagay sa isang minero?

Ano naman ang ginaawang produkto ng isang arkitekto?

Ano ang produktong nakukuha natin sa magsasaka?

Ano naman ang tinatahi ng isang mananahi?

C. Pangwakas na Gawain

1. PaglalahatMula sa inyong pananaliksik sinu- sino ang mga pangkat ng taong kabilang sa populasyong nagbibigay produkto?

Magaling mga bata!

2.PaglalapatAlam niyo ba ang larong Charade.

Ngayon, gagawin natin ito.Handan na ba kayo?

Mayroon ako ditong mga papel na naglalaman ng mga salita, at mga salitang ito ay ang mga pangkat ng taong kabilang sa Populasyong Nagbibigay ng Produkto. At ang inyong mabubunot ang inyong gagawin sa pamamagitan ng pag-aact nito.Maliwanag ba?

3.PagpapahalagaPanuto: Piliin ang tinutukoy na yamang taong kabilang sa populasyong nagbibigay ng produkto sa pangungusap.Bilugan ang titik lamang ng tamang sagot.

1. Nagmimina ng ginto, pilak at tanso.a. Mangingisdab. Panaderoc. Minerod. Magsasaka

2. Gumagawa ng plano ng bahay.a. Arkitektob. Mineroc. Mananahid. Magsasaka

3. nagttahi ng mga damit.a. Panaderob. Mangingisdac. Akitektod. Mananahie. 4. Nanghuhuli ng isda.a. Magsasakab. Mangingisdac. Mananahid. Panadero

5. Gumagawa ng tinapay at keyk.a. Panaderob. Mineroc. Arkitektod. Mananahi

Mga Inaasahang SagotUmaasaInaasahan

1. Mga matatandang umaasa sa tulong ng kamag-anak.2. Mga batang may edad na 14 taong gulang pababa.4. Ang mga batang nag-aaral sa paaralan.3. Binubuo ng mga taong may gulang na 15 hanggang 64 taong gulang ang edad.5. Ang mga manggagawa na tumutulong sa pag-unlad ng bansa.

Opo

Opo

Guro

Doktor

Bumbero

Pulis

Dyanitor

Opo.

Handa na po.

Pangkat I: Mga IsdaPangkat II: Mga TinapayPangkat III: Mga Palay at GulayPangkat VI: Mga Tela at Damit

Ang mga nabuong larawan ay mga produkto.

Ang gumagawa ng mga iyan ay ang mga tao.

Opo.

Opo.

Handa na po.

Kami ang ng Pangkat I. Narito ang aming mga sagot.1. Mangingisda2. Panadero3. Minero4. Arkitekto5. Magsasaka6. Mananahi

Kami ang Pangkat II. Narito ang aming mga sagot.1. Mangingisda2. Panadero3. Minero4. Arkitekto5. Magsasaka6. Mananahi

Isda, lamang-dagat at kabibe..

Tinapay, keyk

Ginto, pilak, tanso

Bahay at disenyo ng mga gusali

Palay, mais, gulay at prutas..

Unan, damit at kurtina

MangingisdaPanaderoMineroArkitektoMagsasakaMananahi

Opo.

Handa na po.

Opo.

Mga laman ng papel:1. Magsasaka2. Mangingisda3. Panadero4. Mananahi

c. minero

a. arkitekto

d. mananahi

b. mangingisda

a. panadero

IV. PagtatayaPanuto: Sino ang pankat ng tao na nagbibigay ng podukto ang isinasaad sa pangungusap sa hanayA. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot sa hanay B.

Hanay A

1. Nagtatanim ng gulay at palay.2. Gumagawa ng disenyo ng gusali.3. Gumagawa ng tinapay4. Gumagawa ng damit5. Nanghuhuli ng isada sa dagat

Hanay B

a. Panaderob. Mananahic. Mangingisdad. Magsasakae. Arkitekto

V. Takdang- AralinGumupit ng iba pang (5) larawan na nabibilang sa pangkat ng taong nagbibigay produkto.

Visual Aids

Visual Aids