hikbi ng buhay

2
HIKBI NG BUHAY Ni: Jenita D. Guinoo Polusyon, kahirapan, gutom,kriminalidad, kasakiman, kalaswaan, katiwalian..iba’t ibang tunog na dumadagundong sa ating mga pandinig. Humuhugong, umuungol..tila nagnanais na mapansin man lamang at iyong mapagtutuunan. Maaaring naririnig mo ito ngunit ika’y nagbibingi-bingihan lamang. Siguro’y ayaw mo lamang bigyang halaga ang mga nagsasalimbayang ingay na nasa iyong isipan. Hindi mo inaalintana ang boses na tumatawag…humihingi sa iyo ng saklolo! Para bagang sinasabi nitong, kailan mo ba ako papansinin? Kailan mo pag-uukulan ng pansin at hanapan ng paraan na ang tinig na humihingi ng awa ay mabigyang solusyon?

Upload: jenita-guinoo

Post on 14-Apr-2017

64 views

Category:

Education


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Hikbi ng buhay

HIKBI NG BUHAY

Ni: Jenita D. Guinoo

Polusyon, kahirapan, gutom,kriminalidad, kasakiman, kalaswaan, katiwalian..iba’t ibang tunog na dumadagundong sa ating mga pandinig. Humuhugong, umuungol..tila nagnanais na mapansin man lamang at iyong mapagtutuunan.

Maaaring naririnig mo ito ngunit ika’y nagbibingi-bingihan lamang. Siguro’y ayaw mo lamang bigyang halaga ang mga nagsasalimbayang ingay na nasa iyong isipan. Hindi mo inaalintana ang boses na tumatawag…humihingi sa iyo ng saklolo!

Para bagang sinasabi nitong, kailan mo ba ako papansinin? Kailan mo pag-uukulan ng pansin at hanapan ng paraan na ang tinig na humihingi ng awa ay mabigyang solusyon?

Marahil isa ka sa nagdudulot sa kanila ng kanilang kahirapan kung bakit sila ngayon ay humihikbi at nangangailangan ng tulong, pagbabago, at pagwawakas. Mangyari’y hindi mo lamang ito binibigyang pagkakataong maipahayag

Page 2: Hikbi ng buhay

ang tunay na dahilan kung bakit sila umiiyak disin sana’y nagkaroon na ng kalutasan ang kanilang hinaing at panaghoy sa buhay.

Ano ba ang iyong ginagawa? Nakatutulong ka ba o dinagdagan mong lalo ang kaniyang paghihirap? Makinig ka na!

Dinggin mo sana na itong mga hikbi ay magbabago na. Hanggang kalian ka mananatiling manhid at magpapakapusong-bato? Buksan mo na ang iyong damdamin at tugunan ang hikbi ng ating buhay.

Wakas.