hasanah muslim lifestyle magazine 10_1431

44

Upload: bencnavarra

Post on 06-Apr-2015

481 views

Category:

Documents


15 download

TRANSCRIPT

2

PAGPAPAKILALA

Ang Thaghar ay isang bayan na matatagpuan sa dulo ng isang bansang muslim na nagsisilbing kuta ng mga sundalong magtatanggol sa bansang ito mula sa mga mananakop. Ang layunin ng lathalaang Ath-Thaghar ay maging isang tanggulan ng mga muslim laban sa mga nais manira sa ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang karunungang panrelihiyon sa mga muslim at hindi muslim tulad ng isang thaghar. Ang Ath-Thaghar Publishing ay binubuo ng mga boluntaryo na nagtatrabaho nang libre na nagsasalin, nagsisiyasat, at nag-aakda ng mga aklat islamiko at naglalathala ng isang buwanang Muslim Lifestyle Magazine. Ang Ath-Thaghar Publishing ay kasalalukuyang namamahagi ng karunungan ukol sa Islam at iba pang kapaki-pakinabang na impormasyon sa pamamagitan ng internet bilang isang mabisang medium ng mass media. Ilan sa mga kagalingan ng e-publishing:

1. Ang e-publishing ay hindi gumagamit ng papel na ang proseso ng paggawa nito ay may malaking epekto sa ating kapaligiran. Nababanggit sa ulat ng Wikipedia sa entry nito na pinamagatang magazine na ang isang pirasong magazine ay nagluluwal ng 0.95 kg ng CO2 sa kalikasan sa pamamagitan ng pagputol sa mga puno, pagproseso ng papel, pamamahagi, at iba pa.

2. Mabilis ang pagpapakalat ng mga kopya ng mga e-magazine at e-book kaysa sa mga printed publications.

3. Sa pamamagitan ng search functions sa maraming PDF reader ay napapadali ang pagbabasa at paghahanap ng mga information sa isang e-magazine. Dagdag pa rito ang pagkakaimbento ng mga LCD monitor at ng iPad kaya higit na nagiging ligtas para sa mga mata ang pagbasa ng isang e-book o e-magazine.

4. Magiging mas madali ang paglalathala ng mga bagong edisyon ng mga aklat at pagtatama sa mga pagkakamali dito.

Hangad namin ang pangingibabaw ng katotohanan sa pamamagitan ng mga lathalain nito. Kami rin ay naghahangad ng pagbuhay sa wikang Filipino na napapabayaan na ng maraming Filipino bilang isang mahusay na medium sa pagtuturo ng pananampalatayang Islaam. Tanggapin nawa ni Allaah ang ating mga mabubuting gawain at padaliin nawa Niya ang pagsasakatuparan ng ating mga adhikain. Gabayan nawa tayo ni Allaah at gawing kapaki-pakinabang para sa Islaam at sa mga muslim. Jameelah Navarra

[ MULA SA PATNUGOT ]

Hasanah Muslim Lifestyle Magazine

PUBLISHER AND EDITOR: Mujahid Navarra | [email protected] MANAGING EDITOR: Jameelah Navarra | [email protected] CONTRIBUTORS: Waleed Listana | [email protected] Muhammad Dimaano | [email protected] Ameer Garong | [email protected] ADVISORY BOARD Dr. Ibraaheem Al-‘Ateeq Rayan Eboa

SAAN TAYO DAPAT MAGSIMULA? Ang papuri ay kay Allaah at nawa ay dakilain Niya at ingatan mula sa lahat ng kasamaan si Propeta Muhammad sa lahat ng pagkakataon, gayundin ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kasamahan. Normal para sa isang tao ang mangarap. Ang mangarap ng magandang buhay, mga makabagong kagamitan, at iba pa. Subalit para sa isang tunay na mananampalataya, ang pinakamatayog na pangarap niya ay ang pagkalugod ng Panginoon sa kanya dito sa lupa at ang pagpasok niya sa Paraiso sa Kabilang-buhay. Katulad pag-angat ng tao sa iba pang larangan sa buhay tulad ng negosyo at trabaho, ang pag-angat ng isang tao sa kanyang relihiyon ay nakasalalay sa kung saan siya nagsimula. Ang mga muslim ay nagkakasundo na ang dapat na maunang mabuo sa isang muslim ay ang kanyang pundasyong pangkarunungan. Ang karunungan na isang katangian na kung wala tayo nito ay hindi tayo maaaring magkaroon ng tamang pananampalataya at tamang gawa. Sa kasamaang palad sa halip na umangat ang tao sa karunungan ay lumalaganap pa ang kamangmangang panrelihiyon sa mga muslim. Sa kabila ng ating pagiging makabago ay nananatili ang karamihan sa dilim ng shirk at bid'ah. Ito ay sa kadahilanang marami sa mga muslim ang walang interes sa pag-aaral ng relihiyon nila dahil sa kakulangan ng panghihimok sa kanila sanhi na rin ng kawalan ng karunungan sa pakikitungo ng mga taong may karunungan. Balakid din sa interes ng ilang mga muslim ang pagkagiliw sa iba pang uri ng karunungan. Dahil sa pangangailangang ito ay aming binuo ang lifestyle magazine na ito upang makatulong sa isang muslim na makamit niya ang pinakamaganda sa mundong ito at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng paglalahad ng mga balanseng artikulo ukol sa pananampalataya, buhay, teknolohiya, kasaysayan, at iba pa sa pananaw ng isang muslim ayon sa gabay ng Qur-aan at Sunnah. Katotohanan ito ang ito ang pinakamabuting bagay na mahihiling natin kay Allaah. Sinabi Niya: Mula sa kanila ay iyong mga nananalangin, "Panginoon namin bigyan Mo po kami sa mundo ng hasanah (kabutihan) at sa Kabilang-buhay ng hasanah at iligtas Mo po kami mula sa parusa sa Impiyerno." Sooratul Baqarah: 201. Sa unang edisyon nating ito at sa mga susunod pa Insha Allaah ay bibigyan natin ng diin ang kahalagahan ng karunungang panrelihiyon at ang pagsasaalang-alang na maisabuhay ito sa lahat ng larangan ng buhay. Dito tayo dapat magsimula. Gabayan nawa tayo ni Allaah tungo sa mabubuting gawain at pananalita at tanggapin ang mga ito mula sa atin. Maraming, maraming salamat po! Mujahid Navarra 3

MAHALAGA ANG IYONG PAKIKIBAHAGI Sinuman ang nagnanais na makibahagi sa proyektong ito sa pamamagitan ng mga katanungan, sanaysay, komento, kuwento, mungkahi, at iba pang artikulo ay tatanggapin namin at ilalathala sa mga susunod na issue matapos na aming masuri ang nilalaman nito. Ang ating magazine ay tumatalakay sa lahat ng makabuluhang aspeto ng buhay at relihiyon kaya huwag po kayong mag-atubili na na magpadala ng inyong mga ambag. Hindi po natin kailangan maging mga professional upang makibahagi. Ang magazine po natin ay para sa lahat. Makipag-ugnayan lamang po sa ating editor sa pamamagitan ng e-mail. Maraming salamat po. Ang buwanang e-magazine na ito ay isa sa mga lathalain ng Ath-Thaghar Publishing:

MGA NILALAMAN

ANG LAYLATUL QADR, ZAKAATUL FITR, AT SALAATUL 'EID

3

DIGITAL PHOTOGRAPHY

7

ANG AGUINALDO SHRINE

13

ANG KAGALINGAN NG PAG-AARAL

16

ANG PAGMUMUSLIM NI

FR. ANSELM TURMEDA

18

ANG OBLIGASYON NG PAGMAMAHAL SA MAGULANG AT BABALA LABAN SA PAGLAPASTANGAN SA KANILA

20

ABOO BAKR AS-SIDDEEQ

23

OPTICAL ILLUSION

28

ANG MGA PATUNAY NA MAYROONG PANGINOON

30

Ang Apple iPad

32

ANG MAGAZIIINE

34

ANG MGA PANGANIB SA TELEBISYON

35

HASAIN ANG IYONG BOKABULARYONG ISLAMIKO

39

O kayong mga mananampalataya! Huwag kutyain ng sinumang grupo sa inyo ang iba pang grupo dahil ang kinukutya ay maaaring nakahihigit pa kaysa sa kumukutya. Gayundin ay huwag mangutya ang sinuman sa inyong mga kababaihan sa iba pang kababaihan dahil maaaring ang kinukutya ay nakahihigit pa kaysa sa nangungutya. Huwag kayong mamintas sa iba o kaya ay manlibak sa iba sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila ng mga palayaw na masasama. Napakasama na insultuhin ninyo ang inyong kapatid matapos na kayo ay manampalataya. Katotohanan silang gumagawa nito at hindi magbalik-loob mula dito ang mga masasama.

Sooratul Hujuraat: 11

Sinumang muslim ang tumawag sa kanyang kapatid na muslim nang, 'hoy kaafir' o kaya ay 'hoy kaaway ni Allaah' at hindi ito totoo ay babalik lamang ito sa kanya (sa taong tumaguri sa kapatid niya bilang kaafir). Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

Sinabi ni Propeta Muhammad: Hindi makakapasok sa Paraiso ang sinumang mayroong kahit katiting na Pagmamalaki sa kanyang puso… Ang Pagmamalaki ay ang pagtanggi sa katotohanan at pangmamaliit sa ibang tao. Iniulat ni Imaam Muslim.

5

ANG LAYLATUL QADR, ZAKAATUL FITR, AT SALAATUL 'EID

MGA KATANUNGAN UKOL SA LAYLATUL QADR

Tanong: Ano ang kagalingan ng Laylatul Qadr? Sagot: Ang Laylatul Qadr o ang Gabi ng Pagtatakda ay matatagpuan sa buwan ng Ramadhaan kung kailan ibinaba ang Qur-aan mula sa Lawhul Mahfoodh (iniingatang tableta o lapida) tungo sa kalangitan ng lupa na mula naman dito ay ibinaba ito kay Propeta Muhammad sa loob ng 23 taon. Sinabi ni Allaah nang may pagpupuri sa gabing ito: Katotohanan ay ibinaba Namin ito (ang Qur-aan) sa Laylatul Qadr. Ano ang makakapagpaliwanag sa iyo kung ano ang Laylatul Qadr? Ang Laylatul Qadr ay higit na mabuti kaysa sa isang-libong buwan. Bumaba sa gabing ito ang mga anghel at si Anghel Gabriel sa utos ng kanilang Panginoon upang isakatuparan ang pinagpasiyahan ni Allaah. Kapayapaan hanggang sa bukang-liwayway. Sooratul Qadr: 1-5. Si Propeta Muhammad ay naghimok sa mga muslim na hanapin ang kagalingan ng gabing ito: Asamin ninyo ang Laylatul Qadr sa huling sampung araw ng Ramadhaan. Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree. Sinabi rin niya: Sinuman ang magtaguyod ng boluntaryong salaah sa Laylatul Qadr ay patatawarin ang kanyang mga kasalanan na ginawa. Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim. Sa pamamagitan ng mga nabanggit na hadeeth ay malalaman natin na ang Laylatul Qadr ay katumbas ng 83 taon at 4 na buwan na pagsamba. Ito ay nangangahulugan din na wala nang gabi na maihahalintulad pa sa Laylatul Qadr sa kagalingan nito. Tanong: Ano ang dahilan at ibinigay ang Laylatul Qadr bilang isang espesyal na kainaman ng ummah (nasyon) ng mga muslim? Sagot: Si Imaam Al-Khattaabee at ang iba pang mga pantas ng Islaam ay nagkakasundo na ang laylatul qadr ay isa sa mga espesyal na kainaman ng ummah ni Propeta Muhammad lamang. Ito ay dahil sa isinangkot ni Allaah ang gabing ito sa pagkakababa ng Qur-aan:

Katotohanan ay ibinaba Namin ito (ang Qur-aan) sa Laylatul Qadr. Sooratul Qadr: 1. Ang Qur-aan ay ibinaba sa kahuli-hulihang propeta na si Propeta Muhammad. Ito ang patunay na ang Gabi ng Pagtatakda ay para sa ummah ni Propeta Muhammad ang pinakamainam na ummah. Nabanggit ni Imaam Maalik sa kanyang Muwatta' na, 'Ang buhay ng mga tao bago dumating si Propeta Muhammad ay ipinakita sa kanya at napansin niya na ang buhay ng mga muslim sa kanyang ummah ay mas maiksi kaysa sa kanila kaya hindi sila makakagawa ng kasing-daming kabutihan na magagawa ng mga taong nauna sa kanila kaya ibinigay sa kanila ang Gabi ng Pagtatakda na mas mainam pa kaysa sa isanlibong buwan ng pagsamba.' Tanong: Bakit inilihim ni Allaah ang pagdating ng Gabi ng Pagtatakda? Sagot: Ito ay inilihim ni Allaah sa mga muslim upang sila ay higit na magsikap sa mas maraming mga gabi sa buwan ng Ramadhaan lalong-lalo na sa huling sampung araw ng buwan ng Ramadhaan ayon sa sinabi ni Propeta Muhammad, "Asamin ninyo ang Laylatul Qadr sa huling sampung araw ng buwan ng Ramadhaan." Tanong: May mga palatandaan ba ng pagdating ng Laylatul Qadr. Sagot: Si Ibnu Hajar ay nagbanggit ng ilan sa mga palatandaan ng pagdating ng Laylatul Qadr sa kanyang encyclopedia na pinamagatang Fathul Baaree. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Iniulat ni Imaam Muslim na sa araw pagkatapos nito ay sisikat ang araw nang wala itong sinag. Nababanggit naman ni Imaam Ahmad na ang gabing ito ay napakamaliwanag na para bagang may buwan na nagpapaliwanag sa gabing ito. Ang panahon ay mapayapa at hindi masyadong mainit o malamig. Sinabi naman ni Ibnu Khuzaymah na sa gabi nito ay nakakalat ang mga anghel sa lupa na mas marami pa kaysa sa mga bato sa mundo.

ANG ZAKAATUL FITR

Ang zakaatul fitr ay ginawang obligado ni Propeta Muhammad. Ito ay dapat bayaran ng isang muslim na malaya man o alipin, lalaki o babae, bata man o matanda. Ito ay babayaran ng isang tao para sa kanyang sarili at para sa sinumang muslim na kanyang tinutustusan. Ito ay bilang pagpapadalisay mula sa mga pagkukulang na nagawa sa buwan ng Ramadhaan at pagpapakain sa mahihirap. Ito ay isang saa' (3 kilo) ng kahit anumang palasak na pagkain sa isang lugar tulad ng dates, bigas, atbp. Ang maaaring tumanggap nito ay ang muslim na may pangangailangan lamang at hindi maaaring ibigay sa isang hindi muslim o mayaman na muslim. Ito ay dapat bayaran 2 araw bago ang 'eid at bago ang salaatul 'eid. Kung ito ay naibigay niya bago ang salaatul 'eid ay ituturing itong zakaah subalit kung hindi niya ito magawa ay dapat pa rin niya itong bayaran at ito ay tatanggapin bilang kawanggawa.

ANG SALAATUL 'EID Ito ay ginawang obligado ni Propeta Muhammad kahit sa mga nagbibinata pa lamang o nagdadalaga at may buwanang-dalaw at sila ay sumasama sa pananalangin ng mga muslim. Ang mga babaeng may buwanang-dalaw o pagdurugo dahil sa panganganak ay dapat manatiling malayo sa musallaa (lugar na pinagdadausan ng salaah. Ang oras nito ay nagsisimula kapag ang araw ay umangat na mula sa horizon mga isang oras matapos ang tuluyang pagsikat nito. Ito ay dapat isagawa sa isang disyerto o malaking bakanteng lote maliban na lamang kung mayroong mabigat na kadahilanan tulad ng kawalan ng bakanteng lote o kalayuan nito. Mainam kung iaantala nang kaunti ang salaah ng 'eidul fitr upang makapagbayad ang mga tao ng kanilang zakaatul fitr at padaliin ang salaah ng 'eidul adhhaa para makapagkatay nang maaga ang mga tao.

6

Mainam kung kumain muna ng tatlo o mahigit pang tamr bago ang pagpunta sa salaah. Mabuti para sa isang lalaki na maligo, magsuot ng pinakamaganda niyang damit, at magpabango papunta sa salaatul 'eid. Mainam kung siya ay dadaan sa iba pang daan na dinaanan niya papunta sa 'eid sa kanyang pag-uwi. Ang salaatul 'eid ay dalawang rak'ah nang walang adhaan o iqaamah. Magsasambit ang imaam ng pitong takbeer (pagsasabi ng Allaahu Akbar) sa unang rak'ah at lima naman sa ikalawa. Siya ay magtataas ng kanyang kamay sa bawat takbeer. Sa bawat pagitan ng takbeer ay magsasambit siya ng alhamdulillah at salaatun nabee (pagsasabi ng Allahumma salli ‘alaa Muhammad – nananalangin ako ng pagdakila ni Allaah para kay Propeta Muhammad). Matapos ito ay babasahin niya nang malakas ang sooratul faatihah at ang mga soorah. Matapos niya pamunuan ang mga tao sa salaah ay tatayo siya, haharap sa mga tao, at bibigkasin ang kanyang khutbah katulad ng khutbah kapag jumu'ah. Sunnah na sambitin ang takbeer mutlaq: Allaahu akbar, allaahu akbar, allaahu akbar, laa ilaaha illallaah, allaahu akbar, allaahu akbar, wa lillaahil hamd. *Ang akdang ito ay salin mula sa Manhajus Saalikeen at Fiqhul Muyassar.

Sinabi ni Sufyaan bin 'Oyaynah: "Walang tao sa mundo ang hindi nahahawig sa mga hayop sa isang bagay. May ilang mga tao na dinudurog nila ang ulo ng kanilang mga biktima tulad ng mga leon; ang ilan ay tumatakbo na parang mga lobo; ang iba ay kumakahol na parang aso; ang iba ay ipinagmamalaki ang kanilang mga sarili tulad ng mga paboreal (peacock). Ang iba naman ay parang mga baboy na kapag binigyan mo sila ng malinis na pagkain ay aayawan nila ito, subalit kung may isang taong dumumi ay pupuntahan nila ang dumi nito at magpapagulong-gulong dito. Dahil dito ay makikita mo ang ilang mga tao na kapag nakarinig sila ng limampung pananalitang may karunungan mula sa isang tao ay hindi nila ito maaalaala ngunit kapag ang isang tao ay nakagawa ng pagkakamali ay hindi nila ito makakalimutan."

Asamin ninyo ang Laylatul Qadr sa huling sampung

araw ng Ramadhaan.

Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree.

7

Ang itinuturing na kauna-unahang picture na kuha ni Joseph Niepce noong 1825 gamit ang proseso na tinatawag na heliograph gamit ang ilang uri ng kemikal.

Ang camera noon ay masyadong malaki at ang photographer ay nangangailangan ng isa o mahigit pang katulong.

Kauna-unahang colored picture noong 1861 na kuha ni James Maxwell.

Isang makabagong film.

Sensor at cutout view ng isang DSLR.

*Ang mga larawan sa pahinang ito ay mula sa Wikipedia at Steve’s Digital Cameras liban sa film.

DDDIIIGGGIIITTTAAALLL PPPHHHOOOTTTOOOGGGRRRAAAPPPHHHYYY

8

Natural para sa tao na mawili sa pagtingin sa mga magagandang bagay kaya nga’t mula pa noong unang panahon ay bahagi ng kultura ng mga tao ang visual arts na kinabibilangan ng mga iskultura, paintings, at drawings. Katotohanan ay maraming mga sinaunang sibilisasyon ang nag-iwan ng bakas ng kanilang kultura sa pamamagitan ng mga painting sa mga yungib o kaya ay sa mga banga. Ang photography ay isang bagong uri ng sining na dumating lamang dahil sa pagkakaimbento ng camera. Ang camera ay isang aparato na nagtatala ng liwanag sa isang medium na tinatawag na film o kaya ay sensor. Sinasabing ang konsepto ng camera ay naimbento ng isang muslim na si Ibnul Haytham noong ika-11 siglo sa pamamagitan ng pagpapatunay niya na kayang magaya ang isang tanawin sa artipisyal na pamamaraan sa loob ng isang madilim na kwarto sa pamamagitan ng pagpasok ng liwanag sa isang maliit na butas. Ang tanawin na nasa tapat ng maliit na butas na ito ay makikita sa pagtama ng liwanag sa katapat nitong pader nang nakabaliktad. Ang mga sumunod na nagpaunlad ng camera ay nag-imbento na lamang ng mga lente, mas maliliit na mga kahon, at mga kemikal na kung saan ay maitatala ang liwanang na ito upang maging isang larawan. Ang salitang photography ay hango sa dalawang salitang Griyego na 'photo' na nangangahulugang liwanag at 'graphein' na nangangahulugang pagsulat. Ang makabagong film ay naimbento ni George Eastman na siyang nagtatag ng Kodak company sa simula ng ika-20 siglo. Sa katapusan ng ika-20 siglo ay naimbento ang digital camera. Ang digital camera ay gumagamit ng isang electronic sensor bilang kapalit ng film. Ang digital camera ay mas mahal kaysa sa film camera subalit nagiging pabor ang marami sa paggamit ng digital camera dahil sa maaari kang kumuha ng larawan nang paulit-ulit at ito ay makikita mo at maipapa-imprenta kaagad taliwas sa film na ang isang rolyo ay para sa 36 na larawan lamang para sa 35mm format at kailangan mo pang maghintay sa pag-develop nito na nagiging mas magastos sa katagalan dahil sa kamahalan ng serbisyo o mga kagamitan dito. Sa kabila nito ay marami pa rin ang gumagamit ng film dahil sa personal na pagpili ng isang photographer katulad ng kung paanong marami pa rin ang nagbabasa ng diyaryo at nakikinig sa radio sa kabila ng pagkakaimbento ng telebisyon at internet. May mga camera na tinatawag na DSLR (Digital Single Lens Reflex Camera). Ito ang karaniwang gamit ng mga photojournalist dahil sa bilis nitong kumuha ng larawan, sa mas malaki nitong sensor kung ihahambing sa isang compact camera o celphone camera, at dahil sa maaari kang magpalit ng lente nito ayon sa ibat ibang pangangailangan. Ang digital compact camera ay mas mura kaysa sa DSLR subalit hindi rin pahuhuli sa kalidad lalo na iyong mga primera klase. Madalas ay built-in ang mga lente ng mga ito ngunit mayroon na ring mga compact camera na napapalitan ang lente tulad ng Sony NEX-3. Ang mga compact cameras na ganito ay tinatawag na ILC o interchangeable lens compact. Ang mga compact cameras ay lamang sa DSLR sa liit at gaan nito. Ang ilang compact cameras din ay mayroong super-telephoto lenses at ang iba ay abot na sa 30x optical zoom kaya practical na dalhin araw-araw para sa mga hindi maselang photo shoot. Habang tumatagal ay gumaganda na rin ang kalidad ng mga camera phone subalit hindi inaasahan na matatapatan nito ang mga totoong camera dahil sa liit ng sensor nito. Katotohanan ay maraming mga photographer ang nakakakuha ng mga magagandang larawan gamit ang kanilang mga celphone camera lamang. Ang celphone camera din ay nagbigay-daan sa citizen journalism sa pagpapadala ng mga ordinaryong mamamayan ng mga balita sa pamamagitan ng celphone camera lamang tulad ng report ng mga

pangyayari ilang sandali lamang matapos ang pambobomba sa isang subway sa London noong 2005, ang Pagbitay kay Saddam Hussein, gayundin ang pananalasa ng bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.

Larawang kuha gamit ang Sony DSC H10, isang compact camera.

Larawang kuha gamit ang N73 camera phone. May mga lente ng mga DSLR ang tinatawag na telephoto lenses na nababago ang focal length na ang ibig sabihin ay puwede mong mapalapit ang tanaw mo sa kinukuhanan mo ng larawan kahit hindi ka lumakad palapit. Mayroon namang mga prime lenses na hindi mo nababago ang focal length bagkus ay dapat kang maglakad palayo o palapit sa kinukuhanan mo o kaya ay i-edit ang larawan pagkatapos sa computer sa pamamagitan ng pagputol o cropping upang maimprenta ang bahagi lamang ng larawan na gusto mo. Ang mga prime lens ay sinasabing may higit na mataas na kalidad kaysa sa telephoto dahil sa kaunting bahagi nito na gumagalaw. May tinatawag din na mga fast lenses na mas malaki ang aperture o butas sa loob ng lente kaya mas mabilis pumasok ang liwanag kaya makakakuha ka pa rin ng magandang larawan kahit madilim o kahit gumagalaw nang mabilis ang kinukuhanan mo. Maaari kang gumamit ng lente na tinatawag na super-telephoto lenses na parang teleskopyo upang makakuha ng larawan ng isang bagay mula sa malayo at mayroon ding lente na tinatawag na wide-angle lenses na may malawak na saklaw kaya hindi mo na kailangang lumayo masyado upang kuhanan ng larawan ang isang malaking building sa harapan mo.

9

Larawan ng Manila Cathedral na ginamitan ng wide-angle lens gamit ang Canon 1000d DSLR.

Larawan ng gagambang-bahay na ginamitan ng macro lens.

May tinatawag din na macro lenses na ginagamit sa pagkuha ng larawan ng malilit na bagay. May macro capability din ang ibang telephoto lenses ngunit ito ay hindi katulad ng dedicated macro lenses. Ang liwanag sa pagkuha ng larawan o ang tinatawag na exposure ay may tatlong aspeto.

- Aperture o laki ng butas ng lente na pinapasukan ng liwanag. Ang nalaking butas ay may maliit na depth of field o ibig sabihin ay magiging out of focus ang ibang bahagi ng larawan mo. Ang maliit na aperture ay may malaking depth of field na ibig sabihin ay nasa focus ang buong larawan. Maganda gamitin ang malaking aperture sa mga larawan na gusto mong bigyang pansin ang isang bahagi kaysa sa iba pa samantalang ang maliit ay maganda para sa landscape upang magawa mong naka-focus ang lahat. Sa camera, ang mas maliit na numero ay nangangahulugang mas malaking aperture halimbawa ay ang f2 ay mas malaki kaysa f32.

- Shutter speed o bilis ng pagsara ng shutter curtain na siyang pumipigil upang pumasok ang liwanag upang maging focused at hindi blurred ang bagay na kinukuhanan ng larawan kung ito ay mabilis gumalaw. Ito rin ay pinapabagal kung madilim ang paligid. Ang shutter speed ay sinusukat sa 1/x segundo. Kapag mas malaki ang denominator ay mas mabilis ang shutter speed.

- Ang ISO ay ang sensitivity ng sensor. Ang mas malaking numero ay nangangahulugang mas mabilis na pagtala ng liwanang ang sensor. Ang kapalit lamang nito ay ang pagkakaroon ng tinatawag na noise sa matataas na bilang ng ISO. Ang noise ay ang paglabas ng mga parang tuldok sa larawan na minsan ay nakakapangit nito at minsan ay nakakapagpaganda depende sa istilo ng photographer.

Ang tatlong ito ay magkakatuwang na kapag bumaba ang kahit isa sa kanila ay bababa ang exposure o didilim ang larawan. Kaya kailangan ng compensation o pagbalanse dito. Halimbawa kung kukuha ka ng larawan ng kotse na mabilis tumakbo ay gagamit ka ng mabilis na shutter speed upang hindi ito maging blurred kaya gagamit ka ng malaking aperture halimbawa ay F2at mataas na ISO na halimbawa ay 1600 para makakuha ka ng maliwanag na larawan na hindi blurred sa shutter speed na sabihin nating 1/1000 ng segundo.

Masjid sa Jeddah na kinuhanan ng larawan gamit ang telephotolens.

10

Larawan na kinuha gamit ang mabagal na exposure dahil madilim ang kalsada. Ang camera ay hindi katulad ng mata na nakakakita nang maayos sa dilim. Ang sensor ay nagtatala ng liwanag lamang kaya ang mga sasakyan ay hindi na halos makita dahil higit na maliwanag ang mga headlights at taillights kaya ito ang higit na nakikita. Ito ay ginagamit ng maraming photographer upang makakuha ng special effects sa kanilang mga larawan.

Ang larawang ito ay kinuhanan nang may 30 minuto na exposure habang ang camera ay nakapatong sa tripod at kontrolado ng remote shutter control. Ang mga guhit na nakikita ninyo ay ang mga bituin na naitala sa sensor bilang guhit dahil sila ay nag-iiba ng posisyon habang umiikot ang mundo.

Mapapansin na malabo ang background sa larawang ito ng isang insekto dahil ginamitan ito ng malaking aperture. Gumamit din ng mabilis na shutter speed upang makuhanan ito bago pa lumipad.

Ginamit ang mabilis na shutter speed sa pagkuha ng larawan ng tubig na ihinagis upang magmukha itong nakalutang sa hangin. Sa pagkuha ng mga larawan ay binibigyan din ng konsiderasyon ang composition o ang pagkakaayos ng mga bagay na makikita sa larawan upang higit ito na magandang tingnan. Ang composition sa photography ay tulad din ng iba pang visual arts. May mga pamantayan sa komposisyon subalit sa bandang huli ay nasa photographer ang desisyon kung susundin ba niya ito o hindi. Ang photography ay isang sining at ang maganda sa isa ay maaaring pangit para sa isa pa. Ang mahalaga dito ay makamit natin ang layunin ng ating sining. Ang layunin ng aking sining ay ang iparating sa mga tao ang mga kuwento ukol sa ibang lugar o tao sa pamamagitan ng mga larawan dahil ang mga larawan ay katumbas ng libo-libong mga salita.

ANG DIGITAL PHOTO MANIPULATION

Maaari mong baguhin ang isang digital na larawan sa pamamagitan ng isang digital photo manipulation software tulad ng adobe photoshop sa isang computer. Narito ang ilang halimbawa ng mga larawan at ang resulta ng pagbabagong ginawa sa mga ito ayon sa effect na gusto natin. Marami tayong magagawang special effects sa kahit na anong larawan na naisin natin.

Ang Aguinaldo Mansion bago ang digital manipulation.

11

Ang Aguinaldo Mansion na pinagmukhang Haunted House. Maaari mo ring gamitin ang digital manipulation sa pagsasama-sama ng ibat-ibang mga larawan upang makabuo ng mga tanawin na wala sa totoong buhay o kaya ay gawa-gawa lamang.

Ang larawang ito ay binubuo ng dalawang larawan na pinagdugtong; ang langit at ang ilog.

Binago ang kulay ng bulaklak na ito upang magmukhang ginuhit lamang samantalang ito ay mula sa larawan ng isang tunay na bulaklak. Ito ay tinatawag na Charles Schwab Effect.

Ito ay isang halimbawa ng larawang kathang-isip.

Binuo ang composite ng apat na larawang ito at nilagyan ng frame at title sa pamamagitan ng adobe photoshop.

Binago ang kulay ng larawang ito upang magmukha itong parang isang eksena sa panaginip. Ito ay tinatawag na Orton Effect.

12

Isang tula na inilapat sa isang larawan.

Isang disenyo na maaari lamang magawa sa pamamagitan ng digital photo manipulation.

Isang larawan na pinagmukhang luma.

Ang digital photography ay isang magandang medium sa mabilis na pagpaparating ng mga balita. Higit pang lumawak ang pakikiisa ng mga ordinaryong mamamayan sa paghahatid ng mga balita sa pagkakaimbento ng digital camera dahil ilang segundo lamang ay puwede mo na ito ipadala by e-mail. Lalong bumilis ang paghahatid ng mga balita sa pagkakaimbento ng mga high recolution camera phone na may kakayanan na magpadala ng mga larawan sa pamamagitan ng MMS o e-mail.

Larawan ng sunog sa gas station sa Suwaydi St. sa Riyadh, Saudi Arabia noong 2009.

Larawang kuha sa Pasig City noong kasagsagan ng baha na dulot ng bagyong Ondoy noong 2009.

ANO ANG HATOL NG ISLAAM SA PHOTOGRAPHY?

Ang mga pantas ng Islaam ay nagkakaiba ng opinyon ukol sa Photography. Gayunpaman ay nagkakasundo sila sa pagbabawal ng pag-display ng mga larawan ng mga bagay na may buhay sa picture frame at iba pang paraan. Pinahihintulutan ng ibang mga pantas ang pagkakaroon ng mga larawang mahalaga tulad ng para sa mga dokumentasyon tulad ng mga ID, passport, at iba pa. Wala namang problema sa pagkuha ng picture ng mga tanawin at kahit i-print pa ito o i-display hanggat walang bagay na may buhay na kasama sa larawang ito.

Ang Aguinaldo Shrine ay ang siyang tahanan ng unang pangulo ng Pilipinas na si Gen. Emilio Aguinaldo. Ito ngayon ay isa nang museo na bukas para sa lahat. Ito ay matatagpuan sa Kawit, Cavite at dumadaan sa harap nito mismo ang mga bus galing ng Lawton o Baclaran.

Larawan ng Aguinaldo Mansion matapos ang pagpagpapahayag ng Kalayaan mula sa mga kastila bago ang mga ginawang pagbabago sa arkitektura nito na makikita sa panahon natin ngayon.

Ang balkonahe na kung saan ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanya.

Ang study room ni Emilio Aguinaldo. Ang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas ay ang siyang pagsisimula rin ng Unang Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo.

Ang kusina ng Aguinaldo Mansion.

Ang Hilagang bahagi ng Aguinaldo Mansion.

13

AAANNNGGG

AAAGGGUUUIIINNNAAALLLDDDOOO SSSHHHRRRIIINNNEEE

Ang facade ng Aguinaldo Mansion. Sa balkonahe nito ipinahayag ang kalayaan mula sa mga Espanya sa pamamagitan ng pagbasa ng Acta de la Independencia del Pueblo Filipino na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista. Habang tinutugtog ng banda ng San Francisco de Malabon ang Marcha Nacional Filipina na kinatha ni Julian Felipe ay opisyal na iwinagayway ang bandila ng Pilipinas na tinahi ni Doña Marcela Marino de Agoncillo sa Hongkong. Ang Marcha Nacional Filipina ay nilapatan ng mga titik ng isang tula ni Jose Palma at ito ay ating nakikilala ngayon bilang ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Ang likod-bahay ng Aguinaldo Mansion.

Monumento ni Emilio Aguinaldo.

Diorama ng labanan sa Binakayan.

Ilan sa mga personal na gamit ni Emilio Aguinaldo.

Ang Aguinaldo Shrine ay libre para sa mga gustong pumasok at pinahihintulutan ang pagkuha ng mga pictures sa loob nito.

14

Tanawin ng likod-bakuran ng Aguinaldo mansion mula sa ikalawang palapag.

Hapag-kainan sa Aguinaldo Mansion.

Isa sa mga silid sa Aguinaldo Mansion.

Ang opisina ni Emilio Aguinaldo.

Bowling lane sa Aguinaldo Mansion.

15

Panorama ng looban ng Aguinaldo Mansion Balcony.

Ang piano sa kaliwa ay ang mismong ginamit sa pagtugtog ng Marcha Nacional Filipina noong araw ng pagpapahayag ng kalayaan.

AAANNNGGG KKKAAAGGGAAALLLIIINNNGGGAAANNN NNNGGG PPPAAAGGG---AAAAAARRRAAALLL

MGA URI NG KARUNUNGAN AYON SA MGA HATOL DITO 1. Fardhu ‘Ayn (Obligado sa lahat ng Muslim) Ito ay ang kaalaman ukol sa Tahaarah, Salaah, Zakaah, Pag-aayuno, Hajj, at iba pa. 2. Fardhu Kifaayah (Obligado sa ilang miyembro ng pamayanang Muslim) Ito ay ang kaalaman ukol sa Saligan ng Fiqh, wikang Arabik, at iba pa. Bagaman obligado ang magkaroon ng kaunting karunungan dito. 3. Nafl (Boluntaryo) Ito ay ang pag-aaral ng mga siyensiya at iba pang karunungan. ANG MGA KAGALINGAN NG PAG-AARAL Sinabi ni Allaah: O Panginoon, dagdagan po Ninyo ang aking kaalaman. Soorah Taa Haa: 114. Sabihin (O Muhammad), ‘Magkatulad ba ang mga may alam at ang mga walang alam?’ Sooratuz Zumar: 9. Iniaangat ni Allaah sa matataas na antas iyong mga nananampalataya sa inyo at iyong mga binigyan ng kaalaman. Sooratul Mujaadalah: 11. Katotohanan, ang mga may takot kay Allaah ay iyong mga taong may karunungan. Soorah Faatir: 28. At iyon ang mga halimbawa na ibinibigay Namin sa mga tao at walang nakauunawa sa kanila maliban na lamang sa mga may 16

karunungan (sa mga palatandaan ni Allaah). Sooratul 'Ankabut: 43) Ang siya bang nakaaalam na ang ipinahayag sa iyo ng iyong Panginoon ay katotohanan ay tulad ng isang bulag? Sooratur Ra'd: 43. Sinabi ni Propeta Muhammad: Sinuman ang naisin ni Allaah para sa kanya ang kabutihan ay ipauunawa sa kanya ang relihiyon. Muttafaqun ‘Alayhi. Walang pagkainggit maliban na lamang sa dalawa; sa isang taong binigyan ng kayamanan at ginagasta niya ito sa kawanggawa at isang taong binigyan ng kaalaman at siya ay humahatol ayon dito at nagtuturo nito. Muttafaqun ‘Alayhi. Sinuman ang tumahak sa landas ng karunungan ay padadaliin ni Allaah para sa kanya ang landas patungong Paraiso. Iniulat ni Imaam Muslim. Ang buhay sa mundo ay isinumpa at ang lahat ng naririto ay isinumpa maliban na lamang sa pag-aalaala kay Allaah, pagsunod sa Kanya, at pag-aaral at pagtuturo. Iniulat ni Imaam At-Tirmidhee. Sinabi ng mga Pantas ng Islaam: Sinabi ni Imaam Ash-Shaafi'ee, "Matapos ang mga obligadong gawain ay wala nang mas minamahal ni Allaah kaysa sa paghahanap ng karunungan." Sinabi ni Abud Dardaa', "Ang pag-aaral nang isang oras ay mas mabuti pa kaysa sa pagdarasal ng tahajjud sa buong gabi." Sinabi ni Az-Zuhri, "Wala nang iba pang mas magandang paraan ng pagsamba kay Allaah kaysa sa paghahanap ng karunungang panrelihiyon." Sinabi ni Sa’eed ibn Musayyib, "Ang pagsamba kay Allaah ay hindi lamang sa pamamagitan ng Pag-aayuno, Pagkakawang-gawa, at Salaah kundi sa pamamagitan ng pag-unawa sa relihiyon."

ANG MGA MABUBUTING PAG-UUGALI SA PAG-AARAL

1. Ang Ikhlaas. Ang ikhlaas ay ang paggawa ng pagsamba nang alang-alang lamang sa Panginoon at

umaasa sa gantimpala nito nang walang halong pagpapakitang-tao o pag-aasam ng material na kapalit. Sinabi ni Ash-Shaafi'ee, "Hinihiling ko na matutunan ng mga tao ang karunungang ito sa akin nang hindi nila isasangkot sa akin ang kahit isang titik na natutunan nila. Sinabi rin niya, "Hindi ako nakipagtalo kaninuman upang manalo sa debate; bagkus ay hinihiling ko pa nga na ang katotohanan ay manggaling sa kanyang panig." 2. Pagpapakumbaba. Isa sa mga nagpapakita ng pagpapakumbaba ay ang pagkatutong mag-aral sa ilalim ninumang may kaalaman. Sinabi ni Mujaahid (isang tagapagpaliwanag ng Qur-aan). "Ang karunungan ay hindi makakamit ng isang mahiyain o mayabang." Sinabi ni Imaam An-Nawawee na hindi ka magiging pantas hanggat hindi ka magturo ng karunungan na natutunan mo mula sa mga mas marunong pa sa iyo, mga kasing-dunong mo, at mula sa mga may mas mababang antas ng karunungan kaysa sa iyo. 3. Pag-aaral sa tamang pagkakasunod-sunod. Dapat na maunang pag-aralan ang mga pinaniniwalaan sa Islaam, Fiqh, at talambuhay ni Propeta Muhammad. Matapos ito ay kailangan niyang magkabisabo ng Qur-aan at mag-aral ng talambuhay ng mga Sahaabah at Iskolar. 4. Pagsasamantala sa lahat ng pagkakataon upang mag-aral. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagbabasa, panonood o pakikinig ng mga lecture sa tape, DVD, at iba pa. Mainam din ang pagdalo sa mga aralin ng mga Iskolar tuwinang may pagkakataon at pagtatanong sa kanila. Sinabi ni Yahyaa bin Abee Katheer, "Ang karunungan ay hindi makakamit sa pamamagitan ng pagpapahinga ng katawan." Iniulat din na ang mga pantas noong unang panahon ay nagtatalaga ng isang taong magbabasa para sa kanila ng isang teksto tuwing papasok sila ng palikuran upang magamit pa rin nila ang oras na ito sa pag-aaral. Gayundin tayo sa panahon ngayonay maaari tayong makinig sa mga aralin habang nagluluto, naglalaba, o gumagawa ng iba pang gawaing bahay.

17

5. Pagkatutong magsabi ng ‘hindi ko alam’. Ang mga pantas noong unang panahon ay nagsasabi na ang kalahati ng karunungan ay ang pagsasabi ng laa adree – hindi ko alam. Minsan ay may isang taong naglakbay nang napakalayo upang itanong kay Imaam Maalik ang ukol sa 35 na katanungan at sumagot siya sa karamihan ng mga katanungang ng hindi niya alam. Ito ay pagpapakita ng kanyang pagpapakumbaba at karunungan. 6. Pagkatutong gumalang at magmahal sa guro. Dapat sikapin ng isang mag-aaral ang sikapin na sumama palagi sa guro. Siya ay hindi dapat pumansin sa mga kapintasan ng guro sa kanyang ugali dahil ang mahalaga ay ang kanyang karunungan. Ang ilan sa mga mag-aaral noong unang panahon ay nananalangin na itago ni Allaah mula sa kanila ang kahinaan ng kanilang mga guro. Ang masamang kahihinatnan nito ay kung ang isang guro na iyong pinakapipitagan at makakitaan mo ng mga pagkakamali ay magiging dahilan ito upang bumaba ang tingin mo sa kanya at talikuran mo ang pag-aaral sa ilalim niya. Ang pantas ay nagkakamali rin Bagaman dapat isantabi ang mga pagkakamali mayroong malaking pinagkaiba ang personal na pagkakamali at pagkakamaling may kinalaman sa relihiyon at ito ay dapat din nating isaalang-alang. Kung ang isang pantas ay nagkakamali sa kanyang mga itinuturo lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa pananampalataya ay nararapat tayong humingi ng tulong sa iba pang mas marunong upang mapayuhan siya. 7. Higit na pagkatuto sa guro kaysa aklat. Sinabi ni Allaah: Magtanong sa mga may karunungan kung hindi kayo nakakaalam. Sooratun Nahl: 43. Sinabi ni Imaam An-Nawawee na ang isang mag-aaral ay dapat maniguro na ang karamihan ng kanyang karunungan ay galing sa isang buhay na guro kaysa sa mga aklat na pangalawang pagkukunan lamang. Kapag ikaw ay nagbasa ng aklat ay hindi mo masisiguro kung naunawaan mo ba ang pakay ng may-akda sa kanyang sinulat. Hindi mo rin malalaman kung ano ang antas ng iyong karunungan kung ikaw ay hindi makikipag-usap sa isang buhay na guro. Ang problema sa pagbabasa lamang ay hindi mo rin alam kung paano makitungo sa mga taong may karunungan, kung paano magturo, at kung paano igalang.

ANG MGA BALAKID SA PAG-AARAL

1. Ang Pagkaabala sa mga Gawaing Pangmundo. Kabilang dito ang pagkaabala sa negosyo, paglilibang, at iba pang gawaing pangmundo. Dapat malaman ng tao na ang biyaya na matatanggap niya sa mundo ay nakatala na at ito ay hindi na mababawasan o madaragdagan ngunit ang matatamo niya sa Kabilang-buhay ay madaragdagan ayon sa kanyang pagsisikap sa mga gawaing panrelihiyon na dapat nating higit na pagsikapan dahil sa ito ay pang habang-panahon. 2. Ang Pagmamalaki at Kayabangan. Ito ay sa pamamagitan ng pag-aakala ng tao na napag-aralan na niya ang lahat, sa pag-aakala ng tao na mas marunong pa siya kaysa sa nagtuturo, o sa pag-aakala na mas marunong pa siya sa lahat dahil graduate siya ng islamic university. Ito ay naipapakita sa labis na pagpuri sa sarili at pagmamaliit sa iba. Ang Kayabangan ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagkilala na ang karunungan ay ipinahiram lamang ni Allaah sa kanya at si Allaah ay magbibigay at babawi ayon sa Kanyang kagustuhan – at ang karunungan ay hindi dahil sa sarili niyang pagsisikap. Makakatulong din dito na alalahanin ang mabigat na parusa ni Allaah sa sinumang nag-aral lamang upang magpakitang-tao o magyabang. 3. Ang Labis na Pagkamahiyain. Ito ay sa pamamagitan ng hindi pagtatanong dahil sa iniisip niya na siya ay pagtatawanan at sa hindi pagsagot sa tanong sa pag-aakala na baka pagtawanan siya kapag mali ang sagot niya. Sinabi ni Mujaahid (isang tagapagpaliwanag ng Qur aan). "Ang karunungan ay hindi makakamit ng isang mahiyain o mayabang." 4. Ang Kawalan ng Pag-asa. Ito ay sa pag-aakala na siya ay masyado nang matanda upang mag-aral, ang pag-aakala na sa Islamic University lamang maaaring matutunan ang Islaam kaya ayaw niya mag-aral sa ilalim ng iba pang guro, o ang pag-aakala na masyado na siyang makasalanan upang magbago at mag-aral. Ang pag-aaral sa Islaam ay tuloy-tuloy na gawain at walang katapusan. Katotohanan marami sa mga sahaabah ang naging Muslim nang sila at matatanda na subalit hindi ito pumigil sa kanila upang mag-aral.

5. Ang Riyaa’ (pagpapakitang-tao). Ito ay sa pamamagitan ng pag-aaral upang tawagin siyang ustadh o guro ng Islaam balang araw o kaya ay ipang igalang sa kanilang tribo o lipunan. Ang Pagpapakitang-tao ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagkilala na kung ang lahat ng mga nilikha ay magsasama-sama ay wala silang kakayanan na makapagdulot sa iyo ng kasamaan o kabutihan kaya bakit tayo maghahabol na magustuhan nila tayo? Sinabi ni Propeta Muhammad: Sinuman ang maghangad ng karunungan na dapat ay hindi hinahangad maliban na lamang na alang-alang kay Allaah kundi ay nag-aaral upang magkamit ng pakinabang na pangmundo ay hindi makakaamoy ng halimuyak ng Paraiso sa Araw ng Paghuhukom. Iniulat ni Aboo Daawud. 6. Ang Pagiging Mainggitin. Ang isang tao, kapag nakakita ng mga taong nakahihigit o mas mataas kaysa sa kanila sa materyal na bagay, kasikatan, o karunungan at hindi niya ito mapantaya o hindi siya kuntento sa ibinigay sa kanya ng Panginoon ay nakararamdam ng pagkainggit. Ito ay nagiging sanhi ng paninirang-puri niya at iba pang hindi mabuting bagay laban sa taong kanyang kinaiinggitan. Sinabi ni Propeta Muhammad: Walang pagkainggit maliban na lamang sa dalawa; sa isang taong binigyan ng kayamanan at ginagasta niya ito sa kawanggawa at isang taong binigyan ng kaalaman at siya ay humahatol ayon dito at nagtuturo nito. Muttafaqun ‘Alayhi. Ang pagkainggit ay nagpapakita lamang na ang iyong gawain ay para sa pagkalugod sa iyo ng mga tao at hindi para sa pagkalugod sa iyo ng Panginoon. 7. Ang Pamimilosopo. Ito ay sa pamamagitan ng labis na pagtatanong ukol sa mga bagay-bagay kahit ito ay maliwanag na, ang pagtatanong upang sukatin ang karunungan ng guro, o kaya ay upang ipakita sa iba ang kanyang karunungan. Sinabi ni Propeta Muhammad: Anuman ang ipinagbawal ko sa inyo ay layuan ninyo at kung anuman ang iniutos ko sa inyo ay gawin ninyo sa abot ng inyong makakaya. Katotohanan ang siyang nagwasak sa mga taong nauna sa inyo ay ang masyado nilang pagtatanong at ang pagtaliwas nila sa kanilang mga propeta. Muttafaqun ‘Alayhi.

18

anumang desisyon o pakinabang mula sa pulong na ito. Nagtungo ako sa bahay ng aking tagapagturo – ang matandang Pari na si Nicholau Martel at tinanong niya ako, "ano ang nangyari sa inyong talakayin sa araw na ito habang ako ay wala?" Sinabi ko sa kanya na ang mga tao ay nagtalo ukol sa tinutukoy ng pangalang Parakleto at binanggit ko sa kanya ang opinyon ng iba’t ibang tao at tinanong niya sa akin, "Ano ang isinagot mo?" Sinabi ko, "Ayon sa kung ano ang pagkakapaliwanag ng isang pantas sa Ebanghelyo." Sinabi niya sa akin, "Ikaw ay malapit sa pagiging tama katulad ng ibang mga Pari at ang iba ay nagkamali. Subalit ang katotohanan ay iba sa lahat ng iyon dahil ang karunungan ukol sa kahulugan ng dakilang pangalan na ito (ang Parakleto) ay kakaunti." Ako ay lumuhod sa harapan niya at hinalikan ang kanyang mga paa at sinabi sa kanya, “Aking Guro, nalalaman mo na ako ay naglakbay tungo sa iyo mula sa malayong lugar at ako ay naging tagapaglingkod mo sa loob ng sampung taon. Mula sa iyo ay nagkamit ako ng karunungan na hindi ko masusukat. Kaya biyayaan ninyo ako sa pamamagitan ng pagsasabi sa akin ng katotohanan ukol sa pangalang ito.” Umiyak ang Pari at sinabi sa akin, “Aking anak…isinusumpa ko sa Panginoon, ikaw ang pinakamamahal sa akin dahil sa iyong paglilingkod. Ang pagtatanong mo sa akin ng kahulugan ng dakilang pangalan na ito ay may malaking kapakinabangan ngunit natatakot ako na kapag nalaman ng mga Kristiyano na ito ay nalalaman mo ay papatayin ka nila agad-agad." Sinabi ko sa kanya, "O aking Guro! Isinusumpa ko kay Allaah, sa katotohanan ng Ebanghelyo na ipinahayag kay Jesus, hindi ko ipagsasabi ang tungkol sa bagay na iniutos mo na aking ilihim maliban na lamang kung iloloob mo ito." Sinabi niya sa akin, "Aking anak! Katotohanan ako ay nagtanong sa iyo noong una nang dumating ka sa akin kung ang bayan mo ba ay malapit sa mga Muslim at tinanong kita kung nilulusob ba nila kayo o nilulusob ba ninyo sila upang malaman ko ang iyong pagkamuhi sa Islaam. "Dapat mong malaman aking anak na ang Parakleto ay isa sa mga pangalan ng kanilang Propeta na si Muhammad at ang kanyang relihiyon ay ang relihiyon ng katotohanan at ang kanyang pananampalataya ay ang

pananampalatayang malinaw na nababanggit sa Ebanghelyo." Sinabi ko sa kanya, "Aking Guro! Ano ang masasabi mo sa relihiyon ng mga Kristiyano?" Sinabi niya sa akin, "O aking anak! Kung ang mga Kristiyano ay mananatili sa orihinal na relihiyon ni Jesus sila ay mananatili sa relihiyon ni Allaah dahil ang relihiyon ni Hesus at ang lahat ng mga Propeta ay ang relihiyon ni Allaah. Ngunit ito ay kanilang binago at sila ay nawalan ng pananampalataya." Sinabi ko sa kanya, "Aking Guro! Paano tayo maililigtas mula dito (mula sa maling relihiyon ng mga Kristiyano)?" Sinabi niya, "Aking anak! Sa pamamagitan ng pagpasok sa relihiyong Islaam!" Tinanong ko siya, 'Maililigtas ba ang papasok dito?" Sinabi niya, "Oo, siya ay magtatagumpay sa mundong ito at sa kabilang buhay!' Sinabi ko, "Aking Guro! Katotohanan ang isang taong may isip ay walang pipiliin para sa kanyang sarili maliban na lamang kundi ang pinakamabubuting bagay na kanyang nalalaman. Nang nalaman mo na ang kagalingan ng relihiyong Islaam, ano ang pumigil sa iyo na pumasok dito?" Sinabi niya, "Aking anak! Katotohanan si Allaah ay hindi nagpakilala sa akin ng ukol sa katotohanang nabanggit ko sa iyo ukol sa kagalingan ng relihiyong Islaam at kadakilaan ng kanilang Propeta maliban na lamang matapos na ako ay naging matanda na at naging mahina na ang aking katawan. Ngunit wala tayong maipangangatwiran dito dahil ito ang mga patunay ni Allaah at ipinahayag na niya ito sa atin. Kung nalaman ko lamang ang katotohanan habang ako ay nasa iyong edad ay tinalikuran ko na ang lahat ng ito at pumasok ako sa relihiyon ng katotohanan. Ang pagmamahal sa mundong ito ang ugat ng lahat ng mga pagkakasala at nalalaman mo kung ano ang aking kalagayan ko sa mga Kristiyano, ang aking kataasan, karangalan, pagiging kagalang-galang, karangyaan, at pagkakaroon ng maraming kayamanang pangmundo; na kung malalaman nila na ako ay magkaroon ng kahit kaunting pagkiling tungo sa relihiyong Islaam, ako ay papatayin agad-agad ng mga Kristiyano. Kung ako man ay magiging ligtas mula sa kanila at makatakas tungo sa mga Muslim at sabihin ko sa kanila na, 'Ako ay dumating sa inyo na isang Muslim!' sasabihin lamang nila sa akin, 'Binigyan mo ng pakinabang ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa relihiyon ng katotohanan kaya huwag mong isumbat sa amin ang iyong pagpasok sa relihiyong magliligtas sa iyo mula sa parusa ni Allaah!' At

MMMUUULLLAAA SSSAAA KKKAAADDDIIILLLIIIMMMAAANNN TTTUUUNNNGGGOOO SSSAAA LLLIIIWWWAAANNNAAAGGG AAANNNGGG PPPAAAGGGMMMUUUMMMUUUSSSLLLIIIMMM NNNIII FFFRRR... AAANNNSSSEEELLLMMM TTTUUURRRMMMEEEDDDAAA

Si Fr. Anselm Turmeda ay isang paring Katoliko mula sa Majorca, Spain na nabuhay noong ika-16 siglo. Tunghayan natin ang kanyang maiksing kasaysayan. “Ako ay namuhay sa isang simbahan na pinamumunuan ng isang matandang Pari na lubos nilang pinahahalagahan at ang kanyang pangalan ay Nicholau Martel. Ang kanyang kalagayan sa kanila ay napakataas dahil sa kanyang karunungan, pagka-relihiyoso, at asetisismo (paglayo sa mga makamundong kasiyahan). Siya ay walang katumbas na sinumang Kristiyano sa kanyang panahon. Ang lahat ng mga katanungan ukol sa relihiyon ay ipinararating sa kanya kahit pa mula sa pinakamalalayong lugar, mula sa mga hari at iba pa. Kadalasan ay sinasamahan ang mga tanong na ito ng mga mamahaling regalo na siya naman talagang dahilan ng pagpaparating ng mga tanong na ito. Ipinadadala nila ang mga regalong ito upang malugod siya sa kanila sa pagnanais nila ng biyaya at pagpaparangal mula sa kanya. Ang Paring ito ay nagturo sa akin ng karunungan ukol sa saligan ng Kristiyanismo at mga panuntunan nito. Ako ay naging malapit sa kanya sa pamamagitan ng pagsisilbi sa kanya hanggang sa ako ay maging kanyang katiwala. Ipinagkatiwala niya sa akin maging ang susi ng kanyang tahanan at imbakan ng pagkain at inumin maliban na lamang sa isang maliit na silid na kung saan siya natutulog na inaakala ko rin na siyang pinagtataguan niya ng kanyang mga kayamanan. Ako ay nanatiling tagapaglingkod niya sa loob ng sampung taon. Minsan, siya ay nagkasakit at hindi nakadalo sa pagtitipon kasama ang iba pang mga Pari. Naghintay sa kanya ang mga Pari sa pagtitipon na ito habang nag-uusap-usap ukol sa ilang usaping panrelihiyon hanggang sa mapag-usapan nila ang inihayag ni Allaah sa Biblia sa pamamagitan ng Kanyang Propeta na si Hesus sa Ebanghelyo na nagsasabi: Katotohanan ay darating paglisan ko ang isang Propeta na ang pangalan ay Parakleto (Juan 14: 16). Sila ay nagtalakayan upang tukuyin kung sino siya at kung sino siya sa mga Propeta. Ang lahat ay nagsalita ayon sa abot ng kanyang nalalaman at pagkakaunawa ngunit nangibabaw sa pagitan ng isa’t isa sa pagtitipong ito ang matinding pagtatalo at naghiwalay sila nang hindi nakarating sa

19

"Dapat mong malaman aking anak na ang Parakleto ay isa sa mga pangalan ng kanilang Propeta na si Muhammad at ang kanyang relihiyon ay ang relihiyon ng katotohanan at ang kanyang pananampalataya ay ang pananampalatayang malinaw na nababanggit sa Ebanghelyo." Nicholau Martel

ay isang manggagamot. Ako ay natuwa nang husto sa balitang ito. Itinanong ko kung saan matatagpuan ang tahanan ng taong ito at ako ay ginabayan nila tungo sa kanya. Nagkatagpo kami ni Yoosuf At-Tabeeb at binanggit ko sa kanya ang aking kalagayan at ang dahilan ng aking pagdating at ito ay ang kagustuhan kong pumasok sa Islaam. Ang bagay na ito ay labis na ikinatuwa niya at sumakay kami sa kanyang kabayo patungo sa Sultaan na ang pangalan ay Abul 'Abbaas Ahmad. Dumating kami sa opisina ng Sultaan at ipinaalam ko sa kanya ang aking karanasan. Ang unang naitanong sa akin ng Sultaan ay ukol sa aking edad at sinabi ko na ako ay 35 taong gulang. Tinanong niya rin ako kung may nabasa ba akong aklat ng mga siyensiya at sinabi ko sa kanya na ako ay may mataas na antas dito at ako ay nagmuslim ayon sa biyaya ni Allaah. Sinabi ko sa tagapagsalin na si Yoosuf At-Tabeeb na sabihin sa Sultaan na walang sinumang umaalis sa aming relihiyon maliban na lamang na pinag-uusapan ito nang husto ng kanyang pamilya at siya ay nililibak nila. Hiniling ko sa Sultaan na tanungin ang mga Pari at mangangalakal na Kristiyano ukol sa akin at tanungin muli sila matapos na ipaalam sa kanila na ako ay naging isa nang Muslim.

ako ay mananatili sa kanila na isang pulubing matanda na nagkakaedad na siyamnapu, hindi nakauunawa sa kanilang wika, sila ay hindi nakaaalam ng aking karapatan, at ako ay mamamatay na gutom; subalit papuri kay Allaah na ako ngayon ay nasa relihiyon ni Jesus at sa kung anumang mensahe na dala niya at si Allaah ang higit ng nakaaalam niyon mula sa akin." Sinabi ko sa kanya, "Aking Guro! Ipapayo ba ninyo sa akin na ako ay maglakbay tungo sa bayan ng mga Muslim at pumasok sa kanilang relihiyon?" Sinabi niya sa akin "Katotohanan ako ay minsang isang taong nag-iisip at naghahanap ng kaligtasan kaya magmadali ka sa pagpasok sa Islaam sa pagkakamit ng buhay sa mundo at sa kabilang-buhay. Ngunit aking anak! Ito ay isang bagay na walang makaaalam kundi ikaw lamang at ako sa ngayon. Ito ay iyong ilihim ayon sa iyong paghahanap ng katotohanan. Dahil kung malalaman ng mga Kristiyano na ikaw ay may nalalaman dito ay papatayin ka nila at hindi kita matutulungan. Walang pakinabang sa iyo kung ako ay isasangkot mo dito dahil ako ay tatanggi at ang aking salita ay patototohanan samantalang ang iyong salita ay hindi. Ako ay inosente sa lahat ng pagsasangkot mo sa akin kung ito ay iyong nauunawaan." Sinabi ko, "Aking Guro! Nagpapakupkop ako kay Allaah mula sa pagkalat ng maling katuruan ng Kristiyanismo pagsusumikapan ko ang paggawa ng Kanyang ninanais." Matapos ito ay naghanda na ako sa aking paglalakbay at ako ay nagpaalam sa kanya. Nanalangin siya sa aking pamamaalam ng kabutihan para sa akin at binigyan ako ng limampung dinaar (salapi noong unang panahon) at ako ay naglakbay paalis sakay ng isang barko tungo sa aking bayan ang lungsod ng Majorca at ako ay nanatili dito ng limang buwan habang naghihintay sa barkong papunta sa lupain ng mga Muslim. Nang dumating ang barko ay naglakbay ako tungo sa lungsod ng Tunis. Kami ay umalis sa pantalan ng Saqleeyah bago dumating ang gabi at nakarating kami sa Marsee, Tunis bago pa magtanghali sa sumunod na araw. Nang bumaba ako sa pantalan ng Tunis ay nakilala ako ng ilang Paring Kristiyano na sakay nito at nag-utos sa isang sasakyan na dalhin kami sa kanilang lugar na tinutuluyan. Kasama rin namin ang ilang mga negosyante na naninirahan sa Tunis at ako ay nanahan bilang bisita nila sa loob ng apat na buwan. Tinanong ko sila kung mayroon bang nakaaalam sa wika ng mga Kristiyano sa lugar na iyon. Nabanggit sa akin ng mga Kristiyano na mayroong isang mabuting tao ng nagngangalang Yoosuf At-Tabeeb at siya

Sinabi sa akin ng Sultaan sa pamamagitan ng tagapagsalin na ang aking hinihiling ay tulad ng hiniling ni 'Abdullaah bin Salaam (isang Pantas na Hudyo na naging Muslim) sa Propeta Muhammad nang siya ay nagmuslim. Ipinatawag ng Sultaan ang mga Paring Kristiyano kasama ang ilang mga negosyante samantalang ako naman ay pinanatili nila sa isang bahay na malapit sa pook pagtitipon ng Sultaan. Nang dumating ang mga Kristiyano ay tinanong sa kanila ng Sultaan, "Ano ang masasabi ninyo ukol sa bagong-dating na Pari na sakay ng Barko?" Sinabi nila kanya, "O aming Tagapag-ingat! Siya ay isang dakilang Pantas sa aming relihiyon at siya ay nasa mataas na antas ng karunungan at pananampalataya." Sinabi ng Sultaan sa kanila, "Ano ang masasabi ninyo kung siya ay maging Muslim?" Sinabi nila, "Nagpapakupkop kami kay Allaah mula dito. Siya ay hindi magiging Muslim kahit kailan!" Nang marining ito ng Sultaan mula sa mga Kristiyano ay ipinatawag ako ng Sultaan at ipinahayag ko ang Shahaada (ang pagsaksi na walang diyos maliban pa kay Allaah at si Muhammad ay Kanyang Sugo) sa harapan nila. Nakakitaan ng pagkasindak ang kanilang mga mukha at nagsabing "Ang Paring ito ay nagmuslim upang makapangasawa lamang dahil ang mga Pari sa amin ay hindi nakakapag-asawa." At sila ay umalis na malungkot at napopoot.”

20

Papuri kay Allaah ang Panginoon ng mga daigdig, dakilain at pag-ingatan nawa Niya ang pinuno ng mga Sugo na si Propeta Muhammad, gayundin ang kanyang pamilya at mga kasamahan. Kapatid na Muslim at Muslimah: Binabati ko kayo ng panghabang-panahong pagbati ng Islaam, ang siyang pagbati ng mga mananahan sa Paraiso.

Sumainyo ang Kapayapaan at ang Habag at Biyaya ni Allaah! Ang pag-uusap ukol sa Birrul Waalidayn (pagmamahal at paglilingkod sa magulang) ay hindi nakapapagod at hindi nakayayamot. Binilinan tayo ng ating Panginoon, ang Maluwalhati at Kataas-taasan, na makitungo nang mabuti sa kanilang dalawa dahil ginawa sila ni Allaah, ang Maluwalhati at Kataas-taasan na paraan ng pagkakalikha mo mula sa kawalan tungo sa pagiging tao. Maraming ulit na isinangkot ni Allaah ang gawaing pagsamba sa mabuting pakikitungo natin sa ating mga magulang. Sinabi Niya:

Magpasalamat ka sa Akin at sa iyong mga magulang. (Soorah Luqmaan: 14)

Ginawang obligado ng iyong Panginoon na huwag kang sasamba maliban na lamang sa Kanya at maging mabuti ka sa iyong mga magulang. (Soorah Al-Israa': 23)

Ang kahulugan ng salitang – ginawang obligado - ay Siya ay nag-utos at nagbilin, at dito ay isinangkot ni Allaah ang pagsamba at ang pagmamahal sa magulang. Sinabi Niya: Maging mabuti sa iyong mga magulang. (Soorah An-Nisaa': 36) Maaaring hindi natin nalalaman sa ngayon ang kanilang kahalagahan. Nguni't kailan pa ba natin malalaman ang kanilang kahalagahan? Kapag sila ay pumanaw na at nailibing? Katotohanan, sa oras na sila ay nawala na sa atin ay saka lamang natin malalaman ang kanilang kahalagahan at wala na tayong magagawa kundi ang mangarap na lamang na sana sila ay nabubuhay pa at

mamuhay na kasama tayo nang sa gayon ay magawa natin silang mahalin at mapakitunguhan nang maayos.

Sa paanong paraan ba natin maisasakatuparan ang kanilang mga karapatan? Sa paanong pananalita ba natin magagawang ilarawan sila? Katotohanan napakadakila nila upang mailarawan sa maiikling pahina tulad ng mga pahinang ito upang mabigyan ng hustisya at maisakatuparan ang kanilang mga karapatan. Wala tayong masasabi ukol sa kanila na mas maganda pa kaysa sa sinabi ni Allaah:

Sabihin mo (O Muhammad): ‘O Aking Panginoon! Kahabagan po Ninyo sila katulad ng pagmamalasakit nila sa akin noong ako ay bata pa. (Soorah Al-Israa’: 24)

Aking kapatid na Muslim at Muslimah: Kailangan nating magtuon ng ibayong pagpapahalaga sa kanilang kaligayahan, kagalakan, kapanatagan, sa mahinahong pakikitungo at pakikipag-usap sa kanila, sa pagiging mapagpakumbaba at palagiang pagsunod sa kanilang payo, sa madalas na pakikipag-ugnayan sa kanila, sa pagkain na kasama sila, sa paglilingkod at pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan, sa pakikipag-usap sa kanila sa magalang na paraan nang may kalakip na pagpapahalaga. Kaya kailangan natin na pag-ibayuhin pa ito at higit na pagsumikapan. Gayundin ay kailangan nating magsikap na makatanggap ng mabubuting panalangin mula sa kanila, dahil ang panalangin ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay hindi tinatanggihan. Kaya sinuman ang nagnanais ng Paraiso ay maging masigasig sa pagmamahal sa kanilang mga magulang at maging kabilang sa mga binababalaan ng matinding babala mula sa paglapastangan, pagputol ng ugnayan, at paggamit ng masasakit na

pananalita sa kanilang dalawa. Dapat din nating iwasan maging ang pagsasabi ng mga katagang nagbibigay ng pakahulugan ng kawalang-galang sa kanila dahil ito ang pinakamataas na uri ng masamang pananalita laban sa kanilang dalawa. Sinabi ni Allaah: Ginawang obligado ng iyong Panginoon na huwag kang sasamba maliban na lamang sa Kanya at maging mabuti ka sa iyong mga magulang. At kung isa sa kanila o silang dalawa ay abutan na ng katandaan ay huwag silang pagsasalitaan ng pananalitang may paglapastangan at huwag silang pagagalitan. Bagkus, kausapin lamang sila sa pamamagitan ng magalang na pananalita. Balutin mo sila ng habag at manalangin para sa kanila nang na nagsasabi: ‘O Aking Panginoon! Kahabagan po Ninyo sila katulad ng pagmamalasakit nila sa akin noong ako ay bata pa. (Soorah Al-Israa': 23- 24)

Sambahin ninyo si Allaah at huwag magtatambal sa Kanya ng kahit anuman at maging mabuti sa inyong mga magulang. (Soorah An-Nisaa’: 36)

Iniulat ni Aboo Abdurrahmaan Abdullaah bin Mas’oud; “Tinanong ko si Propeta Muhammad, ‘Anong gawain ang pinakamamahal ni Allaah, ang Kataas-taasan?’, sinabi niya, ‘Ang Salaah sa tamang oras nito.’, sinabi ko, ‘Ano matapos ito?’, sinabi niya, ‘Ang pagmamahal sa mga magulang.’, sinabi ko, ‘Ano matapos ito?’, sinabi niya, ‘Ang Jihaad sa landas ni Allaah.’” (Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim) Iniulat ni Anas na sinabi ni Propeta Muhammad; Sinuman ang nagnanais na maparami ang biyaya sa kanya at mapahaba ang kanyang buhay ay idugtong ang pagkakamag-anakan. (Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim)

ANG OBLIGASYON NG PAGMAMAHAL SA MAGULANG AT BABALA LABAN SA PAGLAPASTANGAN SA KANILA

Iniulat ni Aboo Hurayrah na sinabi ni Propeta Muhammad:

Kapahamakan, kapahamakan, at kapahamakan para sa sinumang mabuhay hanggang sa katandaan ng kanyang magulang, isa man sa kanila o silang dalawa nang hindi sila iginagalang dahil siya ay hindi papasok sa Paraiso. (Iniulat ni Imaam Muslim)

21

Iniulat ni Aboo Hurayrah; “May isang lalaki na dumating sa Sugo ni Allaah at nagtanong; ‘O Sugo ni Allaah, sino sa lahat ng tao ang pinakakarapat-dapat sa aking mabuting pakikisama?’ sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Ang iyong ina.’ Nagtanong siyang muli, ‘Sino ang susunod?’, sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Ang iyong ina.’ Nagtanong siyang muli, ‘Sino ang susunod?’, sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Ang iyong ina.’ Nagtanong siyang muli, ‘Sino ang susunod?’, sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Ang iyong ama.’” (Iniulat nina Imaam Al-Bukharee at Imaam Muslim) Iniulat ni ‘Aaishah, na sinabi ni Propeta Muhammad; Nang pumasok ako sa Paraiso ay nakarinig ako dito ng pagbasa. Nagtanong ako, ‘Sino siya?’ sinabi nila, ‘Si Nu’maan bin Haarith, ang huwaran ng mga nagmamahal sa magulang.’

Sa ibang ulat ay nadadagdag ang ganitong kataga na; Ako ay natulog at nakita ko ang aking sarili sa Paraiso…( at si Nu’maan bin Haarith) ang pinakamabuti sa lahat ng tao sa kanyang ina. (Iniulat ni AbdurRazaaq sa kanyang Musannaf, Imaam Ahmad, at Al-Baghawee sa kanyang Sharh As Sunnah) Sinabi ni Ka’ab Al-Ahbaar, “Katotohanan ay padadaliin ni Allaah ang pagdating ng pagkawasak sa sinumang alipin na lalapastangan sa kanyang magulang. Padadaliin ang pagdating sa kanya ng parusa. At katotohanan si Allaah ay magpapahaba ng buhay ng sinumang mabuti sa kanyang mga magulang; upang madagdagan ang kanyang kabutihan at kagalingan. Kabilang sa pagmamahal sa kanila ang pagtutustos ng kanilang mga pangangailangan.” Ano ba ang masasabi natin ukol sa kagalingan ng mga ina at ano ang dakilang gantimpala na inihanda ni Allaah ang

Mahabagin para sa kanya? Pinuri ni Allaah, ang Maluwalhati at Kataas-taasan si Propeta Eesaa (Jesus) sa Kanyang sinabi: At ako ay mapaglingkod sa aking ina. (Soorah Maryam: 32)

Nilinaw ni Propeta Muhammad ang katayuan ng isang ina sa isang Hadeeth na nabanggit kanina nang siya ay tanungin ng isang lalaki kung sino ang pinakakarapat-dapat sa kanyang mabuting pakikisama at sumagot siya na ito ay ang kanyang ina. At bilang pag-alinsunod sa Hadeeth na ito, ang isang ina ay may mas karapatan na tatlong ulit na pagmamahal sa ama. Ito ay dahil sa paghihirap niya sa kanyang pagbubuntis, panganganak, at pagpapasuso sa kanyang anak. Sinabi ni Allaah:

At itinagubilin namin sa mga tao na maging mabuti sa kanilang mga magulang. Ang kanyang ina ay ipinagbuntis siya nang may paghihirap, ipinanganak siya nang may paghihirap, at pinasuso siya ng tatlumpung buwan. (Soorah Al Ahqaaf: 15)

Nilikha Namin ang tao mula sa piraso ng putik. Matapos nito ay ginawa Namin siyang Nutfah (pinaghalong semilya ng lalaki at babae) at ito ay inilagay sa ligtas na sisidlan (ang sinapupunan ng ina). Matapos ito ay ginawa Namin ang Nutfah na isang 'Alaqah (namuong dugo), at ginawa namin ang 'Alaqah na isang Mudhghah (laman), at ginawa namin ang Mudhghah na ito na mga buto, at binalutan namin ang mga buto na ito ng laman, at ginawa namin itong isang bagong uri ng nilikha. Luwalhati kay Allaah ang pinakamagaling na tagapaglikha. (Soorah Al-Mu'minoon: 12-14) Tulad ng nalaman natin mula sa mga dakilang salita ni Allaah na ang ina ay dumadaan sa iba't ibang antas; na ang bawat antas na ito ay mas mahirap kaysa sa isa pa. mula nang dumating sa kanyang sinapupunan ang semilya na galing sa kanyang asawa ay naghirap siya ng paghihirap na tanging si Allaah lamang ang nakaaalam. Matapos ito ay darating na ang panganganak na kung saan siya ay nasa pagitan ng buhay at kamatayan. Maaari siyang mamatay sa kanyang panganganak - at dito ay nag-iisa ang isang ina

sa paghihirap. Matapos naman nito ay ang panahon ng pagpapasuso at matapos ito ay saka lamang makikilahok ang ama sa pagpapalaki sa kanilang anak.

ANG PAGPAPATAYOG SA KATAYUAN NG INA

Ang kanyang bahagi sa pagpapalaki ng mga anak ay kanyang isinakatuparan nang may hustisya. Siya ay nagpasan nang mabigat na pasanin at nagpagod dito. Nagdulot sa kanya ng sakit at paghihirap ang panganganak. Nagbigay sa kanya ng paghihirap ang pagpapasuso. Sa lahat ng ito ay hindi niya pinansin ang pagkagutom, pagkakasakit, o pagkapagod na dumadagan sa kanya. Sa lahat ng ito ay hindi siya naghintay ng gantimpala o pagpapasalamat maliban na lamang mula kay Allaah, ang Makapangyarihan, ang Kataas-taasan.

Siya ay buong buhay na naglilingkod sa kanyang mga anak. Tagapag-aruga sa kanila. Siya ay naging mahabaging ina sa kanyang mga anak. Siya ay hindi nandidiri sa paglilinis ng dumi ng kanyang mga anak, o sa karumihan nila, o sa mga nakikita niyang pangyayari sa kanila. Siya ay nagpupuyat upang mapatulog lamang ang kanyang mga anak at naghihirap upang sila ay mapasaya. Ipinagbabawal niya sa kanyang sarili ang mga kasarapan sa buhay alang-alang sa iyo dahil ikaw ang lahat sa kanyang buhay. Ang pinakamasaya at pinakamatamis na araw sa kanyang buhay ay ang makita kang lumaki na isang ganap na lalaking matipuno na sumusunod kay Allaah, ang Maluwalhati at Kataas-taasan, sa Kanyang mga ipinag-uutos at ipinagbabawal. Katotohanan ako ay nagigilalas sa katangian ng puso ng isang ina. Dahil ang puso ng isang ina ay hindi nagsisinungaling. Siya ay may kakaibang pakiramdam para sa kanyang anak. Nagppahiwati ang kanyang puso tuwinang may mangyayari sa kanyang anak kaya ang puso ng isang ina ay hindi nagsisinungaling.

Itinagubilin Namin sa mga tao na maging mabuti sa kanilang mga magulang. Ang kanyang ina ay ipinagbuntis siya nang may paghihirap, ipinanganak siya nang may paghihirap, at pinasuso siya ng tatlumpung buwan.

(Soorah Al Ahqaaf: 15)

22

Iniulat na ang isang Badoo o taong-disyerto ay minsang nagsasagawa ng Tawaaf na karga ang kanyang ina sa kanyang likuran. Nang siya ay natapos ay tinanong niya si Ibnu 'Umar, sinabi niya, "Sa palagay mo ba ay naibigay ko ang karapatan ng aking ina?", sumagot siya, "Hindi, isinusumpa ko kay Allaah! Kahit pa danasin mo ang paghihirap ng kanyang panganganak!" Iniulat na si Hasan bin 'Alee ay lubhang natatakot at nababagabag ukol sa pagkain ng kanyang ina. Nang siya ay tinanong ukol dito ay sinabi niya, "Natatakot ako na maunahan ko siya na kumuha ng pagkain na kanyang iniibig. At kapag nangyari iyon ay katotohanang siya ay aking nalapastangan." ALLAAHU AKBAR (SI ALLAAH AY DAKILA)! ANO BA TAYO KUNG IHAHAMBING SA MGA TAONG ITO?

Ganito ang ina. Para sa kanya ang lahat ng pagpapapuri at pagpapahalaga nguni't hindi ito nangangahulugan na kakalimutan na ng isang tao ang karapatan ng kanyang ama. Ito ay sa kadahilanang ang ama ay kadalasang nagsusumikap para sa atin at para sa kanyang mga lalaki at babaeng kapatid. Kadalasan siya rin ay dumadaan sa matinding pagod upang sila ay maging maligaya at ligtas. Siya ay kadalasang nagtitipid sa pagkain at nananamit ng mumurahing pananamit upang makapag-ipon para sa maginhawang pamumuhay ng kanyang mga anak. Siya ay kadalasang nakaririnig ng mga mabibigat na pananalita ukol sa mga bagay na kanyang ginawa. Siya ay kadalasang nakatitikim ng pait at pumapasan ng nakapagdudusang pagkakautang. Ang lahat ng ito ay para sa kanyang mga anak habang sila ay mahimbing na natutulog, naglalaro, o hindi nakakapansin sa mga sakripisyong ito.

Minsan ay nakita ni Aboo Hurayrah ang isang lalaki na naglalakad sa likod ng isa pang lalaki at siya ay nagtanong, “Sino itong kasama mo?” sumagot ang lalaki, “Siya ay ang aking ama.” Sinabi ni Aboo Hurayrah, “Huwag mo siyang tatawagin sa kanyang pangalan (kundi ay tawagin siya na ‘tatay’ o kaya ay ‘ama ko’), huwag kang maupo bago siya maupo, at huwag kang maglalakad sa unahan niya.”

BABALA LABAN SA

PAGLAPASTANGAN SA MGA MAGULANG

Kapatid na Muslim at Muslimah: Katotohanan ang paglapastangan sa mga magulang ay ipinagbabawal at kabilang sa mga pinakamalalaking kasalanan. Ang lumalapastangan sa kanyang magulang ay makakatagpo ng parusa sa mundong ito at ito

ay isang utang na sisingilin sa kanya bago pa dumating ang kabilang-buhay. Dahil dito ay kailangan na mababalaan ang isang tao na nagpaparusa ay lumalapastangan sa kanyang mga magulang na si Allaah ay nakamasid sa kanya. Kailangang matakot kay Allaah ang sinumang gumagawa nito sa kanyang mga magulang, hindi siya dapat gumamit ng anumang salitang may kawalang-galang, at iba pang bagay na inaakala mong mas matindi pa dito.

Iniulat ni Abdullaah bin ‘Amru bin Al-‘Aas na sinabi ni Propeta Muhammad;

Ang malalaking kasalanan ay ang: Pagtatambal kay Allaah, paglapastangan sa mga magulang, pagpatay ng tao, at ang pagsisinungaling (sa pamamagitan ng pagsasabi na ang isang bagay na masama ay mabuti). (Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree)

Iniulat ni Abdullaah bin ‘Amru bin Al-‘Aas; Si Propeta Muhammad ay nagsabi; “Kabilang sa malalaking mga kasalanan ang pagmumura sa mga magulang!” Sinabi nila; “O Sugo ni Allaah! Mumurahin ba ng isang lalaki ang kanyang mga magulang? Sinabi niya, “Oo! Sinuman ang magmura sa ama ng isang tao ay minura niya ang sarili niyang ama. Sinuman ang magmura sa ina ng isang tao ay minura niya ang sarili niyang ina. (Iniulat ni na Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim) Mahal na Kapatid na Muslim at Muslimah: Ang magagandang pananalitang ito ay nagpaliwanag sa atin sa maikling pamamaraan ng ilan sa mga kagalingan at kung ano ang nararapat na paggalang at pagpapahalaga para sa dalawang taong naging dahilan ng paglitaw natin dito sa mundo matapos ang pahintulot ni Allaah. Matapos ang pananalitang ito ay nalalabi na lamang para sa atin na tanungin ang iyong sarili kung ikaw ba ay nagkukulang sa pagpapatupad ng mga karapatan nilang dalawa o hindi? Kung ikaw ay kabilang sa mga lumalapastangan sa iyong mga magulang ay dapat kang humingi ng tawad kay Allaah, pagsisihan ang mga nagawang ito, at magsimula nang panibago sa pagmamahal sa kanila. Dahil kung sila ay mamatay o kahit isa lamang sa kanila ay saka ka lamang mananalangin, maaawa, at magmamahal sa kanila? Nguni’t kung ikaw ay nagmamahal sa kanilang dalawa, pasalamatan mo si Allaah at ipagpatuloy ang paglilingkod sa kanila dahil ang palatandaan ng pagtanggap ng Panginoon ng mabubuting gawain ay ang patuloy na paggawa nito. Katotohanan ito ay biyaya ni Allaah sa iyo at samantalahin ang pagkakataon ng sila ay kapiling mo pa bago pa sila mawala sa iyo.

ANG DALAWANG PATO

AT ANG PAGONG (Pabula ng mga Arabo)

(Ang isang pabula ay isang kuwento na ang mga gumaganap ay mga hayop at kadalasang may aralin sa wakas nito.) Sa isang maliit na ilog ay nakatigil ang isang pagong at nakatanaw dito. Kaunti na lamang ang tubig ng ilog at ang malaking bahagi nito ay natuyot na. Napatingin ang pagong sa isang puno sa pampang ng ilog at nakita niya sa ibabaw nito ang dalawang pato. Sinabi niya sa kanilang dalawa, "Ano ang gagawin ninyong dalawa kapag tuluyan nang natuyot ang ilog?" Sumagot sila, "Sumaiyo ang kapayapaan, kaibigang pagong. Kami ay pupunta sa ibang lugar." Sinabi sa kanila ng pagong, "Ako ay tulad ng isang barko at hindi ako mabubuhay nang walang tubig. Isama ninyo ako, biyayaan nawa kayo ni Allaah." Sinabi ni dalawang pato, "Bubuhatin ka namin. Kumapit ka sa gitna ng sangang ito sa pamamagitan ng pagkagat dito at ililipad ka namin sa langit. Subalit mag-ingat ka sa pagsagot sa mga tao kapag narinig mo sila na magsalita tungkol sa iyo." Habang sila ay lumilipad ay natanaw sila ng mga tao at sila ay nagsabi, "Mga kasama! Isang kakaibang bagay! Dalawang patong lumilipad na may buhat na pagong!" Nang narinig ito ng pagong ay nagalit ito at nagsalita, "O kayong mga tao. Bulagin nawa kayo ni Allaah!" Subalit sa pagkabuka niya ng kanyang bibig ay nahulog siya, bumagsak sa lupa, at namatay.

ABOO BAKR AS-SIDDEEQ Sinabi ni Propeta Muhammad, ((Kung ako ay kukuha ng isang Khaleel (taong tinuturing na nasa pinakamataas na antas ng pagkakapatiran) ay kinuha ko si Aboo Bakr bilang Khaleel.))

Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

Nang siya ay naging Khaleefah (pinuno ng mga Muslim matapos mamatay si Propeta Muhammad), siya ay nananatiling maagang dumarating sa palengke at naggagatas ng mga kambing sa kanyang bayan na ginagawa niya bago pa siya maging Khaleefah. Nang siya ay pinagbilhan minsan ay sinabi sa kanya ng isang babae sa kanyang bayan, 'ngayon ay hindi ka na maggagatas para sa amin.' Sinabi niya, 'Katotohanan! Ako ay mananatiling maggagatas para sa inyo at ako ay humihiling na hindi ako baguhin ng aking papasukin (ang pagiging Khaleefah).'" Lahat ng mga sahaabah (mga kasamahan ni Propeta Muhammad na nag-Muslim sa kapanahunan niya, nakasalamuha siya, at namatay na mga Muslim) ay kumikilala sa kanyang kadakilaan.

ISANG TAGAPAGTAGLAY NG

KARANGALAN AT KAHIGITAN

Si Aboo Bakr As-Siddeq ay nagtataglay ng kadakilaan at matuwid na pananaw kahit noon pang panahon ng Jaahileeyah (panahon bago lumaganap ang Islaam). Siya ay hindi kailanman uminom ng alak upang hindi siya mawala sa sariling katinuan at makagawa ng masasamang mga gawain. Sinabi ni Ibnul Jawzee: "Dapat mong malaman na si Aboo Bakr ay kilala sa kanyang kahigitan sa panahon ng Jaahileeyah at sa Islaam. Noong panahon ng Jaahileeyah ay tumutulong siya sa mga taong napatawan ng pagbabayad ng diyah (halaga na babayaran sa kamag-anak ng taong napatay) kung sila ay walang kakayanan dito. Kung siya ay magiging garantiya para sa isa pang tao ay paniniwalaan siya ng Quraysh subalit hindi paniniwalaan ang ibang tao.

ANG UNANG LALAKING NAGMUSLIM

Inulat ni Aboo Sa'eed Al-Khudree nang si Aboo Bakr ay itinanghal bilang Khaleefah na sinabi ni Aboo Bakr:

Ang papuri kay Allaah at dakilain nawa Niya at protektahan mula sa lahat ng kasamaan si Propeta Muhammad gayundin ang kanyang pamilya, mga kasama, at sinumang sumunod sa kanya. Sa pagpapatuloy… Katotohanan, tayo ay makikipagkilala sa isang lalaki na wala nang mas mabuti pa kaysa sa kanya maliban pa sa mga sugo at mga propeta. Sa isang lalaki na ang bigat ng kanyang pananampalataya ay mas matimbang pa kaysa sa pananampalataya ng lahat ng tao sa ummah na ito. Isang lalaki na nagtustos sa landas ni Allaah sa pamamagitan ng lahat ng kanyang kayamanan na nang tinanong siya kung ano ang iniwan niya para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya, ay sumagot siya sa pananalitang may panunumpa kay Allaah: “Iniwan ko para sa kanila si Allaah at ang Kanyang Sugo.”

Katotohanan siya ay si Aboo Bakr As-Siddeeq.

Ang kanyang pangalan ay 'Abdullaah bin 'Uthmaan bin 'Aamir. Ang kanyang ama ay mula sa tribo ng Quraysh at ang kanyang ina ay mula sa tribo ng Taym. Siya ay mapagbigay at matapang. Siya ay nagtataglay ng matuwid na pananaw sa harap ng matitinding pagsubok. Mapagpaumanhin siya at matiisin. Naninindigan at matalino. May karunungan sa salinlahi ng mga tao at sa kasaysayan. May matibay na pananalig kay Allaah at pag-asa sa Kanyang ipinangako. May takot at naglalayo sa sarili mula sa mga shubuhaat (mga gawain o usapin na nakakapagdulot ng pagdududa). Isang Zaahid (nagtatakwil sa karangyaan) sa buhay sa mundo at nagnanais ng kung anumang matatagpuan kay Allaah. Isang kaibigan at kinakaibigan, kalugdan nawa siya ni Allaah. Sinabi ni Ibnul Jawzee: "Dapat mong malaman na ang katangian ni Aboo Bakr ay kilala. Kabilang dito ang kanyang pagkarelihiyoso, takot sa Panginoon, zuhd, pag-iyak, at kababaang-loob.

"Hindi ba't ako ang unang nagmuslim? Hindi ba't ako ang nagtataglay ng ganito (bilang halimbawa)? Hindi ba't ako ang nagtataglay ng ganoon?" Iniulat ni Imaam At-Tirmidhee. Ang pagmumuslim ni Aboo Bakr ang siyang may pinakamalaking biyaya para sa Islaam at sa mga Muslim kung ihahambing ito sa pagmumuslim ng iba pa maliban sa kanya sa kanyang katayuan at kagalingan sa da'wah (pag-aanyaya tungo kay Allaah). Sa pamamagitan niya ay nagmuslim ang maraming mga kilalang tao tulad nina 'Abdurrahmaan bin 'Awf, Sa'd bin Abee Waqqaas, 'Uthmaan bin 'Affaan, Zubair bin Al-'Awwaam, at Talhah bin 'Ubaydullaah. Sa araw ng kanyang pagmumuslim ay nagmamay-ari siya ng kayamanang naakakahalaga ng apatnapung libong dirham at ito ay tinustos niya sa landas ni Allaah. Siya ay nagpalaya ng maraming mga aliping inaapi at pinaparusahan dahil sa pananampalataya nila kay Allaah tulad nina Bilaal bin Rabaah. Siya ang kasama ni Propeta Muhammad sa Makkah, sa kuweba (nang sila ay lumikas), at hijrah (paglikas nila patungong Madeenah). Siya rin ang kasama ni Propeta Muhammad sa Madeenah at sa lahat ng mga labanan; sa Badr, Uhud, Khandaq, Fath (pagsakop sa Makkah), Hunain, at Tabook.

ANG MGA KAHIGITAN AT KAGALINGAN NI

ABOO BAKR AS-SIDDEEQ

Ang mga ito ay nababanggit sa napakaraming mga aayah at mga hadeeth. Sinabi ni Allaah: At ang may pinakamatinding takot kay Allaah ay lalayo sa Impiyerno. Siyang nagtutustos sa pamamagitan ng kanyang salapi at nagpapadalisay dito. Wala siyang inaasam na gantimpala mula sa sinuman bagkus siya ay nagnanais lamang na kalugdan siya ng Panginoon. Katotohanan siya ay malulugod (sa pagpasok niya sa Paraiso). Sooratul Layl: 17-21.

23

Sinabi ni Ibnul Jawzee: Napagkasunduan na ang mga aayah na ito ay tumutukoy kay Aboo Bakr. Nababanggit dito na siya ang may pinakamatinding takot sa Panginoon kung ihahambing sa iba pa sa Ummah na ito at ang siyang may pinakamatinding takot sa Panginoon ay ang siyang pinakamalapit kay Allaah dahil sinabi ni Allaah:

Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ni Allaah ay ang pinakamatindi ang takot sa inyo (kay Allaah). Sooratul Hujooraat: 13.

Sinabi ni Allaah: Ang pangalawa sa dalawa habang sila ay nasa kuweba (ang una sa kanila) ay nagsabi sa kanyang kasama, 'huwag kang malungkot. Katotohanan si Allaah ay kasama natin.' At ibinaba ni Allaah sa kanya ang Kanyang sakeenah (kapanatagan) at aalalayan siya sa pamamagitan ng mga kawal na hindi mo nakikita. Sooratut Tawbah: 40. Napagkasunduan ng mga muslim na ang tinutukoy dito na kasamahan ay si Aboo Bakr As-Siddeeq habang sila ni Propeta Muhammad ay patakas papuntang Madeenah. Sinabi ni Allaah: Iyong dumating na dala ang katotohanan at ang nagpatotoo dito, sila ang mga may takot kay Allaah. Sooratuz Zumar: 33.

Iniulat nina Al-Bazaar at Ibnu 'Asaakir na iniulat ni 'Alee sa tafseer (paliwanag) niya sa aayah na ito na ang siyang dumating na dala ang katotohanan ay si Propeta Muhammad at ang nagpatotoo dito ay si Aboo Bakr As-Siddeeq. Ang kahulugan ng As-Siddeeq ay ang nagpapatotoo). Ito ang sinabi ni 'Alee ukol kay Aboo Bakr As-Siddeeq kaya't bakit tinutuligsa siya ng mga Zindeeq (mga nagpapanggap na mga muslim at mga hindi mananampalataya lalo na ang mga Shee'ah - Tagasalin).

MGA HADEETH UKOL SA

KAGALINGAN NG AS-SIDDEEQ Ang mga hadeeth na tumutukoy sa kanyang kagalingan ay napakarami at kabilang dito: Iniulat ni 'Amru bin Al-'Aas na tinanong niya si Propeta Muhammad: Sinong tao ang iyong pinakamamahal? Sinabi niya ((Si 'Aaishah)). Sinabi ko: sa mga kalalakihan? Sinabi niya ((ang kanyang ama)). Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

((Sinuman ang magtustos sa pamamagitan ng salapi at sarili sa landas ni Allaah ay tatawagin sa mga pinto ng Paraiso nang 'O alipin ni Allaah ito ay mabuti para sa iyo.' Sinuman ang kabilang sa mga taong nagsasagawa ng salaah ay tatawagin sa pinto ng salaah. Sinuman ang kabilang sa mga taong nagsasagawa ng jihaad ay tatawagin sa pinto ng jihaad. Sinuman ang kabilang sa mga taong nag-aayuno ay tatawagin sa pinto ng Rayyaan. Sinuman ang kabilang sa mga taong nagbibigay ng sadaqah (kawanggawa) ay tatawagin sa pinto ng sadaqah.)) Sinabi ni Aboo Bakr, 'Iaaalay ko para sa iyo ang aking ama at ina O Sugo ni Allaah. Mayroon bang taong tatawagin sa lahat ng mga pintong ito? Sinabi ni Propeta Muhammad, ((Oo at ako ay umaasa na ikaw ay kabilang sa kanila.)) Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim. Iniulat ni Aboo Bakr na sinabi ni Propeta Muhammad sa kanya habang silang dalawa ay nasa loob ng yungib: O Aboo Bakr! Ano ang palagay mo sa dalawang tao na ang ikatlo sa kanila ay si Allaah? Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim. Iniulat ni Anas na sinabi ni Propeta Muhammad: Ang pinakamahabaging tao sa aking ummah tungo sa iba pang tao sa aking ummah ay si Aboo Bakr. Iniulat ni Imaam Ahmad. Iniulat ni Anas: Umakyat si Propeta Muhammad, si Aboo Bakr, Omar, at 'Othmaan sa bundok Uhud at ito ay yumanig. Sinipa ito ni Propeta Muhammad at nagsabi, ((Maging matatag ka Uhud dahil nakatungtong sa iyo ang isang Propeta, Siddeeq, at dalawang shaheed (martir))). Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree.

Iniulat ni Muhammad bin Hanafeeyah: Tinanong ko ang aking ama (si 'Alee bin Abee Taalib). Sino ang pinakamabuting tao matapos si Propeta Muhammad? Sinabi niya, 'Si Aboo Bakr.' At sino pagkatapos? Sinabi niya, 'Si Omar.' Ako ay nangamba na mabanggit niya si 'Othmaan at sinabi ko at pagkatapos ba ay ikaw? Sinabi niya, 'Ako ay isa lamang sa mga muslim.' Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree. Iniulat ni Aboo Sa'eed Al-Khudree na sinabi ni Propeta Muhammad: Katotohanan, ang may pinakamalaking naitulong sa akin sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang kayamanan at pagsama sa akin ay si Aboo Bakr. Kung ako ay kukuha ng isang Khaleel sa aking ummah ay pipiliin ko si Aboo Bakr. Subalit sa Islaam ay mayroon lamang Ukhoowah (kapatiran) at Mawaddah (pagmamahalan). Walang pinto sa masjid (mg Propeta Muhammad sa Madeenah) ang hindi isasara nang tuluyan maliban sa pinto ni Aboo Bakr (ang ilang mga sahaabah noon ay may kanya-kanyang pinto papasok sa masjid dahil ang bahay nila ay kadikit lamang ng masjid). Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim. Iniulat ni Aboo Hurayrah na sinabi ni Propeta Muhammad:

Walang ni isa man sa atin ang may ginawa maliban na lamang na tayo ay biniyayaan dahil dito maliban kay Aboo Bakr dahil siya ay may gawain na bibigyan ng gantimpala ni Allaah sa Araw ng Paghuhukom. Walang salapi ninuman ang naging kapaki-pakinabang tulad ng kayaman ni Aboo Bakr. Kung ako man ay kukuha ng isang Khaleel ay kukunin ko si Aboo Bakr bilang Khaleel kung hindi lamang ako naging khaleel ni Allaah. Iniulat ni Imaam At-Tirmidhee. Iniulat ni Aboo Hurayrah na sinabi ni Propeta Muhammad:

24

"Ako ay humihiling na hindi ako baguhin ng aking pagiging khaleefah."

-Aboo Bakr

Iniulat ni Aboo Moosaa Al-Ash'aree: Nagkasakit si Propeta Muhammad at tumindi ito at siya ay nagsabi, ((Utusan ninyo si Aboo Bakr na pamunuan ang mga tao sa salaah,)) Sinabi ni 'Aaishah, 'Katotohahan siya ay isang lalaking napakasensitibo at kapag siya ay pumalit sa iyo bilang imam ay hindi niya kayang pamunuan ang mga tao sa salaah. Sinabi ni Propeta Muhammad, ((Utusan ninyo si Aboo Bakr na pamunuan ang mga tao sa salaah.)) Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim. Nababanggit din sa mga ulat na sinabi ni 'Aaishah kay Hafsah: Sabihin mo kay Propeta Muhammad na si 'Omar bin Al-Khattaab na lamang ang utusan, si Propeta Muhammad ay tumanggi hanggang sa siya ay nagalit at nagsabi, ((Katotohanan kayo ay tulad ng mga kababaihan sa panahon ni Propeta Yoosuf. Utusan ninyo si Aboo Bakr na pamunuan ang mga tao sa salaah.)) Iniulat ni 'ibnu Zam'ah na inutusan sila ni Propeta Muhammad na magsalaah at si Aboo Bakr ay hindi nila kasama. Si 'Omar bin Al-Khattaab ay namuno sa kanila sa salaah ngunit sinabi ni Propeta Muhammad: ((Hindi, hindi, hindi. Tatanggi si Allaah at ang mga muslim maliban kay Aboo Bakr.)) Sinabi ni 'Alee bin Abee Taalib:

25

Iniulat ni Abud Dardaa': Ako ay minsang nakaupo malapit kay Propeta Muhammad nang dumating si Aboo Bakr at nagsalaam at siya ay nagsabi, 'may nangyari sa pagitan ko at 'Omar bin Al-Khattaab. Ako ay nagalit sa kanya at ako ay nagsisi. Hiniling ko sa kanya na patawarin niya ako ngunit siya ay tumanggi at ako humaharap sa iyo ngayon.' Sinabi ni Propeta Muhammad, ((Pinapatawad ka ni Allaah O Aboo Bakr)) nang tatlong ulit. Si 'Omar ay nagsisi din kayat pumunta siya sa bahay ni Aboo Bakr ngunit niya ito nakita at siya ay nagpunta kay Propeta Muhammad at siya ay nagsalaam. Ang mukha ni Propeta Muhammad ay nakakitaan ng pagkagalit kayat naawa si Aboo Bakr, nanikluhod, at nagsabi, 'O Sugo ni Allaah. Isinusumpa ko kay Allaah, ako ay nang-api.' Sinabi ni Propeta Muhammad, ((Ako ay isinugo ni Allaah sa inyo at kayo ay nagsabi na ako ay nagsisinungaling at si Aboo Bakr ay nagsabi na ako ay nagsasabi ng katotohanan at tinulungan ako sa pamamagitan ng kanyang sarili at kayamanan. Hindi ba ninyo tatantanan ang aking kaibigan? Hindi ba ninyo tatantanan ang aking kaibigan? At mula noon ay wala nang nang-insulto kay Aboo Bakr. Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree. MGA TEKSTO NA NAGPAPATUNAY SA

PAGIGING TAMA NG PAGIGING KHALEEFAH NI ABOO BAKR

Sinabi ni Ibnul Jawzee: Si Aboo Bakr ay walang katulad dahil siya ay nakapagbibigay ng hatol kahit kasama niya si Propeta Muhammad ginawa siyang imaam sa salaah. Natutukoy siya nang hindi diretsahan bilang Khaleefah sa kanyang pamumuno sa salaah. Ang ilan sa mga hadeeth nagpapatunay ng kanyang pagiging Khaleefah ay ang mga sumusunod: Iniulat ni Jubayr bin Mut'im: Pumunta ang isang babae sa Propeta Muhammad at inutusan niya siya na bumalik na lamang. Nagsabi ang babae, 'Paano kung hindi matagpuan?' Na para bagang ang tinutukoy niya ay ang kamatayan. Sinabi ni Propeta Muhammad, ((Kung hindi mo ako matagpuan ay pumunta ka kay Aboo Bakr.)) Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim. Iniulat ni 'Aaishah: Sinabi sa akin ni Propeta Muhammad nang siya ay nagkasakit na kanyang ikinamatay. ((Tawagin mo para sa akin ang iyong ama at kapatid upang ako ay makagawa ng kasulatan dahil ako ay natatakot na magnasa ang isang taong may pagnanasa sa pagiging khaleefah at sasabihin niya na siya ay higit na karapat dapat. Si Allaah at ang mga mananampalataya ay tatanggi maliban na lamang kay Aboo Bakr. Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim.

Inutusan ni Propeta Muhammad si Aboo Bakr na pamunuan ang mga tao sa salaah. Ako ay nakasaksi noon, hindi ako malayo sa kanila, at wala akong sakit (bilang patunay na si Aboo Bakr pa rin ang pinili ni Propeta Muhammad kahit naroon si 'Alee). Kinalugdan namin para sa aming buhay sa mundo ang kung anumang kinalugdan ni Propeta Muhammad para sa aming relihiyon (ibig sabihin ay tanggap nila bilang pinuno sa mundo si Aboo Bakr bilang Khaleefah dahil si Aboo Bakr ay kinalugdan ni Propeta Muhammad bilang pinuno nila sa relihiyon bilang imaam sa salaah). Iniulat ni Ibnu 'Asaakir.

KASABIHAN NG MGA SAHAABAH,

AHLUL BAYT (PAMILYA NI PROPETA MUHAMMAD), AT MGA NAUNANG

MGA MUSLIM UKOL SA KAHIGITAN NI ABOO BAKR AS-SIDDEQ

Sinabi ni 'Omar bin Al-Khattaab: Si Aboo Bakr ang aming pinuno na siyang nagpalaya sa aming pinuno (si Bilaal bin Ar-Rabaah). Sinabi rin niya: Hiniling ko na ako ay naging buhok ni Aboo Bakr sa kanyang dibdib. Sinabi ni 'Alee: Ang pinakamabuting tao matapos si Propeta Muhammad ay sina Aboo Bakr at 'Omar. Hindi maaaring magsama sa puso ng isang mu'min ang pagmamahal at galit kina Aboo Bakr at 'Omar.

"Ang pinakamabuting tao matapos si Propeta Muhammad ay sina Aboo Bakr at 'Omar. Hindi maaaring magsama sa puso ng isang mu'min ang pagmamahal at galit kina Aboo Bakr at 'Omar." . 'Alee bin Abee Taalib

26

Kadhdhaab (isang arabo na nagpanggap na propeta). - Ang pagtitipon ng Qur-aan sa isang sipi. - Ang pagsisimula ng mga pananakop sa mga lupain ng 'Iraaq at Shaam (Jordan, Palestine, Syria, at Lebanon sa panahon ngayon).

MGA BAGAY-BAGAY NA SIYA ANG

UNANG NAKAGAWA

- Kauna-unahang lalaking nagmuslim. - Unang nagtipon ng Qur-aan. - Unang nagpangalan sa Qur-aan bilang Mus-haf. - Unang muslim na tinawag na Khaleefah at - unang khaleefah na binigyan ng suweldo. - Unang nagtatag ng Baytul Maal (kabang-bayan). - Unang taong binigyan ng Laqab (palayaw ayon sa kanyang gawain) at ito ang al-'ateeq (tagapagpalaya ng mga alipin).

ANG KANYANG KATAPANGAN

Iniulat ni 'Urwah bin Zubair: Tinanong ko si 'Abdullaah bin 'Amr ukol sa pinakamatinding ginawa ng mga mushrikoon kay Propeta Muhammad. Nagsabi siya, 'Nakita ko si 'Uqbah bin Abee Mu'eet na lumapit kay Propeta Muhammad habang siya ay nagsasalaah. Sinakal niya si Propeta Muhammad nang matinding pagsakal sa pamamagitan ng kanyang damit. Dumating si Aboo Bakr at siya ay inawat at nagsabi, 'Papatayin ba ninyo ang isang tao dahil lamang sa pagsasabi niya na ang kanyang Panginoon ay si Allaah samantalang dumating na sa inyo ang matibay na patunay mula sa inyong Panginoon. Iniulat ni Imaam Al-Bukhaaree. Ang pakikipaglaban niya laban sa mga ahlur-riddah (mga tumalikod sa Islaam) at mga taong ayaw magbayad ng zakaah ay kabilang sa pinakatibay ng patunay ng kanyang katapangan. Sinabi niya: Wallaahi. Kung hindi sila magbabayad ng kasing-halaga ng lubid na ibinabayad nila kay Propeta Muhammad noon (bilang zakaah) ay lalabanan ko sila.

ANG KANYANG PAGIGING MAKADIYOS AT ZUHD

Iniulat ni At-Tabaraanee mula kay sa kanyang musnad mula kay Hasan bin 'Alee bin Abee Taalib: Nang si Aboo Bakr ay naghihingalo na ay nagsabi siya, 'O 'Aaishah. Tingnan mo ang tupa na ginagatasan natin, ang mangkok na ginagamit natin pangtina, at ang tersiyopelo (velvet) na sinusuot natin. Tayo ay nakinabang sa mga ito habang tayo ay nangangalaga sa kapakanan ng mga muslim. Kapag ako ay namatay ay isauli mo ito kay 'Omar.' Nang siya ay namatay ay isinauli ito ni 'Aaishah at sinabi ni 'Omar, 'Kahabagan ka nawa ni Allaah O

Iniulat ni Ibnu Zayd: Minsan ay may isang lalaking pumunta sa kanyang ama na si Zaynul 'Aabideen 'Alee bin Al-Husain at nagsabi, 'Sabihin mo sa akin ang tungkol kay Aboo Bakr.' Sinabi niya. 'Tungkol sa As-Siddeq?' At sinabi ng lalaki, 'At tungkol na rin sa pagkakapangalan sa kanya bilang As-Siddeeq.' Sinabi ni Zaynul 'Aabideen, 'Mawala ka nawa sa iyong ina (dahil sa pagkamatay mo)! Siya ay pinangalan ng Sugo ni Allaah, ng mga Muhaajireen, at mga Ansaar. At sinuman ang hindi tumawag sa kanya bilang Siddeeq ay hindi patototohanan ni Allaah ang kanyang salita sa mundong ito at sa Kabilang-buhay. Umalis ka na dahil minamahal ko si Aboo Bakr at si 'Omar – kalugdan nawa silang dalawa ni Allaah.

Iniulat ni Ibnul Jawzee mula kay Zayd bin 'Alee: Sinuman ang magtakwil sa kanilang dalawa ay dapat niyang malaman – wallaahi (isinusumpa ko kay Allaah) – na ang pagtakwil sa dalawang sheikh nating ito na si Aboo Bakr at 'Omar ay pagtakwil din kay 'Alee. Kaya ipagpapatuloy mo ba ito o hindi?

ANG KANYANG MGA

NATATANGING KATANGIAN

Sinabi ni Sha'bee: Ginawa ni Allaah na natatangi si Aboo Bakr sa apat na bagay na hindi niya itinangi sa iba pa maliban sa kanya: Pinangalan siya bilang As-Siddeeq at walang sinuman ang may pangalang As-Siddeq maliban sa kanya. Siya ang kasama ni Propeta Muhammad sa yungib. Siya ang kasama ni Propeta Muhammad sa Hijrah. Siya ang inutusan ni Propeta Muhammad na mamuno sa salaah habang ang mga muslim ay saksi dito.

Iniulat ni Al-Haakim mula kay Musayyib: Si Aboo Bakr ay isang ministro para kay Propeta Muhammad at hinihingi niya ang payo nito sa lahat ng kanyang mga gawain. Siya ang pangalawa ni Propeta Muhammad sa Islaam, siya ang pangalawa niya sa yungib, pangalawa niya sa labanan sa Badr, pangalawa niya sa libingan, at hindi pinauuna ni Propeta Muhammad ang sinuman sa kanya.

MGA MAHAHALAGANG

KAGANAPAN SA KANYANG KHILAAFAH

- Ang pagpapadala ng hukbo sa pamumuno ni Usaamah bi Zayd. - Ang pakikipaglaban sa mga ahlur riddah (mga tumalikod sa Islaam) at mga taong ayaw magbayad ng zakaah. - Ang pakikipaglaban kay Musaylamah Al-

Aboo Bakr. Pinahirapan mo ang susunod sa iyo.’

ANG KANYANG

PAGPAPAKUMBABA

Iniulat ni Ibnu 'Asaakir mula kay Aboo Saaleh Al-Ghifaaree: Si 'Omar bin Al-Khattaab ay minsang nagdesisyong mangalaga sa isang matandang bulag sa ilang mga lugar sa Madeenah sa pamamagitan ng pag-iigib at paggawa ng ilang mga gawain para sa kanya. Subalit tuwing siya ay dumarating ay nakikita niya na naunahan na siya ng iba sa paggawa ng mga gawain para sa matanda. Si 'Omar ay nagmatyag at nalaman niya na si Aboo Bakr ang taong iyon at noon ay isa na siyang khaleefah. Sinabi ni 'Omar, 'Ako ay lagi mo na lamang nauunahan.'

ANG MATAAS NA ANTAS NG KANYANG PAGPUPUNYAGI

Iniulat ni Aboo Hurayrah: Iniulat ni Ad-Daaraqutnee mula kay Ja'far As-Saadiq mula sa kanyang ama na si Muhammad Al-Baaqir. Sinabi ni Propeta Muhammad: ((sino sa inyo ang nag-ayuno sa araw na ito?)) Sinabi ni Aboo Bakr, 'Ako.' ((Sino sa inyo ang dumalo sa janaazah?)) Sinabi ni Aboo Bakr, 'Ako.' ((Sino sa inyo ang nagpakain ng mahirap sa araw na ito?)) Sinabi ni Aboo Bakr, 'Ako.' ((Sino sa inyo ang nangalaga sa maysakit sa araw na ito?)) Sinabi ni Aboo Bakr, 'Ako.' Sinabi ni Propeta Muhammad, ((Hindi matitipon sa isang tao ang mga gawaing ito maliban na lamang na papasok siya sa Paraiso.)) Iniulat ni Imaam Muslim.

ANG PAGTUTUSTOS NIYA SA LANDAS NI ALLAAH

Iniulat ni 'Omar bin Al-Khattaab: Inutusan kami ni Propeta Muhammad isang araw na magkawanggawa at ako ay may salapi nang araw na yaon. Sinabi ko sa aking sarili, 'Sa araw na ito ay mauunahan ko si Aboo Bakr – kung mauunahan ko man siya sa isang araw.' Dinala ko ang kalahati ng aking kayamanan. Tinanong ako ni Propeta Muhammad, ((Ano ang itinira mo para sa iyong pamilya?)) Sinabi ko, 'Katulad nito.' Dumating si Aboo Bakr na dala ang lahat ng kanyang pag-aari at tinanong siya ni Propeta Muhammad, ((Ano ang itinira mo para sa iyong pamilya?)) Sinabi niya, 'Itinira ko para sa aking pamilya si Allaah at ang kanyang Sugo.' Sinabi ko, 'Hindi kita mauunahan sa anumang bagay kahit kailan!' Iniulat ni Aboo Daawud.

OPTICAL ILLUSION

Ang isang ilusyon ay isang bagay na nanlilinlang sa pamamagitan ng pagpapaakala na ito ay totoo samantalang ito ay hindi totoo o kaya ay sa pagpapaakala na ang ilusyon ay isang bagay samantalang ito ay iba pa sa inaakala.

Subukan mong baligtarin ang magazine na ito na ang ibabaw ay nasa ibaba at mababasa mo pa rin ang salitang 'ambiguity' sa parehong paraan ng pagkakasulat.

28

Ang Optical Illusion ay hindi agad mangangahulugan na ito ay isang mahika. Maraming mga optical illusion ang hindi sinasadya na nagkaroon ng ganitong epekto. Ang Optical Illusion ay maipapaliwanag sa pamamagitan ng isang siyensiya na tinatawag na optics na nag-aaral ng paggalaw ng liwanag. Ang isang illusion ay maaaring maganap sa paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Ang Optical Illusion ay ang siyang lumilinlang sa mga mata.

May mga illusion na natural na matatagpuan sa kalikasan tulad ng stripes na makikita sa mga zebra na lumilinlang sa paningin ng mga maninilang hayop tulad ng leon o tigre. Ang isang hunyango ay gumagamit din ng Optical Illusion upang linalangin ang mga predator. Ito ay tinatawag ding camouflage. Maituturing ding natural na Optical Illusion ang tila paggalaw ng mga bagay sa kabila ng isang bagay na mainit o kaya ay pagiging mukhang basa ng isang kalsadang aspalto dahil sa pagbabago ng air density lalo na sa mga maiinit na bansa tulad ng gitnang silangan. Ang konsepto ng optical illusion ay ginagamit din sa iba pang kapaki-pakinabang na gamit tulad ng paglalagay ng salamin sa mga elevator upang ito ay magmukhang mas malawak na nakakatulong nang malaki sa mga taong may claustrophobia o pagkatakot sa pagpasok sa loob ng isang bagay na masikip tulad ng maliliit na mga silid. Mayroong iba't ibang uri ng Optical Illusion: 1. Ang Illusion of Length o pag-aakala ng ating mga mata na ang isang bagay ay mas mahaba kaysa sa iba pa samantalang sa katotohanan ay magkasinghaba lamang sila.

2. Illusion of Shape. Ang mga mata ay sanay na makakita ng mga bagay na lumiliit habang papalayo mula sa kanyang tanaw. Ang larawan sa ibaba ay hindi mo malaman kung ito ba ay aklat na nakabuka paharap sa iyo o patalikod.

3. Ullusion of Size

Ang dalawang bilog sa gitna ng dalawang hugis na ito ay magkasing-laki lamang subalit nagmumukhang mas malaki ang nasa kaliwa dahil ang nakapaligid dito ay maliliit na bilog gayundin ang larawan ng tatlong lalaki sa ibaba, lahat sila ay magkakasinglaki.

4. Illusion of Contours:

Ang mga diagonal na guhit ay pawang parallel o magkakahanay sa isat isa ngunit nagmukha silang sali-saliwa dahil sa mga maiiksing guhit sa kahabaan nila.

5. Mga imposibleng Hugis.

Ang larawang ito ay imposibleng mangyari sa katotohanan. 6. Ilusyon ng paggalaw.

7. Mga bagay o larawan na maaaring makita sa dalawang paraan.

Sa larawang ito ay maaari mong makita ang hugis ng isang mukha o ang salitang ‘liar’ na nakasulat sa mga titik na dikit-dikit.

29

30

Ang Islaam ay ang pagpapasakop kay Allaah sa Kanyang kaisahan, ang pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod, at ang kawalan ng kinalaman sa anumang pagtatambal sa pagsamba sa Kanya at sa mga gumagawa nito. Ang Kaisahan ni Allaah o ang tinatawag nating Tawheed ay ang siyang karapatan ng Panginoon sa Kanyang mga alipin. Sinumang lalapastangan dito ay Kanyang pagbabayarin at ang sinumang magsasakatuparan nito ay Kanyang bibiyayaan. Ang Tawheed ay nahahati sa tatlong bahagi: 1. Ang Kaisahan ni Allaah sa Kanyang pagka-Panginoon o pagiging tagapaglikha, tagapagtutos, at tagapagtakda. 2. Ang Kaisahan ni Allaah sa Kanyang pagka-Diyos na nangangahulugang Siya lamang ang may karapatan na sambahin, panalanginan, at hingian ng tulong. 3. Ang Kaisahan ni Allaah sa Kanyang mga pangalan at katangian nang walang pamimilosopo sa kaparaanan ng mga ito, pagpapalit ng kahulugan nito, pagtanggi sa kahulugan nito, o paghahalintulad nito sa nilikha. Sa makabagong panahon nating ito ay umiiral ang mga katuruan at mga gawain ng tao na humahamon sa kaisahan ni Allaah. Nariyan ang mga tao na sumasamba sa diyos-diyosan. Mga sumasamba kay Jesus, Maria, sa mga santo, sa mga anghel, sa mga puno, at iba pang nilikha bilang mga katambal ni Allaah sa pagsamba. Ang iba naman ay umabot na sa sukdulan na hindi sila naniniwala na mayroong Panginoong tagapaglikha. Sinasabi ng mga tao na, ang atheismo (hindi paniniwala sa diyos) ay ang makabagong relihiyon. Sinasabi nila na sa pagsibol ng ateismo ay kasama nito ang simula na pawawakas ng panahon ng mga pamahiin, ng mga himala, at ng mga misteryo. Ang pagsibol ng atheismo ay ang pagsibol ng panahon ng siyensiya at karunungan, ng mga imbensiyon at pagtuklas, ng panahon ng tao. Dahil sa ating pagiging makabago ay wala nang pangangailangan ang tao sa isang Panginoon na namamahala sa isang nilikha, nagpapanatili ng Kanyang nilikha, at nagtatakda ng mga magaganap.

Bilang mga Filipino Muslims at bilang minority sa ating bansa napipilitan ang marami sa ating mga anak na mag-aral sa mga paaralan na nagtuturo ng Darwinismo at Big Bang Theory mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang Darwinismo ay nagtuturo ng Theory of Evolution o ang teorya na nagtuturo na walang Panginoon na lumikha kundi ang mga bagay na may buhay ay nagbago ng anyo sa paglipas ng panahon hanggang sa sinabi nila na ang mga tao ay mula sa mga unggoy. Ang Big Bang Theory naman sa kabilang dako ay nagtuturo na ang kalawakan ay nabuo dahil sa isang pagsabog na naging dahilan ng pagsibol ng kalawakan. Ang dalawang katuruang ito, kapag nagsama ay nagiging kumpletong argumento ng mga taong tumatanggi sa pagkakaroon ng isang Panginoon na lumikha ng kalawakan at lumikha ng mga bagay na may buhay sa mundo. Ang mga katuruang ito ay hindi katanggap-tanggap para sa ating mga muslim dahil ang ating pananampalataya ay nagbabawal dito. Subalit may ilang mga tao na nasusubok ang kanilang mga pananampalataya dahil sa mga kabalbalang ito at nais nating patunayan na akdang ito insha allaah na ang mga katuruang ito ay huwad at walang maniniwala sa mga ito maliban na lamang iyong mga tinabunan na ni Allaah ng kawalang pananampalataya ang kanilang mga puso at isipan. Magpakupkop tayo kay Allaah laban dito. Dalawang uri ang patunay na maibibigay ng Islaam na mayroong Panginoong tagapaglikha: 1. Ang natural na disposisyon ng tao na maniwala sa nag-iisang Panginoon kung sila ay hindi maiimpluwensiyahan ng mga ligaw na katuruan. 2. Hindi maaaring lumitaw ang mga bagay, may buhay man o walang buhay liban na lamang na mayroong lumikha sa kanila.

ANG FITRAH O NATURAL NA DISPOSISYON NG TAO NA

MANIWALA SA TAGAPAGLIKHA

Ang fitrah ng tao na maniwala sa isang Tagapaglikha kahit walang patunay na nakikita.

ANG MGA PATUNAY NA MAYROONG PANGINOON

Sinabi ni Propeta Muhammad: Lahat ay isinilang sa fitrah ngunit ang kanilang mga magulang ay ginawa silang hudyo, kristiyano, o mago. Iniulat nina Imaam Al-Bukhaaree at Imaam Muslim. Nilikha ng Panginoon ang tao na kumikilala ay sumasamba sa nag-iisang Panginoon. Ang tao ay madalas na tumingin sa langit tuwing siya ay nananalangin o sa pag-asa ng pagdating ng kabutihan kahit pa hindi ito ituro sa kanya ng kanyang relihiyon. Subalit si satanas at ang kanyang mga kasamahang mga demonyo mula sa mga engkanto at mga tao ay patuloy na nagliligaw sa mga tao sa pamamagitan ng panulat ng mga manunulat at mga pilosopo o mga guro sa mga paaralan o iba pang nagtuturo ng mga ligaw na katuruang tulad nito. Sinabi ni Allaah: Sinabi ni Satanas, "Sumusumpa ako sa pamamagitan ng Iyong kapangyarihan na ililigaw ko silang lahat maliban na lamang sa Iyong mga hinirang mula sa kanila (iyong mga mananampalataya at masunurin sa Panginoon)." Soorah Saad: 82-83 Ang mga kalamidad ay nagpapadalisay sa fitrah. Ang pagdating ng napipintong kapahamakan ay sumusubok sa tao kahit pa gaano katigas ang kanyang puso. Sa pagnanais niya na mailigtas ang sarili o ang minamahal ay mapapabulalas siya ng 'Diyos ko, tulungan mo ako!" Samantalang ang iba naman sa kabila ng kanilang kawalan ng pananampalataya ay napapasigaw sa kalangitan, 'Kasalanan mo ito Panginoon.' na sa kabila ng pagkakaroon nito ng negatibong mensahe ay nangangahulugan pa rin ng pagkilala niya na mayroong Panginoon na namamahala sa lahat kahit sabihin pa niya na siya ay atheist. Ang mga mushrik (mga sumasamba sa diyos-diyosan) ay naniniwala sa Tagapaglikha. Ang atheismo ay isang makabagong katuruan na hindi makikita sa naunang mga kultura ng mga pagano.

31

Katotohanan ang mga atheist ay walang ebidensiya na maibibigay kundi mga haka-haka lamang. Ang kanila lamang kayang gawin ay ang magduda at tumanggi sa mga palatandaan na totoong may Panginoon na lumikha ng lahat ng bagay. Na nagtutustos ng ating mga pangangailangan. Panginoon na siyang nag-iisang may karapatan na sambahin dahil sa utang na loob natin sa Kanya sa pagkakalikha Niya ng hangin na ating hinihinga, tubig na ating iniinom at iba pang biyayang ating pinakikinabangan. Ang Panginoon na nagbigay sa atin ng buhay. Sinabi ni Allaah: Sila ba ay nilikha mula sa kawalan? O sila ba ang mga tagapaglikha? Sooratut Toor: 35

Ang mga tao noong unang panahon ay naniniwala sa isang tagapaglikha kahit pa marami silang iba pang kinikilalang diyos. Ang mga hindu ay may mahigit milyong diyos subalit isa lamang ang kanilang tagapaglikha – si Brahma. Ang mga Griyego, sa kabila ng pagkakaroon nila ng maraming diyos ay kumikilala sa nag-iisang diyos na lumikha ng tao – si Zeus. Gayundin ang mga kristiyano na kumikilala sa diyos-ama bilang tagapaglikha kahit pa sila ay sumasamba sila sa iba pa. Pinalitan lamang ng mga tao ang pangalan at konsepto ng isang Panginoong makapangyarihan. Kapag tinanong ang mga atheist o ang mga sekularista ukol sa pagdating ng mabuting bagay ay sasabihin nila na ito ay dahil sa suwerte at ang pagdating ng sakuna ay dahil sa kawalan ng suwerte. Ang Panginoon na nagtatakda ng kabutihan at kasamaan ay pinalitan lamang nila ng pangalan. Dahil sa kaibuturan nito ay nakikita natin ang pagsasangkot nila sa pagkakaganap ng mga pangyayari sa isang kapangyarihang hindi nakikita. Ito sa katotohanan ay ang kapangyarihan ng Panginoon na tinawag lamang nilang malas o suwerte.

ANG KALAWAKAN AY HINDI

MAAARING MABUO AT MAGKAKAROON NG BUHAY

MALIBAN NA LAMANG SA PAGKAKALIKHA DITO NG ISANG

PANGINOON

Ang pag-iisip ay walang pagpipilian kundi tanggapin na mayroong tagapaglikha. Kung halimbawang magkakaroon ka ng pagkakataon na nakausap ang isang atheist sa isang debate at tanungin mo siya na maaari bang mabuo ang isang kariton nang walang taong gumagawa dito kundi ito ay nabuo lamang sa pamamagitan ng paglipad ng mga kahoy, pako, at iba pang materyales – ang sasabihin nila ay hindi ito maaari. Nakakapagtaka na ang isang tao ay maniniwala na mabubuo mula sa kawalan ang isang bagay na komplikado tulad ng kalawakan ngunit hindi siya maniniwala na mabubuo ang isang bagay na mas simple pa kaysa dito tulad ng isang kariton. Ang mga tao ay nabibighani sa mga bagay na inimbento ng utak ng tao ngunit tila kakaunti lamang ang kumikilala sa lumikha ng utak.

Sa pamamagitan ng argumentong ito ay mapapatunayan natin na hindi maaaring malikha ang kalawakan o ang buhay mula sa kawalan. Kung titingnan pa natin ang pagiging perpekto ng pagkakalikha ng Panginoon sa mga bagay-bagay ay higit tayong mamamangha at makukumbinsi na hindi maaaring mangyari ang pagkakalikha nang tsambahan lamang. Sinabi ni Allaah: Katotohanan sa pagkakalikha ng langit at ng lupa at ang pagpapalitan ng araw at gabi ay mga palatandaan para sa mga taong may bukas na pag-iisip. Soorah Aali 'Imraan: 190. Hindi maaaring malikha ang anumang bagay liban na lamang na mayroong Panginoon na tagapaglikha. Ang lahat ng mga teorya ng pagkakalikha ng kalawakan at buhay ay haka-haka lamang at nanatiling haka-haka lamang. Bagkus ang katotohanan ay ang kabaligtaran nito. Unang-unang bagay na dapat nating malaman ukol sa mga katuruang tumatanggi sa pagkakaroon ng Pangiinoon ay ang katotohanan na ang mga katuruang ito ay nananatiling teorya hanggang sa panahon natin ngayon. Ang teorya ay isang siyentipikong haka-haka at ang mga katuruang ito ay nananatiling haka-haka hanggang sa panahon natin ngayon mula sa pagkakabuo ng mga ito ilang daang taon na ang nakakalipas. Nananatili silang haka-haka at hindi kailanman mapapatunayan na napapatunayan na isang siyentipikong katotohanan. Maging ang mga scientists ay hindi tumatanggap dito at katotohanan ay sila mismo ang matinding kaaway ng mga katuruang ito sa pamamagitan ng pagpapabulaan dito. Sinasabi nila na napakalaki ng antas ng pagiging imposible ng pagkakaroon ng buhay sa mundo nang walang tagapaglikha. Sinasabi pa nga nila na ang pagiging imposible nito ay katulad na pagiging imposible ng isang tao na makapulot ng tiket ng lotto sa loob ng isang linggo at ang lahat ng mga tiket na ito ay mananalo ng jackpot. Sinasabi rin nila na kung ang buhay ay maaaring malikha dahil sa pagkakaroon ng ibat ibang kemikal at pagdaloy ng kuryente dito ay bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin magawa ng tao na makagawa ng kahit isang langaw. Katotohanan, ang tao ay walang kakayanan na lumikha ng kahit na isang alikabok. Imposible na malikha ang buhay at imposible ring malikha ang buong kalawakan nang walang tagapaglikha sa lahat ng perpektong sistema nito.

Ang paglitaw ng buhay sa pamamagitan ng pagkapanganak ng isang tao ay isang mabigat na patunay na hindi maaaring mangyari ang mga bagay nang tsambahan lamang. Ang proseso ng pagsasanib ng punlay ng babae at lalaki, ang pagkakahati-hati ng mga cells na ito upang mabuo na isang tao, at ang pagiging paulit-ulit nito nang hindi nanganganak ang isang tao ng kalabaw o baka ay nangangahulugan na ang mga bagay-bagay sa kalikasan ay gumagalaw ayon sa isang perpektong batas na hindi natin maipapaliwanag sa pananalitang pantao. Isang perpektong batas na umiinog sa pangangalaga ng Panginoong makapangyarihan – ang tagapaglikha.

Hindi na naisip ng tao na ang araw ay hindi masyadong malayo o malapit sa ating mundo? Na ang pagkiling ng mundo sa kanyang axis ay sapat lang? Na ang pag-ikot nito ay may tamang bilis lamang? Hindi ba nila naisip na kung magbabago ang mga ito nang kahit katiting lamang ay magiging masyadong malamig o mainit ang mundo upang mabuhay ang tao, mga hayop at halaman?

32

Ang Apple iPad

Hawak ni Steve Jobs Chief Executive Officer

(CEO) ng Apple na siyang kompanya na lumikha ng iPhone at iPod ang isang iPad. Mapapansin na kasinglaki lamang ito ng

isang pangkaraniwang magazine.

Ang likod ng isang iPad kung saan makikita ang logo ng Apple. Ang iPad ay itinuturing

na nasa pagitan ng isang smartphone at laptop pagdating sa functionality nito.

Ang isang iPad habang nakadisplay ang rough draft ng cover ng ating magazine.

Ang iPad ay isang tablet computer. Ang isang tablet computer ay isang uri ng computer na para lamang LCD monitor ng isang pangkaraniwang PC subalit ang Processing Unit, Display, at Input ay nasa isang katawan lamang. Hindi katulad ng desktop computer o laptop.

Ang iPad ay mayroong multitouch display na maaaring ma-control sa pamamagitan lamang ng pagpindot dito ng daliri o stylus. Maaari ding gumamit ng iPad keyboard dock at maaari na itong gamitin na parang ordinaryong PC.

Ang iPad keyboard dock.

Ang iPad habang nakadisplay dito ang dalawang pahina ng isang e-book. Ang iPad ay nilikha upang maging higit na maginhawa ang pagbabasa ng e-book o e-magazine. Ang iPad ay napakadaling dalhin kahit saan dahil sa kaliitan at kagaanan nito. Sa pamamagitan ng pagkakaroon nito ng Wi-Fi at 3G ay maaaring makapag-internet at makagamit ng iba pang serbisyo ang isang tao halos kahit saan.

*Ang mga larawan sa pahinang ito ay mula sa Wikipedia maliban sa picture ng may rough draft ng magazine.

MGA OPTIONAL ACCESSORIES NG iPad

iPad Keyboard Dock

Ito ay may kasamang keyboard, 30-pin connector, at audio jack.

iPad Case

Ito ay ginagamit upang suportahan ang iPad sa ibat ibang posisyon.

iPad Dock

Ito ay may 30-pin connector at audio jack.

iPad Dock Connector to VGA Adapter

Ito ay ginagamit para sa isang external monitor o projector.

iPad Camera Connection Kit

Ito ay mayroong USB Type A connector adapter at SD card reader na magagamit sa pagsalin ng mga larawan at video mula sa isang digital camera.

iPad 10W USB Power Adapter with 2 A output (10 W)

SPECIFICATIONS NG iPad Hango mula sa Wikipedia

Developer .Apple Inc

Manufacturer )on contract (Foxconn

Type Tablet media player/PC

Release date

Wi-Fi model (U.S.):

April 3, 2010

Wi-Fi + 3G Model (U.S.):

April 30, 2010

Both Models (Nine more countries): May 28, 2010

Units sold 3 million (as of 22 June 2010)

Operating

systemRelease August 11, 2010 OS 3.2.2 (build 7B500)

Power ) kJ90 (W·h 25removable -Internal rechargeable nonpolymer battery-lithium

CPU GHz 14Apple A

Storage

capacity

Flash memory

16GB, 32GB, or 64GB models only

Memory package 4 MB DRAM built into Apple A256 PoP MB 128

Display )768× 1024 px( aspect ratio 132, )2cm290 (2in45 . appr, diagonal) cm25 (in .79, ):3 4PPI, XGA, LEDbacklit -IPS LCD

Graphics PowerVR SGX GPU535

Input touch-Multi touch screen, headset controlsproximity and , ambient lightaxis -3, sensorsaccelerometer, magnetometer

Camera None

Connectivity

) Fi-Wi (.11802a/b/g/n

EDR+ .1 2Bluetooth

:G model also includes3+ Fi -WiUMTS/ HSDPA )MHz2100 , 1900, 850–Tri band(

GSM/ EDGE )MHz1900 , 1800, 900, 850–Quad band(

Online services iTunes Store, App Store, MobileMe, iBookstore

Dimensions 242.8 mm (9.56 in) (h) 189.7 mm (7.47 n) (w) 13.4 mm (0.53 in) (d)

WeightWi-Fi model: 680 g (1.5 lb)

Wi-Fi + 3G model: 730 g (1.6 lb)

Website ipad/com.apple.www

33

34

ANG MAGAZIIINE itong makuha nang libre kung mayroong sponsor para sa mga libreng kopya nito. Kadalasan ay mas maganda ang mag-subscribe dahil sa higit na makakamura ang mambabasa sa pagbili ng magazine. Ito rin ay kadalasang may mga kasamang libreng poster o kaya ay mga regalong mga aklat at iba pang mga promo o papremyo. Ang mga publisher ay maaari ding magbenta ng back issues o mga lumang issue sa mas mababang halaga. Ang petsa sa mga magazine ay kadalasang huli kaysa sa panahon ng aktuwal na pag-imprenta nito. Halimbawa, sa magazine nating ito, ang nakalagay na petsa ay Shawwal 1431 subalit nagsimula ang pamamahagi nito sa ika-20 ng Ramadhaan 1431. Ang mga magazine ay kadalasang mabibili sa buong bansa kung saan ito inimprenta. Mayroon namang sa isang rehiyon lamang katulad ng mga magazine sa Pilipinas na nakasulat sa mga wikang katutubo sa isang lugar tulad ng Bisaya o Ilocano. Ang iba naman ay iniimprenta upang ipamahagi sa buong mundo. Ang pagkahilig ng tao sa mga magazine ay naging dahilan sa pagiging popular nito lalo na nang dumating ang mga makabagong printing techniques na nagpaganda pa lalo sa aesthetic quality ng mga magazine. Ang pagbabasa ng magazine ay kadalasang kinagigiliwan ng mga tao dahil sa mga napapanahong mga akda dito at sa magagandang mga larawan. Ang mga artikulo din sa isang magazine ay kadalasang mas detalyado kaysa sa isang mababanggit sa diyaryo ngunit hindi naman masyadong mahaba at nakakayamot tulad ng makikita sa mga encyclopedia na kadalasang isinusulat nang walang halong sining sa istilo ng pagsulat. Dahil sa popularidad nito ay nailathala ang ibat ibang uri ng magazine ayon sa ibat ibang interes ng tao tulad ng siyensiya, negosyo, showbiz at iba pa. Ilan sa mga magazine na popular sa panahon natin ngayon mula noon ay ang Time Magazine na ipinamamahagi sa buong mundo at ang Liwayway Magazine sa Pilipinas. Sa kasamaang palad, tuwinang may naiimbentong mabuting bagay ay may mga tao na gumagamit nito sa kasamaan kaya’t ginamit din ng masasamang tao ang mga magazine sa pagpapalaganap ng pornography at kabastusan bago pa man nagkaroon ng mga ganito sa mga pelikula at internet. Ang mga publisher ay kumikita sa pamamagitan ng mga pag-eendorso ng mga produktong komersiyal sa kanilang mga magazine sa pamamagitan ng mga patalastas. Ang mga palatastas na ito ay kadalasang nagdadagdag pa ng buhay sa mga magazine dahil sa mga makukulay nitong mga larawan at mga masining

na mga sawikain at pananalita. Ang mga patalastas na ito ay kadalasang mula sa mga produkto na may kinalaman sa interes na isinusulong ng magazine. Ang isang magazine ukol sa Photography halimbawa, ay maglalaman ng mga patalastas ukol sa mga produktong pang-photography tulad ng mga camera at mga accessories nito. Marami ang nag-aakala na sa pagkakaimbento ng internet at pagkawili ng mga tao sa google, facebook, twitter, at yahoo ay mawawala nang tuluyan ang popularidad ng mga magazine. Subalit kabaligtaran sa inaakala ng nakararami ay nakatulong pa ang internet sa pagpapalaganap ng magazine sa pamamagitan ng pagpapabilis ng paglaganap nito sa electronic form. Mas marami ngayon ang nagbabasa ng mga magazine na na-download nila mula sa internet o kaya ay nagbabasa ng mga post sa mga official websites ng mga publisher nito. Mayroon na ring iba pang serbisyo ang mga websites na ito tulad ng mga forum, iba pang mga downloadable materials, at mga artikulo na updated araw-araw. Ayon sa mga pag-aaral, mas maraming tao ngayon ang nagbabayad ng mga online paid subscriptions at mas marami din ang magazines ngayon ang puwedeng i-download nang libre mula sa kanilang official websites tulad ng PhotographyBB magazine. Ang iba naman sa kabilang dako ay mga pirated scanned copies ng mga commercially printed magazines.

Ang salitang magazine ay hango sa salitang Arabic na ‘makhaazin’ na nangangahulugang imbakan o bodega. Ang magazine ay isang imbakan ng karunungan at mabisang pamamaraan ng pagpapakalat nito. Si Edward Cave ang unang tao na tumawag sa mga lathalaing tulad nito bilang magazine. Ito ay bilang paghahambing niya sa iba’t ibang nilalaman nito sa isang bodega. Siya rin ang editor ng The Gentleman’s Magazine, ang kauna-unahang general-interest magazine sa ilalim ng pangalang Sylvanus Urban. Ang The Gentleman's Magazine ay maituturing na kauna-unahang magazine sa makabagong format na mayroon hanggang ngayon. Ang magazine na ito ay naglalaman ng mga debateng pampolitika, mga sanaysay, mga kuwento, mga tula, at iba pa. Ito ay inilathala mula 1731 hanggang 1907. Ang isang magazine ay tinuturing na isang periodical. Ang isang periodical o periodiko ay isang lathalain na inilalathala sa regular na pagkakakataon tulad ng buwanan o taunan. Ang isang magazine ay nakikilala sa iba pang mga periodiko dahil sa kadalasan ay gumagamit ito ng mas mataas na uri ng papel. Ang mga magazine ay gumagamit ng glossy na papel na napakamainam gamitin sa pag-imprenta ng mga larawan. Ang magazine din ay kadalasang mas maliit kaysa sa isang pahayagan o diyaryo ngunit mas malaki kaysa sa isang libro. Ang ibang magazine naman ay singlaki ng libro tulad ng National Geographic o parang isang pocket book tulad ng Reader's Digest. Ang magazine ay maaaring iimprenta nang colored o black and white at kadalasang 16 na pahina pataas – higit na mas marami kaysa sa tabloid. Ang mga magazine ay nakadikit sa pamamagitan ng staple sa gitna katulad ng makikita natin kadalasan o kaya ay sa pamamaraang tinatawag na gluing kaya ang isang magazine ay nagmumukhang isang libro maliban na lamang sa ang mga magazine ay gumagamit ng parehong uri ng papel para sa cover at sa looban nito hindi katulad ng aklat na ang cover ay makapal na carton o kaya ay hard-bound. Ang mga magazine ay maaaring mabili sa pamamagitan ng subscription o pagbabayad nang maaga para sa isang buong taong supply ng magazine. Ang mga subscriber ay kadalasang nakatatanggap ng kanilang mga magazine sa pamamagitan ng koreo. Maaari din itong bilhin sa mga supplier nito tulad ng mga bilihan ng diyaryo. Maaari din naman

Marami ang nag-aakala na sa pagkakaimbento ng internet at pagkawili ng mga tao sa google, facebook, twitter, at yahoo ay mawawala nang tuluyan ang popularidad ng mga magazine. Subalit kabaligtaran sa inaakala ng nakararami ay nakatulong pa ang internet sa pagpapalaganap ng magazine.

Ang telebisyon ang isa sa mga pinakadakilang imbensiyon ng ika-20 siglo. Lahat ng mga bahay sa panahon natin ngayon ay mayroong telebisyon. Sa pamamagitan ng telebisyon ay napadali at napaganda ang mga seribisyo tulad ng paghahatid ng balita at pagpapakalat ng impormasyon. Ang ilang mga ina ay nakakakita ng kabutihan sa telebisyon dahil sinasabi nila na dahil sa pagkakaimbento ng telebisyon ay maaari nilang iwan ang kanilang mga anak na nanonood nito habang sila ay abala sa mga gawaing-bahay. Ang panonood ng telebisyon, sabi nila, ay mas nakapagbibigay sa kanila ng kapanatagan kaysa kung hahayaan nila ang kanilang mga anak na naglalaro sa labas. Bilang minority sa bansang ito at sa napakahirap nating kalagayan na wala tayong sariling TV station na nagpapalabas ng mga programang islamiko katulad ng mayroon sa mga bansang muslim, nagiging mapanganib para sa ating mga anak ang pabayaan natin sila manood ng telebisyon nang hindi natin sila binabantayan. Minsan pa nga ay nagiging mapanganib pa rin ang panonood ng telebisyon kahit kasama pa nila tayo na mga magulang dahil ang mga naipapalabas sa telebisyon ngayon ay kadalasang nakasasama sa atin mismo. Ito ay lingid sa kaalaman ng nakararaming mga magulang dahil sa kakulangan nila ng kaalaman o dahil sa kanilang kapabayaan. Lingid sa kaalaman ng marami na ang ating mga anak ay nasa bingit ng panganib tuwinang bubuksan natin ang telebisyong ito. Bagaman ito ay inimbento sa pinakamagagandang mga intensiyon, ito ay kasalukuyang ginagamit ng mga masasamang tao upang magpakalat ng mga masasamang katuruan at tukso na lumalason sa isip natin. Karagdagan pa rito ang pagkaubos ng ating oras sa mga walang kabuluhang palabas sa halip na gumawa tayo ng mga gawaing makabuluhan. Kadalasan ay nagiging dahilan

din ito upang ang tao ay makalimot sa salaah. Narito ang isang taos-pusong payo ko sa ating mga kapatid na muslim sa kabuuan at sa ating mga magulang lalo na, laban sa mga panganib na matatagpuan natin sa panonood ng telebisyon; sa mga pelikula, programa, at mga patalastas dito. Bibigyang-diin ko na hindi ko sinasabi na haraam ang telebisyon. Ito ay mubaah subalit ang hatol dito ay naaayon sa pinaggagamitan nito. Kung ito ay sa masama ay haraam ito at kung ito ay mabuti ay halaal ito at ito ay may malaking epekto sa ugali ng tao. Ang telebisyon ay ang numero unong pinagkukunan ng balita sa panahon natin ngayon at pangalawa na lamang dito ang diyaryo at radio at iba pang mass media. Maraming mga tao ang higit nilang pinahahalagahan ang mga programang balita sa mga telebisyon kaysa sa iba pang programa. Subalit sa kasamaang palad ay nagagamit ang mga programang balita sa pagpapakalat ng kasinungalingan lalo na laban sa ating pananampalataya. Madalas sa mga media na kapag ang isang maysala ay isang muslim ay bibigyang-diin pa ang kanyang pagiging muslim samantalang kung siya ay hindi muslim ay hindi naman sasabihin kung siya ba ay hudyo o kristiyano. Kung hindi pa ninyo nalalaman mga kapatid sa pananampalataya ang katotohanan sa panahon natin ngayon ay sasabihin ko sa inyo – sinuman ang may control sa media ay may control sa mga tao at ang sinumang may control sa mga tao ay may control sa buong mundo. Ninanais ng mga kaaway ng Islaam na takpan ang katotohanan ng pagiging nag-iisang tunay na relihiyon ng pananampalatayang Islaam sa pamamagitan ng paninira dito. Ang mga hindi muslim ay naniwala na dito. Ngunito tayo ay nailalagay sa higit na alanganing posisyon dahil sa mga balitang ito na sumisira sa ating reputasyon bilang mga tagasunod ng relihiyon ng kapayapaan.

Sa panahon natin ngayon ay lumalaganap na ang sakit ng lipunan na tinatawag nilang islamophobia – o ang pagkatakot sa anumang bagay na may kinalaman sa Islaam nang walang kadahilanang kapani-paniwala o lohikal. Ang mga muslim ay nababansagan kahit saan bilang mga terorista at ng iba pang mga masasamang palayaw na hindi ibinansag sa anumang kultura sa kasaysayan ng mundo. Sa Pilipinas naman ay nababansagan ang mga muslim na mga drug pusher, mga vendor ng pirated DVD, at kahit saan sila pumunta ay gumugulo. Dahil dito minsan ay hirap tayo humanap ng trabaho at bahay na mauupahan sa sarili nating bayan. Subalit higit na delikado ang epekto ng paninirang ito sa ating mga anak. Sa ngayon, dahil sa kahihiyan na isinangkot ng media sa mga muslim ay tila ikinahihiya na ng ibang mga muslim na sila ay muslim. Dahil dito ay pinapangalanan na nila ang mga anak nila ng pangalan ng mga kristiyano upang hindi kuno mapagkamalan na muslim. Dahil dito ay maraming babae ang ayaw na maghijaab. Dahil dito ay mga muslim na nagsasabi, 'Hindi po kami muslim. Mga maranao po kami. Yung mga muslim po ay masasama, ang mga maranao po ay mababait.' Dahil dito ay nangyayari din na isumpa ng mga muslim na makakapanood ng mga balitang ito ang mga kapatid nilang muslim na pinagbintangang nangbomba o nangidnap nang hindi naman nila nalalaman ang tunay na nangyari. Ito ang unang problema sa mga balita sa telebisyon. Hindi natin nalalaman kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Ang mga balita ay ipinapahayag ayon sa interes at pagkiling ng tagapagbalita nito at hindi ba't karamihan sa kanila ay mga hindi muslim. Mga Filipinong newscaster at reporter na nakatanggap ng kanilang edukasyon sa ilalim ng isang curriculum na anti-muslim at anti-islam. Lumaki akong hindi muslim at ako ay nagmuslim lamang nang ako ay 22 taong

35

gulang kaya nalalaman ko kung ano ang itinatanim ng ating sistemang pang- edukasyon sa utak ng isang mag-aaral. Isang sistemang pang-edukasyon na nagtuturo na ang mga muslim ay mga pagano at mga taong tanga na nanatili sa pagiging muslim nila dahil sila ay mga mal-edukado. Sistemang minana natin sa mga kastila na nang-alipin sa atin, nagtaguri sa atin na mga indio, at pumaslang sa ating mga bayani na ayaw magpailalim sa kanila.

Ito ang unang problema sa telebisyon. Hindi natin nalalaman kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Isa pang kasamaan na matatagpuan natin sa telebisyon ay ang pagpapalaganap nito ng musika. Musika na ipinagbabawal ni Allaah at ng Kanyang sugo sa atin para na rin sa ating kapakanan. Sinabi ni Allaah: Mayroon sa mga tao ang bumibili ng musika at pagkanta, upang iligaw ang iba mula sa landas ni Allaah nang walang kaalaman, at nagtataguri sa mga talata ng Qur-aan sa mapangutyang paraan: para sa kanila ay may nakahanda na kahiya-hiyang kaparusahan sa impiyerno. (Luqman: 6)

Sinabi ni Propeta Muhammad: Lilitaw sa aking ummah ang mga grupo ng mga tao na magpapahintulot sa illegal na pakikipagtalik, sa pagsusuot ng lalaki ng seda (damit na pambabae), sa alak, at sa Ma’azif (musika at mga walang kabuluhang pagkanta). (Iniulat ni Imam Al-Bukhaaree))

Ang Musika ay may kakayanang baguhin ang pag-iisip at damdamin ng tao. Kapag ang tao ay nakakarinig ng musikang masaya ang tono o tema, siya ay masaya. Kapag ang tao ay nakarinig ng malungkot na musika siya ay nagiging malungkot. Gayundin ang epekto nito kapag ang tao ay nakarinig ng musika na mapanukso o nang-aakit sa tao sa ilegal na pakikipagrelasyon o musika na puno ng galit o pagkamuhi. Katotohanan, matatagpuan natin sa kultura ng mga hindi muslim ang mga kaguluhan na mismong nababanggit sa kanilang musika, dahil ang musika ay nagiging instrumento ng pagkalat ng mga kabulukang panlipunan at ang tao ay nagiging alipin ng musika. Kung ihahambing natin, mas kaunti ang mga Muslim na nagpapakamatay at napatunayan na malaki ang kinalaman ng Musika sa mga kasong ganito. Ang karamihan ng mga Muslim na nakikita nating nalulubog sa kabulukan ay ang mga Muslim na sumusuway sa utos ni Allaah ukol sa Musika.

Ang musika ay produkto rin ng mga sinungaling kaya bakit tayo makikinig sa kanilang mga awitin ng wagas na pag-ibig na sila mismo ay hindi nagsasabuhay. Sinabi ni Allaah: Ukol naman sa mga makata. Ang mga tagasunod nila ay ang mga makasalanan. Nakikita mo ba kung paano sila kumatha ng kahit ano na lamang kahit gawin nilang mali ang tama o tama ang mali? Sinasabi nila ang mga bagay na hindi nila ginagawa. Maliban sa kanila na mga mananampalataya at gumagawa ng kabutihan, umaalaala kay Allaah, at sumasagot sa mga masasamang paratang sa Islaam at sa mga muslim sa pamamagitan ng kanilang mga katha. Ang mga makasalanan ay makakakita kung anong pagkawasak ang kahihinatnan nila. Sooratush Shu'araa': 224-227. Katotohanan si Allaah ay nag-utos ng pawang kabutihan lamang at nagbawal ng pawang kasamaan lamang.

Ang karamihan ng mga Muslim na nakikita nating nalulubog sa kabulukan ay ang mga Muslim na sumusuway sa utos ni Allaah ukol sa Musika.

Ang telebisyon din ang numero unong nagtuturo sa tao ng illegal na pakikipagrelasyon at pangangalunya. Hindi man ito nagpapalabas ng pornograpiya katulad ng mayroon sa mga DVD o mga cable channel ay ipinapalabas dito ang mga telenovela ukol sa mga love-triangle, pagpapalit-palit ng kapareha, at pagsasawalang bahala sa lahat alang-alang sa pag-ibig kahit pa ito ay taliwas sa moralidad. Tatanungin kita kapatid na muslim, paano ka ba nagkaroon ng unang ideya na magkaroon ng boyfriend o girlfriend? Paano ka nagkaroon ng unang ideya na magtanan? Paano ka nagkaroon ng unang ideya na gusto mong makiapid dahil walang panahon sa iyo masyado ang iyong asawa dahil abala siya sa trabaho upang bigyan ka at ang inyong mga anak ng maginhawang buhay? Sa masjid ba? Hindi? Sa telenovela kapatid o kung hindi man ay sa mga pelikula na napanood mo sa pamamagitan ng telebisyong ito. Sinabi ni Allaah: Huwag kayong lumapit sa pakikiapid o sa anumang magiging daan tungo dito. Sooratul Israa': 32. Napakalinaw minamahal kong kapatid na kahit lumapit man lamang sa anumang magiging daan ng pakikiapid ay haraam kaya huwag mong hayaang lasunin ng telebisyon ang isip mo. Huwag mo hayaang kontrolin ng telebisyon ang damdamin mo at lasunin ang isip mo.

Tatanungin kita kapatid na muslim, paano ka ba nagkaroon ng unang ideya na magkaroon ng boyfriend o girlfriend? Paano ka nagkaroon ng unang ideya na magtanan?

Kabilang sa mga palatandaan ng malawakang kabulukang moral sa buong mundo ay ang pagiging katanggap-tanggap sa panahon natin ngayon ng mga 3rd sex o iyong mga bakla at tomboy. Ang mundo ng telebisyon ay umiikot sa showbiz at mga artista at ang karamihan sa kanila ay mga taong nais labagin ang pagkakalikha sa kanila ng Panginoon sa pamamagitan ng kagustuhan nilang maging lalaki kung sila ay babae o kagustuhang maging babae kung sila ay mga lalaki. Marami nang ulit na sinubukan ng mga tao na i-rationalize o bigyan ng alibi o palusot ang pagiging bakla o tomboy ng tao upang tanggapin sila ng lipunan. Sa panahon natin ngayon ay sinasamantala ng mga taong ito ang konsepto ng freedom of expression sa mga lipunang demokratiko dahil ang karapatan nilang ito ay protektado ng demokrasya na nagpapangibabaw sa salita ng tao kaysa salita ng Diyos sa pamamagitan ng batas na majority rules kahit na ba ang karamihan ay ligaw. Ang mga bakla sa Pilipinas ay nangangatwiran na ang Pilipinas ay hindi naman pinamumunuan ng isang Catholic government na kung saan ay ipinagbabawal ang kabaklaan bagkus ito ay isang secularist government o gobyernong hiwalay ang simbahan at gobyerno kaya walang karapatan ang pamahalaan na pagbawalan sila sa kanilang karapatan na makilala bilang 3rd sex na pangatlo sa pagiging lalaki at babae, sa karapatan nilang magkaroon ng representasyon sa gobyerno, gumawa ng mga kahalayan nila sa publiko dahil bahagi ito ng freedom of expression, at iba pa. Sila ay nananamantala sa karapatan nilang ito upang maghasik ng kasamaan. Kasamaan na naging dahilan upang wasakin ng Panginoon ang mga lipunang nakikilala natin bilang ang Sodom at Gomorrah na nababanggit din mismo sa Biblia, ang banal na aklat na pinananampalatayanan ng mga baklang ito. Dahil sa labis nilang kasamaan ay tinanggihan nila ang payo ni Lot na mag-asawa ng mga kababaihan bagkus ay nagmatigas pa sila at tinawag si Lot na nagmamalinis. Nanatili sila sa pagnanas sila sa kapwa nila lalaki. Sinabi ni Allaah: At nang dumating ang Aming kautusan ay binaligtad Namin ang kanilang bayan at ang ilalim nito ay napunta sa ibabaw at pinaulanan Namin sila ng luwad. May tanda mula sa iyong Panginoon at hindi malayong mangyari sa iba pang mga makasalanan. Soorah Hood: 82-83.

36

Isa pa mga pinakamalalaking problema ng telebisyon ay ang lakas nito na makaimpluwensiya. Dahil dito ay sinasamantala ito ng mga masasamang tao upang gamitin sa pagpapalagananap ng mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo. Madalas ay nakakakita din tayo ng mga babaeng halos hubad na at mga kaganapang hindi dapat makita ng mga bata. Ang ilang mga bata ay nalalaman nila na ang mga ito ay ipinagbabawal. Subalit kung nakikita nila na hindi natin ipinagbabawal sa kanila ang kanilang panonood ng mga bagay na ito ay makakabawas ito sa takot nila sa Panginoon. Sa panahon nating ito ay mas mahaba ang panahon na inilalagi ng bata sa harap ng telebisyon kaysa sa panahong kapiling niya ang kanyang mga magulang. Ang mga telebisyon ay parang nagiging magulang na nila sa pagtuturo sa kanila ng mga pag-uugali. Kapag ang isang bata ay nakakita kung paanong ang alak at sigarilyo ay simbolo ng pagkalalaki ay hindi malayong manigarilyo din at uminom ng alak ang ating mga anak. Sinasabi ng mga psychologist na mahalaga para sa isang tao na maramdaman niya na siya ay malakas at mahalaga. Kaya kapag ang isang bata ay lumaki na nanonood ng mga programa, action movies, o patalastas ay gagayahin niya ang ugali ng kanyang idolo pati ang kanyang mga bisyo at pambababae. Ito ay dahil sa ang kanyang idolo ay isang taong malakas at kilala sa lipunan niya at lubos na pinahahalagahan. Isa pang impluwensiya ng telebisyon sa ating mga anak ay ang impluwensiya nito sa ating mga anak na babae. Ang mga programa sa telebisyon ay nagtuturo unang una ng pangangalandakan ng isang babae sa kanyang kagandahan sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga masisikip, maiiksi, at maninipis na damit. Ang ikalawa dito ay ginagamit ito upang isulong ang doktrino ng feminism.

Sa panahon natin ngayon ay sinasamantala ng mga bakla ang konsepto ng freedom of expression sa mga lipunang demokratiko

Sa panahon natin ngayon ay higit na mahaba ang panahon na inilalagi ng bata sa harap ng telebisyon kaysa sa panahon na nakakapiling niya ang kanyang mga magulang kaya higit na lumalaki ang epekto nito sa kanila.

Sa ngayon ay wala nang produktong ang ibinibenta liban na lamang na may patalastas ito sa TV na lumilitaw ang isang halos hubad na babae. Sa pagkakakita ng ating anak na babae sa kanyang idolong artistang babae ay maeengganyo siya na gayahin din siya katulad ng kung paano ginagaya ng ating mga anak na lalaki ang kanilang idolong action star. Dahil nakikita ng anak mong babae na ang kanyang idolong artista ay sikat sa kanyang eskwelahan dahil siya ay seksi, marami ang nagkakagusto sa kanyang mga lalaki dahil sa siya ay maganda, at marami siyang kaibigan dahil maganda palagi ang kanyang damit – nagiging dahilan ito upang kamuhian ng anak mo ang hijaab at isipin na ito ay uri ng pang-aalipin. Ang feminismo ay isang pilosopiya ng paghahangad ng kababaihan ng mas malawak na tungkuling paglipunan at mas malawak na karapatan kuno. Sila ay nagsusulong ng mga katuruan na labag na sa Islaam at hindi ito dapat magaya ng ating mga pinakaiingatang anak na babae. Ang feminismo ay nagtuturo ng pagiging pantay ng lalaki at babae hanggang sa dumating sila sa punto na sinasabi nila na maaaaring gawin ng babae ang lahat ng trabaho na natural na gawain ng mga lalaki tulad ng pagpasok sa politika. Ito ay mali aking kapatid sa Islaam dahil ang Panginoon ay lumikha sa mga lalaki upang maging mga tagapag-ingat ng mga babae at ang lugar ng mga babae ay sa bahay upang mangalaga sa ating mga anak. Sinabi ni Allaah: Ang mga kalalakihan ay tagapagtaguyod ng mga kababaihan ayon sa pagtatangi ni Allaah sa isa kaysa sa isa. Sooratun Nisaa' 34 Ang Islaam ay naglalagay sa mga bagay-bagay sa tamang lugar subalit ang mga taong may baluktot na isip tulad ng mga feminist na ito ay nagsusulong ng isang konsepto na taliwas sa natural na disposisyon ng tao. Kung titingnan natin, ang feminism ay reaksiyon ng mga babae sa mga bansang hindi muslim sa mababang trato sa kanila ng kanilang kultura pero hindi natin ito kailangan sa Islaam. Ang babae ay pinahahalagahan sa Islaam noon pa. Kung sinasabi nila na ang pananatili ng babae sa bahay ay isang uri ng pang-aalipin at ang pagpapasuot ng abaya at hijaab sa mga babae ay pagyurak sa dangal ng babae ay hindi natin sila kailangang pakinggan. Iba sila at iba tayo. Tayo ay nasa tama at sila ay nasa mali. Hindi natin kailangang maimpluwensiyahan kaya huwag tayong magpaimpluwensiya sa pamamagitan ng pagpapabaya kay nene na manood ng telebisyon at malason ang kanyang utak ng mga haliparot na ito na naglalayong maghasik ng kasamaan sa pagpapanggap na hangad nila ang kabutihan. Wala tayong dapat baguhin sa ating pamumuhay dahil ito ay inilapat na ni Propeta Muhammad para sa atin – at ito ang matuwid na landas.

Kapatid sa Islaam. Marahil ang pinakamalaking kasamaan na matatagpuan natin sa panonod ng telebisyon ay ang pagkuha ng isang muslim sa isang tao sa telebisyon artista man, broadcaster, etc, muslim man o hindi muslim bilang idolo o huwaran lalo na ang isang taong hayagang gumagawa ng kasamaan. Kapag ginawa ito ng isang muslim ay madali nang papasok sa kanya ang iba pang mga kasamaan na nabanggit ko kanina. Kung ang kanyang idolo ay isang taong nakikilala sa kanyang musika, galing sa pagsasayaw, pagiging macho sa pamamagitan ng bisyo at basag-ulo, mga pakikipagsapalaran kuno sa pamamagitan ng kanyang pangangalunya, pagiging liberated daw sa pamamagitan ng pananamit ng malalaswang kasuotan, o paglaban para sa kanyang karapatan na maging bakla – SA PELIKULA MAN O TOTOONG BUHAY - ay madaling siyang maiimpluwensiyahan ng taong ito dahil siya ang tao na gusto niyang gayahin. Kahit pa sabihin natin na ang idolo niya ay isang muslim din ngunit gumagawa siya ng malalaking kasalanan sa harap ng camera – ito ay may pareho pa ring epekto o magiging mas masama pa kung titingnan natin dahil ito ay magbibigay ng impresyon sa mga muslim lalo na sa mga walang pinag-aralan at sa mga bata na ang mga kasamaang ginagawa ng muslim na ito ay hindi mga mabibigat na kasalanan o baka isipin pa nila na ang mga bagay na ito ay mga bagay na pinahihintulutan. Ito rin ay magbibigay ng impresyon sa mga hindi muslim na siya ay modelong muslim at lalo nilang kukutyain ang mga matutuwid na sumusunod sa lahat ng batas ng Islaam bilang mga extremist o masyadong makaluma at paurong. Magpakupkop tayo kay Allaah laban sa mga taong ito. Sinabi ni Propeta Muhammad: Sinuman ang magpasimula ng mabuting gawain at ito ay ginaya ng iba ay itatala para sa kanya ang katulad ng gantimpala na makukuha ng gumaya sa kanya nang walang mababawas sa gantimpala nilang dalawa. Sinuman ang magpasimula ng masamang gawain at ginaya ito ng iba ay itatala para sa kanya ang katulad na kasalanan ng taong sumunod sa kanya nang hindi nababawasan ang kasalanan nilang dalawa. Iniulat ni Imaam Muslim. Narito ang mga kadalasang katanungan ukol dito.

Dahil nakikita ng anak mong babae na ang kanyang idolong artista ay sikat sa kanyang eskwelahan dahil siya ay seksi, marami ang nagkakagusto sa kanyang mga lalaki dahil sa siya ay maganda, at marami siyang kaibigan dahil maganda palagi ang kanyang damit –nagiging dahilan ito upang kamuhian ng anak mo ang hijaab.

37

kawanggawa at karunungan na patuloy na pinakikinabangan, at mabuting anak na nananalangin para sa kanya. Iniulat ni Imaam Muslim.

NASANAY ANG ANAK NAMIN SA

PANONOOD NG TV AT CARTOONS. ANO ANG GAGAWIN NAMIN?

BAKA MAGTAMPO SIYA?

Hindi ninyo siya kailangang pilitin o paluin upang hindi manood ng TV. Unti-unti ay sanayin ninyo siya na hindi na manood ng TV. Sa pagkakataong ito ay dapat ninyo siyang bigyan ng iba pang pagkakaabalahan. Tanungin ninyo siya kung gusto ba niya maging honor sa klase. Ito ay magandang simula upang sipagin siyang gumawa ng mga takdang aralin. Malaking bagay din na siya ay turuan natin dahil ito ay nagpapatibay ng pagmamahalan. Maaari ninyo siyang bilhan ng bisikleta at samahan ninyo siya sa labas. Maaari din ninyo siyang pagamitin ng computer at turuan ninyo siya ng mga makabuluhang bagay na magagawa rito. Maaari din kayong mamasyal at sa pamamasyal ay maaari kayong dumaan sa isang bookstore at bilhin para sa kanya ang aklat na makabuluhan na maibigan niya. Maaari kayong maglaro o mag-imbita ng mga batang kapitbahay upang makalaro niya sa bahay, sa bakuran, o sa tapat ng bahay. Maaari ninyo siyang patulungin magluto ng hapunan. Maraming maaaring gawin, ang mahalaga ay ang mapukaw natin ang interes ng bata, na gawin natin ang iba pang gawain na ito na mas masaya kasya sa panonood ng TV, at magkaroon tayo ng pagsusumikap dito. Katotohanan ang mga kaaway ng islaam ay gagawa ng lahat ng paraan upang sirain ang islaam sa paraang hayagan at palihim. Ang mga hayagang paraan ay ang pakikidigma nila sa atin at ang mga lihim na paraan ay ang pagkontrol sa pag-iisip natin sa pamamagitan ng mga programang nakalalason sa isip ng isang muslim sa pamamagitan ng tv, radio, diyaryo, internet at iba pa. humiling tayo kay allaah ng gabay at katatagan sa ating pananampalataya.

OKAY LANG BA NA MANOOD NG CARTOONS ANG MGA BATA? PAMBATA NAMAN 'YUN. Ito ay depende sa cartoons. May mga cartoons na ginawa ang ilang mga muslim media organization ang nagtuturo sa mga batang muslim ng mga islamic values. Subalit kung sila ay pababayaan natin manood ng mga Japanese manga o anime (mga uri ng cartoons) o cartoons na puno ng karahasan at kahalayan ay huwag. Gayundin ang mga cartoons ng Disney na kadalasan ay may mga love story. Maging ang kinahiligan nating Tom ang Jerry ay napakamarahas kung titingnan nating maigi gayundin ang mga cartoons ng Looney Tunes tulad nina bugs bunny at iba pa ay may parehong mensahe. Ang pinakamabuti para sa atin ay ang maghigpit dito. Katotohanan ay ayaw natin na lumaki ang ating mga anak na palaging nag-iisip ng mga pamamaraan upang masaktan niya ang kapwa niya o kaya ay maging suwail sa ating mga magulang para sa minamahal niya kahit ito ay masama sa kanya. OKAY BA ANG MGA PROGRAMA TULAD NG SINESKWELA? Ang mga ganitong mga programa ay puwede nating ipapanood sa mga bata. Katotohanan ay mayroong Arabic version ang Sesame Street. Ang problema lamang ay sa pagdating na ng mga patalastas na kung saan makikita na natin ang mga babaeng halos nakahubad na nag-eendorso ng alak at kalaswaan. Kung wala namang patalatas sa TV na malaswa ay maaari naman. Ayaw natin na makita ng mga anak natin ang mga ito. Ang mga CD o DVD copies nito ay puwede ring ipapanood sa kanila. KAHIT PAGBAWALAN KO ANG MGA BATA MANOOD NG TV AY MAKAKAKITA PA RIN SILA NG KASAMAAN SA LABAS HABANG SILA AY NASA PAARALAN. ANO ANG GAGAWIN KO? Dahil dito ay nangangailangan ang mga bata ng palagian nating gabay. Kausapin natin sila palagi. Tanungin natin kung ano ang naganap sa araw nila at maaaring maikuwento nila ang ang kanilang mga nakita o narinig. Huwag natin ipagkait sa mga bata ang karapatan nila sa atin. Huwag tayo masyadong maging subsob sa trabaho. Alalahanin natin na higit na kailangan ng mga anak natin ang pananamaplataya at ang kayamanan natin ay hindi natin madadala sa libingan subalit ang pagkakaroon ng isang mabuting anak ay isang kabutihang pakikinabangan natin kahit pumanaw na tayo. Sinabi ni Propeta Muhammad: Ang mga gawain ng anak ni Adan ay mapuputol pagkamatay niya maliban sa tatlo:

ANO ANG DAPAT NATING GAWIN BILANG MGA NAKATATANDANG KAPATID O MAGULANG?

Ang pinakamagandang gawin ukol dito ay ang pag-iwas sa panononood ng telebisyon at kung sakali mang kailangan ninyong manood ng balita ay siguraduhin ng kasama kayo ng mga bata upang maipaliwanag sa kanila ang mga punto na maaaring hindi nila maunawaan o kaya ay kapulutan nila ng masamang ugali. Maaari din tayong mamili ng channel na tulad ng mga naka-focus sa siyensiya at teknolohiya siguraduhin lamang natin na kasama sila. Kung hindi natin sila masasamahan manood ay maaari tayong magpalabas ng mga makakabuluhang mga palabas sa mga CD at DVD tulad ng mga documentary o araling islamiko. ANO ANG MAAARI NATING GAWIN BILANG KAPALIT NA PANONOOD NG TELEBISYON? Ang pagtuunan natin ng higit na mahabang panahon ang pagsagot sa mga takdang-aralin ng ating mga anak gabi-gabi ay kadalasang sapat na upang maging abala sila sa buong gabi. Ito ay makakatulong sa kanila sa paglayo sa kasamaan at makakatulong pa sa kanila na maging magaling sa kanilang pag-aaral. Natural din na samantalahin natin na turuan sila ng mga karunungang panrelihiyon sa mga pagkakataong ito sa pamamagitan ng pagsama sa kanila sa masjid o pagtuturo sa kanila kung paano magbasa ng Qur-aan kahit sa loob lamang ng bahay. Maganda na mapukaw natin sa mga bata ang pagkahilig sa pagbabasa. Mainam para sa mga bata na makilala nang maaga si Propeta Muhammad at ang kanyang mga sahaabah upang sila ang kanilang maging mga idolo at hindi ang isang artistang bastos at basagulero. Katotohanan sa panahon ngayon ay makikita natin ang kalunos-lunos na kalagayan ng maraming kabataang muslim na nakakakilala sa mga artista at mga atleta subalit hindi nakakakilala sa kanilang propeta o sa mga sahaabah. Maaari din kayong maglaro ng mga laro sa computer na walang karahasan o kalaswaan o kaya ay ng mga board games tulad ng scrabble at iba pa na humahasa sa isip ng bata. Maaari din kayong mamasyal paminsan-minsan. Alalahanin mo na ang pinakamasayang panahon para sa isang bata na maalaala niya hanggang sa kanyang pagtanda ay ang mga panahon na kasama niya ang kanyang mga magulang at hindi ang mga panahon na nanonood siya ng telebisyon. Ang pagiging magkasama ng mga magulang at ng mga bata ay nakakatulong upang ang bata ay lumaking magalang at may takot sa diyos lalo na kung ang mga magulang ay nagiging mabuting impluwensiya para sa kanya. Kadalasan ay ang magulang ang may pinakamalaking impluwensiya sa isang bata. 38

HASAIN ANG IYONG BOKABULARYONG ISLAMIKO

ANO ANG MASJID? Ang Masjid ay hango sa salitang 'sajada' nangangahulugang 'nagpatirapa'. Ang masjid ay literal na nangangahulugang lugar ng sujood. Mali na tawagin natin ang masjid na mosque dahil kahit ang mga dalubhasa sa etymology o pinagmulan ng mga salita ay hindi nakakaalam kung saang salita ito nanggaling. Ang ibang muslim ay nagsasabi na ang salitang mosque ay hango sa salitang mosquito o lamok. Magkagayunpaman, hindi natin dapat gamitin ang salitang mosque, ang sabihin dapat natin ay masjid. Ang masjid ay isang lugar na kung saan isinasagawa ang salaah. Ito ay maaaring isang gusali, kuwarto sa isang apartment, o isang malawak na bakanteng lote. Ang mahalaga ay ito ay malinis, malayo sa sementeryo at palikuran, at hindi nasa daanan ng mga tao.

Masjid sa disyerto.

Loob ng Golden Mosque sa Quiapo, Manila

Ang Masjid Al-Aqsa at Qubatus Sakhrah sa Jerusalem. Ang masjid ay hindi kailangang may simboryo o dome o crescent o bagong buwan. Ito ay hindi mga simbolo ng Islaam dahil walang simbolo ang Islaam tulad ng Star of David ng mga Hudyo at krus ng mga Kristiyano.

Ang mataas na tore sa tabi ng mga masjid ay tinatawag na mga manaarah o minaret. Manaarah din ang tawag sa mga lighthouse. Ang mga muadhdhin o mga taong tumatawag ng adhaan ay umaakyat sa ibabaw ng mga manaarah na ito noong unang panahon upang sumigaw ng adhaan o pagpapahayg ng pagdating ng oras ng salaah. Subalit sa ngayon ay mga speaker na ang nakalagay sa mga ito at hindi na kailangan umakyat ng muadhdhin sa itaas nito. Ang gagawin na lamang niya ay mag-adhaan sa isang microphone. Hindi kailangan na magkaroon ng manaarah ng isang masjid. Hindi ito obligado.

ANO ANG ADHAAN? Ang adhaan ay hango sa salitang nangangahulugang 'nagpahayag'. Ang adhaan ay pagpapahayag ng pagdating ng oras ng salaah. Ayon sa hadeeth, ang mga sahaabah ay nag-usap kung paano nila ipapaalam sa mga tao ang pagdating ng oras ng salaah. Nagmungkahi ang iba ng paggamit ng tambuli tulad ng mga hudyo at kampana tulad ng mga Kristiyano. Ngunit ikinuwento ni 'Omar bin Al-Khattaab ang kanyang napanaginipan kay Propeta Muhammad na naglalaman ng mga kataga na naririnig natin ngayon sa adhaan at inutusan niya si Bilaal na mag-adhaan. Ito ay ginagawa limang beses din araw-araw. Ang mga kataga sa adhaan ay ang mga sumusunod: Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Ashhadu al laa ilaaha illallaah Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban kay Allaah. Ashhadu al laa ilaaha illallaah Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban kay Allaah. Ashhadu anna muhammadar rasoolullaah Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allaah. Ashhadu anna muhammadar rasoolullaah Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allaah. Hayya 'alassalaah Halina sa salaah. Hayya 'alassalaah Halina sa salaah. Hayya 'alal falaah Halina sa tagumpay. Hayya 'alal falaah Halina sa tagumpay. Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Laa ilaaha illallaah Walang diyos na dapat sambahin maliban kay Allaah. May karagdagang mga kataga na idinadagdag sa adhaan para sa salaah ng fajr matapos ang pagsasabi ng hayya 'alal falaah ito ay ang:

39

hindi kailangang bayaran. Ang hindi nakapagsalaah dahil sa pagkalimot o pagkatulog ay dapat magsagawa ng salaah na hindi niya nagawa kapag naalala niya. Ang tao na tumalikod nang tuluyan sa salaah ay isang kaafir. Ang salaah ay may limang kondisyon: Pagharap sa Qiblah: Ang Qiblah ay ang direksiyon na kung saan pinakamalapit ang papuntang Makkah. Dito dapat nakaharap ang isang muslim sa pagsasalaah kahit saan man siya naroroon. Walang problema kung ang tao ay nakalihis nang kaunti sa qiblah huwang lamang siyang nakatalikod dito. Ang qiblah sa Pilipinas ay papuntang kanluran. Pagpasok ng Tamang Oras: Ang mga salaah ay hindi maaaring isagawa maliban na lamang sa mga tamang oras nito. Hindi sila puwede pagsama-samahin o pagbabali-baligtarin. Ang isang tao na nakalimot magsalaah ng dhuhr at naalala niya lamang ito sa oras ng 'asr ay dapat magsalaah muna ng dhuhr bago ang salaah ng 'asr. Kung siya ay sasabay sa mga tao na nagsasalaah ng 'asr ay maaari niya itong gawin basta mag-intensiyon siya na ang kanyang salaah ay dhuhr at matapos nito ay saka lamang siya magsalaah ng 'asr. Pagtakip sa 'Awrah: Ang 'awrah ay ang bahagi ng katawan ng tao na dapat ay natatakpan ng damit na maluwag, makapal, at tama ang haba. Maluwag na hindi bumabakat ang hugis ng katawan. Makapal na hindi makikita ang kulay ng balat. Mahaba na kailangan natatakpan nito ang dapat abutin nito. Ang 'awrah ng lalaki ay mula pusod hanggang tuhod pati ang balikat sa salaah at ang babae naman ay ang buong katawan ngunit maaaring nakalabas ang mukha at kamay. Kadalisayan: Ito ay ang kalinisan ng buong katawan, lugar na pagsasalaahan, at damit mula sa najis. Ang najis ay ang ihi, dumi, at dugo ng tao o hayop. Ang pintura o alikabok ay hindi najis. Bahagi rin ng kadalisayan na magsagawa ng wudoo' o ghusl bago magsalaah. Wudoo' kung ang tao ay magsasalaah matapos gumising sa pagkakatulog, matapos gumamit ng palikuran, o nilabasan ng hangin. Ang ghusl naman ay para sa isang taong galing sa pakikipagtalik sa kanyang asawa at babaeng naging malinis mula sa buwanang-dalaw o pagdurugo dahil sa panganganak bago sila magsalaah. Intensiyon: Ang intensiyon o layunin ay isa sa mga bagay na huhusgahan sa isang gawaing pagsamba. Kailangan nating gawin ang salaah nang alang-alang sa Panginoon at maliwanag sa atin kung anong uri ng salaah ang ating ginagawa; kung ito ba ay obligado o boluntaryo; kung ito ba ay fajr, dhuhr, 'asr, maghrib, o 'ishaa'. Hindi sinasambit ang intensiyon, ang lugar nito ay nasa puso.

Ang pipiliin ng mga tao na maging imaam nila ay ang pinakamarunong sa kanila sa Qur-aan kahit pa kung siya ang pinakabata sa kanilang grupo. Kapag nagkamali ang imaam sa salaah ay dapat siyang paalalahanan. Halimbawa ay nagkamali siya sa pagbasa ng aayah ay paaalalahanan siya. Kung nagkamali siya ng nagawa sa salaah na kung halimbawa ay dapat na nakaupo siya subalit siya ay tumayo ay sasabihan siya ng subhaanallah ng mga lalaki o pagpalakpak ng mga babae upang ipaalala na siya ay nagkamali. Kung ang imaam ay magsagawa ng sujoodus sahwee o sujood dahil sa pagkakamali o pagkalimot bago ang tasleem ay dapat sumunod din ang mga ma'moom. Ang imaam ay nagbabasa nang malakas sa sooratul faatihah at iba pang soorah sa salaatul fajr gayundin sa unang dalawang rak'ah ng salaatul maghrib at salaatul 'ishaa'. Tahimik naman siyang babasa para sa salaatudh dhuhr at salaatul 'asr. ANO ANG SALAAH? Ang salaah ay mula sa salitang 'silah' na nangangahulugang koneksiyon. Ang salaah ay koneksiyon natin sa Panginoon. Ito ay ginagawa nang limang beses araw-araw sa tamang oras nito. Hindi maaaring magkapalit-palit ang mga ito. Hindi katanggap-tanggap na tawagin natin ang salaah na pagdarasal. Dahil ang salaah ay salaah at ang pagdarasal ay iba pa. Ang ating salaah ay hindi maaaring ihambing sa pagdarasal ng mga hindi muslim. Ang kanilang pagdarasal ay may ibang pamamaraan at nasasangkot dito ang shirk o pagsamba sa iba pa maliban kay Allaah. Ang limang salaah ay ang sumusunod: Fajr: Ang oras nito ay magsisimula sa bukang-liwayway hanggang sa pagsikat ng araw. Dhuhr: Ang oras nito ay mula sa paglampas kaunti ng tanghaling tapat hanggang sa palubog na ang araw at ito ay 45 degrees na sa iyong tanaw o nagdudulot ito ng anino sa isang bagay na kasinghaba ng bagay na ito. Ang katapusan nito ang simula ng oras ng 'asr. 'Asr: Ito ay nagtatapos sa paglubog ng araw. Maghrib: Ito ay nagtatapos sa paglaho ng araw at tuluyang pagdilim. 'Ishaa: Ito ay nagtatapos sa hatinggabi. Obligado ito para sa lahat ng mga muslim kung sila ay nasa hustong edad na at sila ay nasa matinong pag-iisip. Obligado pa rin magsalaah ang matanda o maysakit. Kailangan itong isagawa nang patayo, at kung hindi kaya ng muslim ay paupo, at kung hindi pa rin niya kaya ay gagawin niya ito nang nakahiga. Bawal sa babaeng may buwanang-dalaw at pagdurugo matapos ang panganganak ang magsalaah kahit pa gustuhin nila. Ang mga salaah na hindi nagawa dahil sa dalawang ito ay

Assalaatu khayrum minannawm Ang salaah ay mas mainam kaysa pagtulog. Assalaatu khayrum minannawm Ang salaah ay mas mainam kaysa pagtulog. Ang iqaamah naman ay ang sinasambit ng muadhdhin bago magsimula ang salaah. Ito ang mga kataga sa iqaamah: Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Ashhadu al laa ilaaha illallaah Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban kay Allaah. Ashhadu anna muhammadar rasoolullaah Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allaah. Hayya 'alassalaah Halina sa salaah. Hayya 'alal falaah Halina sa tagumpay. Qad qaamatis salaah Naitaguyod na ang salaah. Qad qaamatis salaah Naitaguyod na ang salaah. Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Allaahu akbar Si Allaah ay dakila. Laa ilaaha illallaah Walang diyos na dapat sambahin maliban kay Allaah. Ang maaari lamang maging muadhdhin ay mga lalaki lamang dahil ito ay trabaho nila. Ang adhaan ay fardhu kifaayah. Isa lamang ang dapat mag-adhaan para sa isang grupo ng muslim sa salaah o sa isang masjid. Ang iqaamah ay obligado lamang sa mga lalaki subalit walang problema kung gawin ng mga babae sa grupo nila. Hindi obligado ang adhaan o iqaamah sa mag-isang nagsasalah. ANO ANG IMAAM? Ang lalaking namumuno sa salaah ay tinatawag na imaam. Ang imaam ay salitang literal na nangangahulugan na nasa harapan dahil nasa harapan siya ng grupo ng mga muslim na pinamumunuan niya sa pagsasalaah. Ang taong pinamumunuan sa salaah ay tinatawag na ma'moom o pinangungunahan. Ang imaam ay dapat sundin sa lahat ng gawin niya sa pagtakbeer (pagsabi ng Allaahu Akbar) rukoo’ (pagyukod), sujood (pagpapatirapa), at juloos (pag-upo). Hindi maaaring mauna ang ma'moom sa imaam kahit gaano pa kabagal ang imaam. Mawawalan ng saysay ang salaah ng ma'moom na nauuna sa imaam.

40

Kanino ba tayo higit na may utang na loob? Bukod pa sa Kanyang sa buhay ay nagkaloob. Bukod pa sa Kanyang lumikha ng sansinukob. Na kung hindi Niya tustusan ay sa kawalan tataob. Ang sambahin siya nang dalisay ay Kanyang karapatan. Wala kang pagpipilian kundi ang tumalima o sumuway. Impiyerno ay nilikha Niya para sa mga dito ay tampalasan. At Paraiso nama’y nilikha Niya para sa dito'y magsasabuhay. Ang sambahin Siya sa natatanging hinirang Niyang paraan. Huwag kang tumulad kay Cain na anak ni Adan. Na inutusan ng Maykapal na tupa ang siyang ialay. Subalit sa kanyang kahunghangan, ang inalay niya ay gulay. Ang relihiyon ng mga propeta ang siyang hangarin mo. Hindi ang relihiyon ng mga gahaman at sindikato. Hindi kabanalan ang magbayad ng ikapu. Bagkus ang kabanalan ay ang sumunod sa mga sugo. Hindi ba’t sila’y nagpatirapa sa kanilang pagsamba? Mayroon bang sugo na sumayaw at kumanta? Mayroon bang nagsabi na siya ay diyos? Bagkus ay wala liban sa Diyos ay sumamba nang lubos. Kaiingat kayo sa inyong ipinipilit. Ang parusa sa inyo ay hindi mawawaglit. Hanggat hindi kayo sumamba kay Allaah na nasa langit. Wala kayong patutunguhan kundi parusang mapait.

Anuman ang iyong gawin, anuman ang pagpipilit. Ang pawis mo man ay umabot hanggang langit. Pagsamba mong huwad ay huwag igigiit. Wala kang patutunguhan kundi Impiyernong mainit. Hindi mo man Siya nakikita siya ay nadarama. Ng iyong puso at isipang lubos na namamangha. Hindi ba’t ang kalawakan ay Siya ang lumikha? At hindi maaaring lumitaw nang kusa? Walang taong may hangin na hinihinga. Maliban na lamang na mula sa Kanya. Walang taong may irog na sinisinta. Maliban na lamang na nilikha rin Niya. O tao siyang tunay! Totoong may Panginoon! Ano ang nagligaw sa iyo tungo sa kamangmangan mo ngayon? Huwag ka nang pumalag bagkus ay sumang-ayon. Kung ayaw mong wasakin ka ng malalakas na alon. Panginoong lumikha sa iyo, panampalatayanan mo. Ang Panginoong siyang lumikha maging sa ninuno ko. Siyang lumikha sa atin upang sumamba nang totoo. Na siyang karapatan Niya mula sa mga tao.

KAIINGAT KAYO

AKDA NI MUJAHID NAVARRA

Nang gumaling ang sugat ng hari ay nagpunta siya sa isang malayong kagubatan upang mangaso. Siya lamang mag-isa ang lumakad dahil nakakulong na ang kanyang kaibigan. Inaalaala niya ang mga masasayang mga araw na kasama niya ang kanyang kaibigan nang siya ay lusubin ng mga katutubo ng kagubatang ito. Siya ay hinila nila at hindi nila pinapakinggan ang kanyang sigaw, ‘Ako ay isang hari. Ibibigay ko sa inyo ang gusto ninyo! Pakawalan lang ninyo ako.’ Nang nakarating na sila sa lugar ng mga katutubong ito ay itinali siya sa isang puno at nakita niya na pinaiinit na ang isang malaking kawa. Natakot ang hari na baka iluluto siya ng mga katutubo upang kainin. Ang mga katutubo ay masayang nakamasid sa kanya na para bagang tuwang-tuwa sa pagdating niya. Ang iba sa kanila ay hindi mapigilan ang sarili na siya ay hawakan nang bigla silang nagpulasan palayo habang papalapit ang isang lalaking inaakala niya na kanilang pinuno. Nakiusap siya dito na pakawalan siya ngunit hindi siya pinakikinggan nito. Nakatingin lamang ito sa kanya at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Umiiyak na ang hari nang lumapit pa lalo ang pinunong ito habang tinitingnan ang kanyang mga tainga at mukha. Kumukulo na ang tubig sa malaking kawa. ‘Katapusan ko na!’ umiiyak na sabi ng hari sa sarili niya. ‘O Allaah patawarin po ninyo ako sa aking mga pagkakasala. Laa Ilaaha Illallaah Muhammadur Rasoolullaah!’ Subalit laking gulat ng hari nang biglang nag-iba ang tingin sa kanya ng pinuno habang hawak ang kamay niya at pinipisil nito ang bahagi ng naputol niyang daliri. Ito ay tingin na may halong pandidiri. Nagsenyas ang pinuno na ito sa kanyang mga tao na pakawalan ang hari at pinabayaan nila siyang lumakad palayo. Habang naglalakad ang hari palayo ay nag-iisip siya kung anong nangyari at napagtanto niya na hindi kumakain ang mga katutubong iyon ng tao na may kulang na bahagi ng katawan kaya siya ay pinalaya. Dahil dito ay naalaala niya ang kanyang kaibigan na kanyang ipinakulong na nagsabi nang naputol ang daliri niya, ‘Makabubuti ang bagay na ito, Insha Allaah’. Nang dumating siya sa kaharian niya ay pinalaya niya ang kanyang kaibigan at umiiyak na niyakap ito at ikinuwento ang mga pangyayari. Sinabi ng hari sa kanyang kaibigan, ‘Kung hindi dahil sa itinakda ni Allaah at pagkatapos ay sa bagay na nagawa mo ay kinain na ako ng mga katutubong iyon.’ Sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan, ‘Hindi ba sinabi ko sa iyo na makabubuti ang bagay na iyon insha Allaah?’ ‘Oo nga!’ sabi ng Hari, ‘Maraming maraming salamat. Isa kang tunay na kaibigan. Sana ay hindi na lamang kita ipinakulong!’ Sumagot ang kanyang kaibigan, ‘Hindi ba’t nang ipinakulong mo ako ay sinabi kong makabubuti ang bagay na iyon insha Allaah? Dahil kung hindi mo ako ipinakulong ay siguradong sasama ako sa iyo sa kagubatang iyon. Huhulihin nila tayo at pakakawalan ka nila samantalang ako ay kakainin nila. Napakamatalino ni Allaah. Magpapuri tayo sa Kanya.’ At higit pang tumibay ang kanilang pagkakaibigan matapos ang pagyayaring iyon.

Ang Hari at ang Matalik niyang Kaibigan Sa isang malayong kaharian ay may isang hari at ang kanyang matapat na kaibigan. Ang kanyang kaibigan ay isang simpleng tao lamang. Katotohanan ay hindi siya kabilang sa nobilidad subalit mahal na mahal siya ng hari dahil sa katapatan at pagiging makadiyos nito. Ang kanyang kaibigan ay palaging mayroong positibong pananaw sa mga bagay-bagay at lagi niyang sinasabi, ‘Makabubuti ang bagay na ito, Insha Allaah’. Isang araw ay nangaso ang magkaibigan sa gubat at aksidenteng nabaril ang hari ng kanyang kaibigan sa kamay at naputol ang isa sa mga daliri nito. Sa kabila ng nangyari ay nasabi pa ng kaibigan ng hari na, ‘Makabubuti ang bagay na ito, Insha Allaah’. Sa galit ng hari ay ipinakulong niya ang kanyang kaibigan at sinabing hindi na siya makikipagkaibigan kahit kailan dito. Paano nga ba naman magiging mabuting bagay ang pagkaputol ng daliri ng hari? Ang nasabi lamang ng kanyang kaibigan nang siya ay ikinulong ay, ‘Makabubuti ang bagay na ito, Insha Allaah’.

ANO ANG RAMADHAAN PARA SA AKIN? ni Waleed Listana

Ang buwan ng Ramadhaan ay panahon ng pagninilay-nilay at pagmumuni-muni sa mga bagay na nagawa natin matapos ang 11 buwan ng pagiging abala at pagkasubsob sa trabaho. Ang Ramadhaan ay isang panahon upang palayain ang ating sarili mula sa mga alalahanin at maisaayos ang ating buhay at ang mga bagay na nais nating unahin. Dapat tayong matuto sa ating nakaraan at paghandaan ang ating kinabukasan. Pinakamahalaga sa buwan ng Ramadhaan na makagawa tayo ng mga gawaing pagsamba upang kalugdan tayo ni Allaah. Ito ay ang buwan na kung kailan mayroong pagkakataon ang mga makasalanan na mabago ang kanilang mga masasamang gawi at upang mapagpanibagong muli ang ating ispiritualidad at karunungan ukol sa ating mga sarili upang manatili tayo sa matuwid na landas o bumalik dito kung tayo man ay naliligaw. Ang bawat isa ay abala din sa pagmumuni-muni sa talinghaga ng pangingibabaw ng katotohanan sa kabulastugan at ng kabutihan sa kasamaan. Buwan din ito ng pagbabasa ng mga salita ni Allaah na nagpapayanig sa ating mga kaluluwa. Ang Ramadhaan ay buwan na sumusubok sa ating pagkamatiisin at kabutihang-asal katulad kung paanong iniulat na si Propeta Muhammad ay pinakamabuti tuwing buwan ng Ramadhaan sa pagsasagawa ng mga kabutihan at paghingi ng tawad sa Panginoon dahil tayo ay haharap sa Panginoon balang araw at mananagot sa ating mga gawain. Ipanalangin natin kay Allaah: Panginoon, bigyan Mo kami ng kabutihan sa mundo at sa Kabilang-buhay at iligtas Mo kami mula sa Impiyerno.