gupitin ang bookmark na ito at idikit sa makapal na papel ... · pananda sa mga panalangin sa...

1
Setyembre 2015 77 76 Liahona MGA BATA Ni Erin Sanderson N oong gabi bago ipinako sa krus si Jesus, hiniling Niya sa dalawa sa Kanyang mga disipulo na maghanda ng hapunan. Pagkatapos ay inanyayahan Niya ang Kanyang mga Apostol na magpunta. Sa ha- punang iyon, na tinawag na Huling Hapunan, binigyan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo ng espesyal na paraan upang lagi Siyang alala- hanin. Mababasa natin ang tungkol dito sa Bagong Tipan: “At [si Jesus] ay dumapot ng tina- pay, at nang siya’y makapagpasala- mat, kaniyang pinagputulputol [ito], at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito’y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. “Gayon din naman ang saro, pag- katapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo” (Lucas 22:19–20). Kapag kumakain at umiinom tayo ng sakramento, ginagawa natin ang ginawa noon ng mga Apostol sa Huling Hapunan. Ang tinapay ay nagpapaalala sa atin ng katawan ni Cristo at kung paano Siya pisikal na Ang Sakramento: Isang Paalala Tungkol kay Jesus ORAS PARA SA BANAL NA KASULATAN KALIWA: PINASIMULAN NI CRISTO ANG SAKRAMENTO SA MGA APOSTOL, NI DEL PARSON; KANAN: DETALYE MULA SA JESUCRISTO, NI HARRY ANDERSON; IMAHE NI CRISTO, NI HEINRICH HOFMANN, SA KAGANDAHANG-LOOB NG C. HARRISON CONROY CO., INC. Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito! ALAMIN PA Sa Huling Hapunan, itinuro ni Jesus sa Kanyang mga Apostol ang ilang mahahalagang bagay: • Hinugasan Niya ang kanilang mga paa upang turuan sila tungkol sa pagmamahal at paglilingkod sa iba. • Sabi niya, “Kayo’y mangagibigan sa isa‘t isa; na kung paanong iniibig ko kayo” (Juan 13:34). • Nanalangin Siya na ituro nila sa iba ang ebanghelyo. • Siya ay kasama nilang kumanta ng himno. • Ipinangako Niya na ang Espiritu Santo ay maaaring mapasakanila (tingnan sa Juan 14:26–27). PAG-UUSAP NG PAMILYA Tingnan ang ilan sa mga himno ng sakra- mento sa himnaryo. Pag-usapan ang mga mensahe sa mga himno. Paano tayo iniha- handa ng pagkanta ng himno sa pakikiba- hagi natin ng sakramento? Bilang pamilya, mithiing pag-isipan ang mga mensahe ng mga himno sa sakramento kapag kinakanta ninyo ang mga ito sa simbahan. Awitin: “To Think about Jesus” (Children’s Songbook, 71) Banal na Kasulatan: Lucas 22:19 Video: Magpunta sa Biblevideos.org para mapanood ang “Ang Huling Hapunan” TIP SA BANAL NA KASULATAN Karamihan sa mga himno ay may mga reperensya ng banal na kasulatan na nakalista sa ibaba ng pahina. Marami sa mga awitin sa Aklat ng mga Awit Pambata ay mayroon ding mga talata ng banal na kasulatan. Basahin ang mga talatang kasama ng mga awitin para lalo pang magkaroon ng kahulu- gan ang mga titik sa mga awitin. Gupitin ang bookmark na ito at idikit sa makapal na papel. Iipit ito sa inyong mga banal na kasulatan para matingnan ninyo ito sa oras ng sakramento. Magagamit ninyo itong pananda sa mga panalangin sa sakramento na nasa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79. nagdusa para sa atin. Ang tubig ay nagpapaalala sa atin ng Kanyang dugo na ibinuhos para sa atin. Ang mga panalangin ng sakra- mento ay nagpapaalala din sa atin sa mga pangakong ginawa natin nang nabinyagan tayo—na laging aalalahanin si Jesucristo. Kapag nakikinig kayo sa mga panalangin ng sakramento, isipin kung ano ang ginawa ninyo sa linggong iyon para maalala si Jesus. Paano ninyo Siya maaalaala sa darating na linggo? ◼ Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA. Ano ang ilan sa mga himalang isinagawa ni Jesucristo? Paano pinakitunguhan ni Jesus ang iba? May tao ba na kailangan kong patawarin? Mayroon ba akong kailangang pagsisihan? Ano ang magagawa ko para maalala si Jesus sa linggong ito? Paano ko Siya susundin? PAALALA NG BOOKMARK

Upload: others

Post on 28-Oct-2019

26 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Gupitin ang bookmark na ito at idikit sa makapal na papel ... · pananda sa mga panalangin sa sakramento na nasa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79. nagdusa para sa atin. Ang tubig ay

S e t y e m b r e 2 0 1 5 7776 L i a h o n a

MG

A BATA

Ni Erin Sanderson

Noong gabi bago ipinako sa krus si Jesus, hiniling Niya sa

dalawa sa Kanyang mga disipulo na maghanda ng hapunan. Pagkatapos ay inanyayahan Niya ang Kanyang mga Apostol na magpunta. Sa ha-punang iyon, na tinawag na Huling Hapunan, binigyan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo ng espesyal na paraan upang lagi Siyang alala-hanin. Mababasa natin ang tungkol dito sa Bagong Tipan:

“At [si Jesus] ay dumapot ng tina-pay, at nang siya’y makapagpasala-mat, kaniyang pinagputulputol [ito],

at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito’y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

“Gayon din naman ang saro, pag-katapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo” (Lucas 22:19–20).

Kapag kumakain at umiinom tayo ng sakramento, ginagawa natin ang ginawa noon ng mga Apostol sa Huling Hapunan. Ang tinapay ay nagpapaalala sa atin ng katawan ni Cristo at kung paano Siya pisikal na

Ang Sakramento: Isang Paalala Tungkol kay Jesus

O R A S P A R A S A B A N A L N A K A S U L A T A N

KALIW

A: P

INAS

IMUL

AN N

I CRI

STO

ANG

SAK

RAM

ENTO

SA

MG

A AP

OST

OL,

NI D

EL P

ARSO

N; K

ANAN

: DET

ALYE

MUL

A SA

JESU

CRIS

TO,

NI H

ARRY

AND

ERSO

N; IM

AHE

NI C

RIST

O, N

I HEI

NRIC

H HO

FMAN

N, S

A KA

GAN

DAHA

NG- L

OO

B NG

C. H

ARRI

SON

CONR

OY

CO.,

INC.

Sabay- sabay na pag- aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

ALAMIN PASa Huling Hapunan, itinuro ni Jesus sa Kanyang mga Apostol ang ilang mahahalagang bagay:

• Hinugasan Niya ang kanilang mga paa upang turuan sila tungkol sa pagmamahal at paglilingkod sa iba.

• Sabi niya, “Kayo’y mangagibigan sa isa‘t isa; na kung paanong iniibig ko kayo” (Juan 13:34).

• Nanalangin Siya na ituro nila sa iba ang ebanghelyo.

• Siya ay kasama nilang kumanta ng himno.

• Ipinangako Niya na ang Espiritu Santo ay maaaring mapasakanila (tingnan sa Juan 14:26–27).

PAG- UUSAP NG PAMILYATingnan ang ilan sa mga himno ng sakra-mento sa himnaryo. Pag- usapan ang mga mensahe sa mga himno. Paano tayo iniha-handa ng pagkanta ng himno sa pakikiba-hagi natin ng sakramento? Bilang pamilya, mithiing pag- isipan ang mga mensahe ng mga himno sa sakramento kapag kinakanta ninyo ang mga ito sa simbahan.

Awitin: “To Think about Jesus” (Children’s Songbook, 71)

Banal na Kasulatan: Lucas 22:19

Video: Magpunta sa Biblevideos. org para mapanood ang “Ang Huling Hapunan”

TIP SA BANAL NA KASULATANKaramihan sa mga himno ay may mga reperensya ng banal na kasulatan na nakalista sa ibaba ng pahina. Marami sa mga awitin sa Aklat ng mga Awit Pambata ay mayroon ding mga talata ng banal na kasulatan. Basahin ang mga talatang kasama ng mga awitin para lalo pang magkaroon ng kahulu-gan ang mga titik sa mga awitin.

Gupitin ang bookmark na ito at idikit sa makapal na papel. Iipit ito sa inyong mga banal na kasulatan para matingnan ninyo ito sa oras ng sakramento. Magagamit ninyo itong pananda sa mga panalangin sa sakramento na nasa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79.

nagdusa para sa atin. Ang tubig ay nagpapaalala sa atin ng Kanyang dugo na ibinuhos para sa atin.

Ang mga panalangin ng sakra-mento ay nagpapaalala din sa atin sa mga pangakong ginawa natin nang nabinyagan tayo—na laging aalalahanin si Jesucristo. Kapag nakikinig kayo sa mga panalangin ng sakramento, isipin kung ano ang ginawa ninyo sa linggong iyon para maalala si Jesus. Paano ninyo Siya maaalaala sa darating na linggo? ◼Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Ano ang ilan sa mga himalang isinagawa ni Jesucristo?

Paano pinakitunguhan ni Jesus ang iba?

May tao ba na kailangan kong patawarin?

Mayroon ba akong kailangang pagsisihan?

Ano ang magagawa ko para maalala si Jesus sa linggong ito?

Paano ko Siya susundin?

PAALALA NG BOOKMARK