group 6 mga salitang pangnilalaman

43
MGA SALITANG PANGNILALAMAN (Content Word) Ulat ni: Jerica Paula P. Vergara ft. Rainier Udarbe II-4 BFE

Upload: john-ervin

Post on 15-Apr-2017

974 views

Category:

Education


58 download

TRANSCRIPT

MGA SALITANG PANGNILALAMAN

(Content Word)Ulat ni:

Jerica Paula P. Vergara ft. Rainier Udarbe

II-4 BFE

2. MGA PANURING (MODIFIER)A. PANG-URI (ADJECTIVE)B. PANG-ABAY (ADVERB)

1. MGA NOMINALA. PANGNGALAN (NOUN)B. PANGHALIP (PRONOUN)C. PANDIWA (VERB)

MGA NOMINAL

PANGNGALAN- Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari.

DALAWANG URI ANG PANGNGALAN:

a. Pantangi- tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.

Halimbawa: Ninoy Aquino, Cavite, Philippine Normal University

b. Pambalana- karaniwan o balanang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari

Halimbawa: silid-aklatan, pahayagan, paaralan, pangulo

Pagsasanay Panuto: Tukuyin ang naiibang uri ng pangngalan at sabihin

kung anong uri ito.1. ahensya, programa, gobyerno, DENR

2. Manuel L. Quezon, Cayetano Arellano, gobernador, Loren Legarda

3. Pilandok, kagubatan, Tamaraw, Tarsier4. Quiapo, Bohol, Pamilihang Bayan ng Casagul,

probinsya5. Bundok Apo, pangangaso, pagtotroso,

pagpapanday

MAAARING URIIN ANG PANGNGALANG PAMBALAN SA MGA SUMUSUNOD:

1. Kongkreto o Tahas- mga bagay na tumutukoy sa bagay o materyal na nakikita at maaaring hawakan

Halimbawa: kagubutan, prutas, gulay2. Di-kongkreto o Basal- diwa o kaisipan ang tinutukoy at hindi materyal

- hindi nakikita at hindi nahahawakan ngunit nadarama

Halimbawa: pagsisikap, pag-asa, paglilinis3. Lansakan- nangangahulugan ng bilang o dami na pinagsama-sama ngunit ang bilang ay walang katiyakan

Halimbawa: kumpol, klase, pulutong

PagsasanayPanuto: Tukuyin ang uri ng mga pangngalang pambalana na may salungguhit. Sabihin kung kongkreto o di-kongkreto.

1. Sagana ang inaaning palay sa Gitnang Luzon.2. Ang paglulunsad nito ay ginanap sa Cebu Convention Center.

3. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pag-unlad ng buhay ng mga magsasaka.4. Ang isang tumpok ng sili sa palengke ay nagkakahalaga ng sampung piso.

5. Inaasahang malaking tulong ito sa mga magsasaka.

Mga PanandaMakatutulong ang mga pananda sa madaling pagkilala

ng mga pangngalan.1. Pantukoy- ang, ang mga, si, sina, ni, nina, kay, kina

Halimbawa: Ang kaibigan ni Marco ay si Jano.

2. Pang-uring Pamilang- isa, tatlo, maramiHalimbawa: Maraming manggagawa ang natuwa sa

isang taong nagmalasakit sa kompanya.

3. Panandang “ay”Halimbawa: Siya ay guro sa ikaanim na baitang.

KAILANAN NG PANGNGALANPananda

isahan- ang, si, kay, nimaramihan- ang mga, sina, kina, nina

Pang-uring panlarawanHalimbawa: isahan- masustansyang gulaymaramihan- masusustansyang gulay

PaglalapiHalimbawa: dalawahan- magkapatidmaramihan- magkakapatid

Pang-uring pamilangHalimbawa: isahan- isang kaibigandalawahan- dalawang kaibiganmaramihan- grupo ng mga kaibigan

KASARIAN NG PANGNGALANPambabae- para sa babae

Halimbawa: lola, nanay, tiyaPanlalaki- para sa lalaki

Halimbawa: lolo, tatay, bayawDi-tiyak- hindi matiyak kung babae o lalaki

Halimbawa: kamag-anak, bunso, kasama

Walang kasarian- bagay na walang buhayHalimbawa: bakuran, gulay, prutas,

puno

MGA GAMIT NG PANGNGALAN• Simuno o Paksa (Subject)- pangngalan pinag-uusapan sa

pangungusapHalimbawa: Ang mga katutubo ay humihingi ng paumanhin.

• Kaganapang pansimuno (Subject Complement)- pangngalang sumusunod sa panandang ay

Halimbawa: Ang kanin ay pagkaing laging nasa hapag-kainan.• Pamuno (Appositive)- ang simuno at isa pang pangngalang nasa

paksa ay iisa lamangHalimbawa: Si Mang Carlito, isang magsasaka ay nagtanim ng

palay.• Pantawag (Direct Address)- pangngalang tinatawag sa pangungusap

Halimbawa: Mario, bungkalin mo ang lupa at taniman ng palay.• Layon ng pandiwa (Direct Object)- pangngalan pagkatapos ng

pandiwaHalimbawa: Naglatag ng dahon sa mesa ang mga bathala.

• Layon ng pang-ukol (Object of the preposition)- pangngalang pinaglalaan ng kilos

Halimbawa: Ipinagkaloob sa mga katutubo ang gintong butil.

KAUKULAN NG PANGNGALAN• Palagyo- kaukulan ng pangngalang ginagamit na:

a. Simuno o paksaHalimbawa: Ang mga nilikha ay ipinagkatiwala sa atin

ng Maykapal.b. Kaganapang pansimunoHalimbawa: Si Pamulak Manobo ay dakilang bathala

ng mga Bagobo.c. PanawagHalimabawa: Pamulak Manobo, ipasala po ninyo ang

ulan.d. PamunoHalimbawa: Si Pamulak Manobo, ang bathala ng mga

Bagobo ay mapagmahal sa tao.

• Paari- kaukulan ng pangngalang nagpapakita ng pagmamay-ari

Halimbawa: Ang mga anak nina Toglai at Togliban ay nanirahan sa iba’t ibang panig ng Mindanao.

Kay Pamulak Manobo ang Sibulan.

• Paukol o Palayon- kaukulan ng pangngalang ginagamit na tuwirang layon

Halimbawa: Nagtayo siya ng pamayanan sa SibulanLumipat ng tirahan ang pamilya ni Toglai.

PAGSASANAY

Panuto: Isang palakpak kung palagyo, dalawa kung kaukulang paari at tatlo kung kaukulang paukol o palayon.

1. Ang akdang “Mga Katuwang ni Pamulak Manobo” ay isang mitolohiya.

2. Ang mitolohiya ay kwento hinggil sa mga alamat o anino.3. Bathala, kaawaan mo po kami.4. Kay Grace ang mga halaman sa paso.5. Nagbasa ng mitolohiya ang mga mag-aaral.

PANGHALIP- Tumutukoy sa mga salitang ipinanghahalili sa pangngalan

TATLONG URI NG PANGHALIP

• Panghalip Panao• Panghalip Pamatlig• Panghalip Panaklaw

PANGHALIP PANAOIpinapalit ito sa ngalan ng tao. Mayroon itong panauhan at kailanman.

-PanauhanUnang Panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita o

kumakausap- ako, ko, akin, tayo, natin, atin, kami, namin, amin

Ikalawang Panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap sa pangungusap

- ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, inyoIkatlong Panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan at

malayo sa nag-uusap- siya, niya, kanya, sila, nila, kanila

-KailananIsahan- ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya, niya, kanyaDalawahan- kata, kitaMaramihan- kami, namin, atin, natin, tayo, amin, kayo, ninyo,

sila, inyo, nila, kanila

PANGHALIP PAMATLIG

Ginagamit itong panghalili sa pagtuturo ng pangngalan. May limang uri ng panghalip pamatlig: paturol, paari, patulad, at pahimaton.

Panauhan Paturol Paari Patulad Paukol Pahimaton

nagsasalitakausappinag-uusapan

ito, ireiyaniyon, yaon

nito, nireniyanniyon, noon

ganito, ganireganyanganoon, gayon

dito, dinediyandoon

heto, etoayan, hayanhayun, ayun

PANGHALIP PANAKLAW

Ang panghali panaklaw ay may sinasaklaw na kaisahan, bilang, dami, o kalahatan. Ito ay maaring tiyakan o di-tiyakan

Halimbawa:Tiyakan- isa, bawat isa, pulos, iba, lahat, pawangDi-tiyakan- anuman, sinuman, kaninuman, ninuman,

saanman

GAMIT NG PANGHALIP• Simuno o paksa- panghalip na pinag-uusapan sa pangungusap

Halimbawa: Sila ay malinis at maingat sa katawan.• Kaganapang Pansimuno- ang panghalip ay nasa kaganapang

pansimuno kung ito ay: panghalip na tumutukoy sa panaguri; ito at ang simuno ay iisa lamang at walang pandiwa sa pangungusap. Nakikita ito pagkatapos ng ay.

Halimbawa: Ang tagapag-alaga ng inyong kalusugan ay kayo.• Tuwirang Layon- ang panghalip na tumatanggap ng kilos sa

pangungusap. Sumasagot din ito sa tanong na ano.Halimbawa: Si Mylene ang nagbasa nito.

• Layon ng Pang-ukol- panghalip na gumaganap na layon ng pang-ukol sa kaukulang paukol.

Halimbawa: Ang para sa kanya ay ibibigay niya sa mga nangangailangan.

PAGSASANAY

Panuto: Tukuyin ang gamit ng panghalip na may salangguhit sa pangungusap. 1. Tayo ay umiwas sa mga gawaing makasisira ng ating

kalusugan.2. Ako ang tagalista ng hanay na pinakamabilis at maayos.3. Nagpaplano nito ang aming kaklase para sa kalinisan.4. Para sa atin ang binabalak ng klase.5. Si Juan ay tumatanggap nito sa pangulo.

KAUKULAN NG PANGHALIPKaukulan ang tawag sa kakanyahan ng panghalip na nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap.

• Palagyo- ginagamit na paksaHalimbawa: Ako ay tumutulong sa mga biktima ng sakuna.- ginagamit na kaganapang pansimunoHalimbawa: Ang tagapamahal ng donasyon ay siya.

• Paari- nagpapakita ng pagmamay-ari at hindi katabi ng pangngalan

Halimbawa: Kanila ang toldang ginamit sa evacuation center.• Paukol- Ang panghalip kung katabi o kasunod ito ng pandiwa o

layon ng pang-ukolHalimbawa: Bibigyan ko ang mga nasalanta ng mga damit.

PAGSASANAY

Panuto: Sabihin na PG kung palagyo, PA kung paari at PU kung paukol.1. Ang bawat isa ay handang tumulong.2. Tungkol sa amin ang tulang isinulat ni tatay.3. Siya ang pinunong handang maglingkopd sa bayan.4. Tayo ay maaaring tumulong sa iba.5. Kinuha rito ang mga pagkain para sa mga biktima ng

kalamidad.6. Sa akin ang kahon sa kabinet.

PANDIWA- ang tawag sa salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita. Sa

madaling salita, mga salitang nagsasaad ng kilos.

PANLAPING MAKADIWAPanlaping makadiwa ang panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwa.• mag- palaging ginagamit na unlapi, ginigitlingan ang pandiwa kung ang

salitang-ugat ay nagsisimula sa patinigHalimbawa: mag-ala mag-usap magsaliksik

• um- maaaring maging unlapi o gitlapiHalimbawa: umayon umawit tumawid

• magka- panlaping nagpapakita ng pagkakaroonHalimbawa: magkaasawamagkaplano magkaposisyon

• magpa- panlaping nagpapahiwating ng kilos na ipinapagawa sa ibaHalimbawa: magpaayos magpagupit magpatahi

• mai- unlaping nagsasaad ng kilos na ginagawa para sa ibaHalimbawa: maitala maipitas maihanin

• ipa- nagpapahayag ng pagpapagawa ng kilos sa ibaHalimbawa: ipaulat ipasara ipasukat

• mag- an/mag- han- nagpapakita ng kilos na sabayanHalimbawa: magsayawan magkantahan

ASPEKTO NG PANDIWA1. Aspektong Naganap o Perpektibo- nagsasaad na tapos na ang kilos

Halimbawa: Ako’y Pinoy na isinilang sa ating bansa.2. Aspektong Katatapos- katatapos lamang ng kilos

Halimbawa: Kaaawit lamang ng klase ng ako’y “Ako’y Pinoy.”3. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- nagsasaad ng patuloy pa ring nangyayari ang inumpisahang kilos

Halimbawa: Isinusulong ng mga mamamayan ang sariling wika.4. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo- gagawin pa lamang ang kilos

Halimbawa: Paano natin matatamo ang ganap na pagkakaisa?5. Aspektong Neutral- ang kilos ay nagaganap sa anyong pautos o nasa anyong pawatas.

Halimbawa: Gamitin natin ang wikang ating minamahal.Mahalin ang Wikang Filipino.

URI NG PANDIWA

• Katawanin- Ito ay pandiwang buo o ganap ang diwang ipinahahayag. Hinti ito nangangailangan ng layon o tagatanggap ng kilos. Ang pandiwang katawanin ay maaaring:

- nagsasaad lamang ng gawain o pangyayariHalimbawa: Nagtuturo si G. Lapulapu.- pandiwang palikas na walang paksaHalimbawa: Umuulan.Ang pandiwang katawanin ay maaaring maging pandiwang

palipat kapag ito ay dinudugtungan ng tuwirang layon.• Palipat- Ito ay pandiwang hindi ganap o buo at nangangailangan ng

tagatanggap ng kilos.Halimbawa: Nagpatupad ng ordinansa ang alkalde.

Nagpasalamat ang mga taga-Marina kay Gobernador Butanding.

TINIG NG PANDIWA

• Tukuyan o Tahasan - simuno o paksa ng pangungusap ang gumagawa ng kilos

Halimbawa:Si Mang Valentin ay nagturo ng pagtugtog ng

bandurya sa anak.Ang apo ay bumuo ng awiting “Ang Unang Buko.”

• Balintiyak- nasa bahaging panaguri ang tagagawa ng kilosHalimbawa:

Ang “Banaag at Lakas” ay nilika ni Nicanor Abelardo.

Si Nicanor Abelardo ay tinuruan ng kanyang tatay.

PAGSASANAYPanuto: Sabihing T kung tahasan at B kung balintiyak ang tinig ng pandiwang may salangguhit.1. Ang musika ay nagbibigkis sa mga Pilipino.2. Ang kundiman ay iniambag ni Nicanor Abelardo sa ating

kalinangan.3. Umawit nang buong puso ang mga mag-aaral.4. Sa kabila ng paglaganap ng modernong musika,

pinananatili ng mga Pilipino ang tradisyunal na musika ng bayan.

5. Pasiglahin natin ang Musikang Pilipino.

POKUS NG PANDIWAAng tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa paksa ng pangungusap ay pokus.Narito ang ilan sa pokus ng pandiwa:• Pokus sa Tagaganap o Aktor• Pokus sa Layon o Gol• Pokus sa Ganapan o Lokatib• Pokus sa Tagatanggap o Benepektibo• Pokus sa Gamit o Instrumental• Pokus sa Sanhi o Kawsatibo

MGA PANURING

PANG-URI- salitang naglalarawan sa katangian o bilang ng pangngalan o panghalip

TALONG URI NG PANG-URI1. Pang-uring Panlarawan- nagsasabi tungkol sa anyo, laki, lasa, amoy, hugis, at ipa pang katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa: Makukulay ang mga pagdiriwang sa Pilipinas.Malayo man o malapit ang lugar na may pagdiriwang, ito ay dinarayo pa rin ng mga tao.

2. Pang-uring Pamilang- nagsasabi ito ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip

Halimbawa: Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ay dalawang tauhan sa Santacruzan.Ang Panagbenga ay isang pagdiriwang na ginaganap

sa Baguio. 3. Pang-uring Pantangi- may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa pangngalan

Halimbawa: Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang sapatos-Marikina.Maraming gumagamit ng sukang Iloco.

KAYARIAN NG PANG-URI

• Payak- binubuo ng salitang-ugat lamangHalimbawa: tunay dakila payapa

• Maylapi- binubuo ng salitang-ugat at panlapiHalimbawa: masigla napakahusay maaasahan

• Inuulit- binubuo ng pag-uulit sa salitang ugat o pang-uring maylapi

Halimbawa: kaaya-aya malakas na malakas• Tambalan- binubuo ng dalawang magkaibang salita

Halimbawa: basang sisiw taos-puso

PANG-ABAY- tawag sa mga salita o mga salitang nagbibigay-turing, o naglalarawan sa pandiwa, pang-

uri, at kapwa pang-abay

TINUTURINGAN NG PANG-ABAY ANG:• Pandiwa

Mga halimbawa: Seryosong magsalita ang pangulo sa klase.Makataong magdesisyong ang hukom ng korte.

• Pang-uriMga halimbwa: Hindi mahirap ang gawaing

pinagtutulungan.Sadyang tahimik ang buhay sa nayon.

• Kapwa Pang-abayMga halimbawa: Totoong mahinahong magpaliwanag

ang batang nakasaksi sa pangyayari.Ang nangyaru ay sadyang madaling paniwalaan.

ANG PANG-URI AT PANG-ABAY AY MGA SALITANG KAPWA NAGLALARAWAN SUBALIT MAGKAIBA ANG INILALARAWAN O BINIBIGYANG-TURING.

• Pang-uri- sa pangngalan o panghalip naglalarawanMga halimbawa: maingat na doktor

mahusay na gamotpayapang buhaymasalang siya

• Pang-abay- sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay nagbibigay-turing

Mga halimbawa: maingat kumilostalagang mahusaypayapang namumuhaytunay na malinis magbiro

URI NG PANG-ABAY• Pang-abay na Pamaraan- sumasagot ito sa tanong na paano

ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusapHalimbawa: Magalang na itinmuro ng Ati ang tahanan ni

Marikudo.• Pang-abay na Pamanahon- sumasagot sa tanong na kailang

ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusapHalimbawa: Magdaraos bukas ng pulong ang mga datu.

• Pang-abay na Panlunan- sumasagot sa tanong na saan ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap

Halimbawa: Bumisita kami sa lalawigan ng aming mga kamag-anak.• Kataga o Ingklitik- ito ay tawag sa katagang karaniwang

sumusunod sa unang salita ng pangungusapHalimbawa :Magaling ding sumayaw ang mga katutubo.

Kilalang ingklitik

kasi man sana na pala nang

din/rin tuloy yata lamang/lang

kaya nga

daw/raw

naman ba pa muna

PAGSASANAYPanuto: Bilugan ang pang-abay sa pangungusap at sabihin kung ito ay pamaraan, pamanahon, panluna, o ingklitik.1. Binasa ng malakas ni Menehit ang unang bahagi ng

Maragtas.2. Nagpaligsahan daw ang mag-amang Polpulan at

Marikudo.3. Tahimik silang naninirahan sa Sinugbuhan.4. Pinag-asawa muna si Marikudo bago bago maging

pinuno.5. Itatanghal sa isang linggo ang epikong ito ng pangkat nino

Menchit.6. Pagpaplanuhan nila mamaya ang gagawing pagtatanghal.

IBA PANG URI NG PANG-ABAY• Panggaano- ito ang pang-abay na nagsasaad ng dami, halaga, timbang o

sukat ng isang pandiwaHalimbawa: Apat na oras naglaba si Shing-Waz.Anim na kilo ang idinagdag sa nakasakong bigas.

• Pananggi- ito ang pang-abay na nagsasaad ng pagsalungat o di-pagsang-ayon tulad ng huwag, ayoko, hindi, ayaw, wala.

Halimbawa: Ayokong umalis dito.Huwag mong kunin ang mga libro.

• Panang-ayon- ito ang tawag sa pang-abay na nagpapahiwatig ng pagpayag o pag-ayon sa opinyon o gusto ng iba gaya ng tunay, totoo, talaga, walang duda, sigurado, sigurado, tiyak, opo, oo.

Halimbawa: Siguradong maipaaabot sa kinauukulan ang mungkahi mo.

Oo, sasama ako sa lakbay-aral.• Pang-agham- tawag ito sa mga pang-abay na nagsasaad ng pagdududa, pag-

aalinlangan o kawalan ng kasiguraduhan, gaya ng baka, tila, marahil, siguro.Halimbawa: Tila babagsak na ang ulan.Baka mapagsaraduhan ako ng gate.

PAGSASANAYPanuto: Buuin ang pangungusap. Salangguhitan ang angkop na pang-abay.1. (Tila, Marahil, Tiyak) na magugustuhan mo ang sorpresang

ito sapagkat matagal mo na itong gusto.2. (Hindi, Huwag, Oo) kang mag-alala, bukal sa aming puso ang

paghahandog nito sa iyo.3. (Tiyak, Baka, Walang duda) isipin mong hindi kami marunong

tumupad sa usapan!4. (Oo, Wala, Ayaw), gagawin namin ang lahat para sa kaarawan

mo.