grade 4 filipino lesson plan

6
Banghay-Aralin sa Filipino IV Wika I. Layunin A. Tukoyin sa mga salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbabala. B. Pag-uuri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian. C. Gamitan ng mga ibat-ibang bantas ang pangungusap. II. Paksa at Aralin: A: Paksa: Pagkilala sa ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at kayarian nito B. Sanggunian: Hiyas sa Filipino IV p.10-13, 16 http://lessonproper.blogspot.com/2011/06/uri-ng- pangungusap-ayon-sagam it.html C Kagamitan: laptop, ohp projector, plaskard III. Pamamaraan Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. Pagtetsek ng liban at hindi liban.. c. Pagbati. B. Balik-Aral Magpapakita ang guro ng ibat-ibang uri ng pangungusap sa pisara. Ating basahin ang mga sumusunod: 1. Namangha si Rene nang mabasa ang nakapaskil sa harap ng kanilang tahanan. 2. Bukas ay magsadya po kayo sa taong napagsanlaan ng lupa at sabihing makikipag- ayos po tayo. 3. Huwag po kayong mag-alala. 4. Bakit kaya? Ano ang nangyari? 5. Inay! Itay! Narito na po ako!

Upload: mary-jean-dacallos

Post on 12-Jan-2017

4.258 views

Category:

Education


306 download

TRANSCRIPT

Page 1: GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN

Banghay-Aralin sa Filipino IVWika

I. LayuninA. Tukoyin sa mga salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbabala.B. Pag-uuri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian.C. Gamitan ng mga ibat-ibang bantas ang pangungusap.

II. Paksa at Aralin:

A: Paksa: Pagkilala sa ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at kayarian nito

B. Sanggunian: Hiyas sa Filipino IV p.10-13, 16http://lessonproper.blogspot.com/2011/06/uri-ng-pangungusap-ayon-sagamit.html

C Kagamitan: laptop, ohp projector, plaskard

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaralA. Panimulang Gawain

a. Panalanginb. Pagtetsek ng liban at hindi liban..c. Pagbati.

B. Balik-Aral

Magpapakita ang guro ng ibat-ibang uri ng pangungusap sa pisara.

Ating basahin ang mga sumusunod:

Mga bata pansinin ang mga nakapaskil sa pisara.

Ano-anu ang mga nakapaskil na ito, sino ang may ideya?

Tama, ito ay mga pangungusap. Ngayon sa nakaraang araw ng ating talakayan. Ano nga ulit ang pangungusap.

Ako’y nagagalak sapagkat nasagot ninyo ang aking katanungan.

Mabuti ba kayong tagapakinig?

1. Namangha si Rene nang mabasa ang nakapaskil sa harap ng kanilang tahanan.

2. Bukas ay magsadya po kayo sa taong napagsanlaan ng lupa at sabihing makikipag-ayos po tayo.

3. Huwag po kayong mag-alala.

4. Bakit kaya? Ano ang nangyari?

5. Inay! Itay! Narito na po ako!

Ito po ay mga pangungusap.

Ito po ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Ito po ay nagsisimula sa malaking titik.

Page 2: GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN

Unawaing mabuti ang kwentong “Huwag Kayong Mag-alala”. Uriin ang mga pangungusap ayon sa gamit.

C. Paglalahad

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang simuno at panag-uri

Ano-anu ang mga ito?

1. Nagsasalaysay- pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay ng pangyayari. Ito ay nagtatapos sa tuldok. (.)

Halimbawa:a. Si Ana ay tumatakbo. b. Ang ibon ay lumilipad.

2. Pa-utos-pangungusap na nag-uutos at nagtatapos sa tuldok. (.)

Halimbawa:a. Magdilig ka ng halaman.b. Magsibak ka ng kahoy

3. Pakiusap- pangungusap na maaring nagsasaad ng paghingi ng pabor. Ginaagamitan ng magagalang na salita upang maki-usap. Maaring nagtatapos sa bantas na tuldok o tandang pananong (./?)

Halimbawaa. Maari ba akong humiram ng lapis.b. Pakisara po ang pinto.

4. Patanong- pangungusap na naghahanap ng kasagutan at nagtatapos sa bantas na tandang pananong. (?)

Halimbawa:a. Nasaan na ba ang aking apo?b. Kaya mo bang buhatin ‘yan?

5. Padamdam- pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Maaring pagkatuwa, pagkabigla, pagkatakot o pagkalungkot. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam. (!)

Halimbawa: a. Naku! Ang daming insekto!b. Bilisan mo! Umuulan na!

D. Pangkalahatan

Ano ang pangungusap?

Ilan ang mga Uri ng Pangungusap ayon sa gamit at Anu-ano ang mga ito?

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ng simuno at panag-uri.

Lima po ang Uri ng pangungusap ayon sa gamit ito po ay ang mga pangungusap na pasalaysay, patanong, pakiusap, pautos at padamdam.

Page 3: GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN

Aling bantas nagtatapos ang pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap?

Anong pangungusap ang nagtatapos sa tandang pananong?

Anong pangungusap ang nagtatapos sa tandang padamdam?

Ang pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap ay nagtatapos sa tuldok.

Ang pangungusap na patanong ay nagtatapos sa bantas na tandang pananong.

Ang pangungusap na padamdam ay nagtatapos sa bantas na tandang padamdam.

IV. Pagtataya:

A. Subukan Natin

Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong o Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.

1. Si Lisa ay matalinong bata_A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

2. Hay Naku_ Kayo na ang mag-usap__A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

3. Saan ka pupunta_A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

4. Dalhin mo sa akin ang lapis na ‘yan_A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

5. Paki abot po ng lapis ko_A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

Sagot:

Bilang Titik Bantas

1 A pasalaysay tuldok (.)

2 E padamdam tandang padamdam (!)

3 C patanong tandangpananong (?)

4 B pautos tuldok (.)

5 D pakiusap tuldok (.)

B. Subukan Mo Na

Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong o Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.

---1. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako____2. Maari po ba akong humiram ng pera___3. O, bakit ka naudlot___4. Sige, Gina, patuluyin mo___5. Dito na ba sila patitirahin___6. Naku_ may sunog___7. Huwag mong intindihin ‘yon___8. Kumain na tayo___9. Napatingin ako sa tatay

Page 4: GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN

__10. Kinapos ng pagkain si Aling Gloria_

Sagot:

Bilang Uri ngPangungusap

Bantas

1 pasalaysay tuldok (.)

2 pakiusap tuldok (.)

3 patanong tandang pananong (?)

4 pasalaysay tuldok (.)

5 patanong tandang pananong (?)

6 padamdam tandang padamdam (!)

7 pasalaysay tuldok (.)

8 pasalaysay tuldok (.)

9 pasalaysay tuldok (.)

10 pasalaysay tuldok (.)

V. Takdang Aralin:

Sumulat sa iyong kwaderno ng tig-dalawangpangungusap na Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong at Padamdam

Inihanda ni:Mary Jean M. DacallosAplikante