grade 4 e.p.p quarter 3 week 1 day 1

22

Upload: arnel-bautista

Post on 15-Apr-2017

866 views

Category:

Education


74 download

TRANSCRIPT

Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang

ornamental? May makukuha

ba tayong kapakinabangan

mula dito?

Ano ang naitutulong

ng pagtatanim ng mga halamang

ornamental sa pamilya at pamayanan?

Bago natin sagutin ang mga tanong, unahin muna natin ang sumusunod…

1. May mga pakinabang na makuku- ha sa pagtatatanim ng mga halamang ornamental gaya ng sumusunod. Alin kaya ang hindi kabilang sa grupo?

a. napagkakakitaanb. nagpapaganda ng kapaligiran c. nagbibigay ng liwanagd. naglilinis ng maruming hangin

2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan.b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.c. Nagpapaunlad ng pamayanan.d. Lahat ng mga sagot sa itaas.

Gawin natin ang Word Relay

Kumuha ng isang binilot na papel mula sa tambiolo, basahin ito nang malakas at saka ipaliliwanag sa klase ang nakasulat dito. Gayundin ang gagawin ng susunod na mag-aaral hanggang sa matapos magpaliwanag ang lahat.

Handa na ba ang lahat?

Gawain: Magpangkat kayo sa apat, at pumili ng lider. Kukuha ang mga lider ng binilot na papel mula sa loob ng tambiolo. Hahanap ng lugar ang iba’t ibang pangkat sa loob ng silid aralan at pag-uusapan ang nakasulat sa binilot na papel. Isulat muna sa kuwaderno ang natatalakay. Kapag nabuo na ang kahulugan ng paksa, ito ay isusulat sa manila paper o sa kartolina at saka iuulat ng lider sa klase. Mayroon lamang sampung (10) minuto upang matapos ang pagsasanay.

Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental:1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at

pagbaha .2. Naiiwasan ang polusyon.3. Nagbibigay lilim at sariwang

hangin.4. Napagkakakitaan.5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran.

Paglalahat: Ang pagtatanim ng mga hala- mang ornamental ay isang ka- wili-wili at nakalilibang na gawain. Maraming kapakinabangan ang nakukuha rito na makakatu -long sa pamilya at pamayanan.

PAGTATAYA:Sagutin ng Tama o Mali ang sumusunod na tanong:1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay ng malinis na hangin.2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa pamilya at ibang tao sa pamayanan.

3. Maaaring ipagbili ang mga itata - nim na halamang ornamental.4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pa- milya at pamayanan ang pagtatanim ng mga halamang ornamental.5. Ang halamang ornamental ang dahilan ng pagkakaroon ng mga pagguho sa ibat ibang lugar.

II. Piliin ang tamang sagot.1. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental maliban sa isa.a. Nagiging libangan ito na makabuluhan.b. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.c. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.d. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran.

2. Makatutulong sa pagsugpo ng polus- yon ang pagtatanim ng mga halamang ornamental.a. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.b. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya ang maruming hangin sa kapaligiran.c. a at bd. Walang tamang sagot

PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Gumawa ng album ayon sa kapakinabangan na makukuha ng pamilya at pamayanan sa pagtata -nim ng mga halamang ornamental.

Paggawa ng Proyekto:Unang pahina – pamagat ng proyekto, subject, pangalan ng pumasa at papasahan.Ikalawang pahina-talaan ng mga nilalaman.Ikatlo-huling pahina- album

Album ng mga Kapakinabangan ng Halamang

Ornamental sa Pamilya at Pamayanan

Proyekto sa E.P.P. 4S.Y. 2015-2016

Ipinasa ni: ______________ Ipinasa kay: ___________

Nilalaman1.Pamagat……………………….12.Nilalaman…………………….23.Mga Kapakinabangan ng Halamang ornamental…….3 a. Pamilya………………….4-5 b. Pamayanan……………5-6

Mga Kapakinabangan ng Halamang Ornamental:

Pamilya:1.Nagbibigay ng kasiyahan.

Powerpoint source by:ARNEL C. BAUTISTADEPED. LUMBO E/SVAL. CITY , BUKIDNON