gabay sa mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ng ... · ang libritong ito ay makakatulong...
TRANSCRIPT
County ng
Alameda
GABAY SA
Mga Serbisyo para sa Kalusugang
Pangkaisipan ng Medi-Cal (Medi-Cal
Mental Health Services)
Mga Mahahalagang Numero ng Telepono
Emergency ............................. 911
Alameda County .................... (510) 346-1000
Behavioral Health Plan (800) 491-9099 24 oras/walang
bayad na toll
Consumer Assistance Office ... (800) 779-0787
Patients Rights Advocate ........ (510) 835-2505
Paano Makakakuha ng isang Listahan ng Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider):
Maari kayong humingi, at dapat bigyan kayo ng Mental Health
Plan (MHP), ng isang direktoryo ng mga tao, klinika at ospital kung
saan kayo makakakuha ng mga serbisyo para sa kalusugang
pangkaisipan sa inyong lugar. Ito ay tinatawag ng isang ‘listahan
ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider)’ at naglalaman ng mga
pangalan, numero ng telepono at mga address ng mga doktor,
therapist, ospital at iba pang mga lugar kung saan maaari kayong
makakuha ng tulong. Maaaring kailangan ninyong makipag-
ugnayan muna sa inyong MHP, bago kayo makakuha ng tulong.
Tumawag sa inyong mga MHP, 24 oras na walang bayad na
numero ng telepono sa itaas para humiling ng isang listahan ng
tagapagkaloob ng serbisyo (provider) at para tanungin kung
kailangan ninyong makipag-ugnayan sa MHP bago magpunta sa
tanggapan, klinika o ospital para sa tulong.
Ano ang Iba Pang Mga Wika at Format Makukuha
ang Mga Materyal?
Este folleto (o informaci6n) esta disponible en Espariol. Usted puede
solicitarlo llamando al numero de telefono gratuito mencionado
anteriormente.
Co ba n tie'ng Vticua t vi co thS g<;>i s6 din thoi mi
Vi t.
*/Nm-r-C i1wD :ij" r:px,_
Kung kayo ay nakakaranas
ng isang emergency,
mangyari lang tumawag sa
9-1-1 o bumisita sa
pinakamalapit na
emergency room sa ospital.
Kung nais ninyo ng
karagdagang impormasyon
para matulungan kayong
magpasya kung ito ay isang
emergency, mangyari lang
basahin ang impormasyon
sa pahina 6 ng Estado ng
California sa libritong ito.
Introduksyon sa Medi-Cal
Mga serbisiyo para sa Kalusugan ng Kaisipan Bakit Ko Natanggap ang Libritong Ito at Bakit Ito Mahalaga?
Kung natanggap ninyo ang libritong ito dahil kayo ay karapat-dapat para sa Medi-
Cal at kailangan malaman ang tungkol sa mga serbisyo para sa kalusugang
pangkaisipan na inihahandog ng Alameda County at kung paano makukuha ang
mga serbisyong ito kung kailanganin ninyo ang mga ito.
Kung nakakatanggap kayo ng mga serbisyo ngayon mula sa Alameda County, ang
libritong ito ay nagsasabi lang sa inyo ng higit pa kung paano gumagana ang mga bagay-
bagay. Ang libritong ito ay nagsasabi sa inyo tungkol sa mga serbisyo para sa
kalusugang pangkaisipan, ngunit hindi nagbabago sa mga serbisyong natatanggap
ninyo. Maaaring nararapat na itabi ninyo ang libritong ito para maaari ninyong mabasa
ulit kung kinakailangan.
Kung hindi kayo nakakatanggap ng mga serbisyo ngayon, maaaring dapat ninyong
itabi ang libritong ito sa pangyayari na, o may kakilala kayo, na kailangang malaman
ang tungkol sa mga serbisyo ng kalusugang pangkaisipan sa hinaharap.
Kung
nagkakaproblema
kayo sa libritong ito,
mangyari lang
tumawag sa MHP sa
(8OO) 491-9099 para
humingi ng tulong o
para lubos pang
malaman ang
tungkol sa
iba pang mga
paraan kung paano
ninyo makukuha
ang mahalagang
impormasyon na ito.
Paano Ko Magagamit ang Libritong Ito?
Ang libritong ito ay makakatulong sa inyong malaman kung ano ang mga specialty na
serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan, kung maaari ninyong makuha ang mga ito,
at kung paano kayo makakakuha ng tulong mula sa Alameda County MHP.
Ang libritong ito ay may dalawang seksyon. Ang unang seksyon ay nagsasabi sa inyo kung paano makakakuha ng tulong mula sa Alameda County MHP at kung paano ito gumagana.
Ang ikalawang seksyon ay mula sa Estado ng California at nagbibigay sa inyo ng mas
maraming pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga specialty na serbisyo para sa
kalusugang pangkaisipan. Sinasabi nito kung paano kayo makakakuha ng iba pang
mga serbisyo, kung paano malutas ang mga problema, at ano ang inyong mga
karapatan sa ilalim ng programa.
Ang libritong ito ay nagsasabi rin sa inyo kung paano makakuha ng impormasyon
tungkol sa mga doktr, mga klinika at ospital na ginagamit ng Alameda County MHP para
maipagkaloob ang mga serbisyo at kung saan matatagpuan ang mga ito.
Ang isang emergency ay isang malubhang problemang pangkaisipan o emosyonal tulad ng: Kapag ang isang tao ay nanganganib sa kaniyang sarili o sa iba dahil sa isang bagay na tila isang karamdamang pangkaisipan, o
Kapag ang isang tao ay hindi makakuha o makagamit ng pagkain, tuluyan, o damit na kailangan nila dahil sa isang bagay na tila isang karamdamang pangkaisipan.
Sa kaganapan ng isang emergency, mangyari lang tumawag sa 9-1-1 o dalhin ang nasabing tao sa emergency room.
Ano ang Emergency para sa Kalusugang Pangkaisipan?
Ano ang Mental Health Plan (MHP) sa Aking County?
Ang mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ay handang makuha ng mga tao
na nasa Medi-Cal, kasama na ang mga bata, mga kabataan, mga adulto at mas
nakatatanda sa Alameda County.
Minsan, ang mga serbisyong ito ay handang makuha sa pamamagitan ng inyong
regular na doktor. Minsan, ay ipinagkakaloob ito ng isang espesyalista, at tinatawag
na ‘specialty’ na mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Ang mga specialty na
serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ay ipinagkakaloob sa pamamagitan ng
Alameda County “Mental Health Plan” o MHP, na hiwalay sa inyong regular na doktor.
Ang Alameda County MHP ay gumagana sa ilalim ng mga tuntunin na itinakda ng
Estado ng California at pederal na gobyerno. Ang bawat county sa California ay may
sarili nitong MHP.
Kung sa palagay ninyo ay mayroon kayong problema sa
kalusugang pangkaisipan, maaari kayong makipag-ugnayan sa
Alameda County MHP nang direkta sa (800) 491-9099. Ito
ang walang bayad na toll na numero ng telepono na handang
tawagan 24 oras, pitong araw sa isang linggo. Ang mga nakasulat at
binibigkas na pagpapaliwanag ng inyong mga karapatan, benepisyo
at paggagamot ay handang magamit sa inyong pinipiling wika. Hindi
ninyo kailangang magpatingin sa inyong regular na doktor muna o
kumuha muna ng pahintulot o rekumendasyon bago tumawag.
Maaari rin kayong
humiling ng isang Patas na
Pagdinig ng Estado (State
Fair Hearing) sa sandaling
nakumpleto na ninyo ang
Proseso sa Paglulutas ng
Problema ng MHP.
Mangyari lang basahin sa
pahina 26 sa Estado ng
California na seksyon ng
libritong ito para sa
karagdagang
impormasyon.
Kung naniniwala kayo na kayo ay makikinabang mula sa mga specialty na serbisyo para
sa kalusugang pangkaisipan at karapat-dapat para sa Medi-Cal, ang Alameda County
Mental Health Plan ay tutulong sa inyong malaman kung maaari kayong makakuha ng
mga paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan at mga serbisyo. Kung nais ninyo ng
karagdagang impormasyon tungkol sa mga partikular na serbisyo, mangyari lang
basahin ang mga seksyon ng ‘Mga Serbisyo’ sa Estado ng California sa pahina 9 nitong
librito.
Paano Kung Magkaproblema Akong Makakuha ng Tulong?
Kung magka-problema kayo sa pagkukuha ng tulong, mangyari lang tawagan ang
24 oras na walang bayad na numero ng telepono ng MHP ng Alameda County sa
(800) 491-9099. Maaari rin kayong tumawag sa Patients Right Advocate ng inyong
county sa (510) 835-2505.
Kung hindi nito malutas ang inyong problema, maaari kayong tumawag sa Ombudsman ng
Estado ng California para sa tulong: (800) 896-4042 CA Lang
(916) 654-3890
(800) 896-2512 TTY
FAX: (916) 653-
9194
EMail: [email protected] 11 Malugod ng Pagbati sa Mga Serbisyo para sa Kalsugang Pangkaisipan ng Medi-Cal ••••••••••••••••••••••••••
cu Talaan ng Mga Nilalaman
Alameda County ALameda County
Malugod ng Pagbati sa Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan ng Alameda County................... 1
Basic na Impormasyong Pang-emerhensya
Mahahalagang Numero ng telepono.........................................................................................................2
Paano Ko Malalaman kung May Tao na Kailangan Kaagad ng Tulong? .................................................3
Ano ang Ipinagkakaloob na Mga Specialty na Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan ng Alameda County? ...............3
Impormasyon tungkol sa Mga Serbisyo ng Alameda County Mental Health
Paano Ako Makakatanggap ng Mga Serbisyong Ito? ...............................................................................4
Ano ang Kahulugan na Maging “Awtorisado” para Tumanggap ng Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan
At Ano ang Halaga, Tagal at Sakop ng Mga Ipinagkakaloob na Serbisyo? .......................................4
Paano Ako Makakakuha ng Mas Maraming Impormasyon Tungkol sa Mga Doktor, Therapist, Klinika
at Ospital? .................................................................................................................................... 5
Ano ang Iba Pang Mga Wika at Format Makukuha ang Mga Materyal na Ito? .............................................. 5
Maaari ba Akong Magpatingin sa Kahit na Sinong Doktor, Therapist, Klinika o Ospital sa “Listahan ng Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)”? ...................................................................................................... 5
Paano Kung Gusto Kong Magbago ng Mga Doktor, Therapist o Clinica? ................................................ 5
Paano Ako Makakakuha ng “Listahan ng Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)?”................................. 5
Maaari Ko Bang Gamitin Ang “Listahan ng Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)” Para Makahanap ng Iba
pang Makakatulong sa Akin? ................................................................................................................ 5
Paano Kung Gusto kong Magpatingin sa isang Doktor, Therapist, Klinika o Ospital na Hindi nakalista sa “Listahan ng Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)” ng Alameda County? .............................................6
Paano Kung Kailangan Ko ng Maagap na Pag-aalaga na Mga Serbisyo para sa Kalusugang pangkaisipan Kapag Sabado't Linggo O sa Gabi? ..........................................................................................................6
Paano Ako Makakakuha ng Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan na Hindi Inihahandog ng Aking
Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)? .....................................................................................................6
Paano Kung Kailangan Kong Magpatingin sa Isang Doktot para sa Isang Bagay Maliban sa Paggagamot
para sa Kalusugang Pangkaisipan? ....................................................................................................6
Ano ang Magagawa Ko Kung Hindi Ako Nasisiyahan sa Aking Paggagamot para sa Kalusugang Pangkaisipan? ........................................................................................................................................6
Paano Ako Makikipag-ugnayan sa Tagapagtanggol para sa Mga Karapatan ng Pasyente (Patient’s Rights Advocate)? ............................................................................................................................................7
Pinananatili Bang Pribado ng Alameda County ang Aking Mga Rekord sa Kalusugang Pangkaisipan? .........7
Estado ng California
Pangkalahatan Impormasyon para sa Buong Estado
Estado ng
California
Paano Ko Malalaman kung May Tao na Kailangan Agad ng Tulong? .......................................................... l
Mental Health Plans ng County
Ano ang Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health Services)?....................................2
Saan Ako Makakakuha ng Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan?............................................2
Paano Ako Makakatanggap ng Mga Serbisyong?........................................................................................2
Estado ng California (Ipinagpatuloy)
Mahalagang Impormasyon Tungkol sa Medi-Cal Estado ngCalifornia
Sino ang Maaaring Makakuha ng Medi-Cal?............................................................ 3
Kailangan Ko Bang Bayaran ang Medi-Cal?.............................................................. 3
Paano Ako Makakatanggap ng Mga Serbisyo ng Medi-Cal na Hindi Sakop ng
Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health Plan)?.............................. 4
Ano ang Child Health And Disability Prevention (CHDP) na Programa? .................... 5
Basic na Impormasyon sa Emergency
Kayo ba ay May Isang Emergency? ..................................................................... ................ 6
Anong Uri ng Mga Serbisyo na May Kaugnayan sa Emergency ang Ipinagkakaloob? ..... 7
Kailan May Responsibilidad ang MHP ng Aking County sa Pagsasakop
Post-Stabilization Care End? .......................................................................................8
Mga serbisyo
(Mga Adulto at Mas Nakatatandang Adulto)
Paano Ko Malalaman kung Kailan Ko Kailangan ng Tulong?.....................................9
Ano ang Mga Hudyat na Maaaring Kailangan Ko ng Tulong?....................................9
Anong Mga Serbisyo ang Magagamit? ....................................................................... 10
(MGA BATA, TEENAGER AT KABATAAN)
Paano Ko Malalaman Kung Kailan Kailangan ng Isang Bata ang Tulong?................. 12
Paano Ko Malalaman Kung Kailan Kailangan ng Isang Teenager ang Tulong?.......... 13
Anong Mga Serbisyo ang Magagamit? ........................................................................... 13
May Mga Espesyal na Serbisyo bang Magagamit ang Mga Bata, Teenager at Kabataan?. ....14
Ano ang Therapeutic Behavioral Services (TBS)? ........................................................... 14
Sino ang Maaaring Makatanggap ng TBS? ................................................................ 15
May Iba Pa Bang Mga Bagay na Kailangang Mangyari sa Akin para Makakuha ng TBS.......... 15
Paano Ako Makakakuha ng TBS? ............................................................................... 15
Sino ang Magpapasya kung Kailangan Ko ng TBS at Saan Ko Makukuha ang Mga Ito?.......... 16
Ano ang Dapat Kabilang sa Aking TBS na Plano? ...................................................... 16
Kriterya na ‘Kailangan sa Paggagamot’
Ano ang ‘Kinakailangan sa Paggagamot’ at Bakit Napakahalaga nito?........................ 17
Ano ang Kriterya para sa ‘Kinakailangan sa Paggagamot’ para Magkasakop ng
Specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan Maliban sa mga Serbisyo ng Ospital? .......................................................................................................................... 17
Ano ang Kriterya para sa ‘Kinakailangan sa Paggagamot’ para Magkasakop ng
Specialty na serbisyo para sa kalusugang Pangkaisipan para sa Mga Taong Mas Bata sa 21 Taong Gulang? ................................................................................. 18
Abiso ng Pagkilos
Ano ang Abiso ng Pagkilos? ......................................................................................... 20
Kailan ako Makakakuha ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action)?.............................. 20
Parati ba Akong Makakatanggap ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) Kapag Hindi Ko Matanggap ang Mga Serbisyo na Nais Ko? .............................................................. 21
Ano ang Sasabihin sa aking ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action)? ......................... 21
Ano ang Dapat Kong Gawin kapag Nakatanggap ako ng Abiso? ............................... 21
Estado ng California (Ipinagpatuloy)
Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema
Estado ng
California
Paano kung Hindi ko Matanggap ang Mga Serbisyo na Nais ko Mula sa MHP sa aking County?
.................................................................................................................................... 22
Maaari Ba Ako Makakuha ng Tulong sa Pagsasampa ng isang Apela, Karaingan o Patas na Pagdinig ng Estado? .................................................................................................... 22
Paano kung Kailangan ko ng Tulong para Malutas ang isang Problema sa My MHP Ngunit hindi Ninyo Nais na Magsampa ng Isang Karaingan o Apela?.................................................... 22
(ANG MGA PROSESO NG APELA - Standard at Pinabilis)
Ano ang isang Standard na Apela? .............................................................................23
Saan Ako Maaaring Magsampa ng Isang Apela?.......................................................... 24
Paano Ako Maaaring Magsampa ng Isang Apela? ...................................................... 24
Paano Ko Malaman kung ang Aking Apela ay Napagpasyahan na? .............................. 24
Mayroon Bang Naitakdang Huling Araw para Makapaghain ng Apela? ...................... 24
Kailan Malulutas ang Aking Apela?......................................................................... 25
Paano kung Hindi Ako Makakapaghintay ng 45 Araw para sa Desisyon ng Aking Apela?
..................................................................................................................................25
Ano ang isang Pinabilis na Apela? ..............................................................................25
(ANG MGA PROSESO PARA SA PATAS NA PAGDINIG NG ESTADO O STATE FAIR HEARING - Standard at Pinabilis)
Ano ang Isang Patas na Pagdinig ng Estado? ............................................................. 26
Ano ang Aking Mga Karapatan sa Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)?.................. 26
Saan Ako Maaaring Magsampa para sa isang Patas na Pagdinig ng Estado?.. ............... 26
Paano Ako Makakahiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)? ................ 26
Mayroon Bang Takdang Huling Petsa para sa Paghahainng isang Patas na Pagdinig ng
Estado (State Fair Hearing)?..................................................................................... 27
Maaari Ba Akong Patuloy na Makatanggap ng Mga Serbisyo Habang Hinihintay ang Desisyon ng Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)? ................................................. 27
Paano kung Hindi Ako Makakapaghintay ng 90 Araw para sa Desisyon ng Aking Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)?..................................................................... 27
(ANG PROSESO NG KARAINGAN)
Ano ang Isang Karaingan? ............................................................................................... 28
Saan Ako Maaaring Magsampa ng Isang Karaingan? ....................................................... 28
Paano Ako Maaaring Magsampa ng Isang Apela? ........................................................... 28
Ang Inyong Mga Karapatan
Ano ang Aking Mga Karapatan?........................................................................................ 30
(MGA PAUNANG TAGUBILIN)
Ano ang isang Paunang Tagubilin (Advance Directive)? .................................................... 32
(KOMPETENSYA SA KULTURA)
Bakit Mahalagang Isaalang-alang ang Kultura at Paraang Magamit ayon sa Wika? ............ 33
Paano Maaaring Ipagkaloob sa Inyo Ang Mga Serbisyo
Paano Ako Makakakuha ng Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan? ................... 35
Paano Ako Makakahanap ng Isang Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider) para sa Mga Specialty na Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan na Kailangan Ko? .......................... 35
Sa sandaling Nakahanap na ako ng isang Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider), Maaari bang Sabihin ng MHP sa Tagapagkaloob ng serbisyo (provider) kung Anong Mga Serbisyo ang Makukuha Ko? .......................................................................................................................... 36
Aling Mga Tagapagkaloob ng Serbisyo o Provider ang Ginagamit ng Aking MHP? ............. 37
1Alameda County
Malugod na Pagdating sa Alameda County
Mental Health Plan (Plano para sa
Kalusugang Pangkaisipan)
Malugod namin kayong tinatanggap sa Alameda County Mental Health Services, at sa Medi-Cal Mental Health Plan. Kami ay nagkakaloob ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan para sa mga taong nakatira sa Alameda County at karapat-dapat para sa Medi-Cal. Mangyari lang basahin ang brochure na ito nang mainam. Ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na kailangan
ninyong malaman.
Bilang Inyong Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health
Services Plan), Kami ay:
• Sasagot sa inyong mga katanungan tungkol sa paggagamot sa kalusugang
pangkaisipan
• Sasabihin sa inyo kung anong mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ang
sakop ng Medi-Cal
• Magpapasya kung anong mga uri ng serbisyo para sa kalusugang
pangkaisipan ang pinaka-angkop para sa inyong mga
pangangailangan at makakatulong sa inyong makuha ang mga ito
• Pakikitunguhan kayo nang may paggalang
• Titiyakin na kayo ay nakakatanggap ng mga serbisyo sa isang ligtas na
kapaligiran
• Sisiguraduhin na kayo ay nakakatanggap ng pangangalaga na angkop sa kultura
Bilang isang Kalahok, Mayroon rin Kayong Mga Tiyak na
Responsibilidad:
• Magbigay ng totoo at kumpletong impormasyon tungkol sa inyong mga
pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan
• Magkaroon ng aktibong bahagi sa inyong paggagamot sa kalusugang
pangkaisipan
• Sumunod ayon mga schedule ng inyong mga appointment
• Tumawag kung hindi kayo makakapunta sa inyong appointment
• Magtakda ng mga layunin sa paggagamot kasama ng inyong tagapagkaloob ng
serbisyo (provider)
Alameda County 2
Alameda County
Mental Health Plan
(Plano para sa
Kalusugang
Pangkaisipan)
Emergency 911
Alameda County (510) 346-1000 Behavioral Health Plan (800) 491-9099 24 oras walang bayad na toll
Consumer Assistance Office (800) 779-0787
Patients Rights Advocate (510) 835-2505
Para sa mga edad na 11 at mas bata:
Children's Hospital
747- 52nd Street
Oakland, CA 94609
Para sa mga edad na 12 hanggang 17:
Alta Bates Medical Center - Herrick
200 l Dwight Way
Berkeley, CA 94704
Para sa mga edad na 18 at mas matanda:
Telecare Corporation-Sausal Creek, Sausal Creek Outpatient Stabilization
2620 - 26th Avenue
Oakland, CA 9460 l
John George Pavilion Psychiatric Emergency Services
2060 Fairmont Drive
San Leandro, CA 94578
Hinihiling sa ilalim ng mga pamamaraan para sa emergency ng Alameda County
Behavioral Health Plans na ang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa
outpatient ay tumawag sa “911” kapag ang beneficiary ay may emergency sa kalusugang
pisikal o pangkaisipan. Ang John George Psychiatric Emergency Services ay nagkakaloob
ng tulong para sa mga psychiatric na emergency at ginagamit ang ACMC Highland
Hospital para sa mga medikal na emergency.
Ang Alameda County Behavioral Health Plan ay may maraming mga kontrata na
kinabibilangan ng 24 oras na Serbisyo para sa Psychiatric na Emergency, at Serbisyo ng
Pagpapatatag kung May Krisis. Dagdag pa dito, ang pinapangasiwaan sa county na
Mobile Crisis Team ay magagamit rin ninyo. Ang mga serbisyong ito ay naghahandog
ng mga agad na therapeutic na tugon sa mga klineyte na nagpapakita na nakakaranas ng
acute distress sanhi ng karamdamang pangkaisipan, na tiyak na pinagtutuunan ng pansin
ang mga indibiduwal na iyon na nagbabanta bilang mapanganib sa kanilang sarili o sa
iba. Maaari ninyong gamtiin ang serbisyong ito 24 oras sa isang araw tuwing kailangan
ninyo ng tulong at hindi makakapaghintay ng isang appointment sa doktor o therapist sa
pamamagitan ng pagtawag sa (800) 491-9099.
Mahahalagang Numero ng Telepono
3Alameda County
Alameda County
Mental Health Plan
(Plano para sa
Kalusugang
Pangkaisipan)
=Ang iba pang mga
serbisyo na minsan ay
kinakailangan ay nasa
listahan sa mga pahina
9 (adulto) at 12 (mga
bata) sa seksyon ng
Estado ng California
sa libritong ito.
Paano Ko Malalaman kung May Tao na Kailangan Agad ng Tulong?
Kahit na walang emergency, ang tao na may mga problema sa kalusugang
pangkaisipan ay nangangailangan ng agad na tulong kung ang isa o higit pa sa mga
bagay na ito ay totoo:
• Pagdinig o pagkita ng mga bagay na pinaniniwalaan ng iba na wala o hindi totoo
• Lubusan o madalas na pag-iisip, o pag-uusap tungkol sa, kamatayan
• Ipinamimigay ang kaniyang mga gamit
• Nagbabantang magpakamatay (suicide)
• Gustong saktan ang sarili o iba
Kung may isa o higit para sa mga nakalistang ito ay totoo, tumawag sa 911 o sa Alameda
County MHP sa (800) 491-9099 (24 oras na walang bayad na toll). May mga handang
sumagot na manggagawa para sa Kalusugang Pangkaisipan 24 oras.
Ano ang Ipinagkakaloob na Mga Specialty na Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan ng
Alameda County?
• Screening (Pagsusuri)
Itinatag ang isang ACCESS Unit upang tumanggap ng lahat ng tawag mula sa mga
beneficiary ng Alameda County na naghahanap ng mga serbisyo para sa kalusugang
pangkaisipan. Ginagamit ng mga beneficiary ng Medi-CAl at iba pa ang walang bayad na
toll na numero na ito. Ang ACCESS unit, na may mga tauhan ng mga sanay na propesyonal
sa larangan ng kalusugang pangkaisipan, ay nagsasagawa ng mga pagsusuri upang matiyak
kung anong uri ng mga serbisyo ang marahil na kakailanganin ninyo. Tapos ay nagbibigay
ng rekumendasyon sa nasabing serbisyo para sa isang mas komprehensibong pagtatasa. Ang
staff ay magtatanong ng impormasyon mula sa inyo upang malaman nang higit pa ang
inyong (mga) pangangailangan, ang pinakamainam na paraan upang matugunan ang inyong
(mga) pangangailangan, at saan pinakamainam na magpunta upang matugunan ang inyong
(mga) pangangailangan.
• Pangangalaga sa ospital
Ang Alameda County Behavioral Health Plan ay maraming kontrata sa mga acute
psychiatric na inpatient sa ospital, na nagkakaloob ng 24 oras sa isang araw na
pangangalaga. Ang staff ay nagkakaloob ng kagyat na tulong kung kayo ay nagpapakita ng
mga sintomas ng karamdamang pangkaisipan at mga may kaugnayan sa pagkalulong sa
substance na karamdaman, na tiyak na pinagtutuunan ng pansin iyong mga nanganganib sa
kanilang sarili o sa iba.
• Mga Serbisyo para sa Outpatient
Ang Alameda County Behavioral Health Plan ay may parehong serbisyo na gumagana sa
county at mga nakakontratang serbisyo na nagkakaloob ng mga serbisyo para sa krisi, pang-
grupo, pampamilya, at pamamahala ng kaso. Ang mga serbisyong ito ay ipinagkakaloob ng
mga tanggapan ng independiyenteng mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) (mga doktor
at therapist) o sa mga ahensya sa komunidad na may mga case manager at psychiatrist na
handang maglingkod. Mayroon kayong opsyon na tawagan ang ACCESS Unit para mag-
schedule ng isang appointment sa isang doktor o therapist o maaari kayong kumuha ng
appointment nang direkta para magpatingin sa isang doktor o therapist, sa kaniyang
tanggapan para matulungan kayo sa inyong sakit. Para makakuha ng mga serbisyo mula sa
aming mga ahensya sa komunidad, mangyari lang makipag-ugnayan sa ACCESS Unit.
4 Alameda County
Alameda County
Mental Health Plan
(Plano para sa
Kalusugang
Pangkaisipan)
• Pang-araw na Paggagamot
Maaari kayong makipagkita sa isang pangkat ng mga clinician, na maaaring mabuo ng mga doktor
at/o therapist ng ilang oras sa isang araw, ng dalawa hanggang limang araw sa isang linggo, sa mga
ahensya na nagkakaloob ng mga serbisyong ito. Ang mga serbisong pang-araw ay maaari rin
makatulong
kung sa palagay ninyo na nanganganib kayo na sumailalim sa psychiatric na pagpapa-
ospital. Ang Pang-araw na Paggagamot ay isang alternatiba sa pagpapa-ospital at
makakatulong sa inyong manatili sa isang pangkomunidad na lugar ng serbisyo.
Matitingnan kayo mula dalawa hanggang limang araw sa isang linggo para sa indibiduwal, pang-
grupo o pampamilyang therapy: Maaari rin magkaloob ng ysychopharmacologic na
paggagamot.
• Gamot
Ang Alameda County Behavioral Health Plan ay nagkakaloob ng mga serbisyo ng suporta
para sa gamot na kinabibilangan ng medikal na pagtatasa, pagrereseta, pamamahala,
pagbibigay at pagbabantay ng mga kinakailangang gamot para sa pag-aalaga ng isang
indibiduwal na may mga sintomas ng kahinaan sa paggana ng kaisipan. Maaaring imungkahi
ng staff na makipagkita kayo sa isang doktor na maaaring magrekumenda ng gamot na
makakatulong sa inyo para sa isang takdang panahon.
Babayaran ng Medi-Cal ang karamihan sa inyong mga gamot na irereseta ng inyong
doktor para sa inyo. Kakailanganin ninyo ng nakasulat na reseta mula sa inyong doktor
para sa mga gamot na ito. Maaari ninyong ipagpatuloy ang paggamit ng parmasya na
ginagamit na ninyo dati.
Ang dami at tagal ng mga serbisyo ay mapagpapasyahan ayon sa inyong indibiduwal na
pangangailangan.
Ang mga serbisyong nakalista sa itaas ay mga serbisyo na, sa palagay ng Alameda County MHP,
ay marahil na makakatulong sa mga taong kailangan ng mga serbisyo mula sa amin. Minsan ay
maaaring kailanganin ang ilang mga serbisyo. Ang iba pang mga serbisyo na minsan ay
kinakailangan ay kasama sa listahan na nasa pahina 9 (mga adulto) at 12 (mga bata) sa seksyon ng
Estado ng California ng libritong ito.
Paano Ako Makakatanggap ng Mga Serbisyong Ito?
Maaari kayong makakuha ng mga serbisyo sa pamamagitan ng pagtawag sa helpline ng ACCESS
helpline sa (800) 491-9099 o (510) 346-1000.
Masasagot sa helpline ang inyong mga katanungan tungkol sa paghahanap ng wastong mga
serbisyo para sa inyo. Ito ay bukas ng 24 oras, pitong araw sa isang linggo. Ang mga staff ay
nagsasalita ng iba pang mga wika maliban sa Ingles. Mayroon kaming mga translator kung hindi
kayo nagsasalita ng Ingles. Maaari rin kaming makatulong kung may kahirapan kayong makakita
o makarinig.
Ano ang Kahulugan na Maging “Awtorisado” na Tumanggap ng Mga Serbisyo para sa
Kalusugang Pangkaisipan at Ano ang Halaga, Tagal at Sakop ng Mga Serbisyong
Ipinagkakaloob?
Kayo, ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider), at ang Alameda County MHP ay bahagi lahat sa
pagpapasya kung anong mga serbisyo ang kailangan ninyong makuha mula sa MHP, kasama na kung gaano
kadalas ninyo kakailanganin ang mga serbisyo at kung gaano katagal.
----------------------------------- Alameda County 4
Alameda County
Mental Health Plan
(Plano para sa
Kalusugang
Pangkaisipan)
Maaaring hilingin ng Alameda County MHP sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na hilingin
mula sa MHP na repasuhin ang mga dahilan kung bakit sa palagay ninyo na kailangan ninyo ang serbisyo
bago pa man ito ipagkaloob. Gumagamit ang Alameda County MHP ng kuwalipikadong
propesyonal sa larangan ng kalusugang pangkaisipan na gawin ang pagrerepaso. Ang proseso sa
pagrerepasong ito ay tinatawag na isang proseso para sa pagbibigay awtorisasyon sa bayad ng
MHP.
Hinihiling mula sa Estado na ang Alameda County MHP na magkaroon ng proseso ng awtorisasyon
para sa intensibong pang-araw na paggagamot, rehabiltasyon sa araw, at therapeutic behavioral services
(TBS). Ang Alameda County MHP ay sumusunod sa mga tuntunin ng estado para sa ating proseso
ng awtorisasyon sa pagbabayad sa MHP, na inilarawan sa pahina 3 ng seksyon ng Estado ng
California ng libritong ito. Kung nais ninyo ng mas marami pang impormasyon kung paano nagsasagawa
ng mga awtorisasyon sa bayad sa MHP ang Alameda County MHP o kailan namin hihilingin mula sa inyong
tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na humiling ng isang awtorisasyon sa bayad sa MHP para sa mga
inilaang serbisyo, mangyari lang makipag-ugnayan sa Authorization Unit sa (510) 567-8141.
Paano Ako Makakakuha ng Mas Maraming Impormasyon sa Mga Serbisyo para sa Kalusugang
Pangkaisipan, Kabilang na ang mga doktor, mga therapist, Mga klinika at Ospital ng Alameda
County?
Kung nais ninyo ng karagdagang impormasyon sa balangkas at pagpapatakbo ng
Alameda County MHP , mangyari lang makipag-ugnayan sa ACCESS Unit sa (800) 491-9099.
Ano ang Iba Pang Mga Wika at Format Makukuha ang Mga Materyal na Ito?
Cambodian, Chinese, Ingles, Farsi, Korean, Spanish, Vietnamese, Braille
(Ingles), at audiotape kung hilingin.
Maaari Ba Akong Magpatingin sa Anumang Doktor, Therapist, Klinika, o Ospital na nasa
“Listahan ng Mga Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)” ng Alameda County?
Hindi naman kinakailangan. Ang ilang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ay naghahandog
lang mga specialized na uri ng serbisyo at ang ilang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider)
naman ay maaaring hindi tumatanggap ng mga bagong beneficiary ng Medi-Cal. Kung kailangan
ninyong makahanap ng isang tagapagkaloob ng serbisyo (provider), mangyari lang tumawag sa
ACCESS Unit sa (800) 491-9099.
Paano Kung Gusto Kong Magbago ng Mga Doktor, Therapist o Klinika?
Maaari kayong makipag-ugnayan sa supervisor ng klinika kung saan ipinagkaloob ang inyong
mga serbisyo o tumawag sa ACCESS Unit sa (800) 491-9099 at lahat ng mga kinakailangan
na pag-aayos ay gagawin.
Paano Ako Makakakuha ng “Listahan ng Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)?”
Maaari kayong makakuha ng listahan ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) mula sa Consumer
Assistance Office sa (800) 779-0787.
Maaari Ko Bang Gamitin Ang “Listahan ng Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)”
Para Makahanap ng Iba pang Makakatulong sa Akin?
Masasagot sa ACCESS Unit na helpline ang inyong mga katanungan tungkol sa paghahanap ng
wastong mga serbisyo para sa inyo. Ito ay bukas ng 24 oras, pitong araw sa isang linggo.
Tumawag sa amin kung mayroon kayong mga katanungan. Ang numero ng telepono ay (800)
491-9099 o (510) 346-1000. Hindi Kinakailangan ang isang paunang pagtatasa bago
irekumenda sa isang network ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) at makakatanggap kayo
ng rekumendasyon sa isang network ng mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) kaagad.
6 Alameda County
Alameda County
Mental Health Plan
(Plano para sa
Kalusugang
Pangkaisipan)
Ang mga staff sa ACCESS ay nagsasalita ng iba pang mga wika maliban sa Ingles. Mayroon
kaming mga translator kung hindi kayo nagsasalita ng Ingles. Maaari rin kaming makatulong
kung may kahirapan kayong makakita o makarinig.
Paano Kung Gusto kong Magpatingin sa isang Doktor, Therapist, Klinika o Ospital
na Hindi nakalista sa “Listahan ng Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)” ng
Alameda County?
Ang MHP ay may responsibilidad na kilalanin ang angkop na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa inyong kondisyon. Kung walang angkop na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa loob ng network, isang rekumendasyon kondisyon. Kung walang angkop na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa loob ng network, isang rekumendasyon ang gagawin sa isang nasa labas ng network na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na gustong makipagkontrata sa MHP. Tumawag sa ACCESS sa (800) 491-9099 o sa (510) 346-1000.
Hindi kinakailangan sa
isang Planong
Pangkalusugan
para sa Pag-uugaling
Alameda County
ang paunang
awtorisasyon para sa
bayad bago kayo
matingnan ng mga
tagapagkaloob ng
serbisyo (provider) kung
may maagap na
kondisyon.
Para sa mga karagdagang
impormasyon sa mga
Karaingan, Apela at Patas
na Pagdinig ng Estado
(State Fair Hearing),
mangyari lang sumangguni
sa seksyon tungkol sa ‘Mga
Proseso ng Paglulutas ng
Problema’ sa seksyon ng
Estado ng California sa pahina 22 ng
libritong ito.
Paano Kung Kailangan Ko ng Maagap na Pag-aalaga na Mga Serbisyo para sa
Kalusugang pangkaisipan Kapag Sabado't Linggo o sa Gabi?
Tumawag sa ACCESS sa (800) 491-9099 o sa (510) 346-1000. Ang mga serbisyo ay handang magamit
ng 24 oras at 7 araw sa isang linggo at hindi kinakailangan ang paunang awtorisasyon. Ang iba pang mga
serbisyo na maaari ninyong tawagan ay: Crisis Support Services sa (510) 848-1515 o Telecare-Sausal
Creek Outpatient Stabilization sa (510) 437-2363. Maaari rin kayong magpunta sa John George
Psychiatric Pavilion Psychiatric Emergency Services na matatagpuan sa 2060 Fairmont Drive, San Leandro,
CA 94578
Paano Ako Makakakuha ng Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan na
Hindi Inihahandog ng Aking Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider)?
Nararapat kayong makipag-ugnayan sa inyong kasalukuyang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa
isang rekumendasyon o tumawag sa ACCESS Unit Helpline sa (800) 491-9099 at may irerekumenda sa
inyong ibang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa (mga) serbisyo na kailangan ninyo.
Paano Kung Kailangan Kong Magpatingin sa Isang Doktot para sa Isang Bagay
Maliban sa Paggagamot para sa Kalusugang Pangkaisipan? Paano
Inirerekumenda ang Mga Tao sa Mga Serbisyo ng Medi-Cal Bukod sa Pag-
aalaga para sa Kalusugang Pangkaisipan sa Alameda County?
Kayo ay tatasahin para sa mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan at kung hindi kayo
nakakatugon batay sa mga standard ng estado para sa kailangan sa paggagamot, kayo ay bibigyan ng mga
angkop na mapagkukuhanan ng tulong at impormasyon o mga rekumendasyon sa iba pang mga ahensya o
tagapagkaloob ng serbisyo (provider).
Ano ang Magagawa Ko Kung May Problema Ako O Kung Hindi Ako Nasisiyahan sa
Aking Paggagamot para sa Kalusugang Pangkaisipan?
Kung may ikinababahala kayo o problema o hindi nasisiyahan sa inyong mga serbisyo para sa kalusugang
pangkaisipan, nais matiyak ng MHP na ang inyong mga ikinababahala ay simple at mabilis na malutas:
Mangyari lang makipag-uganayn sa MHP sa (800) 779-0787 upang malaman kung paano malulutas ang
inyong mga ikinababahala.
Mayroong tatlong paraan na maaari kayong makipagtulungan sa MHP para malutas ang mga
ikinababahala tungkol sa mga serbisyo o iba pang mga problema Maaari kayong maghain ng Karaingan
na binibigkas (verbally) o sa pamamagitan ng kasulatan sa MHP tungkol sa anumang isyu na may
kinalaman sa MHP. Maaari kayong magsampa ng Apela na binibigkas (verbally) o sa pamamagitan ng
kasulatan sa MHP. (at sundan ng isang kasulatan) o sa pamamagitan ng kasulatan sa MHP. Maaari rin
kayong humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing) sa Department of Social
Services.
--------------------------------- Alameda County
6
Alameda County
Mental Health Plan
(Plano para sa
Kalusugang
Pangkaisipan)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga proseso ng MHP sa Karaingan at Apela at
kung paano gumagana ang proseso para sa Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing),
mangyari lang sumangguni sa seksyon tungkol sa Mga Karaingan, Apela at Patas na Pagdinig ng
Estado (State Fair Hearing) sa pahina 22 sa seksyon ng Estado ng California ng libritong ito.
Ang inyong problema ay pakikitunguhan sa pinakamabilis at simpleng paraan na posible.
Pakikitunguhan bilang kompidensyal ito. Hindi kayo sasailalim sa diskriminasyon o anumang
iba pang multa sa paghahain ng isang Karaingan, Apela o Patas na Pagdinig ng Estado (State
Fair Hearing). Maaari ninyong bigyang awtorisasyon ang ibang tao na kumilos sa ngalan ninyo
para sa Karaingan, Apela o Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing).
Sino ang Tagapagtanggol para sa Mga Karapatan ng Pasyente (Patient’s
Rights Advocate) ng Alameda County, Ano ang Ginagawa Nila at Paano
Ako Maaaring Makipag-ugnayan sa Kanila?
Ang Tagapagtanggol para sa Mga Karapatan ng Pasyente (Patient’s Rights Advocate) ay
sumasagot sa mga katanungan at iniimbestigahan ang mga ikinababahala ng mga tao na nasa
psychiatric na ospital/pasilidad at mula sa mga residente ng mga halfway house o board-and-
care home na nararamdaman na ang isa o higit pa sa kanilang mga karapatan ay nalabag. Ang
mga tagapag-alaga ng pamilya, mga kaibigan, o iba pang mga tao ay maaari rin tumawag sa
ngalan ng taong kabilang sa isang sistema ng kalusugang pangkaisipan. Ang mga miyembro ng
staff ng programa ay tumutulong rin sa mga menor de edad na
humiling ng isang Klinikal na Pagrerepaso (Clinical Review) ng pagkakaangkop ng
kanilang patuloy na pagkaka-ospital.
Maaaring maka-usap ang Tagapagtanggol para sa Mga Karapatan ng Pasyente (Patient’s Rights Advocate) sa (510) 835-2505.
Pinananatili Bang Pribado ng Alameda County ang Aking Mga Rekord sa
Kalusugang Pangkaisipan?
Ayon sa batas, ang mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan at mga rekord ay pamamahalaan nang may ganap na pagkakompidensyal.
Pangkalahatang Impormasyon
Para sa Buong Estado
Bakit Mahalagang Basahin ang Libritong Ito? Ang unang seksyon ng libritong ito ay nagsasabi sa inyo kung paano
makakakuha ng mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa
pamamagitan ng inyong Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan sa
county.
Ang ikalawang seksyon ng libritong ito ay higit pang nagpapaliwanag
sa inyo kung paano gumagana ang programa ng Medi-Cal, at kung
paano gumagana ang mga specialty na serbisyo para sa kalusugang
pangkaisipan ng Medi-Cal sa lahat ng mga county sa estado.
Kung hindi ninyo basahin ang seksyon na ito ngayon, maaaring
gusto ninyong itabi ang libritong ito para mabasa sa susunod na
pagkakataon.
Gab
ay s
a M
ga S
erbi
syo
para
sa
Kal
usug
ang
Estado ng California 1
Mga Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan sa County
Ano ang Specialty na Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan? Ang mga serbisyo para sa Specialty na Kalusugang Pangkaisipan ay espesyal na mga serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan para sa mga taong may sakit na pangkaisipan o problemang emosyonal na hindi magagagamot ng isang regular na doktor. Kabilang sa ilang mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ang:
Counseling para sa krisis ay nakakatulong sa mga taong may matinding emosyonal na krisis Indibiduwal, pang-grupo o pang-pamilyang therapy Rehabilitasyon o mga serbisyo ng recovery na nakakatulong sa isang tao na may karamdamang pangkaisipan
para mabuo ang mga kakayahan na harapin o matugunan ang problema para sa pang-araw araw na pamumuhay.
Ang mga espesyal na pang-araw na programa para sa mga taong may karamdamang pangkaisipan Mga reseta para sa mga gamot na makakatulong na gamutin ang mga karamdamang pangkaisipan Pagtulong na pamahalaan ang mga reseta para sa mga gamot na makakatulong na gamutin ang mga
karamdamang pangkaisipan Pagtulong na makahanap ng mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na kailangan ninyo
Saan Ako Makakakuha ng Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan? Maaari kang makakuha ng mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa county kung saan ka nakatira. Ang bawat county ay may Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan para sa mga bata, mga teenager, mga adulto at mas nakatatanda. Ang Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan sa inyong county ay may mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa kalusugang pangkaisipan (mga doktor na psychiatrist o psychologist, at iba pa).
Paano Ako Makakakuha ng Mga Serbisyo sa Aking Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan sa County? Tumawag sa inyong Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan sa county at hilingin ang mga serbisyo. Hindi ninyo kailangang humingi ng pahintulot mula sa inyong regular na doktor, o di kailangan kumuha ng rekumendasyon. Basta’t tawagan ang numero para sa inyong county na matatagpuan sa unahan ng libritong ito. Walang bayad ang tawag. Maaari rin kayong magpunta sa isang kuwalipikado ng pederal na health center isang rural health center o Indian health clinic sa inyong lugar para sa mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ng Medi-Cal. (Ang mga ito ang opisyal na pangalan para sa iba’t ibang klase ng klinika sa inyong lugar. Kung hindi kayo sigurado sa klinika sa inyong lugar, magtanong sa mga nagtatrabaho sa klinika. Ang mga klase ng klinika ay karaniwang naglilingkod sa mga tao na walang insurance ng Medi-Cal.) Bilang bahagi ng pagkakaloob ng mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan para sa inyo, ang Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan sa county ay may pananagutan para sa:
Para malaman kung ang isang tao ay karapat-dapat para sa specialty na mga serbisyo para sa kalusugang
pangkaisipan mula sa MHP. Pagkakaloob ng isang libreng toll na numero ng telepono na may sumasagot 24 oras/7 araw sa isang linggo na
makapagsasabi sa inyo kung paano makakakuha ng mga serbisyo mula sa MHP. May sapat na mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para tiyakin na makakakuha kayo ng specialty na
serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na sakop ng MHP kung kailangan ninyo ang mga ito. Ang pagbibigay impormasyon at pagtuturo sa inyo tungkol sa mga serbisyo na magagamit mula sa MHP ng
inyong county. Pagkakaloob sa inyo ng mga serbisyo sa wikang pinili ninyon o ng isang interpreter (kung kinakailangan) nang
libre at pagbibigay alam sa inyo na ang mga serbisyo ng interpreter na ito ay magagamit. Pagkakaloob sa inyo ng nakasulat na impormasyon kung ano ang magagamit ninyo sa iba pang wika o form,
depende sa mga pangangailangan sa inyong county.
Kung sa palagay ninyo,
kayo ay kuwalipikado
para sa Medi-Cal at sa
tingin ninyo ay
kailangan ninyo ng mga
serbisyo para sa
kalusugang
pangkaisipan, tumawag
sa Plano para sa
Kalusugang
Pangkaisipan (Mental
Health Plan o MHP) sa
county ninyo at sabihin
na gusto ninyong lubos
pang malaman ang
tungkol sa mga
serbisyo ng kalusugang
pangkaisipan.
Estado ng California 2 Mga Plano para sa Kalusugang
Mahalagang Impormasyon Tungkol sa
Sino ang Maaaring Makakuha ng Medi-Cal? Maaaring kuwalipikado kayo para sa Medi-Cal kung kayo ay bahagi ng isa sa mga grupong ito:
65 taong gulang, o mas matanda Mas bata sa 21 taong gulang Isang adulto, sa pagitan ng edad na 21 at 65 na may menor de edad na
anak na naninirahan kasama ninyo (isang anak na hindi kasal at mas bata sa edad na 21)
Bulag o may kapansanan Buntis Ilang mga uri ng refugee, o mga imigranteng Cuban/Haitian Tumatanggap ng pag-aalaga sa isang nursing home
Kung kayo ay hindi bahagi ng alinman sa mga grupong ito, tumawag sa social service agency sa inyong county upang makita kung kuwalipikado kayo para sa pinamahalaan ng county na programa para sa medikal na tulong. YKailangan ay nakatira kayo sa California para maging kuwalipikado para sa Medi-Cal. Tumawag o bumisita sa inyong lokal na tanggapan ng social services sa inyong county at humingi ng isang application para sa Medi-Cal, o kunin ito sa internet sa www.dhs.ca.gov/mcs/medi-calhome/MC210.htm Kailangan Ko Bang Bayaran ang Medi-Cal? Maaaring kailangan ninyong magbayad para sa Medi-Cal depende sa halaga ng perang natatanggap ninyo o kinikita ninyo kada buwan.
Kung ang inyong kita ay mas kaunti sa mga limitasyon ng Medi-Cal para sa laki ng inyong pamilya, hindi ninyo kailangan magbayad para sa mga serbisyo ng Medi-Cal.
Kung ang inyong kita ay mas malaki kaysa sa mga limitasyon ng Medi-Cal para sa laki ng inyong pamilya, kailangan ninyong magbayad ng kaunti para sa mga serbisyo ng Medi-Cal o iba pang mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Ang halagang babayaran ninyo ay tinatawag na inyong ‘share of cost (bahagi ng babayaran)’ Sa sandaling nabayaran na ninyo ang inyong 'share of cost (bahagi ng babayaran)’, babayaran ng Medi-Cal ang natitira sa inyong sakop na mga singiling medikal para sa buwan na iyon. Sa mga buwan na wala kayong mga medikal na gastusin, wala kayong kailangan bayaran.
Maaaring kailangan ninyong magbayad ng isang ‘copayment (hati sa bayad)’ para sa anumang paggagamot sa ilalim ng Medi-Cal. Maaaring kailangan ninyong magbayad ng $1.00 tuwing makatanggap kayo ng mga serbisyong medikal o serbisyo sa kalusugang pangkaisipan o iniresetang gamot at $5.00 kung magpunta kayo sa emergency room ng ospital para sa inyong mga regular na natatanggap ng serbisyo.
Ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ang magsasabi sa inyo kung kailangan ninyong magsagawa ng isang co-payment (hati sa bayad).
Estado ng California 3 Mga Plano para sa Kalusugang
Paano Ako Makakatanggap ng Mga Serbisyo ng Medi-Cal na Hindi Sakop ng Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health Plan)? May dalawang paraan para makuha ang inyong mga serbisyo mula sa Medi-Cal:
1. Sa pamamagitan ng pagsali sa managed care health plan ng Medi-Cal. Kung kayo ay isang miyembro ng managed care health plan ng Medi-Cal: Kailangang makahanap ang inyong plano sa pangangalaga ng kalusugan ng isang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) kung kailangan ninyo ng pangangalaga sa kalusugan. Makukuha ninyo ang inyong pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng isang planong pangkalusugan, isang HMO (health maintenance organization) o isang primary care case manager. Kailangan ninyong gamitin ang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) at klinika na nasa planong pangkalusugan, maliban na lang kung mayroon kayong emergency na pag-aalaga. Maaari kayong gumamit ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na wala sa inyong planong pangkalusugan para sa mga serbisyo ng family planning. Maaari lang kayong sumali sa isang planong pangkalusugan kung hindi kayo nagbabayad ng isang bahagi ng gastusin. 2. Mula sa indibiduwal na mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa pangangalaga ng kalusguan o klinika na tumatanggap ng Medi-Cal. Maari kayong tumanggap ng pangangalaga sa kalusugan mula sa indibiduwal na mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa pangangalaga ng kalusguan o klinika na tumatanggap ng Medi-Cal
Kailangan ninyong sabihin sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na mayroon kayong Medi-Cal bago kayo kumuha ng mga serbisyo Kung hindi, maaari kayong singilin para sa mga nasabing serbisyong iyon.
Ang mga indibiduwal na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa pangangalaga ng kalusugan at klinika ay hindi dapat tumingin sa mga pasyente ng Medi-Cal, o maaaring tingnan ang ilang mga pasyente lang ng Medi-Cal.
Ang lahat ay may bahagi sa gastusin (basahin ang pahina 3, seksyon ng Estado ng California) ay makakakuha ng pangangalaga sa kalusugan sa ganitong paraan. Kung kailanga ninyo ng mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na hindi sakop ng Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan: At kayo ay may planong pangkalusugan, maaari kayong makatanggap ng mga serbisyo mula sa inyong planong pangkalusugan. Kung kailangan ninyo ng mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na hindi sakop ng planong pangkalusugan, ang inyong primary care provider sa planong pangkalusugan ay maaairng makatulong sa inyong humanap ng isang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) o klinika na makakatulong sa inyo.
Maliban sa County ng San Mateo, ang mga parmasya ng inyong planong pangkalusugan ay magpupuno sa mga reseta na gumagamot sa inyong karamdamang pangkaisipan, kahit na ang mga reseta ay ginawa ng psychiatrist ng plano para sa kalusugang pangkaisipan o sasabihin sa inyo kung paano mapupuno ang inyong reseta mula sa isang regular na parmasya ng Medi-Cal. (Sa County ng San Mateo, ang plano para sa kalusugang pangkaisipan ay pupuno ng inyong reseta.)
At kung wala kayong planong pangkalusugan, maaari hindi kayo makatanggap ng mga serbisyo mula sa mga indibiduwal na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) at klinika na tumatanggap ng Medi-Cal. Maliban sa County ng San Mateo, anumang parmasya na tumatanggap ng Medi-Cal ay maaaring magpapuno ng mga reseta upang magamot ang inyong karamdamang pangkaisipan, kahit na ang mga reseta ay ginawa ng psychiatrist ng MHP. (Sa County ng San Mateo, ang plano para sa kalusugang pangkaisipan ay pupuno ng inyong reseta.)
Ang Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health Plan) ay maaaring makatulong sa inyong makahanap ng isang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) o klinika na makakatulong sa inyo o mabigyan kayo ng mga ideya kung paano makahanap ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) o klinika.
Estado ng California 4 Mahalagang Impormasyon Tungkol
Parating dalhin
ang inyong ID
card ng
Beneficiary at
card ng planong
pangkalusugan,
kung mayroon
kayo nito, kapag
nagpunta kayo sa
doktor, klinika, o
ospital.
Kung
nagkakaproblema
kayo makapunta sa
inyong mga medikal o
para sa kalusugang
pangkaisipan na
appointment, ang
programa ng Medi-Cal
ay makakatulong sa
inyong makahanap ng
transportasyon.
Transportasyon Kung nagkakaproblema kayo makapunta sa inyong mga medikal na appointment o mga appointment para sa kalusugang pangkaisipan, ang programa ng Medi-Cal ay makakatulong sa inyong makahanap ng transportasyon. Para sa mga bata, ang programa ng county para sa Child Health and Disability Prevention (CHDP) ay makakatulong. O, maaaring makipagugnayan kayo sa tanggapan ng social services ng county. Ang mga numero ng telepono na ito ay matatagpuan sa inyong lokal na direktoryo sa mga pahina ng ‘County Government’ Maaari rin kayong makakuha ng impormasyon online sa pamamagitan ng pagbisita sa www.dhs.ca.gov, tapos i-click ang ‘Services’ at tapos‘Medi-Cal Information.’ Para sa mga adulto, ang tanggapan ng social services sa inyong county ay makakatulong. Maaari kayong makakuha ng impormasyon tungkol sa tanggapan ng social services sa inyong county sa pamamagitan ng pagtingin sa inyong lokal na direktoryo. Maaari rin kayong makakuha ng impormasyon online sa pamamagitan ng pagbisita sa www.dhs.ca.gov, tapos i-click ang ‘Services’ at tapos ay ang ‘Medi-Cal Information.’ Ano ang Child Health And Disability Prevention (CHDP) na Programa? Ang CHDP na programa ay isang programa para makaiwas na magkasakit na naglilingkod sa mga bata at kabataan sa California mula sa kapanganakan hanggang sa edad na 21 taong gulang. Ginagawa ng CHDP na handang magamit ang pangangalagang pangkalusugan sa mga bata at kabataan na may problema sa kalusugan at pati na rin iyong mga tila maayos naman ang kalusugan. Ang mga bata at kabataan ay makakatanggap ng regular na pang-iwas sa sakit na mga pagtatasa. Tapos, ang mga bata at kabataan na may pinaghihinalaang problema ay inirerekumenda para makilala ang sakit (diagnosis) at paggagamot. Ang maraming mga problemang pangkalusugan ay maaaring maiwasan o maiwasto, o lubos na mabawasan, sa pamamagitan ng maagang pagtutuklas dito at agad na pagkikilala sa sakit at paggagamot. Ang CHDP ay nakikipagtrabaho sa maraming mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa pangangalaga ng kalusugan at organisasyon para matiyak na ang mga karapat-dapat na bata at kabataan ay nakakatanggap ng mga angkop na serbisyo. Maaaring kabilang dito ang mga pribadong doktor, lokal na mga departmentong pangkalusugan, mga paaralan, mga nars na practitioner, mga dentista, mga nagtuturo hinggil sa kalusugan, mga nutritionist, mga laboratoryo, mga klinika, mga nonprofit na ahensyang pangkalusugan, at mga ahensya ng social at community service. Ang CHDP ay makakatulong rin sa mga pamilya sa pagkuha ng schedule para sa isang medikal na appointment, transportasyon, at access sa diagnostic at paggagamot na serbisyo. YMakakahanap kayo ng karagdagang impormasyon tungkol sa CHDP sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa inyong lokal na departamento ng kalusugan sa inyong county o bumisita sa www.dhs.ca.gov/pcfh/cms/chdp.
Saan Ako Makakakuha ng Karagdagang Impormasyon? YMaaari kayong makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng pagbisita sa Department of Mental Health ng California na website sa www.dmh.ca.gov. Maaari kayong makakuha ng mas maraming impormasyon tungkol sa Medi-Cal sa pamamagitan ng pagtatanong sa inyong eligibility worker sa inyong county o sa pamamagitan ng pagbisita sa www.dhs.ca.gov/mcs/medi-calhome.
Estado ng California 5 Mahalagang Impormasyon Tungkol sa
Basic na Impormasyon sa Emergency
Kayo ba ay May Isang Emergency? Ang isang emergency na medikal na kondisyon ay may mga sintomas na ganoon na lang kalubha (posibleng may kasamang matinding pananakit) na ang isang karaniwang tao ay maaaring makaranas ng mga sumusunod sa anumang oras: Ang kalusugan ng indibiduwal (o, sa isang buntis na babae, ang kalusugan ng
isang babae o ng kaniyang anak sa sinapupunan) ay maaaring magkaroon ng matinding problema.
Mga malulubhang problema sa pagganap ng katawan. Malulubhang problema sa anumag organo o parte ng katawan.
Ang isang emergency na psychiatric na kondisyon ay nagaganap kapag may isang karaniwang tao ang may palagay na may isang taong:
Nasa pangkasalukuyang pinsala sa kaniyang sarili o iba pang tao dahil marahil ay mayroon siyang karamdamang pangkaisipan.
Agad na hindi makapagbigay o makakain ng pagkain, o makapagsuot ng damit o manuluyan sa tirahan sanhi ng isang karamdamang pangkaisipan.
Sa kaganapan ng isang emergency na medikal o psychiatric na kondisyon, tumawag sa 9-1-1 o magpunta sa anumang emergency room para makakuha ng tulong. Ang programa ng Medi-Cal ay sasakop sa mga emergency na kondisyon, kung ang kondisyon ay medikal o psychiatric (emosyonal o pangkaisipan). Kung kayo ay may Medi-Cal, hindi kayo tatanggap ng singilin ng babayaran para sa pagpunta sa emergency room, kahit na ito ay hindi naman pala isang emergency. Kung hindi kayo sigurado kung ang kondisyon ay tunay nang isang emergency o kung hindi kayo sigurado kung ang kondisyon ay medikal o psychiatric, maaari pa rin kayong magpunta sa emergency room at hayaan na ang mga kuwalipikadong medikal na propesyonal ang magdesisyon tungkol sa mga kinakailangan. Kung ang mga propesyonal sa emergency room ay nagpasya na may isang psychiatric na emergency, kayo ay ia-admit sa ospital para makatanggag agad ng tulong mula sa isang propesyonal sa kalusugang pangkaisipan. Kung ang ospital ay wala ng mga serbisyong kinakailangan, maghahanap ang ospital ng iba pang ospital na mayroong ganitong serbisyo. Ang tao ay maaaring matulungan sa isang krisis sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng mga serbisyo na mula sa inyong Mental Health Plan (MHP) sa iba pang mga paraan maliban sa pagpunta sa ospital. Kung sa palagay ninyo ay kailangan ninyo ng tulong ngunit sa tingin ninyo na hindi ninyo kailangang magpunta sa ospital, maaari kayong tumawag sa libreng toll na numero ng telepono ng inyong MHP sa county at humingi ng tulong.
Sa kaganapan ng
isang medikal na
emergency o
psychiatric na
kondisyon, tumawag
sa
9-1-1 o magpunta sa
anumang emergency
room para makakuha
ng tulong.
Estado ng California 6 Basic na Impormasyon sa
Anong Uri ng Mga Serbisyo na May Kaugnayan sa Emergency ang Ipinagkakaloob? Ang mga pang-emergency na serbisyo ay binabayaran ng Medi-Cal kapag kayo ay nagpunta sa ospital o gumamit ng mga serbisyo para sa outpatient (walang magdamagan na pamamalagi) na ipinagkaloob sa isang emergency room ng ospital ng iba pang kuwalipikadong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) (doktor, psychiatrist, psychologist o iba pang tagapagkaloob ng serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan). Kinakailangan ang mga ito para tasahin o mapatatag ang kalagayan ng isang tao kapag may emergency. Ang Mental Health Plan (MHP) sa inyong county ay dapat magkaloob ng tiyak na impormasyon tungkol sa mga emergency na serbisyo na pinapamahala sa inyong County. Ang mga sumusunod na estado at pederal na tuntunin ay ipapataw sa mga emergency na serbisyo na sakop ng MHP. Hindi kailangang kumuha ng paunang pahintulot ang ospital mula sa MHP (minsan na tinatawag na “prior authorization o paunang awtorisasyon”) o magkaroon ng kontrata sa inyong MHP para mabayaran para sa mga emergency na serbisyo na ipinagkaloob sa inyo ng ospital. Kailangang sabihin sa inyo ng MHP kung paano makakakuha ng mga emergency na serbisyo, kabilang na iyong paggamit ng 9-1-1. Kailangang sabihin sa inyo ng MHP ang lokasyon ng anumang lugar kung saan ang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) at ospital ay nakakapagkaloob ng mga emergency na serbisyo at serbisyo ng post-stabilization. Maaari kayong magpunta sa ospital para sa emergency na pangangalaga kung naniniwala kayo na may psychiatric na emergency. Ang mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan para gamutin ang inyong kondisyon na kailangang asikasuhin kaagad ay handa 24 oras, pitong araw sa isang linggo. (Ang isang ondisyon na kailangang asikasuhin kaagad ay nangangahulugan na isang krisis sa kalusugang pangkaisipan na maaaring maging isang emergency kung hindi makakuha kaagad ng tulong.) Matatanggap ninyo ang mga serbisyo ng inpatient sa ospital na ito mula sa MHP nang kusa, kung kayo ay maayos na mapaglilingkuran nang hindi pinipigilan nang salungat sa kagustuhan. Ang mga batas ng estado na sumasaklaw sa kusa at hindi kusang pagpapasok sa ospital sanhi ng karamdamang pangkaisipan ay hindi bahagi ng mga tuntunin ng Medi-Cal sa estado o pederal, ngunit maaaring mahalaga na malaman pa ninyo ng higit ang tungkol sa mga ito:
1. Kusang Pagpapapasok sa ospital: Ito ay nangangahulugan na nabigyan kayo ng OK na pumasok at/o mamalagi sa ospital. 2. Hindi Kusang Pagpapapasok sa ospital: Ito ay nangangahulugan na pinananatili kayo ng ospital na mamalagi doon ng hanggang 72 oras kahit wala ang inyong OK. Magagawa ito ng ospital kapag sa palagay nito na marahil ay masasaktan ninyo ang inyong sarili o ibang tao o hindi ninyong magawa na kumain mag-isa, magbihis mag-isa at magawa ang mga gawain mag-isa sa tahanan. Sasabihin ng ospital sa inyo sa pamamagitan ng pagsusulat kung ano ang ginagawa ng ospital para sa inyo at alamin kung ano ang inyong mga karapatan. Kung sa palagay ng mga gumagamot sa inyong doktor na kailangan ninyong mamalagi ng mas matagal sa 72 oras, mayroon kayong karapatan na kumuha ng isang abogado at isang pagdinig sa harap ng isang hukom at sasabihin sa inyo ng ospital kung paano ito gawin.
Ang mga serbisyo ng post-stabilization na pag-aalaga ay mga sakop na serbisyo na kinakailangan makalipas ang isang emergency. Ang mga serbisyong ito ay ipinagkakaloob kapag nakalipas na ang isang emergency para patuloy na mapahusay o malutas ang kondisyon.
Ang Mental Health Plan (MHP) ng inyong county ay dapat magbayad para sa mga serbisyo ng pangangalaga na post-stabilization na natamo mula sa listahan ng mga tagapagkaloob ng serbisyo o sakop na lugar ng MHP. Babayaran ng inyong MHP ang nasabing mga serbisyo kung ang mga ito ay paunang naaprubahan ng isang MHP na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) o iba pang kinatawan ng MHP.
Estado ng California 7 Basic na Impormasyon sa Emergency
Ang inyong MHP ay may pinansyal na pananagutan para (ay babayaran ang) mga serbisyo ng post-stabilization na pag-aalaga para mapanatili, mapahusay, o malutas ang napatatag nang kondisyon kung:
Hindi tumutugon ang MHP sa isang kahilingan mula sa tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa paunang pahintulot sa loob ng 1 oras
Hindi maaaring maka-ugnayan ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ang MHP
Ang kinatawan ng MHP at ang gumagamot na doktor ay walang maabot na kasunduan hinggil sa inyong pag-aalaga at walang mapupuntahang MHP na doktor sa kasalukuyan para sa isang konsultasyon. Sa ganitong situwasyon, kailangang bigyan ng MHP ang gumagamot na doktor ng oportunidad na makipagkonsulta sa isang MHP na doktor. Ang gumagamot na doktor ay maaaring magpatuloy sa pag-aalaga ng pasyente hangga’t ang isa sa mga kondisyon para sa pagtatapos ng post-stabilization na pag-aalaga ay natugunan na. Dapat tiyakin ng MHP na wala kayong dagdag na ibabayad para sa post-stabilization na pag-aalaga.
Kailan Magwawakas ang Responsibilidad ng MHP sa Aking County sa Pagsasakop sa Post-Stabilization na Pag-aalaga. HINDI hinihiling mula sa MHP sa inyong county na bayaran ang mga serbisyo ng post-stabilization na pag-aalaga na hindi paunang naaprubahan kapag:
Ang isang doktor ng MHP na may mga pribilehiyo sa gumagamot na ospital ay umaako ng responsibilidad para sa inyong pag-aalaga.
Inaako ng doktor ng MHP ang pananagutan para sa inyong pag-aalaga sa pamamagitan ng paglipat.
Ang kinatawan ng MHP at ang gumagamot na doktor na umabot sa isang kasunduan hinggil sa inyong pag-aalaga (ang MHP at ang doktor ay susunod sa kanilang kasunduan tungkol sa pag-aalaga na kailangan ninyo).
Kayo ay pinalabas sa ospital (pinauwi mula sa pasilidad ng isang doktor o iba pang propesyonal).
Estado ng California 8 Basic na Impormasyon sa
MGA ADULTO AT MAS MATATANDANG ADULTO Mga
Paano Ko Malalaman Kung Kailan Ko Kailangan ng Tulong? Maraming mga tao ay nakakaranas ng mahihirap na panahon sa buhay at maaaring makaranas ng mga problema sa kalusugang pangkaisipan. Habang nasasa isip ng marami na ang major na mga karamdamang pangkaisipan at emosyonal ay bihira, ang katotohanan ay isa sa limang mga indibiduwal ang magkakaroon ng karamdamang (psychiatric) pangkaisipan sa isang punto ng kanilang buhay. Tulad ng maraming iba pang mga sakit, ang karamdamang pangkaisipan ay maaaring sanhi ng maraming mga bagay. Ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan kapag tinatanong ninyo sa inyong sarili kung kailangan ninyo ng propesyonal na tulong , ay pagtiwalaan ang inyong mga nararamdaman. Kung kayo ay karapat-dapat para sa Medi-Cal at nararamdaman ninyo na maaaring kailangan ninyo ng tulong ng propesyonal, kailangan ninyong humiling ng isang assessment form (form ng pagtatasa) sa MHP sa inyong county para malaman nang tiyak.
Ano ang Mga Hudyat na Maaaring Kailangan Ko ng Tulong? Kung masasagot ninyo ng ‘oo’ ang isa o higit pa sa mga sumusunod AT ang mga sintomas na ito ay nagpatuloy ng ilang mga linggo AT lubos na nakakahadlang sa inyong kakayahan na gumawa araw-araw, AT ang mga sintomas ay walang kaugnayan sa pagkalulong sa alak o droga. Kung ganito ang kaso, nararapat ninyong ikonsidera na makipag-ugnayan sa Mental Health Plan (MHP) ng inyong county. Isang propesyonal mula sa MHP ang magpapasya kung kailangan ninyo ng specialty na mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa MHP. Kung nagpasya ang isang propesyonal na hindi ninyo kailangan ng specialty na mga serbisyo para kalusugang pangkaisipan, maaari pa rin kayong gamutin ng inyong regular na medikal na doktor o primary care provider, o maaari kayong magsampa ng apela sa nasabing desisyon (basahin ang pahina 23).
Maaaring kailangan ninyo ng tulong kung mayroon kayong ILAN sa mga sumusunod na nararamdaman:
Lubusang nalulungkot (o nararamdaman na walang pag-asa o walang magawa o walang kuwenta o malungkot na malungkot) sa kadalasan ng maghapon, halos araw-araw.
Kawalan ng interes sa mga kawili-wiling aktibidad Pagbawas ng timbang o pagdagdag ng timbang ng higit sa 5% sa isang buwan Lubos na natutulog o kakulangan ng tulog Napabagal o lubusang mga pagkilos ng katawan Pagkapagod halos araw-araw Pakiramdam na walang halaga o lubos na pagsisi sa sarili Kahirapang makapag-isip o pag-concentrate o pagdedesisyon Nabawasang pangangailangan na makatulog - may pakiramdam na
‘nakapagpahinga’ lang makalipas ang ilang oras ng pagtulog. ‘Sobrang bilis’ na mga nasasaisip na nakakalito para sa inyo Masyado mabilis magsalita at hindi makahinto sa pananalita Nararamdaman na ang mga tao ay ‘hinahabol’ ka Nakakarinig ng mga boses at tunog na hindi naririnig ng iba Nakakakita ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ng iba Hindi magawang pumasok sa trabaho o sa paaralan
Estado ng California 9 Mga Serbisyo - MGA ADULTO AT MAS
Walang pakialam sa personal na kalinisan ng katawan (pagkamalinis) May mga problema sa isang seryosong relasyon Humihiwalay o lumalayo mula sa ibang tao Madalas na umiiyak at nang ‘walang dahilan’ Madalas na galit at ‘sinusumpong ng galit’ ng ‘walang dahilan’ May matitinding pag-iba ng pakiramdam Nababalisa o nag-aalala nang madalas Ang tinatawag ng ibang kakaiba na mga pag-uugali
Anong Mga Serbisyo ang Magagamit? Bilang isang adulto na may Medi-Cal, maaaring karapat-dapat kayo na makatanggap ng specialty na mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa MHP. Hinihiling mula sa inyong MHP na tulungan kayong makapagpasya kung kailangan ninyo ang mga serbisyong ito. Ang ilan sa mga serbisyo sa MHP sa inyong county ay kinakailangang handang magamit ng mga tao, kung kailangan ang mga ito, na kinabibilangan ng:
Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan – Ang mga serbisong ito ay kinabibilangan ng mga serbisyo para sa paggagamot ng kalusugang pangkaisipan, tulad ng counseling at psycotherapy, na ipinagkakaloob ng mga psychiatrist, psychologist, may lisensyang klinikal na social worker, mga marriage at family therapist at mga psychiatric na nars. Ang mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ay maaari rin tawagin na rehabilitasyon o mga serbisyo ng recovery at nakakatulong sa isang tao na may karamdamang pangkaisipan para mabuo ang mga kakayahan na harapin o matugunan ang problema para sa pang-araw araw na pamumuhay. Ang mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ay maaaring ipagkaloob sa isang klinika o tanggapan ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider), sa telepono, o sa tahanan o iba pang lugar na may katulad na serbisyo sa komunidad.
Ang mga serbisyong ito ay maaaring minsan ipagkaloob nang paisa-isa (indibiduwal na therapy o rehabilitasyon), dalawa o higit pang mga katao sa parehong oras (group therapy o pang-grupo na mga serbisyong pangrehabilitasyon), at sa mga pamilya (family therapy).
Mga Serbisyo ng Suporta para sa Gamot– Ang mga serbiyong ito ay kinabibilangan ng pagrereseta, pamamahal, pagbibigay at pagbabantay ng mga psychiatric na gamot; pamamahala ng gamot ng mga psychiatrist, at edukasyon at pagbabantay na may kinalaman sa mga psychiatric na gamot. Ang mga serbisyo ng suporta para sa gamot ay ipinagkakaloob sa isang klinika o tanggapan ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider), sa telepono, o sa tahanan o iba pang lugar na may katulad na serbisyo sa komunidad.
Naka-target na Pamamahala ng Kaso – Ang serbisyong ito ay nakakatulong sa pagkuha ng medikal, pang-edukasyon, social, prevocational, vocational, rehabilitative, o iba pang mga serbisyo ng komunidad kapag ang mga nasabing serbisyo ay mahirap magawang mag-isa ng mga taong may karamdamang pangkaisipan. Ang naka-target na pamamahala ng kaso ay kinabibilangan ng pagbubuo ng plano; komunikasyon, koordinasyon, at pagrerekumenda; pagbabantay sa paghahatid ng serbisyo para matiyak ang access ng tao sa isang serbisyo at ang sistema ng paghahatid ng serbisyo; at pagbabantay sa pagsulong ng tao.
Pamamagitan kapag May Krisis at Pagpapatatag ng Krisis – Ang mga serbisyong ito ay nagkakaloob ng paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan ng mga taong may problema sa kalusugang pangkaisipan na hindi makakapaghintay para sa isang regular at naka-schedue na appointment. Ang pamamagitan kapag may krisis ay maaaring tumagal ng hanggang walong oras at maaaring ipagkakaloob sa isang klinika o tanggapan ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider), sa telepono, o sa tahanan o iba pang lugar na may katulad na serbisyo sa komunidad. Ang pagpapatatag ng krisis na maaaring tumagal ng hanggang 20 oras at ipinagkakaloob sa isang klinika o iba pang pasilidad.
Kung nararamdaman ninyo na mayroon kayo ng ilan sa mga nakalistang hudyat, at ganito ang pakiramdam ng ilang linggo, maaaring nais ninyong matasa ng isang propesyonal. Kung kayo ay hindi sigurado, kailangan ninyong tanungin mula sa doktor ng inyong pamilya o iba pang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan para sa kanilang opinyon.
Estado ng California 10 Mga Serbisyo – ADULTO AT MAS
Mga Serbisyo ng Paggagamot sa isang Residensya para sa Adulto – Ang mga serbisyong ito ay nagkakaloob ng paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan para sa mga taong namumuhay sa mga may lisensyang pasilidad na nagkakaloob ng serbisyo ng paninirahan para sa mga taong may karamdamang pangkaisipan. Ang mga serbisyong ito ay handang magamit 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo. Hindi sakop ng Medi-Cal ang gastos sa kuwarto at panunuluyan para manatili sa pasilidad na naghahandog ng mga serbisyo ng paggagamot sa isang residenya para sa adulto.
Mga Serbisyo ng Paggagamot sa Krisis sa isang Residensya – Ang mga serbisyong ito ay nagkakaloob ng paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan para sa mga taong may malubhang psychiatric na episode o krisis, ngunit walang ipinapakitang medikal na mga komplikason na kinakailangan ang pangangalaga ng isang nars. Ang mga serbisyo ay handang magamit 24 oras, pitong araw sa isang linggo sa mga may lisensyang pasilidad na nagkakaloob ng serbisyo sa isang residensya kung may krisis sa mga taong may karamdamang pangkaisipan. Hindi sakop ng Medi-Cal ang gastos sa kuwarto at panunuluyan para manatili sa pasilidad na naghahandog ng mga serbisyo ng paggagamot sa isang residenya para sa adulto.
Intensibong Pang-araw na Paggagamot - Ito ay isang nakabalangkas na programa ng paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan na ipinagkakaloob sa isang grupo ng mga tao na marahil ay kinailangang ma-ospital o iba pang 24 oras na pasilidad. Ang programa ay tumatagal ng hindi mas bababa sa tatlong oras kada araw. Ang mga tao ay maaaring umuwi sa kani-kanilang tahanan sa gabi. Kabilang sa programang ito ang mga aktibidad upang mapalakas ang kakayahan (mga kakayahan sa buhay, pakikisalimuha sa iba, atbp.) at mga therapy (sining, libangan, musika, sayaw, atbp.) at pati na rin psychotherapy.
Rehabilitasyon sa Umaga – Ito ay isang may balangkas na programa ng paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan para mapahusay, mapangalagaan o mapanumbalik ang kakayahang mag-isa at pagganap. Ang programa ay nilikha para tulungan ang mga tao na may karamdamang pangkaisipan na matuto at mapahusay ang mga kakayahan. Ang programa ay tumatagal ng hindi mas bababa sa tatlong oras kada araw. Ang mga tao ay maaaring umuwi sa kani-kanilang tahanan sa gabi. Kabilang sa programang ito ang mga aktibidad upang mapalakas ang kakayahan (mga kakayahan sa buhay, pakikisalimuha sa iba, atbp.) at mga therapy (sining, libangan, musika, sayaw, atbp.).
Mga Psychiatric na Serbisyo para sa Inpatient sa Ospital – Ang mga ito ay serbisyong ipinagkakaloob sa isang ospital kung saan ang tao ay namamalagi nang magdamagan dahil may psychiatric na emergency o dahil kailangan ng tao ng paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan na maaari lang gawin sa ospital.
Mga Psychiatric na Serbisyo para sa isang Pasilidad na Pangkalusugan– Ang mga serbisyong ito ay ipinagkakaloob sa isang tila ospital na lugar kung saan ang tao ay namamalagi nang magdamagan dahil may psychiatric na emergency o dahil kailangan ng tao ng paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan na maaari lang gawin sa isang lugar na tila ospital. Ang mga psychiatric na pasilidad na pangkalusugan ay may kaayusan sa isang kalapit na ospital o klinika para matugunan ang mga pangangailangan sa pisikal na pangangalagang pangkalusugan ng mga tao sa pasilidad. Ang mga serbisyong ito ay kinabibilangan ng trabaho na ginagawa ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para mas mahusay na gumana ang mga serbisyo para sa taong tumatanggap ng mga serbisyo. Ang mga ganitong uri ng bagay ay kinabibilangan ng mga pagtatasa upang makita kung kailangan ninyo ng serbisyo at kung gumagana ang serbisyo; i-plano ang pagpapaunlad upang mapagpasyahan ang mga layunin sa paggagamot ng kalusugang pangkaisipan ng tao at mga tiyak na serbisyo na maipagkakaloob; “kolateral”, na nangangahulugan na nagtatrabaho kasama ng mga miyembro ng pamilya at mahahalagang tao sa buhay ng tao (kung nagbigay ng pahintulot ang tao), kung makakatulong itong mapahusay o mapangalagaan ang katayuan ng kalusugang pangkaisipan ng tao.
Ang bawat MHP sa isang county ay may bahagyang pagkakaiba-iba sa pagkakaloob ng mga serbisyong ito, kaya’t mangyari lang konsultahin ang unahang seksyon ng libritong ito para sa karagdagang impormasyon, o makipag-ugnayan sa libreng toll na numero ng telepono ng MHP para makahingi ng karagdagang impormasyon.
Estado ng California 11 Mga Serbisyo - MGA ADULTO AT MAS
MGA BATA, TEENAGER AT KABATAAN Paano Ko Malalaman Kung Kailan Kailangan ng Isang Bata ang Tulong? Para sa mga bata mula sa edad na 5 taong gulang, may mga hudyat na maaaring magpakita ng pangangailangan para sa mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Kabilang sa mga ito ang:
Ang mga magulang na may pakiramdam ng pangingibabaw ng pagiging isang magulang o may mga problema sa kalusugang pangkaisipan
Isang malaking pinagmumulan ng stress sa isang pamilya, tulad ng diborsyo o kamatayan ng miyembro ng pamilya.
Pag-aabuso sa alak o iba pang mga droga ng iba pang tao sa bahay Di pangkaraniwan o mahirap na pag-uugali ng anak Karahasan o paggagambala sa bahay
Kung ang isa sa mga nakasaad sa itaas na kondisyon ay nagaganap sa isang tahanan kung saan may bata na hanggang sa edad na 5 taong gulang ay naninirahan, maaaring kailanganin ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Kailangan ninyong makipag-ugnayan sa MHP ng inyong county para humiling ng karagdagang impormasyon at isang pagtatasa para sa mga serbisyo para makita kung makakatulong sa inyo ang MHP.
Para sa mga bata na may edad na nakakapasok sa paarlaan, ang sumusunod na checklist ay may kasamang ilang mga hudyat na maaaring makatulong sa inyong magpasya kung ang inyong anak ay makikinabang mula sa mga serbisyo ng kalusugang pangkaisipan. Ang inyong anak:
Nagpapakita ng di pangkaraniwang mga pagbabago sa damdamin o pag-uugali
Walang mga kaibigan o may kahirapan na makisama sa ibang mga bata Hindi masyado maayos ang pag-aaral, madalas na hindi nakakapasok o
hindi gustong pumasok Maraming mga minor na sakit o aksidente Lubos na matatakutin Lubos na agresibo Hindi gustong mapalayo mula sa inyo Madalas manag-inip ng hindi maganda Nahihirapan matulog, nagigising sa gabi, o pinipilit na matulog katabi kayo Biglang tumatangging mag-isa sa ilang partikular na miyembro ng pamilya o
kaibigan o lubos na nababalisa kapag may isang miyembro ng pamilya Hind wasto ang pagpapakita ng lambing o gumagawa ng di normal na mga
gawing seksuwal o mungkahi Biglang nag-iiba ang ugali o nagagalit Tumatangging kumain Iyakin madalas
Maaari kayong makipag-ugnayan sa MHP ng inyong county para sa isang pagtatasa sa inyong anak kung sa palagay ninyo na nagpapakita siya ng alinman sa mga hudyat sa itaas. Kung kuwalipikado ang inyong anak para sa Medi-Cal at ipinapahiwatig sa pagtatasa ng MHP na ang isang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na sakop ng MHP ay kinakailangan, isasaayos ng MHP na makatanggap ng mga nasabing serbisyo ang bata.
Estado ng California 12 Mga Serbisyo - Mga bata, teenager at Mga Kabataan
Paano Ko Malalaman Kung Kailan Kailangan ng Isang Teenager ang Tulong? Ang mga teenager (12-18 taong gulang) ay nakakaranas ng maraming mga pressure kapag nagbibinata at nagdadalaga. Ang mga mas nakababata na may edad na 18 hanggang 21 ay nasa isang transitional na edad na may sari-sariling bukod tanging mga pressure at, dahil sila ay matuturing na mga adulto ayon sa batas, maaari rin silang maghanap ng mga serbisyo tulad ng mga adulto. Ang ilang mga di pangkaraniwang pag-uugali ng isang teenager o mas nakababata ay maaaring maugnay sa mga pagbabagong pisikal at sikolohikal na nagaganap habang sila ay dahan-dahan na nagiging adulto. Ang mga mas nakababata ay nagtatatag ng isang sariling pagkakakilanlan at nag-iiba mula sa pag-aasa sa mga magulang patungo sa pagiging independiyente. Ang isang magulang o nababahalang kaibigan, o ang mas nakababata ay maaaring may kahirapan sa pagpapasya kung ano ang ‘normal na pag-uugali’ at ano ang maaaring maging hudyat ng mga problemang emosyonal o pangkaisipan na kailangan ng propesyonal na tulong. Ang ilang mga karamdamang pangkaisipan ay maaaring mag-umpisa ilang taon sa pagitan ng 12 at 21 taong gulang. Ang checklist sa ibaba ay maaaring makatulong sa inyong magpasya kung kailangan ng isang teenager ang tulong. Kung may higit sa isang hudyat na nakikita o nagpapatuloy nang matagalan, maaaring ipahiwatig nito ang isang mas malubhang problema na kinakailangan ang propesyonal na tulong. Kung ang isang teenager ay:
Humihiwalay mula sa pamilya, kaibigan at/o mga normal na aktibidad Nakakaranas ng di maipaliwanag na paghina sa gawaing pampaaralan Pinapabayaan ang itsura May malaking pagbabago sa timbang Lumalayas sa bahay May marahas o lubos na rebellious na pag-uugali May mga pisikal na sintomas kahit na walang nakikitang sakit Nalululong sa droga o alak
Ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga teenager o ang teenager ay maaaring makipag-ugnayan sa MHP ng county para sa isang pagtatasa para makita kung kinakailangan ang mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Bilang isang adulto, ang mas nakababata (may edad na 18 hanggang 20 taong gulang) ay maaaring humiling ng isang pagtatasa mula sa MHP. Kung kuwalipikado ang teenager para sa Medi-Cal at ipinapahiwatig sa pagtatasa ng MHP na ang isang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na sakop ng MHP ay kinakailangan, isasaayos ng MHP na makatanggap ng mga nasabing serbisyo ang teenager.
Anong Mga Serbisyo ang Magagamit? Ang parehong mga serbisyo na magagamit ng mga adulto ay magagamit rin ng mga bata, teenager at mas nakababata. Ang mga serbisyo na magagamit ay mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan, mga serbisyo ng suporta para sa gamot, naka-target na pamamahala sa kaso, pamamagitan sa krisis, pagpapatatag ng krisis, pagpapatatag ng krisis, intensibong pang-araw na paggagamot, mga serbisyo ng paggagamot sa isang residensya para sa adulto, mga serbisyo ng paggagamot sa krisis sa isang residensya, psychiatric na serbisyo para sa inpatient sa ospital, psychiatric na serbisyo para sa isang pasilidad na pangkalusugan. Sakop rin ng mga MHP ang mga karagdagang espesyal na serbisyo na magagamit lang ng mga bata, teenager at mas nakababata na may edad na 21 at karapat-dapat para sa kumpletong saklaw na Medi-Cal (ang kumpletong saklaw na Medi-Cal ay nangangahulugan na pagkakasakop sa Medi-Cal na hindi limitado sa isang partikular na uri ng mga serbisyo, halimbawa, mga emergency na serbisyo lang.) Ang bawat MHP sa isang county ay may bahagyang pagkakaiba-iba sa pagkakaloob ng mga serbisyong ito, kaya’t mangyari lang konsultahin ang unahang seksyon ng libritong ito para sa karagdagang impormasyon, o makipag-ugnayan sa libreng toll na numero ng telepono ng MHP para makahingi ng karagdagang impormasyon.
Ang isang may edad mula 18 hanggang 21 ay dapat sumangguni sa listahan sa kanan at ang listahan ng mga isyu para sa mga adulto sa pahina 9 at 10 para makatulong sa inyong magpasya kung kakailanganin ang mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan.
Estado ng California 13 Mga Serbisyo - Mga bata, teenager at Mga
May Mga Espesyal na Serbisyo bang Magagmit ng Mga Bata, Teenager at Mas Nakababata? May mga espesyal na serbisyo na magagamit mula sa MHP para sa mga bata, mga teenager na tinatawag na Early and Periodic Screening, Diagnosis, and Treatment (EPSDT) na karagdagang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Ang mga serbisyo ng EPSDT na ito ay kinabibilangan ng serbisyong tinatawag na Therapeutic Behavioral Services o TBS, na inilalarawan sa susunod na seksyon, at kabilang rin ang mga bagong serbisyo habang kinikilala ang mga ito ng mga dalubhasa para sa paggagamot ng kalusugang pangkaisipan bilang mga serbisyo na tunay na gumagana. Ang mga serbisyong ito ay handang makuha mula sa MHP kung kinakailagan ang mga ito para iwasto o mapahusay ang kalusugang pangkaisipan para sa isang taong may edad na 21 taong gulang na karapat-dapat para sa ganap na saklaw na Medi-Cal at may karamdamang pangkaisipan na sakop ng MHP (basahin ang pahina 10 para sa impormasyon sa mga karamdamang pangkaisipan na sakop ng MHP). Hindi kailangan ang MHP para ipagkaloob ang mga espesyal na serbisyong ito kung magpasya ang MHP na ang isa sa mga regular na serbisyo na sakop ng MHP ay handang makuha at hindi makakatugon sa mga pangangailangan ng bata o teenager. Hindi rin kailangan ang MHP para mabigay ang mga espesyal na serbisyong ito sa tahanan at komunidad kung mapagpasyahan ng MHP na ang total na gastusin sa pagbibigay ng mga espesyal na serbisyo sa tahanan o sa komunidad ay mas malaki kaysa sa total na gastos ng pagkakaloob ng mga katulad na serbisyo sa dili kaya’y angkop na institusyonal na antas ng pangangalaga.
Ano ang Therapeutic Behavioral Services (TBS)? Ang TBS ay isang uri ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na handang makuha sa pamamagitan ng MHP ng bawat county kung mayroon kayong malulubhang mga emosyonal na problema. Kailangan ay mas bata kayo sa 21 taong gulang at mayroong ganap na saklaw na Medi-Cal para makakuha ng TBS. Kung kayo ay naninirahan sa tahanan, maaaring magtrabaho ang tauhan ng staff ng TBS ng personal kasama ninyo upang mabawasan ang malubhang mga problema sa pag-uugali para maiwasan na kayo ay magpunta sa isang mas mataas na antas ng pag-aalaga, tulad ng pang-grupong tahanan para sa mga bata, mga teenage na may lubusang malulubhang mga problemang emosyonal. Kung kayo ay naninirahan sa isang pang-grupong tahanan para sa mga bata, mga teenage na may lubos na malulubhang mga emosyonal na problema, isang tauhan ng staff ng TBS ang makikipagtrabaho kasama ninyo para makalipat kayo sa mas mababang antas ng pangangalaga, tulad ng isang foster home o bumalik sa tahanan. Ang TBS ay tutulong sa inyo at sa inyong pamilya, tagapag-alaga o tagapagbantay na matuto ng mga bagong paraan ng pagkokontrol ng problema sa pag-uugali at mga paraan upang mapataas ang mga uri ng pag-uugali na magpapahintulot sa inyong magtagumpay. Kayo, ang tauhan ng staff ng TBS, at ang inyong pamilya, tagapag-alaga o tagapagbantay ay magtutulungan nang mabuti sa loob ng isang maiksing takdang panahon, hangga’t hindi na ninyo kailangan ang TBS. Mayroon kayong TBS na plano na magsasabi kung ano ang gagawin niniyo, ng inyong pamilya, tagapag-alaga o tagapagbantay, at ng tauhan ng staff ng TBS habang isinasagawa ang TBS, at kailan at saan magaganap ang TBS. Ang tauhan ng staff ng TBS ay makikipagtulungan sa inyo sa karamihan ng mga lugar kung saan ninyo marahil kailangan ng tulong sa inyong problema sa pag-uugali. Kabilang dito ang inyong tahanan, foster home, pang-grupong tahanan, paaralan, programa ng pang-araw na paggagamot at iba pang mga lugar sa komunidad.
Estado ng California 14 Mga Serbisyo - Mga bata, teenager at Mga Kabataan
Sino ang Maaaring Makatanggap ng TBS? Maaari kayong makakuha ng TBS kung mayroon kayong ganap na saklaw na Medi-Cal, at mas bata sa 21 taong gulang, may malubhang emosyonal na mga problema AT:
Nakatira sa isang pang-grupong tahanan para sa mga bata at mga teenager na may lubos na malubhang mga emosyonal na problema. [Ang mga pang-grupong tahanan na ito ay minsan tinatawag na Rate Classification Level (RCL) 12, 13 o 14 group homes]; O
Nakatira sa isang pang-estadong ospital para sa kalusugang pangkaisipan, isang nursing facility na dalubhasa sa paggagamot ng kalusugang pangkaisipan o Mental Health Rehabilitation Center (ang mga lugar na ito ay tinatawag rin na mga institusyon para sa mga karamdamang pangkaisipan o institutions for mental diseases o IMD); O
Nanganganib na manirahan sa isang pang-grupong tahanan (RCL 12, 13 o 14), isang ospital para sa kalusugang pangkaisipan o IMD; O
Na-ospital, nitong nakaraang 2 taon, para sa emergency na mga problema sa kalusugang pangkaisipan.
May Iba Pa Bang Mga Bagay na Kailangang Mangyari sa Akin para Makakuha ng TBS? Oo. Kailangan ay nakakatanggap kayo ng iba pang specialty na mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Maidadagdag ang TBS sa iba pang mga specialty na serbisyo para sa kalusguang pangkaisipan. Hindi ito pumapalit sa mga nabanggit. Dahil panandalian lang ang TBS, ang iba pang mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ay maaaring kailanganin para mapigilan na bumalik o lumala ang mga problema makalipas ng pagwawakas ng TBS. Ang TBS ay hindi ipinagkakaloob kung ang dahilan kung bakit ito kinakailangan ay:
Para matulungan lang kayong sundan ang isang kautusan ng korte tungkol sa isang probation
Para protektahan ang inyong pisikal na kaligtasan o kaligtasan ng ibang tao Para mapadali ang mga bagay bagay para sa inyong pamilya, tagapag-alaga, mga
tagapagbantay o guro Para makatulong sa mga pag-uugali na hindi bahagi ng inyong mga problema sa
kalusugang pangkaisipan Hindi kayo makakuha ng TBS habang kayo ay nasa isang ospital para sa kalusugang pangkaisipan, isang IMD, o nakakulong sa isang pang menor de edad na bilangguan o institusyo, tulad ng isang juvenile hall. Kung kayo ay nasa isang ospital para sa kalusugang pangkaisipan o isang IMD, kahit na, maaaring makaalis kayo mula sa mental hospital o IMD ng mas maaga, dahil maaaring idagdag ang TBS sa iba pang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan para matulungan kayong manatili sa isang mas mababang antas ng pangangalaga (sa tahanan, isang foster home o pang-grupong home).
Paano Ako Makakakuha ng TBS? Kung sa palagay ninyo ay maaaring kailanganin ninyo ang TBS, tanungin sa inyong psychiatrist, therapist o case manager, kung mayroon na kayo, o makipag-ugnayan sa isang MHP at humiling ng mga serbisyo. Isang miyembro ng pamilya, tagapag-alaga, tagapagbantay, doktor, psychologist, counselor o social worker ay maaaring tumawag at magtanong ng impormasyon tungkol sa TBS o iba pang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Maaari rin kayong tumawag sa MHP at tanungin ang tungkol sa TBS.
Estado ng California 15 Mga Serbisyo - Mga bata, teenager at Mga
Sino ang Magpapasya kung Kailangan Ko ng TBS at Saan Ko Makukuha ang Mga Ito? Ang MHP ang magpapasya kung kailangan ninyong specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan, kabilang na rin ang TBS. Karaniwan, isang tauhan ng staff ng MHP ang makikipag-usap sa inyo, sa inyong pamilya, tagapag-alaga o tagapagbantay, at iba pang mahalaga sa inyong buhay at gagawa ng plano para sa lahat ng mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na kakailanganin ninyo, kasama na ang plano ng TBS kung kinakailangan ang TBS. Maaaring kailanganin ng isa o dalawang mga meeting na harapan, minsan ay higit pa. Kung kailangan ninyo ng TBS, may itatalaga sa inyo na tauhan ng staff ng TBS.
Ano ang Dapat Kabilang sa Aking TBS na Plano? IIsa-isahin ng inyong TBS na plano ang mga problema sa pag-uugali na kailangang mabago at ano ang dapat gawin ng tauhan ng tao ng TBS, ninyo at minsan ng inyong pamilya, tagapag-alaga o tagapagbantay kapag naganap ang TBS. Sasabihin sa plano ng TBS kung ilang oras sa isang araw at ang bilang ng oras sa isang linggo makikipagtrabaho ang tauhan ng staff ng TBS kasama ninyo at ng inyong pamilya, tagapag-alaga o tagapagbantay. Ang mga oras ng plano ng TBS ay maaaring sa umaga, sa hapon o gabi. Ang mga araw ng plano ng TBS ay maaaring maganap kapag Sabado’t Linggo at pati na rin Lunes hanggang Biyernes. Sasabihin ng plano ng TBS kung gaano katagal kayo tatanggap ng TBS. Ang plano ng TBS ay regular na rerepasuhin. Maaaring magpatuloy nang mas matagal ang TBS, kung maipapakita sa pagrerepaso na kayo ay umuunlad ngunit kailangan pa ng dagdag na panahon.
Estado ng California 16 Mga Serbisyo - Mga bata, teenager at Mga Kabataan
Kriterya para sa
Ano ang ‘Kinakailangan sa Paggagamot’ at Bakit Napakahalaga nito? Ang isa sa mga kondisyong kinakailangan para makatanggap ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng MHP sa inyong county ay tinatawag na ‘kinakailangan sa paggagamot.’ Ito ay nangangahulugan na ang isang doktor o iba pang propesyonal na nagtatrabaho sa kalusuagng pangkaisipan ay makikipag-usap sa inyo para magpaskay kung may medikal na pangangailangan para sa mga serbisyo, at kung matutulungan ng mga serbisyo kung matanggap ninyo ang mga ito. Ang katawagan na ‘kinakailangan sa paggagamot’ ay mahalaga dahil makakatulong ito sa pagpapasya kung anong uri ng serbisyo ang maaari ninyong makuha at kung paano ninyo makukuha ang mga ito. Ang pagpapasy kung lubos na mahalaga ang ‘kinakailangan sa paggagamot’ na parte ng proseso sa pagtatanggap ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan.
Ano ang Kriterya para sa ‘Kinakailangan sa Paggagamot’ para sa Sakop sa Mga Specialty na Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan Maliban sa Mga Serbisyo sa Ospital? Bilang bahagi ng pagpapasya kung kailangan ninyo ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan, makikipagtulungan ang inyong MHP sa county sa inyo at sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para magpasya kung ang mga serbisyo ay ‘kinakailangan sa paggagamot’, tulad nang ipinaliwanag sa itaas. Ang seksyon na ito ay nagpapaliwanag kung paano gagawin ng MHP ang desisyon na iyon.
Hindi ninyo kailangang malaman kung mayroon kayong diagnosis (pagkikilala ng sakit), o isang partikular na karamdaman sa kaisipan, para humingi ng tulong. Ang MHP ng inyong ay tutulong sa inyong makuha ang impormasyong ito sa pamamagitan ng isang ‘pagtatasa’. Mayroong apat na mga kondisyon ang susuriin ng MHP para makapagpasya kung ang inyong mga serbisyo ay ‘kinakailangan sa paggagamot’ at kuwalipikado na masakop ayon sa MHP:
(1) Kailangan na makilala ang inyong sakit ng MHP bilang isa sa mga sumusunod na karamdamang pangkaisipan tulad nang nailarawan ng Diagnostic and Statistical Manual, Fourth Edition, na inilathala ng American Psychiatric Association:
Pervasive Developmental Disorders, maliban sa Autistic Disorders Disruptive Behavior at Attention Deficit Disorders Feeding and Eating Disorders of Infancy and Early Childhood Elimination Disorders Iba pang Mga Disorder sa Sangol, Pagkabata o Habang Nagbibinata o
Nagdadalaga Schizophrenia at iba pang Psychotic Disorders Mood Disorders Anxiety Disorders Somatoform Disorders Factitious Disorders Dissociative Disorders Paraphilias Gender Identity Disorder Eating Disorders Impulse Control Disorders na Hindi Nauri sa Iba Adjustment Disorders Personality Disorders, hindi kasama ang Antisocial Personality Disorder Medication-Induced Movement Disorders na may kaugnayan sa iba pang mga
kabilang na diagnosis
Estado ng California 17 Kriterya para sa ‘Kinakailangan sa
AT
(2) kailangang mayroon kayo ng kahit man lang isa sa mga sumusunod na problema bilang resulta ng diagnosis (pagkikilala sa sakit):
Isang matinding kahirapan sa pagganap sa mahalagang parte ng pamumuhay Isang posbilidad ng matinding kahirapan sa pagganap sa mahalagang parte
ng pamumuhay Maliban na lang kung ipinagkaloob sa seksyon sa ilalim ng mga taong mas
bata sa 21 taong gulang, ang posibilidad na ang isang bata ay hindi susulong sa paglaki ayon sa pagkaka-angkop ng bawat indibiduwal
AT
(3) Ang inaasahan na ang iminumungkahing paggagamot ay: Lubos na magpapabawas sa problema Upang maiwasan ang matinding paghina ng isang paggana o pagkilos na
mahalaga sa pamumuhay Pahintulutan ang isang bata na sumulond sa paglaki ayon sa pagkaka-angkop
ng indibiduwal
AT
(4) Ang kondisyon ay hindi sumasagot sa paggagamot na batay sa pisikal na pangangalaga ng kalusugan. Kapag ang mga kahilingan para sa seksyon ng ‘kinakailangan sa paggagamot’ ay natugunan, kayo ay karapat-dapat na tumanggap ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa MHP.
Ano ang ‘Kinakailangan sa Paggagamot’ na Kriterya para Masakop sa Mga Specialty na Serbisyo sa Kalusugang Pangkaisipan para sa Mga Taong mas Bata sa 21 Taong Gulang? Kung kayo ay mas bata sa edad na 21 taong gulang, may ganap na saklaw na Medi-Cal at may isa sa mga diagnosis na nakalista sa (1) sa itaas, ngunit hindi nakakatugon sa kriterya sa (2) at (3) sa itaas, kailangang makipagtrabaho sa inyo ang MHP at sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para magpasya kung ang paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan ay magwawasto o magpapawasto sa inyong kalusugang pangkaisipan. Kung ang mga serbisyong sakop ng MHP ay magwawasto o magpapaunlad sa inyong kalusugang pangkaisipan, ipagkakaloob ng MHP ang mga serbisyo.
Ano ang Kriterya na ‘Kailangan sa Paggagamot’ para Maisauli ang Ibinayad sa Mga Psychiatric na Serbisyo para sa Inpatient sa Ospital? Ang isang paraan na magpapasya ang inyong MHP kung kailangan ninyong manatili nang magdamag sa ospital para sa paggagamot sa kalusugang pangkaisipan ay ung paano ito ‘kinakailangan sa paggagamot’ sa inyo. Kung kinakailangan ito sa paggagamot, tulad nang ipinaliwanag sa itaas, sa gayon, babayaran ng MHP ang inyong pamamalagi sa ospital. Gagawa ng isang pagtatasa upang makatulong na magawa ang pagpapasyang ito.
Hindi ninyo kailangan malaman kung ang inyong diagnosis para makahingi ng isang pagtatasa mula sa MHP para makita kung kailangan ninyo ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa MHP.
Estado ng California 18 Kriterya para sa ‘Kinakailangan sa
Kung HINDI kayo nakakatugon sa mga kriterya na ito, hindi ito nangangahulugan na hindi kayo makakatanggap ng tulong. Maaaring makakuha ng tulong mula sa inyong regular na Medi-Cal na doktor, o sa pamamagitan ng standard na programa ng Medi-Cal.
Kapag kayo at ang MHP o inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ng MHP ay nagplano para sa inyong pagpasok sa ospital, ang MHP ang magpapasya tungkol sa mga kinakailangang medikal bago kayo papasukin sa ospital. Madalas, ang mga tao ay nagpupunta sa ospital kapag may emergency at ang MHP at ang ospital ay nagtutulungan para magpasya kung ano ang kinakailangan sa paggagamot. Hindi ninyo kailangang mag-alala kung ang mga serbisyo ay kinakailangan sa paggagamot o hindi kung magpunta kayo sa ospital kapag may emergency (basahin ang seksyon ng Estado ng California sa pahina 6 para sa karagdagang impormasyon kung paano nasasako pang mga emergency). Kung mayroon kayong mga karamdamang pangkaisipan o mga sintomas ng karamdamang pangkaisipan at hindi kayo ligtas na magagamot sa mas mababang antas ng pangangalaga, at dahil sa karamdamang pangkaisipan o mga sintomas ng karamdamang pangkaisipan, kayo ay:
Nagpapakita ng isang kasalukuyang panganib sa inyong sarili o sa iba, o malaking pagsisira sa ari-arian
Pinipigilan na magkaloob o gumamit ng pagkain, pananamit o panunuluyan
Nagpapakita ng matinding panganib sa inyong pisikal na kalusugan May kamakailan lang at malaking paghihina ng kakayahang kumilos
o gumana at Kailangan ng psychiatric na pagsusuri, paggagamot gamit ng
medikasyon, o iba pang uri ng paggagamot na maipagkakaloob lang sa ospital.
Ang MHP ng inyong county ay magbabayad para sa mas matagal na pamamalagi sa isang psychiatric na pamamalagi sa ospital bilang isang inpatient kung mayroon kayo ng isa sa mga sumusunod:
Ang patuloy na pagkakaroon ng ‘kinakailangan sa paggagamot’ na kriterya tulad nang inilarawan sa itaas
Isang matindi at negatibong reaksyon sa mga gamot, mga pamamaraan o mga therapy na kinakailangan ang patuloy na pagpapa-ospital.
Ang pagkakaroon ng mga bagong problema na nakakatugon sa kriterya na kinakailangan sa paggagamot.
Ang pangangailangan para sa patuloy na medikal na pagsusuri o paggagamot na maaari lang ipagkaloob sa isang psychiatric na pamamalagi sa ospital bilang inpatient.
Pinalabas kayo ng MHP ng inyong county mula sa isang psychiatric na (magdamagang) pamamalagi ng inpatient sa ospital nang sabihin sa inyo ng doktor na maayos na ang inyong kalagayan. Ito ay nangangahulugan na kapag inaasahan mula sa inyo ng doktor na hindi na lalala ang inyong kalagayan kung kayo ay ilipat palabas ng ospital.
Kung kailangan ninyo ng mga serbisyong ito sa ospital, babayaran ng MHP ang isang pagpasok sa ospital, at kung nakakatugon kayo sa mga kondisyon para makakuha ng karapatan para dito, na tinatawag na kriterya na kinakailangan sa paggagamot.
Estado ng California 19 Kriterya para sa ‘Kinakailangan sa
Abiso ng Pagkilos (Notice of Action)
Ano ang Abiso ng Pagkilos? Ang Abiso ng Pagkilos (Notice of Action), na Minsan na tinatawag na NOC, ay isang form na ginagamit ng inyong Mental Health Plan (MHP) sa inyong county na nagsasabi sa inyo kapag ang MHP ay nagdesisyon kung tatanggap kayo o hindi ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa Medi-Cal. Ang Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) ay ginagamit rin para sabihin sa inyo kung ang inyong karaingan, apela, o pinabilis na apela ay hindi nalutas sa oras, o kung hindi kayo nakatanggap ng mga serbisyo sa loob ng mga pamantayan ng takdang tagal ng panahon ng MHP sa pagkakaloob ng mga serbisyo.
Kailan ako Makakakuha ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action)? Ikaw ay Makakakuha ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) kapag:
Ang inyong MHP o isa sa mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ng MHP ay nagpasya na hindi kayo kuwalipikado na makatanggap ng anumang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ng Medi-Cal dahil hindi kayo nakakatugon sa kriterya na kinakailangan sa paggagamot. Basahin ang pahina 17 para sa impormasyon tungkol sa pangangailangan sa paggagamot.
Kung sa palagay ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na kailagnan ninyo ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan at humingi ng aprubasyon mula sa MHP, ngunit hindi sumang-ayon ang MHP at sinabing “hindi” sa kahilingan ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider), o baguhin ang uri o dalas ng paglilingkod. Madalas ay makakatanggap kayo ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) bago ninyo matanggap ang serbisyo, ngunit minsan ang Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) ay darating makalipas ninyong matanggap ang serbisyo, o habang natatanggap ninyo ang serbisyo. Kung makakuha kayo ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) makalipas na matanggap na ninyo ang serbisyong ito, hindi niny kailangan bayaran ang serbisyo.
Kung tinanong ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ang MHP para maaprubahan, ngunit kailangan ng MHP ng karagdagang impormasyon para makapagdesisyon at hindi makumpleto ang proseso ng aprubasyon sa oras.
Kung hindi maipagkaloob ng MHP ang mga serbisyo sa inyo batay sa mga takdang panahon na itinakda ng MHP. Tawagan ang MHP ng inyong county upang malaman kung ang MHP ay nagtalaga ng mga standard ng takdang panahon.
Kung kayo ay maghain ng karaingan sa MHP, at ang MHP ay hindi sumagot sa pamamagitan ng isang nakasulat na desisyon sa inyong karaingan sa loob ng 60 araw. Basahin ang pahina 28 para sa mga karagdagang impormasyon sa mga karaingan.
Kung kayo ay maghain ng apela sa MHP, at ang MHP ay hindi sumagot sa pamamagitan ng isang nakasulat na desisyon sa inyong karaingan sa loob ng 45 araw o, kung kayo ay naghain ng isang pinabilis na apela, sa loob ng tatlong araw na may pasok sa trabaho. Basahin ang pahina 23 para sa mga karagdagang impormasyon sa mga apela.
Estado ng California 20 Abiso ng Pagkilos
Parati ba Akong Makakatanggap ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) Kapag Hindi Ko Matanggap ang Mga Serbisyo na Nais Ko? May ilang mga kaso kung saan maaaring hindi kayo makakatanggap ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action). Kung kayo at ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ay hindi sumasang-ayon sa mga serbsiyo na kailangan ninyo, hindi kayo makakatanggap ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) mula sa MHP. Kung sa palagay ninyo, ang MHP ay hindi nagkakaloob ng mga serbisyo sa inyo nang may sapat na kabilisan, ngunit hindi nagtakda ang MHP ng isang takdang panahon, hindi kayo makakatanggap ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action). Maaari pa rin kayong magsampa ng apela sa MHP o kung kayo ay nagkumpleto ng mga proseso ng Apela, maaari kayong humiling sa estado ng isang patas na paglilitis kapag naganap ang mga bagay na ito. Ang impormasyon kung paano magsampa ng apela o humiling ng isang patas na pagdinig ay kasama sa libritong ito simula sa pahina 22. Ang impormasyon ay dapat na magagamit rin sa tanggapan ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider).
Ano ang Sasabihin sa aking ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action)? Sasabihin sa inyo ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) na:
Ang ginawa ng MHP ng inyong county ay nakaka-apekto sa inyo at sa inyong kakayahan na makatanggap ng mga serbisyo.
Ang petsa ng bisa ng desisyon at ang dahilan kung bakit ganoon ang naging desisyon ng MHP.
Ang mga tuntunin ng estado at ang pederal na sinunuod ng MHP nang ito ay nagdesisyon.
Kung ano ang inyong mga karapatan kung kayo ay hindi sumasang-ayon sa ginawa ng MHP.
Paano magsampa ng isang apela sa MHP. Paano humiling ng Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing). Paano humiling ng isang pinabilis na apela o pinabilis na patas na pagdinig. Paano makakuha ng tulong sa pagsasampa ng apela o paghiling ng isang
Patas na Pagdinig ng Estado. Gaano katagal kailangan ninyong magsampa ng apela o humiling ng isang
Patas na Pagdinig ng Estado. Kung kayo ay karapat-dapat na magpatuloy sa pagtatanggap ng mga serbisyo
habang hinihintay ninyo ang desisyon sa isang Apela o Patas na Pagdinig ng Estado.
Kailan ninyo dapat isampa ang kahilingan sa isang Apela o Patas na Pagdinig ng Estado kung nais ninyong magpatuloy ang mga serbisyo.
Ano ang Dapat Kong Gawin kapag Nakatanggap ako ng Abisp? Kapag nakatanggap kayo ng Abiso ng Pagkilos (Notice of Action), dapat ninyong basahin ang lahat ng impormasyon sa form nang maingat. Kung hindi ninyo nauunawaan ang form, matutulungan kayo ng inyong MHP. Maaari rin ninyong humiling ng tulong sa iba. Kung nakasaad sa Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) na form na maaari kayong magpatuloy sa mga serbisyo habang hinihintay ninyo ang isang desisyon sa Patas na Pagdinig ng Estado, kailangan ninyong humiling ng isang patas na pagdinig ng estado sa loob ng 10 araw mula sa petsa nang ipinadala sa koreo o personal na ibinigay sa inyo ang Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) o , kung ang Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) ay pinadala ng higit sa 10 bago ang petsa ng bis ng pagbabago sa mga serbisyo, bago ang petsa ng bisa ng pagbabago.
Mangyari lang basahin ang susunod na seksyon sa libritong ito sa Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema para sa karagdagang impormasyon sa mga karaingan, apela at Mga Patas na Pagdinig ng Estado.
Estado ng California 21 Abiso ng Pagkilos (Notice of Action)
Kailangan ninyo magpasya kung kayo ay sumasang-ayon kung ano ang sinasabi ng MHP sa form. Kung kayo ay magpasya na hindi kayo sumasang-ayon, maaari kayong magsampa ng isang Apela sa inyong MHP, o makalipas na kumpletuhin ang proseso ng Apela, maaari kayong humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado, ngunit mag-ingat sa pagsusumite sa oras. Madalas, mayroon kayong 90 araw upang humiling ng Patas na Pagdinig ng Estado o magsampa ng Apela.
Mga Proseso sa Paglulutas ng
Paano kung Hindi ko Matanggap ang Mga Serbisyo na Nais ko Mula sa MHP sa aking County? Ang MHP sa inyong county ay may paraan kung paano ninyo maaaring malutas ang anumang isyu na may kinalaman sa isang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na natatanggap ninyo. Ito ay tinatawag na proseso ng paglulutas sa problema at ito ay malulutas sa pamamagitan ng:
1. Proseso ng Karaingan- isang pagpapahayag ng di kasiyahan sa anumang bagay na may kinalaman sa inyong mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na hindi isa sa mga problemang sakop ng mga proseso para sa Apela at Patas na Pagdinig ng Estado.
2. Ang Proseso ng Apela - pagrerepaso sa isang desisyon (pagtatanggi o pagbabago sa mga serbisyo) na ginawa tungkol sa inyong mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ng MHP o ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider).
O, sa sandaling nakumpleto na ninyo ang proseso ng paglulutas ng problema sa MHP, maaari kayong magsampa ng: 3. Ang Proseso para sa Patas ng Pagdinig ng Estado- repasuhin para tiyakin na
nakakatanggap kayo ng mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan kung saan mayroon kayong karapatan sa ilalim ng programa ng Medi-Cal.
Ang inyong MHP ay magkakaloob ng mga form para sa karaingan at apela at mga sobre na may selyo na at address, sa lahat ng mga site ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider), at hindi na ninyo kailangang humingi nito sa iba pang tao. Ang MHP sa inyong county dapat dapat na maglagay ng mga abiso na nagpapaliwanag sa mga pamamaraan ng proseso ng karaingan at apela sa mga lokasyon sa lahat ng mga lugar kung naasan ang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider), at gawing handang magamit ang mga serbisyo ng interpreter ng wika nang walang dagdag na bayad, kasama ng mga libreng toll na numero para makatulong sa inyo habang may mga normal na oras ng trabaho. Ang pagsasampa ng karaingan o apela o Patas na Pagdinig ng Estado ay hindi gagamitin bilang panlaban sa inyo. Kapag nakumpleto na ang inyong karaingan o apela, ang MHP ng inyong county ay magsasabi sa inyo at sa ibang mga kabilang ang tungkol sa panghuling resulta. Kapag nakumpleto na inyong Patas na Pagdinig ng Estado, sasabihin sa inyo ng Tanggapan ng Pagdinig sa Estado at sa ibang mga kabilang ang tungkol sa panghuling resulta.
Maaari Ba Ako Makakuha ng Tulong sa Pagsasampa ng isang Apela, Karaingan o Patas na Pagdinig ng Estado? Ang MHP sa inyong county ay may mga handang maglingkod na tauhan upang ipaliwanag ang mga prosesong ito sa inyo at tulungan kayo na i-ulat ang isang problema bilang isang Karaingan, isang Apela, o isang kahilingan para sa Patas na Pagdinig ng Estado. Maaari rin nila kayong tulunga na malaman kung kayo ay kuwalipikado para sa tinatawag na ‘pinabilis’ na proseso, na nangangahulugan na ito ay rerepasuhin sa mas mabilis na paraan dahil ang inyong kalusugan o pagiging matatag ng inyong kalusugan ay nanganganib. Maaari rin ninyong bigyang awtorisasyon ang ibang tao na kumilos sa ngalan ninyo, kasama ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa kalusugang pangkaisipan.
Paano kung Kailangan ko ng Tulong para Malutas ang isang Problema sa My MHP Ngunit hindi Ninyo Nais na Magsampa ng Isang Karaingan o Apela? Maaari kayong makakuha ng tulong mula sa Estado kung kayo ay nagkakaproblemang makahanap ng tamang tao sa MHP para tulungan kayong maunawaan kung paano gamitin ang sistema ng MHP. Ang Estado ay mayroong mga programa ng Mental Health Ombudsman Services na makakapagbigay sa inyo ng impormasyon kung paano gumagana ang sistema ng MHP, ipinapaliwanag ang inyong mga karapatan at mga pagpipilian, tulungan kayong lutasin ang mga problema sa pamamagitan ng pagkukuha ng mga serbisyo na kailangan ninyo, at irekumenda kayo sa MHP o sa inyong komunidad na maaaring makatulong.
Ang MHP ay responsabile na mapahintulutan kayo na humiling ng isang pagrerepaso sa isang desisyon na ginawa patungo sa inyong mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ng MHP o ng inyong mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider). Mayroong dalawang paraan na makakahiling kayo ng isang pagrerepaso. Ang isang paraan ay ang paggamit ng standard na proseso para sa Mga Apela. Ang ikalawang paraan ay ang paggamit
Ang Mental Health Ombudsman Service ng Estado ay maaaring matawagan sa (800) 896-4042 (may mga serbisyo ng interpreter) o TTY (800) 896-2512, sa pamamagitan ng pagpapadala ng fax sa (916) 653-9194, o pagpapadala ng email sa ombudsman@dmh .ca.gov.
Habang ang karamihan sa mga county ay maaaring mamahala sa Proseso ng Paglulutas sa Problema sa paraan na nakasaad, maaaring may ilang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga county kung paano pinangangasiwaan ang mga bagay. Basahin ang mga tiyak na impormasyon sa inyong county na matatagpuan sa unahan ng libritong ito.
22 Estado ng California Mga Proseso sa Paglulutas ng
ANG MGA PROSESO NG Mga Apela (Standard at Pinabilis) ng proseso para sa pinabilis na Mga Apela. Ang dalawang anyo ng ito ng Mga Apela ay magkatulad; gayunman, may mga tiyak na kahilingan para maging kuwalipikado para sa isang pinabilis na Apela. Ang mga tiyak na kahilingan ay ipinapaliwanag sa ibaba.
Ano ang isang Standard na Apela? Ang Standard na Apela ay isang kahilinga para sa pagrerepaso ng isang problema na mayroon kayo sa MHP o sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na kinabibilangan ng pagtatanggi o mga pagbabago sa mga serbisyo na sa palagay ninyo ay kailangan ninyo. Kung humiling kayo ng isang standard na Apela, maaaring tumagal ng hanggang 45 araw bago marepaso ito. Kung sa palagay ninyo na ang paghihintay ng 45 araw ay ilalagay sa panganib ang inyong kalusugan, kailangan ninyong humiling ng isang ‘pinabilis na Apela’. Ang proseso ng standard na mga apela ay:
Papahintulutan kayong magsampa ng isang Apela nang personal , sa telepono, o sa pamamagitan ng kasulatan. Kung isumite ninyo ang inyong Apela nang personal o sa pamamagitan ng telepono, kailangan inyong sundan ito ng isang nilagdaang nakasulat na Apela. Maaari kayong makakuha ng tulong sa pagsusulat ng Apela. Kung hindi ninyo sundan ng isang nilagdaan na nakasulat na Apela, hindi malulutas ang Apela. Gayunman, ang petsa na dapat isumite ninyo ang oral o binigkas na Apela ay ang petsa ng paghahain.
Tiyakin na ang paghahain ng Apela ay hindi maipanlalaban sa inyo o sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa anumang paraan.
Pahintulutan kayo na bigyang awtorisasyon ang ibang tao na kumilos sa ngalan ninyo, kabilang na ang tagapagkaloob ng serbisyo (provider). Kung bigyan ninyo ng awtorisasyon ang isang tao na kumilos sa ngalan ninyo, maaaring hilingin mula sa inyo ng MHP na lumagda sa isang form na nagpapahintulot sa MHP na magpalabas ng impormasyon sa nasabing tao.
Ipagpatuloy ang inyong mga benepisyo kung humiling ng isang Apela sa loob ng hinihiling na takdang panahon, na 10 araw mula sa petsa nang ipinadala sa koreo o personal na binigay sa inyo ang Abiso ng Pagkilos (Notice of Action). Hindi ninyo kailangang bayaran ang mga patuloy na serbisyo habang nakabinbin ang Apela.
Tiyakin na ang mga indibiduwal na nagdedesisyon ay kuwalipikado na gawin ito at hindi kabilang sa anumang nakaraang antas ng pagrerepaso o pagdedesisyon.
Pahintulutan kayo o ang inyong kinatawan na suriin ang inyong kaso sa file, kasama ang inyong medikal na rekord, at anumang iba pang mga dokumento o mga rekord na isinasaalang-alang habang proseso ng apela, bago at habang isinasagawa ang proseso ng apela.
Pahintulutan kayong magkaroon ng makatuwirang oportunidad na magpakita ng katibayan at mga alegasyon ng katotohanan o batas, nang personal o sa pamamagitan ng kasulatan.
Pahintulutan kayo, ang inyong kinatawan, o ang legal na kinatawan ng estate ng pumanaw nang beneficiary na masama bilang mga partido sa isang apela.
Pahintulutan kayong malaman na nirerepaso ang inyong apela sa pamamagitan ng pagpapadala sa inyo ng isang nakasulat na kumpirmasyon
Ipagbigay-alam sa inyo ang inyong karapatan na humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado, kasunod ng pagtatapos ng proseso ng Apela.
Estado ng California 23 Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema – ANG MGA PROSESO ng mga
Saan Ako Maaaring Magsampa ng Isang Apela? Maaari kayong magsampa ng isang apela sa MHP ng inyong county?
Ang inyong MHP o isa sa mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ng MHP ay nagpasya na hindi kayo kuwalipikado na makatanggap ng anumang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ng Medi-Cal dahil hindi kayo nakakatugon sa kriterya na kinakailangan sa paggagamot. (Basahin ang pahina 17 para sa impormasyon tungkol sa pangangailangan sa paggagamot.)
Kung sa palagay ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na kailagnan ninyo ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan at humingi ng aprubasyon mula sa MHP, ngunit hindi sumang-ayon ang MHP at sinabing “hindi” sa kahilingan ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider), o baguhin ang uri o dalas ng paglilingkod.
Kung tinanong ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ang MHP para maaprubahan, ngunit kailangan ng MHP ng karagdagang impormasyon para makapagdesisyon at hindi makumpleto ang proseso ng aprubasyon sa oras.
Kung hindi maipagkaloob ng MHP ang mga serbisyo sa inyo batay sa mga takdang panahon na itinakda ng MHP.
Kung sa palagay ninyo na ang MHP ay nagkakaloob ng mga serbisyo ng hindi sapat ang bilis upang makatugon sa inyong mga pangangailangan.
Sa inyong karaingan, apela, o pinabilis na apela ay hindi nalutas sa oras. Kung kayo at ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ay hindi
magkasang-ayon sa mga serbisyong kailangan ninyo
Paano Ako Maaaring Magsampa ng Isang Apela? Basahin ang unahang bahagi ng libritong ito para sa impormasyon kung paano makakapaghain ng isang apela sa inyong MHP. Maaari ninyong tawagin ang libreng toll na numero ng telepono ng MHP sa inyong county (nasa unahang bahagi rin ng libritong ito) para makakuha ng tulong sa pagsasampa ng isang apela. Ang MHP ay magbibigay ng mga sobre na may selyo na at may nakasaad na address sa lahat ng mga lugar kung saan nagtatrabaho ang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para maipadala ninyo sa koreo ang inyong apela.
Paano Ko Malaman kung ang Aking Apela ay Napagpasyahan na? Ipagbibigay-alam sa inyo o sa inyong kinatawan ng inyong MHP sa pamamagitan ng kasulatan ang kanilang desisyon sa inyong apela. Ang abiso ay may mga sumusunod na impormasyon:
Ang mga resulta ng proseso ng resolusyon ng apela Ang petsa nang nabigay ang desisyon sa apela Kung ang apela ay hindi nalutas nang ganap sa inyong pabor, ang abiso ay
may impormasyon rin hinggil sa inyong karapatan para sa patas na pagdinig ng estado at pamamaraan sa paghahain ng isang patas na pagdinig ng estado.
Mayroon Bang Naitakdang Huling Araw para Makapaghain ng Apela? Kailangan ninyong maghain ng apela sa loob ng 90 araw mula sa petsa ng pagkilos na nagsasampa kayo ng apela kapag kayo ay nakatanggap ng abiso ng Pagkilos (Notice of Action) (basahin ang pahina 20). Tandaan na hindi kayo parating makakatanggap ng abiso ng Pagkilos (Notice of Action). Walang mga takdang huling araw sa paghahain ng apela kapag hindi kayo nakatanggap ng abiso ng pagkilos; kaya’t maaari kayong magsampa kahit kailan.
Estado ng California 24 Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema – ANG MGA PROSESO ng mga
Kailang Makakapagdesisyon sa Aking Apela? Kailangang magpasya ang MHP sa inyong apela sa loob ng 45 araw na batay sa kalendaryo mula nang matanggap ng MHP ang inyong kahilingan para sa apela. Ang mga takdang panahon ay maaaring patagalin ng hanggang 14 araw na batay sa kalendaryo kung humiling kayo na pahabain ang panahon, o kung nararamdaman ng MHP na may pangangailangan ng karagdagang impormasyon at ang pagkaaantala ay para sa inyong pakinabang. Isang halimbawa ng pagkaaantala na para sa inyong pakinanabang ay kapag sa palagay ng MHP na maaaring maaprubahan ang inyong apela kung ang MHP may karagdagan pang panahon na makakuha ng impormasyon mula sa inyo o sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider). Paano kung Hindi Ako Makakapaghintay ng 45 Araw para sa Desisyon ng Aking Apela? Ang proseso ng apela ay maaaring mas mabilis kung kuwalipikado ito para sa proseso ng pinabilis na apela. (Mangyari lang basahin ang seksyon ng Pinabilis na Mga Apela sa ibaba.) Ano ang isang Pinabilis na Apela? Ang pinabilis na apela ay isang mas mabilis na paraan para magpasya sa isang apela. Ang proseso para sa mga pinabilis na apela ay sumusunod sa mga katulad na proseso kaysa sa proseso ng standard na apela. Gayunman,
Ang inyong apela ay dapat makatugon sa ilang mga kahilingan (basahin sa ibaba). Ang proseso para sa mga pinabilis na apela ay sumusunod rin ng ibang mga huling
takdang panahon kaysa sa mga standard na apela. Maaarin kayong magsagawa ng isang binibigkas na kahilingan para sa isang
pinabilis na apela. Hindi ninyo kailangang gumawa ng kasulatan para sa inyong kahilinga sa pinabilis na apela.
Saan Ako Maaaring Magsampa ng Isang Pinabilis na Apela? Kung sa palagay ninyo na ang paghihintay ng 45 araw para sa desisyon ng standard na apela ay mailalagay sa panganib ang inyong buhay, kalusugan o kakayahan na matamo, mapanatili o makuha muli ang maximum na pagganap, maaari kayong humiling ng isang pinabilis na apela. Kung sumang-ayon ang HP na ang inyong apela ay nakakatugon sa mga kahilingan ng isang pinabilis na apela, lulutasin ng MHP ang inyong pinabilis na apela sa loob ng 3 araw ng trabaho makalipas na matangga png MHP ang isang pinabilis na apela. Ang mga takdang panahon ay maaaring patagalin ng hanggang 14 araw na batay sa kalendaryo kung humiling kayo na pahabain ang panahon, o kung nararamdaman ng MHP na may pangangailangan ng karagdagang impormasyon at ang pagkaaantala ay para sa inyong interes. Kung pinatagal ng inyong MHP ang mga takdang panahon, bibigyan kayo ng MHP ng isang nakasulat na pagpapaliwanag kung bakit pinatagal ang mga takdang panahon. Kung magpasya ang MHP na ang iyong apela ay hindi kuwalipikado para sa isang pinabilis na apela, pasalitang ipapagbigay-alam ng MHP sa inyo kaagad at ibabalita rin sa inyo sa pamamagitan ng kasulatan sa loob ng 2 araw na batay sa kalendaryo. Ang inyong apela ay kasunod ng isang standard na takdang panahon para sa pag-apela na naibalangkas sa itaas ng seksyon na ito. Kung kayo ay di sumasang-ayon sa desisyon ng MHP na ang inyong apela ay hindi nakakatugon sa kriterya ng pinabilis na apela, maaari kayong maghain ng isang karaingan (basahin ang paglalarawan ng proseso sa karaingan sa ibaba). Sa sandaling nalutas na ng MHP ang inyong pinabilis na apela, ipagbibigay-alam sa inyo ng MHP at sa lahat ng mga kasangkot na partido sa pamamagitan ng pagsasabi at sa kasulatan.
Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema – ANG MGA PROSESO ng mga Apela (Standard at Pinabilis)
Estado ng California 25
ANG MGA PROSESO NG Patas na Pagdinig ng Estado
(Standard at Pinabilis)
Ano ang Isang Patas na Pagdinig ng Estado? Ang Patas na Pagdinig ng Estado ay isang independiyenteng pagrerepaso na isinasagawa ng California Department of Social Services para matiyak na kayo ay nakakatanggap ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan kung saan may karapatan kayong gamitin sa ilalim ng programa ng Medi-Cal. Ano ang Aking Mga Karapatan para sa Patas na Pagdinig ng Estado? Ikaw ay may karapatan na:
May pagdinig sa harap ng California Department of Social Services (na tinatawag rin na Patas na Pagdinig ng Estado)
Sabihin kung paano humiling ng isang Paglilitis ng Estado Sabihin ang tungkol sa mga tuntuni na namamahala sa pangangatawan sa isang
Patas na Pagdinig ng Estado. Nagpatuloy ba ang inyong mga benepisyo nang hilingin ninyo ito sa proseso ng
Patas na Pagdinig ng Estado kung nahiling ninyo ang isang Patas na Pagdinig ng Estado sa loob ng mga tinakdang panahon.
Saan Ako Maaaring Magsampa para sa isang Patas na Pagdinig ng Estado? Maaari kayong Magsampa para sa isang Patas na Pagdinig ng Estado sa:
Kung nakumpleto na ninyo ang proseso para sa Karaingan at/o Apela ng MHP. Ang inyong MHP o isa sa mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ng MHP ay
nagpasya na hindi kayo kuwalipikado na makatanggap ng anumang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ng Medi-Cal dahil hindi kayo nakakatugon sa kriterya na kinakailangan sa paggagamot. (Basahin ang pahina 17 para sa impormasyon tungkol sa pangangailangan sa paggagamot.)
Kung sa palagay ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na kailagnan ninyo ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan at humingi ng aprubasyon mula sa MHP, ngunit hindi sumang-ayon ang MHP at sinabing “hindi” sa kahilingan ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider), o baguhin ang uri o dalas ng paglilingkod.
Kung tinanong ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ang MHP para maaprubahan, ngunit kailangan ng MHP ng karagdagang impormasyon para makapagdesisyon at hindi makumpleto ang proseso ng aprubasyon sa oras.
Kung hindi maipagkaloob ng MHP ang mga serbisyo sa inyo batay sa mga takdang panahon na itinakda ng MHP.
Kung sa palagay ninyo na ang MHP ay nagkakaloob ng mga serbisyo ng hindi sapat ang bilis upang makatugon sa inyong mga pangangailangan.
Sa inyong karaingan, apela, o pinabilis na apela ay hindi nalutas sa oras. Kung kayo at ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ay hindi magkasang-
ayon sa mga serbisyong kailangan ninyo
Paano ako Hihiling ng Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)? Maaari kayong humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado nang direkta sa California Department of Social Services. Maaari kayong Humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado sa pamamagitan ng pagsusulat sa:
State Hearing Division California Department of Social Services P.O. Box 9424443, Mail Station 19-37 Sacramento, CA 94244-2430
Estado ng California 26 Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema – ANG MGA PROSESO ng mga Apela
(Standard at Pinabilis)
Para humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing), maaari rin kayo tumawag sa (800) 952-5253, magpadala ng fax sa (916) 229-4110, o sumulat sa Department of Social Services/State Hearings Division, P.O. Box 944243, Mail Station 19-37, Sacramento, CA 94244-2430.
Mayroon Bang Takdang Huling Araw sa Paghahain ng Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)? Kung hindi kayo nakatanggap ng abiso ng pagkilos (notice of action), maaari kayong magsampa ng isang Patas na Pagdinig ng Estado kahit kailan.
Maaari Ba Akong Patuloy na Makatanggap ng Mga Serbisyo Habang Hinihintay ang Desisyon ng Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)? Maaari kayong patuloy na makatanggap ng mga serbisyo habang kayo ay naghihintay ng desisyon para sa Patas na Pagdinig ng Estado kung iniisip ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na ang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na natatanggap na ninyo ay kailangang ipagpatuloy at humiling sa MHP na aprubasyon para makapagpatuloy, ngunit ang MHP ay hindi sumasang-ayon at sinabing “hindi” sa kahilingan ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider),o pagbabago sa mga uri o dalas ng serbisyo na hiniling. Parati kayong makakatanggap ng Abisp mula sa MHP kapag nangyari ito. Dagdag pa dito, hindi ninyo kailangan magbayad para sa mga serbisyong ipinagkaloob habang nakabinbin ang Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing).
Ano ang Dapat Kong Gawin kung Nais kong Patuloy na Makatanggap ng Mga Serbisyo Habang Hinihintay ang Desisyon ng Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)? Kung nais ninyo na ang inyong gma serbisyo ay magpatuloy habang sumasailalim sa proseso ng Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing), kailangan ninyong humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado sa loob ng 10 araw mula sa petsa nang ipinadala sa koreo ang inyong abiso ng Pagkilos (Notice of Action) o nang personal itong ibinigay sa inyo.
Paano kung Hindi Ako Makakapaghintay ng 90 Araw para sa Desisyon ng Aking Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing)? Maaari kayong humiling ng isang pinabilis na Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing) kung sa palagay ninyo na ang normal na 90 araw na takdang panahon ay magiging sanhi ng mga malulubhang problema sa inyong kalusugang pangkaisipan, kabilang na ang mga problema sa inyong kakayahan na matamo, mapanatili o muling makuha ang mga pagganap na mahalaga sa pamumuhay. Rerepasuhin ng Department of Social Services, State Hearings Division, ang inyong kahilingan para sa pinabilis na Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing) at magpapasya kung kuwalipikado ito. Kung ang inyong kahilingan para sa pinabilis na pagdinig ay naaprubahan, magsasagawa ng isang pagdinig at isang desisyon ang ipapalabas sa loob ng 3 araw na may pasok sa trabaho mula sa petsa nang matnaggap ang inyong kahilingan ng State Hearings Division.
Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema - ANG PROSESO ng Karaingan Estado ng California 27
ANG PROSESO NG Karaingan
Ano ang Isang Karaingan? Ang karaingan ay isang paglalarawan sa di kasiyahan tungkol sa anumang bagay hinggil sa inyong specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na hindi isa sa mga problemang sakop ng mga proseso para sa Apela at Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing) (basahin ang mga pahina 23 at 26 para sa impormasyon sa mga proseso ng Apela at Patas na Pagdinig ng Estado). Ang proseso ng karaingan ay:
Kabibilangan ng simple at madaling maunawaan na mga pamamaraan na pinapahintulutan kayong ipakita ang inyong karainga nang pabigkas o sa pamamagitan ng kasulatan.
Hindi maipanlalaban sa inyo o sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa anumang paraan.
Pahintulutan kayo na bigyang awtorisasyon ang ibang tao na kumilos sa ngalan ninyo, kabilang na ang tagapagkaloob ng serbisyo (provider). Kung bigyan ninyo ng awtorisasyon ang isang tao na kumilos sa ngalan ninyo, maaaring hilingin mula sa inyo ng MHP na lumagda sa isang form na nagpapahintulot sa MHP na magpalabas ng impormasyon sa nasabing tao.
Tiyakin na ang mga indibiduwal na nagdedesisyon ay kuwalipikado na gawin ito at hindi kabilang sa anumang nakaraang antas ng pagrerepaso o pagdedesisyon.
Kilalanin ang mga tungkulin at responsibilidad ninyo, ng inyong MHP at inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider)
Magbigay ng kalutasan sa karaingan ayon sa mga hiniling na takdang panahon.
Saan Ako Maaaring Magsampa ng Isang Karaingan? Maaari kayong maghain ng karaingan sa MHP kung hindi kayo nasisiyahan sa mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na natatanggap ninyo mula sa MHP o may iba pang ikinababahala hinggil sa MHP.
Paano Ako Maaaring Magsampa ng Isang Karaingan? Maaari ninyong tawagan ang libreng toll na numero ng telepono ng MHP ng county para makakuha ng tulong sa isang karaingan. Ang MHP ay magbibigay ng mga sobre na may selyo na at may nakasaad na address sa lahat ng mga lugar kung saan nagtatrabaho ang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para maipadala ninyo sa koreo ang inyong karaingan. Ang mga karaingan ay maaaring ihain nang pasalita o sa pamamagitan ng kasulatan. Ang mga binibigkas na karaingan ay hindi kailangan pasundan ng isang kasulatan.
Paano Ko Malalaman Kung Natanggap ng MHP ang Aking Karaingan? Sasabihin sa inyong ng inyong MHP na natanggap na nito ang karaingan sa pamamagitan ng pagpapadala sa inyo ng isang nakasulat na kumpirmasyon.
Kailan Mapagpapasyahan ang Aking Karaingan? Ang MHP ay dapat magdesisyon tungkol sa inyong karaingan sa loob ng 60 araw na batay sa kalendaryo mula sa petsa nang ihain ninyo ang inyong karaingan. Ang mga takdang panahon ay maaaring patagalin ng hanggang 14 araw na batay sa kalendaryo kung humiling kayo na pahabain ang panahon, o kung nararamdaman ng MHP na may pangangailangan ng karagdagang impormasyon at ang pagkaaantala ay para sa inyong pakinabang. Isang halimbawa ng pagkaaantala na para sa inyong pakinanabang ay kapag sa palagay ng MHP na maaaring maaprubahan ang inyong karaingan kung ang MHP may karagdagan pang panahon na makakuha ng impormasyon mula sa inyo o iba pang mga taong kasangkot.
Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema – ANG MGA PROSESO ng Patas na Pagdinig ng Estado (Standard at Pinabilis)
Noong 2003, ang ilan sa mga salitang ginamit para ilarawan ang proseso ng MHP ay makakatulong sa inyong malutas ang mga problema sa binagong MHP. Maaaring hindi na kayo humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing) kahit kailan habang proseso ng Karaingan o Apela.
Estado ng California 28
Paano Ko Malalaman Kung Nakapagdesisyon na ang MHP sa Aking Karaingan? Kapag nakapagdesisyon na hinggil sa inyong karaingan, ipagbibigay-alam sa inyo ng MHP o sa inyong kinatawan sa pamamagitan ng isang kasulatan, ang tungkol sa desisyon. Kung nabigong sabihin sa inyo ng MHP o sa sinumang mga naaapektuhang partido ang desisyon sa karaingan sa oras, tapos bibigyan kayo ng MHP ng isang abiso ng pagkilos na nagpapayo sa inyo ng inyong karapatan na humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing) Ang inyong MHP ay magbibigay sa inyo ng isang abiso sa pagkilos (notice of action) sa petsa na nagpaso na ang takdang panahon.
Mayroon Bang Naitakdang Huling Araw para Makapaghain ng Karainga? Maaari kayong maghain ng karaingan kahit kailan.
Estado ng California 29 Mga Proseso sa Paglulutas ng Problema - ANG PROSESO ng Karaingan
Ang Inyong Mga Karapatan
Ano ang Aking Mga Karapatan? Bilang isang taong karapat-dapat para sa Medi-Cal, may karaoatan kayong makatanggap kinakailangan sa paggamot na specialty na mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa MHP. Kapag ginagamit ang mga serbisyong ito, mayroon kayong karapatan na:
Pakitunguhan nang mas sukdulang paggalang at paggalang sa inyong
dignidad at privacy. Tumanggap ng impormasyon sa mga magagamit na opsyon sa paggagamot
at mga alternatibo dito; at ipakita ang mga ito sa paraan na mauunawaan ninyo.
Lumahok sa mga desisyon hinggil sa inyong pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan, kasama na ang karapatan na tumangging magamot.
Malaya mula sa anumang uri ng pagpipigil o paghiihwalay na ginamit bilang isang paraan ng pamimilit, pagdidisiplina, bilang pampadali ng gawain, pagpaparusa o paghihiganti tulad nang tiniyak sa mga pederal na tuntunin ukol sa paggamit ng mga pampigil at paghihiwalay sa mga pasilidad tulad ng mga ospital, ng nursing facility at mga psychiatric na residensyal na pasilidad sa paggagamot kung saan kailangan ninyong mamalagi nang magdamag para magamot.
Humiling at makakuha ng kopya ng inyong mga medikal na rekord, at hilingin na masusog o mawasto ang mga ito.
Tumanggap ng impormasyon tungkol sa libritong ito tungkol sa mga serbisyo na sakop ng MHP, iba pang mga obligasyon ng MHP at inyong mga karapatan tulad nang inilarawan dito. May karapatan rin kayo na matanggap ang impormasyong ito at iba pang impormasyong ipinagkaloob sa inyo ng MHP sa isang uri na madaling maunawaan. Ito ay nangangahulugan, halimbawa, na ang MHP ay dapat gawing handang magamit o mabasa ang nakasulat na mga impormasyon nito sa mga wika na ginagamit ng kahit man lang 5 porsiyento o 3,000, alinman ang mas kaunti, ng mga karapat-dapat na tao sa Medi-Cal sa county ng MHP at gawing handang magamit ang mga serbisyo ng interpreter nang walang bayad para sa mga taong nagsasalita ng ibang wika. Ito rin ay nangangahulugan na ang MHP ay dapat magkaloob ng iba’t ibang mga materyal para sa mga taong may espesyal na pangangailangan, tulad ng mga taong bulag o may limitadong paningin o mga taong may kahirapan magbasa.
Tumanggap ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa isang MHP na sumusunod sa mga kahilingan ng kontrata nito sa Estado sa mga lugar kung saan magagamit ang mga serbisyo, pagtitiyak ng sapat na kapasidad at serbisyo, koordinasyon at pagpapatuloy sa pag-aalaga at sakop at awtorisasyon ng mga serbisyo. Hinihiling mula sa MHP na: Kumuha bilang empleyado o magkaroon ng mga nakasulat na kontrata sa
mga sapat na bilang ng mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para matiyak na ang lahat ng mga indibiduwal na karapat-dapat para sa Medi-Cal na kuwalipikado para sa mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan ay makakakuha nito sa oras.
Sakupin ang mga kinakailangan sa paggagamot na serbisyo sa labas ng network para sa inyo sa oras, kung ang MHP ay walang empleyado o nakakontratang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na maibibigay ang mga serbisyong ito. Nangangahulugan ang “wala sa network na tagapagkaloob ng serbisyo” o “out of network provider” na isang tagapagkaloob ng serbisyo na wala sa listahan ng mga tagapagkaloob ng serbisyo ng MHP. Dapat tiyakin ng
Estado ng California 30 Ang Inyong
MHP na wala kayong dagdag na ibabayad para sa pagpapatipid sa wala sa network na tagapagkaloob ng serbisyo.
Tiyakin na ang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ay kuwalipikado na
magbigay ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na sumang-ayon ang mga tagapagkaloob ng serbisyo na sakupin.
Tiyakin na ang mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan na sakop ng MP ay sapat sa dami, tagal at sakop upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga indibiduwal na karapat-dapat sa Medi-Cal na pinaglilingkuran nito. Kabilang na dito ang pagtitiyak na ang sistema ng MHP para sa pagbibigay awtorisasyon sa bayad ng mga serbisyo batay sa pangangailangan sa paggagamot at gumagamit ng mga proseso upang matiyak ang patas na pagpapataw ng kriterya para sa pangangailangan sa paggagamot.
Tiyakin na ang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ay nagsasagawa ng mga angkop na pagtatasa sa mga indibiduwal na maaaring makatanggap ng mga serbisyo at trabaho sa mga indibiduwal na makakatanggap ng mga serbisyo para makabuo ng isang plano sa paggagamot na kinabibilangan ng mga layunin sa paggagamot at mga serbisyo na ipagkakaloob.
Magbigay ng ikalawang opinyon mula sa isang kuwalipikadong propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan na napapaloob sa network ng MHP, o isang nasa labas ng network, nang walang dagdag na gastusin.
Ayusin ang mga serbisyong ipinagkakaloob nito sa mga serbisyong ibinibigay sa isang indibiduwal sa pamamagitan ng managed care na planong pangkalusugan ng Medi-Cal o sa inyong primary care provider, kung kinakailangan at, ang pag-aayos sa proseso, upang matiyak na ang privacy ng bawat indibiduwal na nakakatanggap ng mga serbisyo ay protektado tulad nang tiniyak sa mga pederal na tuntunin ng privacy sa impormasyong pangkalusugan.
Magbigay ng nasa oras na paraang makagamit ng pag-aalaga, kabilang na ang paggagawang handang magamit ang mga serbisyo ng 24 oras, 7 araw sa isang linggo; kapag kinakailangan sa paggagamot para magamot ang isang emergency na psychiatric na kondisyon o isang maagap o krisis na kondisyon.
Lumahok sa mga pagsisikap ng Estado upang mataguyod ang paghahatid ng mga serbisyo sa isang paraan na naaangkop sa kultura ng lahat ng mga nag-enroll, kabilang na iyong mga may limitadong kaalaman sa Ingles at iba’t ibang background sa kultura at etniko.
Dapat tiyakin ng MHP na ang inyong paggagamot ay hindi salungat na makaka-apekto bilang resulta ng paggamit ng inyong mga karapatan. Hinihiling mula sa inyong Plano para sa Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health Plan) na sundan ang iba pang mga naaangkop na Pederal at Pang-estadong mga batas (tulad ng Ang Title VI ng Civil Rights Act of 1964 tulad nang ipinatupad ng mga regulasyon ng 45 CFR part 80; ang Age Discrimination Act of 1975 tulad nang ipinatupad sa mga regulasyon ng 45 CFR part 91; ang Rehabilitation Act of 1973; at Titles II at III ng Americans with Disabilities Act) at pati na rin ang mga karapatan na inilarawan dito. Mayroon kayong mga karagdagang karapatan sa ilalim mg baas ng estado tungkol sa paggagamot para sa kalusugang pangkaisipan at maaaring gustong makipag-ugnayan sa inyong Patient’s Rights Advocate (Tagapagtanggol ng Mga Karapatan ng Pasyente) sa inyong county (tumawag sa inyong mental department ng inyong county na nakalista sa lokal na direktoryo at hanapin ang Patient’s Rights Afvocate) na may mga partikular na tanong.
Estado ng California 31 Ang Inyong Mga
MGA PAUNANG TAGUBILIN (ADVANCE DIRECTIVES)
Ano ang isang Paunang Tagubilin (Advance Directive)? Mayroon kayong karapatan na magkaroon ng isang paunang tagubilin. Ang isang paunang tagubilin (advance directive) ay isang nakasulat na tagubilin tungkol sa inyong pangangalagang pangkalusugan na kinikilala sa ilalim ng batas ng California. Karaniwan ay nakasaad dito kung paano ninyo nais na ipagkaloob ang inyong pangangalaga sa kalusugan, o sabihin kung anong mga desisyon ang nais ninyong gawin, kung o kapag hindi na ninyo kayang makapagsalita para sa inyong sarili. Maaaring marinig ninyo minsan ang isang paunang tagubilin na inilalarawan bilang isang buhay na testamento o isang matatag na power of attorney. Pinakakahulugan ng batas ng California na ang isang paunang tagubilin (advance directive) bilang isang binibigkas o nakasulat na indibiduwal na tagubilin para sa pangangalaga ng kalusugan o isang power of attorney (isang nakasulat na dokumento na nagbibigay pahintulot sa isang tao na magdesisyon para sa inyo). Hinihiling mula sa lahat ng mga MHP na magkaroon ng natakdang patakaran para sa paunang tagubilin (advance directive). Hinihiling mula sa inyong MHP na magbigay sa sinumang adulto na karapat-dapat sa Medi-Cal ng isang nakasulat na impormasyon tungkol sa mga patakaran sa paunang tagubilin (advance directive) ng MHP at isang pagpapaliwanag sa ipapataw na batas ng estado, kung humingi ng impormasyon ang adulto. Kung nais ninyong humiling ng impormasyon, kailangan ninyong tawagan ang libreng numero ng telepono ng inyong MHP na nakalista sa unahang bahagi ng libritong ito para sa karagdagang impormasyon. Ang paunang tagubilin (advance directive) ay nilikha upang mapahintulutan ang mga taong magkaroon ng kontrol sa kanilang sariling pagpapagamot, lalo na kapag hindi na nila kayang magbigay tagubilin mag-isa ukol sa kanilang sariling pag-aalaga. Ito ay isang legal na dokumento na nagpapahintulot sa mga taong sabihin, nang pauna, ang mga nais nila, kung hindi na nila makayanan na magdesisyon para sa pangangalaga ng kalusugan. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga bagay tulad ng karapatan na tumanggap o tanggihan ang medikal na paggagamot, operasyon, o iba pang mga pagpipilian para sa pangangalaga ng kalusugan. Sa California, ang paunang tagubilin (advance directive) ay binubuo ng dalawang bahagi:
1. Ang inyong pagtatalaga sa isang ahente (tao) na magdedesisyon sa
inyong pangangalaga ng kalusugan; at 2. Inyong mga tagubilin para sa indibiduwal na pangangalagang
pangkalsuugan Kung may reklamo kayo tungkol sa mga kahilingan para sa paunang tagubilin (advance directive), maaari kayong makipag-ugnayan sa California Department of Health Services, Licensing and Certification Division, sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 236-9747 o sa pamamagitan ng koreo sa Dept. of Public Health, Licensing and Certification Division, P.O. Box 997434, MS 3202, Sacramento, CA 95899-7434.
Estado ng California 32 Inyong Mga Karapatan - MGA PAUNANG
TAGUBILIN
KAKAYAHAN BATAY SA KULTURA
Bakit Mahalagang Isaalang-alang ang Kultura at Paraang Magamit ayon sa Wika? Ang isang sistema para sa kalusugang pangkaisipan na kompetente ayon sa kultura ay kinabibilangan ng mga kakayahan, pag-uugali at mga patakaran na tinitiyak na ang mga pangangailangan ng lahat ay natutugunan sa isang lipunan na may iba’t ibang mga pinapahalagahan, mga paniniwala at mga oryentasyon, at iba’t ibang mga lahi, relihiyon at wika. Ito ay isang sistema na nagpapahusay sa kalidad ng pangangalaga para sa lahat ng iba’t ibang mga uri ng tao sa California ay binibigyan ang mga ito ng pag-uunawa at paggalang sa mga pagkakaiba ng bawat isa. Ang MHP ng inyong county ay may responsibilidad na bigyan ang mga tao na pinaglilingkuran nito ng angkop sa kultura at wika na mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Halimbawa: ang mga hindi nagsasalita ng Ingles o may limitadong kaalaman sa Ingles na tao ay may karapatang tumanggap ng mga serbisyo sa kanilang pinipiling wika at karapatan na humiling ng isang interpreter. Kung humiling ng isang interpreter, kailangang magkaloob nito nang walang bayad. Ang mga taong humahangad ng serbisyo ay hindi kinakailangang magdala ng sarili nilang mga interpreter. Ang mga nakasulat at binibigkas na pagpapaliwanag ng inyong mga karapatan, benepisyo at paggagamot ay handang magamit sa inyong pinipiling wika. Makukuha rin ang impormasyon sa mga alternatibong format kung may hindi marunong magbasa o may mga kahirapan sa paningin. Ang unahang bahagi ng libritong ito ay nagsasabi sa inyo kung paano makukuha ang impormasyong ito. Hinihiling mula sa MHP ng inyong county na:
Magbigay ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa inyong pinipiling wika.
Magbigay ng mga pagtatasa at paggagamot na angkop sa inyong kultura.
Magbigay ng kombinasyon na mga pamamaraan na tiyak sa kultura para matuguna ang iba’t ibang mga pangangailangan ayon sa kultura na mayroon sa county ng MHP para makalikha ng isang ligtas at nakakatugon sa kultura na sistema.
Magsikap na bawasan ang mga hadlang sa wika o pananalita. Magsikap na tugunan ang mga pangangailangan na tiyak sa kultura
ng mga indibiduwal na tumatanggap ng mga serbisyo. Magkaloob ng mga serbisyo sa paraan na sensitibo sa mga tiyak sa
kulturang pananaw hinggil sa sakit o kapakanan ng kalusugan. Ikonsidera ang inyong pananaw sa mundo sa pagkakaloob ng mga
specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Magkaroon ng proseso sa pagtuturo sa mga empleyado ng MHP at
mga nakakontrata dito kung ano ang kahulugan na mamuhay nang may karamdamang pangkaisipan mula sa pananaw ng mga taong may karamdamang pangkaisipan.
Magbigay ng listahan ng mga magagamit na serbisyo ayon sa kultura/wika sa pamamagitan ng inyong MHP.
Magbigay ng listahan ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan at iba pang mga serbisyo ng MHP na
33 Estado ng California Ang Inyong Mga Karapatan -
KOMPETENSYA SA KULTURA
Ang mga hindi nagsasalita ng Ingles o may limitadong kaalaman sa Ingles na tao ay may karapatang tumanggap ng mga serbisyo sa kanilang pinipiling wika at karapatan na humiling ng isang interpreter.
magagamit sa inyong pangunahing wika (inayos ayon sa lokasyon at ipinagkakaloob na serbisyo.)
Magbigay ng mga serbisyo ng binibigkas na pagpapaliwanag nang walang bayad. Ito ay gagamitin sa lahat ng mga wikang hindi Ingles.
Magkaloob ng nakasulat na impormasyon sa mga pangunahing wika, mga alternatibong format, at sa isang angkop na paraan na ikinokonsidera ang mga espesyal na pangangailangan noong mga tao na, halimbawa, may limitasyon sa paningin o may limitadong kahusayan sa pagbabasa.
Magbigay ng walang bayad na toll na numero ng telepono para sa
buong estado, na magagamit ng 24 oras at pitong araw sa isang linggo, na may kakayahan sa inyong wika para makapagkaloob ng impormasyon sa inyo kung paano ninyo maa-access ang mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Kabilang dito ang mga serbisyong kinakailangan para gamutin ang inyong maagap na kondisyon, at kung paano gamitin ang resolusyon ng problema ng MHP at mga proseso ng Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing).
Alamin ang kahit man lang isang beses sa isang taon kung ang mga tao na mula sa iba’t ibang mga kultura, etniko at pananalita ay nakikita ang kanilang sairli na nakakatanggap ng parehong mga benepisyo mula sa mga serbisyo bilang tao sa pangkalahatan.
Estado ng California 34 Ang Inyong Mga Karapatan -
KOMPETENSYA SA KULTURA
Paano Maaaring Ipagkaloob sa Inyong Ang Mga Serbisyo
Paano Ako Makakakuha ng Mga Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan? Kung sa palagay ninyo na kailangan ninyo ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan, maaari kayong makatanggap ng mga serbisyo sa pamamagitan ng pagtatanong nito sa MSM mismo. Maaari ninyong tawagan ang libreng toll na numero ng telepono ng MHP na nakalista sa unahang seksyon ng libritong ito. Ang unahang parte ng libritong ito at ang seksyon na tinatawag na “Mga Serbisyo” sa pahina 9 ng librito ay magbibigay sa inyo ng impormasyon tungkol sa mga serbisyo at kung paano makuha ang mga ito mula sa MHP. Maaari rin kayong irekumenda sa inyong MHP para sa mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa iba pang mga paraan. Hinihiling mula sa inyong MHP na tumanggap ng mga rekumendasyon para sa mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa mga doktor at iba pang mga primary care na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na sa palagay ninyo ay maaaring mangailangan ng mga serbisyong ito at mula sa inyong managed care health plan sa Medi-Cal, kung miyembro kayo. Karaniwan, ang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) o ang managed care health plan ng Medi-Cal ay kakailanganin ang inyong pahintulot o pahintulot ng magulang o tagapag-alaga ng isang bata para gumawa ng isang rekumendasyon, maliban na lang kung may emergency. Ang iba pang mga tao at organisasyon ay maaari rin magsagawa ng mga rekumendasyon sa MHP, kabilang na ang mga paaralan; county welfare at social services department; mga conservator, mga tagapag-alaga o miyembro ng pamilya; at mga ahensya ng alagad ng batas.
Paano Ako Makakahanap ng Tagapagkaloob ng Serbisyo para sa Specialty na Serbisyo para sa Kalusugang Pangkaisipan na Kailangan Ko? Hinihiling ng ilang mga MHP mula sa inyo na tumanggap ng aprubasyon mula sa MHP sa inyong county bago kayo makipag-ugnayan sa isang tagapagkaloob ng serbisyo. Irerekumenda kayo ng ilang mga MHP sa isang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para makita kung sino ang maaaring tumingin sa inyo. Papahintulutan kayo ng ibang mga MHP na makipag-ugnayan nang direkta sa tagapagkaloob ng serbisyo (provider). Maaaring maglagay ng kaunting limitasyon ang MHP sa inyong mapipiling mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider). Ang MHP sa inyong county ay dapat magbigay sa inyo ng pagkakataong pumili sa pagitan ng kahit man lang dalawang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa umpisa nang kayo ay makatanggap ng mga serbisyo, maliban na lang kung ang MHP ay may mabuting dahilan kung bakit ito hindi makakapagbigay ng isang mapipili, halimbawa, may isang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) lang na makakapaghatid ng serbisyong kailangan ninyo. Kailangan rin pahintulutan kayo ng MHP na magbago ng mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider). Kapag hiniling sa inyong magbago ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider), dapat ay pahintulutan kayo ng MHP na pumili sa kahit man lang dalawang tagapagkaloob ng serbisyo (provider), maliban na lang kung may mabuting dahilan na hindi ito gawin. Minsan ang mga nakakontrata sa tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ng MHP ay umaalis sa MHP nang kusa o sa kahilingan ng isang MHP. Kapag nangyari ito, kailangan ay may mabuting asal na magsikap ang MHP na magbigay ng nakasulat na abiso ng pagwawakas ng isang nakakontrata sa MHP na tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa loob ng 15 araw makalipas ang pagtatanggap o pagpapalabas ng abiso ng Pagkilos (Notice of Action), sa bawat tao na tumatanggap ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan mula sa isang tagapagkaloob ng serbisyo (provider).
Mangyari lang sumangguni sa direktoryo ng tagapagkaloob ng serbisyo (provider) kasunod ng seksyon na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito, o sa unahang seksyon ng libritong ito na may impormasyon tungkol sa tiyak na aprubasyon o impormasyon sa pagrerekumenda ng MHP.
Estado ng California 35 Paano Maaaring Ipagkaloob sa Inyong Ang
Sa sandaling Nakahanap na ako ng isang Tagapagkaloob ng Serbisyo (Provider), Maaari bang Sabihin ng MHP sa Tagapagkaloob ng serbisyo (provider) kung Anong Mga Serbisyo ang Makukuha Ko? Kayo, ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) at ang MHP ay lahat bahagi sa pagpapasya kung anong mga serbisyo ang kailangan ninyong matanggap mula sa MHP sa pamamagitan ng pagsunod sa kinakailangan sa paggagamot na kriterya at ang listahan ng mga sakop na serbisyo (basahin ang mga pahina 17 at 10). Minsan, hahayaan kayo at ang tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ng MHP na magdesisyon. Sa ibang pagkakataon naman, maaaring hilingin ng MHP sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) na hilingin mula sa MHP na repasuhin ang mga dahilan kung bakit sa palagay ninyo na kailangan ninyo ang serbisyo bago pa man ito ipagkaloob. Dapat gamitin ng MHP ang isang kuwalipikadong propesyonal sa larangan ng kalusugang pangkaisipan na gawin ang pagrerepaso. Ang proseso sa pagrerepasong ito ay tinatawag na isang proseso para sa pagbibigay awtorisasyon sa bayad ng MHP. Hinihiling ng estado mula sa MHP na magkaroon ng proseso ng awtorisasyon para sa day treatment intensive, day rehabilitation, at therapeutic behavioral services (TBS). Ang proseso ng awtorisasyon ng MHP ay dapat sumunod sa mga tiyak na naitakdang panahon. Para sa isang standard na awtorisasyon, dapat magdesisyon ang MHP sa kahilingan ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa loob ng 14 na araw batay sa kalendaryo. Kung kayo o ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ay humiling o kung sa palagay ng MHP na nasa interes ninyo na makakuha ng karagdagang impormasyon mula sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ang takdang panahon ay maaaring patagalin pa ng 14 araw na batay sa kalendaryo. Isang halimbawa ng pagpapatagal na maaaring nasa interes ninyo ay kapag sa palagay ng MHP na maaaring ito ay magbibigay aprubasyon sa kahilingan ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para sa awtorisasyon kung ang MHP ay nagkaroon ng karagdagang impormasyon mula sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) at kailangang tanggihan ang isang kahilingan nang wala ang impormasyon. Kung patagalin ng MHP ang takdang panahon, papadalhan kayo ng MHP ng isang nakasulat na abiso tungkol sa pagpapahaba ng takdang araw na iyon. Kung sa palagay ng inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) o MHP na ang inyong buhay, kalusugan o kakayahan para makatamo, mapanatili o makuha muli ang dating sukdulang pagganap ng kalusugan ay malalagay sa panganib sa 14 araw na takdang panahon, dapat magdesisyon ang MHP sa loob ng 3 araw na may pasok sa trabaho. Kung kayo o ang inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ay humiling o kung sa palagay ng MHP na nasa interes ninyo na makakuha ng karagdagang impormasyon mula sa inyong tagapagkaloob ng serbisyo (provider) ang takdang panahon ay maaaring patagalin ng karagdagang 14 araw na batay sa kalendaryo. Kung hindi makapagdesisyon ang MHP sa loob ng takdang panahon na hinihiling para sa isang standard o pinabilis na awtorisasyon, dapat magpadala ang MHP sa inyo ng isang Abiso ng Pagkilos (Notice of Action) na nagsasabing ang mga serbisyo ay tinanggihan at maaari kayong magsampa ng isang apela o humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing) (basahin ang pahina 26.) Maaari ninyong kumuha mula sa MHP na mas maraming impormasyon tungkol sa proseso nito ng awtorisasyon. Tingnan sa unahang seksyon ng libritong ito para makita kung paano hilingin ang impormasyon. Kung hindi kayo sumasang-ayon sa desisyon ng MHP sa proseso ng awtorisasyon, maaari kayong magsampa ng isang apela sa MHP o humiling ng isang Patas na Pagdinig ng Estado (State Fair Hearing) (basahin ang pahina 26).
Kung hindi kayo nakatanggap ng listahan ng mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa libritong ito, maaari ninyong hilingin sa MHP na magpadala sa inyo ng isang listahan sa pamamagitan ng pagtawag sa walang bayad na toll na numero ng MHP na matatagpuan sa unahang seksyon ng libritong ito.
Estado ng California 36 Paano Maaaring Ipagkaloob sa Inyong A M S bi
Aling Mga Tagapagkaloob ng Serbisyo o Provider ang Ginagamit ng Aking MHP? Ang karamihan sa mga MHP ay gumagamit ng apat na iba’t ibang uri ng mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) para magbigay ng mga specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. Kabilang sa mga ito ang: Mga Indibiduwal na Tagapagkaloob ng serbisyo (provider): Mga propersyonal sa larangan ng kalusugang pangkaisipan, tulad ng mga doktor, na may mga kontrata sa MHP ng inyong county upang makapagbigay ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa isang tanggapan at/o komunidad na naglilingkod.
Mga Pang-Grupo na Tagapagkaloob ng serbisyo (provider): May mga ito ay mga grupo ng propesyonal sa larangan ng kalusugang pangkaisipan na, bilang isang grupo ng mga propesyonal, ay may mga kontrata sa MHP ng inyong county upang makapagbigay ng specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa isang tanggapan at/o komunidad na naglilingkod. Mga Organizational na Tagapagkaloob ng serbisyo (provider): Ang mga ito ay mga klinikal para sa kalusugang pangkaisipan, mga ahensya o pasilidad na pagmamayari o pinapamahalaan ng MHP o nakakontrata sa MHP ng inyong county para makapagkaloob ng mga serbisyo sa isang klinika at/o komunidad na naglilingkod. Mga Tagapagkaloob ng serbisyo (Provider) na Ospital: Maaaring makatanggap kayo ng pag-aalaga o mga serbisyo sa isang ospital. Maaaring ito ay bahagi ng isang emergency na paggagamot, o dahil ang MHP ay nagbibigay ng mga serbisyo na kailangan ninyo sa ganitong uri ng lugar.
Kung baho lang kayo sa MHP, may kumpletong listahan ng mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider) sa MHP ng inyong county kasunod ng seksyon na ito ng librito at naglalaman ng impormasyon kung saan matatagpuan ang mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider), ang mga ipinagkakaloob nilang specialty na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan, at iba pang impormasyon para matulungan kayo na makagamit sa pag-aalaga, kabilang na ang impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa kultura at wika na handang magamit mula sa mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider). Kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa mga tagapagkaloob ng serbisyo (provider), maaari ninyong tawagan ang libreng toll na numero ng telepono ng MHP na nakalista sa unahang seksyon ng libritong ito.
Estado ng California 37 Paano Maaaring Ipagkaloob sa Inyong Ang
Mga Tala
Mga Link sa Web State of California’s Medi-Cal program: http://www.dhs.ca.gov/mcs/medi-calhome State of California Department of Mental Health: http://www.dmh.ca.gov State of California Department of Health Services: http://www.dhs.ca.gov Online na Mga Dulugan para sa Kalusugan http://www.dhs.ca.gov/home/hsites/ U.S. Department of Health and Human Services: http://www.os.dhhs.gov U.S. Department of Health and Human Services, Substance Abuse and Mental Health Services Administration: http://www.samhsa.gov