filipinoe

13
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Upload: alma-reynaldo

Post on 21-Jan-2015

1.896 views

Category:

Sports


0 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Filipinoe

Mga Pagbabagong

Morpoponemiko

Mga Pagbabagong

Morpoponemiko

Page 2: Filipinoe

Bigkasin ang mga sumusunod:

Pangbansa - pambansa

Pangpukpok - pamukpok

Madupok - marupok

Page 3: Filipinoe

Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

Page 4: Filipinoe

1. Asimilasyon-Saklaw ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil

sa impluwensiya ng kasunod na tunog. -Saklaw din nito ang mga panlaping

nagtatapos sa ponemang /ng/ gaya ng [pang-], [mang-], [sing-] at iba pa.

Page 5: Filipinoe

1. Asimilasyona. Asimilasyong di-ganap o parsyal - wala iba pang pagbabagong namalas o

naganap sa anyo ng salita, maliban na lamang sa transpormasyon ng ponemang /ng/ sa pinal sa posisyon ng panlapi at nagiging /n/ o /m/ dahil sa kasunod na tunog.

[pang] + [laba] = panlaba=[pang-] ~ [pan-] + [laba]=panlaba

[pang-] + [bayo]=[pam-] + [bayo]=pambayo

Page 6: Filipinoe

1. Asimilasyonb. Asimilasyong Ganap - bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ dahil sa pakikiangkop nito sa kasunod na tunog ay nawawala o naaasimila rin ang ponema sa inisyal na posisyon ng nilapiang salitang-ugat; at sa halip ay nananatili na lamang ang mga tunog na /n/ o /m/.

[pang-] = [sukli]=[pan-] + [sukli]=pansukli > /s/= panukli

[pang-] + [pukpok]=[pam-] + [pukpok]=pampukpok > /p/=pamukpok

Page 7: Filipinoe

2. Pagpapalit-ponema

-nagbabago ang ponema o di kaya’y napapalitan ang mga ito sa pagbuo ng mga salita sa tuwing ikinakabit ang panlapi sa salitang ugat.

Page 8: Filipinoe

a. /d/ o /r/

- Napapalitan ng /r/ ang ponemang /d/ kung ang /d/ sa posisyong inisyal ng

salitang ugat ay nilapian ng panlaping nagtatapos sa patinig.

[ma-] + [dupok]=madupok > /d/ ~/r/=marupok

[tawid] + [-din]=tawidin > /d/ ~ /r/=tawirin

Page 9: Filipinoe

b. /h/ ~ /n/

Napapalitan ang ponemang /h/ ng /n/ sa tuwing ang salitang-ugat na nagtatapos sa glottal na pasutsot (/h/) ay hinunlapian ng

panlapin [-in] o [-an].

[kuha (h)] + [-in]=kuhahin > /h/ ~/n/=kuhanin

[tawa(h)] + [-an]=tawahan > /h/ ~/n/=tawanan

Page 10: Filipinoe

3. metatesis

-kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa ponemang /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in-], nagkakapalit ng

posisyon ang mga ponemang /i/ at /n/ at nagiging [ni-].

l + [-in-] + angoy= linangoy > [-in-] > [ni-]=l [ni-]angoy=nilangoy

Page 11: Filipinoe

Ang ponemang patinig sa huling pantig ng salitang-ugat ay

nawawala sa sandaling ito ay hinunlapian

4. Pagkakaltas ng ponema

[asin] + [-an]=asinan > /i/=asnan

[bigay] + [-an]=bigayan > /a/=bigyan

Page 12: Filipinoe

5. pagpapalit-diin

-saklaw nito ang pagbabagong nagaganap sa diin ng salitang-ugat kapag nilalapian

[laro] + [-an]=laruan

[basa(h)] + an=basahan

Page 13: Filipinoe

6. reduksyon

Nagaganap ang pagbabagong ito ng pagsasama ng dalawang salita

upang makabuo ng isang bagong salita

[kita] + [mo]=kitam

[hintay] + [ka]=teka