fil

Download Fil

If you can't read please download the document

Upload: gsabiagor

Post on 25-Oct-2014

181 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Kahulugan at kahalagahan ng pagbasa: Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon. Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.

Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip. Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at krunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng ibat ibang karanasan sa buhay.Bumabasa ang tao dahil sa iba't ibang kadahilanan:

may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapagiwanan ng takbo ng panahon may nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na

nararamdamanApat na hakbang sa pagbasa:

Ayon kay William S. Gray, Ama ng Pagbasa, Ang pagbasa sa akda Ang pag-unawa sa binasa Ang reaksyon sa binasa Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalamanLayunin sa maunlad na pagbasa:

Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa ibat ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities. Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral

sa tahanan, paaralan at aklatan. Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga sa mga binabasa. Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasaMga Uri ng Pagbasa:

.

Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan Mabilisang pagbasa (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa. Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod: Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat

pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key word) pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga ritoy makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp. Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.Pamumunang Pagbasa (Critical Reading)

Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin.

Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.

Tahimik na Pagbasa (silent reading)mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.

Pasalitang pagbasa (oral reading)pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinigMasinsinang Pagbasa:

.

hindi ito undertime pressure na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.

Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.Ayon sa layunin:

Pagbasang nakapagtuturo nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak. Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.Mahalagang kasanayan sa pagbasa:

Pagkilala sa mga salita (word perception) Kakayahang umunawa sa ibat ibang kahulugan

ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas Pag-unawa (comprehension) Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda. pagpapahalagang literari (literary appreciation) may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu. Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & dictionary skills) May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuanLimang dimensyon sa pagbasa:

1. Pag-unawang literal2 Pagbibigay ng Interpretasyon 3. Mapanuri o kritikal na pagbasa 4. Paglalapat o Aplikasyon 5. PagpapahalagaKahulugan ng pagsulat:

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang ibat ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.Kahalagahan ng pagsulat:

Mahalaga ang pagsulat dahil: kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon. Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay. Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.Proseso ng pagsulat:

Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa

pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo nat kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundoPamamamaraan sa pagsulat:

.

Pag-asinta (Triggering)Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayoy sumulat. Kung tayoy may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.Pagtipon (Gathering)

Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa

dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.Paghugis o shaping

Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.Pagrebisa (revising)

Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.Mga bahagi ng Pagsulat:

Panimula

Katawan Konklusyon RekomendasyonMga Uri ng gawaing pagsulat:

Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat ang sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang dipormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.

Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.

Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang kailangang pangatwiranan. Mga mungkahi upang maging lohikal ang pagsulat:Alamin ang paksa ng sulatin at magsaliksik ng tungkol dito king kinakailangan; Alamin ang mga proposisyong kaugnay ng paksa upang mapili ang mga argumentong magagamit; Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop gamitin sa iyong mga argumento; d. Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa iyong argumento; at

e. Iwasan ang mga maling pangangatwiran; Mga Ebidensyang maaaring magamit: Pangyayaring nauugnay sa argumento; Obserbasyong pansarili o kayay pang ibang tao;