ferdinand marcos

41
“Magiging dakilang muli ang bansang ito!” Ferdinand Marcos Ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas

Upload: foodtech1216

Post on 21-Nov-2014

3.569 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Ferdinand Marcos

“Magiging dakilang muli ang bansang ito!”Ferdinand MarcosIka-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas

Page 2: Ferdinand Marcos

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

0Isinilang si Marcos noong Setyembre 11, 1917 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.

0Ang kanyang ama ay si Don Mariano Marcos na naging Kongresista sa Ilocos at Gobernador sa Davao. Si Josefa Edralin naman ang kanyang ina, ay isang guro sa kanilang bayan.

0Panganay siya sa apat na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna.

Page 3: Ferdinand Marcos

Edralin-Marcos Family

Page 4: Ferdinand Marcos

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

0May mga nagsasabi na ang tunay daw na ama ni Marcos ay ang kanyang ninong na si Ferdinand Chua, na pinaniniwalaan na nagpa-aral sa kanya.

0Sa Sarrat Central School ay nagtapos siya ng Elementarya at sa Maynila nagpatuloy sa mataas na paaralan.

0Taong 1930, kumuha si Marcos ng Abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nagtapos bilang Cum laude noong Marso 1939.

Page 5: Ferdinand Marcos

0Nagri- review noon si Marcos para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista.

0Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan.

0Si Marcos ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 6: Ferdinand Marcos

0Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema.

0Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang “Lawyer of the year” at hinangaan ng mga kapwa abogado.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 7: Ferdinand Marcos

0Nagsilbi si Marcos sa Sandatahang Lakas ng Filipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 0Pinanindigan ni Marcos na siya ang

namuno sa mga gerilya laban sa pananakop ng Hapones sa Pilipinas, paninindigang kaniyang pinanghawakan sa kanyang buong karera sa pulitika.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 8: Ferdinand Marcos

Manuel Roxas1946-1947, nagsilbi si Marcos bilang katulong sa

bagong pangulo ng nagsasariling republika na si Manuel Roxas.

Page 9: Ferdinand Marcos

0Humiwalay si Roxas sa Partido Nasyonal, na noon ay nangungunang partido upang buuin ang Partido Liberal.

0Tumakbo si Marcos bilang kandidato ng Partidong Liberal at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte noong 1949.

0Nakatatlong termino siya bilang mambabatas.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 10: Ferdinand Marcos

Noong 1954 ay nakilala niya si Imelda Romualdez na “Rosas ng Leyte”.

Page 11: Ferdinand Marcos

Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo 1, 1954.

Page 12: Ferdinand Marcos

Ang Unang PamilyaNagkaroon sila ng tatlong anak, sina

Imee, Ferdinand Jr. at Irene.

Page 13: Ferdinand Marcos

0Nagwagi si Marcos bilang senador noong 1959. 0Nagsilbi siyang pangulo ng senado

mula noong 1963 hanggang 1965.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 14: Ferdinand Marcos

Diosdado MacapagalLumipat siya ng ibang partido upang makalahok

sa pambansang halalan bilang katunggali ng dating pangulong Diosdado Macapagal.

Page 15: Ferdinand Marcos

Lyndon B. JohnsonNakuha niya ang suporta ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson at ng komunidad

ng mga dayuhang negosyante.

Page 16: Ferdinand Marcos

Madaling napagwagian ni Marcos ang halalan.

Page 17: Ferdinand Marcos

Disyembre 30, 1965Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng

Pilipinas.

Page 18: Ferdinand Marcos

0Mula sa simula nang panunungkulan ni Marcos bilang pangulo, tumindi ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa digmaan sa Vietnam.

0Ang digmaan na ito ang nagpasok ng bilyun-bilyong dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas.

0Maraming proyekto ang pinondohan ng mga dayuhang nagpapautang, na naging malaking tulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 19: Ferdinand Marcos

Naglagay ng dalawang base ng militar ang Estados Unidos sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang Clark Air

Base at Subic Bay Naval Base.

Page 20: Ferdinand Marcos

0Nakadagdag pa ang paglulunsad ni Imelda Marcos ng serye ng mga prestihiyosong proyekto sa Maynila, kasama na ang pagtatayo ng mga gusali ng museo at magagarang otel.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 21: Ferdinand Marcos

0Noong 1969, makaraang mangampanya gamit ang islogan na "Bigas at Daan," muling nanalong pangulo si Marcos na nakakuha ng 74% boto.

0Siya ang kauna-unahang pangulo na nanalo sa ikalawang termino, na pinahihintulutan ng konstitusyon.

0Maging ang mga nanalong senador at kinatawan ay nanggaling sa Partido Nasyonal, na kaniya ring partido.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 22: Ferdinand Marcos

Disyembre 30, 1969Pasinaya sa Pangalawang termino ni

Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Page 23: Ferdinand Marcos

0Habang si Marcos ay nasa kaniyang ikalawang termino, humarap siya sa maraming suliranin.

0Maraming mga mag-aaral sa unibersidad at mga Pilipino ang tutol sa patuloy na presensiya ng mga militar ng Estados Unidos at patuloy na pagsuporta sa mga polisiya ng Estados Unidos laban sa Vietnam.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 24: Ferdinand Marcos

0Ang partidong komunista sa Pilipinas ay lalong naging aktibo at naglunsad ng malawakang kaguluhan sa maralitang taga-nayon at taga-lunsod.

0Sa katimugang bahagi naman ng Pilipinas, ang kilusan ng mga Muslim ay dumadagsa na rin.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 25: Ferdinand Marcos

Agosto 21, 1971Pangbobomba sa Plaza Miranda o

Limasawang Miranda

Page 26: Ferdinand Marcos

0Ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ng bomba sa Plaza Miranda, ipinalabas ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng “writ of habeas corpus” upang mapanatili ang kapayapaan , mapangalagaan ang mga mamamayan at mapanatili ang kapangyarihan ng pamahalaan.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 27: Ferdinand Marcos

0Noong Enero 7, 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus.

0Hindi naglaon pagkaraan bawiin ang suspensyon ng karapatan sa writ, ang kapayapaan at kaayusan ng bansa ay lumubha ng lumubha.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 28: Ferdinand Marcos

0Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, isinailim ni Pangulong Marcos ang buong bansa sa Batas Militar sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na kanyang nilagdaan noong Setyembre 21, 1972.

0Sinupil ni Marcos ang mga pulitikong tumutol sa kaniya. Inaresto ang pulitikong pinuno na si Benigno Aquino Jr..

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 29: Ferdinand Marcos

0Winakasan ang kalayaan ng mga mamamahayag. Ang bagong konstitusyon ay pormal na ipinahayag ni Marcos noong Enero 1973 na nagbigay ng lubos na kapangyarihan sa pangulo at pagpapaliban ng mga halalan

0Noong 1981, opisyal na binawi ni Marcos ang batas militar, ngunit nanatili pa rin ang kanyang emergency power upang magamit para sa pekeng halalang pampangulo. Kagaya nang inaasahan, si Marcos ay nanalo ng isa pang termino.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 30: Ferdinand Marcos

0Noong 1983, nagdesisyon si Aquino na bumalik na sa Pilipinas. Siya ay binaril sa likod ng kaniyang ulo, at namatay ilang minuto lamang makaraang dumating sa Manila International Airport o Ninoy Aquino International Airport ngayon.

0Sinabi ng pamahalaan na ang pagkakapatay kay Aquino ay gawa ng upahang mamamaril, na napatay ng pulisya sa paliparan.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 31: Ferdinand Marcos

Ninoy Aquino Assassination

August 21, 1983

Page 32: Ferdinand Marcos

0Ang pagkamatay ni Aquino ang naging malaking puwersa sa pagbagbsak ni Marcos.

0Inilarawan ni Corazon Aquino, biyuda ni Aquino, si Marcos bilang isang brutal na diktador.

0Upang makuha muli ang puwesto at magpatuloy ang suporta ng Estados Unidos sa kaniyang rehimen, inihayag ni Marcos ang pagkakaroon ng biglaang halalan pampangulo noong Pebrero 1986.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 33: Ferdinand Marcos

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

0Inaasahan ni Marcos ang pagkapanalo, dahil sa kaniyang makinarya at sa pagkakahati-hati ng oposisyon.

0Ngunit bumuo si Cardinal Sin ng alyansang oposisyon, at hinikayat si Corazon Aquino upang tumakbo sa pagkapangulo at si Salvador Laurel bilang pangalawang pangulo.

Page 34: Ferdinand Marcos

0Sinasabi ng parehong kinatawan na si Corazon Aquino ang nanalo ngunit kinilala ng pambansang asemblea si Marcos bilang siyang nanalo.

0Noon, nagpahayag ang Simbahang Katoliko na ang naganap na halalan ay isang panloloko lamang at ang tagumpay ni Marcos ay isa lamang kahungkagan.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 35: Ferdinand Marcos

0Pebrero 22, 1986, dalawa sa matataas na opisyal ng militar ni Marcos ang nagbitiw ng suporta sa kaniya.

0Nanawagan si Cardinal Jaime L. Sin sa taong bayan, nagdagsaan ang mga tao at 4 na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinalululanan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama.

0Walang nagawa ang mga tropa ni Marcos sapagkat hindi nila maaaring saktan ang libu-libong mga tao.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 36: Ferdinand Marcos

EDSA Revolution

Page 37: Ferdinand Marcos

0Noong Pebrero 26, ang pamilyang Marcos at ang mga taong malalapit sa kanila ay lumipad patungong Hawaii lulan ng sasakyang panghimpapawid ng Estados Unidos.

0Hinirang naman si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas na siyang nagbunsod sa kanya bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 38: Ferdinand Marcos

Pasinaya ni Cory Aquino

Page 39: Ferdinand Marcos

0Nanatili si Marcos sa Hawaii hanggang sa siya ay pumanaw noong 1989.

0Makaraang pumanaw si Marcos, si Imelda ay pinawalang sala sa kasong panglulustay ng hukuman ng Estados Unidos at nahatulang nagkasala sa kasong pangungurakot ng hukuman ng Pilipinas noong 1993 ngunit binaliktad ng korte dahil sa kaniyang apela noong 1998. Maging sa iba pang kaso, siya ay pinawalang sala rin.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Page 40: Ferdinand Marcos

Noong 1993, ibinalik ang naimbalsamang bangkay ni Marcos sa bansa at inilagak sa isang

glass case crypt. Ito ay makikita sa kanyang museleo sa kanyang sinilangang bayan.

Page 41: Ferdinand Marcos

Mahrilag Nagalinngam – 1F2PHIST 1Mrs. Aurora Cristina Paguio-Bermudez