esp gr. 7 teacher s guide q1 2
TRANSCRIPT
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 1/89
Gabay sa Pagtuturo
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG
KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG
PAGDADALAGA/PAGBIBINATA
I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga inaasahang kakayahan
at kilos sa panahon ng pagdadalaga
/pagbibinata, sa kanyang mga talento,
kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga
tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata
Naisasagawa ang mga angkop na
hakbang tungo sa paglinang ng apat na
inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.
Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata ay nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa:
a. Mga Layunin ng mga Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos
(Developmental Tasks) sa Bawat Yugto ng Pagtanda ng Tao
b. Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga / Pagbibinata at mga Panuntunan sa Paglinang ng
mga ito
c. Mga Hakbang Tungo sa Pagtamo ng Bago at Ganap na
Pakikipag-ugnayan sa mga Kasing-edad
d. Mga Hakbang tungo sa Paglinang ng Tiwala sa sarili1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagkilala sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
b. Pagbibigay-katwiran kung bakit kailangang linangin ang mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 2/89
c. Pagtukoy ng mga hakbang tungo sa paglinang ng mga angkop
na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata
d. Pagtukoy ng mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang
na 8 - 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipag-
ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad, (b) Papel
sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa / sa
lipunan, at (d) Kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya
e. Pagbibigay-katwiran kung bakit mahalagang kilalanin ang mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata sa aspetong: Pakikipag-ugnayan sa
mga Kasing-edad, Papel sa Lipunan, Asal sa pakikipag-kapwa,
Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagpapatutunay kung nakatutulong ang paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /pagbibinata sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence)
at sa pagiging mabuti at mapanagutang tao
g. Pagpapaliwanag ng kaugnayan ng paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
(sa paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-
aasawa at pagpapamilya)
h. Pagsasakatuparan ng mga sariling paraan sa paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinatai. Pagbuo ng talaan ng mga positibong self-talk o affirmation tungo
sa paglinang ng tiwala sa sarili
j. Pagbibigay ng mga puna sa paraan ng ibang kabataan sa
paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1- 2. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto para sa Modyul 1 na nasa loob ng kahon.
Sabihin: Mayroon ba
kayong
gustong
linawin
tungkol sa
mga layuning
binasa?
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 3/89
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2-5. Hayaang markahan ng
mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa
Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha.
Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin
ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang
kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 4/89
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa
mga mag-aaral sa pahina 5 ng Modyul 1.
2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa
Panuto?
3. Ipabasa ang halimbawa sa pahina 6.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 5/89
Paalala sa Gawain 2 pahina 8-9
Matapos ipabasa sa mga
mag-aaral ang Panuto at ang
halimbawa ng “Profayl Ko, Noon
at Ngayon” sa Gawain 2, maaari
itong gawing Takda o Gawaing
Bahay bilang kasunduan.
4. Ilagay ang mga kagamitan sa ibabaw ng mesa ng guro at sabihing ito ay
maaring gamitin ng lahat ng mag-aaral. Ipaalala ang halaga ng
pagbibigayan at pagtitiyaga sa paggamit ng mga kagamitan.
5. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito.
6. Matapos ang 15 minuto ay tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin
ang kanilang mga pagbabagong itinala sa kuwaderno.
Gawain 2
Mga Hakbang
1. Idikit sa pisara ang inihandang “Tsart
ng Profayl Ko, Noon at Ngayon”. Sa
tulong ng mga mag-aaral, punan ang
tsart ng mga halimbawa ng pagbabago
na itinala sa pisara sa unang gawain.
2. Ipabasa ang Panuto at halimbawa ng“Profayl Ko, Noon at Ngayon” sa pahina
7. Papunan ang Tsart sa pahina 8.
Bigyan ang mga mag-aaral ng 15
minuto upang buuin ang tsart.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 6/89
3. Matapos ang 15 minuto, pangkatin ang mga mag-aaral. Hindi dapat hihigit sa
lima ang kasapi sa pangkat. Gamit ang binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”,
iisa-isahin at ipaliliwanag ng lider ng bawat pangkat ang mga nilalaman nito sa
kanyang pangkat.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa “Linya ng Profayl Ko, Noon at
Ngayon”. Ipabasa ang ibinigay na halimbawa sa pahina 7.
Gamit ang halimbawang tsart ng “Profayl Ko, Noon at Ngayon” sa pahina 8,
suriin ang halimbawang Linya ng Profayl Ko, Noon at Ngayon sa pahina 9.
Halimbawa:
Sa halimbawang ito, masasabing positibo ang pagbabago sa sarili sa
aspetong, pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad. Hayaang magtungo sa pisara
ang isa sa mga mag-aaral upang ilagay ang unang guhit sa Linya. Isusulat sa tapat
ng guhit ang aspeto ng pagbabago ukol dito. Gayundin ang gawin sa mga
sumusunod pang halimbawa.
Ako Noon (Gulang na
8-11)
Ako Ngayon
Pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad
Hal. Kalaro ko ang
aking mga kaibigan.
Hal. Karamay ko ang
mga kaibigan ko sa
mga hinaharap na
suliranin.
Paalala: Makatutulong kung mayroong nakapaskil o nakaguhit na kopya ng Linyang “Profayl Ko, Noon at Ngayon” sa pisara.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 7/89
Ipagawa ang
Linya ng Profayl
Ko, Noon at
Ngayon sa pahina
9.
Pakikipag-ugnayan sa kasing-edadDito ka
magsimula
Sa paggamit ng pahina 9-10:Maaaring ipagawa bilang takdangaralin ang Pagninilay pagkataposipaliwanag ang panuto. Ipasulat itosa kanilang dyornal.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 8/89
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
2.1 Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga palatandaan ng pag-unlad bilang
isang nagdadalaga/nagbibinata sa pahina 11-13. Iisa-isahin ng guro ang
mga palatandaang ito.
2.2 Ipatukoy sa mga mag-aaral kung ang bawat palatandaan ay positibo o
negatibo. Hayaang ipaliwanag nila ito at pangatwiranan ang kanilang mga
sagot.
2.3 Bigyang-diin na bagamat maaaring totoo o naglalarawan sa kanila ang
ilan sa mga palatandaang ito, hindi nangangahulugan na tama ang mga
ito. Maaaring ang ilan dito ay hindi nila dapat gawin o ipamalas. Kaya
nga’t sa huling bahagi ng pag-aaral sa Modyul 1 ay inaasahang
mapamamahalaan nila ang mga pagbabagong ito sa iba’t ibang aspekto
ng kanilang pagkatao.
Paalala: Maaariing gumamit ng ibang kwento o pelikula tungkol sa pagdadalagaat pagbibinata para sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at
Pag-unawa. Tiyakin lamang na ang ipinakikita rito ay ang mga angkop at
epektibong pamamaraan ng pamamahala sa mga pagbabagong pinagdaraanan
ng mga nagdadalaga at nagbibinata.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 9/89
Sa paggamit ng pahina 12: Mas makabubuti kung sama-samang panonoorin
ng klase ang pelikula. Mamamasid ng guro ang reaksyon ng mga mag-aaral
dito. Mas makatutulong din kung pagagawain ng “movie review” o pagsusuri ng
pelikula o kwento ang mga mag-aaral gamit ang mga gabay na tanong sa
pahina 14. Mahalagang talakayin ang mga naging pagsusuri ng mag-aaral sa
klase. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng pagsusuri ng aklat o pelikula na
inihanda sa Annex 2.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 10/89
Activity Card 1
Panuto: Gamit ang overlapping concepts graphic organizer, tukuyin at isa-isahiinang mga konseptong nabasa mula sa pahina 13 – 14. Sa ibaba ng graphicorganizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto
C. PAGPAPALALIM
1. Magpaskil ng katulad na paglalarawan at mga dialogue boxes sa pahina 13 sa
pisara. Sabihin: Tingnan ang larawan at ang mga sinasabi ng babae dito sa mas
nakababatang babae. Sino sa inyong palagay ang babaeng nagsasalita? Sino
naman ang kanyang kausap? Basahin nga ang sinasabi ng babae.
2. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang sinasabi sa mga dialogue boxes. Sabihin:
Pansinin ang reaksyon ng batang babae sa larawan. Ano kaya ang iniisip niya?
3. Tumawag ng ilang mag-aaral at hinging pangatwiranan ng mga ito ang kanilang
naging mga tugon.
4. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 13-20. Bigyan sila ng 15 minutoupang basahin ang sanaysay.
5. Matapos ang 15 minuto ay pangkatin ang mga mag-aaral. Tiyaking hindi hihigit
sa sampu ang bilang ng kasapi sa pangkat. Hayaang magtalaga ang mga mag-
aaral ng lider at tagapag-ulat.
6. Bigyan ng activity card, Manila paper at pentel pen ang bawat pangkat.
Activ i ty Cards
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral
bilang Takdang Aralin.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 11/89
Activity Card 3
Panuto: Gamit ang organizational outline graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin
ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 15 – 20. Sa ibaba ng graphicorganizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto
Iulat ang inyong output sa klase.
Activity Card 2
Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mgakonseptong nabasa mula sa pahina 15 – 20. Sa ibaba ng graphic organizer,isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.
Iulat ang inyong output sa klase.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 12/89
Paalala: Maaaring makakuha ng magkatulad na activity card ang ilang pangkat.
Maariing gawing dalawang kopya ng Activity Cards 1 at 3 at ang Activity Card 2 ay
tatlo o higit pa.
7. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
8. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 21. Bigyan sila ng 5
minuto upang gawin ito.
Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 21.
Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga
output ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit
sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba:
Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay
nakatutulong sa:pagkakaroon ng tiwala sa sarili ,
paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sapaghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 13/89
D. PAGSASABUHAY
Pagganap
Ipagawa ang “ Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang sa mga
Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata”
Sa paggamit ng pahina 22: Ang Tsart ng Aking Paraan ng
Paglinang ng…ay ipagagawa sa loob ng 2 linggo.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 14/89
Pagsasabuhay
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 24.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang
katanungan tungkol sa panuto?
3. Makatutulong kung magpapaskil ng katulad na halimbawa na nasa Modyul.
Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na basahin ang halimbawa na nasa
pisara.
Paalala: Magtalaga ng kapareha ang bawat mag-aaral upang tiyaking
nasusundan at natataya ang mga tala sa Tsart ng bawat mag-aaral.
Pagawin ang bawat isa ng ulat ng mga pagbabago sa mga kilos at gawi ng
kamag-aral bunga ng pagsunod sa “Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang
sa mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata”. Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang
dyornal. Basahin ang kanilang pagninilay at mamarkahan ito gamit ang
kraytirya sa Annex 2.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 15/89
4. Pagkatapos, ipabasa naman ang mga hakbang para sa kanilang pansariling
pagsusuri na nasa pahina 25.
5. Matapos ang panahon na ibinigay sa mga mag-aaral ay tumawag ng ilan na
magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.6. Ibigay bilang takdang aralin ang isa pang gawain na nasa pahina 25, bilang
3.
7. Paghandain ang mga mag-aaral ng mga gabay na tanong. Kailangan itong
mabasa bago nilang isagawa ang panayam.
8. Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng mga patunay sa pagsasagawa
ng gawain. Maaaring larawan o video habang isinasagawa ang panayam.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 16/89
Plano ng Pagtuturo
Modyul 2: TALENTO MO, TUKLASIN,
KILALANIN AT PAUNLARIN
I. MGA LAYUNINMga Pamantayan sa Pagkatuto
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga konsepto tungkol sa
talento, kakayahan at kahinaan
Naisasagawa ang mga kilos tungo sa
pagpapaunlad ng mga talento at
kakayahan at paglampas sa mga
kahinaan
Batayang Konsepto: Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento
at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung
pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa
sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, atpaglilingkod sa pamayanan.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na
paksa:
1. Talento at Kakayahan
2. Iba’t ibang talino ayon kay Howard Gardner
3. Ang Pagkilala sa Sariling Talento, Kakayahan at Kahinaan
4. Tiwala sa Sarili
5. Ang Paglampas sa Sariling Kahinaan
6. Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili
7. Ang Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagpapaliwanag ng kaibahan ng talento sa kakayahan
b. Pagtukoy sa kanyang mga katangian, talento, kakayahan gamit ang
Multiple Intelligences Survey Form ni Walter Mckenzie
c. Pagpapaliwanag ng kahalagahan ng kaalaman sa talento at kakayahan
d. Paglalarawan ng iba‟ t ibang uri ng talino ayon kay Howard Gardner
e. Paghinuha kung bakit dapat: (a) paunlarin ang mga sariling talento at
kakayahan at (2) malampasan ang mga kahinaanf. Paglalarawan ng kalikasan ng tiwala sa sarili
g. Pagtukoy sa mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala at
nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
h. Paggawa ng Plano ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan
i. Pagbuo ng paglalarawan ng mga konseptong nahinuha sa binasang
sanaysay tungkol sa talento at kakayahan
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 17/89
j. Pagsasakatuparan ng Plano ng Pagpapaunlad ng mga Talento at
Kakayahan
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 31. Isa-sahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 2 na nasa loob ng kahon.
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?
II. PAUNANG PAGTATAYA
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa pahina 32-34.Hayaang sagutan ng mga mag-aaral sa kanilang sagutang papel sa oras na itinakda.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 18/89
Matapos mabigyan ng sapat
na panahon ay atasan ang mga mag-
aaral na markahan ang kanilang
ginawa gamit ang susi ng
pagmamarka sa Annex 1. Maaari rin
naman isulat sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
Ipabilang sa mga mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Sa
pamamagitan ng pagtataas ng kamay ay tukuyin kung ilan ang nakakuha ng iskor na
14. Isulat lahat sa pisara ang kabuuan ng mga marka ng mga mag-aaral, 9-13, 4-8 at
0-3.
Kung ang halos lahat ng mga mag-aaral (95%) ay makakuha ng 14, maaari
ng dumako sa bahaging paglinang.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Mga Hakbang:
1. Maaaring ibigay bilang takdang gawain ang nasa bahaging Pagtuklas ng
Dating Kaalaman sa pahina 34 – 35.
2. Sa muling pagkikita ay talakayin ang kinalabasan ng kanilang gawain.
3. Bigyan ng pakakataon ang ilang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga
sagot sa mga tanong batay sa nabasa.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 19/89
4. Sa proseso ng pagtalakay, mahalagang maiugnay ang nagdaang aralin sa
aralin na ito. Sa ganitong pamamaraan ay makikita ng mga mag-aaral ang
pagkakaugnay ng bawat aralin.
Higit na makabubuti kung gagawa ng mas malikhaing presentasyonupang mas mahikayat ang mga mag-aaral na basahin ito. Maaaring gumawa
ng comic strips o kaya naman ay magrecord ng salaysay ng kuwento at iparinig
sa mga mag-aaral.
Pakinggan ang sagot ngilang mga mag-aaral sa mgatanong na ito. Hayaan silangmagbahagi ng kanilangpaliwanag.
Ang bahaging ito saPagtuklas ng Dating
Kaalaman ay makatutulongupang mataya kung ano
ang nagbibigay sa kanila ngmotibasyon upang
pagyamanin ang kanilangtalento. Sa tulong nito ay
matataya kung tama ba ang
motibasyon ng mga mag-aaral o kung
nangangailangan namaitama ito sa tulong ng
mas malalim na pagtalakaysa bahaging ito.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 20/89
B. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Multiple Intelligence Survey sa pahina
37 – 40.
2. Mahalagang ipaalala sa mga mag-aaral na magkakaroon lamang ng
kabuluhan ang gawaing ito para sa kanilang sarili kung unawaing mabuti
ang mga pangungusap at kung magiging matapat sa pagsagot.
3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na malaki ang maitutulong ng gawaing itoupang matuklasan ang kanilang talino batay sa Teorya ng Multiple
Intelligence ni Howard Gardner.
4. Atasan silang itala ang bilang na angkop na paglalarawan sa kanilang
sarili. Ang interpretasyon ng mga bilang ay matatagpuan sa unang bahagi
ng gawain.
Ibahagi sa mga mag-aaral: “Ang motibasyon ni Haring David sakaniyang pagsusumikap na mapaunlad at magamit nang mahusay angkaniyang mga talento at kakayahan ay ang kaniyang pananampalataya saDiyos. Si Bill Bradley naman ay ang tinuruan ni Macauley tungkol sa
pagpapaunlad ng kakayahan. Ikaw ano ang iyong motibasyon?”
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 21/89
5. Pasagutan ang gawain sa mga mag-aaral gamit ang Sagutang Papel sa
pahina 40 – 41. Maaari silang gumuhit ng katulad nito sa kanilang
kuwaderno.
6. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang isagawa ang
gawain.7. Matapos ang ibinigay na panahon ay ipagawa sa kanila ang ikalawang
bahagi ng gawain sa pahina 41. Muli ay bigyan sila ng sapat na panahon
upang isagawa ito.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 22/89
C. PAGPAPALALIM
Mga Hakbang
1. Buksan ang talakayan sa klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng
panimulang tanong na katulad ng nasa unang bahagi ng Pagpapalalim sa
pahina 43.
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay sa bahagingpagpapayaman ay ipababasa sa mga mag-aaral bilangTakdang Gawain.
Ipaliwanag samga mag-aaral kungpaano isasagawa angikatlong bahagi ngPaunang Pagtataya.
Ang mahalaga aymailapat ng mga mag-aaral sa isang bar graph ang kanilangmga marka upang masmaging madali para sakanila na makita angkanilang mgakalakasan at kahinaanbatay sa sinagutangMultiple IntelligenceSurvey. Maaaringmagpaskil sa pisara nghalimbawa.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 23/89
2. Linawin sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng talento at kakayahan.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang isulat sa pisara ang mga natalakaya na
pagkakaiba sa babasahin. Atasan din sila na magdagdag ng bagong ideya o
konsepto kung mayroon silang ninanais na idagdag.
Magkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa kabuuan ng babasahin.
3. Matapos ang pagtatalakayan, tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutinang mga tanong sa bahaging Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 51.
Ang pahina 44 - 51 aypagpapalawak para sanaging resulta ngMultiple IntelligenceSurvey na ginawa ngmga mag-aaral. Kapagtinalakay ang bahagingito, mahalagang iugnaysa naging gawainupang ganap namaunawaan ng mgamga-aaral angkahulugan ng nataposna gawain.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 24/89
4. Pasagutan ang Paghinuha ng Batayang Konsepto sa pahina 52.
5. Magpaskil sa pisara n g replica ng graphic organizer sa pahina 52.
6. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto at saka itanong: “Mayroon bang hindimalinaw sa panuto?”.
7. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na gawin ang gawain.
8. Matapos bigyan ng panahon ang mga mag-aaral, tumawag ng ilan na
magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.
9. Tumawag ng ilang mag-aaral upang punan ang graphic organizer na nasa
pisara. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng graphic
organizer na nasa pisara.
10. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto.
Batayang Konsepto: Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento atkakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kungpauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng kumpiyansa sasarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkodsa pamayanan.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 25/89
D. PAGSASABUHAY
PAGGANAP
Mga Hakbang
1. Ipagawa ang Pagganap sa bahaging “Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto” sa
pahina 52-53 bilang takdang gawain.
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto. Tiyakin na malinaw na naunawaanito ng lahat.
3. Gabayan ang mag mag-aaral sa paggawa ng bar graph.
4. Makatutulong kung magpapaskil ng halimbawa o kaya naman ay aktuwal na
gagawa sa pisara.
5. Tiyakin din na naunawaan ng lahat ang ikalawang bahagi ng gawain.
6. Kapag muling nagkita sa klase ay atasan ang ilan sa mga mag-aaral na
ibahagi sa klase ang kanilang ginawang takda.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 26/89
7. Matapos ito, ipagawa sa kanila ang “Tsart ng mga Kakayahan (Chart of
Abilities)” sa pahina 54.
8. Matapos bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na isagawa ang Gawain ay
tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa sa klase.
9. Pagkatapos, pasulatin ang mga mag-aaral ng pagninilay gamit ang mga
gabay na tanong sa pahina 55 sa kanilang journal.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto upang matiyak ang pag-unawa.Bigyang diin ang kahalagahan ng pagiging totoo sa pagsagot sa
gawain.Ipaunawa sa mga mag-aaral ang halaga nito para sa kanilang sarili.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 27/89
10. Mahalagang mapagtibay ang tunay na kabuluhan ng pagsasagawa ng
ganitong gawain para sa kanilang isasagawang pagpili ng kurso o trabaho sa
hinaharap. Tiyakin na maipauunawa ito sa mga mag-aaral.
PAGSASABUHAY
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pagsasabuhay sa pahina 55.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto at itanong kung mayroong tanong
tungkol dito.
3. Ipaskil sa pisara ang halimbawa na nasa modyul upang mas magabayan
ang mga mag-aaral.
4. Matapos ito, bigyan sila ng sapat na panahon upang isagawa ang gawain
gamit ang pormat na nasa pahina 55.
5. Pagkatapos, tumawag ng ilang mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang
ginawa sa harap ng klase.6. Ipaunawa sa kanila na hindi nararapat na huminto sa pagsusulat lamang ng
mga hakbang kundi ang pinakamahalaga ay mailapat nila ito sa araw-araw
hanggang sa ito ay maging bahagi na ng kanilang buhay.
7. Ipaunawa rin sa kanila na magandang hakbang ito upang mahubog ang
kasanayan sa pagpapalakas ng mga kahinaan.
8. Ipaskil sa pisara ang rubric na nasa Annex 1 na gagamitin sa pagmamarka
ng gawain na ito.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 28/89
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 3: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG
I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga konsepto tungkol sa hilig
Naisasagawa ang mga kilos tungo sa
pagpapaunlad ng kanyang mga hilig
Batayang Konsepto: Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa
pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon,
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong
sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa:
a. Kahulugan ng Hilig
b. Kahalagahan ng Hilig?
c. Ang Dalawang Aspekto ng Hilig
d. Ang Sampung Larangan ng mga Hilig
e. Ang Apat na Tuon ng mga Hilig
f. Pagsusuri ng Sariling mga Hilig
g. Pagpapaunlad ng mga Hilig
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Paghinuha ng kahalagahan ng pagtuklas ng sariling mga hilig
b. Pagsusuri ng sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga
ito
c. Pagbuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig
d. Pangangatwiran kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga
hilig
e. Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng hilig sa pagpili ng mga
gawain o trabaho at pagpapaunlad ng pagkatao
f. Pagbuo ng “Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig”
g. Pagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunladng kanyang mga hilig.
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 59. Isa-sahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 3 na nasa loob ng kahon.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 29/89
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 66-69. Hayaang
markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa
pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara
ang susi sa pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataasang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito.Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 30/89
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga
mag-aaral sa pahina 62-63.
2. Ipabasa ang mga Panuto A at B
at saka sabihin: Mayroon bang
kailangang linawin sa mga
Panuto?
3. Ipagawa ang gawain. Bigyan
sila ng 15 minuto para gawin A
at B.
4. Ipasulat ang kanilang sagot sa
kanilang kuwaderno.
5. Matapos ang 15 minuto ay tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi angkanilang mga sagot sa bawat bilang.
Paalaala: Mahalagang gamitin ang resulta ng gawain sa bahaging Pagtuklasupang tayahin ang kanilang dating kaalaman. Makatutulong ang bahaging ito sapagdidisensyo ng mga kinakailangang gawain at pagpapalalim ng pagtalakay sabatayang konsepto.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 31/89
Gawain 2
Mga Hakbang
1. Ibigay sa mga mag-aaral ang
katulad na tanong na nasa
pahina 64.
2. Sa halip na hintayin ang sagot
ng bata ay iatas sa kanilang ang
Gawain 2 sa bahaging
Pagtuklas ng Dating Kaalaman.
3. Sa muling pagkikita ay
ipabahagi sa klase ang kanilang
ginawa. Maaaring tumawag ng
ilang mag-aaral na magsusulat
sa pisara ng kanilang ginawang
pagraranggo.
4. Matapos ito, pasagutan sa mgamag-aaral ang tanong na nasa
pahina 71.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
1. Ipabasa sa mga Larangan ng Hilig na nasa pahina 65-68.
Paalala: Mas nakatutulong kung magpapaskil sa pisara ng mga katulad
na larawan na magsisilbing halimbawa. Maaari rin naman gumawa ng
PowerPoint Presentation at ipakita ito sa klase gamit ang LCD Projector.
Paalala: Gamitin ang sagot ng
mga mag-aaral upang sila ayihanda para sa bahaging
Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
Magagamit na halimbawa sa
pagtalakay sa Mga Larangan ng
Hilig ang mga sagot ng bata sa
nagdaang gawain.
Paalala sa Gawain 2 pahina 7-8
Matapos na maipabasa ang
panuto ng Gawain 2 ay maaari na itong
ibigay bilang takdang aralin. Tiyakin
lamang na malinaw sa lahat ng mag-aaral
ang panuto.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 32/89
2. Sa bawat larangan at halimbawa na maipakikita sa mga mag-aaral, tumawag
ng ilan na mabibigay ng kanilang sariling halimbawa. Mahalaga ito upang
mataya ang kanilang pag-unawa sa tinatalakay.
3. Matapos matiyak na naunawaan na ng mga mag-aaral ang Mga Larangan ng
Hilig ay talakayin naman ang iba’t ibang Tuon ng mga Hilig. Ipaliwanag ito
gamit ang mga halimbawa sa pahina 69. Maaari rin namang magpakita ng
bagong halimbawa, lalo na yaong batay sa hilig na ibinigay ng mga bata sa
nagdaang gawain.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 33/89
4. Matapos ang pagtalakaay ay ipagawa sa mga mag-aaral ang “Imbentaryo ng
mga Hilig-Tuon” (Interest-Focus inventory) sa pahina 70.
5. Ipasulat din sa kanilang kuwaderno ang mga sagot sa tanong na nasa pahina
71.
6. Sa muling pagkikita ay pakinggan ang kanilang mga sagot.
7. Muli ay gamitin ang mga sagot sa tanong na ibinahagi ng mga mag-aaral
upang iugnay ito sa Pagpapalalim.
Maaari itong ibigay bilang takdang
aralin. Ipagawa ang katulad na pormat
sa kanilang kuwaderno.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 34/89
C. PAGPAPALALIM
1. Tumawag ng ilang mag-aaral na aatasan na maglarawan ng kanilang
damdamin habang ginagawa nila ang bagay na kanilang kinahihiligan.
Makatutulong ang mga halimbawa na ito upang masimulan ang pagtalakay
sa mga sumusunod:
a. Kahulugan ng Hilig
b. Kahalagahan ng Hilig?
c. Ang Dalawang Aspekto ng Hilig
d. Ang Sampung Larangan ng mga Hilig
e. Ang Apat na Tuon ng mga Hilig
f. Pagsusuri ng Sariling mga Hilig
g. Pagpapaunlad ng mga Hilig
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 74. Bigyan sila ng 5
minuto upang gawin ito.
2. Pakinggan ang sagot ng ilang mga mag-aaral upang mas mapalawak ang
talakayan at magkaroon ng pagkakataon na maitama ang ilang maling
konsepto, kung mayroon man.
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-
aaral bilang Takdang Aralin.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 35/89
3. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 75.
Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga
output ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong
pinakamalapit sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba:
D. PAGSASABUHAY
Pagganap
1. Ipagawa ang “ Tsart ng
Pagpapaunlad ng Aking mga
Hilig” na nasa pahina 76.
2. Maglagay ng katulad na
halimbawa sa pisara. Basahin
ang nilalaman ng bawat
kolum. Maaarin ring
magbigay ng bagong
halimbawa kung hindi pa
malinaw sa mga mag-aaral
ang gagawin.
Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng
mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon (kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal), pagtulong sa kapwa at
paglilingkod sa pamayanan.
Sa paggamit ng pahina 76: Ang Tsartng Pagpapaunlad ng Aking mga Hiligay ipagagawa sa loob ng 2 linggo.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 36/89
Pagninilay
1. Ipagawa sa mga mag-
aaral ang bahaging
Pagninilay bilang
takdang aralin.
Ipabasa sa mga mag-
aaral ang panimulang
talata at ipakita ang
replica ng diary na
nasa pahina 77.
2. Inilarawan sa pahina
77 ang magiging
pormat ng kanilang
gagawing pagninilay.
Pagsasabuhay1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 77.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang
katanungan tungkol sa panuto?
3. Atasan silang mamili sa Gawain A at B.
4. Bigyan ng sapat na panahon upang gawin ito bilang takdang gawain.
5. Para sa Gawain A: Paghandain ang mga mag-aaral ng Plano ng
Pagsasagawa ng pagtulong sa pagpapaunlad ng hilig.6. Para sa Gawain B: Paghandain ang mga mag-aaral ng mga gabay na
tanong. Kailangan itong mabasa bago nilang isagawa ang panayam.
7. Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng mga patunay sa pagsasagawa
ng gawain. Maaaring larawan o video habang isinasagawa ang pagtulong at
panayam.
8. Markahan ang awtput ng mga mag-aaral gamit ang Rubric na nasa Annex 1
ng Modyul 3.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 37/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 4: ANG AKING TUNGKULIN BILANG KABATAAN
I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga hakbang tungo sa
maayos na pagtupad ng kanyang mga
tungkulin bilang nagdadalaga /
nagbibinata
Naisasagawa ang mga kilos tungo sa
maayos na pagtupad ng kanyang mga
tungkulin bilang nagdadalaga /
nagbibinata
Batayang Konsepto: Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga
tungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid, mag-aaral, mamamayan,
mananampalataya, kosyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan
ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod
na yugto ng buhay.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa:
a. Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Tungkulin Bilang Kabataan
b. Mga Tungkulin ng mga Kabataan
i. Sa Sarili
ii. Bilang Anak
iii. Bilang Kapatid
iv. Bilang Mag-aaral
v. Bilang Mamamayan
vi. Bilang Mananampalataya
vii. Bilang Konsyumer ng Media
viii. Bilang Tagapangalaga ng kalikasan
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagtaya sa kasalukuyang kakayahan sa pagtupad sa mga tungkulin
bilang kabataan
b. Pagtukoy sa mga tungkulin na inaasahang gagampanan bilang
kabataan mula sa mga kapamilya at kakilalac. Pagtukoy sa magiging kahihinatnan ng di pagganap o pagtupad ng
isang kabataan sa kanyang mga tungkulin
d. Pagtukoy sa mga gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata
e. Paghinuha sa kahalagahan ng kanyang mga gampanin tungo sa
pagkamit ng kanyang kaganapan bilang tao
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 38/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
f. Pagtukoy sa kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga / nagbibinata
g. Paghinuha kung ano ang magiging epekto sa kanya bilang
nagdadalaga / nagbibinata kung di niya nagagampanan ang kanyang
mga tungkulin sa bawat gampanin
h. Pagtukoy sa mga bagay na dapat niyang pagbutihin sa pagtupad niya
ng mga tungkulin sa bawat gampanin
i. Paggawa ng Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
Nagdadalaga / Nagbibinata
j. Pagsulat ng pagninilay sa (a) mga dapat niyang paunlarin sa
pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang isang kabataan at (b) ang
mga taong makatutulong sa kanya sa bagay na ito.
k. Pagsasagawa ng Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin
Bilang Nagdadalaga / Nagbibinata
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 91-92. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto para sa Modyul 4 na nasa loob ng kahon.
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 39/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 92-95. Bigyan ng sapat na
panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito. Pagkatapos, hayaang markahan
ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa
Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahagingPagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha.
Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang
mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha
ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 40/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga
mag-aaral sa pahina 83-84.
2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa
Panuto?
3. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito.
4. Matapos ang 15 minuto ay ipabilang sa kanila ang mga tsek na kanilang
nailagaya sa bawat tungkulin. Gabayan silang alamin kung ano ang antas ng
kanilang pagtupad sa tungkulin gamit ang interpretasyon na nasa pahina 85.
Ang bahagingito ang
magbibigay nginterpretasyonsa nakuhangkabuuangmarka ng mgamag-aaral.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 41/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
5. Matapos maibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gawin ito,
tawagin ang ilan sa kanila upang ibahagi ang resulta ng kanilang pagtataya.
6. Pagkatapos, pasagutan sa kanilang mga tanong na nasa pahina 85.
7. Iugnay ang sagot ng mag-aaral sa mga tanong sa susunod na gawain.
Sabihin: Patuloy nating tayain ang iyong kakayahang tumupad sa iyong
tungkulin sa pamamagitan ng mga speech balloon na nasa Gawain 2.
Gawain 2
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto sa Gawain 2 sa pahina 97. Itanong:
Naunawaan ba ang Panuto?
2. Bigyan sila ng 15 minuto upang sagutan ang gawain. (pahina 85-88)
3. Pagkatapos, tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang
ginawa sa klase.
Sabihin: Mahalagang maging tapat sa isusulat na tugon. Dito lamangmagkakaroon ng saysay ang Gawain na ito, na ang tunay na layunin aytayain ang kasalukuyang kakayahan sa pagtupad ng tungkulin. Angmagiging resluta ng Gawain na ito ay magagamit ninyong batayan kungano pa ang mga dapat gawin at mga pagpapahalagang dapat taglayinupang mapagyaman ang kakayahan sa pagtupad ng tungkulin bilangnagdadalaga/nagbibinata.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 42/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
4. Pansinin na may nakalaan na aytem para sa bawat isang gampanin na
tatalakayin sa klase. Matataya rin sa pamamagitan ng gawain na ito kung
saang gampanin mas naisasakatuparan ng mga mag-aaral ang kanilang
gampanin.
5. Pasagutan ang mga tanong na nasa pahina 88. Ipasulat ang kanilang sagot
sa kanilang kuwaderno.
6. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral ay tumawag ng
ilan upang magbahagi ng kanilang sagot. Pagyamanin ang pagtalakay sa
pamamagitan ng pagbabahaginan ng opinyon at pananaw.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Mga Hakbang1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa gawain sa bahaging
“Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa”. Tiyakin na
malinaw ang Panuto sa lahat. Maging bukas sa mga paglilinaw.
2. Ibigay ang gawain bilang takda ngunit kailangan ng patunay sa pagsasagawa
ng panayam. Maaaring larawan, tape recorder o video.
3. Ilapat sa graphic organizer na nasa pahina 89 ang nakuha mula sa panayam.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 43/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
4. Maaari nila itong ipasulat sa kalahati ng cartolina. Magagamit ito bilang
paalala sa mga mag-aaral sa mga inaasahan ng mga mahahalagang tao sa
lipunan na isasakatuparan nilang tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
5. Ipabahagi sa klase ang ilan sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ipaskil sa
pisara ang kanilang awtput upang makita ng mga kapwa mag-aaral.
6. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa pahina 101-102.
C. PAGPAPALALIM
1. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 89-96. Pagkatapos, pangkatin
ang mga mag-aaral. Tiyaking hindi hihigit sa sampu ang bilang ng kasapi sa
pangkat. Hayaang magtalaga ang mga mag-aaral ng lider at tagapag-ulat.
2. Bigyan ng activity card, Manila paper at pentel pen ang bawat pangkat.
Activ i ty Cards
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-
aaral bilang Takdang Aralin.
Activ i ty Card 1
Panuto: Gamit ang overlapping concepts graphic organizer,tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sapahina 102-105, bilang 1 hanggang 3. Sa ibaba ng graphicorganizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptongnabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto
Iulat ang inyong output sa klase.
Activ i ty Card 2
Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 105 – 108, bilang 4 hanggang 6. Sa ibaba ng graphic organizer,isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.
Iulat ang inyong output sa klase.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 44/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
Paalala: Maaaring makakuha ng magkatulad na activity card ang ilang
pangkat. Maariing gawing dalawang kopya ang mga Activity Cards upang
dalawang magkaibang interpretasyon ang maibahagi sa klase.
3. Ipapaskil ang mga awtput ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.4. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
5. Atasan ang ilang mga mag-aaral na buuin at pagtibayin ang mga konseptong
tinalakay.
Tayain ang Iyong Pag-unawa
1. Pasagutan ang mga tanong sa bahaging “Tayain ang Iyong Pag-unawa” sa
pahina 97. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipasulat sa kanilang
kuwaderno ang mga sagot.
2. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer sa pahina 97.Basahin ang tanong: Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa
aralin? Pasagutan ang tanong na ito gamit ang graphic organizer.
Activ i ty Card 3
Panuto: Gamit ang organizational outline graphic organizer,tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sapahina 108 – 110, bilang 7 hanggang 8. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptongnabasa.
Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto
Iulat ang inyong output sa klase.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 45/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer sa
pisara. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga
output ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit
sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba:
D. PAGSASABUHAY
Pagganap
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad
ng mga Tungkulin Bilang Kabataan.
2. Ipaliwanag na:
a. Magsisilbi itong gabay sa pagganap ng iyong mga tungkulin bilang
kabataan.
b. Magsisilbi din itong pagtatalaga sa iyong sarili tungo sa maayos na
pagganap ng bawat tungkulin.
Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilanganak o kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kosyumer ngmedia at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang magingmapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 46/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina
Pagninilay
1. Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa:
a. Mga dapat nilang paunlarin sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin
bilang isang kabataan at;
b. Mga taong makatutulong sa kanila sa mga bagay na ito.
2. Ipaskil sa pisara ang katulad na pormat na nasa pahina 99.
Pagsasabuhay
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Pansariling Plano ng maayos na Pagtupad
ng mga Tungkulin Bilang Kabataan” sa bahaging Pagsasabuhay sa pahina
99.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto.
Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang
katanungan tungkol sa panuto?
3. Makatutulong kung magpapaskil ng
katulad na halimbawa na nasa Modyul.
Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral
na basahin ang halimbawa na nasa
pisara.
4. Matapos ang panahon na ibinigay samga mag-aaral ay tumawag ng ilan na
magbabahagi ng kanilang ginawa sa
harap ng klase.
5. Atasan ang mga mag-aaral na
magbigay ng mga patunay sa
pagsasagawa ng gawain. Maaaring
larawan o video habang isinasagawa ang panayam.
Paalala: Magtalaga ngkapareha ang bawat mag-aaralupang tiyaking nasusundan atnatataya ang mga tala sa Tsartng bawat mag-aaral. Pagawinang bawat isa ng ulat ng mgapagbabago sa mga kilos atgawi ng kamag-aral bunga ngpagsunod sa “Pansariling
Plano ng maayos na Pagtupadng mga Tungkulin BilangKabataan”. Ipapasa ng mgamag-aaral ang kanilangdyornal. Basahin ang kanilangpagninilay at mamarkahan itogamit ang kraytirya sa Annex 2.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 47/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 1
Plano ng Pagtuturo
Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOB
I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga konsepto tungkol sa isip
at kilos-loob.
Naisasagawa ang mga pasyang
patungo sa katotohanan at kabutihan
batay sa mga konsepto tungkol sa isip
at kilos-loob.
BatayangKonsepto:
Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1 Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag-
aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Isip at Kilos-loob
a. Ang Gamit ng Isip at Kilos-loob
b. Ang Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
c. Ang Paglinang ng Isip at Kilos-loob
d. Ang Isip at Kilos-loob ang Nagpapabukod-tangi sa Tao
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
Pagtukoy sa pagkakaiba ng tao sa ibang nilikhang may buhay
Pagsuri ng sariling paraan ng paggamit ng isip at kilos-loob
Paghinuha na ang gamit ng isip ay ang pag-unawa tungo sa
katotohanan at ang gamit ng kilos-loob ay ang pagkilos o paggawa
tungo sa kabutihan
Pagpapakita ng pasya o kilos patungo sa paglinang ng isip at kilos-
loob
Pagsulat ng pagninilay tungkol sa pagkakaroon ng tao ng isip at kilos-
loob at natuklasang katotohanan at kabutihan ng mapanagutang
paggamit ng mga ito
Pagsasagawa ng paraan ng pagsasabuhay upang maging tugma ang
isip at kilos-loob at magampanan ng mga ito ang paghanap sa
katotohanan at paggawa ng kabutihan
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 48/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 2
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 101. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 5 na nasa loob ng kahon.
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 101 - 103.
Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang
susi sa pagmamarka sa Annex 1.
Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas angkamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala
sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5
hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 49/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 3
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring
dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang tungkulin mo bilangnagdadalaga/nagbibinata sa iyong sarili, sa iyong pamilya at sa pamayanan
na iyong kinabibilangan. Sa araling ito tutulungan kang maunawaan ang
kahalagahan ng paggamit ng iyong isip at kilos-loob upang magampanan ang
iyong mga tungkulin bilang isang nagdadalaga/nagbibinata. Magiging
malinaw din sa iyo kung ano ang tunguhin ng isip at kilos-loob na taglay mo.
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Paalala:
Ihanda ang katulad sa tatlong larawang ito - halaman, hayop attao bago ang pagtalakay ng araling ito.
Ipaskil ang mgalarawang ng
halaman, hayopat tao sa pisara.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 50/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 4
Pagkatapos na sagutan ng bawat isang mag-aaral ang mga tanong at
punan ang tsart. Atasan ang silang magpangkat sa apat.
Ang tatlong pangkat ay tatawaging pangkat halaman, hayop at tao.
Samantalang ang ikaapat na pangkat ang gagawa ng paglalagom bataysa impormasyong ibibigay ng tatlong pangkat.
Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito. Pagkaraan ng 15 minuto
hayaang ipaskil at ipaliwanag ng taga-ulat ang ginawa ng kanilang
pangkat.
Atasan din ang ikaapat na pangkat na ibigay ang kanilang paglalagom
batay sa impormasyong ibinigay ng tatlong pangkat. Maaaring gawing
gabay ang mga tanong sa ibaba ng tsart sa pahina 104.
Isulat ang sipi ng mga tanong na ito sa isang manilapaper at ipaskil sa pisara upang makita ng mga mag-aaral. Isguhit din ang tsart na ito sa pisara.
Sabihin ito samga mag-aaral
Gumawa ngkapareho nitong
larawan. Ipaskilito sa pisarabago angpagtalakay.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 51/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 5
Itanong ang mga katanungang ito sa pahina 105 para sa talakayan.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Atasan ang klase na magpangkat sa lima. Sabihin: Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng isang situwasyon na kailangan ng masusing pag-iisip upang
makabuo ng isang pagpapasiya.
Pag-aaralan ng bawat kasapi ng pangkat ang situwasyon saka sila bubuo
ng pagpapasiya. Ipakikita ang situwasyon at pasiya sa klase sa
pamamagitan ng pagsasatao nito.
Hayaang magtakda ang mga mag-aaral ng pamantayan kung paano nilamamarkahan ang presentasyon ng bawat pangkat.
Paglilinaw: ang unang speech baloon ay ang iisipin at ang ikalawang
speech baloon ay ang gagawin.
Paalala: Kailangang ihanda ang sipi ng mga situwasyong ito para sa
mga mag-aaral. Ibigay ito bilang takdang-aralin.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 52/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 6
Pagkatapos ng presentasyon ng bawat pangkat, talakayin ang tugon ng mga
mag-aaral sa mga tanong sa pahina 108.
C. PAGPAPALALIM
Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 109-112.Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15
minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa
bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga-
ulat.
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral.Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila ngtala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainamang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upangmaramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakayupang handa sila sa gawain sa klase.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 53/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 7
Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 109-110 sa unang pangkat.
Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa
kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawa
nito.
Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayin
ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 110-111. Hikayatin
na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.
Ang pahina 111 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3. Ang ikaapat pangkat ang gagawa ng pagbubuod batay sa huling bahagi ng
babasahin
Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto
upang gawin ito.
Ipaskil o isulat sapisara ang mgatanong na ito namatatagpuan sa
pahina 112.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 54/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 8
Magpaskil o gumuhit sa pisara ng
replica ng graphic organizer.
Tumawag ng ilang mga mag-
aaral upang punan ang graphic
organizer. Ipasulat sa mag-aaral
ang nabuong konsepto sa
patlang ng nakapaskil na graphic
organizer.
Ibigay ang tamang sagot.
D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral.
Ang tao ay natatangi na nilalang dahil siya ay may:Isip na nakaaalam Kilos-loob na nagpapasiya/pumipili
Ang gamit ng isip ay umunawa Ang gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa Ang tunguhin ng isip ay katotohanan Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan
Kaya, nararapat na sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loobupang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng tao.
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralinsubalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan namagagampanan nila sa bahaging ito.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 55/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 9
Pagganap
Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan sa
sarili kaugnay ng paggamit nila ng kanilang isip at kilos-loob.
Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang
mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa
Annex 2.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 56/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 10
Pagsasabuhay
Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 116. Ipaliwanag
ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung
kinakailangan.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 57/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 1
Plano ng Pagtuturo
Modyul 6: KAUGNAYAN NG KONSENSIYA
SA LIKAS NA BATAS MORAL
I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga konsepto tungkol
konsensiya at Likas na Batas Moral
Natataya ang kanyang mga kilos o
pasya batay sa dinidikta ng tamang
konsensiya
BatayangKonsepto:
Ang Likas na Batas Moral ang pinagbabatayan ng paghuhusga ng
konsensiya na gawin ang mabuti at iwasan ang masama sapagkat maykamalayan at kalayaan ang pagtungo sa KABUTIHAN.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1. Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga
mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral
a. Ang Kahulugan ng Konsensya
b. Mga Uri ng Konsensya
c. Gamit ng Konsensiya
d. Ang Likas na Batas Moral ay Natatangi sa Tao
e. Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
f. Mga Katangian ng Likas na Batas Moral
g. Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral
h. Ang Kahalagahan ng Konsensya Bilang Bahagi ng Pagkatao
1.2. Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
Pagpatunay ng kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas
Moral
Pagtukoy ng mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon
Paggawa ng kontrata ng pagbabago tungo sa
pagpapaunlad ng pasiya at kilos
Pagbatay ng konsensiya sa Likas na Batas Moral
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 58/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 2
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 119. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 6 na nasa loob ng kahon.
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 120-121.
Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamitang susi sa pagmamarka sa Annex 1.
Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 59/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 3
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga
ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang
kabuuang bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Sa nakaraang aralin naunawaan mo ang kahalagahan ng paggamit ng iyong
isip at kilos-loob upang magampanan ang iyong mga tungkulin bilang isang
nagdadalaga/nagbibinata. Naging malinaw din sa iyo kung ano ang tunguhin ng
isip at kilos-loob na taglay mo. Sa araling ito, mauunawaan mo ang tungkol sa
isa pang mahalagang bahagi ng iyong pagkatao – ang iyong konsensiya. Bakit
mo sasanayin ang iyong sarili na maging sensitibo sa paggamit nito.
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Ipaskil itobilang paksang gagawingpagsasataoat gagawanng pasiya
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 60/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 4
Tanungin ang mag-aaral na nagsatao:
a. Nahirapan ka bang pumili?
b. Saan mo ibinatay ang iyong pasiya?
c. Paano naapektuhan ng dalawang katauhan ang iyong pagpapasiya?
Pagkatapos ng pagsasatao ipagawa ang bahaging ito sa mga mag-aaral
(Gumawa ng replika upang ipaskil sa pisara)
Pagkatapos itong gawin ng bawat mag-aaral, atasan sila na maghanapng kapareha upang ibahagi ang kanilang ginawa at paghambingin ang
kanilang naging sagot.
Tumawag ng apat na mag-aaral na sasagot sa pisara.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 61/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 5
Bigyan sila ng 10 minuto para gawin ito.
Pagkalipas ng 10 minuto tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa
klase ang kanilang ginawa.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Ipaliwanag ang bahaging ito sa klase bilang pasimula ng gawaing ito.
Paalala:
Atasan ang mga mag-aaral na balikan sa alaala ang isang karanasan na
naramdaman ang impluwensiya ng konsensiya sa ginawang pagpapasiya.
Bigyang punto ang pangyayari, pinakinggan ba o binalewala ang konsensiya,
ano ang naging damdamin, ano ang naging epekto at ano ang natutunan sapangyayari.
Ipagawa angbahaging itosa bawat mag-aaral sakanilangkuwaderno.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 62/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 6
Atasan ang mga mag-aaral na pumunta sa pisara at sumulat ng mgasalita na maaaring ikabit sa salitang konsensiya para sa word
association.Hikayatin silang isulat ang kanilang mga nalalaman.
Pagkatapos nilang magsulat, tumawag ng ilang mag-aaral upang
ipaliwanag ang mga salita, parirala o kahulugan ng salitang konsensiya
na isinulat sa pisara.
Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may limang kasapi.
Ipagawa ang pagbabahagi ng isang karanasan tungkol sa konsensiya.
Ipaskil oiguhit ito sapisara.
Ipagawaangpagpapasulat sadyornalkaugnay ngkanilangmganatuklasan
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 63/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 7
Pagawin ang gawaing ito bilang pagsubok sa kanilang gagawing
pagpapasiya sa bawat kaso
Ipawasto ang kanilang naging sagot batay susi sa pagwawasto sa Annex
1
C. PAGPAPALALIM
Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 127-131.
Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15
minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o depende sa
bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga-
ulat.
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral. Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawinsila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Masmainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upangmaramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakayupang handa sila sa gawain sa klase.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 64/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 8
Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 127-128 sa unang pangkat.
Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa
kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa paggawa
nito.
Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na talakayin
ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 129-130. Hikayatin
na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 65/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 9
Ang pahina 130-131 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.
Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minutoupang gawin ito.
Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer.
Ipaskil o isulatsa pisara angmga tanong
na ito namatatagpuansa pahina 18.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 66/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 10
Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa patlang ng nakapaskil na
graphic organizer.
Ibigay ang tamang sagot.
D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral.
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralinsubalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan namagagampanan nila sa bahaging ito.
Batayang Konsepto:
Ang Likas na Batas Moral ang pinagbabatayan ng paghuhusga
ng konsensiya na gawin ang mabuti at iwasan ang masama sapagkat
may kamalayan at kalayaan ang pagtungo sa KABUTIHAN.
(Ilan lamang ito sa maaaring maging sagot.)
Mabuting Kilos:
1. Sundin ang payo ng mga magulang.
2. Gawin ang takdang-aralin at mga proyektong nakatakda satamang oras.
3. Sundin ang mga alituntunin na ipinatutupad ng pamayanan.
Masamang Kilos:
1. Pag-imbento ng dahilan para payagang lumabas ng bahay upang
makapaglaro ng computer games.
2. Pagti-text habang nagtuturo ang guro.
3. Pagpapakawala ng aming aso tuwing umaga upang dumumi sa
kalsada.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 67/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 11
Pagganap
Pagninilay Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan
kaugnay ng kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral.
Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook
upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit angrubric sa Annex 2.
Sa bahagingitomagsisimulaang pagganap
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 68/89
Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 12
Pagsasabuhay
Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 135-136.
Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw
kung kinakailangan.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 69/89
Plano ng Pagtuturo
Modyul 7: KALAYAAN
I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga konsepto tungkol
kalayaan
Naipamamalas ang kalayaan sa
pagtupad ng kaniyang mga tungkulin
bilang nagdadalaga/nagbibinata.
Batayang Konsepto:
Likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o masama ngunit ang
kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga
mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral
a. Ang Kahulugan ng Kalayaan
b. Mga Indikasyon ng Pagkakaroon o Kawalan ng Kalayaan
c. Mga Uri ng Kalayaan
d. Kaugnayan ng Kalayaan sa Likas na Batas Moral
e. Kahulugan ng tunay na kalayaan
1.2. Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
Pagpatunay ng kaugnayan ng kalayaan sa Likas na Batas Moral
Pagpapaliwanag ng kahulugan ng kalayaan
Pagtukoy ng mga indikasyon ng kalayaan o kawalan
nito
Pagsuri ng sariling pagkaunawa sa kalayaan
Pangangatuwiran kung bakit hindi tunay na malaya
ang mga taong nakapiit sa sariling bisyo, maling
pananaw, magulong buhay
Pagpapaunlad ng sarili gamit ang kalayaan
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 139. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 7 na nasa loob ng kahon.
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 70/89
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 139-141.
Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang
susi sa pagmamarka sa Annex 1.
Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang
kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala
sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5
hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
o Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.o Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
o Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 71/89
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul
Sabihin:
Sa mga nakaraang aralin natuklasan mo ang mga mahahalagang
kakayahang bumubuo sa pagkatao ng tao katulad ng isip, kilos-loob at ang
konsensiya. Ang mga kakayahang ito ay lubos nating kalulugdan dahil sa
kalayaang ipinagkaloob din sa tao. Sa pamamagitan ng kalayaang taglay ng
tao nagagamit niya ang iba pang kakayahang taglay niya. Sa araling ito lubos
mong mauunwaan ang mahalagang papel ng kalayaan sa paghubog n gating
pagkatao.
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Ipagawa ito sa mga mag-aaral, ipaskil o isulat ang bahaging ito sa pisaraat ipagawa sa mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno.
Paalala:
Tuklasin ang pagkakilala ng mga mag-aaral sa Genie.Saka ipagawa ang gawain sa bahaging pagtuklas ng datingkaalaman. Maaari isatao ng mga mag-aaral ang usapan ngGenie at ng tao.
Ipaskil ito
bilang paksang gagawingpagsasataoat gagawanng pasiya.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 72/89
Bigyan sila ng 10 minuto para gawin ito.
Pagkalipas ng 10 minuto atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng dyad
upang pag-usapan ang kanilang ginawa.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang
ginawa.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Ipaliwanag ang bahaging ito sa klase bilang pasimula ng gawaing ito.
Paalala:
Maghanda ng katulad sa mga larawan sa pahina 144-145.
Ayusin at ipaskil
ang mga
larawan sa
pisara.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 73/89
Hayaan silang muling balikan ang ginawa sa pisara. Hikayatin silangpalitan/ayusin ang mga nakadikit na larawan kung mayroong nakitang
dapat ayusin.
Itanong sa mga mag-aaral ang mga katanungang ito bilang bahagi ng
pagtatalakay.
Atasan ang mga mag-aaral na magpangkat na may 10 kasapi.
Papiliin sila ng kanilang lider, taga-sulat at taga-ulat.
Ibigay sa bawat pangkat ang manila paper at pentel pen para sa
gawaing ito.
Atasan silang pag-aralan ang bawat situwasyon at pag-usapan kung may
kalayaan o wala sa bawat situwasyon. Ipasulat din ang patunay sakanilang sagot.
Bubuo ang bawat pangkat ng isang pasiya.
Bigyan sila ng 15 minuto para sa pagtatalakay ng pangkat at pagsagawa
ng gawain.
Pagkatapos ng 15 minuto atasan silang ipaskil ang nagawa ng pangkat at
hayaan silang ipaliwanag ang kanilang ginawa.
Paalala:
Maghanda ng manila paper, pentel pen at masking tape para
sa bawat pangkat sa pagpapagawa ng gawaing ito.
Nagpapakita
ng kawalan ngkalayaan
Nagpapakita
ng kalayaan
Tumawag ng ilang
mag-aaral upangihanay ang mgalarawan kungnagpapakita ngkalayaan onagpapakita ngkawalan ng kalayaan.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 74/89
Ipahambing ang naging sagot ng bawat pangkat. Pabigyan sila ng puna
sa kanilang naobserbahan.
Itanong sa mga mag-aaral ang nahinuhang kahulugan ng kalayaan batay
sa gawain.
C. PAGPAPALALIM
Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 147-150. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos
ang 15 minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat o
depende sa bilang ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider,
tagasulat at taga-ulat.
Panuto:
Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral.Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin
sila ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Masmainam ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upangmaramdaman ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.
Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakayupang handa sila sa gawain sa klase.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 75/89
Ibigay ang bahaging ito ng babasahin sa pahina 147 sa unang pangkat.
Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa
kanilang binasa. Hayaan silang gumamit ng graphic organizer sa
paggawa nito.
Atasan ang mga mag-aaral na kabilang sa ikalawang pangkat na
talakayin ang mga konseptong nakapaloob sa babasahin sa pahina 148.
Hikayatin na gumamit sila ng graphic organizer sa pagsasagawa nito.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 76/89
Ang pahina 149 ng babasahin ay ipatatalakay sa pangkat 3.
Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
Matapos ang mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mga mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.
Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5
minuto upang gawin ito.
Magpaskil o gumuhit sa pisara ng
replika ng graphic organizer.
Tumawag ng ilang mga mag-aaralupang punan ang graphic organizer.
Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong
konsepto sa patlang ng nakapaskil
na graphic organizer.
Ibigay ang tamang sagot.
Ipaskil o isulat sa pisara angmga tanong na ito namatatagpuan sa pahina 150.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 77/89
D. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Ipaliwanag sa bahaging ito ang dapat gawin ng mga mag-aaral
Pagganap
Batayang Konsepto:
Likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o masama ngunit ang
kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan.
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang
aralin subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang
inaasahan na magagampanan nila sa bahaging ito.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 78/89
Pagninilay
Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang mga natuklasan
tungkol
sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
Sagutin ang mga tanong na: Ano ang nabago sa aking pananaw tungkol
sa kalayaan?
Paano ko maipakikita ang pagpapahalaga ko sa kalayaang taglay ko?
Ipagawa ito sa kanilang dyornal.
Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook
upang mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang
rubric sa Annex 2.
Pagsasabuhay
Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay sa pahina 152-153.
Ipaliwanag ang panuto kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw
kung kinakailangan.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 79/89
Gabay sa Pagtuturo
Modyul 8: ANG DIGNIDAD NG TAO
I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga konsepto tungkol sa
dignidad ng tao.
Nakagagawa ng konkretong paraan
upang ipakita ang paggalang at
pagmamalasakit sa mga taong kulang
ng oportunidad sa buhay
Batayang Konsepto
Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin
ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at
Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa:
a. Ang Bawat Tao ay may Dignidad Anuman ang KanyangKalagayang
Panlipunan, Kulay, Lahi at Relihiyon.
b. Ang Paraan Upang Ipakita ang Pagkilala at Pagpapahalaga sa
Dignidad ng Isang Tao
c. Mga Paraan ng Paggalang sa Dignidad ng Tao
d. Mga Paraan Upang Mapaunlad ang Pakikitungo sa mga Taong
Itinuturing na Maliliit sa Lipunan
e. Mga Dahilan Bakit May Dignidad ang Tao
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagsusuri sa mga paraan ng pakikitungo sa mga taong itinuturing
namaliliit sa lipunan
b. Pagsusuri sa pagkakaiba ng pakikitungo ng tao sa taong may
magkaibang katayuan sa buhay
c. Pagtukoy sa mga bagay na nararapat ibigay sa kapwa bilang patuay
ng paggalang sa kanilang dignidad
d. Pagsusuri sa mga sitwasyong nagpapakita ng pagyapak sa dignidadng tao
e. Pagkilala sa mga programa ng pamahalaan na nakapagpapaangat ng
dignidad bilang tao
f. Paglikha ng mga hakbang upang maging karapat-dapat sa
pagpapahalaga at paggalang ng kapwa
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 80/89
g. Pagsulat ng pagninilay ukol sa (a) natutuhan tungkol sa
pagpapahalaga sa dignidad ng kapwa, (b) mga paraan upang
mapaunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, (c) mga dapat na gawin
bilang isang taong may dignidad, at (d) mga bagay na dapat iwasang
gawin bilang taong may dignidad
h. Pagtulong sa isang kapamilya, kaibigan o kakilala na may mababang
pagtingin sa sarili upang maiangat ang kanyang konsepto ng sarili.
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 155. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto.
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
II. PAUNANG PAGTATAYA
1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 184-186. Bigyan ng sapat na
panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 81/89
2. Pagkatapos, hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling
papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung
isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman samga mag-aaral sa pahina 158-159.
2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa
Panuto?
3. Makabubuti kung magpapaskil ng mga katulad na larawan sa pisara
upang magamit sa presentasyon ng mag-aaral ng kanilang sagot.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataasang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito.
Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5
hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.
Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 82/89
4. Ipagawa ang gawain sa loob ng 15 minuto.
5. Matapos maibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gawin ito,
tawagin ang ilan sa kanila upang ibahagi ang kanilang natapos na gawain.
6. Pagkatapos, pasagutan sa kanila ang tanong na nasa pahina 159.
7. Iugnay ang sagot ng mag-aaral sa mga tanong sa susunod na gawain.
Sabihin: Patuloy nating tayain ang iyong kakayahang tumupad sa iyong
tungkulin sa pamamagitan ng mga speech balloon na nasa Gawain 2.
Gawain 2
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto sa Gawain 2 sa pahina 159-160.
Itanong: Naunawaan ba ang Panuto?
2. Maglagay ng replika ng Venn Diagram na nasa modyul sa pisara. Ipaliwanag
ang paraan ng paggamit nito.
3. Bigyan sila ng panahon upang gumawa ng kanilang sariling Venn Diagram sa
kanilang kuwaderno
4. Umikot sa klase habang ginagawa ng mga mag-aaral ang gawain
magabayan ang mga mag-aaral at upang matiyak na tama ang ginagawa ng
lahat.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 83/89
5. Pagkatapos, tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang
ginawa sa klase. Ipasulat ang kanilang ginawa sa pisara upang makita ng
lahat.
6. Pasagutan ang mga tanong na nasa pahina 160. Ipasulat ang kanilang sagot
sa kanilang kuwaderno.
7. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral ay tumawag ng
ilan upang magbahagi ng kanilang sagot. Pagyamanin ang pagtalakay sapamamagitan ng pagbabahaginan ng opinyon at pananaw.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Gawain 1
Mga Hakbang
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa gawain sa bahaging
“Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa”. Tiyakin na
malinaw ang Panuto sa lahat. Maging bukas sa mga paglilinaw.
2. Pagawain ang mga mag-aaral ng katulad na pormat na nasa pahina 161.
Maaari itong iguhit o kaya naman ay gumupit ng mga larawan samagasin.
3. Ipakita sa mga mag-aaral ang halimbawa upang mas maging malinaw
para sa lahat ang gawain.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 84/89
4. Ipabahagi sa klase ang ilan sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ipaskil sa
pisara ang kanilang awtput upang makita ng mga kapwa mag-aaral.
5. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa pahina 162.
Gawain 21. Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagtataya sa kakayahang gumalang at
magpahalaga sa dignidad ng kapwa.
2. Ipaskil sa pisara ang mga larawan at bigyan ng dalawang minuto ang klase
upang tingnan/suriin ang mga larawan na ito.
3. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa pahina 163.
4. Pakinggan ang tugon ng mga mag-aaral. Pagyamanin ang talakayan sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng mga opinyon at pananaw.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 85/89
5. Gamitin ang tugon ng mga mag-aaral upang ipakilala ang susunod na bahagi
ng aralin.
C. PAGPAPALALIM
1. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 163-166. Pagkatapos,
magsagawa ng pagtalakay mula sa binasa.
2. Ipaskil sa pisara ang mga katagang:
3. Tumawag ng isang mag-aaral na magpapaliwanag ng kataga at
magbibigay ng paglalapat na halimbawa.
4. Gamitin ito bilang panimula sa pagtalakay ng mga mahahalagang
konsepto sa babasahin.
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga
mag-aaral bilang Takdang Aralin.
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawinsa iyo.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 86/89
5. Tiyakin na mabibigyang-linaw ang lahat ng mga hindi malinaw na
konsepto.
Tayain ang Iyong Pag-unawa
1. Pasagutan ang mga tanong sa bahaging “Tayain ang Iyong Pag-unawa”
sa pahina 167. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipasulat sa
kanilang kuwaderno ang mga sagot.
2. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer sa pahina
167.
3. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer sa
pisara. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng
nakapaskil na mga output ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin
ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa
ibaba:
4. Pagkatapos, ipagawa ang “Pagtataya sa mga Natutuhan” sa pahina 167-
168.
5. Ipabasa ang mga panuto at tiyakin na ang lahat ay malinaw sa mga mag-aaral.
Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbingdaan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili
at
Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging
pantay at magkapareho nilang tao.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 87/89
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 88/89
D. PAGSASABUHAY
Pagganap
1. Ipagawa ang gawain sa bahaging Pagganap sa pahina 169.
2. Ipasa nang malakas ang panuto at maglaan ng panahon para sa mga
paglilinaw.
3. Ipaguhit ang katulad na Dignity Barometer na nasa pahina 169 sa
kuwaderno ng mga mag-aaral.
4. Batay sa nagging pagtataya ng mga mag-aaral sa bahaging ito ayipasagot ang tanong na:
“Ano ang aking nararapat na gawin upang maging karapat-dapat sa
pagpapahalaga at paggalang ng aking kapwa?”
5. Ipagawa ang malikhaing presentasyon ng gawain. Ipakita sa pisara ang
halimbawa na nasa pahina 169.
7/16/2019 EsP Gr. 7 Teacher s Guide Q1 2
http://slidepdf.com/reader/full/esp-gr-7-teacher-s-guide-q1-2 89/89
Pagninilay
1. Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa:
a. Kanilang mga natutuhan tungkol sa pagpapahalaga sa dignidad ng
kapwa
b. Mga paraan upang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapwa
c. Mga dapat na gawin bilang taong may dignidad
d. Mga dapat iwasan bilang taong may dignidad
2. Maaaring gamitin ang katulad na pormat na nasa pahina 170. Ipagawa ito
sa kanilang kuwaderno.
Pagsasabuhay
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Pansariling Plano ng maayos na
Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Kabataan” sa bahagingPagsasabuhay sa pahina 170.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon
bang katanungan tungkol sa panuto?
3. Pagawain ang mga mag-aaral ng komprehensibong plano sa
pagsasagawa ng pagtulong sa isang kapamilya, kamag-anak o kakilala.
4. Mahalagang gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa nito.
5. Tandaan: Kritikal ang gawain na ito kung kaya mahalagang matiyak na
maayos na nakaplano ang gawain at ang mga hakbang sa pagsasagawa