ekspedisyon ni miguel de legazpi

20
Ekspedisyon ni Miguel de Legazpi

Upload: mike-angelo-casapao

Post on 27-Nov-2014

12.964 views

Category:

Documents


51 download

TRANSCRIPT

Ekspedisyon ni Miguel de Legazpi

•Binuo ng apat na barko at 380 katao kasama ang 6 na pari.•Umalis ang ekspedisyon noong Nobyembre

21,1564 mula sa Navidad, Mexico.•Mga Layunin: Sakupin ang Pilipinas Maipalaganap ang Kristiyanismo Magkamal ng Kayamanan Makabangon ang Espanya mula sa pagkabigo ng mga nakaraang

ekspedisyon.

•Sa pamamagitan ng pagtunton sa rutang dinaanan ni Magellan, nakabalik sina Legaspi sa Cebu noong Peb. 13, 1565.•Hindi pinayagan ng mga katutubo na makadaong sina Legazpi sa Cebu kaya napilitan silang magpunta sa Samar at Leyte at Bohol. Doon ay malugod silang tinanggap.

Pananakop sa Cebu•Abril 27,1565, sinalakay ng mga

Espanyol ang Cebu ngunit nanlaban ang mga katutubo sa pangunguna ni Haring Tupaz.•Mas malakas ang pwersa ng mga

Espanyol kung kaya’t sinunog ng mga katutubo ang kanilang mga tirahan upang hindi na mapakinabangan ang mga ito.

•Hinikayat ni Legazpi ang mga katutubo na bumaba mula sa bundok .•Pumayag ang mga katutubo sa mga naging kasunduan kaya’t nagkaroon ng kapayapaan sa Cebu.

•Gamit ang lupang ibinigay ng mga katutubo , nagtatag si Legazpi ng isang pamayanang Espanyol na tinawag na “Lungsod ng Banal na Pangalan ni Hesus”.

“La Villa del Santissimo Nombre de Jesus”

Pananakop sa Maynila•Bunga ng balitang may isang mayamang pamayanang Muslim sa Maynila, narating ito nina Goiti at Juan de Salcedo( mga tauhan na ipinadala ni Legazpi) sa pagnanais na ito ay masakop noong 1570.

Muling sinakop ang Maynila noong 1571 sa pangunguna mismo ni

Legazpi. Hinikayat ni Lakandula sina Sulayman at Matanda na

makipagkasundo sa mga Espanyol. Hindi pumayag si Sulayman at

nakipaglaban ito. Napatay siya sa Labanan sa Bangkusay.

•Nakipagkasundo sina Matanda at Lakandula sa mga Espanyol. Maraming pagbabago ang naganap sa Maynila tulad ng pagkakaroon ng mga gusali,daan at simbahan. Naging siyudad ito noong Hunyo 1571.

•Mula sa Manila, nagpadala pa ng ibang ekspedisyon sa iba pang bahagi ng Luzon upang masakop at gawing Kristiyano ang mga Pilipino.