edukasyon ng unang pilipino
TRANSCRIPT
![Page 1: Edukasyon ng unang pilipino](https://reader037.vdocuments.site/reader037/viewer/2022100118/5596a6481a28ab2b5b8b47cf/html5/thumbnails/1.jpg)
![Page 2: Edukasyon ng unang pilipino](https://reader037.vdocuments.site/reader037/viewer/2022100118/5596a6481a28ab2b5b8b47cf/html5/thumbnails/2.jpg)
Edukasyon ng Sinaunang Pilipino
![Page 3: Edukasyon ng unang pilipino](https://reader037.vdocuments.site/reader037/viewer/2022100118/5596a6481a28ab2b5b8b47cf/html5/thumbnails/3.jpg)
Ang malawak na kaalaman ng mga unang
Pilipino ay hango sa edukasyong di-pormal.
Di-pormal sapagkat walang istruktura ng
pormal na edukasyon na alam natin ngayon.
Walang paaralang pinapasukan at mga
asignaturang pinag-aaralan. Gayunpaman,
mataas ang antas ng marunong bumasa at
sumulat sa mga sinaunang Pilipino.
![Page 4: Edukasyon ng unang pilipino](https://reader037.vdocuments.site/reader037/viewer/2022100118/5596a6481a28ab2b5b8b47cf/html5/thumbnails/4.jpg)
Bago pa man dumating ang mga Espanyol
ay mayroon nang edukasyon ang ating mga
ninuno. Ang mga bata, lalaki man o babae ay
nag-aaral sa sarili nilang tahanan kasama ang
kanilang mga magulang bilang kanilang mga
guro. Sila ay tinuturuang magbasa, magsulat,
magbilang at manampalataya. Hindi lamang
mga araling pang-akademiko ang itinutiro sa
kanila.
![Page 5: Edukasyon ng unang pilipino](https://reader037.vdocuments.site/reader037/viewer/2022100118/5596a6481a28ab2b5b8b47cf/html5/thumbnails/5.jpg)
Ang mga lalaki ay tinuturuang maging
mandirigma, mangangaso, mangingisda at
magsasaka .
Tinuturuan din sila ng mga
kaalamang nauukol sa pagmimina,
paggawa ng sasakyang-dagat, at pagiging
platero.*
![Page 6: Edukasyon ng unang pilipino](https://reader037.vdocuments.site/reader037/viewer/2022100118/5596a6481a28ab2b5b8b47cf/html5/thumbnails/6.jpg)
Ang mga babae nama’y sinasanay
sa mga kaalamang ukol sa pagluluto,
pananahi, paghahabi, at
paghahayupan.
Paghahanda ito sa kanilang
pagiging maybahay at mabuting asawa
sa hinaharap*
![Page 7: Edukasyon ng unang pilipino](https://reader037.vdocuments.site/reader037/viewer/2022100118/5596a6481a28ab2b5b8b47cf/html5/thumbnails/7.jpg)
Mayroon ding sinaunang alpabeto ang mga
Pilipino. Baybayin ang tawag dito na binubuo na
labimpitong (17) titik. -3 patinig at 14 na
katinig.
Sa pagsulat naman ay simple lamang ang
kanilang ginagamit gaya ng dulo ng kutsilyo at
matutulis na bakal na tinatawag na sipol.
Katas ng halaman ang kanilang ginagamit
na tinta at sa mga dahon, balat ng punongkahoy,
at biyas ng kawayan sila sumusulat.
![Page 8: Edukasyon ng unang pilipino](https://reader037.vdocuments.site/reader037/viewer/2022100118/5596a6481a28ab2b5b8b47cf/html5/thumbnails/8.jpg)