economics..2

Upload: kimm-charmaine-rodriguez

Post on 29-Oct-2015

51 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/15/2019 Economics..2

    1/16

    Pagmamanupaktura- Ito ay tumutukoy sa kemikal na transpormasyon ng

    organiko at di organikong bagay upang mabuo ang isang produkto sa

    pamamagitan ng makina o kamay na isinasagawa sa pabrika o bahay.

    Pagmimina- Ito ang industriya na nagkakatas ng mineral at iba pang

    maghalagang metal mula sa mga minahan sa bansa.

    Konstruksyon- Ito ay tumutukoy sa industriya ng pagtatayo ng mga gusali,

    pagawaan, pabrika at iba pang istruktura.

    Pagsasapribado- ang pagpapabili sa pribadong sector ng mga korporasyong

    pagmamay-ari o pinangangasiwaan ng pamahalaan.

  • 7/15/2019 Economics..2

    2/16

    Magna Carta for Small and Medium Scale Enterprises- layunin ng

    batas na ito na palaguin ang maliliit at katamtamang-laking

    industriya.

    Agro-industrial Technology Transfer Program- tinutustusan angprogramang ito ng Japan at naglalayong pabilisin ang paglilipat ng

    teknolohiya sa produksyon at pagpoproseso at makalikha ng mga

    gawaing pangkabuhayan sa mga pook-rural.

    Retrieval- kapag hindi naipagbibili ang ari-arian, nagkakaroon ng pagbabalik sa

    Development Bank of the Philippines o Philippine National Bank na

    mangangasiwa sa korporasyon

  • 7/15/2019 Economics..2

    3/16

    Korporasyong Multinasyunal- ay mga korporasyong may sangay sa ibat ibang bansa

    pinamamahalaan ng punong tanggapan sa inang bansa na may lubos na kapangyarihan

    sa lahat ng kayamanan at ari-arian sa mga sangay nito sa buong daigdig.

    Science and Technology Agenda for National Development- layunin nito

    ang makabuo ng mga sopistikadong industriya at gawaing pangkarunungan

    ng makatutulong sa ekonomiya.

    Department Store- nahahati sa ibat ibang dibisyon o departamento.

  • 7/15/2019 Economics..2

    4/16

    Mail-Order House- nagbibili ng produkto sa pamamagitan ng

    koreo.

    National Standards Body- ito ay naatasan na magpaunlad, magsakatuparan

    at makipag-ugnayan sa mga gawaing pamantayan sa Pilipinas.

    International Organization for Standardization- layunin nito na pataasin,

    paangatin at paunlarin ang pamantayan ng produkto at serbisyo sa

    pribado at publikong sektor.

    Department of Trade and Industry- nangunguna sa pagtulong sa

    Gawain ng industriya at kalakalan.

  • 7/15/2019 Economics..2

    5/16

    Gross National Product- tumutukoy sa halaga ng kabuuang

    produkto at serbisyong nagawa ng mga produkto at serbisyo.

    Gross Domestic Product- tumutukoy sa halaga ng mga produkto at

    serbisyong ginawa sa loob ng bansa kasama ang ginawa ng mga

    dayuhan.

    Laissez fair- kailangang pabayaan ng pamahalaan ang

    operasyon ng negosyo.

  • 7/15/2019 Economics..2

    6/16

    Spillover- isang kalagayan na kung saan naisasalin sa ibang tao ang

    isan benepisyo o halagang nauugnay sa isang gawaing pang-

    ekonomiya.

    Public Revenue- kitang nagmumula sa pamahalaan.

    Buwis- sapilitang kontribusyon ito na ipinapataw ng pamahalaan sa

    mga mamamayan o ari-arian upang matugunan ng pamahalaan ang

    obligasyong pinansyal nito.

  • 7/15/2019 Economics..2

    7/16

    Progresibo- kasipikasyon ng buwis na kung saan lumalaki ang kabayaran o

    halaga nito sa pagtaas ng kita o halaga ng isang ari-arian.

    Patakarang Piskal- pangungulekta ng buwis at kung paano ito

    gugugulin.

    Patakaran sa Pananalapi- gamit ng salapi at kung paano ito inilalaan sa

    ibat ibang gawaing pangkabuhayan.

  • 7/15/2019 Economics..2

    8/16

    Recession- pagbagal ng ekonomiya.

    Cyclically-balanced Budget- nagkakaroon kakulangan o kalabisan sa

    badyet batay sa umiiral na kalagayang pang-ekonomiko.

    Import control- ipinatupad ng pamahalaan upang mapigil ang

    paglabas ng reserbang dolyar.

  • 7/15/2019 Economics..2

    9/16

    Import liberalization program- naglayong palayain ang mga negosyo

    sa mga patakarang proteksyonista noong nakaraang tatlong dekada.

    Foreign Exchange- pagpapalit ng lokal na salapi sa dayuhang salapi.

    Yen- salapi sa Japan

  • 7/15/2019 Economics..2

    10/16

    Broker- tumatayo bilang mga tagapamagitan sa mga bangko sa loob

    ng isang sentrong pampinansyal.

    Foreign Trade Services Corps- tumutulong sa pag-unlad ng

    kalakalan.

    Board of Investment- tungkuling itugma ang pagbabalangkas at

    pagpapatupad ng maiksi, katamtaman at pangmatagalang planong

    pang-industriya at pagtataguyod ng pamumuhunan sa Pilipinas.

  • 7/15/2019 Economics..2

    11/16

    Philippine Economic Zone Authority- ahensyang nangangasiwa

    at nagpapa-unlad sa mga export processing zone ayon sa

    patakaran ng DTI.

    Bureau of International Trade Relation- ahensyang

    nangangasiwa sa lahat ng bagay ukol sa relasyong

    pangkalakalan, bilateral man o multilateral.

    Bureau of Export Trade Promotion- nagbabalangkas ng mga

    programa, plano at proyekto na kailangan sa pagpapaunlad,

    pagtataguyod at pagpapalawak ng kalakalng panlabas ng

    Pilipinas.

  • 7/15/2019 Economics..2

    12/16

    Bonded Export Marketing Board- itinataguyod ang pagtatatag ng

    bonded manufacturing at pasilidad sa pakikipagkalakalan para sa

    muling pagluluwas ng mga produkto.

    Philippine Shippers Bureau- kumakatawan sa mga Pilipinong

    nagmamay-ari ng mga barkong panlulan sa mga pandaigdigang

    komperensya at nakikipag-usap para sa kanila.

    Philippine Trade Training Center- tunkuling itaas ang antas ng

    kamalayan ng mga Pilipinong neosyante sa mga oportunidad sa

    pagluluwas at pamilihan.

  • 7/15/2019 Economics..2

    13/16

    Bureau of Import Services- nagmamatyag, nagsusuri at

    nagpapahayag ito ng mga antas at halaga ng mga inluluwas na

    kalakal, lalo na ang mga kalakal na saklaw ng programang

    liberalisasyon.

    Garment and Textiles Export Board-

    pinangangasiwaan ang pagpapatupad ng mga

    kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa ukol

    sa kalakalan sa tela at damit.

    Philippine International Trading Corporation-

    pinangangasiwaan nito ang mga bago o hindi tradisyunal na

    produktong iniluluwas o inaangkat na hindi pangkaraniwang

    kinakalakal ng pribadong sektor.

  • 7/15/2019 Economics..2

    14/16

    Schumpeter, Joseph- Ang pag-unlad ay paggalaw patungo sa isang

    resulta

    Myrdal, Gunnar- Ang pag-unlad ay ang papataas na paggalaw ng

    lipunan sa kabuuan patungo sa direksyon ng modernisasyon.

    Sen, Amartya- Ang pag-unlad ay ang pagbuti ng kalagayan

    pamumuhay ng tao.

  • 7/15/2019 Economics..2

    15/16

    Schumacher, E.F.- Ang pag-unlad ay dumaraan sa proseso ng

    ebolusyon. Kailangan dito ang edukasyon, disiplina at tatag ng

    mga organisasyon.

    Per capita income- kita ng bawat tao ang kitang tatanggapin ng

    bawat tao kung hahati-hatiin ang pambansang kita nang panta-pantay sa dami ng populasyon.

    Unemployment- mga taong may kakayahan at nagnanais

    na magtrabaho ngunit wala naman silang mapasukan.

  • 7/15/2019 Economics..2

    16/16

    Underemployment- mga taong may trabaho ngunit hindi husto sa oras at

    mababa ang antas ng kanilang produksyon.

    Rostow, H.W.- binuo ang isang teorya ng pag-unlad na naglalarawan ng

    mga yugtong pinagdaanan ng isang bansa sa pagnanais na matao ang

    kaunlaran.

    Harrod-Domar- Ang paglago ay nakasalalay sa laki ng

    pamumuhunan at sa kahandaang mag-impok.