Download - Yunit 6 Makrong kasanayan: PAGSASALITA
YUNIT 6
MAKRONG KASANAYAN:
PAGSASALITA
MGA MUNGKAHI KUNG MAKAPAGSASALITA NANG
HARAP NG MADLA
1. Magkaroon ng positibong
pananaw.
2. Magtiwala sa sarili.
3. Tanggapin mo ang iyong
sarili.
4. Magkaroon ng marubdob
na pagnanasang maging
mahusay na tagapagsalita.
5. Harapin mo ang takot.
6. Magpraktis ka ng
magparaktis.
7. Isiping ang mga madlang
tagapakinig ay
palakaibigan at hindi
mapanghusga.
8. Magdasal.
PROPAYL NG EPEKTIBONG ISPIKER
1. Ang isang epektibong
tagapagsalita ay responsible.
2. Magiliw siyang magsalita at
kawili-wiling pakinggan.
3. May malawak siyang
kaalaman hinggil sa
paksang kanyang
tinatalakay.
4. Siya ay palabasa.
5. Siya ay palaisip.
6. Mayroon siyang mayamang
koleksyon ng mga ideya at
babasahin.
7. May interes siya sa
paksang kanyang
tinatalakay.
8. Siya ay obhetibo. Tinatangap
ang ideya ng iba, taliwas man sa kanyang paniniwala.
9. Mayroon siyang sense of
humor. Nagpapatawa kung
kinakailngan upang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig.
10. Gumamit siya ng mga
angkop na salita.
11. Nirerespeto niya ang
pagkakaiba-iba ng kanyang
mga tagapakinig.
12. Sapat at angkop ang lakas
ng kanyang tinig.
13. Malinaw at wasto ang
bigkas niya sa mga salita.
14. Gumamit siya ng mga
angkop na kumpas at kilos.
15. Hindi niya iniinsulto o
sinasaktan ang damdamin ng
kanyang mga tagapakinig.
16. Maingat siya sa paggawa ng
mga konglusyon, paratang at
batikos.
17. May panuunan siya ng
paningin sa kanyang mga
tagapakinig.
18. Angkop ang kanyang
kasuotan sa okasyon.
19. Paniniwalaan at
isinasabuhay niya ang
kanyang mga sinasabi.
20. Wala siyang mga
nakadidistrak na mannerism.
21. Mainam ang kanyang tindig
o postyur.
22.Maayos at lohikal ang kanyang
presentasyon mula simula,
gitna, hanggang wakas.
23. Iniiwasan niya ang labis na
mapalabok na pananalita.
24.Binibigyan niya ng diin ang
mga mahalagang konsepto at
kaisipan.
25.Alam niya kung kailan
tatapusin ang pagsasalita.
26.Iniiwasan niya ang
magyabang o himig-
pagyayabang.
27.Mayaman ang kanyang
bokabularyo.
28.Taglay niya ang mga
angkop at inaasahang gawi,
personalidad at karakter.
Maraming salamat po!
Inihanda ng Pangkat 4:
•Lucagbo, Raziel
•Edillor, Sep Louise
•Maglangit, Ida Marie
•Palad, Jade