-
Arts Unang Markahan – Modyul 2:
Contrast sa Kulay at Hugis sa
isang Likhang Sining
2
-
Arts – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Mga Bumuo ng Modyul
Manunulat: Annabelle I. Tala Editor: Nelson Oliva Tagasuri: Saturnino D. Dumlao Engelbert Agunday, PhD Tagaguhit: Ivy P. Evangelista Tagalapat: Sweet Hazel E. Dordines Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD Librada M. Rubio PhD Ma. Editha R. Caparas EdD Nestor P. Nuesca EdD Engelbert Agunday PhD Felegina Bugay Jose C. Tala EdD
-
2
Arts Unang Markahan – Modyul 2:
Contrast sa Kulay at Hugis sa
isang Likhang Sining
-
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Arts ,
Baitang 2 ng Alternative . Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang
Likhang Sining
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay
ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
-
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts , Baitang 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Contrast
sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining .
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman
mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita
natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
-
iv
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
-
v
Isagawa
Ito ay naglalaman ng
gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na
naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay
sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga
tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat
ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
-
vi
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa
paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito
-
1
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang
malinang ang iyong kaalaman, kasanayan at likas na
pagkamalikhain na inyong mga natutunan sa nakaraang
aralin. Ito ay tumatalakay sa Kaibahan sa Pagitan ng
mga Hugis at Kulay ng mga Gawain at Gawa ng Iba.
Dito ay matututunan ninyo ang pagkakaiba at
pahalagahan ang inyong gawa at gawa ng iba.
Sa Modyul na ito, inaasahang matutunan mo ang
mga sumusunod:
Gumawa ng Hugis at Kulay na kakaiba sa iba,
Pahalagahan ang sariling gawa at gawa ng iba,
Linangin ang kasanayan sa pag-gawa ng hugis at
kulay; at
Pagtibayin ang imahinasyon upang makagawa ng
kakaibang obra.
-
2
Subukin
Isulat sa patlang ang salitang naglalarawan sa
pangungusap.
_________1. Nabubuo mula sa dalawang tuldok na
pinagkabit o pinag-ugnay.
_________2. Linya na maaring pahiga, pataas, pahilis at
paputol - putol.
_________3. Linya na paalon-alon at paikot.
_________4. Linyang paikot sa sentro at nagtatagpo sa
tuldok na pinagmulan.
_________5. May tatlong gilid at may tatlong sulok. Sa
tatlong sulok na ito nagtatagpo ang mga
linya.
Bilog linya tatsulok pakurda
tuwid parihaba
-
3
Aralin
1 Contrast sa Hugis at
Kulay sa Isang Likhang
Sining
Balikan
Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang iba’t ibang
hugis, linya at tekstura na magagamit sa pagguhit ng
mga bagay na makikita mo sa iyong kapaligiran.
Ang susunod nating aralin ay tungkol sa mga
kaibahan sa pagitan ng mga hugis at kulay sa mga
gawain at gawa ng iba. Dito papalalaguin natin ang
inyong imahinasyon upang makaguhit ng kakaiba sa
mga guhit at kulay ng inyong mga kamag-aral
-
4
Tuklasin
Basahin ang maikling sanaysay at gawin ang mga
pinagagawa ng maayos. ( Sa mga batang hindi pa
gaanong nakababasa, paki tulungan po nang mga
magulang o kaya nang mga nakaktatandang kasama
sa tahanan)
Si Pedro at ang Kanyang Kamag-Aral
Magandang umaga ang bati ng mga mag-aaral sa
kanilang guro sa MAPEH na si Bb. Matanghari. Masisigla
ang mga mga-aaral sa Baitang 2, dahil sa oras na ito ay
guguhit at kukulay sila nang ibat-ibang hugis. “Ma’am,
ano po ba ang iguguhit natin ngayon?” Hindi sinagot ni
Bb. Matanghari ang tanong ng isang mag-aaral, at sinabi
lang niya na sila ay tumahimik at ihanda ang mga
gagamitin sa gagawin ngayon.
Bago tayo magsimula ng gawain, tayo muna ay
umawit ng isang awitin na magbibigay sa atin ng ideya
sa ating gawain ngayon. “Pedro, ikaw ang manguna sa
inyong kakantahin,” ang sabi ni Bb, Matanghari.
-
5
“Tayo ay tumayo at kantahin natin ang Bahay Kubo,”
ang sabi ni Pedro.
Bahay Kubo, kahit munti ang halaman duon
ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani ,
sitaw, bataw patani.
Kundol , patola, upo’t kalabasa
At saka meron pang labanos,mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puro linga.
“Magaling! Ano-ano ang nabanggit sa awitin na
pwede nating iguhit?” ang tanong ni Bb. Matanghari.
“Marta?” Tumayo si Marta at sinabi, “Mga halaman po
Ma’am.” Magaling! Magbigay nga ng isang halimbawa
ng halamang nabanggit sa awit?” Ma’am ako po!” ang
sigaw ni Kardo.” Kardo magbigay nga.” Madam talong
po.” Magaling! Marami pang mga halaman ang
nabanggit sa awit. Kaya malaya kayong iguhit ito. Ilagay
sa inyong “arm chair” ang mga dalang gamit at
umpisahan niyo nang gumuhit. Labing-limang minuto
lang ang inyong oras upang tapusin ito.” Masaya at
tahimik na gumuhit ang mga bata.
-
6
Suriin
Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ang tatlong bagay na kailangan munang
matutunan upang makaguhit at makapagkulay na
kakaiba sa mga gawa ng iba.
2. Magbigay ng dalawang uri ng halaman na makikita
sa awit “Bahay Kubo”.
3. Magbigay ng dalawang kagamitan na kailangan sa
pagguhit at pagkulay ng isang bagay.
-
7
Pagyamanin
Ilagay sa mga patlang ang tamang salita na
makikita sa mga salita sa kahon.
Ang mga _________ ay kailangan upang makaguhit
ng mga _________ at makabuo ng magandang obra na
kakaiba sa mga ginuhit ng kamag-aral. Ang mga linyang
__________, at _________ ay mahalaga para makaguhit.
Upang maging maganda naman ang obrang ginawa,
kailangan gumamit ng ________ upang maging kaaya-aya
ito sa paningin ng iba. Kailangan din maging ________ sa
pagguhit upang malinang ang kakayahan ng bawat isa.
Maari ding gamitin ang __________ upang makaguhit ng
maganda. Ang kakayahang gumamit ng linya ay isang
mahalagang pagkatuto sa pagguhit ng mga _________ na
magbubuo sa mga gusto nating iguhit.
Hugis Linya Kulay tuwid
imahinasyon matiyaga bagay
pakurba
-
8
Isaisip
Ang mga guhit at disenyo ay isang mahalagang
bagay sa kasaysayan ng ating lahi, dahil ipinakikita nito
ang mga kaganapan sa ating bansa. Dito rin mailala-
rawan ang mga magagandang tanawin at
kahalagahan sa ating buhay. Ang mga linya, hugis at
tekstura ang nagbibigay buhay sa ating gustong iguhit sa
ating imahinasyon. Kailangan nating sanayin ang ating
kakayahan sa pagguhit upang maging bihasa tayo dito.
Ang kasanayang ito ay mahalaga upang sa pagharap
mayroon tayong matibay na sandata sa pagharap sa
ating buhay.
-
9
Isagawa Sa gawaing ito ay mahahasa ang inyong
kakayahang gumuhit ng disenyo na gagamitan ng mga
hugis tulad ng tatsulok, bilog , parisukat , parihaba, at
puso.
-
10
Tayahin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan :
1. Ano ang iyong naramdaman ng makaguhit ka ng
isang disenyo?
2. Ano-ano ang iyong natutunan sa iyong ginawa na
pagguhit?
3. Paano mo mapapaganda ang iyong disenyo para
maging kaakit-akit ito sa paningin ng iba?
4. Anong magandang kahalagahan sa buhay ang
iyong natutunan sa gawaing ito?
-
11
Karagdagang Gawain
Gumamit ng mga hugis at gumuhit ng bagay na
iyong gustong ipakita. Kulayan ito upang maging kaakit-
akit sa paningin ng iba. (halimbawa: parihaba, bilog at
iba pa)
-
12
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
1.Maraming
kasagutan
2.Maraming
kasagutan
3.Maraming
kasagutan
4.Maraming
kasagutan
Pagyamanin
1.Linya
2.Hugis
3.Tekstura
4.Maraming
kasagutan
5.Lapis at
krayola
Subukin
1.Linya
2.Tuwid
3.Pakurba
4.Bilog
5.Tatsulok
-
13
Sanggunian
1. Rolando V. Ramilo, Fe P. Pabilonia,Kristel Iris E. Igot
and Marco A. Catacutan Music, Arts, Physical Education and Health (Philippines: Rex Book Store, INC, 2013), 168-171.
2. Carmelita Orseo et al, Developing Mind nad Body
Thorugh MAPEH 1 (Mind Builders Publishing House,2006)
3. LRMDS “Learning Resource Portal” DepEd Learning Portal. Last modified May 2016.
http://lrmds.deped.gov.ph/
4. Krichelle A. Tungpalan, EdD, MAPEH for Filipinos 1 ( St. Andrew Publishing House, Philippine Copyright
2016)
http://lrmds.deped.gov.ph/
-
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]