Download - SISTEMA NG PANANALAPI
SISTEMA
NG
PANANALAPI
Patakarang Pananalapi
• Tuon ng patakarang pananalapi namaitakda na ang dami ng salapi sasirkulasyon ng ekonomiya. Sa ganitongkaayusan maaapektuhan ang mga pinansyalna institusyon, partikular na sa mganagsasagawa ng pag-iimpok at pamumuhunan. Isang hamon sa patakarangpananalapi na mapatatag ang mgainstitusyong pinansyal.
Ano nga ba ang salapi?
• SALAPI – ay tinatawag na midyum o instrumento ng palitan na tinatanggap nglahat ng tao. Ito ang ginagamit ng tao upangmakabili ng produkto at serbisyo namakatutugon sa kanyang pangangailangan.
• SALAPI (Money) – paraan ng palitan, yunitng salapi.
Kasaysayan ng Pananalapi sa Pilipinas
• Walang pera o credit card na umiiral noong sinaunang
panahon. Sa pakikipagkalakalan sa iba’t-ibang mga bansa
at dayuhan nakikipagpalitan ang mga Pilipino ng mga
produkto gaya ng ginto, bigas, tabako, kape at tela.
• Noong ika – 8 at ika – 14 siglo ay lumitaw ang gintong
bagol. Tinawag ito na mga numismatiko (mga taong
nangongolekta at nag-aaral ng mga perang bagol) na
“piloncito” dahil nahahawig sa mga banga na tinanggalan
ng asukal na kung tawagin ay “pilon.
• PILONCITO – itinuturing na pinakaunang gintong bagol
na ginamit ng mga sinaunang tao.
• Noong 1728, lumabas ang tansong bagol na unang ginawa sa Pilipinas .
Katumbas ng isang sentimo (na noo’y malaking halaga).
• Noong 1861, nagsimula ang Pilipinas sa regular na paggawa ng mga
bagol. Ang mga gintong bagol ay tinawag na “Isabelinas.”
• Noong maikling panahon ng Unang Republika (1898-1901) ipinag-utos
ni Pangulong Aguinaldo ang paggawa ng bagong salaping papel bilang
simbolo ng kasarinlan ng Pilipinas.
• Bilang kolonya ng Estados Unidos, ginamit ng ating bansa ang
pamantayang ginto ng pananalapi at dolyar ng mga Amerikano. Gumawa
rin ng mga lokal na bagol, na may simbolo ng agilang Amerikano at
bandilang Amerikano.
• Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-45) naging tanyag ang
“Perang Mickey Mouse” ang popular na tawag dito na inihambing sa
laruang pera ng mga bata noong Panahon ng Amerikano.
• Noong Hulyo 4, 1946 pagkaraan kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas
nagpatibay ng bagong patakaran ng pananalapi ang Central Bank of the
Philippines.
Bangko Sentral
ng Pilipinas
Ang pagkakatatag ng bagong
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
ang siyang pumalit sa Central Bank
bilang tagapangalaga ng
pananalapi ng bansa. Ang BSP ang
nag-iisang awtoridad sa pananatili
ng katagang pananalapi ng bansa.
Pinangangalagaan din nito ang
sirkulasyon ng pera sa kalakalan at
industriya. Ito lamang ang
ahensiyang makapg-iisyu ng pera
sa Pilipinas. Pinangangalagaan din
nito ang internasyonal na halaga ng
piso at ang palitan ninyo sa salapi
ng iba’t – bang bansa.
Pera – Ang Sistemang
“Cash” ng Palitan
Ang palitan (exchange) ay isang gawaing pang-ekonomiya para sapagbabayad ng mgaprodukto at serbisyo sapamamagitan ng cash, palitan o iba pang paraan. Ang pera ay sistema ng palitan naginagawa para makabiling mga produkto at serbisyo.
Mga Uri ng Pera
1. MGA PRODUKTO AT SERBISYO – ito ang tradisyonalna sistema ng palitan. Ngunit hindina ito kasing epektibo ng sistemang palitan gaya ng dati,at gnagamitna lamang ito kapag wala talagangcash money.
2. PERANG METAL - angmahahalagang metal,gaya ngginto, pilak at tanso ay ginagamit din.
PERANG PAPEL – isang pag – unlad sapaggamit ng pera ang paggawa ng mgaperang papel na suportado ng awtoridado pamahalaan ang nag-isyu nito. Angperang papel at tseke ay pinangangalagaan ng ibang panustosyaman (kadalasa’y ginto,pilak o salapi.) Ang iba pang perang papel ay ang mgatseke, bank drafts, traveller’s check, postal money order, atbp. Ginagamit angmga ito para sa malalaking haaga ngpera, o para sa pagpapadala ng pera saPilipinas o ibang bansa.
CARD MONEY – ang mga ito ay
maliliit na plastik kard na kadalasa’y
iniisyu ng bangko o kompanyang
nagpapautang. Ginagamit ito sa halip
na cash. Ang tawag sa plastik kard na
ito ay credit card. Ang iba namang
plastik kard ay nagagamit ng may-ari sa
para mag withdraw o makapagdeposito
ng pera sa bangko sa pamamagitan ng
automated teller machine (ATM).
Mga Katangian Ng PeraAng pera ay naging isang mabisang paraan ng makabagong sistemang
pagbili ay pagbenta ng mga produkto ay serbisyo. Para kilalanin at
tanggapin, ito ang mga kailangang katangian ng pera:
1. MAPAGKAKATIWALAAN – Higit sa lahat, ang pera ay kailangang
kilalanin, tanggapin, at pagkatiwalaan ng prodyuser at konsumer.
2. MADALING DALHIN – Kailanga’y madaling dalhin ang pera saan
man magpunta.
3. MAGKAKAPAREHO SA LAKI, HUGIS, KULAY, ATBP. – Syempre
ang iba’t – ibang denominasyon ay nagkakaiba sa porma at hugis.
Ngunit hanggat maari, ang perang magkakatulad ang halaga ang
magkakamukha. Kungdi, mapagsususpetsahan itong counterfeit o
pekeng pera.
4. NAHAHATI – Ang pera ay dapat na nahahati sa iba pang yunit.
5. PANGMATAGALAN – Kailangang nagagamitito nang pangmatagalan dahil sa paulit – ulititong gagamitin ng iba’t – ibang tao.
6. MADALING MAKILALA – Kailanga’ymadaling makilala ang pera.
7. MATATAG ANG HALAGA – Ang halaga ngpera ay di dapat nagbabago nang malaki kung di’y mawawala ang kumpyansa ng tao rito.
8. SEGURIDAD – Para maprotektahan ang mgatao sa mga pekeng pera, may mga pag – iingatna ginagamit na disenyo, paggawa o paglimbagat sirklasyon ng pera
Mga Gamit Ng Pera1. PARAAN NG PALITAN – Anong halaga ng pera
kung hindi naman ito maipagpapalit sa isang bagayna gusto mong bilhin? Ang pera ay isa lamang paraanpatungo sa isang layunin – ito ay paraan ng palitanpara sa mga bagay na kilangangan natin.
2. PAMANTAYAN NG HALAGA – Ang pera ay nagbibigay – halaga sa ibang produkto at serbisyongbinebente o binibili.
3. PANUSTOS NG HALAGA – Kapag may itinago parasa “tag-ulan”, may iniipon
4. PAMANTAYAN NG IPINAGPALIBANG BAYARAN– Ibig sabihin, ang pera ay maaaring gamitingpambayad sa mga inutang na bagay.
SISTEMA NG PANANALAPIAng sistema ng pananalapi o pamantayan ng pananalapi o
ay nangangahulugan ng uri ng perang ginagamitr saisang partikular na bansa.
1. COMMODITY STANDARD – Sa sistemang ito, angisang bansa ay itinuturing na mayamang bansa kapagmay malaki itong reserba ng ginto o mahalagang yunitng metal.
2. PAPER STANDARD – Sa pamantayang ito, angawtoridad na nagiisyu (ang pamahalaang pambansa) ay nangangasiwa sa halaga ng perang nasasirkulasyon. Hindi ito nakabatay sa halaga ngreserbang ginto ng pambansang kabanyaman (national treasury) ng bansang nag iisyu.
Batas Ni Gresham
May kasabihang “Pinalalayas ng masamang pera ang mabuting
pera.” Ito ang teorya ni Thomas Gresham, ang pinuno ng
Royal Mint ng Inglatera noong panahon ni Reyna Elizabeth
I. Napuna niyang kapag may dalawang uri ng perang nasa
sirkulasyon – hal., ginto at pilak – nagkakaroon ng kalituhan.
At ang ginagawa ng taumbayan ay tangkilikin ang isang uri
lamang kaya ang ikalawang uri ay naisasantabi at
nawawaang tuluyan sa sirkulasyon.
Teorya Sa Halaga Ng PeraQUANTITY THEORY OF MONEY – ang pera ay apektado ng
pangangailangan at suplay ng pera. Kung may malaking halaga ngperang nasa sirkulasyon at ang laki (volume) ng bilihin ay maliit, ang presyo ay malamang na tumaas at ang halaga ng pera ay bababa. Ito rin ay pinanininawalaang ang suplay ng pera angsiyang tunay na dahilan ng pagbabago ng presyo ng mga bilihin.
• P = MV
T
P = lebel ng presyo
M = halaga ng perang nasa sirkulasyon
V – bilis ng takbo (velocity) ng sirkulasyon o bilis ng palitan
T = kabuuang laki ng kalakalan o kabuuang dami ng mga produkto at serbisyong nasa market
INFLATION – kapag ang halaga ng pera ay bumababa
Mga Makabagong Patakaran Para
Maiwasan Ang Flactuations
FLACTUATIONS –
May mga solusyong naisip ng pamahalaan para maiwasan ang mga suliraningpang-ekonomiya na magiging dahilan ng isang digmaan.
1. MAS MAINAM NA PLANO HINGGIL SA RESERBANG PANANALAPI. Maiiwasan nito ang paggawa ng mga labis – labis napera na hindi naman kayang pangalagaan ng reserbang pananalapi ngpamahalaan.
2. PAGKONTROL SA PRESYO. Maiiwasan nito ang labis na pagtaas ngpresyo ng mga pangunahing bilihin.
3. MANAGED CURRENCY. Ang pamahalaan (hal. BSP) ay maaringmanghimasok nat magkontrol sa suplay ng pera para maiwasan angsobrang fluctuation sa exchange rate.
Mga Pandaigdigang Institusyon Ng
Pananalapi• INTERNATIONAL MONETARY FUND – Itinatag
noong 1945 upang tumulong sa pagpapalaganap ngisang malusog na pandaigdigang ekonomiya. Ito rinang sentral na institusyon ng pandaigdigang sistemang pananalapi. Gawain nito ang pagsusulong sabalanseng pagpapalawak sa kalakalangpandaigdigan.
1. Sumusubaybay sa ekonomiko at pinansyal na gawainat patakaran ng mga nasabing bansa.
2. Nagpapahiram sa mga kasaping bansa na may suliranin sa balance of payments.
3. Nagbibigay ito ng tulong na teknikal at pagsasanay sapamahalaan at bangko sentral ng mga kasapingbansa.
• WORLD BANK – Ito ay pinagmumulan ng pondoupang suportahan ang pamahalaan ng mga kasapingbansa para sa pamumuhunan sa paaralan, at sentrongpangkalusugan; paglalaan ng tubig at kuryenteatpangangalaga ng kapaligiran. Itinatag ito noong 1944matapos ang Ikalawang Dgmaang Pandaigdig. Layunin nitong mabigyan pinansyal at payo sa mgakasaping bansa na labanan ang kahirapan.
1. International Bank for Reconstruction and Development (IBRD)
2. International Development Association (IDA)
3. International Finance Corporation (IFC)
4. Mutilateral Investmnt Guarantee Agency (MIGA)
5. Nternational Center for Settlement of Investment Disputes (ICSID)
Ano nga ba ang bangko?
• Ang mga “bangko” ay mga pinansyal nainstitusyong tumutulong sa tao para makapag– impok at makahiram ng pera. Sa isanglumalaking ekonomiya ang mga bangko ay tumutulong para makalikha ng “bagong” perang magagamit para sa ibang gawaing pang – ekonomiya. Katuwang nito ang sitema ngpananalapi at palitan sa sistema ngpangungutang.
Kasaysayan Ng Pagbabangko Sa
Pilipinas• Noong bago sakupin ng mga dayuhan ang mga Pilipino ay
mahilig ng mag-impok at manghiram ng pera ang mga ito.
• Ang pinakamatandang relikya tungkol dito ay ang kilalang-
kilalang Laguna Copperplate Inscription (LCI) na
nagtataglay ng rekord ng pagbabayad sa utang noong ika –
9 na dantaon A.D.
• Ang makabagong pagbabangko ay nagsimula ng dumating
ang mga taga Europeo. Ang institusyon sa pagpapautang ay
ang Obras Pias (mabubuting gawain) na itinatag ng
pamahalaang Espanya noong ika – 16 dantaon.
• Ang unang general bank sa Timog Silangang Asya ay ang
Banco Espanol – Filipino (ngayo’y kilala bilang Bank of the
Philippine Islands)
•
• Sa Panahon ng Amerikano, noong 1906 ay nagtatag ang
pamahalaan ng mga postal savings banks sa iba’t – ibang
bahagi ng bansa para gawingpopular ang pagbabangko sa
taumbayan.
• Noong Pebrero 4, 1916, itinatag ang Philippine National
Bank (PNB). Sumunod ang iba pang mga bangko, gaya ng
China Banking Corporation at Philippine Bank of
Commerce.
• Noong 1946, pagkaraan kilalanin ang kasarinlan muling
binuksan ang mga bangkong nagsara noong panahon ng
digmaan. Ipinatupad noong 1948 ang Central Banking Act.
• Ang mga serbisyo ng bangko ngayon ay papadami nang
papadami. Kasama rito ang car loans, time deposits,
automatic tellers, drive – in windows, night depository, safe
deposit boxes, payroll handling, automatic debit at iba pa.
Mga Gawain Ng Bangko
1. TUMANGGAP AT PANGALAGAAN ANG MGA PERANG
IDINEPOSITO. Nagbabangko ang mga tao dahil nagtitiwala
silang hindi mananakaw ang kanilang pera dito. Ginagarantiya
ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang
bawat deposito.
2. MAGPAHIRAM NG PERA. Nagpapahiram ang bangko ng
pera sa mga kuwalipikadong kliyente. Sa ganitong paraan,
kumikita ang bangko ng interes at tubo.
3. MAGPADALA O MANGOLEKTA NG PERA. Ang bangko ay
maaaring magsalin o maglipat o mangolekta ng pera para sa
kliyente.
4. GUMANAP NG MGA LEGAL NA PAPEL. Gaya nalang ng
superbisyon ng isang negosyo, pamamahala ng isang
pribadong pinansyal na estado, pagtanggap ng pag – aaring
pinagtatalunan sa korte,atbp.
Mga Uri Ng Bangko1. BANGKO RURAL – Ito ay matatagpuan sa kanayunan.
Hinihikayat ng pamahalaan ang pagtatatag ng ganitong maliit
na bangko para matulungan ang mga taga – lalawigan sa
kanilang pag – iimpok.
2. ASOSASYON SA PAG – IIMPOK AT PAGPAPAUTANG –
Maliliit na bangko na nag – iipon ng pera at saka
ipinupuhunan ito sa pangmatagalang seguridad gaya ng
housing loan.
3. MGA BANGKO NG PAMAHALAAN NA MAY ESPESYAL NA
TUNGKULIN – May mga bangko ang ating gobyerno na
itinatag para sa mga espesyal na tungkulin, halimbawa,
pamamahala ng mga proyektong pinansyal.
RFC – Rehabilitation and Finance Corporation
DBP – Development Bank of the Philippines
LBP – Land Bank of the Philippines
4. BANGKONG KOMERSYAL – Ito ang bumubuosa pinakamalaking pangkat ng bangko. Angpangunahing gawain nito ay magsuplay ngipinanaiikot na kapital para sa ekonomiya sapamamagitan ng short – term loans.
5. BANGKONG UNIBERSAL – Kilala rin sa ito sataguring full – service bank dahil mas maramingserbisyo ito kaysa bangkong komersyal.Ang mgabangkong may P500 milyon o higit pa ay maaaring mag-aplay sa isang universal banking license.
6. BANGKONG INTERNASYONAL – Gaya na rinng isinasaad ng ngalan nito, ang mga bangkonginternasyunal ay may operasyon sa mahigit isangbansa.
Mga Bangkong Pinangangasiwaan Ng
Pamahalaan
1. LAND BANK OF THE PHILIPPINES – Itinatag sa bisa ng
Republic Act 3844 ng 1963 na sinusugan ng Republic Act 7907
ng 1995. Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng pondo ang
programang pansakahan ng pamahalaan.
2. DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES – Itinatag
noong 1946 upang makabangon ang bansa sa pinsalang dulot ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Layunin nito na tulungang
mapaunlad ang sektor ng agrikultura at industriya sa
pamamagitan ng pagpapahiram ng puhunan.
3. AL – AMANAH ISLAMIC INVESTMENT BANK OF THE
PHILIPPINES - Itinatag sa bisa ng Republic Act 6848 ng 1990
na naglalayong tulungan ang mga Muslim sa Pilipinas na
magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.
Mga Institusyong Hindi Bangko
1. GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM – Nagbibigay ito ng seguro sa buhay (life insurance) samga kawani ng pamahalaan, maging sa mgakawani ng mga korporasyong pag-aari at kontroladong pamahalaan.
2. SOCIAL SECURITY SYSTEM – Naayon sa Republic Act 8282. Ang bawat employer ay inaatasangmagkaltas at ipagbayad ng buwanang kontribusyonang mga empleyado.
3. PAG – IBIG FUND – Itinatag ang Pagtutulungan saKinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at GobyernoFund upang matulungan ang mga kasapi nito lalo nasa pabahay.
4. KOOPERATIBA – Binubuo ito ng mga kasapina may layuning panlipunan at pagkabuhayangpagtutulungan at pagkakaisa.Ito ay itinatag batay sapangangailangan ng mga kasapi nito. Ang salapinginiambag ng bawat kasapi ang kumakatawan sakabuuang pondo ng kooperatiba. Ito ay itinatag upangmakapagbigay ng mas mura at mas mahusay naserbisyo para sa mga kasapi nito.
5. BAHAY – SALANGAN (PAWNSHOP) – Itinatagupang magbigay ng pautang sa mga taongnangangailangan ng salapi sa pangmadaliangpanahon. Napatupad noong 1973 sa Presidential Decree 114 o Pawnshop Regulation Act pati na sapamamagitan ng Central Bank Circular No. 374.
Ang Bangko Sentral Ng Pilipinas
Ito ay ang bangko ng mga bangko sa Pilipinas. Ito ang
pambansang bangko ng pamahalaan, ang tagapangalaga ng
reserbang pinansyal at patakarang pananalapii ng bansa at
punung inspektor ng lahat ng bangko sa bansa.
PANGUNAHING GAWAIN NG BSP:
1. MAG – ISYU NG SALAPI AT GUMAWA NG BAGOL.
2. GUMANAP BILANG BANGKERO, AHENTE AT
TAGAPAYO NG PAMAHALAAN.
3. MANGALAGA SA GINTO, PILAK AT IBA PANG
RESERBANG PINANSYAL NG BANSA
4. MAG- AYOS NG ACCOUTS PARA SA IBA PANG BANGKO.
5. MAG-AYOS NG MGA GAWAING MAY KINALAMAN SA
PANANALAPI AT PINANSYAL NG IBANG BANGKO.
Ano nga ba ang pagpapautang?
Sa pagpapautang , nakakamit ang isang bagay na
may halaga sa pamamagitan ng pangakong
babayaran ito kinalaunan. Ang pagpapautang ay
kaakibat ng pinagkakautangan. Mahalaga ring
maging maingat bago ipautang ang iyong pera.
• CREDITOR – tawag sa taong nagpapautang o
nagpapahiram ng pera.
• DEBTOR – tawag sa taong nangungutang
Paano Malalaman Kung Kailan
Magpapautang?Madalas naaabuso ang pagpapautang. Kaya nga sabi ng Ingles
na manunulat na si William Shakespeare na “huwag
magpapautang at huwang mangungutang.”
May tatlong “C’s” para malaman kung kailan magpapautang:
1. CHARACTER OF THE DEBTOR – Kailangang alam ng
creditor ang kabuuang personalidad ng tao o organisasyong
nangungutang o debtor.
2. CAPACITY TO PAY THE LOAN – Ito ang kakayahang
bayaran ang utang.
3. CONDITIONS OF THE LOAN – Kailangan pag-aralan at
suriin kung bakit nangungutang – hal., emergency, kapital
sa negosyo, personal, atbp.
Mga Uri Ng Pagpapautang
1. Ang consumer credit ay para sa pagkonsumo ng mgaprodukto at serbisyo. Dito pumapasok ang credit car. Ipinatupad din ng pamahalaan ang “Truth in Lending Act” na nagtakda ng kondisyon ng pagpapautang.
2. Ang commercial credit ay ginagamit para namanmagpautang ng kapital sa mga negosyante.
3. Ang agricultural credit ay inilalaan para sa agrikutura.
4. Ang industrial credit ang ginagamit para sa mgapangangailangan ng mga industriya, gaya ngmanufacturing, pagtotroso, tela, kimikal, atbp.
Ang Credit Instrument• Ito’y isang dokumentong nagsisilbing ebidensya ng pagkakautang,
nangungutang at kondisyon ng mga utang.
1. Ang book of accounts ang pinakapayak na rekord ng pagkakautang
na pinag-iingatan ng isang tindahang sari – sari o iba pang bahay
kalakal.
2. Ang tseke mula sa ibang bangko ay kasulatang iniisyu ng depositor ng
isang bangko para bayaran siya o ibang tao ng isang tukoy na
halaga ng pera.
3. Ang promisory note ay mga personal na kasulatan.
4. Ang bill of exchange naman ay ginagawa ng creditor bilag kautusan
sa debtor ng bayaran ang kanyang utang o baha – bahagi ng utang
kinalaunan.
5. Ang commercial letter of credit ay kadaasang ginagamit sa mga
transaksiyonng internasyonal, gaya ng pag-angkat (import) at
pagluluwas (export).
SISTEMA NG PANANALAPIGROUP 3
• Castro, Jayson
• Cunanan, Klint Leonard
• Maniago, John Mark
• Pineda Kenneth
• Agad, Angelyn
• Lalu, Ma. Luisa
• Lorenzo, Rackia
• Manaloto, Samantha Maeh
• Panganiban, Michelle