LOGO
Paghahanda ng
Korespondensiya Opisyal
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
Layunin ng Pagsasanay
1. Matalakay ang iba’t ibang uri ng
korespondensiya.
2. Mailahad ang mga epektibong paraan ng
pagsulat sa Filipino.
3. Mahikayat ang mga kalahok na gamitin ang
Filipino sa pagsulat ng korespondensiya sa
kanilang mga opisina.
4. Mapataas ang antas ng paggamit ng Filipino sa
mga ahensiya ng pamahalaan.
Ang Korespondensiya Opisyal
Ano?
?
• Liham
• Memorandum
• Endoso
• Pormularyo o Form
• Kapasiyahan o Resolusyon
• Lahat ng tinatanggap o ipinadalang komunikasyon na may kaugnayan sa inyong ahensiya o opisina
Layunin ng Korespondensiya Opisyal
Tumugon sa katanungan ng mga kliyente.
Maghatid ng impormasyon at manghikayat
ng mga kliyente.
Tumanggap ng mga panukala o
kasunduang may kaakibat na pananagutan.
Magpabatid ng saloobin.
Mga Bahagi ng Liham
Ang Pamuhatan o letterhead na nagtataglay ng:
Logo
Pangalan ng ahensiya
Eksaktong adres, telepono, numero ng
fax, website, e-mail adres
1. ULONG SULAT O PAMUHATAN
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO 2/P Gusaling Watson, 1610, Kalye J.P. Laurel,
Malacañang Complex, 1005 San Miguel, Maynila
(632) 736252 [email protected]
www.kwf.gov.ph
Ulong sulat ng KWF
Mga Bahagi ng Liham
2. PETSA
Enero 22, 2019
22 Enero 2019
Ika-22 ng Enero, 2019
Sa pagsulat ng petsa, iwasan ang pagsulat ng numero tulad ng 5/6/19, na nangangahulugang 5 Hunyo sa Britanya ngunit 6 Mayo sa Amerika.
Mga Bahagi ng Liham
3. Patunguhan/Inside Address
Pangalan, katungkulan, at tanggapan ng taong padadalhan ng liham.
Kgg. VIRGILIO S. ALMARIO, NA Tagapangulo Komisyon sa Wikang Filipino 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel Malacañang Complex, San Miguel 1005 Maynila
Dr. VIRGILIO S. ALMARIO, NA Tagapangulo Komisyon sa Wikang Filipino 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel Malacañang Complex, San Miguel 1005 Maynila
VIRGILIO S. ALMARIO, NA Tagapangulo Komisyon sa Wikang Filipino 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel Malacañang Complex, San Miguel 1005 Maynila
Tagapangulong VIRGILIO S. ALMARIO, NA Komisyon sa Wikang Filipino 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel Malacañang Complex, San Miguel 1005 Maynila
Dr. Hilario Cruz Ortiz, LLB Pangulo Nueva Ecija University of Science and Technology Gen. Tinio Street, Lungsod Cabanatuan
Tandaan! Maging konsistent. Kung may titulo na sa unahan, dapat wala na sa hulihan ng pangalan.
Halimbawa:
Dr. Purificacion G. Delima, PhD Purificacion G. Delima, PhD
Titulong Pamitagan – inilalagay sa unahan ng pangalan bilang tanda ng pagkilala sa katungkulan o propesyon
May katungkulan sa pamahalaan
Retiradong opisyal
Propesyonal
Akademiko
Eklesyastiko
Daglat ng mga titulo: Kgg. Sen. Kom. Ten. Kor. Hen. Abo./Atty. Dr. Engr. Prop. Bro. Sr. P. Ptr. Reb.
Gng. Bb. G.
Ginamit ang daglat na Abo. para sa abogado
Gumagamit ng Kagalang-galang/Kgg. para sa mga taong halal ng taumbayan at sa may mataas na katungkulan gaya ng sumusunod: 1. Pangulo ng Pilipinas
2. Pangalawang Pangulo
3. Dating Pangulo at Pangalawang Pangulo
4. Kalihim ng Kagawaran
5. Gumaganap na/Nanunungkulang Kalihim
6. Kalihim ad interim/pansamantala
7. Kinatawang Kalihim 8. Pangalawang Kalihim 9. Kawaksing Kalihim 10. Solisitor Heneral 11. Mga Komisyoner ng Kagawaran 12. Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman
13. Kasangguning Mahistrado 14. Retiradong Punong Mahistrado 15. Retiradong Kasangguning Mahistrado 16. Pangulo ng Senado 17. Pangulo Pro Tempore ng Senado 18. Lider ng Mayorya/Lider ng Minorya ng
Senado 19. Senador ng Pilipinas 20. Ispiker ng Kapulungan 21. Kinatawan ng Kapulungan 22. Gobernador o Punong Lalawigan 23. Alkalde
24. Embahador 25. Embahador Pangkalahatan 26. Dating Embahador 27. Konsul Heneral 28. Charge d’Affaires 29. Puno ng isang Ahensiya, Pangasiwaan, o Lupon 30. Pangulo, Tagapangulo, o Miyembro ng isang Komisyon o Kapulungan
Mga Bahagi ng Liham
4. Tawag-pansin/Attention Line Sa pamamagitan/Thru
• pagkatapos ng patunguhan • may indensiyon (isang tab) • matukoy kung para kanino ang liham • pagsunod sa protokol
Mga Bahagi ng Liham
4. Tawag-pansin/Attention Line 8 Enero 2019 MARCELA CRUZ Direktor Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon C.P. Garcia Avenue, Diliman 1101 Lungsod Quezon Mahal na Ginoong Cruz:
Tawag-pansin : Prospero S. Reyes
Puno ng Sangay
Mga Bahagi ng Liham
5. Bating Pambungad/Salutation
Sa Kinauukulan
Mahal na Ginoong Dela Cruz :
Mahal na Binibining Santos:
Mahal na Kalihim Fernandez:
Mahal na Ginoo:
Mahal na Binibini:
Mahal na Ginoo/Binibini:
• Buo ang titulo sa unahan ng apelyido o tungkulin. •Tutuldok ang ginagamit sa mga pormal na liham
Halimbawa:
Mahal na Ginoong Pangulo: Mahal na Pangulong Duterte: Mahal na Ginang Kalihim: Mahal na Kalihim Cayetano: Mahal na Senador Legarda: Mahal na Propesor Zafra: Mahal na Gobernador Reyes:
Mga Bahagi ng Liham
6. Paksa/Subject Line
• Opsiyonal • Matukoy ang layunin • Bago o pagkatapos ng Bating Pambungad
Mahal na Ginoong Torres: Paksa: Aplikasyon para sa Umento sa Suweldo Ang Lupon ng Tagapamahala, na regular na nagrerebyu ng suweldo ay nakatakdang magpulong sa katapusan ng buwan. Kaugnay nito, ipinababatid na pag-uusapan sa naturang ang iyong kahilingan, at ipaalam sa inyo ang kapasiyahan ng lupon sa lalong madaling panahon.
Halimbawa:
Mga Bahagi ng Liham
7. Katawan ng Liham
Layunin o paksa ng liham sa
sa unang talata
Ibang detalye sa ikalawang talata
Wakasan sa isang matatag at positibong tono
Detalye ng taong kokontakin
Paanyaya (ano, kailan, oras, saan, paano)
Mabuhay kayo at nagpapasalamat kami sa inyong patuloy na tangkilik sa wikang Filipino .
Estruktura ng Liham
Pangunahing Detalye
Pantulong na
detalye
Halimbawa:
Mahal na Alkalde De Los Santos:
Malugod na ipinababatid ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) na nagsasagawa ito ng libreng seminar sa pagsulat ng
Korespondensiya Opisyal sa wikang Filipino sa lahat ng
ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan.
Layunin ng seminar na ito na bigyan ng oryentasyon ang mga
pinuno at kawani ng pamahalaan sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga opisyal na korespondensiya. Alinsunod ito sa
malawakang implementasyon ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335, na nag-aatas sa lahat ng
kagawaran, kawanihan, opisina, at instrumentalidad ng
pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksiyon at komunikasyon.
Halimbawa:
Nais naming maisagawa ang naturang seminar sa inyong lungsod
sa Hulyo 2019, kung inyong mamarapatin. Wala kayong anumang
babayaran sa KWF, kami ang magdadala ng tagapanayam,
maghahanda ng programa at sertipiko. Ang pagdalo ng mga pinuno
at kawani ng inyong lungsod ay sa opisyal na oras. Ang gastos
para sa transportasyon, pagkain, at handouts ng mga kalahok ay
manggagaling naman sa pondo ng inyong tanggapan.
Para sa iba pang detalye at karagdagang katanungan, mangyaring
makipag-ugnayan kina Lourdes Z. Hinampas o Pinky Jane S.
Tenmatay sa telepono blg. (02)252-2953 o mag-email sa
[email protected] at [email protected].
Asahan din ninyo na tatawag kami sa inyong tanggapan upang
mabatid ang inyong tugon.
Mabuhay kayo, at maraming salamat sa inyong tangkilik.
Mga Bahagi ng Liham
Tagubilin sa Pagsulat ng Katawan ng Liham
IWASAN ANG
MAHABANG PARIRALA
PANGUNGUSAP
AKTIBO AT HINDI
PASIBO ANG HIMIG NG
BAWAT PANGUNGUSAP
IWASAN ANG
PAGGAMIT NG JARGON
IWASAN PAGPAPAIKLI
NG SALITA
KATAWAN
NG LIHAM
Halimbawa:
Ang aming kawanihan ay patuloy
na nagsisikap upang mapaunlad
ang pisikal, espiritwal at mental na
katayuan ng mga kapatid nating
detinido na nasa aming
pansamantalang pangangalaga.
Bagama’t sila ay narito sa aming
pasilidad, may mga programa
kaming patuloy na ginagawa para
sa kanilang ikabubuti at ikauunlad
na may kinalaman sa
pangkabuhayan, espiritwal,
edukasyon at marami pang iba.
Ang pagliham naming ito ay dahil
sa aming layunin na kayo ay
aming makatulong sa kanilang
pagbabago.
Ang aming kawanihan ay Patuloy
na nagsisikap ang aming
kawanihan upang mapaunlad ang
pisikal, espiritwal, at mental na
katayuan ng mga kapatid nating
detinido na nasa aming
pansamantalang pangangalaga.
Bagama’t sila ay narito sila sa
aming pasilidad, may mga
programa kaming patuloy na
ginagawa para sa kanilang
ikabubuti at ikauunlad na may
kinalaman sa pangkabuhayan,
espiritwal, edukasyon at marami
pang iba. Ang pagliham naming
ito ay dahil sa aming layunin na
kayo ay Lumiham kami dahil
layunin naming makatulong kayo
sa kanilang pagbabago.
Mga Bahagi ng Liham
8. Pamitagang Pangwakas
• Angkop sa layunin at mapagsaalang-alang • Ugaliing maging magalang.
Gumagalang, Lubos na gumagalang, Sumasainyo, Magalang na sumasainyo, Mapitagang sumasainyo, Matapat na sumasainyo,
Mga Bahagi ng Liham
9. Lagda
• Lagda • Pangalan • Posisyon (nagpapakilala ng kapangyarihan at
pananagutan sa nilalaman ng liham) • Huwag ilagay ang titulo sa unahan ng pangalan
LAGDA
Pagtatalaga ng karapatang lumagda Halimbawa: PURIFICACION G. DELIMA Nanunungkulang Tagapangulo/ Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto Para kay VIRGILIO S. ALMARIO, National Artist Tagapangulo
Mga Bahagi ng Liham
10. Kalakip (Enclosure)
Talaan ng mga dokumento na binanggit sa katawan ng liham at matatagpuan sa ibaba ng kaliwang bahagi.
Mga Kalakip: Kasunduan Katitikan ng Pulong Kasunduan sa Pagbabayad Kalakip: Gaya ng nasasaad
Mga Bahagi ng Liham
Ipinakikita nito ang dami o bilang ng mga taong tumanggap ng liham na inihuhudyat ng simbolong cc.
11. NOTASYON NG BINIGYANG SIPI (Copy Notation)
Binigyang-sipi:
Yunit Pantauhan
Puno, Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi
Puno, Sangay ng Literatura at Araling Kultural
Mga Bahagi ng Liham
12. INISYALS NG PAGKAKAKILANLAN (Identifying Initials)
• Inisyals ng naghanda at gumawa ng liham. • Makikita sa ilalim ng lagda sa gawing kaliwa ng papel.
Halimbawa: SLAK:LZHmcp08152017 JIC:pst/06102015 JIC:PST/mvc
Tandaan! Tinatawag din itong tracer lalo pa’t pangunahing gampanin nito sa Korespondensiya Opisyal ang magsilbing reperensiya sa hinaharap.
Full-block
Mga Anyo ng Liham
Semi-block
Mga Anyo ng Liham
Special Paragraphing
(Espesyal na Pagtatalata)
Mga Anyo ng Liham
________________________ ________________________ ________________________
__________________
__________________ __________________ __________________ __________________ __________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ _____________________________________________ ____________________________________________ _____________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________
__________________ _________________ _________________
Katawan ng Liham
Petsa
Patunguhan
Ulong Sulat/Pamuhatan
Bating Pangwakas
Paksa
Bating Pambungad
Lagda sa Ibabaw ng Pangalan
kalakip
Espasyo
Katangian ng Liham
1. Malinaw
Maayos ang pagkaksunod-sunod ng mga salita, pangungusap, talata, at bahagi
Simple, hindi maligoy
Katamtamang haba ang pangungusap
Mahusay ang pagpapahayag ng ideya
Halimbawa:
Kaugnay ng aming liham sa inyong tanggapan
noong 18 Oktubre 2018, nais naming ipabatid
na ang Panrehiyong Seminar sa
Korespondensiya Opisyal sa Rehiyon 3 ay
nakatakda nang isagawa sa 18-19 Pebrero
2019 sa Malolos Sports and Convention Center,
Lungsod Malolos, Bulacan.
Magalang naming hinihiling na muling
magpalabas ng memorandum ang inyong
tanggapan hinggil sa gawaing ito.
Katangian ng Liham
2. Wasto
Tiyak ang impormasyon
Tamang pagpapahayag, pagbabaybay, gramatika, espasyo, at palugit
Tamang bantas
3. Buo
Kompleto ang impormasyon
Halimbawa:
Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang
Filipino sa isang gabi ng pasasalamat na may temang
“Salamat, Kabalikat-Wika” na gaganapin sa 18
Disyembre 2019, 6:00ng, Hotel H20, Roxas Boulevard,
Maynila.
Sa gabing ito ay pasasalamatan namin kayo sa lubos na
suporta na inyong ibinigay sa mga gawain ng aming
ahensiya kabilang na ang pagsasagawa ng Seminar sa
Korespondensiya Opisyal. Malaki ang inyong naging
papel upang maisakatuparan nang matagumpay ang
mga proyekto ng KWF.
Katangian ng Liham
4. Magalang
gumagamit ng namin, kayo, ninyo, inyo
may tono ng kagandahang-asal
Halimbawa: Kami ay nagse-survey ng mga prospek na kalahok mula sa
inyong rehiyon/lalawigan–na maaaring manunulat (batikan at
baguhan), iskolar ng panitikan, at guro na nagtuturo ng
panitikan at mula sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd.
Sila ay aming aanyayahan, walang babayarang
rehistrasyon, kami ang sasagot ng kanilang transportasyon,
pagkain, at akomodasyon.
Katangian ng Liham
5. Maikli
Sapat ang haba ng pangungusap
Bawat detalye, mahalaga
6. Kumbersasyonal
Parang personal na kausap ang sinusulutan/bumabasa
Natural ang dating o ayos ng mga salita
Halimbawa:
Bilang ka-tagapagtaguyod, hinihingi namin ang inyong
tulong na magamit nang libre ang GSIS Theater bilang
venue ng nasabing seminar. Gayundin, hinihiling din
namin ang inyong buong suporta na itaguyod ito nang
libre para sa mga guro sa pamamagitan ng pagtustos sa
isang tanghalian para sa mga target na kalahok.
Katangian ng Liham
7. Mapagsaalang-alang
mapagbigay sa lahat ng pagkakataon (hal. sa pagsagot nang nararapat sa tama at panahon)
Halimbawa:
Magalang naming hinihiling na mabigyan kami ng
listahan ng inyong mga gawain o programa na may
kaugnayan sa katutubong wika at kultura. Gayundin, ng
tiyak na tanggapan o empleado na kasangkot sa mga
naturang programa, kasama ang numero ng telepono at
e-mail. Kung inyong mamarapatin nais naming makuha
ang inyong tugon sa o bago ang 15 Enero 2019. Ang
impormasyong makukuha namin sa inyo ay mahalaga sa
pagbuo ng pambansang adyenda sa pagpapasigla ng
nanganganib na wika.
Ilang Tagubilin
1. Malinis ang anyo, wasto ang pormat, walang mali sa baybay, at aspektong gramatikal.
2. Balanse, may paggalang, o sensitibo sa kasarian.
3. Ugaliing maglakip ng numero ng telepono, e-mail address, at pangalan ng taong hahanapin para sa kaukulang tanong o paglilinaw.
4. Huwag kalimutang ilakip ang mga kalakip na binanggit sa liham.
Hakbang sa Pagsulat ng Liham
1. Bago Sumulat Basahin ang naunang palitan ng korespondensiya ng sumulat at sinusulatan.
Isaalang-alang ang pangunahing layunin
kung bakit lumiliham.
Mayroon bang pangalawang layunin sa
pagliham?
Mahalaga ang pagpaplano at
konsentrasyon sa pagtugon sa bawat liham
Hakbang sa Pagsulat ng Liham
2.Pagpaplano/Pagbabalangkas
3. Pagbuo ng unang Borador
4. Pag-eedit sa nabuong borador 5. Maingat na presentasyon
Kailan masasabing maingat ang presentasyon?
Kapag ito ay malinis (neat) Ginamitan ng magandang klase ng papel o
stationery
?
Mahalagang Tagubilin!
Ideal na tipo at sukat (font size at style)
Arial (10, 12) depende sa haba ng liham at kadalasang
justified align ang bawat talata. Times New Roman (12) Courier (12) – ginagamit ito sa US State
Department
Lucida (gamitin sa screen na mababa ang resolution)
Garamond
Century (mas gamitin ito sa teksbuk)
Baskerville (mas pinapaburan ito ng US based printers)
Optima
Sa kabuuan, madaling basahin at malinaw ang pangunahing
konsiderasyon.
PABALIK NA
ADRES
Hangga’t maaari, kailangang maganda ang kalidad ng sobre.
PINADALHAN NG SULAT AT ADRES
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO 2/P, Gusaling Watson, Kalye J.P. Laurel Malacañang Complex, San Miguel 1005 Maynila
LUALHATI PEREZ
42 Evergreen St.
Greenview Executive Village 3
1118 Fairview, Lungsod Quezon
Electronic mail (e-mail)
Impormasyon hinggil sa nakalakip
na liham
Ilakip ang liham na may lagda
Ugaliing tumugon kung natanggap ang liham
Memorandum
MEMORANDUM BLG.
MULA KAY:
PARA KAY/SA:
PAKSA:
PETSA:
(Katawan ng Memorandum)
MEMORANDUM BLG. 2016 _____
MULA KAY: VIRGILIO S. ALMARIO, NA
Tagapangulo
PARA KINA: PURIFICACION G. DELIMA
SHEILEE B. VEGA
PAKSA: PAKIKIPAGPULONG SA KINATAWAN MULA SA NATIONAL
UNIVERSITY KAUGNAY NG PROYEKTONG FILIPINO SPELL
CHECKER
PETSA: 6 SETYEMBRE 2018
x------------------------------------------------------------------------------------
Sa kabutihan ng paglilingkod, kayo ay inaatasang makipagpulong sa kinatawan
mula sa National University sa 16 Setyembre 2018, Biyernes, sa ganap na 9:00nu .
Ito ay kaugnay ng proyektong Filipino Spell Checker
Ang inyong gawain ay opisyal at anumang gastusing kaugnay nito ay masisingil sa
tanggapan alinsunod sa wastong pagtutuos at pag-aawdit.
Paglilipat o endoso
Tandaan!
1. Referred –Itinutukoy (mataas-pababa)
2. Returned - Ibinabalik (pantay ang katungkulan)
3. Endorsed-Inililipat (maaaring mababa-pataas o pantay)
4.Forwarded-Itinutuloy (mababa-pataas)
Kapasiyahan o Resolusyon
Bunga ng kasunduan ng nakararami
kung hindi man ng lahat ng mga dumalo sa
isang pulong.
Layunin nito na hilingin ang
kinakailangang aksiyon sa kinauukulang
pinuno/mga pinuno upang matupad ang
mga kahilingang nilalaman ng resolusyon
1) numero ng resolusyon ayon sa petsa ng
pagkakasunod-sunod sa
kinapapalooban/sumasaklaw ng taon;
2) katwiran/dahilan kung bakit
dapat pagtibayin ito na nagsisimula sa
SAPAGKAT;
3) bahagi ng pagpapatibay na sinisimulan sa
pariralang “DAHIL DITO, SAMAKATWID,
ipinapasiya gaya ng ginagawang pagpapasiya
na…”;
28
4) ang pangalan at posisyon/katungkulan
ng pinadadalhan nito;
5) ang lugar at petsa ng pagpapatibay; at
6) lagda ng mga nagpatibay nito.
Resolusyon Blg. ___
Pamagat
SAPAGKAT (Dahilan o katwiran kung bakit kailangang
pagtibayin ito)
DAHIL DITO SAMAKATWID, ipinapasiya (umaayon sa
pamagat ng kapasiyahan)
Ang pangalan at posisyon ng mga padadalhan nito.
Lugar at petsa ng pagpapatibay.
Lagda ng mga nagpatibay.
KAPASIYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 15–16
Serye 2015
PINAGTITIBAY ANG KAPASIYAHAN PARA SA PAGDIRIWANG
NG BUWAN NG WIKA 2016
SAPAGKAT, itinatadhana ng 1987 Kontistusyon na dapat magtatag ang Kongreso
ng isang Komisyon na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa Filipino
at iba pang mga wika;
SAPAGKAT, upang tupdin ang mandato ng Konstitusyon, pinagtibay ang Batas
Republika Blg. 7104 (RA 7104) ng 1991 na lumilikha ng Komisyon sa Wikang
Filipino bilang natatanging ahensiyang pangwika sa bansa;
SAPAGKAT, iniaatas ng RA 7104 na tungkulin ng KWF na magbalangkas ng mga
patakaran, plano, at programa upang matiyak ang higit at patuluyang
pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at
iba pang mga wika ng Filipinas;
SAPAGKAT, iniaatas ng RA 7104 na tungkulin ng KWF na tawagan ang alinmang
kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, o alinmang kasangkapan ng
Pamahalaan, o alinmang pribadong entidad, institusyon, o organisasyon para sa
kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, tungkulin at pananagutan
nitó;
SAPAGKAT, iniaatas ng RA 7104 na tungkulin ng KWF na magsagawa sa mga
antas na pambansa, rehiyonal, at lokal ng mga pagdinig pampubliko,
kumperensiya, seminar, at iba pang mga pangkatang talakayan upang umalam at
tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga
wika ng Filipinas;
IPINAPASIYA, gaya ng ginagawang pagpapasiya ngayon, na
ang magiging tema ng Buwan ng Wika 2016 ay “Filipino:
Wika ng Karunungan” at magtatampok sa wikang Filipino
bilang wika para sa modernisasyong akademiko, lalo’t higit
sa pagbabago ng pananaw sa pagtuturo ng Filipino sa antas
tersiyarya;
IPINAPASIYA pa, na tampok sa Buwan ng Wika 2016 ang
Kongreso sa Intelektuwalisasyon ng Filipino na isang tatlong-
araw ng kongreso na may layuning suriin ang mga direksiyon
ng programa at nilalamang kurikular upang makapagbukás
ng malaking espasyo sa pagtuturo ng ibang disiplina gamit
ang Filipino;
IPINAPASIYA pa, na nangangahulugan ito rebisyon ng layunin ng
edukasyon sa Filipino, ng dagdag na kasanayan at kaalaman para sa
mga propesor sa Filipino, at ng rebalidasyon ng Filipino sa buong
gawaing akademiko.
IPINAPASIYA din, na isasagawa ng KWF ang mahigpit na
pakikipagtulungan sa CHED at maging sa TESDA upang maipanukala
ang mga kaukulang pagbabago sa pagtanaw sa Filipino bilang Wikang ng
Karunungan;
IPINAPASIYA sa wakas, na maglalaman ang KWF ng kaukulang pondo
para sa iba’t ibang gawaing idaraos ng ahensiya kaugnay ng Buwan ng
Wika 2016 anibersaryo nitó, at illalatag ang mga tiyak na plano para sa
mga ito sa isang bukod na panukalang proyekto at/o kapasiyahan ng
Kalupunan ng mga Komisyoner kung kinakailangan;
PINAGTIBAY ng Kalupunan ng mga Komisyoner ngayong 4 Agosto 2015
sa Bulwagang Urduja, Lingayen, Pangasinan.
Pormularyo o Form
Layunin ng Pagsasanay
1. Matalakay ang iba’t ibang uri ng
korespondensiya.
2. Mailahad ang mga epektibong paraan ng
pagsulat sa Filipino.
3. Mahikayat ang mga kalahok na gamitin ang
Filipino sa pagsulat ng korespondensiya sa
kanilang mga opisina.
4. Mapataas ang antas ng paggamit ng Filipino sa
mga ahensiya ng pamahalaan.
Workshop
Pangkat 1 - Maghanda ng memorandum mula sa Direktor
na nag-aatas na gamitin ang wikang Filipino sa mga
opisyal na transaksiyon at korespondensiya.
Pangkat 2 – Maghanda ng isang resolusyon na nag-aatas
na bumuo ng Lupon sa Korespondensiya Opisyal ang
inyong ahensiya.
Pangkat 3 - Maghanda ng liham kahilingan para sa
Komisyon sa Wikang Filipino na maisalin sa Filipino ang
misyon at bisyon ng inyong ahensiya.
Pangkat 4 – Maghanda ng liham para sa Yunit Pantauhan
na magkakaroon/dadalo sa seminar ang inyong sangay.
Maraming salamat po!