1
MGA PAMANTAYAN SA
PAMAMAHALA PARA SA
TOSHIBA TEC PHILIPPINE
GROUP
2
Listahan
Introduksyon
1. Karapatang Pantao
2. Satispaksyon ng mga Kustomer
3. Pamimili ("Procurement")
4. Produksyon at Teknolohiya, Pagtitiyak sa Kalidad ng Produkto
5. Pagkakalakal at Pagbebenta
6. Batas Para sa Kumpetisyon at Mga Transaksyon sa Pamahalaan
7. Panunuhol
8. Kapaligiran
9. Pagkontrol sa Pagluluwas ng Kalakal
10. Mga Grupong Di Nakikilahok sa Lipunan ("Anti-Social Groups")
11. Mga Etika ng Enhinyeriya
12. Pagmamay-aring Intelektwal
13. Pagkukuwenta ("Accounting")
14. Komunikasyon ng mga Korporasyon
15. Pagpapaanunsyo ("Advertising")
16. Lugar ng Pinagtatrabahuan("Workplace")
17. Impormasyon ng Korporasyon at Seguridad
18. Pag-aari ng Kumpanya at mga "Conflict of Interest"
19. Ugnayan sa Komunidad
3
Saklaw at Implementasyon
Introduksyon
Ninanais ng Toshiba TEC Group na maging isang negosyo na mapagkakatiwalaan ng lipunan. Sa
kadahilanang ito, itinakda ang tuntuning may maayos na pamamahala gaya ng: pagrespeto sa
sangkatauhan, paglikha ng magandang asal, at pakikibahagi sa buhay at kultura ng iba’t ibang
bansa. Kasabay nito, pinapatakbo natin ang ating negosyo na nakapaloob sa mithiin ng
tagapamahala na may layong sapat na kita at kakayahang tumustos sa paglago at pagbigay sa
mga kostumer ng ginhawa at saya sa pamamagitan ng dalubhasa at nararapat na aksyon ng bawat
empleyado ng kumpanya at ang kolektibong pagsisikap ng buong kumpanya.
Naitatag itong Toshiba TEC Group Standards of Conduct (na tinatawag na “SOC”) upang
maging makatotohanan ang mga prinsipyo at mithiin ng pamamahala, at gamitin na rin itong
batayan na magabayan ang ating aktibidad nang sa ganoon, makakapagpatakbo tayo ng may
prinsipyong patas, may integridad, bukas, at nakikibahagi sa pagbubuo ng may paninindigang
lipunan.
Tumutugon ang bawat direktor, auditor, opisyal (na tinatawag na ring mga “Director”) at
empleyado (na tinatawag na ring “Employees”) ng Toshiba TEC Group sa SOC at nagsisikap na
patakbuhing maayos at may mataas na kalidad ang negosyo na bahagi na rin ng global enterprise
na binibigyang-diin ang pagpapahalaga sa kapaligiran, karapatang pantao, at mga lokal na
komunidad na nasa ilalim pa rin ito ng pagpapahalaga sa buhay, kaligtasan at pagsunod sa batas,
regulasyon, panlipunang pamantayan at etika.
4
1. Karapatang Pantao
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) susunod sa angkop na batas at regulasyong may kaugnayan sa karapatang pantao
ng bawat bansa at rehiyon, uunawain ang pamantayang internasyunal, at ang pagrespeto
sa karapatang pantao at hindi papayag sa paggamit ng manggagawang menor de edad ("child labor") o pwersang paggawa ("forced labor");
(2) gagawa ng nararapat na hakbang kapag may namalayang paglabag sa karapatang
pantao at papanagutin ang suplayer na lalabag sa karapatang pantao; at
(3) titiyaking lubos na mulat ang mga negosyante sa "stakeholders" ng karapatang
pantao.
2) Ang SOC Para sa mga Direktor atEmpleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) tatanggapin at pakikibagayan ang iba’t ibang asal at rerespetuhin ang pag-uugali
at personalidad ng bawat isa, igagalang ang karapatan sa kasarinlang lihim ("privacy") at
karapatang pantao ng bawat indibidwal;
(2) iiwasan ang anumang paglabag sa karapatang pantao batay sa lahi, relihiyon,
kasarian, pinagmulang lahi, kapansanan, edad o sekswal na oryentasyon at iiwasan ang
pang-aabusong pisikal, sekswal("sexual harassment"), kapangyarihan ("power
harassment") (halimbawa, pambubully o harassment ng superior sa opisina) o paglabag
sa karapatang pantao ng iba.
5
2. Satispaksyon ng Kustomer
1) Ang Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay magbibigay ng mga produkto, sistema at
serbisyo (na tinatawag ding “Products” at “Services”) batay sa ipinapaabot na komento ng
kustomer sa pagkakuntento at pangangailangan, at sumusunod sa batas, regulasyon at kontrata.
2) Ang SOC ng mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) magbibigay ng ligtas at mapagkakatiwalaang produkto at serbisyo;
(2) maglalaan ng tamang impormasyon tungkol sa produkto at serbisyo sa mas
angkop na paraan;
(3) tumutugon sa mga kahilingan at kumukunsulta sa mga kustomer, sa tapat, maagap
at angkop na paraan;
(4) gumagalang sa hinaing ng kustomer at sisikaping paunlarin at isaayos ang
produkto at serbisyo na siyang sasapat sa pangangailangan ng kustomer.
6
3. Pamimili ("Procurement")
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) susunod sa nakatakdang batas, regulasyon at kagawiang itinataguyod ng
industriya at mga organisasyong internasyunal;
(2) magbibigay sa suplayer (kabilang din dito ang mga inaasahan pang suplayer)
nang patas na oportunidad sa pakikipagnegosyo sa Toshiba TEC Group;
(3) isasagawa ang pagbili na siya namang makatutugon sa panlipunang
responsibilidad ng korporasyon kasama nila rito ang suplayer; at
(4) isasagawa ang pagbili batay sa mutwal na unawaan at tiwala sa mga suplayer.
2) Ang SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) magbibigay ng prayoridad sa suplayer na:
- sumusunod sa mga nakatakdang batas, regulasyon at panlipunang
tuntunin, at hindi isinasantabi ang karapatang pantao, mabuting kasanayan
sa paggawa, ligtas at malusog na paghahanap-buhay, at may proteksyong
pangkapaligiran;
- maayos ang pananalapi;
- maaaring magsuplay ng produkto at/o serbisyo sa Toshiba TEC Group na
tutugon sa angkop na kalidad, presyo at tama o eksakto sa oras ng
pagdedeliber;
- maaaring maglaan ng sapat na suplay, produkto at/o serbisyo, kasabay ng
naaangkop at mabilisan ang pagtugon sa pagbabago-bago ng "demand";
- mayroong teknolohiya na makakatulong sa higit na magandang produkto
ng Toshiba TEC Group;
- mayroong plano upang maiwasan ang pagtigil sa suplay ng produkto at/o
serbisyo sa mga di inaasahang pangyayari na nakakaapekto sa kumpanya
at daloy ng suplay; at
- humiling sa kanyang mga suplayer na sila ay sumunod sa polisiya ng
procurement na siyang inilalaan ng Toshiba TEC Group.
7
(2) bago pa man bumili ng kakailanganing produkto at serbisyo, dadaan sa
komprehensibo at patas na ebalwasyon ayon sa mga sumusunod na itinakdang
pamantayan na:
- may magandang kapaligiran ("environmentally friendly");
- angkop ang kalidad at rasyonal ang pagpepresyo; at
- naihahatid sa tamang oras at nasa maayos na kondisyon ang suplay.
(3) iiwas sa pagtanggap ng mga personal na benepisyo mula sa suplayer na siyang
isinasaad sa procurement ng korporasyon at tutuparin ang mga obligasyon sa suplayer na
siyang nakasaad sa kontrata, titiyakin na matugunan ang lahat ng napagkasunduan sa
transaksyon na may etika sa pangongomersyo at angkop na batas at regulasyong
mangangalaga sa mga suplayer; at
(4) titiyakin na lahat ng binili ay awtorisado ng departamentong sumasaklaw sa
pamimili, procurement at subkontraktor, alinsunod na rin sa regulasyon ng Toshiba TEC
Group.
8
4. Produksyon at Teknolohiya, Pagtitiyak sa Kalidad ng Produkto
1) Ang Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) susunod sa lahat ng angkop na batas at regulasyon, kagaya ng mga kontrata sa
produksyon, teknolohiya at pagtitiyak sa kalidad; at
(2) isusulong ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at pagbuti ng produkto at
pupursigihing ligtas ang suplay, maaasahan at mataas ang kalidad ng produkto at serbisyo
na siyang tutugon sa pangangailangan ng kustomer, idagdag pa ang paggamit ng
makabagong teknolohiya.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) titiyaking nasusunod ang nakasaad sa kasunduan ("warranty") na bibigyang
satispaksyon ang kustomer at titiyakin na ligtas ang produkto;
(2) ipagpapatuloy ang pananaliksik at pagdebelop sa makabagong teknolohiya,
produkto at serbisyo at ang patuloy na pagpabuti ng imprastraktura ng teknolohiya;
papanatilihin ang pangunahing teknolohiya at gamit ng imprastraktura na siyang sagot
kung ito ba ay tama at angkop sa nangyayaring pagbabago sa teknolohikal na kapaligiran
at madebelop pa ang produkto at serbisyo na epektibong nagagamit ang "advanced
technologies"; at
(3) sakaling magpapaabot ng impormasyon ang Direktor at Empleyado kaugnay ng
mga aksidente na sangkot ang anumang produkto at serbisyo, o kaligtasan ng anumang
produkto at serbisyo, ipaabot agad ang naturang impormasyon at maglaan ng angkop na
lunas na naaayon pa rin sa isinasaad ng batas at internal na regulasyon, kabilang dito ang
probisyon sa impormasyon, pagbawi ng produkto at nakasulat na babala at etiketa.
9
5. Pagkakalakal at Pagbebenta
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) tutugon sa lahat na angkop na batas at regulasyon (kabilang dito ang pagbabawal
sa komersyal na panunuhol ["commercial bribery"], pangungupit at/o "kickback") at
magsasagawa ng patas na pagnenegosyo at pagbebenta ayon sa tamang etika ng
korporasyon; at
(2) idedeliber ang maayos na produkto at serbisyo na naayon sa mga
pangangailangan ng kustomer.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) susunod sa maayos na pakikipagnegosyo sa bawat pagharap sa kustomer;
(2) isusulong ang pagnenegosyo at pagbebenta na tumutugon sa naaayong batas at
regulasyon (kabilang dito ang pagbabawal sa komersyal na panunuhol ["commercial
bribery"], pangungupit at/o "kickback"), tutuparin nang maayos ang nakasanayang
pagnenegosyo at irerespeto ang mga katanggap-tanggap na ideya sa lipunan; at
(3) Uunawain ang pangangailangan ng kustomer mula sa kanilang pananaw at
idedeliber ang pinakamahusay na produkto at serbisyo.
10
6. Batas Para sa Kumpetisyon at mga Transaksyon sa Pamahalaan
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) tutugon sa lahat ng angkop na batas at regulasyong ipinapatupad sa layuning
mapanatili ang malaya at patas na kumpetisyon (na tinatawag na “Competition Laws”) sa
lahat ng aktibidad ng negosyo, kabilang na rin dito ang lahat ng transaksyon sa gobyerno;
at
(2) maghahanda ng at maayos na ipatutupad ang mga programa at alituntunin na
tutugon sa Competition Laws, tungo sa pagsunod sa mga polisiya at pamamalakad na
itinakda ng gobyerno para matiyak na ang angkop na Competition Laws at ang mga
regulasyong kaugnay dito ay nasusunod.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) susunod sa mga programa at alituntunin na tumutugon sa Competition Laws,
gayundin sa mga tuntunin sa pakikipagkalakalan, at itataguyod ang malaya at patas na
negosyo;
(2) iiwasan ang pakikipagkasundo sa presyuhan sa mga ka-kumpetensya, kabilang
dito ang pagpepresyo at tawaran ("quotation and bids"), ang dami ng produksyon at
benta, alokasyon sa merkado, kustomer o suki, o kaya paglimita sa dami ng produksyon o
sa paggamit ng teknolohiya, maging ito man ay lantad o hindi. Ang paglabag sa naturang
kasunduan ay di nalilimita sa mga nakarekord na kasulatan, gaya ng memorandum o
katitikan ("minutes"), kundi maging ang mga berbal na kasunduan ay nasasaklaw din;
(3) kung ang kustomer ay isang ahensya ng gobyerno, ipatutupad ang mga tuntunin
ng kumpanya sa pakikipagkalakalan sa ahensya ng gobyerno, at hindi dapat makilahok sa
mga tiwaling gawain gaya ng "bid obstruction" (Note 1) o "competition coordination on
orders" (Note 2);
(4) hindi mag-oorganisa o makikilahok sa mga miting, mangangako o
makikipagkasundo, o makikipagpalitan ng impormasyon, o makilahok sa iba pang
gawain na magreresulta sa kahina-hinalang pakikisangkot sa mga aktibidad, na nabanggit
sa Talata 2 at 3 sa itaas;
(5) hindi oobligahin ang mga "distributor" at "dealer" na sumang-ayon sa, o
panatilihin ang presyo ng "resale" sa alinmang produkto ng Toshiba TEC Group;
11
(6) hindi hahayaan na may iba pang taong ("third parties"; kabilang na rito ang "sales
representative") makisangkot sa ipinagbabawal na aktibidad na nabanggit sa Talata 2
hanggang 5 sa itaas; at
(7) kapag mag-eempleyo ng isang dating opisyal ng gobyerno, bubusisiin nang maigi
ang aplikante ayon sa angkop na batas at regulasyon, at ang internal na regulasyon sa
pinanggalingang ahensya ng gobyerno ng aplikante; at kapag ang aplikante ay na-
empleyo, di hahayaan siyang makisangkot sa bentahan sa mga kustomer mula sa
ahensyang iyon ng gobyerno, maliban na lang kung itong aktibidad ay pinapayagan ng
batas.
NOTE 1 Ang kahulugan ng “bid obstruction” ay, kapag nakikipagkasundo sa ahensya ng gobyerno, aalamin ang
intensyon ng ahensya kaugnay sa prospek nilang bidder na kokontratahin o ang posibleng pagtatakda ng presyo, o
isang pagkilos upang makamit ang intensyon ng naturang ahensya.
NOTE 2 Ang ibig sabihin ng “competitor coordination on orders” ay ang pakikipagpapalitan ng impormasyon o
pakikilahok sa mga ka-kumpetensya kaugnay sa mga prospek na bidder na kokontratahin ang pakikipagtawaran sa
presyo at iba pang impormasyon.
12
7. Panunuhol
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay susunod sa lahat ng naaangkop na batas at
regulasyon na nagbabawal sa pagbabayad, pag-alok o pangangako ng pagbabayad ng anumang
halaga sa isang "public official" (halimbawa, opisyal o empleyado ng gobyerno o anumang
departamento, pangasiwaan o instrumentalidad nito, o ng isang pampublikong internasyunal na
organisasyon, o sinumang opisyal na umaakto para sa mga nabanggit).
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) hindi gagawa o kaya mag-aalok ng anumang bayad o anumang mayhalaga,
direkta o di direkta, maging ito man ay sa anyo ng sahod, paglilibang, regalo,
kontribusyon, pabuya, at iba pang anyo nito na iligal o ipinagbabawal ng batas at
regulasyon, sa anumang kasunduan, sa alinmang ahensya ng gobyerno, sa kanilang
opisyales, o miyembro ng partido (kabilang ang humahawak sa pwesto o mismong
kandidato para sa nasabing pwesto) (maliban sa mga kaso na hindi lumalabag sa batas at
regulasyon at maituturing na katanggap-tanggap sa lipunan), at hindi dapat nasasangkot
sa anumang transaksyon ng bentahan, pagpapautang at iba pa na hindi pangkaraniwan
("arms-length"), kabilang dito ang pag-gagarantor;
(2) hindi magsusuhol o maghahain ng benepisyo sa sinumang pulitiko (kasama na
rito ang dating miyembro ng nagpapanukala ng batas at dati o kasalukuyang sekretarya
ng nasabing pulitiko) o anumang kumpanya kung saan ang isang pulitiko ay may
kinalaman alinmang anyo ang suhol o benepisyo na ito (halimbawa, kumisyon o bayad sa
konsultasyon ["consulting fees"]) na may kaugnayan pa rin sa pakikipagkalakalan sa
ahensya ng gobyerno;
(3) iiwas sa anumang pag-alok ng pera o benepisyo sa kinatawan ng banyagang
gobyerno upang magkaroon ng benepisyo o kita na iligal, habang nagsasagawa ng
internasyunal na negosyo;
(4) di hahayaang may mamagitan, kabilang na ang intermediaries, gaya ng
distributor, o ahente na makilahok sa anumang aktibidad na nabanggit sa Talata 1
hanggang 3 sa itaas;
(5) titiyakin, sa pakikipag-ugnayan sa "intermediaries" gaya ng "distributor" o ahente,
na sapat ang sahod, at ang lahat ng mahahalagang kasunduan at kondisyon ay tinukoy o
tutukuyin at susunod sa lahat ng kakailanganing hakbang na naaayon sa batas at
alituntunin o regulasyon ng bawat bansa o rehiyon kaugnay sa naturang kabayaran o
pagpapasweldo;
13
(6) di magbigay ng anumang kontribusyon sa mga partido sa pulitika o komite,
maliban na lang kung pinapayagan ito ng batas, regulasyon, at mga tuntunin ng
kumpanya; at
(7) irerespeto ang mga nakasanayang gawi ng kustomer, ahensya ng gobyerno o sino
pa man at ang mga angkop na batas at regulasyon na may kaugnayan sa pagbabawal o
pagkontrol sa pagtanggap ng panlibang, regalo o iba pang anyo ng paggalang sa negosyo
("business courtesies") ng empleyado o mga opisyal nito.
14
8. Kapaligiran
1) Ang Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) magsisikap na panatilihin ang isang "sustainable environment" na may pagkilala
na ang Mundo ay di basta-bastang mapapalitan, at may obligasyon ang lahat na ito ay
pangalagaan para sa susunod na henerasyon;
(2) susunod sa mga angkop na internasyunal, rehiyonal at pambansang pamantayan,
batas, regulasyon, kasunduan, pamantayan ng industriya, at mga tuntunin ng kumpanya
na may kaugnayan sa usaping pangkapaligiran;
(3) magbabahagi sa lipunan sa pamamagitan ng pagsulong at paggawa ng mahuhusay
na produkto na gumagamit ng teknolohiyang ukol sa pagprotekta ng kapaligiran; at
(4) magsisikap bawasan ang epekto sa kapaligiran ng mga aktibidad na pangnegosyo.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) magsisikap na manaliksik at bumuo ng mga produktong makakabawas ng epekto
sa kapaligiran, at maging "proactive" sa matalinong paggamit ng enerhiya, bawasan ang
paggamit ng likas na yaman, at gumamit ng pagreresaykel sa lahat ng aspeto ng negosyo,
upang maiwasan ang "global warming" at magamit nang tama ang likas na yaman;
(2) patuloy na pagbubutihin ang mga aktibidad na pangkapaligiran sa pamamagitan
ng pagpapatupad ng mga plano na kapwa panandalian ("short term") at pangmatagalan
("long term") sa mga pang-araw-araw na gawain;
(3) magsasagawa ng napapanahon o regular na pagsukat at mga pag-inspeksyon, at
magpanatiling angkop na talaan. Kung mayroong iregularidad, agarang gagawa ng mga
hakbang para ayusin at iwasan ang mga ito;
(4) magsasagawa ng mga napapanahon at angkop na "environmental impact
assessments", habang nagpaplano ng mga bagong planta at paglilipat ng mga ito,
mamumuhunan sa mga pasilidad na gagamitin sa produksyon, pagpaplano ng mga
produkto at disenyo, at sa pagbili ng mga bagong parte, sangkap o materyales;
(5) sisikaping iwasan ang paggamit o pagpapalabas ng anumang bagay, na kahit hindi
ipinagbabawal ng batas at regulasyon, ay maituturing pa ring mapanganib sa kapaligiran
ayon sa gobyerno o mga awtoridad na nangangalaga sa kapaligiran saan mang bansa o
rehiyon kung saan naroon ang Toshiba TEC Group; kung sakaling gagamitin ng Toshiba
TEC Group Companies ang nasabing bagay, sa anumang kadahilanan, sisikaping
15
mabawasan ang epekto nito sa kapaligiran sa pamamagitan ng tamang paggamit ng isang
mahusay at praktikal na teknolohiya;
(6) sisikaping mapanatili ang tama at bukas na tsanel ng komunikasyon para
maipaabot ang sapat na impormasyon tungkol sa mga aktibidad na may kaugnayan sa
kapaligiran; at
(7) magbibigay ng nauukol na konsiderasyon sa mga isyung pangkapaligiran sa araw-
araw na kabuhayan, kabilang dito ang isyung "global warming", at aktibong makilahok sa
mga aktibidad sa komunidad na may kinalaman sa pangangalaga ng kapaligiran.
16
9. Pagkontrol sa Pagluluwas ng Kalakal
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) iiwas sa anumang transaksyon na maaaring makasama sa pandaigdigang
kapayapaan at seguridad;
(2) tutugunan ang lahat ng batas at regulasyon na may kinalaman sa pag-eksport ng
kalakal sa mga bansa at rehiyon kung saan mayroong mga operasyon, at duon sa Estados
Unidos, kung may mga transaksyong may kaugnayan sa produkto at impormasyong
pang-teknolohiya ng Estados Unidos; at
(3) maghahanda at magpapatupad ng mga programa sa "export control compliance"
(na tinatawag ding “Export Control Programs”) na nagtatakda ng mga polisiya at
patakaran na magtitiyak na ang mga naaangkop na batas at regulasyon ay masusunod.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) iiwas sa anumang transaksyon na maaaring makasama sa pandaigdigang
kapayapaan at seguridad o anumang transaksyong may kaugnayan sa produkto o
teknolohiya na lalabag sa mga sumusunod na batas at regulasyon:
- lahat ng batas at regulasyon hinggil sa pagkontrol ng pagluluwas ng kalakal sa
mga bansa o rehiyon kung saan may operasyon ang Toshiba TEC Group;
- ang mga batas at regulasyon sa pagkontrol ng pagluluwas ng kalakal sa Estados
Unidos, sa mga tranksaksyong may kinalaman sa mga produkto at impormasyong
pang-teknolohiya ng Estados Unidos;
(2) titiyakin ang istriktong pamamahala ng mga transaksyon, mula sa panimulang
pag-uusisa hanggang sa pagdeliber ng produkto at serbisyo, sa pamamagitan ng pagsunod
sa mga detalyadong alituntunin para sa pagkontrol ng mga transaksyong nakasaad sa
"Export Control Program"; at
(3) iiwasang magamit ang ating mga produkto sa pagsulong at pagbuo ng mga
kombensyunal na sandata at mga "weapons of mass destruction", sa pamamagitan ng
pagtiyak at pag-usisa ng paggagamitan at ng gagamit ng mga produkto at teknolohiya.
17
10. Mga Grupong Di Nakikilahok sa Lipunan ("Anti-Social Groups")
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay hindi magkaroon ng kahit anong kaugnayan,
kasama na ang mga transaksyong pang-negosyo, sa mga grupong "anti-social" (halimbawa, mga
grupong sangkot sa anumang uri ng mga kriminal na gawain o kinikilalang banta sa lipunan
kabilang na ang "organized crime groups" o mga grupong terorista).
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) tatangging lumahok o magbigay ng kontribusyon sa mga grupong anti-sosyal sa
ating mga aktibidad, at hindi tatangkilik sa kanilang mga aktibidad (halimbawa: ang
subskripsyon o pagbili ng mga publikasyon, libro, pagbili ng mga produkto, pag-endorso
ng mga patalastas, pagbibigay serbisyo, pag-aalok ng pera o produkto, at anumang
aktibidad na makapagbibigay ng materyal na suporta;
(2) tatanggi sa anumang di makatwirang hiling (NOTE) nang walang pag-
aalinlangan; at
(3) susunod sa lahat ng batas at regulasyon na may kaugnayan sa pagkukubli ng
pinanggalingan ng pera na nakuha sa iligal na pamamaraan ("money laundering").
(NOTE) Ang "di makatwirang hiling" ay isang hiling, demanda, o ano mang aksyon na may kaugnayan sa negosyo,
na isinasagawa ng miyembro ng isang kriminal na organisasyon na may pagbabanta ng pananakit o karahasan.
18
11. Mga Etika ng Enhinyeriya
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) makikisangkot sa mga aktibidad na panteknolohiya nang may mataas na antas ng
pagiging etikal; at
(2) susunod sa lahat ng mga angkop na batas, regulasyon at mga kontrata.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) gagamitin ang kanilang kadalubhasaan, kasanayan at karanasan upang
makapagbigay ng kontribusyon sa kalusugan at kasayahan ng mga tao at sa kaligtasan ng
lipunan;
(2) gagamit ng mga siyentipikong datos at aalamin ang mga pagbabago sa lahat ng
naaangkop na batas, regulasyon, at pangkaraniwang kaalaman upang makagawa ng patas
at malayang paghuhusga, at aakto ng tapat at may kabutihang-loob;
(3) patuloy na pag-iigihin ang kanilang kadalubhasaan at kakayanang makalikha ng
bagong teknolohiya at makagawa ng mga ligtas at mahusay na produkto at serbisyo;
(4) sisikaping humubog ng mga bagong enhinyero at pagkakalooban sila ng
teknolohiya; at
(5) ipakikilala pa ang mas malawak na komunikasyon sa naangkop na indibidwal o
institusyon upang makalikha ng pinagtratrabahuan na malinaw at may bukas na kaisipan.
19
12. Pagmamay-aaring Intelektwal
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) susunod sa mga batas at regulasyon na may kaugnayan sa "patent law" at
"copyright law", at iba pang batas pangkarapatang intelektwal. (NOTE); at
(2) proprotektahan ang resulta ng mga intelektwal na aktibidad na may karapatang
intelektwal, lubos na gagamitin ang mga karapatang iyon, at igagalang ang mga
lehitimong karapatang-ari ng iba ("third parties").
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) magiging proactive sa pagtamo at paggamit ng pagmamay-aring intelektwal
upang lumakas ang pagiging "competitive" ng negosyo;
(2) uunawa at susunod sa mga tuntunin ng kumpanya na nagsasaad na ang karapatang
intelektwal sa anumang imbensyon, "utility model", disenyo ng, o aktwal na trabaho,
gaya ng "mask work" (halimbawa, ang "layout" ng isang "integrated circuit chip"),
"computer program", o "digital content", na maituturing na likha ng sinuman habang siya
ay empleyado, o sa panahong siya ay nagbibigay serbisyo, sa Toshiba TEC Group, at ang
kakayanang mag-apply para sa karapatang intelektwal, ay pag-aari ng Toshiba TEC
Group;
(3) pananatilihin ang karapatang intelektwal at gagawa ng angkop na mga hakbang
upang maiwasan ang paglabag ng ibang tao sa mga karapatang ito; at
(4) igagalang at iingatan ang mga lehitimong pagmamay-aring intelektwal ng iba.
(NOTE) Ang mga “Karapatang Intelektwal” ay ang mga "patent rights", "utility model rights", "design patent
rights", "trademarks", "copyrights"", mask work rights", "trade secrets", at iba pang katulad na mga karapatan.
20
13. Pagkukuwenta ("Accounting")
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay susunod sa lahat ng mga batas at regulasyong
may kaugnayan sa pagkukuwenta ("accounting") at magsasagawa ng tamang "accounts
management" at "financial reporting" na naaayon sa mga prinsipyong tinatanggap sa
pangkaraniwang kalakal ("generally accepted accounting principles").
2) SOC Para sa mga Toshiba TEC Group Corporate
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) magpapanatili ng maayos at nasa oras na pagkukuwenta na sang-ayon sa
prinsipyong tinatanggap sa pangkaraniwang kalakal ("generally accepted accounting
principles");
(2) pag-iibayuhin ang maagap na paglalabas ng wastong pagkukuwenta; at
(3) sisikaping mapanatili at pagbutihan ang "accounting management system", at
itataguyod at isasakatuparan ang mga "internal control procedures" para sa mga ulat na
pinansyal.
21
14. Komunikasyon ng mga Korporasyon
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) sisikaping makuha ang pag-unawa ng mga "stakeholders", kabilang dito ang mga
kustomer, mga kasosyo, at ang lokal na komunidad, kaugnay ng mga aktibidad ng
korporasyon, produkto at serbisyo, at patuloy na pagbubutihin ang pagkakakilala ng
publiko sa Toshiba TEC Group at sa "corporate image" nito, sa pamamagitan ng positibo
at nasa oras na mga "corporate communications activities" tungkol sa impormasyong
pang-negosyo (NOTE), kagaya ng estratehiya ng korporasyon at pampinansyal na datos;
at
(2) titiyaking naipapaabot ang mga "management policies" sa loob ng kumpanya, at
ipalalaganap ang pagbabahaginan ng impormasyon bilang isang paraan ng pagtataguyod
ng "morale" at pagkakaisa.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) magsasagawa ng mga "corporate communications" na may integridad na
nakabatay sa obhetibong katotohanan;
(2) magsasagawa ng mga "corporate communications" sa pamamagitan ng
narararapat na mga pamamaraan, upang malaman at maintindihan ang mga aktibidad ng
Toshiba TEC Group ng mga kustomer, kasosyo, mga potensyal na imbestor at miyembro
ng komunidad ng bawat bansa o rehiyon; at
(3) hihingi ng paunang pahintulot mula sa mga taong responsable para sa mga
"corporate communications" bago maglabas ng impormasyong pang-negosyo sa mga
"analysts" at sa midya, kabilang dito ang mga pahayagan, magasin at mga istasyon ng
telebisyon.
(Note) Kasama sa“impormasyong pang-negosyo” ang impormasyon ukol sa mga gawain na maaaring makalikha ng
suspetsa ng paglabag sa mga alituntuning ito (na tinatawag na “Risk Compliance Information”).
22
15. Pagpapaanunsyo ("Advertising")
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) gagamit ng mga pagpapaanunsyo upang mapalawig ang kaalaman ng publiko tungkol
sa Toshiba brand at kaalaman ng publiko at tiwala sa Toshiba TEC Group; at
(2) magsisikap na makamit ang mataas na pagkakakilala sa Toshiba TEC Group bilang
isang kumpanyang "global" at isang "good corporate citizen" sa pambansa at rehiyonal na
antas.
2) SOC para sa mga Director at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) papalawakin ang pagtitiwala ng publiko sa Toshiba brand, at kakamtin ang tiwala
ng mga tao sa iba’t ibang bansa o rehiyon kung saan nagnenegosyo ang Toshiba TEC
Group, upang makalikha ng kapaligiran kung saan maaaring makamtan ang "sustained
business development" at "sales promotion activities";
(2) di gagamit ng pagpapaanunsyo na makakasira sa iba para lamang magmukhang
nakaaangat ang Toshiba TEC Group o para sa anupamang layuning negatibo; at
(3) di tutukoy sa pulitika o relihiyon sa mga pagpapaanunsyo, o manakit, o magpakita
ng kawalan ng respeto sa pamamagitan ng paggamit o pagtukoy sa diskriminasyon sa
lahi, relihiyon, kasarian, pinagmulang bansa, kapansanan, edad o sekswal na oryentasyon.
23
16. Lugar ng Pinagtatrabahuan ("Workplace")
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) lilikha ng isang lugar na pinagtatrabahuan kung saan ang mga Empleyado ay
maaaring makapagtrabaho ng malikhain at masinop upang kanilang makamtan ang
balanse na trabaho at buhay (halimbawa, balanse nilang nagagampanan ang tungkulin sa
trabaho at sa bahay); at
(2) magsusumikap na tiyakin ang kaligtasan at komportableng kapaligiran ng
pinagtatrabahuan ng mga Empleyado.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) magagampanan nang lubos ang tungkulin na siyang iniatang na responsibilidad ng
kumpanya, at tiyaking patuloy silang matututo at mapapaunlad pa ang kanilang abilidad;
(2) ipababatid sa mga empleyado ang halaga ng pagbabalanse sa trabaho/buhay sa
pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtratrabaho upang mapalago pa nila nang
lubos ang kanilang kakayanan;
(3) lilinangin ang kapaligiran na pinagtatrabahuan upang mahikayat na mapaunlad
ang bukas na kaisipan, pakikipagtulungan at maayos na aktibidad sa trabaho; at
(4) papanatilihing ligtas, malinis at maayos ang lugar na pinagtatrabahuan at
sisikaping ligtas sa anumang aksidente sa lugar na pinagtratrabahuan ("industrial
accidents"), at pananatilihing nasa maayos na kundisyon ang kalusugan.
24
17. Impormasyon ng Korporasyon at Seguridad
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) papamahalaan nang maayos at proprotektahan ang impormasyon ng korporasyon
(NOTE) (kabilang dito ang "brand" ng Toshiba at mga ari-ariang di-nahahawakan
("intangible assets") ;
(2) igagalang ang "proprietary information" at pananatilihing kompidensyal ang
impormasyon ng korporasyon, at ipagbabawal ang paglalantad o maling paggamit sa
impormasyon ng korporasyon; at
(3) magsisikap na maiwasan ang mga insidenteng may kinalaman sa seguridad ng
impormasyon, at titiyaking agad na mababawi ang impormasyong ito kung sakaling
magkaroon man ng insidente; at gagawa ng hakbang upang hindi na ito maulit.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) hindi maglalantad ng impormasyon ng kumpanya, habang sila ay empleyado o
kahit pagkatapos nito, nang hindi sumusunod sa mga nararapat na prosesong internal;
(2) hindi gagamit ng impormasyon o pagmamay-ari ng kumpanya para sa kanilang
sarili o para sa iba, upang makasama sa interes ng Toshiba TEC Group, o kaya anumang
di tamang paggamit, habang sila ay empleyado o kahit pagkatapos nito;
(3) hindi maglalantad sa kumpanya ng kahit anong "confidential" o "proprietary
information" na pagmamay-ari ng iba, na nakuha nila bago sila namasukan sa Toshiba
TEC Group, kung ito ay lalabag sa kanilang mga obligasyon sa iba, kabilang na dito ang
mga dating empleyado at dating kliyente;
(4) proprotektahan ang personal na datos alinsunod sa batas, regulasyon at mga
tuntunin ng kumpanya, kabilang dito ang pagsunod ayon sa batas at proseso para matamo
at maprotektahan ang personal na datos at magamit ito, sa nararapat na layunin lamang;
(5) susunod sa mga regulasyon ukol sa seguridad ng impormasyon, at magsisikap na
protektahan ang impormasyon ng kumpanya at gagamitin ito sa tamang paraan lamang;
(6) hindi gumagamit ng kahit anong "information technology equipment" o mga
serbisyo na pag-aari ng kumpanya sa mga pansariling kapakanan;
(7) hindi sasaktan ang "informational interests" ng iba, kagaya ng pag-access sa
impormasyon ng ibang tao ("third party information") nang walang pahintulot; at
25
(8) hindi masasangkot sa kahit anong ilegal na "insider trading" (halimbawa,
paggamit ng impormasyon na hindi pampubliko ["non-public information"] sa pag-trade
ng shares ng isang kumpanya)
(NOTE) Ang “impormasyon ng kumpanya” ay tumutukoy sa lahat ng impormasyon, kabilang dito ang personal na
impormasyon, impormasyon ng ibang tao ("third party information"), gaya ng impormasyon sa kustomer, suplayer
at kumpanya (gayundin, ang impormasyon sa ibang tao ["third parties"]) na pinangangasiwaan ng mga Direktor at
Empleyado habang nagnenegosyo, maliban lang sa mga impormasyong bukas sa publiko.
26
18. Pag-aari ng Kumpanya at mga "Conflict of Interest"
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) maayos na mamamahala ng ari-arian ng kumpanya (kabilang dito ang pangalan o
"brand" ng Toshiba at iba pang ari-arian na di-mahawakan ["intangible assets"]); at
(2) palaging gagawa ng hakbang para sa mabuting kapakanan ng kumpanya.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) iiwas sa paggamit o pag-angkin ng mga ari-arian ng kumpanya para sa pansariling
gamit at sisikaping alagaan ang mga ari-ariang ito;
(2) iiwas sa di tamang paggamit ng kagamitan at pasilidad ng kumpanya;
(3) di gagamit ng kanilang posisyon o awtoridad sa kumpanya para mabenepisyuhan
ang sarili o ang iba, na walang pahintulot; o kaya ay para masira ang kredibilidad o
pangalan ng kumpanya; at
(4) iiwasang makipag-ugnayan sa mga kustomer, suplayer, at mga kakumpetensya ng
kumpanya, kung ito ay makakalikha ng "conflict of interest".
27
19. Ugnayan sa Komunidad
1) Polisiya ng Toshiba TEC Group Corporate
Ang Toshiba TEC Group Companies ay:
(1) magbabahagi at maglalaan ng kooperasyon sa lahat ng mga lokal na komunidad
kung saan may operasyon ang Toshiba TEC Group, upang lubos na magampanan ang
kanilang mga tungkulin bilang bahagi ng mga komunidad na ito, at makikibahagi at
tutulong sa maraming"stakeholders" tulad ng "nonprofit organizations" (NPOs);
(2) susuportahan ang mga Direktor at Empleyado sa pagsasagawa ng mga
boluntaryong aktibidad, at magbibigay ng lubos na konsiderasyon sa kagustuhan ng
bawat indibidwal upang maisabuhay nila ang kanilang mga karapatang sibil;
(3) magbabahagi ng nararapat na mga donasyon sa bawat bansa at rehiyon kung saan
may operasyon ang Toshiba TEC Group, matapos isaalang-alang dito ang kontribusyon
sa komunidad, ang pagiging publiko nito, at ang dahilan ng pagbibigay ng donasyong ito;
at
(4) sisikaping pagbutihin ang imahe ng brand ("brand image") sa lahat ng aspeto ng
kanilang pakikipag-ugnayan sa komunidad.
2) SOC Para sa mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC Group
Ang mga Direktor at Empleyado ay:
(1) titiyaking maayos at napapatupad ng Toshiba TEC Group Companies ang mga
aktibidad katugma ang komunidad, sa pamamagitan ng pagbigay-galang sa lokal na
kultura, tradisyon at kaugalian ng komunidad;
(2) aktibong makikilahok sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa lokal na komunidad,
upang mahikayat at mapanatili ang mutwal na paggalang at pag-unawa;
(3) aktibong makikilahok sa mga sosyal at boluntaryong aktibidad ng komunidad;
(4) magiging responsable at may integridad na miyembro ng lipunan; at
(5) magsusumikap na magpapakita ng katapatan at integridad sa salita at gawa, nang
may kamalayan tungkol sa kanilang pagiging miyembro ng Toshiba TEC Group, maging
sa pinagtatrabahuan, sa mga pampublikong lugar, o maging "online".
28
Saklaw at Implementasyon
1. Saklaw ng SOC
(1) Ang mga SOC na ito ay mag-aapply sa lahat ng mga Direktor at Empleyado,
kasama na ang mga "advisor" at empleyadong kontraktuwal, sa oras na ito ay i-adopt ng
bawat Toshiba TEC Group Company sa pamamagitan ng resolusyon ng "board of
directors" o ng ano pa mang nararapat na hakbang ng kumpanya;
(2) Ang SOC ay hindi nagsasabi o lumilikha ng mga obligasyong legal sa bahagi ng
Toshiba TEC Group, at hindi rin lumilikha ng anumang legal na karapatan o paghahabol
o reklamo ("legal rights or claims") sa bahagi ng ibang tao. Sa halip, itinatakda ng SOC
ang mga pinapahalagahan ng Toshiba TEC Group at ang mga inaasahan nito sa kanilang
mga Direktor at Empleyado. Sa maraming pagkakataon, ito ay higit pa sa mga legal na
obligasyon ng Toshiba TEC Group.
2. Implementasyon ng SOC
(1) Ang bawat Toshiba TEC Group Company ay hihirang ng isang “Chief
Implementation Administrator” na siyang magkakaroon ng pangkalahatang
responsibilidad upang ipagsakatuparan ang SOC. Ang "Chief Implementation
Administrator" ng Toshiba TEC Corporation ay ang "Chief Risk-Compliance
Management Officer";
(2) Kung kinakailangan, ang bawat "Chief Implementation Administrator" ay
maaaring magtalaga ng mga “Implementation Administrators” na siyang magiging
responsable sa pagpapatupad ng bawat artikulo ng SOC. Sa loob ng Toshiba TEC
Corporation, ang "Managing Director" o “General Manager” ng bawat "Business Group"
at ang "General Manager" ng bawat "staff division" ay siyang magiging "Implementation
Administrator". Sa ganitong kapasidad, sila ay responsable para sa pagpapatupad ng
SOC sa kanilang mga "in-house companies" o "divisions", at paggabay sa pagpapatupad
sa mga Toshiba TEC Group Companies kung saan sila responsable;
(3) Ang "corporate staff division" ng bawat isang Toshiba TEC Group Company na
siyang naatasang mamahala ng anumang aytem na nakasaad sa SOC, ay bubuo ng mga
naangkop na tuntunin o mga "compliance programs", at susuporta sa "Implementation
Administrators" ng naturang Toshiba TEC Group Company, at sa kahit anong "related
companies", sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon at abiso sa paggawa ng
mga "implementing rules" at sa paglinang ng mga programang edukasyonal; at
(4) Ang "CSR Promotion Center" at "Corporate Legal Service Group " ng Toshiba
TEC Corporation ay ang mga dibisyong responsable sa pangangasiwa ng SOC, at sa
pagpapalaganap at suporta para sa sa adapsyon at pagpapatupad ng SOC ng Toshiba TEC
Group Companies.
29
3. Sistema ng Pag-uulat ng "In-House Information" at ang Pag-iingat sa
Impormasyong Nagmumula sa mga "Providers"
(1) Ang Toshiba TEC Group Companies ay bubuo ng isang "in-house information
reporting system", upang masiguro na ang mga Direktor at Empleyado ng Toshiba TEC
Group, ay makakapag-ulat ng "Risk Compliance Information" (NOTE) direkta sa "Chief
Implementation Administrator" o sa responsableng dibisyon na responsable sa mga "risk-
compliance matters";
(2) Ang mga Direktor at Empleyado ng bawat isang Toshiba TEC Group Company ay
dapat mag-ulat ukol sa kahit anong "Risk Compliance Information" na meron sila sa
kanilang mga superbisor, o kaya ay ibigay ang naturang impormasyon gamit ang "in-
house information reporting system";
(3) Ang "Chief Implementation Administrator", ang mga dibisyong responsable sa "risk-
compliance matters", at superbisor na nakakatanggap ng "Risk Compliance Information",
ay kailangang kumilos nang mabilis at sa angkop na paraan; at
(4) Ang mga Direktor at Empleyado na siyang nagbigay ng "Risk Compliance
Information" nang may mabuting dahilan at magandang loob, ay hindi dapat tratuhin ng
masama, nang dahil sa pagbibigay nila ng naturang impormasyon.
4. Pagdidisiplina
Anumang paglabag dito sa SOC ay maaaring mapatawan ng pagdidisiplina, kabilang na
ang pagkakatanggal sa trabaho, ayon sa "Disciplinary Rules/Staff Handbook" ng bawat Toshiba
TEC Group Company.
(NOTE) Ang ibig sabihin ng “Risk Compliance Information” ay anumang impormasyon ukol sa mga aksyon, o
aktibidad na maaaring maging basehan para masabing may kahina-hinalang aksyon na labag sa SOC.