Mga Katotohanan Para sa mga Magulang 2013-‐14
ii
Mahalagang mga Petsa/Paaralang Taong 2013-‐14 Ang mga petsa sa 2014 ay maaaring magbago. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ay bibigyang-‐alam ng paaralan ng kanilang anak tungkol sa mga maikling araw at walang pasok sa mga araw ng staff-‐development.
Paaralang Taong Traditional
Setiyembre
2 .................................................... Pangilin: Labor Day 3 ............................................ Unang Araw ng Pasukan
Nobiyembre
11 ............................................ Pangilin: Veterans Day 25-‐29 ..................................... Bakasyong Thanksgiving
Disyembre
23 ................................ Simula ng Pahinga sa Taglamig
Enero
6 .............................. Muling Magbubukas ang Paaraln 20 ........................ Pangilin: Martin Luther King Jr. Day
Pebrero
14 ..................................... Pangilin: Lincoln’s Birthday 17 ............................. Pangilin: Washington’s Birthday
Marso
31 ................................. Simula ng Pahinga sa Tagsibol
Abril
7 ............................ Muling Magbubukas ang Paaralan
Mayo
26 ........................................... Pangilin: Memorial Day
Hunyo
12 .......................................... Huling Araw ng Pasukan
Paaralang Taong Year-‐Round
Setiyembre
2 .................................................... Pangilin: Labor Day 3 ........................................... Unang Araw ng Pasukan
Nobiyembre
11 ............................................ Pangilin: Veterans Day 25-‐29 ..................................... Bakasyong Thanksgiving
Disyembre
23 ............................... Simula ng Pahinga sa Taglamig
Enero
21 ......................................................... Pasukang Muli
Pebrero
14 ..................................... Pangilin: Lincoln’s Birthday 17 ............................. Pangilin: Washington’s Birthday
Marso
31 ................................................. Spring Break Begins
April
28 .......................... Muling Magbubukas ang Paaralan
May
26 ........................................... Pangilin: Memorial Day
June
23 ......................................................... Walang Pasok.
July
4 ...................................... Pangilin: Independence Day 21 .......................................... Huling Araw ng Pasukan
iii
Mga Tatawagan ng mga Magulang
Para sa mga Magulang
Area Superintendents (sandi.net/areasuperintendents) Area 1 (sandi.net/area1) ..................................................................................................... (619) 725-‐7233 Area 2 (sandi.net/area2) .................................................................................................... (619) 725-‐5584 Area 3 (sandi.net/area3) ..................................................................................................... (619) 725-‐5602 Area 4 (sandi.net/area4) ..................................................................................................... (619) 725-‐7254 Area 5 (sandi.net/area5) ..................................................................................................... (619) 725-‐7232 Area 6 (sandi.net/area6) .................................................................................................... (619) 725-‐7107
Food Services (sandi.net/food) ....................................................................................................... (858) 627-‐7301 Neighborhood Schools and Enrollment Options (sandi.net/enrollmentoptions) .......................... (619) 725-‐5672
4100 Normal Street, Annex 7b, San Diego, CA 92103 Nursing and Wellness (sandi.net/health) ........................................................................................ (858) 627-‐7580 Mga Alalahanin ng Magulang (sandi.net/parents/concerns) .......................................................... (619) 725-‐7211 Parent Outreach and Engagement Department (sandi.net/parentoutreach) ................................ (619) 293-‐4431 PrimeTime Extended Day Program (sandi.net/primetime) ............................................................. (858) 627-‐7562 School Police (24 hours) (sandi.net/police) ..................................................................................... (619) 291-‐7678 Special Education (sandi.net/specialed) .......................................................................................... (619) 725-‐7700 Title IX Coordinator (sandi.net/titleix) ............................................................................................ (619) 725-‐7225 Transportation (sandi.net/transportation) ..................................................................................... (858) 496-‐8460
Mga Ibang Tanggapan
Board of Education Office (sandi.net/board) .................................................................................. (619) 725-‐5550 Office of the Superintendent (sandi.net/superintendent) .............................................................. (619) 725-‐5506 Information Technology (sandi.net/i21) ........................................................................................ (619) 725-‐7471 Physical Plant Operations (sandi.net/ppo) ...................................................................................... (858) 627-‐7122 Finance and Business Services (sandi.net/finance) ......................................................................... (619) 725-‐7585 Communications (sandi.net/communications) ............................................................................... (619) 725-‐5578 Human Resources (sandi.net/hr) .................................................................................................... (619) 725-‐8089 Legal Services Office (sandi.net/legal) ............................................................................................. (619) 725-‐5630
PANGKALAHATANG KAALAMAN
District Office/Directory Assistance ................................................................................................ (619) 725-‐8000 Eugene Brucker Education Center 4100 Normal Street San Diego CA 92103 Para sa karagdagang kaalaman, dalawin ang websayt sa www.sandi.net.
iv
Listahan ng Nilalaman
A. Mga Palakad sa Pamukod-‐Tangi, Panliligalig at Pambubuli .............. 1
B. Walang Pagpaparaya ......................... Error! Bookmark not defined.3
C. Mga Kailangan sa Pangkalusugan ...... Error! Bookmark not defined.4
D. Mga Karapatan ng Magulang/Tagapag-‐alaga .................................... 6
E. Mga Talaan at Karapatan ng Mag-‐aaral ............................................ 9
F. Elementary and Secondary School Act (ESEA) ................................. 11
G. Programa sa Pagpili ng English Learner ........................................... 12
H. Sa Paaralan ...................................... Error! Bookmark not defined.12
I. Pagpasok ......................................... Error! Bookmark not defined.13
J. Teknolohiya ..................................... Error! Bookmark not defined.14
K. Mga Papel na Bubuuin at Mga Tuntunin ......................................... 18
Universal Form ...................................................................................... 19
Pesticide Use Notification Form (kung nararapat) ................................ 20
1
A. Mga Palakad sa Pamumukod-‐tangi, Panliligalig at Pambubuli Pamumukod-‐tangi Ang pamalakad ng San Diego Unified
School District ay ang mabigyan ang lahat ng tao sa mga paaralang publiko ng pantay na karapatan at pagkakataon sa pag-‐aaral, na hindi tinitingnan ang lahi, pananam-‐palataya, paniniwala, kulay, may asawa o wala, pagiging magulang, pagiging be-‐terano, kasarian, paniniwala sa kasarian, pinanggalingan, bansang kinamulatan, kinikilalang kalahian, gulang, kapansanan, ang pag-‐uugali, o anumang labag sa batas na maibibilang (sa lahat ay tinatawag na “Proteksyon”). Ipinagbabawal ng distrito ang
pangungutya at pamumukod-‐tangi, na nagbibigay ng maligalig na kapaligiran at sinisira ang pantay na mga pagkakataon sa pag-‐aaral na tinitiyak sa Saligan ng Califor-‐nia at Estados Unidos. Ang distrito ay gumagawa ng mga dapat gawin upang hindi umiral ang pangungutya at pamumu-‐kod-‐tangi sa kapaligiran ng paaralan na ang layunin ay ipatupad ang hindi pagpapabaya at pang-‐unawa. Ang mga mag-‐aaral at kawani ng distrito
na lalabag sa pamalakad labag sa pangungutya at pamumukod-‐tangi ay didi-‐siplinahan nang nararapat. Kabilang dito ang pagsuspende o maaaring mapatalsik para sa mag-‐aaral sa baitang 4-‐12. Ang mga kawani na lalabag sa palakad ay didi-‐siplinahan sang-‐ayon sa mga patakaran para sa mga kawani at batas ng estado. Pagkakalooban ng mga panlunas ang
mga biktima at (mga) pamagitang hakbang na kailangan mula sa paaralan.
Pagbigay-‐alam sa Pamumukod-‐tangi sa Mag-‐aaral/Pagbigay-‐alam sa Pamumukod-‐tangi Ang San Diego Unified ay nakapan-‐
gakong gawing ang mga paaralan ay wa-‐lang lalabag sa batas na pamumukod-‐tangi at nagkakaloob ng pantay na pagkakataon sa lahat ng tao sa pag-‐aaral. Ang distrito ay nagbabawal ng gawaing
pamumukod-‐tangi na ang layunin o mag-‐bubunga ng hindi maganda sa pag-‐aaral ng mag-‐aaral, o lilikha ng nananakot, ma-‐ligalig o nakagagalit na kapaligiran ng pag-‐aaral. Itinataguyod ng distrito ang mga programang naniniyak na walang pamu-‐kod-‐tanging nangyayari sa mga gawain ng distrito.
Ang sinumang mag-‐aaral na gagawa ng pamumukod-‐tangi sa kapuwa mag-‐aaral o kaninuman sa distrito ay lalapatan ng hakbang sa pagdisiplina ng o kabilang ang mapatalsik. Ang sinumang kawaning pu-‐mapayag o kasabuwat sa pamumukod-‐tangi ay maaaring lapatan ng hakbang sa pagdisiplina ng at hanggang mapaalis. Ang sinumang mag-‐aaral o magulang/
tagapag-‐alagang naniniwalang may naga-‐ganap na pamumukod-‐tangi ay dapat ta-‐wagan kaagad ang guro o punong-‐guro upang malutas sa paaralan.
Panliligalig Sang-‐ayon sa Education Code Section
32261, ang San Diego Unified School Dis-‐trict ay nakapangakong gawing walang anumang panliligalig sa mga paaralan, ka-‐bilang ang pagligalig sa kasarian, at ipinagbabawal ang ganitong gawain ng sinumang tao sa paaralan. Ang panliligalig ay nangangahulugan ng
anumang salita o hindi salitang gawaing ang layunin o magbubunga ng hindi mabuti sa pag-‐aaral ng mag-‐aaral, o ang paglikha ng pananakot, nanggugulo o nananakit sa kapaligiran ng pag-‐aaral. Ang panliligalig ng kasarian ay ang pag-‐
sasamantalang hindi kanaisnais sa ka-‐sarian; paghiling ng pabor sa kasarian; pagsalita, pagpakita o pagsamantalang paghipo ng sinuman o sa kapaligiran ng pag-‐aaral. Ipinagbabawal ng distrito ang panliligalig sa kasarian kung saan ang mga marka, kapakinabangan, paglilingkod, ka-‐rangalan sa programa o mga aktibidad ng mag-‐aaral ay nakasalalay dahil sa panlili-‐galig.
Palakad sa Panliligalig sa Kasarian ng Mag-‐aaral Ang San Diego Unified ay nakapanga-‐
kong gawing walang kasariang panliligalig ang mga paaralan. Ito ay nangangahulu-‐gang ang distrito ay nagbabawal ng panlili-‐galig na gawa ng sinumang galing o sa lu-‐gar ng paaralan. Ang panliligalig sa ka-‐sarian ay ang mga gawaing hindi ka-‐naisnais ng pagsasamantala sa kasarian: paghiling ng pabor sa kasarian; o mga salita, nakita, o ikinikilos na gawa ng sinu-‐man galing o sa lugar ng pag-‐aaral. Ipinagbabawal ng distrito ang asal na
ang layunin ay hindi kanaisnais sa pag-‐aaral ng mag-‐aaral, o ang lumikha ng
nananakot, lumiligalig, o nananakit na ka-‐paligiran ng pag-‐aaral. Sa karagdagan ipinagbabawal ng distrito
ang panliligalig sa kasarian kung saan ang mga marka, kapakinabangan, paglilingkod, karangalan, programa o mga gawain ng mag-‐aaral ay nakasalalay sa mga gayong gawain.
Pamalakad sa Pagbawal sa Pambubuli, Panliligalig, Pananakot Sang-‐ayon sa Policy A-‐3550 ng distrito,
ang pambubuli (kabilang ang cyber-‐bullying), panliligalig, o pananakot sa anu-‐mang uri ay ipinagbabawal ng paaralan o ng may kinalaman sa mga gawain ng paar-‐alan (kabilang ang mga ginaganap sa labas ng paaralan, gawaing tinataguyod ng paar-‐alan, sa pampaaralang sasakyan, anumang kaganapang may kaugnayan sa paaralan) o sa labas ng oras ng pag-‐aaral na may layuning gawin ang mga binanggit sa itaas. Ang gayong mga gawain kabilang ang
masasabing sadyang gagawin na may ki-‐nalaman, kabilang subali’t hindi hahangga sa lahi, relihiyon, pananampalataya, kulay, may asawa o wala, magulang o hindi, be-‐terano o hindi, kasarian, paniniwala sa kasarian, katauhan, ninuno, lahing pinag-‐mulan, kalahian, gulang, katinuan o ka-‐pansanan o anumang ibang pagkakilanlang pag-‐uugali. Ipinagbabawal ng disrtrito ang pambu-‐
buyo, pagtulong, pakikisabuwatan, o pag-‐turo ng ibang gumawa ng pambubuli o cyber-‐bullying, panliligalig o pananakot. Ang sinumang kawaning nakakita, na-‐
karinig o nakasaksi ng gayong gawain o napagsumbungan ng gayong gawain ay dapat gumawa ng madalian at nararapat na hakbang na matigil ang gawain at mai-‐wasang maulit ng gayong nangyari na na-‐kalahad sa Administrative Procedure. Ang mga mag-‐aaral na nakakita, na-‐
karinig o kaya nakasaksi ng gayong gawain ay dapat, at ang mga magulang/ tagapag-‐alaga at mga panauhin ng distrito ay hinihikayat na isumbong ang pangyayari sa kawani ng paaralan. Sa karagdagang kaalaman at mabasa
ang mga patakaran, tunghayan sa www.sandi.net/bullying.
2
Pagsasalita ng mga Mag-‐aaral Kaugnay ng Palakad sa Pagbabawal ng
Pambubuli, Panliligalig, at Pananakot at ng Adminstrative Procedure 6381, ang San Diego Unified ay nakipagsabuwatan sa programa ng San Diego County Crime Stoppers na “Students Speaking Out” upang gawing ang mga paaralan at ang bayan ay maging matiwasay. Ang Students Speaking Out ay nagkakaloob ng paraang ang mga mag-‐aaral ay malayang makapag-‐sumbong sa paaralan ng mga krimen ng walang nakakaalam sa pamamagitan ng telepono, teks, o sa internet na walang takot na may maghihigante sa pagtawag sa (888) 580-‐TIPS (8477), sa pagteks sa 274637 o sa websayt www.studentsspeakingout.org.
Papaano Magsampa ng Reklamo sa Pamumukod-‐tangi, Pambubuli, at Panliligalig Naniniwala ang distrito na ang pa-‐
mumukod-‐tangi, panliligalig, at pambubuli ay maaaring malutas sa paaralan. Kung gayon, ang mga mag-‐aaral, magu-‐lang/tagapag-‐alaga ay dapat magsumbong ng:
• Anumang gawaing pamumukod-‐tangi, panliligalig, at pambubuli ng isang mag-‐aaral, kawani o ninuman, sa sinumang may katungkulang pinuno ng paaralan kagaya ng punong-‐guro, pangalawang punong-‐guro, tagapayo, o guro. Ang may katungkulang pinuno ay kaagad na mangangasiwa ng ganap at walang kinikilingang pag-‐imbestiga sa reklamo sa loob ng 10 araw at subuking lutasin ang reklamo.
• Kapag ang sumbong ay panliligalig sa kasarian, isang pansamantalang hakbang ang gagawin upang mahin-‐to ang panliligalig at mapangala-‐gaan ang biktima sa patuloy na pan-‐liligalig batay sa sumbong na rekla-‐mo.
• Sa anumang oras na isinasagawa ang reklamo, ang mga mag-‐aaral o magulang/tagapag-‐alaga ay maaaring tawagan ang Title IX co-‐ordinator upang magreklamo sa dis-‐trito. Hindi kinakailangang maghintay ang mag-‐aaral o magu-‐lang ng kalutasan sa paaralan bago tumawag sa Title IX coordinator.
Michelle Crisci Title IX Coordinator
San Diego Unified School District 4100 Normal Street, Room 2129 San Diego, CA 92103 619-‐725-‐7225
• Pagsampa ng Reklamo. Sa anu-‐mang oras habang nilulutas ang reklamo sa paaralan, ang mga mag-‐aaral o magulang/tagapag-‐alaga ay maaaring magbigay ng Uniform Complaint Form na makukuha sa Legal Services Office o sa websayt ng San Diego Unified School District (AP 1700). Ang Uniform Complaint ay dapat ibigay sa Legal Services Department ng distrito:
Legal Services Department San Diego Unified School District 4100 Normal Street, Room 2148 San Diego, CA 92103
• Pagsiyasat. Magsasagawa kaagad ang San Diego Unified School Dis-‐trict ng mabisa, ganap, at makata-‐rungang pagsisiyasat sa lahat ng inirereklamo at magkakaloob ng nakasulat na ulat sa loob ng 60 araw ng reklamo. Kasama sa ulat ang reklamo, pasiya ng reklamo, dahilan ng pasiya at tamang hakbang na isinagawa at isasagawa, kabilang ang mga pamagitan sa biktima. Ang nagreklamo ay may karapatang magbigay ng mga saksi at katibayan.
• Hakbang. Kapag nakita ng distrito na ang mga pamalakad sa pagbabawal ng pamumukod-‐tangi, panliligalig, at pambubuli ay nilabag, mapapatalsik ito. Kailangang pagkakalooban ng pamagitan ang biktima ng paaralan.
• Mga Pamagitang Hakbang ay iga-‐gawad upang matigil ang panlili-‐galig, maiwasang maulit at isasaa-‐lang-‐alang ang mag-‐aaral na biktima sa panliligalig.
• Ang pagsubaybay sa biktima ay ga-‐gawin upang matiyak na ang panlili-‐galig ay natigil at walang paghihi-‐ganti.
Ipinagbabawal ng distrito ang paghihi-‐ganti laban sa sinumang nagsumbong ka-‐bilang ang mga saksi. Isang hiwalay na Uniform Complaint ay isasampa kung may naghihiganti laban sa sinumang kabilang sa pagsasagawa ng reklamo sa pamumukod-‐tangi, panliligalig, at pambubuli. Ang bawa’t nagreklamo ay iimbistagahan kaa-‐gad at sa paraang igagalang ang katauhan ng lahat na kasali.
Taonang Pagbigay-‐alam sa Uniform Complaint Procedures (UCP) Ang San Diego Unified School District ay
may pangunahing katungkulang tiyaking ipinatutupad ang nararapat na pamalakad at batas ng estado at pamahalaang itinatag na mga patakaran sa mga paglabag sa pa-‐mumukod-‐tangi at reklamo sa paglabag ng ng mga batas ng estado at pamahalaan sa mga programa sa pag-‐aaral. Magsisiyasat ang San Diego Unified
School District at maghahanap ng ikalulu-‐tas ng mga reklamo, batay sa mga pama-‐raan at patakaran ng Uniform Complaint Procedures (UCP), pinagtibay na paman-‐tayan ng bayan, ng mga sumbong sa pa-‐mumukod-‐tangi, panliligalig, pananakot o pambubuling gawa o na may kinalaman kagaya ng gulang, angkang pinagmulan, kulay, lahing pinagmulan, kasarian, ka-‐pansanan sa pag-‐iisip o sa kalusugan, kabansaan, bansang pinagmulan, lahi, kabihasnan, pananampalataya, kasarian, katauhang kasarian, o batay sa kinabibi-‐langan ng isang tao sa mga kasamahan o grupong kasama o higit ng ganitong pag-‐uugali, sa anumang programa o gawain na tumatanggap o nakikinabang sa tulong na pondo ng estado o pamban-‐sang pamaha-‐laan. Sa karagdagan, ang UCP ay maaari ring
gamitin sa pagsampa ng reklamo laban sa isang mag-‐aaral na pumapasok sa pub-‐likong paaralang kinukunan ng bayad para sa pagsali sa mga gawain sa pag-‐aaral ka-‐gaya ng mga kalagayang nakalahad sa iba-‐ba.
1) “Gawain sa pag-‐aaral” ay nangan-‐gahulugan ng gawain sa paaralan, paar-‐alang distrito, paaralang charter o county office of education na binubuo ng pinag-‐samang mahahalagang bahagi ng pag-‐aaral sa elementarya at sekondarya, kabilang, subali’t hindi hahangga, ang mga aralin at gawaing karagdagan sa aralin.
2) “Bayad sa mag-‐aaral” ay nangan-‐gahulugan ng bayad, deposito o ibang ba-‐yad para sa mga mag-‐aaral, o ang magu-‐lang o tagapag-‐alaga ng mag-‐aaral, na la-‐labag sa Section 49011 at Section 5 ng Ar-‐ticle IX ng California Constitution, na dapat mga gawain sa pag-‐aaral na ipagkakaloob ng walang bayad sa lahat ng mag-‐aaral na hindi isaalang-‐alang ang kakayahan o kayang magbayad ang pamilya o paghiling ng special waivers, na nakalagay sa Hart-‐zell v. Connell (1984) 35 Cal.3d 899. Ang bayad ng mag-‐aaral ay kabilang, subali’t hindi hahangga sa, lahat ng mga sumusu-‐nod:
3
a. Bayad para sa isang mag-‐aaral sa pagpasok sa paaralan o sa klase, o sa pagsali sa klase o sa karagdagang gawain sa pag-‐aaral, na hindi kabi-‐lang kung ang klase ay pinipili o ki-‐nakailangan, o para sa puntos.
b. Isang depositong panigurado, o ibang bayad, na kailangang gawin ng mag-‐aaral upang magkaroon ng susi, laker, aklat, aparatus sa klase, kagamitan sa musika, o ibang bagay o kagamitan; at
c. Ang pagbili na kailangan ng mag-‐aaral na gawin upang magkaroon ng mga kasangkapan, kagamitan o anumang may kinalaman sa pag-‐aaral.
Ang reklamo ay dapat isulat at ibigay sa sumusunod na pinuno: San Diego Unified School District Andra Donovan General Counsel Legal Services Office San Diego Unified School District 4100 Normal Street, Room 2148 San Diego, CA 92103
Ang mga reklamo sa pamumukod-‐tangi, panliligalig, at pananakot o pambubuli ay dapat isampa sa loob ng anim (6) na bu-‐wan sa petsang unang nalaman ang rekla-‐mo tungkol sa pamumukod-‐tangi, panlili-‐galig, pananakot o pambubuli, maliban kung ang panahon ng pagsampa ay pi-‐nahaba ng tagapamahala o ng kaniyang kahalili. Ang mga reklamo ay sisiyasatin at isang
isinulat na pagpasiya o ulat ang ipadadala sa nagreklamo sa loob ng animnapung (60) araw ng pagkatanggap ng reklamo. Itong animnapung (60) araw ay maaaring mapa-‐haba ng nakasulat na kasunduan ng nagrereklamo. Ang tauhan ng Local Edu-‐cation Authority (o LEA, sa usaping ito ay ang San Diego Unified School District) na may katungkulang magsiyasat sa reklamo ang gagawa at tatapos ng pagsisiyasat ba-‐tay sa California Code of Regulations sec-‐tions 4680-‐4687 at sang-‐ayon sa mga pa-‐takaran ng lokal batay sa section 4621. Ang nagreklamo ay may karapatang
manawagan sa kapasiyahan ng LEA sa Cali-‐fornia Department of Education (CDE) sa pagbigay ng nakasulat na panawagan sa loob ng 15 araw ng pagkatanggap ng Kapa-‐
siyahan ng LEA. Ang panawagan ay dapat kasama ang kopya ng reklamong ibinigay sa LEA at ang kopya ng Kapasiyahan ng LEA. Ang mga pamagitang ayon sa batas ay
maaaring sa ilalim ng batas ng estado o pamahalaan sa pamumukod-‐tangi, panlili-‐galig, pananakot o pambubuli, kung na-‐rarapat. Sa tamang kalagayan, isang pan-‐awagan ay maaaring ibigay batay sa Edu-‐cation Code section 262.3. Ang reklamo ay maaaring ihanap sa mga nakalaang pa-‐magitang ayon sa batas sa labas ng mga patakaran ng LEA. Ang nagrereklamo ay maaaring humingi ng tulong sa bayang tagapamagitan o publiko/pribadong abo-‐gado. Ang mga tagapamagitan sang-‐ayon sa batas na maaaring ibigay ng hukuman ay kabilang, subali’t hindi hahangga sa, utos ng hukuman at pag-‐uutos ng pagbabawal. Ang kopya ng mga pamaraan at pa-‐
takaran ng UCP ng San Diego Unified School District sa pagreklamo ay nakalaang walang bayad.
B. Walang Pagpaparaya
Sandata, Marahas na Kilos, at Pakikipag-‐away Ang Board of Education ay nagtibay ng
Patakarang Walang Pagpaparaya sa sandata, marahas na kilos at paulit-‐ulit na pakikipag-‐away. Ang patakarang ito ay inilalapat sa mga mag-‐aaral sa gitna at mataas na baitang. Ang mga mag-‐aaral ay sususpendehen at isasangguning ma-‐patalsik. Ang mga mag-‐aaral ay darakpin kapag may dala o gumamit ng sandatang lumalabag sa batas. Kabilang sa mga sandata ang baril, kutsilyo, BB gun, ka-‐hawig ng baril, bomba, paputok, o anu-‐mang bagay na gagamiting panakot o panakit. Ang pagdala ng anumang kutsi-‐lyo (hal., pambulsang kutsilyo o kutsi-‐lyong gamit sa kusina) ay hindi pinapa-‐yagan. Anumang bagay na ginamit na panakot ay masasabing sandata kahit na ginamit itong hindi bilang sandata. Ang patakaran ay nangangahulugan ding ang mga mag-‐aaral na nakasama sa paulit-‐ulit na pakikipag-‐away na nakasakit ay isasangguning mapatalsik.
Alak, Tabako, at Ibang Droga Ang distrito ay nagbabawal ng alak,
paggamit ng tabako at ibang droga sa mga paaralan, at sa mga itinaguyod na kasayahan at ang pagpasok at pag-‐uwi mula sa paaralan o mga kasayahang itin-‐aguyod ng paaralan. Ang mga mag-‐aaral na mahuling nagtitinda o namimigay ng ipinagbabawal na sangkap, o nagtatago ng ipinagbabawal na sangkap na higit sa pansariling gamit, ay isasangguning ma-‐patalsik sa unang paglabag. Sa pagtago o paggamit ng ipinagbabawal na sangkap, isasangguni na mapatalsik sa ikatlong paglabag. Kapag ang inyong anak ay na-‐huling may tabako, siya ay isasangguning mapatalsik sa ikaapat na paglabag. Ang mga kagawad ng paaralang distrito
ay magpapayo rin sa mga mag-‐aaral na didisiplinahan sa paraang maagang pa-‐magitan. Ang pagpapayo ay maaaring kabilang:
• Isahang grupong pagpayo o pag-‐turo
• Mga panayam sa mga magu-‐lang/tagapag-‐alaga
• Pagsangguni sa ibang sangay ng bayan
• Palagiang nakatakdang pakikipagkita sa tagapayo ng paar-‐alan
Kapag lumabag ang isang mag-‐aaral ng kasunduang pamagitan, ang mag-‐aaral ay masususpende. Kapag lumabag ang mag-‐aaral sa pangalawang pagkakataon, ang mag-‐aaral ay maaaring mailagay sa ibang programa o paaralan. Dapat lagdaan ng lahat ng magulang/
tagapag-‐alaga at mag-‐aaral ang bahaging Walang Pagpaparaya ng Universal Form sa likod ng boklet na ito at ibalik sa paar-‐alan. Ang Board of Education ay pinagtibay
ang sumusunod na Patakaran sa Walang Pagpaparaya:
• Paggamit, pagkakaroon o pag-‐wasiwas ng sandata ay mag-‐bubunga ng pagsangguning mapa-‐talsik. Ang sandata ay nangan-‐gahulugan, subali’t hindi hahangga sa, armas, hawig ng pistol, starter pistol, stun gun, BB gun o pellet gun, kahit anong uri o laki ng kutsi-‐lyo, dirk, kutsilyong pangkusina,
4
pang-‐ahit, tirador, anumang pu-‐muputok o firework. Ang anu-‐mang bagay na mapanga-‐nib ay masasabing sandata.
• Ang paulit-‐ulit na pakikipag-‐away, gawaing marahas, o nagbubunga ng pananakit sa ibang tao ay mag-‐bubunga ng pagsangguning mapa-‐talsik.
• Pagtangkang gumawa o gumagawa ng paglusob o pambubugbog sa kasarian.
• Ang ating distrito ay may PA-‐TAKARANG WALANG ALAK, TABAKO, o paggamit ng ibang DROGA. Kung kayo ay nahuling nagtitinda, namimigay, o may da-‐lang higit sa pansariling gamit, kayo ay isasangguning mapatalsik sa unang paglabag. Sa pagdala o paggamit, isasangguni kayo sa ikat-‐
long paglabag, maliban sa pagla-‐bag sa tabako; kung kayo ay na-‐huling may dalang tabako, isasangguning mapatalsik sa ikaapat na paglabag.
• Sa karagdagang pagdisiplina, kapag kayo ay nahuling lumabag, kayo ay aarestuhin at dadalhin sa kulungan ng mga kabataan.
• Ang pagkapatalsik sa San Diego Unified ay magbubunga ng pagka-‐wala ng mga pribilihiyo sa pagpasok sa paaralan o sa mga ex-‐tracurricular activities. Maaari kayong mailagay sa ibang paaralan o programa.
• Ang patakarang Walang Pagpapa-‐baya ay nangangailangan ng pag-‐sangguni para mapatalsik kapag ang paglabag ay nangyari sa paar-‐alan at/o sa mga ginaganap sa
paaralan, ito man ay sa loob o lab-‐as ng paaralan.
• Ang pagpapatalsik ay maaaring isangguni kapag nangyari sa oras ng tanghalian sa loob ng paaralan, at sa pagpasok o pag-‐uwi sa paar-‐alan o galing sa ginaganap sa paar-‐alan.
Ang Patakarang Walang Pagpaparaya ay binanghay upang mapanatiling mati-‐wasay ang kapaligiran ng paaralan at upang magkaloob ng karapatdapat na kapaligiran ng pag-‐aaral para sa inyo at sa ibang mag-‐aaral. Walang tatanggapin dahilan sa paglabag ng mga tuntunin. Pinagtibay ng Board ang mga patakaran sa pagdisiplina ng mag-‐aaral na nakasaad sa Administrative Procedure 6290 ng dis-‐trito at matatagpuan sa websayt at sa inyong paaralan.
C. Mga Kailangan sa PangkalusuganPagsusuri sa Kalusugan Ang pagsusuri sa pandinig at paningin ay
ipagkakaloob na ipinatutupad ng batas ng estado sa mga sumusunod na antas:
• Pagsusuri sa pandinig para sa lahat ng mag-‐aaral sa baitang K, 2, 5, 8;
• Pagsusuri sa pandinig sa baitang K, 3, 6, 9;
• Ang mga bagong mag-‐aaral at mga mag-‐aaral na isinagguni ng mga magulang o kagawad ng paaralan ay maaari ring msuri.
Mga Hindi Kasali sa Pagsusuri: Tawagan ang nars o punong-‐guro ng inyong paar-‐alan tungkol sa hindi pagsali sa pag-‐susuring ito.
Mga Ipinatutupad na Bakuna (Shot) Ang batas ng estado ay nagpapatupad
na ang lahat ng mag-‐aaral na wala pang 18 taong gulang, pre-‐kindergarten hanggang baitang 12, ay dapat mabakunahan laban sa ilang sakit maliban kung sila ay hindi isasali dahil sa kalusugan o sa mga pan-‐sariling paniniwala. Sa pagpapalista, ha-‐hanapin ng paaralan na ipakita ang mga katibayan na ang anak ay nakatupad sa lahat ng kailangang bakuna. Ang distrito ay kasali sa San Diego Re-‐
gional Immunization Registry (SDIR), isang buong bansang sistema sa kompyuter na
Mga Bakuna
Ang mga bata ay kailangang magkaroon nitong mga bakuna bago matanggap sa child-‐care at paaralan, ang TDaP booster ay kailangan bago pumasok sa baitang 7-‐12. Ang mga batang papasok sa childcare ay dapat magkaroon ng: Gulang sa Pagpasok ................................................................ Mga Bakunang Kailangan
2-‐3 buwan ............................................................................ 1 DTap, 1 Polio, 1 Hep B, 1 Hib 4-‐5 buwan ............................................................................ 2 DTap, 2 Polio, 2 Hep B, 2 Hib 6-‐14 buwan .......................................................................... 3 DTap, 2 Polio, 2 Hep B, 2 Hib
15-‐17 buwan .................................................... 3 DTap, 3 Polio, 2 Hep B, 1 MMR*, 1 Hib** 18 buwan -‐ 4 taon ......................... 4 DTap, 3 Polio, 3 Hep B, 1 MMR*, 1 Hib**, 1 Varicella * Sa o pagkatapos ng 1kaarawan
** Sa anumang edad Ang mga batang papasok sa kindergarten ay dapat magkaroon ng:
• 5 DTaP (4 doses ay nakatupad sa kailangan kapag nakakuha ng isa sa o pagkatapos ng ika-‐4 na kaarawan);
• 4 Polio (3 doses ay nakatupad kapag nakakuha ng isa sa o pagkatapos ng ika-‐4 na kaar-‐awan);
• 3 Hep B; • 2 MMR (unang dose sa o pagkatapos ng ika-‐1 kaarawan); • 1 Varicella.
Ang mga batang papasok sa ika-‐7 baitang ay dapat magkaroon ng:
• 4 DTaP (1 pa ang kailangan pagkatapos ng ika-‐7 kaarawan); • 4 Polio (3 doses ay nakatupad kapag nakakuha sa o pagkatapos ng ika-‐2 kaarawan); • 2 MMR (1 dose sa o pagkatapos ng unang kaarawan); • 1 Varicella.
Mga batang papasok sa ika-‐7 – 12 baitang ay dapat magkaroon ng:
• Lahat ng nasa itaas; • 1 Tdap booster shot ibibigay pagkatapos ng ika-‐7 kaarawan.
5
nagtatala ng mga bakuna (shots). Tungha-‐yan ang mga ipinatutupad na bakuna. Tanungin ang inyong manggagamot o klinika upang matiyak kung ang inyong anak ay nakatupad sa kaniyang mga baku-‐na. Ang inyong anak ay maaaring hindi papasukin kung hindi nakatupad sa mga kailangang bakuna. Ang mga kaalaman sa pagkuha ng per-‐
manenteng hindi pagsali ng inyong anak dahil sa kalusugan o sa pansariling pananampalataya ay makukuha sa nars ng paaralan.
Pangkalusugang Pagsusuri sa Kindergarten Ang programa ng California’s Child
Health and Disability Prevention (CHDP) ay nagpapatupad na ang bawa’t bata ay magkaroon ng pangkalusugang pagsusuri bago pumasok sa kindergarten. Kailangang magbigay ang magulang/tagapag-‐alaga ng ulat ng pagsusuri o sulat na hindi kasali sa sa loob ng 91 na araw sa paaralan sa pagpasok sa unang baitang. Ang mga mag-‐aaral na hindi nakatupad
sa petsang dapat matupad ay hindi maka-‐kasali sa pagpasok hanggang sa limang araw. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga na nangangailangan ng tulong sa pagtupad na ito ay maaaring tumawag sa 619-‐692-‐8808.Hinihikayat kayong tuparin itong pagsusuri sa pagpasok sa kindergarten upang matiyak na ang inyong anak ay ma-‐lusog at handang matuto.
K-‐1 Pagsusuri sa Ngipin (OHA) Simula noong Enero 1, 2007, isang Oral
Health Assessment (pagsusuri ng ngipin) ng isang lisensiyadong dalubhasa sa pangkalusugan sa ngipin ng California ay kailangan para sa mga batang pumapasok sa publikong paaralan sa unang pagkaka-‐taon (sa kindergarten o unang baitang). Ang papel na Oral Health Assessment ay dapat nagawa at ibalik sa paaralan ng Mayo 31 ng unang paaralang taon. Ang pagtatasang ginawa 12 buwan bago ang pagpasok sa paaralan ay tumutupad dito. Kumuha ng papel na ito sa paaralan o sa nagkakaloob ng pagsusuri upang gawin ito. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ay
maaaring magbigay ng waiver, na mata-‐tagpuan sa papel ng OHA na makukuha sa paaralan. Walang parusa o hindi pagsali kapag hindi natupad ang kailangang ito. Matatawagan ng magulang/tagapag-‐alaga ang (800) 675-‐2229 sa tulong sa paghanap ng magkakaloob ng Oral Health Assess-‐ment.
Patakarang Pediculosis (Kuto sa Ulo) Ang problema sa kuto sa ulo (pediculo-‐
sis) ay nangyayari at mahirap masugpo sa bahay at sa paaralan. Kahit na ang kuto sa ulo at lisa (itlog) ay hindi banta sa ka-‐lusugan, ito ay nakakayamot na nang-‐aabala. Agad na panlunas sa mga mag-‐aaral na may kuto ang tiyak na makabawas sa abala sa kanilang pag-‐aaral. Kapag ang isang mag-‐aaral ay nakitang may kuto, ang mag-‐aaral ay pauuwiin sa pagtatapos ng araw upang gamutin. Katungkulan ng magulang na gamutin at pigilin ang pag-‐dami. Ang susi ng pagpigil sa kuto, na hin-‐di dadami, ay ang pagkawala ng lahat ng lisa pagkalagay ng pamuksang pediculicide. Pagkatapos ng panggagamot sa bahay, kailangang pumasok ang mag-‐aaral sa susunod na araw, unang pumunta sa tang-‐gapan ng pangkalusugan, upang masuri. Ang mag-‐aaral ay maaaring nang bumalik sa klase kung ang kuto ay napuksa at wa-‐lang nang lisang buhay sa buhok kahit na may lisa (itlog) pa rin. Hinihikayat ang mga magulang na ipagpatuloy ang pagpuksa sa lisa hanggang ito ay tuluyan nang nawala. Ang pangkalahatang pasusuri (buong
paaralan o buong silid-‐aralan) ay hindi isang katibayang batay sa pamamalakad sa pagpuksa sa kuto sa ulo. Ang mga magu-‐lang/tagapag-‐alaga ay hinihikayat na tuwinang tingnan ang buok ng anak bilang bahagi ng kalinisan sa katawan. Ang School Attendance Review Board (SARB) ay maaaring makialam kapag ang hindi pagtupad o pagpuksa ay mangangailangan ng paulit-‐ulit ng hindi maaaring pagpasok sa paaralan.
Pagpigil sa Nakahahawang Sakit Ang distrito ay kailangang makipag-‐
tulungan sa County of San Diego Health and Human Services Agency upang mai-‐wasan at mapigilan ang mga nakahaha-‐wang sakit sa mga batang nag-‐aaral. Kapag may magandang dahilang nanini-‐
walang ang isang mag-‐aaral ay may nakahahawa o malubhang sakit, ta-‐tawagan ang magulang/tagapag-‐alaga at pauuwiin ang mag-‐aaral. Makakabalik lamang ang mag-‐aaral kung magaling na at/o pinayagan ng manggagamot. Kung nakitaang ang isang mag-‐aaral ay dumara-‐nas ng kilalang nakahahawa o malubhang sakit, ang mag-‐aaral ay hindi papapasukin hanggang napatunayan ng mga kagawad ng paaralan na ang mag-‐aaral ay wala nang nakahahawa o malubhang sakit.
Pangangasiwa ng Gamot Nakasaad sa California Education Code
na ang sinumang mag-‐aaral na kailangan ng panggagamot na inihatol ng mang-‐gagamot sa karaniwang araw ng pasukan, ay maaaring tulungan ng nars ng paaralan o ibang nakatakdang kawani ng paaralan kung ang distrito ay nakatanggap ng: (1.) nakasulat na pahayag ng mangga-‐gamot na nagsasabi kung papaano, ang sukat at oras na ang gamot ay inumin/ ilapat at (2.) nakasulat na pahayag mula sa magu-‐lang/tagapag-‐alaga ng mag-‐aaral na nagpapahintulot sa paaralang distrito na magbigay ng gamot. (E.C. 49422, 49423) Ang mga inihatol na gamot ay dapat na
nasa tunay na lalagyang inihatol na nakadikit sa lalagyan. Ang mga mag-‐aaral ay maaaring magdala at mangasiwa sa sarili ng mga inihatol na gamot na auto-‐injectable epinephrine at asthma inhalers kung tumutupad sa mga ilang kailangan. Walang ibang inihatol na gamot o
binibili sa labas, bitamina, herbs, o kapalit na gamot ang maaaring dalhin ng mag-‐aaral, sa kanilang bag o ibang lalagyan maliban sa nakasaad sa itaas at sa ibinigay na kaalaman at pahintulot ng nars ng paaralan. Limitadong binibiling gamot ay maaaring makuha sa ilang paaralan at maaaring ibigay lamang ng isang may kre-‐densiyal na nars ng paaralan o pinagsanay na teknisiyan sa kalusugan na may pahin-‐tulot ang magulang/tagapag-‐alaga. Tawagan ang nars ng paaralan kung
kayo ay may mga katanungan. Ang papel ng pangangasiwa ng gamot ay makukuha sa paaralan ng inyong anak o sa websayt na www.sandi.net/health. Pagbigay ng gamot sa bahay: Ang
magulang/tagapag-‐alaga ng isang mag-‐aaral na inihabilin ng patuloy na pagbib-‐igay ng gamot ay kinakailangang sabihin sa nars ng paaralan o ibang itinakdang sertipikado kawani ng paaralan ang gamot na dapat ibigay, ang tamang sukat at pan-‐galan ng manggagamot. Ang kaalaman ay taonang nakukuha sa papel na Health In-‐formation Exchange na ibinibigay sa simula ng taon. Ang pagbibigay-‐alam ay kailangan ng paaralan ng inyong anak ka-‐pag bagong gamot ay sisimulan sa paar-‐alang taon.
Pagsusuri para sa Interscholastic Sports Isang taonang pagsusuri sa panganga-‐
tawan ay kailangan para sa lahat ng mag-‐aaral sa mataas na baitang na sumasali sa mga programang atleta.
6
Ang coach o school nurse ay maaaring mangasiwa ng pagsusuring pangkalusugan sa paaralan. Ang ganap na pagsusuri sa pangangatawan ay iminumungkahi na gawin ng isang manggagamot. Sa karagdagan, iminumungkahi ng distri-‐
to na ang mga bagong mag-‐aaral ay mag-‐bigay ng ulat ng huling pagsusuri sa pan-‐gangatawan sa kanilang pagpasok sa paar-‐alan. Ang magulang/tagapag-‐alaga ay maaaring magbigay ng nakasulat, nilag-‐daang pahayag sa punong-‐gurong nag-‐sasaad ng hindi pagpahintulot sa pagsusuri sa pangangatawan ng bata.
Pagtuturo sa Kalusugan Ang pagtuturo sa kalusugan sa lawak ga-‐
ya ng pagkain pangkalusugan, kalinisan sa ngipin, pag-‐aruga sa sakit, matiwasay na pamumuhay, paningin at pandinig, droga, alak, tabako, kalusugan ng bayan, tamang pangangatawan, kalusugan sa kaisipan at damdamin, panganganak, at sakit sa pakikipagtalik kabilang ang HIV/AIDS, ay bahagi ng kurikulum ng paaralan. Bago ang pagturo, ang mga magulang
ay may pagkakataong masuri ang ituturo at mga panoorin tungkol sa pagbubuntis at sa pag-‐aaral sa kasarian. Ang isang mag-‐aaral ay hindi kasali sa pagtuturo sa pag-‐bubuntis at pag-‐aaral sa kasarian kapag may nakasulat na hindi pagpahintulot ng magulang/tagapag-‐alaga.
Seguro Ang San Diego Unified ay walang
ibinibigay na paneguro sa panggagamot o dental para sa mga mag-‐aaral na nasasaktan sa paaralan habang nasa ilalim ng pangasiwa ng paaraln o habang sumasali sa mga gawain ng distritong paaralan. Sa mga pamilyang walang se-‐guro, makakakuha ng seguro sa isang pribadong kompanya ng seugro. Tawagan ang (800) 367-‐5830 for details.
Maaari ring tawagan ang California’s Healthy Families Program kung nais. Sa kaalaman, tawagan ang (800) 880-‐5305 o sa websayt www.healthyfamilies.ca.gov. Para sa programang Medi-‐Cal program, tawagan ang (866) 262-‐9881.
Libreng Agahan at Tanghalian Ang distritong San Diego Unified School
ay kasali sa National School Lunch and Breakfast Programs. Ang programang ito ay tulong mula sa
pamahalaan at ang inyong (mga) anak ay maaaring karapatdapat na tumanggap ng libre o pinamurang pagkain. Sa pag-‐aplay, gawin ang Free and Re-‐
duced-‐Price Meal Application Packet, na makukuha sa tanggapan ng paaralan, kapiterya, o sa tanggapan ng Food Services na matatagpuan sa Revere Center, 6735 Gifford Way, San Diego, CA 92111. Kung mayroon kayong mga kataunugan
tungkol sa programa, pakitawagan ang (858) 627-‐7328. Maaari ring makuha ang aplikasyong Free and Reduced-‐Price Meal Application sa websayt ng Food Services sa www.sandi.net/food.
Mga Mapanganib na Bagay Pagbibigay-‐alam ng Asbestos Hazard
Emergency Response Act (AHERA): Ang distrito ay sinimulan ang isang programa para sa mabisang pangangasiwa ng ng as-‐bestos sa pagtupad sa Hazard Emergency Response Act. Ang pagsisikap ay kabilang ang anim na buwang pagmamatyag, ipina-‐tutupad na tatlong taong muling pag-‐sisiyasat ng sertipikadong tagapagsiyasat ng EPA, at ang patuloy na pangangasiwa at gawaing pagpapanatili upang matiyak ang pangangalaga ng mga mga nakatira sa gusali, mga tagapaglinis, at mga trabaha-‐dor na isinangguni at sinusuportahan ng EPA.
Ang kopya sa banghay ng pangasiwaan ng paaralan ay makukuha sa bawa’t paar-‐alan at sa distrito at maaaring masuri sa pagtawag sa punong-‐guro o tagapanga-‐siwa ng paaralan. Ang mga katanungan tungkol sa
banghay ng pangasiwaan o kalagayan ng asbestos ay dapat tanungin sa Safety, Training, Personnel and Compliance De-‐partment sa (858) 627-‐7174.
Paggamit ng Pamuksa (Pesticide) Ang distrito ay taonang nagkakaloob sa
mga magulang/tagapag-‐alaga ng nakasulat na pagbigay-‐alam ng mga pangalan ng pamuksa na inilalapat sa mga gusali ng paaralan sa buong paaralang taon upang mapanatiling ligtas at mapigilan ang salot. Sa pagbigay-‐alam nakalahad ang mga sangkap ng bawa’t pamuksa. Sa kaalaman tungkol sa pamuksa at kahalili, tunghayan sa www.cdpr.ca.gov. Kapag ang pamuksa au hindi nakasali sa
listahan ng taonang pagbigay-‐alam na gagamitin sa paaralan, ang distrito ay magbibigay ng nakasulat na pagbigay-‐alam ng hindi lalampas na 72 oras bago ang paglapat nito. Ang listahan ng lahat ng pamuksa sa mga gusali sa paaralan ay matatagpuan sa likod ng maliit na librong ito. Ang sinumang nagnanais na mabigyang-‐alam ng bawa’t paglapat ng pamuksa ay maaaring ibigay ang pangalan sa Physical Plant Operations Center ng distrito. Tawagan ang (858) 627-‐7223 o sa [email protected].
Tunghayan ang PESTICIDE USE NOTIFICATION
sa likod ng librong ito.
D. Mga Karapatan ng Magulang/Tagapag-‐alaga
Pakikilahok ng Pamilya Hinihikayat at tinatanggap ang mga
magulang/tagapag-‐alaga na makilahok sa pag-‐aaral ng kanilang anak. Ang maaga at palaging pakikilahok ng mga magulang ay tumutulong na mapabuti ang pag-‐aaral ng mga anak. Kapag ang paglahok ay sinamahan ng
mabuting pagtutulungan ng tahanan at paaralan, ang mag-‐aaral, paaralan at
bayan ay makikinabang. May karapatan ang mga magulang/tagapag-‐alaga sa pag-‐aaral at makasali sa sistema sa ngalan ng kanilang mga anak. Itong mga karapatan ay nakalahad sa
Education Code Section 51101: Pagmasid sa Silid-‐aralan: May
karapatan ang mga magulang/tagapag-‐alagang dumalaw sa silid-‐aralan ng kanil-‐ang mga anak upang magmasid sa kanilang
mga gawain. Ang oras at petsa ay dapat magawang itakda bago ang pagdalaw. Mga Panayam sa Guro: May karapatan
ang mga magulang/tagapag-‐alagang hu-‐miling ng panayam sa guro o sa punong-‐guro ng kanilang anak. Dapat tawagan ng magulang/tagapag-‐alaga ang paaralan upang magtakda ng petsa at oras na kom-‐beniyente sa parehong panig. Pagkusang-‐loob: May karapatan ang
mga magulang/tagapag-‐alagang magkusa
7
ng kanilang oras at sa maibibgay para sa ikabubuti ng mga gusali at programa ng paaralan. Dapat tawagan ng magulang/ tagapag-‐alaga ang paaralan upang mala-‐man kung papaano at ang kalagayan ng mga paglilingkod. Pagpasok ng Mag-‐aaral: May karapatan
ang mga magulang/tagapag-‐alagang mabigyang-‐alam sa tamang panahon kung ang kanilang anak ay lumiban sa paaralan na walang pahintulot. Mga Babayaran ng Mag-‐aaral: Ipinag-‐
uutos ng California Constitution na ang publikong pag-‐aaral ay ipagkakaloob sa mga mag-‐aaral na walang bayad, maliban kung ang pagbayad ay pinahintulot ng ba-‐tas para sa isang programa o gawain. Ang sang-‐ayon sa batas na karapatan ng
libreng paggamit ay kabilang ang lahat ng mga gawain sa pag-‐aaral, ito man ay cur-‐ricular o extracurricular, at kahit may pun-‐tos na igagawad para sa gawain sa pag-‐aaral. Ang karapatan sa libreng paggamit ay
nagbabawal din sa iniuutos na pagbili ng mga kagamitan, panustos, kasangkapan, o uniporme na may kinalaman sa gawain, gayundin ang bayad sa paunang bayad para sa paggamit, pagsali, mga kagamitan o kasangkapan. Ang pagpapahintulot para sa gagawing
waiver para sa sapilitang bayad, ang pagbayad o paunang bayad ay hindi masasabing pinahihintulutan ng batas. Pagsusulit ng Mag-‐aaral: May karapatan
ang mga magulang/tagapag-‐alagang mabigyang-‐alam sa nagawa ng kanilang anak sa mga pamantayan at pang-‐estadong pagsusulit at ang hanay ng paar-‐alan sa pagsusulit. Sa ilalim ng ibang batas ng estado, ang mga magulang-‐tagapag-‐alaga ay maaaring humiling na ang kanil-‐ang anak ay hindi sasali sa mga pagsusulit ng estado. Ang mga mag-‐aaral ng San Die-‐go Unified ay kumukuha ng maraming pagsusulit bawa’t paaralang taon. Ang ilang pagsusulit ay ipinag-‐uutos ng ban-‐sang pamahalaan o estado, ang iba ay ipinag-‐uutos ng distrito at ang ilan ay kusang-‐loob na kinukuha. Pagpili ng Paaralan: May karapatan ang
mga magulang/tagapag-‐alagang humiling na ang kanilang anak ay pumasok sa alin-‐mang paaralan sa distrito. Ang distrito ay hindi sapilitang ibibigay ang paghiling. Ligtas na Kapaligiran ng Paaralan: May
karapatan at karapatdapat na ang mga magulang/tagapag-‐alaga sa katiyakan ng matiwasay at sumusuportang kapaligiran sa pag-‐aaral para sa kanilang anak.
Mga Kagamitan sa Kurikulum: May karapatan ang mga magulang/tagapag-‐alaga na suriin ang mga kagamitan sa ku-‐rikulum ng klase o mga klase kung saan pumapasok ang kanilang anak. Pagsulong sa Pag-‐aaral ng Mag-‐aaral:
May karapatan ang mga magulang/ ta-‐gapag-‐alagang malaman ang pagsulong sa pag-‐aaral ng kanilang anak sa paaralan at ang mga tatawagan kung nais ng karagda-‐gang kaalaman o tulong para sa kanilang anak. Talaan ng Mag-‐aaral: May karapatan
ang mga magulang/tagapag-‐alagang makita ang talaan ng kanilang anak at ta-‐nungin ang anumang kanilang na-‐raramdamang hindi tama, nakakalito o lumalabag sa pagkatao. May karapatan sila sa tamang panahong kasagutan mula sa distrito sa kanilang mga katanungan. Ang Family Educational Rights and Pri-‐
vacy Act (FERPA) ay nagbibigay sa mga magulang/tagapag-‐alaga at mag-‐aaral na 18 taong gulang ng ilang karapatan ng paggalang sa mga talaan ng mag-‐aaral. Ang mga karapatang ito ay kabilang ang pagsiyasat sa mga talaan, karapatang hu-‐miling ng pagpalit ng mga nasa talaan ng mag-‐aaral sa paniniwala ng magulang/ tagapag-‐alaga o karapatdapat na mag-‐aaral na hindi tama at ang karapatang magpahintulot na mailabas ang kaalaman sa pagkataong nakalahad sa talaan ng mag-‐aaral maliban sa hangganang may karapatang ipamigay ng FERPA ng walang pahintulot. Mga Pamantaya: May karapatan ang
mga magulang/tagapag-‐alagang tumang-‐gap ng mga kaalaman tungkol sa paman-‐tayan sa pag-‐aaral na dapat tuparin ng kanilang anak. Mga Tuntunin sa Pag-‐aaral: May
karapatan ang mga magulang/tagapag-‐alagang tumanggap ng nakasulat na pag-‐bigay-‐alam sa mga tuntunin, patakaran sa pagpasok, tamang kasuotan at mga pa-‐takaran sa pagdalaw sa paaralan. Pagsusulit sa Kaisipan: May karapatan
ang mga magulang na tumanggap ng mga kaalaman sa lahat ng pagsusulit sa pag-‐iisip na isinasangguni para sa kanilang anak. Mga Kapulungan at Lupon: May
karapatang ang mga magulang/tagapag-‐alagang sumali bilang kasapi ng kapulu-‐ngang nagpapayo, lupon ng paaralan o pinunong nangangasiwang grupo batay sa mga nabuong mga tuntunin at patakaran para sa pagiging kasapi. May karapatan din ang mga magulang/tagapag-‐alagang dumalo sa kahit dalawang pulong sa bawa’t taong itinakda ng paaralan upang
kumuha ng kaalaman sa mga usapin at gawain sa paaralan. Paglinang ng Patakaran: May karapatan
at dapat mabigyan ng pagkakataong tumu-‐long ang mga magulang/tagapag-‐alaga sa isang nagdamayang sumusuporta at gumagalang na pagsasamahan sa paaralan upang tulungang maging tagumpay ang kanilang anak. Ang Board of Education ay nagpatibay ng pinagsama-‐hang nilikhang patakaran na bumabanghay kung papaano ang mga magulang/tagapag-‐alaga, kawani at mga mag-‐aaral ay maaaring magtulun-‐gan sa mga tungkulin para sa matalino, pisikal, maramdamin, paglinang sa pakikisama at kabutihan ng kanilang mga mag-‐aaral. Ang patakarang ito ay kabilang, subali’t
hindi hahangga sa:
• Papaanong ang mga magulang/ ta-‐gapag-‐alaga at paaralan ay matutu-‐lungan ang mga mag-‐aaral na ma-‐gawa ang mga pamantayan sa pag-‐aaral at iba pa.
• Papaanong ang paaralan ay maka-‐pagbigay ng mataas na uri ng ku-‐rikulum at pagtuturong may kapa-‐ligirang sumusuporta sa pag-‐aaral sa lahat ng mag-‐aaral.
• Kung ano ang magagawa ng mga magulang/tagapag-‐alagang ma-‐katulong sa kapaligiran ng pag-‐aaral ng kanilang anak, kabilang subali’t hindi hahangga sa:
o Pagsubaybay sa pagpasok sa paaralan;
o Pagsubaybay sa paggawa ng takdang-‐aralin;
o Paghikayat ng pagsali sa mga ex-‐tracurricular activities;
o Pagsubaybay at takdaan ang pagpanood ng television;
o Pagbalangkas at pagsali sa mga gawain sa bahay na sumusuporta sa mga gawain sa silid-‐aralan;
o Kusang pagtulong sa paaralan;
o Pagsali sa mga proseso ng pagpapasiya sa paaralan.
Ang Education Code Section 51101(d) ay naglalahad: “Ang bahaging ito ay hindi nagpapahintulot sa isang paaralang mag-‐bigay-‐alam sa magulang o tagapag-‐alaga… o nagpapahintulot ng pagsali ng magulang o tagapag-‐alaga sa pag-‐aaral ng isang bata, kung ito ay lumalabag sa isang tunay na utos ng pagbabawal, utos ng pagtanggol, o
8
utos ng pagkupkop o pagdalaw na ibinigay ng hukumang may kapangyarihan.”
Mga Alalahanin at Pag-‐usisa ng Magulang Maaaring tawagan ng mga magulang/
tagapag-‐alaga ang Office of the Deputy Superintendent for School Support Ser-‐vices para sa tulong sa paglutas ng mga alalahanin na hindi nalutas sa paaralan. Tawagan ang Parent Support Liaison sa (619) 725-‐7211. Sa karagdagang kaalaman, puntahan ang www.sandi.net/ parents/ concerns.
Course of Study, K-‐12 Ang bahaging California Education Code
section 51040 ay nagpapatupad na “ang nangangasiwang lupon ng bawa’t distri-‐tong paaralan ay naghahanda at nagtatago ng mga bagay para sa pagsusuri ng kurso ng mga aralin na inihahatol para sa mga paaralan sa kaniyang nasasakupan. Ang San Diego Unified School District Course of Study, K-‐12 ay nagsisilbing mahalagang pinagbabatayan ng kaalaman tungkol sa programa ng mga aralin ng distrito, mga paglalarawan ng mga aralin at pinagtibay ng mga kagamitan sa pagtuturo. Ito ay nagbibigay ng kaalaman sa mga hinahanap ng estado at distrito, pagtasa sa mga mag-‐aaral at marami pa. Ang Course of Study ay nakalaan para sa pagsusuri sa mga paaralan at sa websayt ng distrito sa www.sandi.net/courseinfo.
Pagtatapos at Pagpayo sa Karera Sa baitang 7-‐12, ang bawa’t mag-‐aaral
ay sumasali sa isang taonang proseso sa pagpili ng kanilang tatahaking aralin para sa susunod na paaralang taon. Ang mga tagapayo sa paaralan ay sasabihin sa mga mag-‐aaral ang mga hinahanap sa pagtata-‐pos, mga aralin sa Career Technical Educa-‐tion, mga hinahanap sa pagpasok sa kole-‐hiyo at ibang pagpipiliang aralin pagkata-‐pos ng mataas na baitang sang-‐ayon sa batas ng estado. Ang distrito ay nag-‐aalok ng programang Career Technical Education na pag-‐aaral tungkol sa isang maraming taong magkakasunod na aralin ng sama-‐samang pangunahing aralin ng karunun-‐gang teknikal at pangkabuhayang magka-‐kaloob sa mga mag-‐aaral ng daang tungo sa pag-‐aaral pagkatapos ng mataas na baitang at sa karera. Ang isang programa ng mga aralin ay maaari ring patungo sa isang kinikilalang kredensiyal para sa pangkabuhayan, sertipikado sa postsec-‐
ondary level, associate degree at baccalau-‐reate degree (www.sandi.net/ccte). Sa karagdagan, ang kaalaman sa tulong
na panustos at mga scholarship ay ibib-‐igay. May karapatan ang mga magulang/ tagapag-‐alaga na bigyang-‐alam sa mga madalian at banghay ng matagalang pag-‐aaral at karera ng mag-‐aaral at magkaroon nitong mga kaalaman mula sa tagapayo ng paaralan ng mag-‐aaral. Ang mga mag-‐aaral sa lahat ng antas na baitang ay hinihikayat na maghasik ng mas mataas na pag-‐aaral. Maaaring tulungan ng mga ta-‐gapayo ng paaralan ang mga pamilya sa pagkuha ng kaalaman tungkol sa kolehiyo gayundin sa websayt ng California State University sa www.calstate.edu/college at ng University of California system sa ad-‐mission.universityofcalifornia.edu. Ang parehong unibersidad ay
naghahanap ng isang balangkas ng mga aralin sa paghahanda sa kolehiyo. Ang mga korsong ito ay karaniwang tinatawag na “a-‐g” Subject Area Requirements. Ang mga hinahanap na ito ay kabilang ang apat na taong paghahandang aralin sa English; tatlong taong math kabilang ang mga paksang nakuha sa elementarya at ad-‐vanced algebra at, dalawa-‐ at tatlong -‐dimensional geometry; dalawang taong history/social science; dalawang taong laboratory science; dalawang taong magkaparehong wika na hindi English; isang karagdagang visual and performing arts; at isang karagdagang taong college-‐preparatory elective sa mga hinahanap na aralin. Sa kaalaman sa mga kurso, tungha-‐yan ang websayt ng University of California Doorways na www.ucop.edu/doorways . Umpisa sa Class of 2016, ang pagtapos
sa “a-‐g” coursework ay kailangang kunin ng lahat ng mag-‐aaral upang makapag-‐tapos sa mataas na paaralan. Sa karagda-‐gang kaalaman sa mga hinahanap sa pag-‐tatapos, puntahan ang websayt na: www.sandi.net/graduation.
Interdistrict Permits Isang maayos na kasunduan ng San Die-‐
go County school districts at San Diego Unified ay nagpapahintulot ng paglipat ng mga mag-‐aaral sa mga distrito. Ang Inter-‐district Attendance Permit ay maaaring maipagkaloob sa paglipat ng distrito sa mga ilang dahilan lamang. Ang mga kaal-‐aman tungkol sa mga ilang dahilan ito ay makukuha sa Neighborhood Schools and Enrollment Options Office sa (619) 725-‐5672 o [email protected]. Ang pinagtibay na Interdistrict Attend-‐
ance Permit ay hindi tumitiyak ng pagka-‐tanggap sa isang partikular na paaralan.
Ang mga mag-‐aaral na may Attendance Permits ay hindi mauunang matanggap bago ang mga naninirahan sa distrito. Kapag natanggap sa isang paaralan, ang mag-‐aaral na may interdistrict permit ay patuloy na papasok sa paaralan at magpapatuloy sa school feeder pattern hanggang sa mataas na antas ng baitang. Ang Interdistrict Attendance Permits ay binabago sa pagitan ng antas na baitang ng paaralan (elementarya sa middle school, middle school sa high school). Sasabihan ng distrito ang mga magulang sa loob ng 30 araw na natanggap ang aplikasyon sa paglipat kung ang aplikasyon ay ma-‐tanggap o tinanggihan, o ang mag-‐aaral ay naipuwesto sa listahan ng naghihintay. Kapag ang Interdistrict Attendance
Permit ay hindi natanggap, ang pamilya ay bibigyang-‐alam ng dahilan ng hindi pagka-‐tanggap at ang magiging proseso sa pana-‐wagan.
Pagbigay Alam sa Kapalit na Paaralan Ang batas ng estado ng California ay
nagpapahintulot sa lahat ng distrito na magkaloob ng mga kapalit na paaralan. Ang kahulugan ng “alternative school” sa Section 58500 of the Education Code bilang isang paaralan o hiwalay ng klase sa loob ng paaralang pinangangasiwaan sa paraang:
d. Lubusin ang pagkakataon para sa mga mag-‐aaral na malinang ang magagandang pagpapahalaga sa sa-‐riling pagtitiwala, pagsisikap, ka-‐gandahang loob, pagpatuloy, pagsi-‐sikap, pagkamalikhain, pananagutan at saya.
e. Makilala na ang pinakamabuting pag-‐aaral ay nagaganap kung ang mag-‐aaral ay natututo dahil sa kani-‐yang pagsisikap na matuto.
f. Panatilihin ang kalagayang natututo na labis ang sariling pagsisikap at hikayatin ang mag-‐aaral sa kaniyang sariling panahong sundín ang sari-‐ling hilig. Ang mga hilig na ito ay galing sa sarili at maaaring magbun-‐ga ng kabuuan o bahagi ng pa-‐ghahayag sa kaniyang napiling guro sa mga gawain sa pag-‐aaral.
g. Lubusin ang pagkakataon para sa mga guro, magulang, at mag-‐aaral na magtulungang malinang ang pro-‐seso ng pag-‐aaral at ang paksang aralin. Ang pagkakataong ito ay ma-‐giging patuloy, permanenteng pro-‐seso.
9
h. Lubusin ang pagkakataon para sa mga mag-‐aaral, guro, at magulang na patuloy na tumugon sa nagbaba-‐gong mundo, kabilang subali’t hindi hahangga sa, bayan kung saan na-‐roon ang paaralan.
Kapag ang sinumang magulang, mag-‐aaral, o guro ay interesado ng karagdagang kaalaman tungkol sa kapalit na mga paar-‐
alan, isang kopya nitong pagbigay-‐alam ay nakalaan sa pamamagitan nitong paha-‐yagang Katotohanan para sa mga Magu-‐lang. Ang batas na ito ay nagpapahintulot sa mga may pahintulot na interesadong taong humiling sa nangangasiwang lupon ng distrito na lumikha ng mga programa para sa mga kapalit na paaralan.
Tiyaking buuin ang UNIVERSAL FORM
na nasa likod ng aklat at ibalik sa paaralan ng inyong anak.
E. Mga Talaan at Karapatan ng Mag-‐aaral
Pagbigay sa Kaalaman ng Mag-‐aaral at Magulang/ Tagapag-‐alaga Maliban kung hiniling ng magulang/ ta-‐
gapag-‐alaga, ang uring direktoryong kaal-‐aman ay ipamimigay sa mga may kauku-‐lang tao o samahang nakalahad sa ibaba. Ang mga magulang/tagapag-‐alagang nais na itong uri ng kaalaman na ayaw ipamigay ay dapat ipaalam sa paaralan na nakasulat sa loob ng dalawang linggong pagka-‐tanggap ng pahayagang ito. Ang Family Educational Rights and Pri-‐
vacy Act (FERPA) ay nagbibigay sa mga magulang/tagapag-‐alaga at mag-‐aaral na higit sa 18 taon ng karapatang igalang ang talaan ng mag-‐aaral. Ang karapatang ito ay kabilang ang pag-‐
siyasat sa mga talaan, ang karapatang palitan ang nasa talaan ng mag-‐aaral sa paniniwala ng magulang/tagapag-‐alaga o karapatdapat ng mag-‐aaral na hindi tama at ang karapatang magpahintulot sa pamimigay sa kaalamang pagkilanlan sa pagkataong nakalagay sa talaan sa pag-‐aaral ng mag-‐aaral maliban sa hangganang ang FERPA ay may kapangyarihang gawin na walang pahintulot. Ang pagbigay alam ay maaaring gawin sa
pamamagitan:
• Pagmarka sa kahong “Oo” sa bilang 25 sa papel ng pagpalista;
• Pagmarka sa kahong “opt out” sa bilang 29 (mataas na paaralan lamang);
• Pagbigay ng inihandang papel (ng distrito o anumang galing sa ibang samahan);
• Pagbigay ng nakasulat na liham o maikling sulat sa tanggapan ng paaralan.
Sa karagdagang kaalaman sa pagpalabas ng uring direktoryong kaalaman ng mag-‐aaral, tunghayan ang Procedure 6525 ng distrito, makukuha sa inyong paaralan o sa websayt na www.sandi.net/procedures. Susubukang matawagan ng distrito ang magulang/tagapag-‐alaga ng mag-‐aaral sa pamamagitan ng subpoena, kung nararap-‐at, pag-‐utos ng hukuman.
Paggamit ng mga Talaan ng Mag-‐aaral Ang karamihang paghiling sa kaalaman
ng mag-‐aaral ng sinuman o samahan ay hindi pahahalagahan na walang nakasulat na pahintulot na nilagdaan ng magulang/ tagapag-‐alaga na nagpapahintulot ng paglabas. Gayunpaman, ang ilang uring direktoryong kaalaman ay maaaring ipamigay batay sa ilalim ng “Release of Student Information.” Sa karagdagan, ang mga talaang nakalista sa ibaba sa “Mga Talaan at Transkrip ng Mag-‐aaral” ay kusang ipapadala sa alinmang ibang distri-‐tong paaralan kung saan papasok ang bata at sa mga paaralan sa labas ng distrito ka-‐
pag ang paghiling ay natanggap mula sa bagong paaralang papasukan ng mag-‐aaral. Ang paggamit ng kaalaman sa talaan ng
mag-‐aaral na walang pahintulot ng magu-‐lang ay pahihintulutan lamang sa mga pagkakataong ang FERPA ay may ka-‐pangyarihang magpalabas nang walang pahintulot. Ito ay kabilang subali’t hindi hahangga sa:
• Paaralan at kagawad ng distrito (ka-‐bilang ang mga kontratista, taga-‐payo o nagkukusang gumagawa ng mga paglilingkod ayon sa batas sa ilalim ng pangasiwa ng distrito) na may ayon sa batas na malasakit sa pag-‐aaral (hal. isang may tungkulin at pananagutang kailangang gamitin ang mga talaan ng mag-‐aaral).
• Naturang tagapangasiwa ng pag-‐aaral ng pambansang pamahalaan at estado.
• Tagapagpatupad ng batas o ibang sangay ng publikong kaligtasan na may ayon sa batas na paggamit.
Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ay may karapatang magsampa ng reklamo sa U.S. Department of Education sa sumbong na hindi pagtupad ng paaralang distrito sa Family Rights and Privacy Act. Ang lugar ng tanggapan ay: Family Policy Compliance Office, U.S. Department of Education, 400 Maryland Ave., S.W, Washington, D.C., 20202-‐8520. 1-‐800-‐USA-‐LEARN (1-‐800-‐872-‐5327)
10
Pangalaga sa Talaan ng Mag-‐aaral Ang punong-‐guro ng paaralan ay
tungkuling pangalagaan ang mga talaan ng mag-‐aaral. Sinusuri ito ng mga kawani ng paaralan tuwina. Ang mga bagay na hindi na kailangan ay sinisira batay sa batas ng estado. Sa karagdagang kaalaman sa pan-‐galaga ng talaan ng mag-‐aaral, sumangguni sa Procedure No. 6520 ng distrito, maku-‐kuha sa inyong paaralan o sa websayt na: www.sandi.net/procedures.
Mga Talaan ng Mag-‐aaral Ang mga sumusunod na talaan ay
itinatago para sa bawa’t mag-‐aaral:
• Kaalaman sa pagpasok kabilang ang petsa at lugar ng kapanganakan at tirahan:
• Talaan ng pagpasok at kalusugan;
• Magkakasunod na talaan ng puntos sa pagsusulit, mga marka, paksang-‐aralin at mga kursong nakuha at mga nakasulat sa disiplina, kung na-‐
rarapat;
• Mga talaang kailangan para sa mga programa sa special education;
• Mga pagmamasid ng guro tungkol sa pagsulong ng mag-‐aaral at pag-‐sali sa mga programa sa pag-‐aaral.
Maaaring suriin ng mga magulang/ ta-‐gapag-‐alaga at pag-‐usapan ang mga talaan sa kagawad ng paaralan sa araw ng pasukan sa pagtawag sa tanggapan upang magtakda ng araw. Ang anumang ala-‐lahanin tungkol sa tama o kawastuhan ng anumang talaan ay dapat talakayin kasama ang punong-‐guro. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga o
karapatdapat na mag-‐aaral ay maaaring hilingin sa paaralang baguhin ang talaang kanilang pinaniniwalaang hindi tama. Kailangan nilang sumulat sa punong-‐guro ng paaralan, malinaw na banggitin ang bahagi ng talaang kanilang nais palitan, at ipaliwanag kung bakit mali. Kung ang paaralan ay nagpasiyang hindi papalitan ang talaang hiniling, sasabihan ng paaralan ang magulang o karapatdapat ng mag-‐aaral sa pasiya at payuhan sila ng kanilang karapatan sa isang paglilitis tungkol sa paghiling ng pagbabago. Ang karagdagang kaalaman tungkol sa paraan ng paglilitis ay ipagkakaloob kapag napadalhan na ng karapatan sa paglilitis. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga at
mag-‐aaral na higit sa 18 taong gulang ay maaaring makakuha ng kopya ng talaan ng mag-‐aaral sa bayad ng 10 sentimos bawa’t pahina. Ang talaang nakalista sa itaas ay ipapadala sa alinmang paaralang pa-‐pasukan ng bata.
Pagkuha ng Transkrip sa Mataas na Paaralan Ang transkrip sa mataas na paaralan ay
makukuha sa mababang bayad bawa’t transkrip na mahihiling sa pinasukang mataas na paaralan. Iminumungkahing tawagan ang paaralan ng tatlo hanggang apat na araw bago ang pagtungo upang maihanda ang transkrip pagdating ninyo. Kung walang pasok, tawagan ang Area Superintendent’s Office na kumakatawan sa paaralan. Sa listahan ng mga Area Su-‐perintendents, puntahan ang www.sandi.net/areasuperintendents.
Pagkuha ng Tarhetang Talaan sa Elementarya o Transkrip sa Middle School Ang tarhetang talaan sa elementarya o
transkrip sa middle school ay makukuha
Pangangalaga sa mga Karapatan ng Mag-‐aaral
Mga Tao at Samahang Pinahintulu-‐tang Tumanggap ng Uring Direktoryong Kaalaman Maliban kung ipinagbawal ng magu-‐lang/tagapag-‐alaga
Kaalaman ng Mag-‐aaral (Directory-‐Type)
• Pahayagan • Television • Radio • Ibang samahang namamahayag
• Pangalan at tirahan • Taas/bigat ng pagiging manlalaro • Mga interview at larawan ng mag-‐aaral sa
pagsali sa mga paglalaro at ibang mga gawain sa paaralan
• Mga mag-‐aaral na tumanggap ng scholastic at ibang mga karangalan at gantimpala
• PTA ng distrito • Mga guro/kagawad ng paaralan • Sangay ng mambabatas
• Pangalan at tirahan • Telepono ng (mga) magulang, kung hindi na-‐
kalista
• Sangay na may kaugnayan sa paaralan (hal., samahan ng paar-‐alan, PTA ng paaralan, School Site Councils). Ang kaalaman ng mag-‐aaral ay hindi maaaring ibigay sa ikatlong panig.
• Pangalan at tirahan • Telepono ng (mga) magulang, kung hindi na-‐
kalista, ng mga mag-‐aaral na pumapasok sa kasaping paaralan.
• Mga kawani o mapagkatiwalaang kawani kung saan nag-‐aplay ng trabaho ang mag-‐aaral.
• Pangalan at tirahan • Kapanganakan at gulang • Emayl
• Military recruiters sa kanilang paghiling (as required by federal No Child Left Behind Act).
• Pangalan at tirahan • Telepono ng (mga) magulang, kung hindi na-‐
kalista, ng mga mag-‐aaral sa mataas na paar-‐alan
• Civic at nonprofit organizations na nais mabigyang halaga o gantim-‐pala ang nagawa sa pag-‐aaral (hal., honor roll na mag-‐aaral, valedicto-‐rian, salutatorian)
• Pangalan at tirahan • Telepono sa bahay • Kalagayan sa pagpasok • Mga degrees at gantimpalang natanggap • Mga petsa ng pagpasok
Tunghayan ang Procedure 6527 sa pamimigay ng kaalamang non-‐directory-‐type
• Mga inaasahang magbibigay ng grant
• Financial institutions kung saan ang mag-‐aaral ay nag-‐aplay para sa financial aid
• Pangalan, tirahan, telepono sa bahay • Kalagayan sa pagpasokEnrollment status • Mga natanggap na degrees at gantimpala • Petsa ng pagpasok Tunghayan ang Procedure 6527 sa pamimigay ng kaalaman non-‐directory-‐type
11
kagayang paraan sa mataas na paaralan. Kapag walang pasok, tawagan ang Area Superintendent’s Office na kumakatawan sa paaralan.
Pangalaga sa mga Karapatan ng Mag-‐aaral: Surbey Ang mga mag-‐aaral ay hindi bibigyan ng
pagsusulit, pagtatanong, surbey o pag-‐susulit na naglalaman ng mga katanungan tungkol sa pansariling paniniwa-‐la/kabihasnan sa kasarian, pamumuhay, mga namatayan at pananampalataya maliban kung ang magulang/tagapag-‐alaga ay nagbigay ng nakasulat na pahintulot. (E.C. 51513, Protection of Pupil Rights Amendment, 20 USC 1232h). Ang nakasulat na pahintulot mula sa
magulang/tagapag-‐alaga ay kailangan ba-‐go ang pagbigay sa mag-‐aaral ng surbey, pasisiyasat o pagtasa na nagbubunyag ng masilang kaalaman sa pagkatao gaya ng pagkaugnay sa politico o paniniwala; prob-‐lema sa pag-‐iisip o pangkaisipan; asal at pag-‐ugali sa kasarian; labag sa batas, ma-‐ling pakikisama, nasasangkot at malumay na pag-‐uugali; masamang paghusga ng
kapuwa kung saan ito ay malapit na kamag-‐anak; sang-‐ayon sa batas na nak-‐agisnang pribilihiyo o parehong kaugnayan gaya ng mga abogado, doctor at ministro; ginagawang pananampalataya, kinabibi-‐langan o paniniwala ng mag-‐aaral o ng mga magulang ng mag-‐aaral; o ang kabuhayan maliban kung iniuutos ng batas upang malaman ang pagiging karapat-‐dapat ng pagsali sa programa. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ay maaaring suri-‐in ang mga surbey na ginawa ng ikatlong panig upang gamitin sa pangangalap ng kaalaman sa pagkatao. PANSIN: Ang Education Code Section
51938(b) ay lumilikha ng pagliban sa nasa itaas na pag-‐uutos sa pagpahintulot sa pangasiwaan na hindi kilala, kusang pag-‐sagot sa surbey sa mga mag-‐aaral na tina-‐tanong ang pag-‐uugali at panganib sa ka-‐lusugan. Ang lagda ng magulang/ tagapag-‐alaga ng nasa ika-‐5 baitang ay kailangang magbigay ng “pagkusang” pahintulot para sa mag-‐aaral na sumali sa surbey. Pagkatapos ng pagbigay-‐alam sa surbey, kung ang magulang/tagapag-‐alaga ng nasa ika-‐6-‐12 baitang ay hindi nag-‐ “opt out” ng pagsali ng kaniyang mag-‐aaral, ang mag-‐
aaral ay sasali sa surbey ng “walang tutol” ang magulang. May karapatan ang magu-‐lang/tagapag-‐alagang suriin ang surbey. (E.C. 51938) Tunghayan ang Protection of Student Rights sa pahina 9 sa karagdagang kaalaman.
Batas na Williams Settlement Ang Williams Settlement legislation ay
nag-‐uutos ng sapat na mga kagamitan ng pagtuturo sa English language arts, math-‐ematics, science at history/social science, health at world language a baitang 9-‐12; kagamitan sa laboratory para sa laboratory classes sa baitang 9-‐12; mapanatiling ma-‐linis, ligtas at maayos na gusali; at kati-‐yakang ang lahat ng mag-‐aaral ay may-‐roong mga karapatdapat na guro. Ang ipinag-‐uutos na batas ay sakop ang
lahat ng paaralan sa distrito. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga o mag-‐aaral na may alalahanin sa mga ipinatutupad ng batas sa Williams na hindi natutupad ay maaaring humiling ng Uniform Complaint Form sa tanggapan ng paaralan o kunin sa websayt na www.sandi.net/Page/1393.
F. Elementary and Secondary Education Act (ESEA) Ang pamahalaang Elementary and Sec-‐
ondary Education Act (ESEA) ay maka-‐kaapekto sa estado at paaralang distrito sa apat na paraan: higit na pananagutan sa ibubunga, dagdag na maaaring gawin ng distrito sa paggastos ng yaman ng pama-‐halaan, malawak na pagpili para sa mga magulang at higit na pagtutok sa mga paraan ng pagtuturo na napatunayang mabisa.
Pag-‐aaral ng mga Mag-‐aaral na Walang Tirahan Ang batas ng pamahalaan sa pag-‐aaral
ay tumitiyak na ang bawa’t mag-‐aaral na walang tirahan ay may pantay na karapatan sa libre, nararapat na publikong pag-‐aaral na ipinagkakaloob sa bawa’t bata at kabataan. Sa ilalim ng McKinney-‐Vento Homeless Education Assistance Im-‐provement Act of 2001, ang mga bata o kabataang walang tirahan ay nanganga-‐hulugang mga mag-‐aaral na kulang ng permanente, palagian at sapat na pangga-‐bing tirahan. Ang kahulugang ito ay ka-‐bilang ang mga bata at kabataang:
• Nakikitira sa kaibigan, kamag-‐anak, o ibang tao dahil sa walang matutu-‐luyan o sa kahirapan;
• Nakatira sa motel, hotel, trailer park, o camping ground dahil sa wa-‐lang ibang matutuluyan;
• Tumitira sa sasakyan, napabayaang gusali, liwasan o ibang publikong lu-‐gar, sa lugar ng escuater.
• Tumitira sa panandaliang tirahan, tirahang palipat-‐lipat, o tirahan para sa pamilyang nakaranas ng dahas.
Layunin ng pambansang batas na mananatili ang mga mag-‐aaral na walang tirahan sa paaralang kanilang pinapasukan kapag sila’y may sariling nang tahanan o kung saan sila huling pumasok, maliban kung ito’y labag sa kagustuhan ng magu-‐lang/ tagapag-‐alaga.
Mag-‐aaral na Walang Bahay: • Maaaring manatili sa kanilang paar-‐
alang sinimulan o sa huling paar-‐alang huling pinasukan noong sila ay walang tirahan at hanggang sa katapusan ng paaralang taong sila ay lumipat sa permanenteng tuluyan; at
• Dapat pagkalooban, hanggang kung maaari, sa paghiling ng magulang/
tagapag-‐alaga, ng sasakyang ma-‐ghahatid at susundo sa paaralan.
• Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ng mag-‐aaral na walang bahay ay maaari ring mamili ng papasukan ng kanilang mga anak sa publikong paaralan sa lugar ng pansaman-‐talang tirahan ng pamilya.
• Kung napagpasiyahan ng paaralang distritong ipadala ang mag-‐aaral na walang tirahan sa isang paaralang kakaiba sa paaralang pinanggalin-‐gan o sa paaralang hiniling ng magulang/tagapag-‐alaga, dapat magbigay ang distrito ng nakasulat na paliwanag sa kapasiyahan at ang karapatan ng magulang/tagapag-‐alagang manawagan. Habang gina-‐gawa ang panawagan, ang mag-‐aaral na walang tirahan ay pahihintulutang pumasok sa paar-‐alang pinili ng magulang/ tagapag-‐alaga.
• Ang mga mag-‐aaral na walang ba-‐hay ay dapat payagang pumasok sa paaralan at sa mga klase kahit na wala silang lahat na pinaghahanap na talaan ng kalusugan at katuna-‐yan ng tinitirhan. Ang mga kagawad
12
ng paaralang papasukan ay tutulun-‐gan ang mga magulang/tagapag-‐alagang makuha ang mga kina-‐kailangang mga dokumento
Para sa karagdagang kaalaman, tawagan ang Homeless Liaison sa (619) 725-‐7652.
Mga Nangangalap sa Militar Sa batas ng pamahalaan sa pag-‐aaral,
ang mga paaralang distrito ay hinahana-‐pang maglabas ng uring direktoryong kaal-‐aman sa mga mag-‐aaral sa mataas na paaralan sa kanilang paghiling. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ng
mga mag-‐aaral sa mataas na paaralan ay maaaring hilinging higpitan ang pagpalabas ng direktoryong kaalaman ng mag-‐aaral. Ang paghigpit sa pagbitaw ng direktoryong kaalaman ay dapat ibigay na nakasulat sa bawa’t paaralan ng bata sa loob ng dalawang linggo pagkatanggap nitong pahayagan upang matiyak na magagawa ito sa unang paglabas ng kaal-‐aman sa bawa’t taglagas. Ang paghiling ay maaaring gawin sa: Pagmarka sa “opt out” sa papel ng pagpalista o magbigay ng sulat sa tanggapan ng paaralan. Sa karagdagang kaalaman, sumangguni
sa bahaging ang pamagat ay Pagbitaw ng mga Kaalaman ng Mag-‐aaral at Tagapag-‐alaga at Pagsusulit.
Kaalamang Pangmagulang at Lugar ng Pagkukunan Mayroong California Parent Information
and Resource Centers na pinonduhan ng U.S. Department of Education upang tulungan ang mga magulang/tagapag-‐alagang makakuha ng kaalamang matulun-‐gan ang kanilang mga anak na magawang magtagumpay sa pag-‐aaral, gayundin ng mga lugar na nakatutok na maragdagan ang pakikilahok ng magulang.
• American Indian Parental Assistance Program of Southern California Tribal Chairmen’s Association: (760) 742-‐8600, www.sctca.net.
• California Association of Bilingual Education: (626) 814-‐4441, www.bilingualeducation.org
• National Parent Information and Resource Center at www.nationalpirc.org,
• Families in Schools: (213) 484-‐2870, www.familiesinschools.org
Dalubhasang Katangian ng mga Guro at Paraprofessionals Ipinag-‐uutos ng pambansang pamahalan
na ang mga magulang/tagapag-‐alaga ng mga mag-‐aaral na pumapasok sa mga paaralang Title I ay maaaring humiling ng kaalaman tungkol sa dalubhasang katangi-‐an ng (mga) guro ng kanilang anak. Lalo na, ang mga magulang/tagapag-‐alagang ay maaaring humiling ng mga kaalaman tungkol:
• Kung ang guro ay nakakatupad sa mga kriterya para sa antas na baitang at lawak ng paksang itinutu-‐ro;
• Kung ang guro ay nagtuturong pansamantalang kalagayan
• Ang baccalaureate degree major ng guro at ang anumang graduate de-‐gree na hawak ng guro, at ang lawak ng disiplina ng gayong de-‐gree; at
• Kung ang kanilang anak ay pinagka-‐kalooban ng paglilingkod ng paraeducators at, magkagayunman, ang kanilang mga katangian.
Magbigay ng paghiling sa paaralan ng inyong anak sa paggami ng nakalaang papel na makukuha sa paaralan o sa websayt ng distrito www.sandi.net/esea.
Program Improvement School Choice Program (PISC) Ang Program Improvement School
Choice (PISC) ay bahagi ng kautusang pa-‐mahalaang batas na ESEA. Ang pro-‐gramang PISC ay nagbibigay ng pagpili sa mga mag-‐aaral na pumapasok sa paar-‐alang Title I na lumipat sa ibang distritong paaralan na hindi kasali sa Program Im-‐provement. Ang distrito ay magkakaloob ng transportasyon. Ang mga magu-‐lang/tagapagkaloob ng mga mag-‐aaral na pumapasok sa mga paaralang karapat-‐dapat para sa pagpili sa ilalim ng PISC ay taonang bibigyang-‐alam ng distrito ng ka-‐nilang pagpili. Ang Program Improvement ay tuwirang pagtakda para sa mga pinon-‐duhang paaralan ng Title I na hindi nak-‐agawa ng Adequate Yearly Progress sa magkasunod na dalawang taon ng panan-‐da sa English/Language Arts, mathematics.
Karagdagang Paglilingkod sa Pag-‐aaral Tinitiyak ng batas ng pamahalaan na la-‐
hat ng mag-‐aaral ay magkaroon ng pagka-‐kataong magtagumpay sa paaralan at magtakda ng magagawang pananda ng mag-‐aaral na ang lahat ng publikong paar-‐alan ay dapat matupad. Ang mga paaralag hindi makatupad sa mga panandang ito sa itinakdang panahon ay tinatawag na Pro-‐gram Improvement Schools. Ang lahat ng paaralang nasa Program Improvement sa dalawang taon o higit na taon ay dapat magkaroon ng karagdagang pagtuturo sa pagbasa at matematika sa kanilang mga mag-‐aaral sa labas ng oras ng klase. Hinahanapan din ang San Diego Unified
ng batas ng pamahalaang magbigay ng pangunguna sa pagbigay ng mga tagapag-‐turo sa mga mahihinang mag-‐aaral na ma-‐hirap ang kabuhayan ng pamilya. Ang mga mag-‐aaral lamang na nakakatupad sa mga katangiang hinahanap ang maaaring karapatdapat sa paglilingkod na pagtuturo ng piniling tagapagkaloob.
Karapatang Mamili ng Paaralan Kapag Hindi Ligtas Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ng
mga mag-‐aaral na pumapasok sa mga paaralang napag-‐alaman ng estado ng patuloy na mapanganib ay may karapatang magbigay ng paghiling sa paaralan ng ka-‐nilang anak na lumipat sa ibang paaralan. Kapag ang isang paaralan ay napagtantong patuloy na mapanganib sa paaralang taon, ang lahat ng magulang/ tagapag-‐alaga ng mga mag-‐aaral na pumapasok sa paaralan ay bibigyang-‐alam sa loob ng 10 araw sa koryo. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ng mga mag-‐aaral na naging biktima ng marahas na krimen habang nasa paaralan ay may karapatang magbigay ng paglipat ng pagpasok sa ibang paaralan sa loob ng distrito. Ang paghiling ay maaaring ibigay sa paaralan ng kanilang anak o sa pag-‐tawag sa Neighborhood Schools and En-‐rollment Options Office sa (619) 725-‐7153 o [email protected]. Ibibilang ng distrito ang mga pangyayari
batay sa bawa’t isa at tatawagan ang na-‐rarapat na nagpapatupad ng batas sa bayan sa pagkilala kung ang mag-‐aaral ay naging biktima ng isang marahas na krimen sang-‐ayon sa nakalahad sa Califor-‐nia Penal Code.
G. Programa sa Pagpili para sa mga English Learner
13
Ang mga nag-‐aaral ng English ay maaaring sumali sa lahat ng programang iniaalok sa mga mag-‐aaral. Sa karagdagan, lahat ng English learners ay tatanggap ng karagdagang tulong at paglilingkod ka-‐bilang ang English Language Development (ELD) at specialized instructional method-‐ologies upang matiyak na nauunawaan ng mga mag-‐aaral at magkaroon ng paggamit sa pangunahing kurikulum. Mayroong tatlong huwarang programang naba-‐langkas para sa mga English learners. Ang Structured English Immersion (SEI)
ay nabalangkas para sa mga English learn-‐ers na nanggaling sa kahit anong kinalak-‐hang wika na nasa unang antas ng karunungan sa English: Beginning, Early Intermediate o Intermediate. Ang mga mag-‐aaral ay nangingibabaw na tinuturuan ng English subali’t maaaring, kung na-‐rarapat, ay tinutulungan sa wika ng mag-‐aaral. Mga pinagsanay na mga guro ang nagtuturo ng mga pangunahing paksang-‐aralin sa paggamit ng mga aklat na pinag-‐
tibay ng distrito at karagdagang kagamitan sa pagtuturo at pati rin ang pagtuturo ng ELD. Ang Mainstream English Cluster (MEC)
ay nabalangkas para sa mga mag-‐aaral na nasa mas mataas na antas ng karunungan sa English: High Intermediate, Early Ad-‐vanced o Advanced, at maaari ring ka-‐bilang ang mga mag-‐aaral na nasa anu-‐mang antas ng wika sa pakiusap ng mga magulang/tagapag-‐alaga. Ang mga silid-‐aralan ng MEC ay magkasama ang katutu-‐bo o matatas sa pagsasalita ng English. Ang mga English learners ay tumatanggap ng pagtuturo sa ELD at ibang pangunahing paksang-‐aralin mula sa pinagsanay at may katungkulang guro. Ang Alternative Programs ay kabilang
ang Biliteracy programs ng distrito at nagkakaloob sa mga mag-‐aaral ng pagtutu-‐rong ELD at mga aralin sa kanilang pangunahing wika gayundin sa English , mula sa pinagsanay at may katungkulang mga guro. Ang adhikain ng programang
biliteracy ng distrito ay buong malinang ang parehong English at pangunahing wika ng mag-‐aaral. Batay sa batas ng estadong California,
Ang pagpasok sa biliteracy program ay kailangan ang waiver process. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ng mga English learners ay laging may karapatang humil-‐ing ng waiver sa paaralan ng kanilang anak at mabigyang-‐kaalaman ng kanilang pagpili sa program. Kung nais, ang mga magu-‐lang/ tagapag-‐alaga ay maaaring dumalaw sa paaralan upang humiling ng waiver at ibigay ito sa paaralan. Kapag tumanggap ng 20 pinagtibay na
waiver sa magkaparehong antas na baitang at grupo ng wika, ang paaralan ay hinahanapang magkaroon ng kapalit na programa. Kung walang sapat na bilang ng pinagtibay na aplikasiyon sa tinitirhang paaralan, ang mga magulang/tagapag-‐alaga ay maaaring piliing lumipat ang ka-‐nilang anak sa paaralang nag-‐aalok ng pro-‐gramang biliteracy.
H. Sa Paaralan
Mga Tuntunin at Patakaran sa Bawa’t Paaralan Ang punong-‐guro ng bawa’t paaralan ay
gumagawa ng mga tuntunin at patakaran ng paaralan na nababagay sa distritong pamaraan ng pagdisiplina upang matiyak na ang kapaligiran ng paaralan ay walang pang-‐aabala at paggambala. Ang punong-‐guro ay nakikipag-‐ugnayan
sa mga magulang/tagapag-‐alaga, kawani at mag-‐aaral sa mga detalye ng mga pama-‐lakd sa pagdisiplina ng distrito gayundin sa mga tuntunin at patakarang paiiraling lagi, walang kinikilingan at kaagad batay sa mga karapatan ng tao. Ang mga mag-‐aaral ay kinakailangang
sumunod sa mga patakaran ng paaralan, tumalima sa mga tuntunin, maging masipag sa pag-‐aaral, igalang ang mga guro at ibang nangangasiwa at iwasan ang paggamit ng masama at malaswang salita. Pananagutan ng mag-‐aaral ang kanilang ikinikilos sa pagpasok at pag-‐uwi mula sa paaralan, sa palaruan, sa paligid ng paar-‐alan, sa reses at sa mga kaganapan sa paaralan. Ang mga paaralang distrito ay may
karapatang magpasunod ng pananamit na nagbabawal ng pagsuot ng “pananamit na may kaugnayan sa gang” at/o papagsuotin ang mga mag-‐aaral ng uniporme.
Dapat suriin ng mga magulang/tagapag-‐alaga ang mga pamalakad sa disiplina at mga tuntunin at patakaran ng paaralang kasama ang kanilang anak. Dapat makipagtulungan ang mga magulang/ ta-‐gapag-‐alaga sa mga kawani ng paaralan sa pagpapatupad ng mga pangdisiplinang hakbang kung kinakailangan.
Balangkas ng Katiwasayan Lahat ng distritong paaralan ay gumawa
ng isang ganap na balangkas ng katiwa-‐sayan ng paaralan na tumutupad sa mga ipinatutupad ng estado na nakalahad sa California Education Code Section 32280 et seq. Ang balangkas ng katiwasayan ay kabilang ang mga pamalakad sa kapa-‐hamakan, patakaran para sa pagpasok at pag-‐uwi ng mga mag-‐aaral, patakaran para sa pagdisiplina sa maselang problema, pamalakad sa pangungutya sa kasarian, patakaran sa pagsumbong ng pang-‐aabuso sa bata, tamang pananamit sa paaralan at pamalakad sa pagdisiplina sa paaralan.
School Accountability Report Card Lahat ng publikong paaralan ng Califor-‐
nia ay kinakailangang magkaloob ng kaal-‐aman sa bayan sa pamamagitan ng isang taonang Tarhetang Ulat ng Pananagutan ng Paaralan/ School Accountability Report Card (SARC). Dalawang uri na ulat ng SARC
ay nakalaan sa bawa’t paaralan: isang ma-‐haba na inilalahad ang lahat ng hinahanap ng estado, at ang pinaikli; dalawang pahinang uri ng paglalahad para sa pa-‐mamahagi. Bawa’t taon, ang mga magu-‐lang/tagapag-‐alaga ay pinakakaloob ng kopya ng pinaikling paglalahad ng paar-‐alan ng kanilang anak. Parehong bersyon ng tarhetang ulat ay maaaring matungha-‐yan sa websayt ng distrito sa www.sandi.net/sarcs.
Pag-‐aaral ng Kasarian Ang pag-‐aaral ng kasarian ay itinuturo
ng pinagsanay na mga guro sa baitang 6, 8 at 10. Ang mga klase ng buhay pamilya sa baitang 6 at ang pag-‐aaral ng kasarian sa middle school ay kabilang ang kaalaman sa karapatdapat na gulang ng pagdadalaga/ pagbibinata, malusog na pakikipag-‐mabutihan, mga sakit na nakakahawa sa pakikipagtalik, pagpapasiya at paglinang sa kakayahan. Ang mga aralin sa mataas na paaralan ay kabilang ang mga aralin sa pagbubuntis, pakikipagmabutihan, mga sakit na nakakahawa sa pakikipagtalik, , pag-‐iwas sa pagbuntis at kakayahang magpasiya. Bibigyang-‐alam ang mga magulang/tagapag-‐alaga bago magsimula ang pagtuturo ng pag-‐aaral ng kasarian at aanyayahang dumalo sa isang pulong upang suriin ang mga kagamitan sa pag-‐tuturo. Pagkatapos masuri ang mga kagamitan, ipagbibigay-‐alam ng mga
14
magulang/tagapag-‐alaga ang paaralan sa panulat kung ayaw nilang sumali ang ka-‐nilang anak sa mga aralin.
Pag-‐aaral ng HIV/AIDS Ang pag-‐aaral ng HIV/AIDS ay kasali sa
programang pag-‐aaral ng kasarian sa baitang 6, 8 at 10. Karagdagang pagtuturo ay ipagkakaloob sa baitang 9, 11 at 12 n kawani ng programang HIV at mga kina-‐tawang nagmumula sa mga sangay ng bayan. Lahat ng kagamitan sa pagtuturo ng HIV/AIDS ay nakalaan sa pagsusuri sa mga pulong ng magulang/tagapag-‐alaga sa pag-‐aaral ng kasarian. Pagkatapos na maruri ang mga kagamit-‐
an, maaaring sabihan ng mga magu-‐lang/tagapag-‐alaga ang paaralan sa panu-‐lat kung ayaw nilang sumali ang kanilang anak sa mga aralin.
Natatanging Pag-‐aaral Ang San Diego Unified ay nakapan-‐
gakong magkaloop sa mga bata at kabataang may kapansanan ng isang libre at nararapat na publikong pag-‐aaral na alinsunod sa Individuals with Disabilities Education Act. Parehong ang mga pama-‐lakad ng pamahalaan at estado ay nag-‐uutos ng panahon para sa pagsangguni, pagtasa, pagkilala ng paglilingkod para sa lahat ng mag-‐aaral na may pambihirang pangangailangan. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ay
maaaring humiling ng pagsangguni ng pag-‐tasa sa natatanging pag-‐aaral ng isang ba-‐ta, mula pagkapanganak hanggang 22 ta-‐ong gulang, na mayroon , o maaaring may-‐roon, kapansanang nakakasagabal ng kani-‐yang pag-‐aaral. Sa paghiling ng pagtasa sa tirahang paaralan ng mag-‐aaral, ang magu-‐lang/tagapag-‐alaga ay tatanggap ng bal-‐angkas na nagpapaliwanag ng pagsusulit na ibibigay na susukat sa bata sa lahat ng hinihinalang kapansanan. Ipapaalam sa mga magulang/tagapag-‐alaga ang kanilang mga karapatan sa panulat. Ang pagtasa ay magsisimula pagkatapos na ibalik ng magulang ang nilagdaang banghay ng pag-‐tasa. Upang malaman kung ang mag-‐aaral ay
karapatdapat sa natatanging pag-‐aaral, isang lupon ng Individualized Education Program (IEP) ang susuri sa lahat ng ulat ng pagtasa at mga kaalamang ipagkaka-‐
loob ng mga magulang/tagapag-‐alaga at mga dalubhasa. Ang mga magu-‐lang/tagapag-‐alaga ay napakahalagang kasapi ng lupon ng IEP ng mag-‐aaral. Kung napagpasiyahan ng lupon na ang bata ay karapatdapat sa natatanging pag-‐aaral, ang IEP ay isusulat. Ang IEP ay hindi isasa-‐gawa hanggang ang mga magu-‐lang/tagapag-‐alaga ay nagpahintulot. Kung ang lupon at mga magulang/ ta-‐
gapag-‐alaga ay hindi nagkasundo sa IEP ng bata, ang mga magulang/tagapag-‐alaga o distrito ay maaaring humiling ng pana-‐wagan o magbigay ng tamang proseso sa pamamagitan ng California Department of Education. Ang Special Education Ombud-‐spersons ay nakalaan upang tulungan ang mga magulang at kawani sa paglutas ng hindi pagkakasundo kaugnay sa pagliling-‐kod ng natatanging pag-‐aaral sa distrito. Ang mga magulang/tagapag-‐alaga ay maaaring tawagan ang tagapamagitan sa Eugene Brucker Education Center, 4100 Normal St., Annex 7, San Diego, 92103 o (619) 725-‐8186 or (619) 725-‐8187. Sa paglagay ng proseso ng panawagan,
ang mga magulang ay maaaring tawagan ang Office of Administrative Hearings, Special Education Division, 2349 Gateway Oaks Drive, Suite 200, Sacramento, CA, 95833-‐4231 or (916) 263-‐0880. Kung nararamadaman ng mga magu-‐
lang/tagapag-‐alagang ang IEP ng kanilang anak ay hindi maayos na isinagawa o may ibang paninindigang nilabag sa batas ng natatanging pag-‐aaral, maaari silang hu-‐miling ng panawagan o maglagay ng reklamo sa California Department of Edu-‐cation, Special Education Division, 1430 N St., 2nd floor, Room 2401, Sacramento, CA 95814. Ang Community Advisory Committee
(CAC) para sa Natatanging Pag-‐aaral ay buwanang nagpupulong upang pag-‐usapan ang mga usaping may kinalaman sa nata-‐tanging pag-‐aaral at naglilingkod sa kaka-‐yahang pagpapayo sa Board of Education at pangasiwaan ng natatanging pag-‐aaral. Ang kapulungang ito ay binubuo ng mga magulang/tagapag-‐alaga ng mga batang may kapansanan, kagawad ng distrito at nararapat na kinatawan ng sangay na naglilingkod sa mamayang special educa-‐tion. Ang mga pulong ay bukas sa lahat. Ang mga kaalaman ay maaaring makuha sa sa tanggapan ng Special Education Pro-‐
gram o sa websayt ng distrito sa www.sandi.net/cac.
Mga Mag-‐aaral na may Kapansanan Ang Section 504 ng Rehabilitation Act
San Diego Unified School District ay tina-‐tanggap ang kaniyang pananagutan sa ilalim ng Section 504 ng Rehabilitation Act of 1973 na kilalanin, suriin ang tinasang talaan, at magkaloob ng tamang kalu-‐wagan sa mga mag-‐aaral na may ka-‐pansanan. Ang tagapag-‐ayos sa bawa’t paaralan ay maaaring makaloob ng ka-‐ragdagang kaalaman at tulong.
Mga Mag-‐aaral na may Pansamantalang Kapansanan Ang distrito ay may programang na
nagkakaloob ng isahang pagtuturo sa mga mag-‐aaral na may pansamantalang ka-‐pansanan at kailangang manatili sa bahay, sa pagamutan o sa ibang gusaling pangka-‐lusugan. Kung ang pagamutan o tirahang pangkalusugan ay nasa labas ng paaralang distrito ng mag-‐aaral, ang mag-‐aaral ay masasabing tumutupad sa kailangang tira-‐han para sa paaralang distrito kung saan ang hospital o tirahan ay nakaluklok. Ang magulang/tagapag-‐alaga ng mag-‐
aaral ay dapat ipaalam ang paaralang dis-‐trito kung saan ang mag-‐aaral ay pansamantalang nakatira. Dapat magka-‐loob ang distrito ng isahang pagtuturo para sa mag-‐aaral. Batas ng Megan Ang kaalaman tungkol sa nakrehistrong
sex offenders sa California ay matatagpuan sa websayt ng California Department of Justice, www.meganslaw.ca.gov. Ang websayt ay nagkakaloob din ng kaalaman kung papaanong maipagtanggol ang in-‐yong sarili at pamilya, katotohanan tungkol sa mga sex offenders, malimit na katanungan at mga kailangan sa pagrehis-‐tro ng mga sex offender sa California.
Tiyaking buuin ang UNIVERSAL FORM sa likod ng aklat at ibalik sa
paaralan ng inyong anak.
I. Pagpasok
15
Ang pagpasok sa paaralan ay ipina-‐tutupad ng batas. Ang Education Code section 48200 ng State of California ay nagpapatupad na ang bawa’t batang nasa gulang na 6 at 18 taong gulang na pu-‐masok sa paaralan araw-‐araw at sa ta-‐mang oras. Pinatunayan sa mga pag-‐aaral na ang pagpasok ng mag-‐aaral ay naka-‐katulong sa maaabot ng mag-‐aaral. Tungkulin ng mga magulang/tagapag-‐
alaga ang pagpasok ng kanilang anak sa paaralan at dapat ipagbigay-‐alam sa paar-‐alan kung ang kanilang anak ay hindi pa-‐pasok at kung bakit. Ang mga tinatanggap na kadahilanan sa pagliba ay nakalista sa ibaba. Pagliban dahil sa mga gawain kaga-‐ya ng pag-‐alaga, pagsama sa mga magu-‐lang at ang pagpunta sa mga konsiyerto o palaro ay hindi tinatanggap na dahilan. Ang pagliban sa paaralan ng limang araw
o higit pa ay maaaring payagan kung ang magulang ay humiling ng kasunduan para sa sariling pag-‐aaral ng hindi kukulanging isang linggo bago ang pagliban. Dapat matapos ng bata ang kontrata sa loob ng itinakdang panahon. Pagkatapos ng pagliban, dapat pumunta ang mag-‐aaral sa nararapat na tanggapan ng paaralan upang manguha ng muling pagpasok bago maka-‐balik sa silid-‐araln. Walang mag-‐aaral ang bababa ang mar-‐
ka o mawala ang puntos dahil sa pina-‐yagang pagliban. Ang mag-‐aaral na may pinayagang pagliban ay pahihintulutang matapos ang lahat ng takdang-‐aralin at mga pagsusulit nang panahong lumiban. Kapag natapos ang mga takdang-‐aralin at pagsusulit, sa loob ng tamang panahon, ang mag-‐aaral ay bibigyan ng buong pun-‐tos. Ang mga pagsusulit at takdang-‐aralin ay magiging makatuwirang kapantay sa, subali’t hindi kapareho sa, mga pagsusulit at takdang-‐araling hindi nakuha dahil sa pagliban. (Education Code Section 48205)
Kapag may dumating na problema sa pagpasok at hindi malutas ng kawani ng paaralan, maaaring isangguni ng paaralan ang mag-‐aaral at pamilya sa School At-‐tendance Review Board (SARB). Kung hindi malutas ng SARB ang problema sa pagpasok, ito ay may karapatang isangguni ang kaso sa Juvenile Court. Sa karagdagang kaalaman, sumangguni sa district Proce-‐dures 4705 (section 17b) at 6166, maku-‐kuha sa inyong paaralan o sa websayt ng distrito sa www.sandi.net/procedures.
Pinapayagang mga Pagliban Sa namamayaning Education Code Sec-‐
tion 48200, ang isang mag-‐aaral ay papa-‐yagang lumiban sa paaralan kapag ang pagliban ay:
• Dahil sa karamdaman;
• Dahil ikukulong sa pag-‐uutos ng lun-‐sod o bayang pinuno sa pangka-‐lusugan.
• Dahil sa itinakdang paglilingkod sa panggagamot, dental, optometric o sa chiropractic;
• Ang mga mag-‐aaral na pumapasok sa baitang 7-‐12 ay maaaring payagang lumiban sa paaralan dahil sa pagkuha ng lihim na paglilingkod sa panggagamot na walang pahin-‐tulot ng magulang/tagapag-‐alaga;
• Sa pagdalo sa libing ng malapit na kamang-‐anak. Ang pinayagang pagliban ay isang araw kapag ang libing ay sa California at tatlong ar-‐aw kapag sa labas ng California;
• Sa mga paglilingkod sa paglilitis sa hukuman na nakalahad sa batas;
• Sa sakit o pakikipagkita sa mang-‐gagamot sa araw ng pagpasok kung
saan ang mag-‐aaral ay isang nag-‐aarugang magulang;
• Sa makatuwirang pansariling dahi-‐lan, kabilang, subali’t hindi hahang-‐ga sa, pagharap sa hukom, pakikipaglibing, pagtalima sa araw ng pangilin sa pananampalataya; pagdalo sa mga banal na panayam o pagpunta sa panayam sa trabaho kapag ang pagliban ng mag-‐aaral ay may nakasulat na paghiling mula sa magulang at pinagtibay ng punong-‐guro o kapalit na kinatawan;
• Sa pag-‐aksaya ng panahong ma-‐kasama ang malapit na kapamilya, na isang active duty member ng uni-‐formed services, at tinawag sa ser-‐bisyo, nakabakasyon, o kararating mula sa, paglalayag sa combat zone o combat support position.
• Para sa layunin sa bahaging ito, ang pagpunta sa mga retreat sa pananampalataya ay hindi lalabis sa apat na oras bawa’t semester.
Ang pagliban batay sa bahaging ito ay ipagpalagay na mga pagliban sa pagkuwenta ng average daily attendance at hindi gagamitin sa pamamahaging iba-‐bayad ng estado. Ang “malapit na kamag-‐anak,” na gina-‐
mit sa bahaging ito, ay kapareho sa ibig sabihin na nakalahad sa Education Code Section 45194, maliban sa tinutukoy na “kawani” ay ipalagay na tumutukoy sa shall be deemed to be references to “mag-‐aaral.”
Tiyaking buuin ang UNIVERSAL FORM
sa likod ng aklat at ibalik sa paaralan ng inyong anak
J. Teknolohiya Ang pakikipagtulungan at pakikipag-‐
ugnayan ng mga magulang/tagapag-‐alaga, kawani at mag-‐aaral ay ang iniuuna sa ating distrito. Sa pagsisikap na gawin ang paniniwalang ito, at tiyaking ang tagumpay sa pag-‐aaral ng lahat ng mag-‐aaral, iniaalok namin ang Student Connect sa ating mga paaralan. Ang Student Connect ay nagkakaloob sa
mga mag-‐aaral ng mapagkakatiwalaang paggamit ng internet sa malawak na datus ng mag-‐aaral sa paaralan gaya ng: balita ng
distrito, paaralan at silid-‐aralan; de-‐mograpya ng mag-‐aaral; talakdaan ng mag-‐aaral; pagpasok sa paaralan; takdang-‐aralin; tarhetang ulat at ulat ng pagsulong; kalusugan at mga bakuna; transkrip; result ng mga pamantayang pagsusulit; pangyayari sa pag-‐uugali; transaksyong paglilingkod sa pagkain; at pagkikipag-‐ugnayan sa emayl sa mga guro, tagapayo, at pangasiwaan ng paaralan. Ang pro-‐gramang ito ay gagamitin din sa pagkuha at
pagbago ng paghiling ng kurso ng mga mag-‐aaral.
Mga Gabay sa Paggamit ng Network Ang District Procedures 4580 at 4581 ay
nagkakaloob ng kaalaman tungkol sa mga karapatan at tungkulin sa paggamit ng in-‐ternet, network at electronic communica-‐tion devices (ECDs) ng distrito bilang bahagi ng pag-‐aaral ng mag-‐aaral. Ang Sandi Net
16
ng distrito ay isang electronic network sa paggamit ng Internet. Ang mga mag-‐aaral ay magkakaroon ng
paggamit sa:
• Mga kaalaman, databases at balita sa online mula sa maraming panggal-‐ingan at pananaliksik na institusyon.
• Mga programang elektronik sa kompyuter na ipagkakaloob ng dis-‐trito.
• Maraming programang mag-‐uugnay sa websayt at software na maglala-‐had ng mga mga kaalaman.
• Pakikipagtulungang mga pro-‐gramang gamit sa websayt para sa layuning pag-‐aaral.
• Mga kurso at kurikulum sa online, mga programa sa pag-‐aaral sa kompyuter at mga araling elektronik sa paggamit ng linya sa kompyuter.
Ang mga mag-‐aaral ay maaaring magka-‐roon ng paggamit sa:
• Electronik na pakikipag-‐usap (emayl) sa paggamit ng mga magagamit sa pag-‐aaral
• Pag-‐uusap ng grupo sa malawak na uri ng paksa
1. Pananagutan Ang San Diego Unified ay gumawa ng makatuwirang pag-‐iingat ng pagbawal sa paggamit ng “nakakapinsalang bagay” at sa mga kagamitang hindi su-‐musuporta sa mga napagtibay na mga layunin ng pag-‐aaral. Ang “nakaka-‐pinsalang bagay” ay tumutukoy sa mga bagay na, bilang isang kabuuan ng kara-‐niwang taong ginagamit ang mga pa-‐mantayan ng kapanahunan sa buong estado, ay naglalarawan ng isang bagay na nakagagalit na kulang ng totoong panitikan, sining, pamahalaan o makaa-‐gham na halaga para sa mga kabataan. (Penal Code, section 313)
Ang guro at kawani ay pipili ng pagku-‐kunan sa Internet ng nararapat para sa pagtuturo sa silid-‐aralan at/o panana-‐liksik para sa pangangailangan, kagulan-‐gan at kakayahan ng kanilang mga mag-‐aaral. Ang San Diego Unified ay walang pananagutan sa kawastuhan o uri ng kaalaman sa paggamit ng Internet. Ang paggamit ng kaalamang galing sa Inter-‐net ay nasa pangangalaga ng gumagamit.
2. Tamang Paggamit Ang layunin sa paggamit ng mga paar-‐alan sa Sandi Net at ng Internet ay mapagbuti ang pagtuturo at pag-‐aaral sa pagkaloob ng paggamit sa mga kagamitan ng 21 Siglo at mga pagku-‐kunan gayundin ang pagtuturo sa online. Ang paggamit sa datus sa net-‐work ng ibang samahan (hal. Sangay ng Selpon) o computing resources ay dapat sumunod sa mga tuntunin ng nasabing network gayundin sa mga patakaran ng paggamit sa distrito.
3. Bawal ng Paggamit Ang pagsalin ng anumang bagay na lumalabag sa alinmang batas ng pama-‐halaan o estado, at sa patakaran ng dis-‐trito ay ipinagbabawal. Ito ay kabilang, subali’t hindi hahangga sa, pamamahagi ng:
• Kaalamang lumalabag o sumusu-‐way sa mga karapatan ng sinumang tao;
• Pambubuli sa paggamit ng kaala-‐man at teknolohiya sa pakikipag-‐usap (cyber-‐bulling);
• Nang-‐aalipusta, hindi nararapat, pagmalabis, mahalay, paglapas-‐tangan, masagwa sa kasarian, nagbabanta, nanglalait sa lahi, o labag sa batas na mga bagay;
• Pagpapahayag, paghingi, pagbakasakali o pamumulitika;
• Kaalamang nanghihikayat ng pag-‐gamit ng ipinagbabawal na sangkap o paggamit ng paraang lumilikha ng krimen;
• Mga kagamitang lumalabag sa ba-‐tas ng pangungupya. (District Pro-‐cedure 7038);
• Paninira, walang pahintulot na pag-‐gamit, “hacking,” o paninira ng hardware o software, kabilang ang pagpasok ng “mga kamandag” o nakaw ng programa sa kompyuter, ay mahigpit na ipinagbabawal (Pe-‐nal Code, Section 502).
Babala: Ang maling paggamit ay mag-‐bubunga ng pagkawala ng pagpapalang paggamit. Ang nangangasiwa sa paar-‐alan o ang tagatanod ng katiwasayan sa network ng distrito ay maaaring ihinto ang paggamit anumang oras kung kina-‐kailangan. Depende sa bigat ng pagka-‐kasala, ang anumang pagsasama ng mga sumusunod na pamalakad/ pa-‐takaran ay ipapatupad: Education Code, mga patakaran ng distrito, at disiplina
sa paaralan/mga pamalakad sa pag-‐gamit ng network.
4. Mga Pagpapala Ang paggamit ng Sandi Net at ng Inter-‐net ay isang pagpapala, hindi karapatan, at ang maling paggamit ay magbubunga ng pagkaalis ng pagpalang ito. Ang pangasiwaan, mga guro at/o kawani ay maaaring humiling sa tagapangasiwa ng sistema sa paaralan na tanggihan, alisin o suspendehin ang paggamit sa net-‐work.
5. Kabutihang Asal at mga Tun-‐tunin sa Network
Ipinatutupad ng distrito na ang mga mag-‐aaral ay sumunod sa mga tuntunin at kagandahang asal sa paggamit ng Sandi Net at Internet ng distrito. Ito ay kabilang, subali’t hindi hahanga sa, mga sumusunod:
• Maging magalang. Huwag magpadala ng malaswang mensahe sa sinuman.
• Gumamit ng mabuting salita. Hu-‐wag magmura, mambastos oa an-‐umang hindi magandang salita. Ang anumang gawaing labag sa ba-‐tas ay mahigpit na ipinagbabawal.
Paunawa: Ang emayl at paggamit ng websayt ay hindi pansarili at susuriin ng mga kawani ng distrito. Ang mga taong nangangasiwa sa sistema ay makikita ang lahat ng ipinadalang mensahe. Ang mga mensaheng may kaugnayan sa, o sumusuporta sa, mga gawaing labag sa batas ay dapat isumbong sa nararapat na maykapang-‐yarihan.
• Panatilihin ang pagsasarili. Huwag ipagsabi ang sariling tirahan, tele-‐pono, sariling websayt o larawan ng inyong sarili o ibang tao. Bago ilathala sa Internet ang larawan ng isang mag-‐aaral, pangalan, o gawain, dapat may nakatagong pahintulot ng magulang ang paar-‐alan sa pagpalabas.
• Cyber-‐bullying ay masasabing panli-‐ligalig. (Isangguni sa mga pama-‐lakad laban sa Pagtatangi at Panlili-‐galig sa Bahaging A nitong aklat.)
• Paggalang sa Pangungupya. Lahat ng pakikipag-‐ugnayan at kaalamang nakukuha sa network ay ipalagay na pag-‐aari ng maylikha at dapat na huwag gamitin ulit na walang pahintulot.
• Huwag gambalahin ang network.
17
6. Cyber-‐Bullying Cyber-‐bullying ay ang paggamit ng an-‐umang pakikipag-‐usap sa pamamagitan ng elektronik upang magbigay ng men-‐sahe sa anumang uri (pangungusap, imahe, naririnig, o napapanood) na nananakot, lumiligalig, o kaya may layuning manakit, manlait, o manliit ng iba na sinadya, inulit, o maligalig at pag-‐tangging paraan. Ang paggamit ng mga pansariling pakikipag-‐usap sa kagamitan o pag-‐aaari ng distrito na mag-‐cyber-‐bully sa isa’t isa ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magbunga ng pagkawala ng paggamit ng network at/o pagpataw ng hakbang sa pag-‐disiplina.
Cyber-‐bullying ay kabilang subali’t hindi hahangga sa:
• Pagkalat ng kaalaman o larawan upang magpahiya;
• Mainit na hindi patas na pag-‐aaway sa online na kabilang ang pamba-‐bastos, nakakainsulto o malaswang salita;
• Inihiwalay ang isang tao sa kani-‐yang kagrupo;
• Paggamit ng ibang taong pangalan sa takilya at nagkukunwaring siya iyon;
• Pagpadala ng kaalaman o larawan na dapat ay pansarili.
7. Katiwasayan Ang katiwasayan sa alinmang sistema sa kompyuter ay isang mahigpit na pi-‐nahahalagahan. Kung nararamdaman ninyong maituro ang isang problema sa Sandi Net, tawagan ang Integrated Technology Support Services (ITSS) De-‐partment ng distrito, maaaring pun-‐tahan, sa panulat, o sa network. Huwag ipakita ang problema sa ibang gumagamit nito. Ang sinumang nai-‐turong mapanganib sa paggamit o may nakaraang problema sa ibang sistema ay maaaring hindi bibigyang pagkakata-‐ong gumamit ng Sandi Net and the In-‐ternet.
8. Paninira Ang paninira ay magbubunga ng pagkansela ng pagpalang paggamit. Ito ay kabilang, subali’t hindi hahangga sa, sa paglagay o paglikha ng kamandag sa kompyuter.
Mga Palakad sa Teleponong Cellular at mga Kagamitang Electronik na Naghuhudyat Ang Education Code section 48901.5 ay
nagpapahintulot sa school board na guma-‐
wa ng mga palakad sa paggamit at pagka-‐karoon ng mga teleponong cellular at ibang kagamitang elektronik na naghuhudyat sa paaralan. Ang Board of Education Policy H-‐6980 ay pinahihintu-‐lutang magkaroon at gumamit ng teleponong cellular, pagers at ibang kagamitang electronik na naghuhudyat sa paaralan at mga sasakyan, at sa mga ginaganap sa paaralan, at habang nasa pangangasiwa at pag-‐aaruga ng mga kawani ng distrito sa ilalim ng mga su-‐musunod na pagkakataon:
• Lahat ng mag-‐aaral (K-‐12) ay maaaring gumamit nitong mga kagamitan sa paaralan bago mag-‐simula at pagkatapos ng pag-‐aaral sa silid-‐aralan.
• Ang mga mag-‐aaral sa mataas na paaralan, baitang 9-‐12, ay maaaring gumamit ng mga ito sa pagkain ng tanghalian.
• Ang mga kagamitang ito ay dapat nakatago at nakasara sa oras ng pag-‐aaral at sa loob ng silid-‐aralan.
• Ang hindi pinapayagang paggamit ay magiging dahilan na makumpiska ng kagamitan ng kawani ng paaralan, kabilang ang guro sa silid-‐aralan.
Ang paulit-‐ulit ng hindi pinapayagang paggamit ng kagamitan ay maaaring mag-‐bunga ng pagbigay ng pagdisiplina.
18
K. Mga Papel na Tatapusin at mga Tuntunin Pakiusap na tapusin ang mga papel sa mga sumusunod na pahina.
Universal Form PAKIUSAP NA TAPUSIN AT IBALIK SA: Paaralan ng inyong anak.
Pesticide Use Notification Form PAKIUSAP NA TAPUSIN, KUNG NARARAPAT, AT IBALIK SA: Physical Plants Operation Center 4860 Ruffner St. San Diego, CA 92111-‐1522 Attn: Integrated Pest Management Team
19
Universal Form
Cut a
nd Return to you
r child’s sc
hool
20
Pesticide Use Notification Form (if applicable)
Cut a
nd Return to Physic
al Plant Ope
ratio
ns
21
2013-‐14
4100 Normal St. San Diego, CA 92103 (619) 725-‐8000 www.sandi.net