Transcript
Page 1: Elehiya para kay mark jil

ELEHIYA PARA KAY MARK JILBy: Jenita D.

GuinooIka-17 ng Agosto 2016

3:00 NH

Mag-aaral na kita , dati pa noonSa mga aralin ika’y nakatuonKung minsan sa iyo ay mapapalingonDahil sa kakaiba mong mga tanong.

Ako’y lagi na lamang napapalatakSa iyong katanunga’t mga pahayag,Masalimuot at waring naghahanap,Ang kasaguta’y lagging inaapuhap.

Ikaw sa t’wina’y hindi mapapakaliHinihintay lagi ang bawat sandal,Sa recess ka lagi nang nagdudumaliDahil takam na sa snacks ang mga labi.

Kung minsan ikaw ay napagsasabihanDahil nga sa iyong sobrang kakulitanInaasar ang mga kababaihan,Nagagalit sa sobra mong kapilyuhan.

Page 2: Elehiya para kay mark jil

Ngunit ang dating ikaw ay nagbago naMabait at masayahin ka rin palaMatulungin na’t batang mapag-alalaSa mga gawain ay laging abala

Ngunit bigla na lamang aming nalamanAng trahedyang hindi naming inaasahanIsang pangyayari ang nagpapagimbal,Hanggang ngayon, kami ay nakatigagal.

Hindi man naming nasabi ‘to sa iyoNa kahit wala ka na rito sa ating mundo,Mark Jil, saan ka man ngayon napadakoAy mananatili ka sa aming puso.

By: Jenita D. Guinoo Class Adviser


Top Related