CONATIVE, INFORMATIVE AT LABELING NA GAMIT NG WIKA
Tinalakay ni : Rochelle S. NatoSanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PilipinoDolores R. Tayla et.al (Akda)Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Nabibigyang Kahulugan
ang Komunikatibong gamit ng Wika na
CONATIVEINFORMATIVE
atLABELING
Nailalahad ang pagkakaib-iba
ng mga gamit ng wika na
CONATIVEINFORMATIVE AT
LABELING
Nakabubuo ng mga Pangungusap
na nagpapakita ng gamitng wika na CONATIVE,
INFORMATVEat LABELING
Sagutan natin... Ano ang sasabihin mo?
• Pumasok ka sa oditoryum ng inyong paaralan. Nakita mong okupado na ng mga estudyante ang mga upuan maliban sa isa na walng nakaupo pero may bag na nakalagay. Alam mo na ang may ari ng bag ay ang estudyanteng nakaupo sa tabi ng upuang may bag. Ano ang sasabihin mo sa may-ari ng bag para magamit mo ang bakanteng upuan?
• Si Maribel ang pinakamatalino sa kanilang klase.Matataas ang kaniyang mga marka. Mahusay siya sa lahat ng sabyek. Kapag wala pa ang guro, nakaupo lang at nagbabasa ng libro. Kapag recess naman, hindi siya nakikipagkuwentuhan habang kumakain, sa halip, nagbabasa at pinag aaralan ang kanilang mga leksiyon. Madalas binabansagan siya ng ibat-ibang pangalan. Ano sa palagay mo ang mga pangalang ibinibigay sa mga estudyanteng kagaya ni Maribel?
Basahin ang nakasulat sa larawan
BAWAL TUMAWIDMAY
NAMATAY NA DITO
Ano ang ibig sabihin ng "bawal tumawid"?
Ano ang ipinahahatid ng pahayag na "may namatay na dito"
May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon na nagsasalita
• Sa nakita niyong larawan, ang intensyon ng pahayag na "Bawal tumawid may namatay dito" ay nagbigay ng babala sa mga taong tumatawid sa kalsada sa pamamagitan ng pag-uutos na "bawal tumawid" at sa pagbibigay ng impormasyon na "may namatay na dito"
ANO KAYA ANG TUNGKULIN
NG WIKA SA NABANGGITNA BABALA?
ALAM KO NA!ito ay tinatawag na
CONATIVE
CONATIVE na gamit ng wika.
• Ito ay ang paghimok at pag impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga pag uutos at paki usap
• Gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari o gusto nating pakilusin ang isang tao
Halimbawa ng maikling sanaysay na naglalaman na conative na gamit ng wika
Tuwing Darating ang Eleksiyon
Tuwing darating ang eleksiyon,gamitin at huwag balewalain ang isang mahalagang pamana sa atin ng demokrasya - ang pagboto. Piliin natin ang mga kandidatong maglingkod sa atin. Nasa matalino nating pagpapasiya nakasalakay ang kinabukasan ng ating bayan.
• Matutukoy mo ba kung anong pahayag sa talata ang nagpapakita ng CONATIVE na gamit ng Wika sa binasa niyong halimbawa na maikling sanaysay?
Alam mo ba ang mga Propesyon ni Dr Jose Rizal?
AnthropologistBotanistBusinessman
PhysicianPainterNovelist
FarmerEnginineer
SculptorPhilosopherPsyhcologist
INFORMATIVE• Sa tanong ko kanina, alam mo ba ang
mga propesyon ni Dr. Jose Rizal? Atin itong nasagot, sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao, nabibigay tayo ng mga datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin.
• INFORMATIVE ang gamit natin na wika.
Narito ang maikling talata na nagbibigay ng impormasyon
Bagong BayaniSa kabila ng hindi magandang mga balita
tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang maraming Pilipino sa pangingibang-bayan upang magtrabaho. Bakit nga ba napipilitang umalis ang mga Pilipino Sa Pilipinas? Ano ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan at maspasyang sa ibang lupain na lamang magtrabaho at mag alay ng lakas, galing at talino?
Sa tanong na ito, marami kaagad ang susulpot na kasagutan. Pinakakaraniwan nang maririnig ang sagot na para maghanap ng mas magandang kapalaran o "greener pasture". Marami ang nagsasabi na para kumita ng dolyar, mapag aral ang mga anak, makapagpatayo ng sariling bahay, makabili ng sasakyan, makaipon ng perang pangnegosyo at iba pa. Kung susumahin ang mga pahayag na ito, halos lahat ay patungo sa iisang dahilan lamang- ang paghahanap na mas mabuting oportunidad sa trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
• Ano ang paksa ng sanaysay?• Ano- anong mga impormasyon
ang mahahango mula sa sanaysay?
King Of Comedy?
PambansangKamao?
King of Talk PNoy
Kayo, ano tawag saiyo ng Kaibigan niyo? Kapit bahay? Tawag saiyo ng
iyong Ina? Tawag sa iyo ng Kasintahan niyo?
LABELING
• Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay.
Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumagamit ng bansag o label sa kanilang mga Tauhan
"Impeng Negro" ROGELIO R SIKAT
Gurong "mabuti"GENOVEVA EDROZA MATUTE
"Vicenteng Bingi" JOSE VILLA PANGANIBAN
"Pilosopo Tasyo" JOSE RIZAL
"Sisang Baliw" JOSE RIZAL
Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating mga kaibigan, kapamilya, guro, politiko, artista, mga nasa larangan ng media, isports, militar at iba pa.
Malaya natinga nagagamit ang wika sa iba't-ibang sitwasyon at intensiyon. Gayunpaman, hindi natin dapat abusuhin ang paggamit natin ng wika. Huwag kalimutan na dapat gamitin ang wika sa mabuti at maayos na paraan.
Maging magalang tayo sa gamit na CONATIVE kung nag-uutos tayo. Tiyaking nating tama at totoo ang gamit natin ng INFORMATIVE kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng negatibong bansag o LABEL sa ating kapwa na maaring makasakit ng damdamin
Gamit ng wika sa commercial taglines, ating alamin!
LBC"Hari ng Padala"
LABELING
MERCURY DRUG
"Nakakasiguro gamot ay laging bago"
INFORMATIVE
SUPER FERRY "Sakay na! CONATIVE
Short Quiz.
• Magtala ng iba’t ibang sitwasyon na ginagamit ang conative, informative at labeling na gamit ng wika.
Takdang Aralin
• Pagsulat ng sanaysay. Manuod ng balita sa telebisyon o magbasa ng diyaryo.Pumili ng isang mahlagang isyu o pangyayari sa lipunan na narinig o nabasa mo na. Magsaliksik tungkol sa isyu o pangyayaring napili.Gamit ang mga nasaliksik na impormasyon, sumulat ng isang sanaysay na INFORMATIVE tungkol sa isyu o pangyayring napili.