Ito ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob
ng Lalawigan ng Quezon sa mga natatanging Quezonian
dahil sa kanilang mga kapuri-puri at pambihirang nagawa na
nagtaguyod ng pangkalahatang kagalingan at kapakanan
sa lalawigan at mga mamamayan nito, ayon sa itinakda ng
Kapasiyahan Blg. 612 ng Sangguniang Panlalawigan noong
Agosto 5, 1970.
Layunin ng Quezon Medalya ng Karangalan na
mapanatili sa puso at isipan ng bawat mamamayan ang mga
kahanga-hanga at kapita-pitagang katangian ng Pangulong
Manuel L. Quezon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga
natatanging Quezonian, anuman ang antas ng kanilang
pamumuhay, uri ng paniniwala, at pananampalataya.
Ang taunang parangal ay inaasahang
makapagbibigay ng inspirasyon sa bawat mamamayan
upang makibahagi sa pagbuo ng isang makatarungan,
makatao, at higit na maunlad na lipunan para sa bawat
Pilipino.
Anu-ano ang mga kategorya ngQuezon Medalya ng Karangalan?
May dalawang kategorya ang parangal:
1. Gintong Medalya ng Karangalan - ipinagkakaloob sa
isang indibidwal lamang, nang hindi kinakailangang
taun-taon, na siyang tatanggap din ng isang lantay na
gintong medalya at plake ng pagkilala.
2. Medalya ng Karangalan - ipinagkakaloob sa hindi hihigit
sa sampung indibidwal na tatanggap din ng medalya at
plake ng pagkilala.
Sino ang karapat-dapat pagkalooban ngQuezon Medalya ng Karangalan?
a. Indibidwal na (a) ipinanganak at nanirahan sa lalawigan
ng Quezon nang hindi bababa sa limang (5) taon; (b) hindi
ipinanganak sa Quezon subalit nakapag-asawa ng isang
Quezonian at nanirahan sa lalawigan nang hindi bababa
sa sampung (10) taon; (c) hindi ipinanganak sa Quezon
at hindi rin nakapag-asawa ng isang Quezonian subalit
nanirahan sa lalawigan nang hindi bababa sa labinlimang
(15) taon;
b. Ang mga kontribusyon ng indibidwal na ito ay nagtaguyod
ng pangkalahatang kagalingan at kapakanan sa lalawigan
at sa mga mamamayan nito;
c. Higit sa tawag ng tungkulin ang kanyang mga
kontribusyon;
d. Nakikita sa kanyang pamumuhay ang mga katangian at
pag-uugali ng Pangulong Manuel L. Quezon;
e. Nakagawa siya ng makabuluhang kontribusyon sa
pagbuo ng isang matatag na bansa;
f. Natatangi siya sa alinmang larangan na hindi limitado sa
mga sumusunod :
1. Agrikultura
2. Edukasyon
3. Enhinyerya at Arkitektura
4. Gawaing Pangkapaligiran
5. Serbisyong Pampamahalaan
6. Batas
7. Kalusugan
8. Pilantropiya at Serbisyong Publiko
9. Agham at Teknolohiya
10.Isports, Kultura, at Sining
g. Nagpamalas siya ng kamalayang sibiko at tunay na
malasakit sa lalawigan;
h. Isang huwarang mamamayan na ang buhay at
pagpapahalaga ay katulad ng isinabuhay ng dating
Pangulong Quezon:
h.1. May integridad at nagpakita ng malasakit sa
kabutihan ng lahat
h.2. Nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at
katarungan para sa lahat
h.3. Nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
h.4. Nagpapanatili at nagpapahalaga sa paraan ng
pagbuo ng makatarungan at makataong lipunan
h.5. Nagtatalaga ng sarili sa pagtatamo ng kahusayan
h.6. Namumuhay nang payak at may kabuluhan
h.7. May malawak na angking kasanayan at
kakayahan
h.8. May pagmamahal at paggalang sa pamilya
h.9. Nagpapanatili ng malasakit sa pagpapayaman
ng kultura at sining
Mga kwalipikasyon at batayan para sa GintongMedalya ng Karangalan:
Ano ang Quezon Medalya ng Karangalan?
Ano ang layunin ng pagkakaloob ngMedalya ng Karangalan?
a. Indibidwal na (a) ipinanganak at nanirahan sa lalawigan
ng Quezon nang hindi bababa sa limang taon; (b) hindi
ipinanganak sa Quezon subalit nakapag-asawa ng isang
Quezonian at nanirahan sa lalawigan ng hindi bababa
sa sampung (10) taon; (c) hindi ipinanganak sa Quezon
at hindi rin nakapag-asawa ng isang Quezonian subalit
nanirahan sa Quezon nang hindi bababa sa sampung
(10) taon;
Mga kwalipikasyon at batayan ngMedalya ng Karangalan:
b. Natatangi siya sa alinmang larangan na hindi limitado sa
mga sumusunod :
1. Agrikultura
2. Edukasyon
3. Enhinyerya at Arkitektura
4. Gawaing Pangkapaligiran
5. Serbisyong Pampamahalaan
6. Batas
7. Kalusugan
8. Pilantropiya at Serbisyo Publiko
9. Agham at Teknolohiya
10.Isports, Kultura, at Sining
c. Nagpamalas siya ng kamalayang sibiko at tunay na
malasakit sa lalawigan;
d. Isang huwarang mamamayan na ang buhay at
pagpapahalaga ay katulad ng isinabuhay ng dating
Pangulong Quezon:
d.1. May integridad at nagpakita ng malasakit sa
kabutihan ng lahat
d.2. Nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at
katarungan para sa lahat
d.3. Nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
d.4. Nagpapanatili at nagpapahalaga sa paraan ng
pagbuo ng makatarungan at makataong lipunan
d.5. Nagtatalaga ng sarili sa pagtatamo ng kahusayan
d.6. Namumuhay nang payak at may kabuluhan
d.7. May malawak na angking kasanayan at
kakayahan
d.8. May pagmamahal at paggalang sa pamilya
d.9. Nagpapanatili ng malasakit sa pagpapayaman ng
kultura at sining
Paano ang paraan ng paghahain ng nominasyon para sa Quezon Medalya ng Karangalan?
Ang nominasyon ng isang indibidwal para sa Quezon Medalya ng Karangalan ay maaaring:
a. Mula sa isang indibidwal na may suportang pag-endorso
mula sa alinmang social, civic, religious, government,
Sino ang naggagawad ng Quezon Medalya ng Karangalan?
Ang QMK Lupon ng Gawad Parangal ay ang komiteng
pangunahing nagsasagawa ng pagsusuri sa mga ihinaing
nominasyon. Ito ay binubuo ng isang Tagapangulo at
labinlimang (15) miyembrong nagmula sa iba’t ibang
sektor kung saan ang resulta ng kanilang deliberasyon ay
isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan upang ito ay
pagtibayin.
non-government, or people’s organ-ization o group;
b. Nominasyon mula sa alinmang grupong nabibilang sa
social, civic, religious, government, non-government, o
sa alinmang pribado o business association.
Ang nominator ay kailangang magsumite ng
itinakdang nomination form ng QMK Lupon ng Gawad
Parangal, kasama ang mga dokumentong nagpapatunay
ng mga kwalipikasyon at pambihirang katangian ng
nominado. Marapat na lagdaan din ng nominado ang
form bilang pagsang-ayon sa ihinaing nominasyon.
Ang pagsusumite ng nominasyon ay hindi
lalampas sa petsang itinakda ng QMK Lupon.
Kailan ginaganap ang paggagawad ng Quezon Medalya ng karangalan?
Ang parangal ay isinasagawa tuwing Agosto 19
ng bawat taon, ang araw ng kapanganakan ni Pangulong
Manuel L. Quezon.
Para sa nominasyon at iba pang detalye,makipag-ugnayan sa:
QMK Secretariat c/o Provincial Gender and Development Office (PGAD) 3rd Floor, Social
Services Bldg. Lucena City Telepono Bilang (042) 373-71-75.
www.quezon.gov.ph/qmk