ANG EPEKTO NG UNLIMITED TEXTING SA STUDY HABITS NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG PAG-IINHINYERO SA ELEKTRONIKO AT KOMUNIKASYON
SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS- MAYNILA
Iniharap saKAGAWARAN NG FILIPINOHIYA
KOLEHIYO NG WIKA AT MGA LINGGWISTIKAPOLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS- MAYNILAIKALAWANG SEMESTRE, TAONG PANURUAN 2009-2010
BILANG KATUPARAN SA KAHINGIAN SAKURSONG PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
SA ILALIM NIG. WILBERT M. LAMARCA
NINA:
BERNARDO, JENALYN R.DE LOS REYES, MARK ANDREW T.
DELA CRUZ, RAMONITO L.LACASANDILE JR., ROMEO S.
MENDOZA, CHARLES DAVID C.PEREZ, GABRIEL S.
SILVANO, CHRISTIAN JAY O.TAPEL, ADRIANE MAE G.
VILLALOBOS, CRYSTAL R.YAP, BERNARD F.
(BS ECE I-3)
MARSO, 2010
NILALAMAN
PASASALAMAT
KABANATA I
PANIMULA
KAPALIGIRANG KASAYSAYAN
TEORETIKAL NA BALANGKAS
KONSEPTWAL NA BALANGKAS
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
HAYPOTESIS
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
SAKLAW AT LIMITASYON
KATUTURAN O KAHULUGAN NG MGA SALITANG GINAMIT
KABANATA II
BANYAGANG LITERATURA
BANYAGANG PAG-AARAL
LOKAL NA LITERATURA
LOKAL NA PAG-AARAL
KABANATA III
PAMAMARAANG GINAMIT
RESPONDENTE NG PAG-AARAL
PANGANGALAP NG DATOS
URI NG ESTADISTIKA
Panimula
Naging bahagi na ng tipikal na araw-araw na pamumuhay ng isang Pilipino ang
paggamit ng mobile o cellular phone. Hindi man lahat, ngunit masasabi na sa bawat
pamilyang Pilipino ay mayroon nito. Mula kay bunso, kay ate at kuya, kay ina at ama,
maging sina lolo at lola, may dunong sa paggamit ng cellphone. Kung iisipin, maari
nang isama ang pagkakaroon ng cellphone bilang isang pangangailangan.
Ayon sa pag-aaral, nakakapag-“send” ang isang Pilipino ng 12-15 text messages
sa isang araw. Kung susumahin, 400 milyon kada araw ang naipapadala ng lahat ng
Pilipino. Kung piso ang bayad sa bawat mensaheng ipinapadala, aabot sa P15 kada
araw ang ilalaan ng mga Pilipino para sa load at P450 naman para sa isang buwan.
Ipinakilala ng mga “Telecommunication Companies” ang tinatawag nilang
“Unlimited Promos,” walang hanggang pagpapadala “Short Message Receive” o “SMS”
sa loob ng itinakdang oras, upang bawasan ang bigat na dinadala ng mga Pilipino. Sa
kakaunting halaga ay maari ng magpadala ng text message sa isang minamahal na
walang inaala ukol sa pagkaubos ng load. Sa Unlimited Offers na ito, hindi natin
maipagkakaila na lumago ang maraming “TelComs” at napadali ang komunikasyon sa
bansa. Ngunit, tunay bang nakinabang ang Unlimited Offers kay Juan?
Sa paglabas ng mga Unlimited Offers, hindi natin napansin ang masamang mga
bunga nito. Hindi natin namamalayan na pati pala tayo ay nabiktima na nito. Hindi
mabilang ang patuloy na tumataas na bilang ng mga “Text Maniac” o “Text Addict”
particular na sa ating mga mag-aaral.
Sa pananaliksik na ito ay bibigyang-diin ang mga Unlimited Offers. Susuriin kung
paano nakabubuti at nakasasama ang lubhang pagtetext sa mga mag-aaral. Hahanap
ng mga kasagutan ukol sa pagkalulong ng mga mag-aaral sa unlimited offers. Ipapakita
ang mga di kanais-nais na dulot ng mga promos na ito. Susubukang lutasin ang patuloy
na pagbaba ng marka at kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral.
Kaligirang Kasaysayan
On onset of SMS services in the Philippines, GSM networks Islacom and
Globe Telecom gave unlimited SMS services for 150 pesos a month until 2001.
Because the service is affordable, and GSM service is starting to pick up on other
countries, the Philippines became known as the ‘text capital of the world’. SMS traffic
has fast become a burden on these networks thus, they sought to charge subscribers 1
pesos per SMS. Public outrage soon followed leading to establishment of activist
groups, nevertheless, the public are able to cope up with the costs. ‘Presently each
mobile phone user in the Philippines is sending out at least 10 text messages a day
compared to about 3 text messages per user in the United Kingdom. About one Filipino
in two is a subscriber to a mobile phone services.
At the end of 2007 four of the top mobile phone service providers in the country
stated there are 42.78 million mobile phone subscribers in the Philippines.
Ang positibong epekto ng cellphone sa lipunang Filipino ay makikita bilang
isang pangangailangan. Sinasabing ito ay isang pangangailangan ng mga Filipino dahil
ito ay nagsisilbing tulay sa pagkakalapit-lapit ng mga magkakapamilya, magkakaibigan,
magkakakilala at sa mga taong hindi magkakilala dati at ngayon ay magkakilala na dahil
sa pagiging textmates lamang. Isang tawag o text lamang ay napapalapit ang isang
taong nasa malayong lugar
Ang cellphone din ay madalas gamitin sa texting. Kung paanong sa
texting mas nagiging malaya ang isang tao sa paggamit ng wika at pagbaybay ng mga
salita. Ngunit may mga pananaw ang ilan sa mga negatibong epekto ng pagtetext gaya
ng pagkakalat ng mga hindi totoong balita, mga tsismis at iba pa. Subalit, kung
gagamitin sa mabuti at sa tamang paraan ang paggamit ng cellphone, hindi
magkakaroon ng masamang epekto ito. Dapat isipin ng mga taong may cellphone kung
ang ginagawa ba nila ay nakatutulong sa kanila at kung hindi naman ay huwag na
gumamit ng cellphone.
Hindi maipagkakaila na malaki na ang ginagampanang papel ng
cellphone ngayon sa lipunang Filipino. Sa katanuyan, ito na rin ay isang
pangangailangan ng tao. Pinabibilis ng cellphone ang komunikasyon at dahil sa mga
"features" nito mas pinadadali nito ang ibang gawain.
‘Onli in da Pilipins’.Ang Pilipinas ang sinasabing "Text Capital" ng mundo
ngayon. Walang duda sapagkat lahat ng buhay ng mga mamamayan nito ay
naimpluwensyahan na ng makamandag na impluwensya ng cellphone: ang text
messaging. Halos lahat ay may cellphone. Mula sa mga bata pati na rin sa mga
matatanda. Walang imposible sapagkat lahat ay may kakayahang magkaroon ng
cellphone; mapa-mayaman man o kahit ang mga taga-squatters ay mayroon nito. At
dahil na rin sa sobrang pagka-indemand ng cellphone nauso ang kaliwa't kanang pa-
promo ng mga networking companies tungkol sa mga abo't kayang load na pasado
naman sa panlasa ng mga masa. Sino ba naman ang ayaw ng unlimited load na
napakamura? Kaysa naman noon na napakamahal ng prepaid card, ngayon ay tingi na
lamang ang pagbili ng load. Napakagaling talagang rumaket ng mga Pilipino.
Napakalawak na ng sakop na kaisipang dulot ng texting sa ating mga
Pilipino.Malayo na ang narating ng ating mga mensahe sa pamamagitan ng text. Halos
lahat ay nagtetext sa loob ng isang araw. Napakalakas ng loob nating mag-aksaya ng
load kaya tayo ang tinanghal na may pinakamaraming nakokonsumong load sa
pagtetext sa loob lamang ng isang araw.Kahit magdamang pakikipagtext sa mga taong
kasa-kasama lang natin kanina, pati na rin sa mga taong hindi man lang natin kakilala
ay kaya nating pagtiyagaan.
Balangkas Teoretikal
Higit na mas malaki ang bilang ng naipadadalang mensahe ng isang indibidwal
na naka-register sa Unlimited Promo kaysa sa hindi. Sukat at nakaayon kasi sa badyet
ang ginagawang pagtetext ng isang indibidwal na hindi nakaregister sa Unlimited
Promo, samantalang walang pag-aalala sa load ang naka-register sa Unlimited Promo.
Napakalaki rin ng pagkakaiba sa oras na inilalaan ng naka-register sa Unlimited
Promo kumpara dun sa hindi. Malaki ang oras na iginugugol ng naka-register sa
Unlimited Promo sa pagtetext kaysa sa pag-aaral. Kabaligtaran naman sa hindi naka-
register sa Unlimited Promo, mas pinagtutuonan niya ng pansin ang pag-aaral kaysa sa
pagtetext. Hindi makapagpokus sa mga aralin ang indibidwal na naka-register sa
Unlimited Promo, dahil lagi itong may hinihintay na mensahe.
Kitang-kita rin ang pagkakalayo ng mag-aaral na nakapaghanda isang araw
bago ang exam kung ihahambing sa isang mag-aaral na pagtetext ang ginawang
preparasyon. Higit na nakalalamang ang mag-aaral na nakapaghanda sa exam kaysa
sa isang naka-register sa Unlimited Promo. Aktibo at mahusay ang ipinapakita ng isang
mag-aaral na naglalaan ng oras sa mga aralin. Matamlay at di kanais-nais naman ang
makikita sa indibidwal na walang paghahanda dahil naka-register sa Unlimited Promo.
Balangkas Konseptwal
Dami ng mensaheng naipadadala sa isang araw
Oras na inilalaan sa pagtetext
Oras na inilalaan sa pagaaral
Marka sa Pagsusulit
Mag – aaral na hindi naka-register sa Unlimited Promo.
30 pababa 1 oras 4 oras 1.0
Mag – aaral na naka-register sa Unlimited Promo. 300 pataas 4 oras 1 oras 3.0
Paglalahad ng Suliranin
Kasabay ng pag-aaral at paggawa ng mga aralin ay hindi talaga mawawala sa
mga estudyante ang pagkahilig sa mga Unlimited promos. Sa palagay nila ay mas
makakatipid sila ng malaki sa promo na ito. Hindi nila napapansin na dahil sa pagkahilig
nila sa ganitong mga promo ay maaring mawala ang interes nila sa kanilang pag-aaral.
Mas uunahin nilang atupagin ang pagtetext kaysa gumawa ng takdang-aralin. Isang
tunog lang ng kanilang cellphone, nawawala agad ang pokus nila sa paggawa ng
proyekto.
Aktibo at mahusay ang “performance” na ipinapakita ng mga mag-aaral na may
konsentrasyon sa pag-aaral. Hindi naman kasiya-siya ang ipinapamalas ng mga mag-
aaral na sa pagtetext nahuhumaling. Patuloy na bababa ang kanilang interes kung hindi
mapuputol ang kanilang bisyo sa pagtetext. Makikita sa isang mag – aaral na laging
naka-register sa Unlimited Promo ang nakakaalarmang pagbaba ng kaniyang marka.
Hindi nakakapaglaan ng sapat na oras sa pag-aaral ang mag – aaral na naka-register
sa Unlimited Promo dahil hindi niya mabitiwan ang hawak na cellphone.
Nagiging daan din ang masidhing hangarin sa pagpaparegister sa Unlimited
Promos upang magsinungaling ang mga mag-aaral. Minsan ay higit sa kinakaiangan
ang hinihingi sa magulang upang may ipang-register sa Unlimited Promo.
Haypotesis
Napadali man ang komunikasyon sa bansa, hindi maitatanggi na maramai rin
ang napasama dahil sa mga Unlimited Offers. Sa halip na makinabang ay maraming
mga hindi kanais-nais na bagay ang sa atin ay bumulaga.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalagang pag-aralan ang epekto ng mga Unlimited promos sa study habits
ng mga estudyante upang maibalik ang interes ng mga estudyante sa pag-aaral. Sa
pamamagitan ng pananaliksik na ito, malalaman natin kung bakit nahuhumaling ang
mga mag-aaral sa Unlimited texting. Magkakaroon tayo ng ideya kung paano tutuldukan
ang pagkalulong sa pagtetext.
Ipapaalam ng pananaliksik na ito ang hindi magandang dulot ng “Unlmited
promos” pag inabuso. Maaring makaiwas sa pagbagsak o sa pagbaba ng marka ang
mga mag-aaral na makakabasa nito. Maaring makatulong sa pagpapaunlad ng
konsentrasyon at ng Study habits ang reiserts na ito.
Maipapakita rin ng pag-aaral na ito ang atityud ng mga mag-aaral sa pag-aaral.
Ipapakita nito ang determinasyon ng mag-aaral, kung gugustuhin ba niya ang mag-aral,
gumawa ng takdang-aralin at proyekto o humiga na lang maghapon sa kama,
magrehistro ng load at magtext na lamang maghapon. Maari din nating malaman kung
gaano kadami ang mga kumukunsumo ng mga ganitong promo at kung gaano kalaki
ang nagagastos nila dahil lang sa pagpapaload.
Saklaw at Limitasyon
Nakapokus ang pananaliksik na ito sa Mga Epekto ng Unlimited Promos sa
Study Habits ng mga Mag-aaral ng Unang Taon ng BSECE sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas-- Sta. Mesa, Maynila.
Tutukuyin ng pag-aaral ang mga mabubuti at masasamang dulot nito sa mga
mag-aaral. Aalamin kung bakit nagparegister sa Promo ang mag-aaral at kung paano
nahuhumaling ang mga mag-aaral sa pagtetext. Bibigyang- linaw kung ano ang
nilalaman ng kanilang mensahe at kung kanino ito ipapadala.
Ilalahad din kung magkano ang inilalaang badyet ng mga mag-aaral para sa
kanilang load. Ipapakita ang masamang epekto ng pagkalulong dito sa pamamagitan ng
pagbabasa at t riserts at sa tulong ng resulta ng sarbey.
Katuturan o Kahulugan ng Salitang Ginamit
Mobile phone o Cellular Phone – elektroniko at karaniwang gamit upang
mapadali ang komunikasyon sa pamamagitan ng mga cell sites.
Unlimited Promos – nangangahulugan ang “Unlimited” na walang hanggan. ito
ay maaaring walang hanngang pagtext o pagtawag. Maraming Unlimited Promos ang
maaaring pagpilian, depende sa iyong Network. Naka-depende rin ang itatagal ng
Unlimited service sa halaga na iyong ini-register.
Register – ang prosesong kinakailangan upang makapasimula sa paggamit ng
Unlimited promo. Ito ay ginagamitan ng “special keyword” na ipinapadala sa Network.
Short Message Received (SMS) - is a communication service component of
the GSM mobile communication system, using standardized communications protocols.
Ito ang nagpapahintulot ng palitan ng mga mensahe sa pagitan ng dalawang
mobile phone.
TeleCommunication – pagpadala ng “signals” upang magkaroon ng
komunikaksyon kahit na sa malayo.
Study Habits – pagbibigay ng konsentrasyon at pokus sa pag-aaral. Ito ay
nangangahulugang paglalaan ng sarili sa pag-aaral upang matuto.
KABANATA II – MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
BANYAGANG LITERATURA
Maniniwala ka ba kung sasabihing text ang lahat ng nakikita mo ngayon at pati na rin
ang hindi mo nakikita? Text ang nanay mo, mga kaibigan at kaaway mo, text ang lahat
ng taong may koneksiyon man o walang koneksiyon sa iyo. Lahat ng edipisyong nakita
mo sa tanang buhay mo, mga artistang pinanonood mo, mga kantang pinakikinggan o
kinakanta mo mismo, mga kuwento at tsismis na naririnig at ipinapasa mo, text pa rin.
Pati ikaw text. Text din ako na kasalukuyan mong binabasa. Text ang lipunan.
Samakatwid, text ang buong mundo at lahat ng nasa ibabaw nito. Paanong nangyari
ito?
Nagmula ang salitang text sa wikang Pranses na texte at sa wikang Latin na textus na
tumutukoy sa tissue, estruktura at konteksto ng isang bagay. Habang ang pormang
pandiwa nito na textere ay nangangahulugang maghabi, maghubog o magbuo. Sa
teknikal namang paggamit ng salitang textus at texte, tumutukoy ito sa nilalaman ng
anumang nailimbag at naisulat at ang porma ng anumang sinusulat o binibigkas.
Samakatwid, hindi lang tumutukoy ang salitang text sa lahat ng kahulugang bitbit ng
mga salita, senyas at simbolo kundi pati rin sa proseso ng pagbubuo at paghahabi ng
kahulugan para sa mga ito. Paano nga ba nagiging makabuluhan ang iyong
engkuwentro sa mga bagay, lugar at tao? Hindi ba’t sa proseso rin ng paghahabi at
pagbubuo ng mga kahulugan ukol sa mga ito? Kung gayon, bumubuo ka ng
pagkakaunawa sa pamamagitan ng text.
Kumakatawan sa interbensiyon ng tao na lumikha ng saysay sa pangaraw-araw na
buhay ang salitang text.
Sapagkat angkin natin ang kakanyahang maghabi ng kahulugan sa pamamagitan ng
pakikisangkot sa buhay ng ibang tao sa lipunan, nagagawa nating makabuluhan ang
ating karanasan. Nangangahulugan na sa ating pagdanas sa buhay, lagi’t lagi tayong
nagbabasa ng sitwasyon, upang matantiya kung paano poposisyon. Sa pamamagitan
ng interaksiyon, paulit-ulit na naisusulat sa aklat ng kasaysayan ng kolektibong
memorya ang istorya ng text na walang iba kundi ang kuwento natin.
Kasabay ng pagkakatayo ng pormal na edukasyon ang paggamit sa salitang text.
Ginagamit ito sa konteksto ng mga babasahin sa iba’t ibang asignatura. Ito ang
katawan ng mga tinipong akda na pumopokus sa partikular na kaalaman. Noong unang
bahagi naman ng dekada ’80, naging sikat na laro ang tex sa mga bata. Modernong
bersiyon ito ng kara-krus. Sa halip na barya, maliliit na baraha ang gamit dito.
Kadalasan, nakaguhit dito ang mga banyagang super hero at action star gaya nina
Superman, Wonderwoman at Mr. T. May kaakibat na text na nagpapakita ng thought
bubble o dialogue na hango sa ilang eksena sa kanilang mga pelikula. Inihahagis ang
mga ito at ang maging kapareho ng master card ay magkakaroon ng takdang puntos.
Ang interesante dito’y pati ang kahihinatnan ng master card ay hindi matitiyak dahil
depende pa rin sa trajectory ng pagkakahagis.
Hindi ba’t ang praktikal ng paggagap sa karanasan bilang resulta ng pamumuhay sa
lipunan ay maiuugat sa kahulugan ng salitang text? Tulad ng larong tex, walang
absolutong konstruksiyon o paghahabi ng kahulugan. Nasa proseso ng paghahabi ang
lahat, nakikipagtunggalian ang lahat para sa kahulugan. Wala itong ipinagkaiba sa
pagbabasa ng akademya sa mga nakalimbag na texto. Ang pagturing sa mga ito bilang
text ay nangangahulugang pagkilala sa pagiging madulas ng kahulugan. Sa salitang
text, nagsasanib ang pagbabasa at pagsusulat. sa parehong pagkakataon, naghahabi
at lumilikha ng kahulugan ang tao ayon sa limitasyon at posibilidad na itinatakda ng
lipunang kinapapalooban niya.
Mas matingkad ang ganitong kahulugan ng text sa kasalukuyan at pinakasikat na
paggamit sa salitang text. Ang modernong teknolohiya na ito ay napapabalitang
matagal nang ginagamit ng military. Samantala, sinimulan namang ikalakal ito sa
merkado at kinonsumo ng mga may-kayang Filipino noong huling bahagi ng dekada
’90. Sa ngayon, hindi lamang ang mga mayayaman o mga propesyonal ang nagtetext.
Maging ang kanilang mga anak at yaya nagtetext na rin. Sa kasalukuyan, maaari nang
magkaroon ng load ang isang texter sa halagang limang piso. Sa katunayan maaari na
siyang makakuha ng libreng load kung papasahan siya ng isa pang texter. Ang text ay
pangngalan at pandiwa na nagsisignify ng komunikasyon at connectivity. Texter naman
ang tawag sa taong gumagamit ng cellphone para magtext. Hinahamon nito ang
nakagawiang porma ng interaksiyon. Kaiba ang text sa sulat o telegrama dahil mas
mabilis ang sagutan dito. Iba rin ang text sa tawag dahil bukod sa mas mura at hindi
kailangang sagutin agad, dumadaan ito sa proseso ng pagsusulat na may kaibang
moda sa pormal na pagsusulat dahil pinapaikli at kung minsan, hindi na kailangan ang
salita, puwede na ang smiley.. Sa pagtetext, nawawala na ang mga katawan, bagaman
sila’y nandiyan pa rin sa larangan ng realidad na virtual. Ano ang epekto ng ganitong
fusion ng modernong teknolohiya sa pampublikong larangan at ang pribadong
pagkokonstrak ng identidad at realidad sa pamamagitan ng paggamit ng sariling
cellphone?
Maraming nagsasabi na napapabilis ng text ang pagpapakilos para iba’t ibang porma
ng pamumuhay at pakikibaka. Mula sa pakikibaka laban sa korupsiyon, imperyalismo,
pagtaas ng presyo ng langis, pakikibaka para sa mataas na budget, para sa pag-ibig at
para sa sariling career. Kapag napapabilis ang karanasan at nalalampasan nito ang
espasyo, nagiging matindi ang posiblidad ng meaning-making at life-altering moment sa
buhay ng tao.
Ang kapangyarihan ng salitang text ay nakasalalay sa kahulugan nito bilang paghahabi
o pagbubuo ng tao ng mga kategorya upang maging posible ang buhay sa lipunan. Ang
pagbubuo nating ito ay kinokondisyon din naman ng lipunan. Sa prosesong ito,
maraming kalahok na nagtutunggalian upang tanghalin bilang tumpak na kahulugan.
Mababatid na kinakatawan ng salitang text hindi lamang paghahabi ng kahulugan kundi
ang pagiging madulas ng mga ito.
BANYAGANG PAG-AARAL
Ayon sa Internasyonal na pag-aaral, dumarami sa mga kabataan ang
ipinagpapaliban ang ang mas mahahalagang gawain dahil sa promo sa pagpapadala n
mga mensahe. Nagkakaroon ng kalayaan ang bawat indibidwal na gumagamit ng
nasabing promo na magteks kahit ilang beses na gustuhin niya. Natutulak siya na
gamitin ito kahit hindi masyadong makabuluhan 0 walang saysay ang pinag-uusapan.
Nagiging dahilan ito ng pagbuo ng malalaswang konbersasyon, hindi pagkakaunawaan
at paligoy ligoy na usapan. Lumalabas din sa isang pananaliksik na dumarami din sa
kabataan ang nagpapalipas ng kanilang pagtulog tuwing gabi upang makasulit sa
pagagmit ng benipisyong natatanggap sa promong ito.Ayon naman sa Istatistika ng
Amerika, dumarami ang aksidente sa kalsada sankot ang kabataan dahil ayaw nilang
maputol ang koneksyon sa pagpapadala ng mensahe sa pamilya at mga kibigan kahit
alam nila ang maaring ibunga nito. Sa bansang Hapon naman lumalaki din ang
aksidente ng pagpapadala ng mensahe tuwing pagsusulit upang makapangdaya na
naging dahilan ng pagbabawal sa pagdadala ng Cellular phone sa loob ng paaralan.
Sa kabilang banda, nagdudulot din ito ng magandang epekto dahil nagkakaroon
ng pagkakataon na makipagkomunikasyon sa mababang halaga.
LOKAL NA LITERATURA
Dahil naging parte na ng buhay ng mga Pilipino ang pagpapadala ng mga
mensahe sa pamamagitan ng cellular phones unti-unti ding binabago nito ang
literaturang tagalog. Nagkakaraon ng pagpapalit ng mga ispeling ng mga salita upang
mapaikli at mapabilis ang gustong ipabatid sa kausap ( pnta, Mnla, dhl atbp), ang
pagsasama ng mga titik at numero upang makabuo ng salita (220, bk8, ba4 atbp),
paggamit mismo ng mga numero na may sariling kahulugan ( 143 ibig sabihin I love you
) at mga abbreviation at pagsasama ng ingles at tagalog ( @ ibig sabihin "at";WRU ibig
sabihin "Where na u?") ang ilan sa mga pagpapabagong literatura na epekto ng
pagteteks. Nadadala din ugaling ito sa pagteteks sa pagbuo ng pormal o inpormal na
pagsulat. Dumarami din ang mga balbal o gay linggo ang ginagamit ng kabataan sa
kasalakuyan.
LOKAL NA PAG-AARAL
Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil
sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahil marami silang
pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narating ng
teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong
kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng
Pilipinas. Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Ito ang isa
sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain kapag ginagamit. Marami rin
itong modelo na mas lalong naghihikayat sa mga kabataan upang bilhin at tangkilikin.
Isa sa mga features ng cellphone ay ang usong-usong text messaging. Sa ngayon kasi
ito na ang pinaka-mabilis na komunikasyon. Naipapadala sapamamagitan nito ang lahat
ng gusto mong sabihin sa iyong kausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone din ay
mayroon na ngayong multimedia. Na kung saan pati litrato ng mga tao ay pwede na rin
maipadala sa kausap nito. Talagang marami nang magagawa ngayon kapag mayroon
kang cellphone. Lalo na ngayon na kung anu-ano ang mga nauuso na features ng mga
lumalabas na mga bagong modelo nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live
mong mapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saan all in
one cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono sa iisang modelo. At
video phone na kung saan magagamit mo ito na parang video camera. Ito ang mga
ilang positibong bagay na naidudulot ng pagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din
naming negatibo itong dala sa bawat isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay ngayon,
nagiging dahilan o mitsa na ng buhay natin ang cellphone. Marami na kasi ang
mandurukot na gagawin ang lahat makuha lang ang kagamitan na ito. Madali kasing
mabenta. Isa pa sa mga negatibong bagay ay ang pagkasira ng kinabukasan ng mga
kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang halos lahat ng oras nila na sana’y sa
pag-aaral na lang. ginagamit kasi ang cellphone sa hindi mabuting paraan kagaya na
lamang ng panliligaw. Madali kasi na paraan ang naidudulot nang paggamit ng
cellphone. May mga promo din ang mga “networks” ngayon, ito ang “Unlimited Texting”
kung saan ay makapagpapadala ng maraming mensahe sa kokonting halaga. Ngayon
pinipiling pagtuunan ng pansin ng kabataan ang paggamit ng mga “promo” na ito kaysa
ang mga libro sa eskwela.
Napakahalaga ng pag-aaral na ito sapagkat marami sa kabataan ngayon ay
may mababang marka at isa sa mga pangunahing dahil ay nababaling ang kanilang
atensyon at oras sa pagtetext imbis sa pag-aaral. Dati ay sinasabing ang edukasyon
lamang ang hindi mananakaw sa isang tao. Ngunit sa pagsulpot ng mga ganitong
“promos”, hindi ba’t ninanakaw na nito ang oras na dapat sana’y sa edukasyon
nakalaan?
KABATANA III – PAMAMARAANG GINAMIT
Ipinakikita sa kabanatang ito ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik, populasyon at bilang ng
mga respondent, paraan ng pagpili at deskripsyon ng mga kalahok, pangangalap ng mga datos at ang
estadiktikang ginamit bilang tugon sa maturing pag-aaral.
PAMAMARAANG GINAMIT
Ginamit ng mga mananaliksik ang paraang deskriptibo kung saan inilarawan ang mga nakalap na
datos hinggil sa mga positibo at negatibong epekto ng Unlimited Texting promos sa study habits ng mga
mag-aaral ng BSECE sa Unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
RESPONDENTE NG PAG-AARAL
Isandaan sa dalawang daan at dalawampu’t limang mag-aaral ng kursong BSECE sa unang taon
ang masusing pinili ng mga mananaliksik bilang respondent ng kanilang isinagawang pag-aaral. Ang mga
ito ay itinatayang nasa labing-anim hanggang labing-walong taong gulang at nasa taong panuruan 2009-
2010 sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sa pagpili ng mga kalahok, binigyang-halaga ng mga
mananaliksik ang mga posibleng oras at panahon na maaari silang makipagkomyunikeyt sa kanilang mga
napiling respondent. Napili ng mga mananaliksik ang “random sampling method” bilang paraan ng
pagpili dahil naniniwala ang mga ito na mas magiging madali at simple ang ganitong proseso sa pagkalap
ng mga impormasyon at kasagutan sa mga katanungang kanilang inihanda.
PANGANGALAP NG DATOS
Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa, Maynila sa
kadahilanang narito ang mga napiling respondent ng pananaliksik. Pinili ng mga mananaliksik ang
nasabing lugar upang magkaroon ng kasagutan sa kanilang mga katanungan at makakalap ng mga
impormasyon na may kinalaman sa mga epekto ng Unlimited Texting sa study habits ng mga mag-aaral.
Sa pangangalap ng impormasyon, naghanda ang mga mananaliksik ng mga talatanungan o
“survey questionnaires” na kanilang ipinamahagi sa mga respondent.
URI NG ESTADISTIKA
Bilang pagbibigay interpretasyon sa mga kasagutang ibinigay ng mga respondent, narito ang
pormula sa pagkuha ng total percentage na ginamit ng mga mananaliksik sa pagpapahalaga sa mga
nakalap na datos:
P=f/N x 100
Kung saan: P= bahagdan(%)
f=frikwensi
N= kabuuang bilang ng mga respondente