diskurso
DESCRIPTION
okiesTRANSCRIPT
DISKURSO, DEPINISYON AT
KATANGIAN
Diskurso
Ang diskuro ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon katulad ng kumbersasyon (Conversation)
-Webster Isang pormal at sistematikong
eksaminasyon ng isang paksa.
Isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa.
Marami ang pagkakaiba ng diskursong pasalita at pasulat.
Mahalagang taglayin ng isang partisipant ang mga ss. :
A. Komunikatib Kompitens
B. Linggwistik Kompitens
Ayon kay Noam Chomsky ang KOMUNIKATIB KOMPITENS ay ang abilidad ng isang ispiker upang piliin ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal..
Ayon kay Lyle Bachman may dalawang konseptong kaugnay ang kahusayang komunikatibo:
A. Tekstwal Kompitens
Abilidad sumulat ng may kohisyon at organisasyon.
B. Iluksyonari kompitens
abilidad na magamit ang wika para sa ideation, manipulasyon at imahinasyon.
Linggwistik Kompitens
Mental grammar ng isang indibidwal, ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika.
Ayon kay Bachman maari ding tawaging gramatikal kompitens.
KONTEKSTO NG DISKURSO Ito ang partikular na kumbinasyon ng
mga taong bumubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
HALIMBAWA:
A. Kontekstong Interpersonal
usapang magkaibigan.
B. Kontekstong Panggrupo
pulong ng pamunuan ng isang samahan
C. Kontekstong Pang-organisasyon
memorandum ng pangulo ng isang pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado.
D. Kontekstong Pang-masa
Pagtatalumpati ng isang pulitiko
E. Kontekstong Interkultural
Pagpupulong ng mga pinuno ng ASEAN
F. Kontekstong Pangkasarian
Usapan ng mag-asawa
TEORYA NG DISKURSO
SPEECH ACT THEORY
Batay sa libro ni J.L Austin na “How to Do Things with Words”.
Ang yunit ng komunikasyong linggiwistik ay hindi simbulo, salita o pangungusap kundi produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap.
ETHNOGRAPHY OF COMMUNICATION
Pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, pattern at tungkulin ng pagsasalita.
COMMUNICATION ACCOMODATION THEORY
Naniniwalang sa komunikasyon, ang tao ay nagtatangkang iakomodeyt o i-adjust ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.
NARRATIVE PARADIGM
Naglalarawan ng sa tao bilang Story telling animals
Hinuhusgahan ang isang ispiker batay sa kohirens at fidelity ng kanilang istorya.
Komunikasyon
Webster
Akto ng pagpapahayag ng ideya sa pasalita o pasulat na paraan.
Greene at Petty
Isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon